Professional Documents
Culture Documents
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov,ph
Modyul 5
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This SLM (Self Learning Module) is for educational
purposes only. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in these modules are owned by their respective copyright holders. The
publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Sincerest appreciation to
those who have made significant contributions to these modules.
Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng
kaalaman sa kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa
serye ng mga modyul na iyong tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Bigyan mo lamang ng
sapat na panahon para maunawaan ang bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak na
maraming kaalaman ang iyong mapupulot gamit ang iyong sariling pagsisikap.
Tayahin – Masusukat mo sa bahaging ito kung gaano katatas ang iyong sarili
sa mga bagong aralin sa tulong ng pagtataya.
Ayon kay Aristotle, “Ang ugat ng karunungan ay mapait, subalit ang bunga ay
matamis”, kaya hinihikayat kita na pag-igihan ang makabagong paraan ng
pagbahagi ng karunungan. Maaaring may mga pagkakataon na malulumbay o
mawawalan ka ng dahilan upang matuto ngunit pakatandaan na ang iyong
pagsisikap ay tiyak na magbubunga ng kasaganahan.
Halina’t matuto!
Mga May-akda
ALAMIN 1
Magandang araw sa iyo! Marahil ay nakahanda ka nang magsimula. Ito ang
panlimang modyul na pag-aaralan mo sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ng Grade 11 sa Senior High School.
Sisikapin ng modyul na ito na matulungan kang malinang ang iyong mga kasanayan
at pag-unawa sa mga tekstong argumentatibo.
Sa modyul na ito makikita ang yugto ng pagkatuto na balikan, tuklasin,
suriin, pagyamanin, isaisip, isagawa at tayahin. Sa simula at wakas ng modyul,
may mga pagtataya na naglalayong subukin ang iyong kaalaman bago matapos ang
aralin nang sa gayon ay mapaunlad ang iyong kasanayan sa pangkabatiran
(cognitive), pandamdamin (affective), at saykomotor (psychomotor).
SUBUKIN 2
PANIMULANG PAGTATAYA
YUGTO NG PAGKATUTO
36
BALIKAN
TUKLASIN
Basahin at unawaing mabuti ang tekstong nasa ibaba. Gamit ang Storey
Mountain Organizer, suriin ang pagkabuo o pagkabalangkas ng “Editoryal | Si
Marcos at ang Ilusyon ng Pag-unlad” sa pamamagitan ng pagtala ng mga pahayag
ayon sa mga bahagi ng teksto: simula, gitna o katawan at konklusyon.
Gitna
Mahalagang Bahagi
ng Tekstong
Simula Argumentatibo
Wakas
SURIIN
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
5
Pinahahalagahan ng tekstong argumentatibo ang paglalahad ng katotohanan
mula sa balidong datos na nakuha o nabasa. May mga isyu na minsan kulang ang
ating kaalaman ngunit isang paraan upang makakuha ng sapat na impormasyon
hinggil dito ay ang pagpili ng mga babasahin na may kaugnayan sa paksa. Huwag
din kalimutang isaalang-alang ang kredibilidad ng awtor kung malinaw bang nailahad
ang kanyang mga pananaw at maaaring mapagkakatiwalaan ang kanyang isinulat.
Ang tekstong argumentatibo ay naglalayong kumbinsihin ang mambabasa ngunit
hindi lamang ito nakabatay sa opinyon o damdamin ng manunulat kundi pati na rin
sa mga datos o mga impormasyong inilatag ng manunulat. Sa tatlong paraan ng
pangungumbinsi-ethos, pathos, at logos, ginagamit ng tekstong argumentatibo ang
logos. Upang makumbinsi ang mga mambabasa, inilalahad ng may-akda ang mga
argumento, katwiran, at ebidensiya na nagpapatibay ng kanyang posisyon o punto.
Ang empirikal na pananaliksik naman ay tumutukoy sa pangongolekta ng mga datos
sa pamamagitan ng pakikipagpanayam, sarbey at eksperimento.
MGA PARAAN NG PANGANGATWIRAN TUNGO SA MAAYOS NA PAGSULAT O
PAGBUO NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Panimula
Ang panimula ay kinakailangang mapanghikayat, nilalahad dito ang thesis
statement kung saan binabanggit ng manunulat ang pangunahing paksang
tatalakayin.
