You are on page 1of 56

Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

MODYUL SA ANG FILIPINO


SA
KURIKULUM NG
BATAYANG EDUKASYON
Tinipon at Inihanda ni
RANDY DUMAGUIT SAGUN
Kagawaran ng Filipinolohiya, Kolehiyo ng Artes at Literatura

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

Walang bahagi ng publikasyong ito ang maaaring kopyahin sa paraang elektroniko/ mekanikal ng walang nakasulat na pahintulot
mula sa nagsagawa ng publikasyon o nagtipon sa pamamagitan ng rdsagun@pup.edu.ph. Ang pangalan ng dalubguro na
makikita sa pabalat ng kagamitang panturo ay tanging nagtipon lamang ng materyales mula sa iba’t ibang awtor. Tinitiyak ng
mga naghanda ng kagamitang panturo / nagsagawa ng publikasyon na tanging layuning akademiko ang ginawang pagsipi at hindi
gagamitin bilang rekurso.

No part of this publication may be reproduced or copied by recording or other electronic/mechanical methods, without the prior
written permission of the publisher/compiler via rdsagun@pup.edu.ph. Faculty member whose names are printed on the cover
are only compilers who collected materials from different authors. This is not for sale and the compilers have no intention to
profit from this.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

MODYUL NG/SA
ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON

Ang modyul na ito ay inihanda upang maging gabay at/o salalayan ng mga guro at mag-aaral sa
Departamento ng Pang-elementarya at Pansekondaryang Edukasyon (Batsilyer ng
Pansekondaryang Edukasyon – Maynor sa Filipino) - Kolehiyo ng Edukasyon sa kabuuan ng
kursong ito. Ang modyul ay bubuoin ng sumusunod na aralin:

Aralin 1 Kahulugan at kahalagahan ng Filipino, Kurikulum, at Edukasyon


Aralin 2 Ang Kurikulum
Aralin 3 School of Thoughts at Paglinang ng Kurikulum sa Pilipinas
Aralin 4 Mga batayang legal at opisyal na paggamit ng Filipino bilang wika ng edukasyon
Aralin 5 Mga Pagdulog At Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Filipino Batay Sa Kurikulum
Mga Iilang Pananaw, Estratehiya, at Modelo sa Pagtuturo ng Filipino Batay sa
Aralin 6
Kurikulum
Aralin 7 Pagsusuri ng Kurikulum sa Filipino sa Lahat ng Antas ng Edukasyon

Ang modyul ay bubuoin ng iba’t ibang aralin. Gayundin ang bawat modyul ay nilapatan ng
angkop na layunin. Dagdag pa rito, binigyang ng payak at tiyak na pagtalakay ang bawat
paksang nakapaloob sa bawat modyul. Sa kabuoan, sasapat ang modyul para sa limampu’t
apat (54) na oras o katumbas ng labing-walong (18) linggo ng klase sa isang semestre.

Sa pangkalahatan, Layunin ng modyul na ito ang sumusunod:

 Nagagamit nang mahusay ang wikang Filipino sa pagtalakay ng mga kasaysayan at


pag- unlad ng Filipino bilang asignatura at bahagi ng batayang edukasyon.
 Naiaangkop ang mga estratehiya sa pagtuturo ng mga kaugnay na paksa sa Filipino.
 Nakakabuo ng mga kagamitang pampagtuturo na angkop na tumutugon sa iba't ibang
kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral
 Nakagagamit ng makabago at angkop na teknolohiya para sa pagtuturo ng mga paksa
sa Filipino batay sa pangangailangan ng panahon.
 Nakapagsasagawa ng payak na pananaliksik tungkol sa inobasyon at hinaharap ng
Filipino bilang asignatura sa batayang edukasyon bunga ng nagbabagong landasin ng
edukasyon sa bansa.
 Nakapagsasagawa ng pagsusuri sa mga asignaturang pamfilipino na inihahain bilang
bahagi ng asignatura sa batayang edukasyon gabay ang iba’t ibang teoryang pang-
edukasyon o mga kaugnay nito

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

ARALIN 1
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG FILIPINO, EDUKASYON AT
KURIKULUM

Bungad-salita

Ang Aralin 1 ay sumasaklaw sa mga paksang Kahulugan at Kahalagahan ng Filipino,


Edukasyon at Kurikulum. Sa loob ng araling ito ay may limang pangunahing paksa at mga
kasangay na paksa (sub-topic/s) na tiyak na tatalakay sa bawat paksang sinasaklaw sa
kabuoan nito. Ang mga paksa ay ang sumusunod:
 Sub-Aralin Blg. 1 - Kahulugan at Kahalagahan ng Kurso
 Sub-Aralin Blg. 2 - Epektibong guro at Malikhaing Pagtuturo
 Mga Katangian ng Guro
 Code of Ethics
 Disenyo ng/sa Malikhaing Pagtuturo
 Layunin ng Pagtuturo
 Kasangkapan sa Proseso ng Pagtuturo
 Mga Elemento ng/sa Mabuting Pagtuturo
 Sub-Aralin Blg. 3 - Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng
Kasanayang Akademik
 Sub-Aralin Blg. 4 - Kasalukuyang Kalagayan ng Pagtuturo ng Filipino sa
Batayang Edukasyon

Saklaw ng aralin na ito ang una hanggang ikatlong linggo upang matalakay ang
kabuuan ng mga mahahalagang paksang nakalahad at kaugnay ng mga ito.

Pangkalahatang Layunin

Pagkatapos mong mapag-aralan ang aralin na ito inaasahang:

1. Nakapaglilikha ng graphic organizers bilang pagpapaliwanag tungkol sa guro.

2. Nakapagbubuo ng mga gabay sa pag-uugnay ng mga kaalaman tungkol sa proseso ng


pagtuturo

3. Nakapagtutukoy sa mga kasanayang pangwika sa pagtatamo ng kasanayang akademik.

4. Nakabubuo ng isang Posisyong Papel kaugnay sa kasalukuyang kalagayan ng Pagtuturo


ng Filipino sa Batayang Edukasyon.

Pangkalahatang Kaalaman

Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Kurso (SEF30143) ay tatalakay sa mga batayang


teoretikal, nilalaman, katangian at panuntunan sa pagpapatupad ng nireestrakturang kurikulum
sa Filipino. Iniaangkop ang kurikulum sa mga kondisyon at sitwasyong lokal. Sinasaklaw din ng

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

kursong ito ang pag-aaral sa mga layunin, teorya, simulain, mga batas, kalakaran ng pagtuturo
at pagkatuto ng wikang Filipino batay sa kahingian ng kurikulum ng batayang edukasyon sa
elementary, sekondarya, at kolehiyo.

Layunin din ng pag-aaral na ihanda ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa


Filipino na maging mulat at maalam sa mga bagong kalakaran sa pagtuturo at pagkatuto ng
Filipino. Isinama rin sa kurso ang pagtalakay sa mga kahalagahan ng kagamitang panturo na
maaaring magamit nila at maiangkop ang mga ito sa tiyak na paksa.

Aralin 1: Kahulugan at kahalagahan ng Kurso

Kritikal na maituturing ang basikong edukasyon dahil bahagi ito sa pagpapatatag ng


pundasyon ng/sa pagkatuto ng mag-aaral na nasa ganitong antas. Ang basikong edukasyon ay
binalangkas upang makatugon sa pangunahing pangangailangang pampagkatuto (basic
learning needs). Ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization na
hinalaw naman mula sa World Conference on Education for All (EFA): Meeting Basic Learning
Needs na ginanap sa Jomtien, Thailand noong 1990, binigyang kahulugan niya ang Basikong
Edukasyon (Basic Education) ay isang buong sangay ng mga gawaing pang-edukasyon na
nagaganap sa iba’t ibang daluyan, na may hangaring makatugon sa pangangailangan ng
basikong pagkatuto. Ayon naman sa pamantayan ng International Standard Classification of
Education (ISCED) ang basikong edukasyon ay binubuo ng edukasyong primarya (unang
baitang ng basikong edukasyon) at lower secondary education (pangalawang estado). Dagdag
pa ng ISCED, sumasaklaw rin ito sa malawak na anyo ng non-formal at impormal na
pampubliko at pribadong mga gawain/aktibidad na naglalayong tumugon sa pangangailangan
ng basikong pagkatuto ng mga tao (anuman ang kanilang edad). Sa gayon, sumasaklaw ito sa
mga antas na Kindergarten, Elementarya at Sekondarya gayundin sa Alternative Learning
System para naman sa hindi pumapasok sa paaralan (out-of-school) at sa iba pang may
espesyal na pangangailangan.

