You are on page 1of 9

Pamantasan ng Bikol

Kampus ng Tabaco
Lungsod Tabaco

GABAY KURSO SA FIL. 22


(Sosyedad at Literatura/ Panitikang Panlipunan (SosLit))

Masayang bati sa Kursong Sosyedad at Literatura/ Panitikang Panlipunan (SosLit).


Pagbati dahil maluwalhating natapos ninyo ang Unang Semestre sa Una/ Ikalawang Taon sa
Kolehiyo. Ngayon ang kursong ito ay nauukol sa pag-aaral at paglikha ng Panitikang Filipino.

Ang kagamitang ito ay magsisilbing gabay mo upang matagumpay na matapos ang


kursong ito. Basahin ang kagamitan bago magsimula ng anumang gawain sapagkat
binabalangkas nito ang lahat ng impormasyon at pangangailangan upang maisakatuparan mo
nang matagumpay ang kurso.

1. PANIMULA NG KURSO
Ang Fil.22 – Sosyedad at Literatura/ Panitikang Panlipunan ay 3 yunit na asignatura
para sa Ikalawang Semestre o Ikalawang Taon ng anumang kurso. Ito ay isa sa mga Bagong
General Education Course (GEC) na asignatura ayon sa Commission on Higher Education
(CHED) Memorandum Order no. 57, serye ng 2017. Ito’y sumasaklaw sa mga suliraning

Impormasyon sa Kurso
Course Code and Title: Fil. 22 – Sosyedad at Literatura/ Panitikang Panlipunan
Course Pre-requisite: Wala
Number of Units: 3 yunit
Course Placement: Una/ Ikalawang Taon
Semester/Term: Ikalawang Semestre, SY 2021-2022

On-Site-Schedule: Lunes- Sabado

BSSW I - 5:30-7:00 n.h. (Lunes/Martes)


BSN 2-A – 5:30-7:00 n.h. (Miyerkoles)
BSN 2-A & B – 5:30-7:00 n.h. (Huwebes)
BSN 2- B – 5:30- 7:00 n. h. (Biyernes)
BS Entrep I- 8:00-11:00 n.u. (Sabado)
BSEd Sci 2 – 1:00- 4:00 n.h. (Sabado)

Online Course Site: http://lms.bicol-u.edu.ph/course/view.ph


Pamantasan ng Bikol
Kampus ng Tabaco
Lungsod Tabaco

panlipunan gamit ang mga akdang pampanitikan, dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad
at ng panitikan ng kapaki-pakinabang na sanggunian sa panunuring pampanitikan.

2. LAYUNIN NG KURSO
Tunguhin ng kursong ito na mapag-aralan ang Panitikang Filipino na nakatuon sa umiiral
na kabuluhang panlipunan ng mga akdang pampanitikan sa iba’t ibang bahagi ng kasaysayan
ng bansang Pilipinas. Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ang sumusunod:

a. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan ng


mga makabuluhang akdang pampanitikan;
b. Matukoy ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan na may kabuluhang
panlipunan;
c. Maibuod ang mahahalagang pangyayari at /o kaisipan sa akdang binasa;
d. Makasulat ng akademikong papel na nagsusuri sa kabuluhang panlipunan ng isang
akdang pampanitikan;
e. Makasulat ng sariling akdang pampanitikan na tumatalakay sa isang suliraning
panlipunan;
f. Mapahalagahang ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan;
g. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika ng panitikang
pambansa na nakaugat sa realidad ng buhay at mga pangarap ng mga mamamayang
Pilipino.

3. MGA TARGET NA MAG-AARAL AT MGA PREREQUISITE


Katulad ng nakasaad sa introduksyon ng kurso, ang mga target na mag-aaral para sa
kursong ito ay mga mag-aaral na nasa una/ ikalawang taon sa kolehiyo. Bago kunin ang
kursong ito, ikaw ay inaasahang may kaalaman na sa mga paksang may kaugnayan sa
Panitikang Filipino na nauna nang tinalakay sa hayskul.

