You are on page 1of 3

SI JONAS AT ANG MALAKING ISDA

Monday, 14 February 2022


9:19 pm
Nanay: Anna! Anna! Pwede ba kitang mautusan sandali, napansin ko ngayon lang na wala na pala
tayong bigas, pwede ba kitang utusan na bumili ng isang kilong bigas kay Aling Tina?

Bata 1: Nay naman, nagtitiktok pa ko.

Nanay: Eh ikaw Nene, ikaw na nga lang ang bumili sa tindahan.

Bata 2: Nay, mamaya na, may usapan kami ng mga kalaro ko na ngayon na kami maglalaro.

Nanay: Hay nako, kayong mga bata, sa tingin niyo ba natutuwa ako sa asal na ipinapakita ninyo? Sa
tingin n'yo ba natutuwa ang Diyos sa nakikita nya na pagsuway ninyo kahit sa mga simpleng utos?

Halika kayo, itigil niyo muna ang ginagawa ninyo, may ikukwento ako sa inyo na tiyak ay kapupulutan
ninyo ng Aral.

Bata: Ano po iyon nanay?

Nanay: Ito ang Kwento ni Jonas at ang malaking isda na hango sa Bibliya. Isang kwento patungkol sa
kahalagahan ng pag-sunod sa mga utos at kaparusahan sa pagsuway.

Oh kayo mga bata na nanonood, samahan ninyo kami sa pag-aaral ng salita ng Diyos ha! Nako, tiyak
na mag-eenjoy kayo at marami kayong matututunan.

Pero bago tayo magsimula, tayo muna ay manalangin.


*prayer*

-----------------------------------------------------
*STORY BEGINS*
Maraming taon na ang nakalipas, may isang tao na pinangalanang Jonas na nakatira sa lupain ng Israel.
-----------------------------------------
Si Jonas ay isang propeta-- isang mensahero ng Diyos.
----------------------------------------
Isang araw, sinabi ng Diyos sa kanya na pumunta sa Ninive, ang pinaka-malaki at pinaka-malakas na
lungsod sa mundo.

Kailangang bigyang babala ni Jonas ang lahat ng mga tao doon. Alam kasi ng Diyos ang mga kasamaang
ginagawa nila.
--------------------------------------
Sa tingin ninyo? Susunod kaya si Jonas sa utos ng Diyos?
-------------------------------------
Hindi sumunod si Jonas sa Diyos. Sa halip na pumunta ng Ninive, si Jonas ay sumakay sa isang barko
patungo sa kabilang direksyon, sa lugar na tinatawag na Tarshish.
------------------------------------
Naku, itong si Jonas ay hindi rin marunong sumunod, matigas ang ulo, nakakarelate na ba kayo mga
bata? Hmmmm…
-----------------------------------
Habang naglalayag ang barko na sinasakyan ni Jonas kasama ang ilang mga marino ay nagpadala ang
Diyos ng isang malaking bagyo! Natakot ang mga marino na masira ang barko at ito ay lumubog.

Lumakas nang Lumakas ang bagyo. Ang mga marino ay humingi ng tulong sa kani-kanilang diyos.
Nagtapon din sila ng mga karga o mga gamit upang gumaan ang barko. Ngunit, hindi ito nakatulong.

--------------------------------------
Nakita niyo na mga bata? Nagpadala ng malaking bagyo ang Diyos dahil hindi siya natutuwa sa
pagsuway na ginawa ni Jonas. Takasan man niya ang Diyos, nakikita pa rin siya nito. Kayo? Gusto
niyo rin ba na maranasan ang galit ng Diyos? Marahil ay hindi kaya kayo, matuto tayong sumunod sa
mga utos ng ating mga magulang!
--------------------------------------
Si Jonas lang ang taong hindi nananalangin . Sa halip, siya ay natutulog. Nakita siya ng kapitan ng barko.
"Anong ginagawa mo at natutuog ka?Tumayo ka!Manalangin ka sa iyong Diyos, maaaring maiisip tayo
ng iyong Diyos at maligtas niya tayo!

Ang mga marino ay nagpasya na ang kanilang problema ay may kinalaman kay Jonas. Sinabi ni Jonas na
tinakasan niya ang Diyos.
"Ang bagyong ito ay dahil sa akin, tinakasan ko ang aking Diyos, hindi ko sinunod ang kaniyang ipinag--
uutos!"

Tinanong ng mga marino


"Ano ang dapat naming gawin sa iyo upang ang dagat ay maging payapa?"

"I hagis ninyo ako sa dagat at papayapa ito. Alam kong ako ang dahilan kaya nagkaroon ng ganito kalakas
na bagyo." wika ni Jonas

---------------------------------
Hindi nais ng mga marino na itapon si Jonas, kya't ipinilit nilang itabi ang barko. Ngunit ito ay hindi nila
magawa. Mayroon silang isa lamang bagay na dapat gawin.

Nanalangin sila ng kapatawaran at inihagis ng mga marino si Jonas sa dagat. Nang maglaho sa alon si
Jonas, ang dagat at muling naging payapa. Mas natakot ang mga marino sa biglang pagbabago ng
panahon kaysa sa nakaraang bagyo.

Naisip nila na ang Diyos lamang ang makakagawa nito. Sa takot at paghanga, nanampalataya ang mga
marino sa Diyos.
--------------------------------
Ayan mga bata, itinapon nila si Jonas sa dagat, ano kayang mangyayari kay Jonas? Malulunod kaya
siya?
------------------------------------
Samantala, may isang pangyayari na hindi akalain nng mensaherong matigas ang ulo. Nang lumubog si
Jonas sa kailaliman ng dagat, alam niyang wala ng makakatulong sa kanya. Maaaring siya ay malunod,
ngunit may ibang plano ang Diyos.

Ang Diyos ay naghanda ng isang malaking isda na lulunok kay Jonas. At ang isda ay nasa tamang oras!
Nilunok siya ng isda at doon ay nanatili ng tatlong araw. Nagkaroon siya ng maraming oras upang mag-
isip at manalangin.

"Panginoon, patawin ninyo ako sa aking nagawang kasalanan at pagsuway, tulungan ninyo ako at
pangakong susunod sa iyo"

Pagkatapos ng tatlong araw, iniluwa na siya ng isda at inutusan muli siya ng Diyos na magpunta sa Ninive
at mangaral ng Salita ng Diyos. Binalalaan niya ang mga taga ninive na kung hindi sila magsisisi ay
gugunawin ng Diyos ang ninive.

Mula noon, nakinig ang mga taga ninive, sila ay nagsisi sa kanilang mga kasalanan. Sila ay pinatawad ng
Diyos.
-----------------------------------------
At doon nagwawakas ang kwento ni JONAS AT ANG MALAKING ISDA.

Nakita natin kung paano nagalit ang Diyos, ngunit nakita rin natin kung paano siya magpatawad sa
mga taong nagkakasala. Mabuti ang Diyos at mararanasan natin ang pagpapatawad niya kung tayo
ay mananalangin, magsisisi at susunod lamang sa mga utos niya.

Kaya mga bata, palagi ninyong tatandaan na mahalaga ang pag-sunod unang -una sa Diyos at
pangalawa sa ating mga magulang o tagapangalaga. Ang mga utos nila ay makakapagdulot sa atin
ng magandang kinabuksanan at hindi kapahamakan.

______________________________
Nanay: Oh nakinig ba kayo ng Mabuti? Nakita niyo na ba ang kahalagaan ng pag-sunod?

Mga bata: Opo nanay, susunod na po dahil natutuwa ang Diyos kapag kami ay sumusunod at nagagalit
naman kapag sumusuway.

You might also like