Dahil nga rito patuloy itong pinalalakas ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of


Edukasyon o DepEd) katuwang ang pamahalaan upang umagapay sa mabilis na pagbabago ng
institusyong pang-akademiko sa buong mundo. Katibayan nito ang Batas Republika Blg. 10533
(Republic Act 10533) o ang An Act Enhancing the Philippine Basic Education System by
Strengthening Its Curriculum and Increasing the Number of Years for Basic Education,
Appropriating Funds Therefor and for Other Purposes. Nilayon ng batas na ito na maitatag,
mapanatili at magsuportahan sa kabuoan nang sapat ang hanay ng edukasyon at magtiyak sa
pagtugon upang maging ganap ang isang integratibong sistema ng edukasyon na nakabatay sa
pangangailangan nang tao, lipunan at bansa sa kabuoan. (malayang salin ng may-akda sa
Seksyon 2 ng Batas).

Alinsunod sa Seksiyon 3 ng Batas, nilalayon ng batayang edukasyon na tugunan ang


mga pangangailangan sa batayang pagkatuto na nagkakaloob ng mga pundasyon na siyang
pagbabatayan ng mga kasunod na pagkatuto. Binubuo ito ng kindergarten, elementarya, at
mataas na paaralan gayundin ang mga sistema ng alternatibong pagkatuto para sa mga nag-
aaral na out-of-school at sa mga may espesyal na pangangailanga.

Upang tumugon din sa kautusang ito, patuloy ring pinauunlad ng mga


pamantasan/unibersidad/kolehiyo ang mga programang pang-edukasyon (sa bahagi ng
batayang edukasyon) salig naman sa pamatayang ibinababa ng Komisyon sa Lalong Mataas na
Edukasyon (Commission on Higher Educatio o CHEd).

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

Malaking gamapanin ng batayang edukasyon bilang tungtungan tungo sa holistikong


pagkatuto ng mag-aaral. Nililinang nito ang mga basikong karanasan at kaaalaman bilang
paghahanda sa higit na masalimuot (complex) na mga paksain sa panahong panagunahing
(major) mga kurso na ang kinukuha ng mag-aaral. Sa pangkalahatan, mahalagang nakatutugon
ang batayang edukasyon ng bansa , pababa sa mga tiyak na sektor at/o institusyong pang-
akademiko sa paghubog ng mga produktibo at responsableng mamamayan na nagtataglay ng
mga esensyal na kasanayan, kakayahan at mga halagahang kapwa kailangan sa habambuhay
na pagkatuto (life-long learning) at pangkabuhayan. Upang maging ganap naman ang
hangaring ito, marapat na pagtuunang pansin ang sumusunod: (a). bigyang pagkakataon ang
bawat mag- aaral nang pagkakataong magtamo ng dekalidad na edukasyon na natutugon sa
pamantayang global na nakabatay naman sa pedagohikal na nilalaman ng kurikulum na
naglalapit naman sa international na pamatayan; (b). mapalawak ang hangarin ng/sa
edukasyong pansekondarya bilang paghahanda sa mga oportunidad sa kolehiyo, bokasyonal at
teknikal gayundin sa sining, palakasan at paghahanapbuhay na nakatutugon sa mabilis na
pagbabagong pangglobal; at, (c). gawing learner-oriented ang edukasyon at nakatutugon sa
mga pangangailangan, kognitbo at kutural na kapasidad, sa isang diverse na learning
environment gamit ang angkop na wikang panturo at wikang pampagkatuto kabilang ang unang
wika.

Aralin 2 : Ang Epektibong Guro at Malikhaing Pagtuturo

Sa pagtakalay sa unang aralin makikita ang pangangailangan sa pagbalangkas ng isang


maunlad na Batayang Edukasyon (mula primarya, sekondarya at maging sa kolehiyo).
Binalangkas ang bawat batayang edukasyon mula sa primarya patungong higit na
kompleksidad nito. Ibinatay rin sa mga pangunahing pangangailangan ng tao, lipunan at bansa
sa kabuuan. Higit pa rito nakita sa naunang talakay ang kahalagahan ng kurso upang maging
tungtungan at/o lunsaran upang higit pang mapaunlad ang pagkatuto. Sa ganitong gana, higit
na mabibigyang kaganapan ang mga hangaring ito sa pamamagitan ng isang mahusay at
epektibong at malikhaing pamamaraan ng pagtuturo. Gayundin, natatangi rin ang
pangangailangan sa mataas na kalidad ng mga dalubguro (dalubhasang guro) na siyang
tuwirang magpapadaloy ng kaalaman sa lahat ng mag-aaral. Sa gayon, kritikal din ang
gampanin ng guro dahil sa kanyang gampanin sa proseso ng pagkatuto. Nakasalalay ang lahat
nang ito sa kanyang natamong karanasan bilang guro at mga inobatibong at malikhaing dulog
sa pagtuturo.

Ayon sa Philippine Standards for Teachers na inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon,


krusyal ang ginagamapanan ng mga guro sa pagbubuo ng lipunan at ng bansa sa kabuuan. Sa
pamamagitan ng dekalidad na mga guro, ang Pilipinas ay maaaring makahubog ng isnag
holistikong indibidwal na nagtataglay ng mabuting kaasalan, mga kasanayang sa ika-21 siglo, at
kayang pangunahan ang bansa tungo sa pautloy nitong pagyabong at pag-unlad. Umaayon din
ito sa hangarin ng DepEd sa pagsasabing, “Filipinos who passionately love their country and
whose values and competencies enable them to realize their full potential and contribute
meaningfully to building the nation” (DepED Order No. 36, s. 2013).

Mga Katangian ng Guro

Ang guro bilang propesyon ay kinikilalang isa sa pinakamatandang propesyon sa


sibilisasyon. Maihahanay ito sa iba pang propesyon gaya ng pag-aaral sa mga batas (law),
medisina at iba pa kung ang pag-uusapan ay tagal nang pag-iral sa mundo. Malaki ang
kanyang tungkulin upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral. At sa gawaing ito,

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

marapat lamang na taglay ng isang guro ang mga katangiang kinakailangan upang higit na na
maging epektibong

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

tagapagdaloy rin ng kaalaman at/o karunungan di lamang sa loob ng silid-aralan gayundin sa


kanyang pakikilahok sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa loob at labas ng lipunan sa
kabuuan. Kaugnay sa mga katangiang nabanggit, nagkaroon ng pagsasalin si Dr. Patrocino
Villafuerte sa pagsusuri nina Wayne at Youngs noong 2003 sa labindalawang (12) katangiang
dapat taglayin upang maging epektibong guro. Lumabas din ito sa pag-aaral ni Robert J. Walker
noong 2008 na may paksang Twelve Characteristics of an Effective Teacher: A Longitudinal,
Qualitative, Quasi-Research Study of In-service and Pre-service Teachers’ Opinions.

1. Walang itinatangi. Sa loob ng klase, dapat na siya'y walang kinikilingan at


mahalagang maging pantay ang kanyang pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral para
walang masabi ang mga mag - aaral at nang hindi makadama ng pagkaselos sa
nagiging paborito ng guro.

2. May positibong ugali. Nasisiyahan ang mga mag-aaral kung sila'y nabibigyan ng
papuri at pagkakilala o rekognisyon. Malaki ang impak nito sa kanilang tiwala sa sarili at
direksyon. Naniniwala at nasisiyahan siya sa tagumpay ang kanilang mga mag-aaral.

3. Laging handa sa lahat ng oras. Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa saklaw


ng nilalaman ng mga paksang itinuturo ay kinikilala ng mga mag-aaral. Madaling
makilala ng mga mag-aaral ang gurong organisado at handa nang magturo. Kapag
palaging handa ang isang guro, dun nakukuha ang atensyon ng mga mag – aaral.

4. May haplos-personal. Ang pagkikipag - ugnayan ng guro sa mag -aaral hindi lamang
sa oras ng talakayan pati na rin sa labas ng apat na sulok ng silid - aralan yaong
tumatawag sa kanilang pangalan, palangiti, nagtatanong tungkol sa kanilang nadarama
at opinyon, tinutuklas ang kanilang interes at tinatanggap ang tunay nilang pagkatao.
Mapakahalaga para sa mga mag - aaral ang madama ang pagmamalasakit sa kanila
dahil dito, kailangan bigyang pansin upang gabayan at patnubayan sila.

5. Masayahin. Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa klase. Ang dagling
pagbibiro at pagpapatawa sa mga sitwasyong nahihirapan at napapahiya ang mga mag-
aaral ay nakababawas sa paghihirap o kahihiyang dinaranas ng mga mag-aaral.

6. Malikhain. Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong malikhain sa mga


gawaing pangklasrum, lalo na sa oras na ginaganyak sila para sa isasagawang aralin,
pati na ang pag-aayos sa klasrum ng kanilang guro.