4. PARAAN NG PAGTUTURO

Sa ngayong semestre, napag-alaman ng Pamantasan na mayroong tatlong uri ng mag-


aaral:

A. Mga mag-aaral na mayroong malakas na koneksyon sa internet (makakalahok sa mga


online na talakayan);
B. Mahina hanggang sapat lang na koneksyon sa internet (makakalahok pag meron lang
sapat na koneksyon sa internet); at
C. Walang koneksyon sa internet
Pamantasan ng Bikol
Kampus ng Tabaco
Lungsod Tabaco

Ipinapakita sa ibaba ang magiging paraan ng pagtuturo sa bawat klase ng mag-aaral:

Uri ng Mag- Paraan para magkaroon ng access sa Paraan ng pagpasa ng


aaral mga Kagamitang Pampagkatuto gawain at awtput
 Lahat ng kagamitan ay makukuha sa
online course site (BU LMS)
Ipapasa ang awtput sa
A  Pwedeng mag-konsulta online at
course site (BU-LMS)
synchronous sa skedyul na oras.
 pakikilahok sa online na talakayan
 Lahat ng kagamitan ay makukuha Ipapasa ang awtput sa
online course site (BU LMS) course site (BU-LMS) sa
 Pwedeng mag-konsulta online oras na may koneksyon sa
B
(asynchronous) internet ang mag-aaral sa
 Makilahok sa online na loob ng nakalaan na petsa
talakayan(asynchronous) ng pagpasa.
 Lahat ng kagamitan ay nakalimbag.
Maaaring makuha sa pamamagitan ng:
1. FB Msgr
Ipapasa ang awtput sa
2. Email
C paraan ng: (a) FB Msgr o
 Pwede magkonsulta sa text, chat o
(b) Email
tumawag
 Hindi ini-obliga na makilahok sa mga
talakayan.
Tandaan: Kailangang masabihan ang professor sa unang linggo ng klase kung anong
paraan ng pagtuturo ang ninanais.

5. ISTRUKTURA AT ISKEDYUL NG KURSO


Ang kursong ito ay hinati sa walong (8) paksa na siyang kailangan tapusin sa itinakdang
oras/linggo upang mas lalong matiyak ang pagkatuto. Bawat paksa ay may nakalaang modyul
kasama ang mga lektyur (online at offline), sipi ng mga akdang pampanitikan
(na maaaring i-download), pagtataya, at iba pang gawain pang-akademiko. Ang bawat mag-
aaral ay inaasahang matatapos ang buong walong paksa at makapagsumite ng mga
kinakailangang awtput sa loob ng itinakdang oras. Ang talahanayan sa ibaba ang siyang
magsisilbing sanggunian ng mga gawain sa kursong ito sa buong semestre.

Lingo Paksa Mga Gawain


Linggo 1 MODYUL 1:  Basahin ang Course Guide
Pamantasan ng Bikol
Kampus ng Tabaco
Lungsod Tabaco

Misyon, Bisyon at  Pagpapakilala sa sarili


Tunguhin ng  Oryentasyon at Pamilyarisasyon ng course
Pamantasan at site
Kolehiyo  Pakikilahok sa talakayan
(Enero 17-21, 2022)
Deskripsyon,
layunin at
nilalaman ng kurso

