You are on page 1of 4

PANAHON NG ILAW AT PANITIK

( 1922-1934)

 Ang panahon na ito ay nagsimula sa paglitaw ng magasing Liwayway noong 1922 at


Nakilala sa tawag na Photo News noong unang taon nito.
 Nagwakas sa taong 1934 sa pagkakatatag ng panitikan.
 Ang panitikan ay itinuturing na siyang Sakdalista at Aristokrata ng panulaang Pilipino

KATANGIANG PAMPANITIKAN

  Ito ay tinatawag na panahon ng pagpapalaganap o popularisasyon.


  Sa panahong ito ay patuloy pa ring kinawiwilihan ng mga mambabasa ang mga
kwentong nagtutungkol sa pag-ibig, lalo na sa mga tapat at dakilang pag-ibig.

NAGING SIKAT NA MGA PANITIKAN SA PANAHON NG PANITIK

 TULA
 NOBELA
 DULA
 MAIKLING KATHA

MAIKLING KATHA

 Nagkaroon ng pagbabago dahil sa parolang ginto ni Clodualdo del Mundo


 Sa pamamagitan ng Parolang Ginto nagsimula si Claodualdo del Mundo sa pamimili sa
palagay niya’y pinaka magaling na katha ng mga buwan at taon.

 Si Alejandro G. Abadilla ang katuwang ni Clodualdo del Mundo sa kanyang misyong iangat
ang antas ng maikling katha sa pamamagitang talaang bughaw . ( Ito ay sagisag sa buwanan
at taunang pamimili ng itinuturing na pinaka mahusay na tula at katha)( Dito rin unang
nakilala si Alejandro Abadilla)

ANG TULA
 Ang paglabas ng Liwayway noong taong 1922 ang higit sa lahat na nagpasigla sa mga
sangay ng panitikang Pilipino lalo na tula.

 Isa sa pinaka malaking pangyayaring naganap sa tulang Pilipino ay ang pagdaraos noong
1924 sa bulwagan ng Instituto de Mujeres ng unang balagtasan.

ANG NOBELA
Ang paglitaw ng magasing liwayway sa panahong ito ay nagbigay ng pagkakataon sa
mga nobelista na makapaglathala nang payugto-yugto ng kanilang mga isinulat ngunit dahil
sa mga pagpiling ginawa at pagbibigay ng gantimpala sa mga maririkit na maikling katha ng
taon, hindi gaanong naging masigla ang pagtanggap sa nobela.

Halimbawa ng nobela:

 Mutyang itinapon ni Rosalia Aguinaldo


 Magmamani ni Teofilo Sanco

ANG DULA
Kung ano ang sigla ng pagtanggap ng sambayanang Pilipino sa mga sarswela noong
unang panahon ng Aklatang-bayan ay siya namang panlalamig nila sa panahong ito ng Ilaw
at Panitik. Ang dula ay tila tuluyan ng inilaan na lamang para sa tanghalan.

MGA MAKATA SA MAGASING LIWAYWAY

ARMADO V. HERNANDEZ

 Kinikilalang Makata ng Mangagawa


 Ang mga tula niya ay nalalantad sa tinatawag na kamalayang panlipunan.
 Tinalakay niya sa kanyang mga tula ang iba’t ibang bahagi ng buhay: tao,
makina, bayani, gagamba, langgam, panahon pati aso.
JULIAN CRUZ BALMACEDA
 Itinuring na isang haligi ng panitikang Pilipino dahil sa kanyang mga sinulat.
 Isang makata, mandudula, kwentista, ma ngangatha, dalubwika at naging Patnugot ng
Surian ng Wikang Pambansa.
 Kung minsa’y gumagamit siya ng sagisag sa Adela B. Mas at Martin

ILDEFONSO SANTOS
 Hinangaan sa kariktan ng kanyag mga pananalitang ginagamit ngunit kakambal nito ang
katayuagan ng diwang ipinahahayag ng kanyang mga tula.

You might also like