7. Marunong tumanggap ng kamalian. Nababatid ng mga mag-aaral kung nagkakamali


ang kanilang guro lalo't sila ang labis na naaapektuhan bunga ng pagkakamaling ito.
Nagiging modelo ang isang guro kung tinatanggap niya ang kanyang pagkakamali at
buong pagpapakumbabang humingi siya ng kapatawaran sa pagkakamaling kanyang
nagawa.

8. Mapagpatawad. Ang gurong marunong magpatawad sa kasalanang kanilang nagawa


ay kinalulugdan ng kaniyang mga mag - aaral, lalo't yaong nauukol sa kanilang maling
gawi at ikinilos. Ang guro ang tagabuo ng anumang tunggaliang nagaganap sa klase
kaya't mahalagang maiwasan din niyang magbigay ng di-magandang puno ukol dito.

9. May respeto. Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong maglihim ng markang


kanyang ibinigay sa kanyang mga mag-aaral o yaong kinakausap ang mag-aaral na may

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

nagawang pagkakamali o kasalanan nang walang nakaririnig o nakakaalam, o yaong


nagpapakita ng sensitibiti sa nadarama ng kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob
ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga tunguhin.

10. May mataas na ekspektasyon. Ang di-malilimutang guro ay yaong nagpapakita ng


napakataas na pamantayan lalo't hinahamon ang kanyang mga mag-aaral na gawin
nang napakahusay ang kanyang ipinag-uutos. Madalas na nawawalan ng tiwala sa sarili
ang mga mag-aaral. Kung maniniwala ang guro na may mga kakayahan ang kanyang
mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga
tunguhin.

11. Mapagmahal. Kung aalamin ng guro kung bakit naalis sa isang laro, ang kanyang
mag-aaral at kikilos siya upang makagawa ng paraan halimbawa para malutas ang
suliranin nito ay naglalarawan ng pag-aalala at pagmamahal.

12. Ipinadaramang kabilang ang bawat mag-aaral. Sinasabing tunay na kapamilya at


kapuso ang guro na nagpapakita ng interes sa bawat mag-aaral. nagagawan ng paraan
ng guro na maging kabilang ang bawat isa na makasagot at makabahagi sa mga
gawaing pampagkatuto na inihanda ng guro. Ang mabuting guro ay nakikita ang iba’t
ibang istilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral at isinasaalang-alang ang multiple
intelligences ng mga mag-aaral (Corpuz, 2003)

Ayon naman sa Philippine Professional Standards for Teachers na binuo at inilunsad ng


Department Education – Teacher Education Council noong 2007 sa pakikipagtulungan ng
Research Center for Teacher Quality (RCTQ) at Australian Government, may pitong (7) domeyn
ang kinakailangan sa mga guro upang maging epektibo sa ika-21 siglo. Kinakailangan nilang
taglayin ang sumusunod na katangian:

Domeyn 1. Natutukoy ang kahalagahan ng mastery of content knowledge at kung paano


ito maiuugnay sa iba pang nilalaman ng kurikulum, na ginagabayan ng kabatiran at
kritikal na pag-unawa sa paglalapat ng mga teorya at tuntunin sa pagtuturo at pagkatuto.
Nakapaglalapat ng angkop at makahulugang pedagohiya na hinalaw mula sa kaalaman
at makabagong pananaliksik. Nakapagpapakita nang kahusayan sa Unang Wika
(Mother Tongue), Filipino at Ingles sa pagpapadaloy ng pagtuturo at proseso nang
pagkatuto, gayundin nakapagpapakita ng kinakailangang kasanayan gamit ang iba’t
ibang mga estratehiya sa pakikipagkomunikasyon, pagtuturo at teknolohiya na
naglalayong magtamo nang mataas na pagkatuto sa katapusan.

Domeyn 2. Nakapaglalaan ng kapaligirang ligtas, sigurado, makatarungan at matulungin


upang mataguyod ang responsibilidad at pagtatamo sa mga mag-aaral. Lumilikha ng
isang kapaligiran na nakatuon sa pagkatuto at epektibong napamamahalaan ang
kaasalan ng indibidwal sa isang pisikal o birtwal na espasyo. Gumagamit nang malawak
na mga hanguan at nakapananabik na mga gawain na nagbubunsod sa isang
konstraktibong ugnayan sa loob ng silid-aralan tungo sa pagtatamo ng mataas na
pamantayan nang pagkatuto.

Domeyn 3. Nakapagtatag ng kapaligiran sa pagkatuto na tumutugon sa pagkakaiba-iba


ng mga mag-aaral. nabibigyang pagpapahalaga ang magkakaibang katangian at
karanasan ng indibidwal at nagiging batayan sa pagsasaplano at pagbabalangkas ng
mga oportunidad sa pagkatuto. Kinikilalal sa loob ang silid-aralan ang dibersidad at
ang

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

pangangailangan sa pagkakaiba-iba sa paraan ng pagtuturo upang mahikayat ang


indibidwal na maging matagumpay na mamamayan kasabay nang mabilis na
pagbabago ng lokal at global na kapaligiran.

Domey 4. Nakatutugon sa pambansa at lokal na mga pangangailangan ng kurikulum.


Nabibigyang ganap ang nilalaman ng kurikulum bilang isang gawain na pagmumulan
nang pagkatuto na lubhang mahalaga para sa indibidwal na nakaugnay naman sa
tuntunin sa epektibong pagtuturo at pagkatuto. Nilalapat nila ang kanilang kaalaman
bilang propesyonal upang magplano at bumalangkas, indibidwal man o kolaboratibo
kasama ang iba pa ng mahusay na balangkas na mahalaga para sa indibidwal at
tumutugon sa kanilang pangangailangan.

Domeyn 5. Gumagamit ng iba’t ibang pagtataya at estratehiya sa pagmomonitor,


pagtatasa, dokumentasyon at pag-uulat ng mga pangangailangan, pag-unlad at mga
natamo ng mag-aaral. Gumagamit ang mga guro ng datos na tinaya sa iba’t ibang
paraan upang ipabatid at mapahusay pa ang proseso at mga programang pampagtuturo
at pagkatut. Naglalaan ang mga guro ng kinakailangang fidbak kaugnay sa kinalabasang
pagkatuto upang maging batayan sa pagpili, pagsasaayos at pag-papaunlad ng iba pang
gawain sa pagtataya.

Domeyn 6. Nabubuo ang ugnayan ng paaralan at komunidad na may hangaring higit na


mapagyaman ang kapaligiran para sa pagkatuto gayundin ang gampanin ng Komunidad
sa prosesong pang-edukatibo. Tinutukoy at tumutugon ang mga guro sa mga
pagkakataong naiuugnay ang pagtuturo at pagkatuto sa silid-aralan sa

Domeyn 7. May pagpapahalaga sa pansarili at propesyonal na pag-unlad at


nakapagpapakita ng mataas na pagpapahalaga sa propesyon sa pamamagitan ng
pagpapanatili ng/sa dignidad ng pagtuturo gaya ng mapangalaga, marespeto at may
integridad. Pinahahalagahan nila ang pampersonal at pampropesyonal na karsanasan at
pagkatuto upang higit na mapaunlad ang kanilang larang. Ang patuloy na pagpapaunald
pampersonal at propesyonal ay ipinalalagay nilang isang panghabambuhay na
pagkatuto.

Upang mapanatili at higit na magabayan ang mga guro sa kanilang gampanin bilang
mahalagang sektor ng lipunan, sa bisa ng probisyon ng Artikulo 11 ng Batas Pangrepublika Blg.
7836 o mas kilala bilang Philippines Professionalization Act of 1994, sa seksyon 6, P.D. 223
inilalahad ang Code of Ethics for Professional Teachers. Saklaw ng kodang ito ang lahat ng
pampubliko at pribadong mga guro sa lahat ng institusyong pang-akademiko kabilang ang mga
antas na preschool, primarya, elementarya, at sekondarya ito man ay nabibilang sa akademiko,
bokasyonal, special, teknikal o non-pormal.