MODYUL 2 at 3:  Pagbabalik-aral sa nakaraang paksa


Linggo 2-3 Batayang  Pakikilahok sa talakayan
(Enero 24- Pebrero Kaalaman sa  Pagbasa sa sipi ng akda/hand-outs
4, 2022) Panunuring  Pagbibigay ng sariling lagom sa paksa
Pampanitikan  Pagsagot sa pagsusulit/tanong
 Pagbabalik-aral sa nakaraang paksa
 Pakikilahok sa talakayan
MODYUL 4 at 5:
Linggo 4-5  Pagbasa sa sipi ng akdang pampanitikan
Panitikan hinggil sa
(Pebrero 7-18, 2022)  Pagbubuod sa akdang binasa
Kahirapan
 Pagbibigay ng sariling lagom sa paksa
 Pagsulat ng sariling akdang pampanitikan
 Pagsumite ng awput hinggil nakaraang
MODYUL 6,7, at 8: talakayan
Panitikan Hinggil  Pagbabalik-aral sa nakaraang paksa
Linggo 6-8 sa Karapatang  Pakikilahok sa talakayan
(Pebreo 21- Marso 4, Pantao  Pagbasa sa sipi ng akdang pampanitikan
2022)  Pagbubuod sa akdang binasa
Panggitnang  Pagbibigay ng sariling lagom sa paksa
Pagsusulit  Pagsulat ng sariling akdang pampanitikan
 Pagsagot sa panggitnang pagsusulit
 Pagsumite ng awput hinggil nakaraang
MODYUL 9 at 10: talakayan
Panitikang Hinggil  Pagbabalik-aral sa nakaraang paksa
Linggo 9-10 sa Isyung  Pakikilahok sa talakayan
(Marso 7-18, 2022) Pangmanggagawa,  Pagbasa sa sipi ng akdang pampanitikan
Pangmagsasaka,  Pagbubuod sa akdang binasa
at Pambansa  Pagbibigay ng sariling lagom sa paksa
 Pagsulat ng sariling akdang pampanitikan
Linggo 11-12 MODYUL 11 at 12:  Pagsumite ng awput hinggil nakaraang
(Marso 21- Abril 1, Panitikan Hinggil
Pamantasan ng Bikol
Kampus ng Tabaco
Lungsod Tabaco

talakayan
 Pagbabalik-aral sa nakaraang paksa
 Pakikilahok sa talakayan
sa Isyung
2022)  Pagbasa sa sipi ng akdang pampanitikan
Pangkasarian
 Pagbubuod sa akdang binasa
 Pagbibigay ng sariling lagom sa paksa
 Pagsulat ng sariling akdang pampanitikan
 Pagsumite ng awput hinggil nakaraang
talakayan
MODYUL 13 at 14:  Pagbabalik-aral sa nakaraang paksa
Linggo 13-14 Panitikan hinggil sa  Pakikilahok sa talakayan
(Abril 4-15, 2022) Sitwasyon ng mga  Pagbasa sa sipi ng akdang pampanitikan
Pangkat Minorya  Pagbubuod sa akdang binasa
 Pagbibigay ng sariling lagom sa paksa
 Pagsulat ng sariling akdang pampanitikan
 Pagsumite ng awput hinggil nakaraang
talakayan
 Pagbabalik-aral sa nakaraang paksa
 Pakikilahok sa talakayan
MODYUL 15 at 16:
Linggo 15-16  Pagbasa sa sipi ng akdang pampanitikan
Panitikan hinggil sa
(Abril 18-29, 2022)  Pagbubuod sa akdang binasa
Migrasyon
 Pagbibigay ng sariling lagom sa paksa
 Pagsulat ng sariling akdang pampanitikan
 Pagsasagawa ng interbyu sa mga migrante na
may kaugnayan sa kursong kinukuha
MODYUL 17:  Pakikilahok sa talakayan/Worksyap
Linggo 17-18 Pagsulat ng unang  Pagbibigay ng sariling lagom sa paksa
(Mayo 2-13, 2022) borador ng  Pagsulat ng sariling akdang pampanitikan
susulating akda
Mayo 21-24, 2 Pinal na Pagsusulit  Pagsagot sa pinal na pagsusulit
Tandaan: Nahahati sa dalawa (2) hanggang tatlong (3) linggo ang bawat paksa sapagkat nakapaloob
dito ang mga akdang pampanitikan na kailangang talakayin.