Gitna o Katawan
Inilalahad sa bahaging ito ang mga opinyon o pananaw ng manunulat
kaugnay sa paksang tinatalakay at inihahanay batay sa mga datos na ilalahad.
Mahalagang malawak ang kaalaman ng manunulat sa paksang tinatalakay.
Konklusyon
Inilalatag ng sumulat ang kanyang kabuuang pananaw ukol sa pinag-uusapang
paksa. Kinakailangang maging matibay ang konklusyong binuo ng manunulat na
nakabatay sa mga nabanggit na datos sa katawan ng teksto.
KAIBAHAN NG TEKSTONG PERSUWEYSIB SA TEKSTONG ARGUMENTATIBO
Gawain 1
Isulat sa inilaang patlang ang salitang Tama kung tama ang isinasaad ng
pahayag at Mali naman kung mali ang isinasaad nito.
______1.Ang katotohanan ay nais patunayan sa tekstong argumentatibo sa
pamamagitan ng paggamit sa mga nakalap na datos.
______2.Sa kaugnay na karanasan maaaring pasubalian ang mga ebidensyang
pangkasaysayan.
______3.Ang pamanahong papel at tesis ay halimbawa ng empirikal na
pananaliksik.
______4.Layunin ng tekstong argumentatibo na hikayatin ang mga mambabasa na
tanggapin ang kawastuhan mula sa pananalig ng manunulat.
______5.Ang pakikipagpanayam ay isang paraan upang makakalap ng datos na
kailangang may kaugnay sa paksang tinalakay.
______6.Naglalahad ang tekstong argumentatibo ng mga hakbang sa pagsasagawa
ng isang bagay.
______7.Ang tekstong argumentatibo ay pakikipagdebate sa pasulat na
pamamaraan.
______8.Kinapupulutan ang tekstong argumentatibo ng mga kabutihang asal,
mahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng
pagiging mabuti at tapat.
______9.Nakapokus ang tekstong argumentatibo sa paglalarawan ng isang bagay,
tao, o lugar.
_____10.Inilalahad sa tekstong argumentatibo ang posisyon ng may-akda na
suportado ng mga ebidensiya.
PAGYAMANIN
Gawain 2
ARGUMENTATIBO PERSUWEYSIB
Gawain 3
8
PAGSULAT NG DYORNAL
Gawain 4
9
Ibigay ang iyong pananaw hinggil sa mga isyung nakatala sa mga kahong
makikita sa kaliwang bahagi sa ibaba. Isulat ang iyong posisyon sa loob ng mga
blankong kahong nasa tapat nito.
ISYU POSISYON
Maagang Pagbubuntis
ng mga Kabataang
Pilipino
Kabataan sa
Makabagong Panahon
Parusang Kamatayan
o Death Penalty
ISAISIP
10
TANDAAN:
ISAGAWA
Gawain 5
Gawain 6 11
Mula sa iyong nabuong guhit, ipaliwanag ang iyong posisyon, taglay ang mga
bahagi ng tekstong argumentatibo: simula, gitna o katawan at konklusyon.
TAYAHIN 12
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
B. Lohikal D. Pasaklaw
13
KARAGDAGANG GAWAIN
Basahin at unawain ang halimbawang teksto sa ibaba.
Ang Proleaf Shampoo “Tints of Nature”
Mga Benepisyo
Ito ay nagpapalakas sa iyong buhok sa loob lamang ng isang araw!
Mawawala ang mga balakubak sa buhok ninyo at magkakaroon ito
ng malakas ng proteksyon mula rito!
Ito rin ay hindi nakaiirita sa iyong mga mata.
Mananatili rin ang mahalimuyak na amoy ng iyong buhok
hanggang bente kwatro oras!
Ito ay gawa sa mga natural na mga kagamitan kaya hindi ito
nakasisira sa ating kalikasan!
Ang lahat ng mga benepisyong ito ay makukuha ninyo sa mababang
presyo lamang! Kaya ano pa’ng hinihintay ninyo? Bili na!
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
SUSI SA PAGWAWASTO
14
15
TALASANGGUNIAN
A. MGA AKLAT
B. INTERNET
Filipino, Guro, Guro Filipino, and View profile. "ARALIN 4: Gamit Ng Panandang
Diskurso". Gurosafilipino.Blogspot.Com, 2020. https://bit.ly/2TYaz9v
(Office Address)
Telefax:
Email Address