Batay naman sa tuntunin III ng Mga Tuntunin at mga Regulasyong Pampatupad ng


Batas sa Pinabuting Batayang Edukasyon ng 2013 inilahad ang sumusunod na mga
kwalipikasyon, pagsasanay, at patúloy na pag-unlad na propesyonal ng mga guro. Upang
matiyak na natutugunan ng programa sa pinabuting batayang edukasyon ang mga kahingian
para sa mahuhusay na guro at pinunong pampaaralan, magsasagawa ang DepEd at CHED ng
mga programa para sa pagtuturo at pagsasanay sa mga guro, sa pakikipagtulungan ng mga
kaugnay na katuwang sa pamahalaan, akademya, industriya, at mga samahang di-
pampamahalaan. Ang mga naturang programa sa pag-unlad na propesyonal ay pasisimulan,
isasagawa, at tatayain nang regular sa buong taon upang matiyak ang palagiang pagpapataas
sa mga kasanayan ng guro. Ang mga programa sa pagtuturo at pagsasanay sa mga guro ay

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

kabibilangan ng mga

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

sumusunod, bagaman hindi limitado sa mga ito: (1) Pagsasanay sa Nilalaman at Pedagohiya na
In-service. Ang mga guro ng DepEd na magpapatupad ng kurikulum ng pinabuting batayang
edukasyon subalit hindi sumailalim sa edukasyong bago-ang-paglilingkod na naaayon sa
kurikulum ng pinabuting batayang edukasyon ay sasanayin upang matugunan ang mga
pamantayan sa nilalaman at pagsasakatuparan ng kurikulum ng pinabuting batayang
edukasyon;
(2) Pagsasanay ng mga Bagong Guro. Ang mga bagong nagsipagtapos sa kurikulum ng
Edukasyong Pangguro na hindi naaayon sa kurikulum ng pinabuting batayang edukasyon ay
sasailalim sa dagdag na pagsasanay, kapag natanggap na sila sa trabaho, upang maingat ang
kanilang mga kasanayan sa mga pamantayang pangnilalaman ng bagong kurikulum. Maliban
dito, titiyakin ng CHED, sa pakikipag-ugnayan sa DepEd at mga may-kaugnayang stakeholder,
na ang mga kurikulum ng Edukasyong Pangguro na ibinibigay sa mga TEI na ito ay
makatutugon sa kinakailangang kalidad ng mga pamantayan para sa mga bagong guro. Ang
mga samahang may kaukulang pagkilala na gumaganap bilang mga TEI, sa pakikipag-ugnayan
sa DepEd, CHED, at iba pang mga may-kaugnayang stakeholder, ang titiyak na ang kurikulum
ng mga organisasyong ito ay nakatutugon sa kinakailangang kalidad ng mga pamantayan para
sa mga gurong sinanay. Para sa mga layunin ng subtalatang ito, tumutukoy ang terminong
“mga samahang may kaukulang pagkilala na gumaganap bilang mga TEI” sa mga
organisasyon, maliban sa mga paaralan o mga HEI, na kinontrata sa labas ng DepEd sa
panahon ng transisyon at para sa isang tiyak na yugto, upang magsagawa ng pagsasanay sa
mga guro para sa mga layunin ng muling-paghasa sa mga nagsipagtapos sa kurikulum ng
Edukasyong Pangguro, at sa mga paksa lamang na may kakulangan sa mga gurong sinamay;
(3) Pagsasanay sa Pamumunong Pampaaralan. Ang mga superintendénte, mga prinsipal, mga
tagapag-ugnay ng aralin, at iba pang mga pinuno ng mga paaralang pampagtuturo ay sasailalim
din sa mga palihan at pagsasanay upang mas mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa
kanilang mga papel bilang mga pinunong akademiko, administratibo, at pangkomunidad; at (4)
Pagsasanay sa mga Tagapag-ugnay ng Sistema ng Pagkatutong Alternatibo (ALS), mga
Tagapamahala sa Pagtuturo, mga Gurong Mobile, at mga Tagapagpadaloy ng Pagkatuto.
Sasailalim din sa mga palihan at pagsasanay ang mga tagapag-ugnay ng ALS, mga
tagapamahala sa pagtuturo, mga gurong mobile, at mga tagapagpadaloy ng pagkatuto upang
mas mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa kanilang mga papel bilang mga pinunong
akademiko, administratibo, at pangkomunidad.

Disenyo ng Malikhaing Pagtuturo

Sa pag-aaral nina Bailey at Murcia, may apat na pangunahing dapat na isaalang-alang


ang guro tungo sa epektibong pagtuturo. Ito ay ang sumusunod: (1) Kaligirang Sosyal (social
climate); (2) Baryedad sa Gawaing Pampagkatuto (Variety in the learning Activities; (3)
Pagkakataon ng mga Mag-aaral sa Pakikilahok (Opprtunity for the Student Participation); at (4)
Pagwawasto at pagbabalik-tugon (corrections and feedback).

Sa kaligirang sosyal binibigyang diin sa kanilang pag-aaral na sinsaklaw nito ang


kapaligirang natural, kaayusang pisikal, sitwasyong instruksyonal at kaaya-ayang
katauhan ng guro habang nakatuon naman ang ikalawang punto sa baryasyon o ang
iba’t ibang pamamaraan ng paglulunsad ng aralin sa paglinang ng mga gawain at sa
paraan ng pagtataya at ebalwasyon sa kakayahan ng bawat mag-aaral. Nakatuon
naman ang ikatlong punto sa pagtitiyak nang aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral na
nagbubusod upang maipakita at malinang ang kanilang kakayahan at kasanayan. At ang
huli, binibigyang diin nito ang iba’t ibang anyo at/o antas sa pagwawasto, mag-aaral sa
kanyang sarili, mag-aaral sa kapwa mag-aaral, mag-aaral at pagtatanong.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Sa gayon, sa bahaging ito, mahalagang matalakay ang baryedad sa gawaing


pampagkatuto na nagbubukas sa isang malusog na talakayan at daloy ng kaalaman sa pagitan
ng guro at mag-aaral. Hindi itinatalaga ng disenyo ang isang obsulute na balangkas sa
pagtuturo sa halip ipinalalagay lamangnnito na ang lahat nang nagaganap sa kabuuan ng klase
ay may kamalayang kinakailangan ng aktibong pag-uugnayan o interaksyon.

Sa pagbalangkas at/o pagbuo tungo malikhaing pagtuturo maaaring bigyang pansin ang
inilalahad ni Edgar Dale sa kanyang Cone of Experience (tunghayan ang larawan sa ibaba).
Ang Cone of Experience ni Dale ay isang modelong biswal na binubuo ng labing-isang (11)
baitang ng karanasan na nagsisimula mula sa konkreto karanasan sa ilalim hanggang sa
nagiging abstrakto habang umaabot ito sa pinakatuktok ng apa. Ayon pa kay Dale, ang
pagkakahanay ng mga karanasan ay hindi batay sa komplesidad nito sa halip ito ay nakabatay
sa abstraksyon at sa bilang ng pandama na nabibilang dito.

Mainam rin na mabigyang konsiderasyon ang halimbawang hanguang yunit nina Mayos
et.al na binalangkas sa pamamagitan ng pag-aangkop sa layunin ng mga teknik at estratehiya
na maaaring ipalagay ng mga guro na makatutulong upang maabot ang inalalahad na layunin.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Estratehiyang Maaaring
Gawain o Aktibidad Mungkahing kagamitan
Gamitin
Pagpapangkat ng mga mag-
Aklat, magasin, bidyo,
1. Simulasyon aaral, paghahanda ngmga
gawain at sitwasyon pahayagan, pelikula
Pagpili ng mga sitwasyong
Aklat ng mga dula, kwento,
2. Pagsasadula maaaring isadula, palitang-
kuro kamera, bidyo
Katulad din ng mga gawain
3. Paggawa ng Iskrip Tulad din sa pagsasadula
sa pagsasadula
Oryentasyon, pagtatakda ng
oras, araw at pook ng Mga nakatalang tanong na
4. Panayam
panayam at halimbawang sasagutin, teyp, at kamera
tanong
Oryentasyon, pagpapangkat
5. Malayang Talakayan at paghahanda ng mga Softwares at hardwares
paksa
6. Pag-anyaya sa isang Pagpili ng ispiker, pagbuo ng Teyp, mikropono, projector at
dalubhasang Ispiker komite at pagtatakda ng araw sasakyan
7. Pangkatang Oryentasyon at pagpili ng Mga babasahin, klipping at
Talakayan paksa, reaktor at benyu balita
Tulad ng Blg.7, paghahanda
Mga babasahin, klipping at
8. Simposyum ng tanghalan pati na ang
balita
magsisidalo
Oryentasyon, pananaliksik, Mga babasahin, teyp,
9. Pagdedebate
paghahanda, debate entablado at kamera
Paghahanda kung kailan,
10. Pang-edukasyon Pook, pahintulot, sasakyan at
saan ang pagtalakay sa
Paglalakbay pasilidad
layunin at inaasahang bunga
Oryentasyon at paghahanda Tao, pook, kamera at
11. Imersyon
ng mga kagamitan sasakyan
Pagtatakda ng Oras,
panunuod, pagbibigay ng
12. Panunuod ng Pelikula Pelikula, slides, video
reaksyong pasulat o pasalita
at pag-uulat.

Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng Kasanayang Akademik

Ayon sa papel ni Dr. Galileo S. Zafra na may pamagat na Ang pagtuturo ng Wika at
Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino (Konteksto ng K-12), sinabi niya na sa pagtuturo ng
wika, idinidiin ang oryentasyong linggwistiko. Saklaw ng pag-aaral nito ang Palabaybayan, Mga
Makrong Kasanayan (Pagbasa, Pagsulat, Pagsasalita, Pakikinig) ponemiko at balarila gayundin
bahagi rin ng/sa p ag-aaral ang panitikan at komposisyon.