6. MGA KINAKAILANGAN SA KURSO/MGA GAWAING PAGTATAYA


Ang panggitna at pinal na pagtataya ay nakabatay sa sumusunod:
 Una ay Indibidwal na Pag-uulat, ang bawat isa ay may iskedyul ng pag-ulat at may
nakatalagang paksa. Ang pag-uulat ay gagawin via online (Google
Meet/Facebook/Messenger/Zoom) ayon sa napagkasunduang platform;
Pamantasan ng Bikol
Kampus ng Tabaco
Lungsod Tabaco

 Pangalawa ay mga inaasahang awtput na ipapasa at presentasyong itatanghal sa klase


via online ayon sa napagkasunduang platform.
 Pangatlo ay Mahabang Pagsusulit, isa sa Midterm (Marso 17-19, 2022) at isa sa Finals
(Mayo 21-24, 2022). Ang saklaw ng pagsusulit ay pag-uusapan sa unang araw ng bawat
term at maaaring i-access sa site ng ating kurso; at
 Pang-apat ay Pangunahing Pagsusulit (Panggitna at Pinal na Pagsusulit). Ang
Panggitnang Pagsusulit ay nakatalaga sa Marso 17-19, 2022 at Mayo 21-24, 2022
naman para sa Pinal na Pagsusulit. Ito ay isasagawa online. Ang susunod na mga
detalye ay tatalakayin sa ating klase at maaaring i-access sa site ng ating kurso.

Gagamitin ang rubriks para sa pagtataya ng inyong mga awtput kung kinakailangan.
Maaari itong i-access sa mismong course site.

7. SISTEMA NG PAGMAMARKA
Panggitnang Pagmamarka
Pasalita/Pasulat na Pagsusulit - 20%
Interaksyon/ Performance sa Klase - 30%
Proyekto - 20%
Panggitna/Pinal na Pagsusulit - 30%
_____________
Kabuoan 100%

Tentatibong Pinal na Marka


Pasalita/Pasulat na Pagsusulit - 20%
Interaksyon/ Performance sa Klase - 30%
Proyekto - 20%
Panggitna/Pinal na Pagsusulit - 30%
_____________
Kabuoan 100%

Pinal na Marka
Panggitnang Marka (.33) + Tentatibong Pinal na Marka (.67) = Pinal na Marka

8. MGA KAGAMITANG PAMPAGKATUTO


Mahirap matamo ang tiyak na pagkatuto, kung kaya’t sa kursong ito inihanda at inilaan
para sa iyo ang mga kagamitan na maaaring ma-access sa mismong course site. Ito ang
magsisilbing gabay upang lubos na maunawaan ang bawat paksa.
Pamantasan ng Bikol
Kampus ng Tabaco
Lungsod Tabaco

Gayun pa man, para sa iba na mahina o walang internet connection kayo ay pinapayuhang
mag-connect sa WIFI ng pamantasan upang madownload ang mga sumusunod na kagamitan:
Modyul
Ito ay inihanda sa bawat paksa na ituturo at nai-upload sa mismong course site.
Nakapaloob sa mga modyul ang sarili nitong manwal, mga pagsusulit, at iba pang gawain
hinggil sa paksa. Ikaw ay pinapayuhang basahin ang buong modyul upang masagot ang lahat
ng pasusulit. at maisumite lahat ng mga gawain sa itinakdang oras.
Kopya ng mga Panayam at Video Presentation
Ang mga panayam na ito ay karagdagang kagamitan upang maunawaan ang bawat
paksa. Ito ay mga recorded video/podcast ng iba’t ibang mga tagapanayam na tinatalakay ang
hinggil sa mga paksang nakapaloob sa kurso. Kasama rin dito ang iba’t ibang mga video
presentation, clips at tutorials na maaaring maging kasangkapan sa pagkatuto at pagtamo ng
mga espisipikong kasanayan.
Mga Sipi ng Akdang Pampanitikan
Kasama sa modyul ang mga gawaing pagbabasa, kung kaya’t ikaw ay hinihimok na
basahin ang mga siping ito nang may pag-unawa’t paglilimi upang makagawa ng lagom o buod,
pag-aanalisa, pagsusuri, at bagong konsepto tungo sa pagkatuto.

