You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAPAPAHALAGA 10 – Q2, M9

Pangalan: CANABATUAN, PETER MARC A. Grado/Seksyon: 10 – AMETHYST Petsa ng Pagpasa: 01/31/22

TUKLASIN

Noong ako ay isang maliit na bata pa lamang ay pumunta kami ng aking nakakatandang kapatid sa mall.
Napakadaming tao noon at pumunta kami sa isang palaruan. Naglaro kami ng aking kapatid hanggang sa naubusan na
kami ng token kaya naman ay umalis ang aking kapatid at iniwan ako sa pinaglalaruan namin para bumili muli ng token.
Sa sobrang tagal niyang bumalik ay napa – isip ako kung mag – aantay na lang ba ako sa kaniya o hahanapin ko siya
mismo. Ang napili kong desisyon ay hanapin siya sapagkat akala ko iniwan na niya ako hanggang sa naligaw ako at hindi
na alam kong saan ako patungo.

a. Nahirapan ako sapagkat kung hindi ako aalis para hanapin siya ay hindi kami magkikita dahil akala ko talaga ay
iniwan niya na ako kung maghihintay naman ako sa kaniya ay hindi ako mapapakali kung babalik pa ba siya.
b. Ang ginawa ko ay pumunta ako sa guard at sinabi ko na hinahanap ko kapatid ko at ang ginawa ng guard ay
ipinagbigay alam niya ito sa itaas upang i – announce na nawawala ako at kung saan ako pwedeng puntahan ng
kapatid ko.
c. Ginawa ko ito dahil sa pag – aakalang iniwan na ako ng aking kapatid.
d. Ang kinalabasan ng aking ginawang pasiya ay nagtagpo naman kami muli ng aking kapatid ngunit ang pag – alis
ko kung saan niya ako iniwan ay isang maling desisyon dahil maaari akong mapahamak, at pag – uwi namin sa
bahay ay pinagalitan ako at pinagsabihan.

LINANGIN

Sitwasyon A

Lilikas ako sapagkat mas importante ang buhay ng isang tao kaysa sa mga materyal na bagay. Nakakasiguro
naman ako na maiintindihan ng aking ina ang aking desisyon at kung nandon siya sa kasagsagan ng ulan ay gayundin ang
kaniyang pasiya. Ang mga materyal na bagay ay puwedeng palitan ng bago pero ang buhay ng isang tao ay hindi
mapapalitan kung ito man ay mawala.

Sitwasyon B

Bilang kaibigan hindi ko kukusintihin ang ginawang kamalian ng aking kaibigan kahit ikakagalit man niya ito.
Kahit mayaman na ang aking kaklase na nawalan ng pera ay dapat pa rin nito isauli sapagkat hindi ito sa kaniya. Kung
ano man ang rason ng aking kaibigan sa pagnakaw niya ng pera ay hindi pa rin ito sapat na kunin ang hindi kaniya. Sa
halip ay pwede naman siyang humingi ng tulong o humanap ng pagkakautangan upang pagtakpan ang pera na nagastos
niya sa kaniyang matrikula.

Sitwasyon C

Ipagtatanggol ko ang aking sarili sapagkat hindi ko ito kasalanan. Hindi importante na paniwalaan ako ng aking
guro dahil gusto ko lang ipakita sa sarili ko na kaya kung ipangtanggol ang aking sarili. Hindi ko kayang manahimik at
pagalitan na lamang sa kasalanan na hindi ko naman ginawa.

a. Natuklasan ko na kaya kong ipaglaban, ipagtanggol, at gawin ang kung ano ang tama sa lahat ng sitwasyon.
b. Ang dapat na pasiya ng mga taong nabanggit sa tatlong sitwasyon ay yung tama para sa lahat.
c. Maaari itong magdulot ng kapahamakan sa ibang tao at maging sa sarili.
d. Nakakatulong ang pagkakaroon ng maingat na panghuhusga sa pagbuo ng tama at mabuting desisyon at
magandang resulta.

PASULIT

1. Dapat natin harapin palagi ang ating problema upang masolusyunan ito at hindi na magtagal. Nagpapakita rin ito
ng pagiging matatag sapagkat kaya nating tanggapin kung ano man ang kahihinatnan sa pagharap ng ating
problema.
2. Sa pagharap natin sa ating mga problema ang kaakibat nito ay aral. Kung mawawala lang sa isang pitik ng darili
ang aking mga problema wala akong aral na mapupulot nito at mag – iiba din ang aking sarili sapagkat hindi ko
mararanasan ang hirap sa paghahanap ng solusyon sa mga problema.
3. Hahanapan ko ito ng solusyon dahil alam ko na may mas magandang buhay na nag – aantay sa akin. Mananalig
ako sa Diyos at magtitiwala sa Kaniya sa kung ano mang plano ang mayroon Siya para sa akin.

ILIPAT

Mga pangyayari sa buhay na Dalawang kritikal at magkasalungat Alin sa magkabilang dulo ang tama at
sumubok sa kakayahang hanapin ang na pagpipilian mabuti?
pinakamabuting pagpapasiya mula sa
gitna ng ___ pagpipilian.
Nagtanong ako sa aking  Tatanggapin ang alok ng guro at Opsiyon 1
nakakatandang kapatid at ito ang sagutan lahat ng test papers Ipagbigay alam sa guidance counselor
kaniyang sagot. kapalit ng pagkapanalo sa upang malaman ang mga susunod na
pagkapangulo ng student council. hakbang.
Isa akong mahusay at matalinong  Isumbong sa guidance counselor
estudyante noong ako ay nasa SHS. at gawin ang kung ano man ang Opsiyon 2
Parating na ang aming final nararapat at tama. Maging patas sa pagtakbo bilang
examination, lahat ng mga pangulo ng student council kahit ano
estudyante ay matiyaga at masipag man ang kalalabasan nito.
na nag – aaral upang makapasa.
Noong recess break namin ay tinawag Opsiyon 3
ako ng aking guro na bakla sa Maging isang huwarang estudyante
Pilosopiya at advisor ng aming at piliin palagi ang tama.
student council. Ibinigay niya sa akin
ang isang flashdrive na naglalaman ng
mga test papers sa lahat ng
asignatura. Pinasasagutan niya ito sa
akin upang ibigay sa mga kapwa ko
estudyante na lalaki na malapit sa
kaniya kapalit ng aking kapanalunan
sa pagiging isang pangulo ng aming
student council.

You might also like