Upang umayon sa pangangailangan ng mag-aaral at lipunan gayundin ay matugunan


ang mga pangunahing kasanayan na kinakailang bilang bahagi ng batayang edukasyon,
pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pareresitraktura at/o muling pagbalangkas ng
kurikulum sa batayang edukasyon sa sumusunod na dahilan: (1) higit na magiging malikhain
at/o inobatibo ang mga guro sa kanilang mga estratehiya sa interdisiplinaring pagtuturo; (2) higit
na

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

mahahamon ang mga mag-aaral na makapag-isip nang kritikal upang mahikayat silang masikap
na matamo ang kanilang interes o pangarap sa buhay; (3) Interaktibo ang pinaka-ideyal na
proseso ng pagtuturo at pagkatuto; (4) Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga
guro at mga mag-aaral sa iba’t ibang disiplina, s amga gagamiting kagamitang panturo at
hanguang multimidya; (5) kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyong sosyal
at interpersonal at ito’y behikulo sa pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa Filipino.

Salalayan din sa mungkahing ito upang higit na matugunan ang kinakailangang mga
kasanayan ay nagsagawa rin ang kagawaran ng pagtataya sa mg anagdaang kurikulum ng
Filipino. At sa ginawang pagrerebyu lumabas ang sumusunod na obserbasyon: (1) Paulit-ulit
lamang ang istrukturang gramatikal na itinuturo mula elementarya hanggang tersyarya. Hindi
panlinggwistika ang pagsusuri at pag-aanalisa ang naisasagawa; (2) hindi maihanda ang mga
mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang kailangan sa pag-aaral sa kolehiyo; (3) Hindi
lubusang nalilinang ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo (kaalamang
gramatikal, kaalamang diskorsal, kaalamang estratehiko, at kaalamanag sosyo-linngwistik); (5)
hindi wastong natatalakay ang panitikan bilang disiplina; (6) hindi halos napagtutuunan ng mga
mag-aaral ang iba pang asignatura na ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo; at (7)
Nananatiling napakababa ang iskor sa NSAT.

Ang pag-aaral at obserbasyong ito ng tanggapan ay nagpapatingkad sa


pangangailangan sa pagpapaunlad ng kurikulum, Pagtalakay at Dulog sa pagtuturo ng
asignaturang Filipino. Kaya naman upang muli itong mapalakas at tuwirang makatugon sa
pinaunlad ito. Ang kurikulum ay naglalaman ng sumsunod: (a) may integrasyon ng apat na
makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga kasanayan sa pag-aaral; (2) pinalalawak o
pinayayaman sa pamamagitan ng integrasyon ng bokabularyo, mg apagpapahalaga o values at
mga komptensi mula sa Agham Panlipunan at iba pang lawak na Makabayan; (3) nakapokus sa
paglinang ng mga kasanayan sa akadmeikong wika at mga kasanayan sa batayang
komunikasyong interpersonal at sosyal; (4) nakasentro sa pagtulong sa mga mag-aaral na
magkaroon ng akses na matutuhan ang nilalaman anuman ang anyo nito – teksto, grap,
ilustrasyon at iba pa; (5) may interaksyong mag-aaral-guro-teksto at multimidya; (6)
humahamon sa mga mag-aaral upang mapag-isip ng kritikal at malikhain sa target na wika; (7)
binibigyang-diin ang aktibasyon at integrasyon ng dating kaalaman, ginagamit ng mga
alternatibong paraang ebalwasyon, kolaboratibong pagkatuto, scaffolding at paglinang ng mga
estratehiya sap ag-aaral; at (8) hinihikayat ang mga mag-aaral na magkaroon ng control sa
disenyo ng pagkatuto at pag- oorganisa sa klase.

Paunang Pagsubok

Sagutin ang sumusunod na katanungan.


1. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kurso?
2. Magbigay ng katangian ng guro gamit ang akronim na G-U-R-O.
3. Ano ang pangunahing nilalaman ng Code of Ethics para sa mga Guro sa Pilipinas?
4. Paano ilalarawan ang kasalukuyang kalagayan ng Pagtuturo ng Filipino sa Batayang
Edukasyon? Maglahad ng mga punto.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

ARALIN 2
ANG KURIKULUM

Ang Aralin 2 ay nakatuon sa pagtalakay sa kabuuan ng paksa na kurikulum. Saklaw nito


ang mga sub-aralin na: (1) kahulugan ng Kurikulum (NESC); (2) Bahagi ng kurikulum; (3)
Paglinang ng Kurikulum; at (4) Mga Hakbang sa Proseso ng Paglinang ng Kurikulum;

Saklaw ngmasusing pagtakalay sa paksa at sub-araling nabanggit ang ikaapat hanggang


ikaanim na linggo.

Pangunahing Layunin

Sa pagtatapos ng pagtalakay sa araling ito, inaasahan na ang mag-aaral ay:

1. Nailalahad ang iba’t ibang kahulugan ng Kurikulum.


2. Nasusuri ang iba’t ibang kahulugan at bahagi ng Kurikulum.
3. Nakagagawa ng mga pagsusuri sa mga layunin ng mga pagbabago sa kurikulum.
4. Naiisa-isa ang mga Hakbang sa Proseso ng Paglinang ng Kurikulum

Pangkalahatang Nilalaman
Maliwanag na pangangailangan para sa mga kasama sa akademikong institusyon na
maunaawaan bilang panimula ang esensya ng kurikulum na integratibo naman sap ag-unawa
sa kabuuang katuturan ng edukasyon. Para sa dalubhasa sa larang ng pagtuturo maituturing na
proseso ang isang edukasyon na ang pangunahing naglalaan nito ay lipunan na ang hangarin
naman ay mapaunlad ang kanyang mamamayan. At upang mapaunlad nang tiyak ang
mamamayan sa tulong ng edukasyon, kinakailangang mahusay na maihanda ang isang
holistikong gawaing pangkaalaman at pangkasanayan at gawaing pampagkatuto. Dito ngayon
pumapasok ang gampanin ng isang mahusay na kurikulum.

Sa pagpapakahulugan nina William B. Ragan at D.G. Sheperd, ang kurikulum ay isang


daluyang magpapadali kung saan ang paaralan ay may resposibilidad sa paghahatid,
pagsasalin at pagsasaayos ng mga karanasang pampagkatuto. Sa pamamagitan ng kurikulum,
integratibo ang karanasan at karanasang pang-edukasyonal sa pagpapaunlad ng sitwasyong
panlipunan ng mag-aaral. Sa gayon, ang kurikulum ay isang plano na mga gawaing
pampaaralan at kasama pa rito ang sumusunod: (1) ang mga dapat matutunan ng mga mag-
aaral; (2) pamamaraan sa pagtatasa at/o pagtataya ng/sa pagkatuto; (3) krayterya at/o
kuwalipikasyon upang mapabilang ang mag-aaral sa programa; at (4) inobatibo at malikhaing
mga kagamitan sa pampagtuturo. Ang curriculum ay nagmula sa salitang Latin na curere
aynangangahulugang ito run the course of the race o magtabakbo ng isang kurso sapagkat ang
kurikulum ang nagsisilbing pundasyon ng mga paaralan sa pagtuturo at pagkatuto.

Maliban sa nabanggit may limang basikong kahulugan pa ang kurikulum na maaaring


bigyang konsiderasyon. Ito ay ang sumusunod:

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

1. Ang kurikulum ay maaaring bigyang kahulugan bilang isang plano upang matamo
ang mga adhikain. Ang plano ay kinabibilangan ng mga magkakasunod na
hakbangin. Sinasalalayan ito ng sumusunod na pagpapakahulugan:
 J. Galen Saylor- defines curriculum as “a plan for providing sets of learning
opportunities for person to be educated.
 David Pratt - Curriculum is an organized set of formal education
and/ortraining intentions.
 John Wiles and Joseph Bondi - view curriculum as a four-step plan involving
purpose, design, implementation, and assessment.
2. Ang Kurikulum ay maaaring bigyan ng malawak nitong pagpapakahulugan na
sumasaklaw sa kabuuang karanasan ng mag-aaral. S apamamagitan ng kahulugang
ito maituturing na anumang naisaplano sa loob at labas ng akademikong institusyon
ay bahagi ng kurikulum. Ang pagpapakahulugang ito ay sinasalalayan ng
sumusunod na pagpapakahulugan:
 Hollis Caswell and Doak Campbell - view curriculum as “all the experiences
children have under the guidance of teachers.
 Gene Shepherd and William Ragan - The curriculum consists of the ongoing
experiences of children under the guidance of the school.
 Collin Marsh and George Willis - views curriculum as all the “experiences in
the classroom that are planned and enacted.
3. Ang Kurikulum ay isang sistema ng/sa pakikipag-ugnayan sa mga tao.
4. Ang kurikulum ay maaaring bigyang kahulugan bilang isang sangay ng pag-aaral na
nagtataglay ng sarili nitong mga pundasyon, domayn ng kaalaman, pananaliksik,
teorya, prinsipyo, at dalubhasa.
5. Ang kurikulum ay maaaring bigyang kahulugan batay sa paksa (matematika, agham,
Ingkles, Kasaysayan at iba pang katulad nito) o sa nilalaman (sa kung paani
isinasaayos at inaasimila ang mga impormasyon).