9. MGA SANGGUNIAN
Narito ang mga mungkahing sanggunian sa kursong ito. Nahahati ito sa tatlong (3) uri
subalit alinman sa tatlong ito ay maaaring gamitin. Para sa kabuoang talaan ng mga
sanggunian tingnan ang silabus.
Pangunahing Sanggunian:

1. Bernales, Rolando A., et.al, Sosyedad at Literatura/ Panitikang Panlipunan.


Mutya Publishing House, Malabon City
2. Almario, V. Muling-Pagkatha sa Ating Bansa: O Bakit Pinakamahabang Tulay
sa Buong mundo Ang tulay Calumpit
3. Buenaventura, Lumbera. (2000).Writing the Nation/Pag-akda ng Bansa.Quezon
City.University of the Philippines Press.
4. Buenventura, Lumbera et.al.Paano Magbasa ng Panitikang Filipino: Mga
Babasahing Pangkolehiyo. Quezon City.University of the Philippines Press.
Pamantasan ng Bikol
Kampus ng Tabaco
Lungsod Tabaco

5. Chua, A.B. Simulain: Dulambayan ng Manggagawa sa Konteksto ng Militanteng


Kilusang Unyonismo, 1980-1994E. Acosta. Pitong Sundang: Mga Tula at Awit

Pantulong na Sanggunian:

1. De Jesus, J.C. (inedit ni M. Atienza) Bayan Ko: Mga tulang ng pulitika at


Pakikisangkot
2. Guillermo, G. Muog: Ang Naratibo Ng Kanayunan Sa Matagalang Digmaang
Bayan Sa Pilipinas.
3. Santiago, L. Sa Ngala ng Ina: Sandaang Taon ng Tulang Feminista sa Pilipinas,
1889-1989
4. Sison, J.M. Revolutionary Literature and Art in the Philippines, From the 1960s
to the Present

Mga Website:
1. Ordoñez, R. L. (2016, April 2). Pluma at Papel. Nakuha noong July 21, 2020, sa
https://plumaatpapel.wordpress.com/
2. Oliveros, B. (Ed.). (2001, February). Bulatlat Poetry Archives. Retrieved July 21,
2020, from https://www.bulatlat.com/category/poetry/
3. Carlos Palanca Memorial Awards Winning Works. (n.d.). Retrieved July 21,
2020, from https://www.palancaawards.com.ph/index.php/winning-works

10. IBA PANG MGA ALITUNTUNIN/NETIQUETTE


Sa ating pagsisimula sa kurso, nais kong ibahagi ang ilan sa mga alituntunin na
kinakailangan nating isaalang-alang habang tayo ay natututo nang sama-sama:
 Una, sundin ang Honor Code. Nangangahulugan na kayo ay inaasahang
HINDI gagawa ng anomang paraan ng pandaraya at panggagaya sa lahat ng
gawaing pangklase;
Pamantasan ng Bikol
Kampus ng Tabaco
Lungsod Tabaco

 Pangalawa, ang anomang anyo ng ‘bullying’ ay hindi pinahihintulutan. Sa


paglahok sa mga talakayan, kayo ay inaasahang magpapamalas ng
paggalang sa isa’t isa, at
 Panghuli, inaasahang kayo ay mananatiling may ugnayan sa mga
kagamitang pampagkatuto, sa akin at sa inyong mga kamag-aral sa
anomang oras na kinakailangan.

Para sa kabuoang listahan ng ‘Class Policies and Guidelines’, maaaring sumangguni sa


silabus ng ating kurso.

11. Propayl ng Propesor

Maaaring makipag-ugnayan sa propesor gamit ang mga impormasyon sa ibaba.


Ikatutuwa ko ang makatulong sa inyong patuloy na pagdukal ng karunungan.

Pangalan: LINDA CERDIÑO -BRUTO, MAED


Tanggapan: Departamento ng Filipino- BSN/ BSSW/ BSED/ BS Entrep
Impormasyon para makontak:
CP No.: 09458057333
Email: lcbruto@bicol-u.edu.ph
FB: JCI Dha BC
Iskedyul:
On-Site-Schedule: Lunes – Biyernes (5:30- 7:00n.h.)
Sabado- (8:00-5:00 n. h.)

Online Course Site: http://lms.bicol-u.edu.ph/course/view.ph

*Harapang konsultasyon ay maaaring makipag-ugnayan muna sa propesor para


maisaayos ang pagtakda ng iskedyul. Ang kaligtasan at kalusugang alituntunin ay mahigpit na
ipatutupad.

You might also like