Bahagi ng Kurikulum

1. AIM - Balak o Pakay, Paglalahad o pagpapaliwanag ng pangkalahatang layunin ng


kurikulum. Napakaloob dito ang mga tagapakinig (audience) gayundin ang mga
paksa.

2. RASYONALE - Makatwirang Paliwanag, Mapaghimok na pagtatalo, dahil dito


ipinaliliwanag kung bakit gustong magmungkahi at ang mga paggamit ng oras at
mga pinagkukunan para sa kurikulum

3. HANGARIN AT LAYUNIN - Talaan ng mga maaaring bunga ng mga matutuhan ng


mga mag-aaral batay sa magiging partisipasyon sa kurikulum. Napakaloob din sa
bahaging ito ang pagpapaliwanag kung paano makatutulong ang kurikulum sa bansa
at sa lipunan.

4. MAG-AARAL AT MGA PANGUNANG KAILANGAN - Nagpapaliwanag kung sino ang


makikinabang sa binu[bu]ong kurikulum at mga pangunang kaalaman at kakayahan
para sa mabisang kurikulum.

5. MGA KAGAMITAN - Tala ng mga kakailanganing kagamitan para sa matagumpay


na pagtuturo ng mga asignatura sa kurikulum. Nakapaloob dito ang mga aklat at
ibang

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

babasahin kabilang ang mga artikulo at journal, mga pananaliksik at iba pang
karaniwang kagamitan kasama rin ang mga pangunahing website mula sa internet
na maaaring maging batayan sa talakayan.

6. PLANONG PAMPAGTUTURO - Nagsasaad ng/sa mga gawaing kukunin ng mag-


aaral at ang pagkasunod-sunod nito. Napakaloob din sa bahaging ito ang maaaring
gawain ng guro sa klase. Estratehiya, metodo,dulog istilo ng pagtuturo.

7. PLANO PARA SA PAGTATAYA AT EBALWASYON – bahagi na binubuo ng mga


kahingian at pagsusulit na nakabatay sa layunin upang makuha ang kinakailangang
pagpapaunlad sa kurikulum.

Ang Paglinang ng Kurikulum

Ang pagdesinyo ng kurikulum ay nagsisilbing batayan ng isang bansa sa kalidad ngedukasyon.


Ito ay masiguro na ang mga mag-aaral ng isang bansa ay matutugunanang kaukulang
kaalaman at ng mga mag-aaral sa bawat antas, samakatuwid, angtagagawa ng disenyo ng
kurikulum ay laging iniisip ang pangangailangan ng mgamag-aaral at ang angkop ng kurikulum
para sa kanila.

Pangangailan ding alamin at isasaalang-alang natin ang mga dimensyon sa pagdidisenyo ng


kurikulum, mga hakbang sa pagdedesinyo at proseso ng paglinangng kurikulum.

Iba’t ibang Dimensyon sa Pagdesinyo ng Kurikulum. (1) SCOPE o SAKLAW (Tyler in Ornstein
2004)- Tumutukoy ang saklaw sa lahat ng nilalaman, paksa, pagkatuto at pag-organisa
ngkabuuang pagpaplano. Ito ay hindi lamang nakapokus sa pangkaisipang nilalamankundi
maging sa pandamdamin at pangkasanayang nilalaman. Limitado, malawak,simple ay ilan
lamang sa mga salitang makapaglalarawan ng scope o saklaw. Ditokailangan ang desisyon ng
mga guro. Binubuo ito ng mga bahagi na nahahati samga yunit, sub-yunits, mga kabanata at
sub- chapters. Sa paghahati ng nilalamanmaaaring gamitin ang pamamaraang pabuod o
pasaklaw (deductive or inductive); (2) SEQUECE- Ang nilalaman ay may pagkakasunod-sunod
na antas o lebel. Ayon kina Smith,Stanley at Shore, 1957 sila ay nagbigay ng ilang prinsipyo
hinggil sa sequence opagkakasunod-sunod.(a) SIMPLE TO COMPLEX LEARNING - Ang mga
nilalaman ay nakaayos ssimula sa pinakasimple patungo sapinakamahirap. Halimbawa nito, sa
Matematika – addition muna bago multiplication.Sa Filipino, talakayin muna ang mga letra bago
salita, salita bago mga parirala atparirala bago mga pangungusap; (b). PREREQUISITE
LEARNING- Nangangahulugang kinakailangang may dating kaalaman bago dumako sa
susunodna pagkatuto. Halimbawa, sa Professional Education- hindi mo makukuha
angAssessment of Learning 2 kung hindi mo pa pinag-aralan ang Assessment
ofLearning 1; (3) WHOLE TO PART LEARNING- Batay sa Gestalt theory. Ang kahulugan ay
mas mainam maintindihan kung angnilalaman ay mula sa kabuuan. Halimbawa nito,
pagpapakitang- turo (demo teaching) muna bago ituro ang nilalamang ng banghay-aralin o
paggawa ng banghay- aralin; (4) CHRONOLOGICAL LEARNING- Ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari ay isa sa mga pinagbabatayan ngpagkakasunod-sunod ng mga nilalaman. Ito
ay madalas na naihahanay sa pag-aaralng kasaysayan at pangyayari sa lipunan. Ang
panahon ay may mahalaganggampanin dito. Maaaring magsimula sa kasalukuyan papunta sa
nakaraan o umpisasa nakaraang panahon papunta sa kasalukuyan.

Ayon naman kina Posner at Rudnitsky, nagbigay rin sila ng sumusnod na prinsipyo: (1)
WORLD-RELATED SEQUENCE: (a) SPACE o Espasyo- Halimbawa: malapit patungo sa

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

malayo o pataas patungo sa ibaba; (b) TIME o Oras- Halimbawa: Ituro muna ang pinakaunang
naging

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

presidente ng Pilipinas hanggangsa kasalukuyan; (c) Physical Attribute- Halimbawa: ituro muna
ang tatlong pulo ng Pilipinas bago ang mga rehiyon nito; (2) CONCEPT-RELATED
SEQUENCE:
(a) CLASS RELATION- Halimbawa: Bago malaman ang uri ng mammals, kailangan munang
ituro sa mgamag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng mammals: (b) PROPOSITIONAL
RELATIONS- Halimbawa: Kailngan munang ituro ang mga batas sa equal protection bago pag-
aralan ang Supreme Court Decisions; (3) INQUIRY-RELATED SEQUENCE- Tumutukoy sa
siyentipikong pamamaraan ng inquiry; (4). LEARNING-RELATED SEQUENCE- Nakabatay sa
sikolohiya ng pagkatuto at kung paano ang tao natuto: (a) EMPERICAL PREREQUISITE –
nakabata sa emperikal na pag-aaral na kung saanang prerequisite ay kailngan bago matutuhan
ang sunod na lebel; (b) FAMILIARITY – kailangang mayroong pamilyaridad ang mga mag-
aaral sa mgapaksang tinalaky; (c) DIFFICULTY – kailangang matukoy kung saan nahihirapan
ang mga mag-aaral samga paksang tinalakay; (d) INTEREST – nakikita ang interes ng mga
mag-aaral sa pagtalakay ng mga paksa; (3) CONTINUITY. May kinalaman sa Spiral Curriculum
ni Gerome Bruner.-Ang pagkatuto at pag-unlad ay nagiging pangmatagalan o permanente. Ang
mganatutunan ng mga mag-aaral, ang kanilang mga kasanayan ay lalong nalilinang -
Halimbawa: ang ilang araln sa agham na nasa elementarya ay ipinagpapatuloyhanggang
sa mataas na antas subalit may iba’t ibang antas ng kahirapan; (4). INTEGRATION. Ang lahat
ng bagay ay magkakaugnay-ugnay. Ang nilalaman, mga paksa oasignatura ay may
kaugnayan at sumasalamin sa totoong mga sitwasyon sa buhay; (5) ARTICULATION. Maaaring
gawin nang pahalang o pababa. - Sa vertical articulation, ang nilalaman ay nakahanay at
sumusunod sa antas o lebel.Ang horizontal articulation naman ay nangyayari kapag ang
ugnayan ng mga ito aynangyayari sa iisa at parehong panahon; at (6) BALANCE. Nasusukat
ang disenyo ng kurikulum kung ito ba epektibo o makabuluhan sapamamagitan ng
tamang pagbalanse ng nilalaman, panahon at iba pang elementonito

Mga Hakbang sa Proseso ng Paglinang ng Kurikulum

1. Ang mga guro, magulang, tagapamahala ng paaralan (administrator) at maging ang mga
mag-aaral ay may kinalaman sa pagdesenyo ng kurikulum.
2. Ang mithiin, tunguhin, misyon at bisyon ng paaralan ay kailangang pag-aralang mabutiat
dapat maging batayan din ito sa pagdesenyo ng kurikulum.
3. Ang pangangailangan at interes ng mga mag-aaral sa pangkalahatan pati na rin sa
komunidad, sa kabuuan ay kailangan laging isaisip.
4. Ang mga alternatibong kagamitan sa pagdedesenyo ng kurikulum tulad ng gastos,
paghahati ng klase (class schedule), laki ng klase, pasilidad (facilities) pati na rin ang
personalidad ng mga tagapamahala ng paaralan ay kailangang malaman ang mabuti at
di-mabuting epekto nito.
5. Ang pagdedesenyo ng kurikulum ay kailangang nakaangkla sa kognitibo,
pandama,kakayahan, konsepto at kinalabasan ng pagkatuto ng mga mag-aaral

Gawain

1. Pangatwiran, alin ang higit na angkop na school of thoughts sa kalagayan ng Pilipinas?


2. Paano nalilinang ang isang kurikulum sa isang kurso?
3. Manaliksik (online) ng mga halimbawa ng kurilkulum at suriin kung nakatutugon ito sa
mga inilalahad sa araling ito.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

ARALIN 3
SCHOOL OF THOUGHTS AT PAGLINANG NG KURIKULUM SA PILIPINAS

Sa araling ito na may paksang School of Thoughts sa Paglinang ng Kurikulum ay


tatalakayin ang sumusunod na sub-paksa: (1) Essentialist School; (2) Progressivists School; (3)
Ang Kurikulum Bago Dumating ang mga Kastila; (4) Ang Kurikulum sa Panahon ng mga Kastila;
(5) Kurikulum sa Panahon ng mga Amerikano; (6) Ang Kurikulum sa Panahon ng Komonwelt;
(7) Ang Kurikulum sa Panahon ng mga Hapones; (8) Ang Kurikulum sa Panahon ng Kalayaan;
at (9) Ang Kurikulum sa Panahon ng Republika ng Pilipinas; (10) Mga Salik sa Paglinang ng
Kurikulum;
(11) Ang PROCEED at ang Bagong Kurikulum sa Paaralang Elementarya (NESC); (12) Ang
SEDP (Secondary Education Development Program); (13) Mga Kasanayan sa Filipino sa SEDP
Kurikulum; (14) Ang mga Komponents at Katangian ng Asignaturang Filipino sa Kurikulum ng
1989; (15) Ang Mother Tongue Based Multilingual Education Curriculum (2012); at (16) Ang K-
12 Curriculum

Panglakahatang Layunin

Sa katapusan ng aralin na ito, inaasahan na:

1. Nakapaglalarawan sa School of Thoughts sa paglinang ng kurikulum.


2. Nakapaglalahad ng mga katangian ng Kurikulm sa pagdaan ng panahon
3. Nakapaghahambing sa iba’t iba’t ibang kurikulum sa Pilipinas.
4. Nakagagawa ng isang pananaliksik kaugnay sa mga batayang teorya sa
pagbabago ng kurikulum sa bawat panahon.
5. Naihahambing ang bawat kapanahunan ng kurikulum.
6. Nakapagtatalakay at nakapag-iisa-isa sa mga pagbabagong nagaganap sa
kurikulum
7. Nakagagawa ng mga pagsusuri sa mga layunin ng mga pagbabago sa kurikulum.

Pangkalahatang Kaalaman

Sa pagbuo at paglinang ng kurikulum sa mundo at sa Pilipinas (partikular) dalawang


pangunahing kaisipan ang sinasabing may malaking impluwensya sa pagbalangkas nito. Ito ay
ang Essentialism at Progressivist. Ang Essentialist ay nabibilang sa tradisyonal na pagtanaw sa
edukasyon habang ang progressivist naman ay nasa kontemporanyong oryentasyon. (tingnan
ang pagkakaiba ng dalawa sa talahanayan)

Tradisyonal Kontemporanyo
Kategorya
Essentialism Progressivist
Oryentasyon Teoretikal Teoretikal
Pagyabong, nirerekonstrak
Pinanatili ang Kahalagahan ang kasalukuyan, binabago
Direksyon sa Panahon
ng Nakaraan ang lipunan, hinuhulma ang
hinaharap
Halagahang Pang- Nababago, Subhektibo,
Fixed, Absolute, Obhektibo
Edukasyon Relatibo

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Nakatuon sa aktibong
Prosesong Pang-edukasyon Nakapokus sa Pagtuturo
pansariling pagkatuto
Nakikilahok sa pagtugon sa
Nagsasanay, Nakatuon sa
Intelektwal na Pokus mga suliranin, may
pagdidisiplina ng kaisipan gampaning panlipunan
Para sa pansariling Lahat ay may pantay-pantay
Paksain
kapakinabangan na halaga
Binubuo ng tatlong R
3Rs, Sining, Agham at
Kurikulum (Pagbasa, Pagsulat at
Matematika) Bokasyonal
Kognitbong Pagkatuto,
Pagkatuto Exploratory, Pagtuklas
Disiplina
Heterogeneous, dibersidad
Pagpapangkat Homogeneous
ng/sa Kultura
Nagpapamahagi, lektura, Nagpapadaloy, naggagabay,
guro
Nangingibabaw sa pagtuturo gumagabay sa pagbabago
Nakikilahok sa pagtuklas ng
Tumatanggap ng kaalaman,
Mag-aaral kaalaman, bumubuo ng
pasibo
kaalaman
Sosyal Direksyon, control, restraint Indibidwalismo

Paglinang ng Kurilum sa Pilipinas

Ang bawat panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas ay kakikitaan ng Iba’t ibang tuon ng


Kurikulum.

1. Panahon Bago Dumating ang Kastila. Pinagtutuunang pansin ang mga pagiging pinuno
upang makatulong sa pag-unlad. Sa ilalim lamang ng puno nagtuturo ang mga tribo,
nakaupo lamangang mga bata sa lupa at gumagamit lamang sila ng makikinis na batosa
pagsulat. Pangangaso para sa mga lalaki at mga gawaing-bahay para sa mga babae.
Ang edukasyon ay kolektibong responsibilidad ng pamayanan o barangay. Ang mga
magulang at nakatatanda sa barangay ang nangangasiwa sapagtuturo sa mga bata.
Ang mga kasanayan sa produksiyon tulad ng paghahabi, pangingisda atpangangaso ay
pangunahing binibigyang pansin. Mahalaga ang pangangalaga noon sa mga produkto
dahil ito lamang ang pinagkukuhanan nila ng kabuhayan at pinagkakakitaan. Hindi nila
gaanong binibigyan ng kaukulang pansin ang pag-aaral.

2. Ang Kurikulum sa Panahon ng Kastila. Malaki ang naging gampanin ng pagdating ng


iba’t ibang misyonero ditto sa Pilipinas pagdating sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Nagingpangunahin nga nilang layunin ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa bansa.
Itinuro dito ang relihiyong Kristiyanismo, wikangEspanyol, pagsulat, pagbasa, aritmetika,
musika, sining at paggawa. Ipinasasauloang aralin sa mga mag-aaral maging ang mga
dasal. May mga paaralang bokasyonal na naitatag din layunin nitong ituro ang iba’t
ibang karunungan tulad ng pananahi, paglililok, sining sa pagpipinta at pagdaragat.
Nagbukas ng mga paaralang normal para sa mga lalaki at babae na nais maging guro.
nahahati ito sa dalawang uri: (a) Dominikano- pinamunuan ang Unibersidad de Sto.
Tomas; samantalang (b.) Heswita- naman ang namuno sa Ateneo Municipal deManila.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

3. Ang Kurikulum sa Panahon ng Amerikano. Maraming mga pampublikong paaralan ang


naitayo upang maraming mga Pilipino ang makapag-aral. Ang wikang Ingles ang ginamit
na panturo sa mga paaralan at binigyang-diinang kulturang Amerikano sa leksiyon. Sa
pamamagitan ng Act 74 na nilagdaan ni Pangulong Mckinleynoong Enero 1901 ay
nailatag ang istruktura ng edukasyon sabansa sa ilalim ng pangangasiwa ng mga
Amerikano. ang naging pokus ng pagtuturo sa mga paaralan atbinigyang-diin ang
demokratikong pamumuhay at hindi ang relihiyon. Binalangkas ang istruktura ng
edukasyon na umaakma samalapyudal na katangian ng ekonomiya ng Pilipinas at
pantustos sapang-ekonomiyang pangangailangan ng Amerika. Naging kasangkapan ng
pananakop ang edukasyong pangwika at pampanitikan noong panahon ng
kolonyalismong Amerikano. Iba’t ibang pangunahing sanggunian ang ginamit niya sa
saliksik tulad ng mga opisyal na kurso sa pag-aaral (courses of study), planong leksiyon
ng mga guro, ulat ng Direktor ng Bureau of Education at iba pang opisyales, at iba pang
kagamitan sa pagtuturo.Tinipon din niya ang mga teksto, teksbuk, at reader na itinakda
at ipinabasa sa mga mag-aaral sa elementarya at hay-iskul sa apat na dekada ng
pananakop ng mga

4. Ang Kurikulum sa Panahon ng Hapon. Noong 1942, nilikha ang Commission of


Education, Health, and Public Welfare sa bisa ng Military Order No. 2 ng pamahalaang
Hapones. Bahagi ng simulain nito ang mgasumusunod: (1) Pagpapaintindi sa mga
mamamayan ng kalagayan ng Pilipinas bilangkasapi ng Greater East Asia Co-Prosperity
Sphere; (2) Pagsupil sa mga kaisaipang Kanluraning nag-uugnay sa mga Pilipinoat sa
mga bansa sa Kanluran, particular sa mga bansang Britanya at ang Estados Unidos; (3)
Pagpapayabong ng kultura ng bagong Pilipino ayon sa kamalayan ng pagigigng
Oryental o Asyano; (4) Pagtuturo ng wikang Nihonggo; (5) Pagkakaloob ng edukasyong
elementarya at bokasyunal; at (6) Pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa.

5. Ang Kurikulum sa Ikatlong Republika. ang pangunahing suliraning hinarap ng bansa


ayang rehabilitasyon o pagbibigay tatag ng pamumuhay ng mga Pilipino
sapagkatmalaking pinsala ang nagawa nito. Sa edukasyon, nagkaroon ng suliranin sa
mgagusaling pampaaralan gayundin sa mga kinakailangang kagamitan dito.
Ipinagpatuloy ang maka-amerikanong sistema ng edukasyon. Itinuro pa rinang mga
kaisipang pandemokrasya at Ingles pa rin ang wikang panturo. Ipinakilala ang mga
paaralang pampamayanan upang maiangkop sapanahon ng kahirapan. Ipinaturo ang
katangi-tanging nagawa ng mga bayani.

6. Ang Kurikulum sa Panahon ng Martial Law at ng 1986 Rebolusyon. Ipinatupad sa


panahon na ito ang bilingual education, population education at family planning, taxation
at land reform, at pagpapatibay ng/sa pagpapahalagang Pilipino.

7. Ang Kurikulum Matapos ang Martial Law at Rebolusyon. Naging bahagi ng kurikulum
ang computer at makabagong teknolohiya. Binigyang-diin ang pagpapaunlad ng wikang
bernakular, wikang ingles, inclusive education, special education, makabagong
pamamaraan sa pagtuturo gaya ng multiple intelligences, learning styles at mga katulad
nito.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Ang PROCEED at ang Bagong Kurikulum sa Paaralang Elementarya (NESC)

Iminungkahi na noo’y Direktor ng Kawanihan ng Edukasyong Pang-elementarya Dr.


Minda C. Saturia ang pagbabago ng kurikulum sa Paaralang Elementarya sa pag-aakalang
tutugon ito sa suliranin ng paaralan. Ito ay ang sampung taon programa para sa
Komprehensibong Edukasyong Pang-elementarya o kinilala sa tawag na Program for a
Comprehensive Elementary Education o PROCEED.

Ang PROCEED bilang programang pang-edukasyon ay naglalaman ng siyam (9) na


pangunahing component. Ito ay ang sumusunod: (1) Misyon at Pagpapahalaga (Mission and
Values); (2) Paglinang ng Kurikulum ( Curriculum Development); (3) Pagpapaunlad at
Kagalingang Pangguro (Teacher Development and Welfare); (4) Pagpapabuti ng mga
Kagamitan (Facilities Development); (5) Paghahanda ng mga Kagamitang Pampagtuturo
(Instructional Materials Development); (6) Pamamahala (Management); (7) Pananalapi
(Financing); (8) Edukasyong Pangkalusugan (School Based Health Education); at (9)
Edukasyon Bago Mag- elementarya (Pre-Elementary Education).

Sa ilalim ng nabanggit na programang pang-edukasyon, naghain ng isang bagong


kurikulum para sa Paaralang Elementarya na tinawag naman na New Elementary School
Curriculum (NESC). Ang mungkahing kurikulum na nabanggit ay naglayong gampanan ng
paaralan ang ilang tinukoy na misyon nito gaya ng sumusunod: matulungan ang bawat
mamamayan sa pagtatamo ng mga batayang kahandaan sa ikapagiging mulat, may disiplina,
Makabayan, may pananalig s aDiyos, malikhain, versatile, at kapaki-pakinabang na
mamamayan ng isang pamayanang Pambansa. Binigyang- tuon ang paglinang sa kaisipang
Makabayan (sense of nationhood) sa pamamagitan ng pagtatamo ng mga batayang kasanayan
sa Sining ng Komunikasyon (Ingles at Filipino), Matematika at Araling Panlipunan (Sibika) at
Kalingan (Civic and Culture) na kinilala noon sa tawag na batayang edukasyong Elementarya.

Ang bunga ay itinuturing na higit na mahalaga kaysa aralin. Ang pokus nito ay 4Hs sa
Ingles. Ito ay ang Head (ulo) o nakatuon sa intelektwal; Heart (puso) o pagpapahalaga (values);
Hands (kamay) o batayang kasanayan sa paggawa; at Health (kalusugan) o kagalingang pisikal
at mental. Sa gayon, ang binibigyang diin sa NESC ay ang pagkatuto ng makatutulong sa
paglinang ng apat na H (head, Heart, Hands and Health).

Ang kurikulum ay binuo rin ng tatlong (3) Sab-Siklo: Sab-Siklong Batayan (Baitang I at
II); Sab-siklo s apagsasanay at pagpapsidhi (Baitang III at IV); at Sab-siklo sa pagsasanay,
pagpapasidhi at pagsasagawa (Baitang V at VI). Nilayon ng mga sab-siklong ito na sa unang
kapantayan ng edukasyon na matamong lubusan ang 100% ng mag-aaral ang minimum na
mahalagang kasanayan sa ilalim ng NESC.

Mga Kasanayan sa Filipino sa SEDP Kurikulum

Upang matugunan ang pangangailangan na maipagpatuloy ang pagkalinang ng mga


mag-aaral na pinasimulan ng nagkaroon ng implementasyon ng Program for a Comprehensive
Elementary Education o PROCEED sinundan ito ng pagbuo ng programang pansekondarya na
tinawag naming Secondary Education Development Program (SEPD). Pinasimulan ito ng dating
kalihim na si Dr. Lourdes Quisumbing. Ang mga asignaturang pinag-aralan sa SEDP ay may
apat na pung (40) minutong inilaan maliban nalang sa Science and Technology at Home
Economics na may isang oras. Nilayon ng programang ito na mapabuti ang uri ng edukasyong
pansekondarya sa bansa, mapalawak ang access ng mga mamamayan sa may uring

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

edukasyong pansekondarya at maitaguyod ang pagkapantay-pantay sa mga alokasyon ng mga


mapagkukunan (resources) lalo na sa mga kapantayang lokal.

Sa ilalim ng SEDP kurikulum nakapaloob dito na linangin ang mga kakayahan sa


paggamit ng Filipino sa tulong ng mga tinuturing pambalarila upang matamo ang kasanayang
makro. Sa loob ng SEDP Kurikulum tinuon nito ang paglinang sa sumusunod na kasanayan sa
wika at/o panitikan: (1) Pakikinig- dito naiintindihan ng mag-aaral ang isang paksa kung siya ay
nakapokus sa pakikinig; (2) Pagsasalita- naibabahagi ang kaalaman tungkol sa isang bagay; (3)
Pagbasa- nauunawaan ang nilalaman ng teksto kapag naiibahagi niya ang knyang
sarilingopinion tungkol sa isang paksa; (4) Pagsulat- maipahayag ang sariling ideya, kaisipan at
damdamin; (5) Paggawa ng mga tala- magaling gumawa ng mga tala o noted details; at (6)
Kasanayang Pansanggunian- mahilig magbasa ng mga aklat, dyaryo at magazines na maaaring
kapulutan ng aral.

Matapos ito ay muling nagkaroon ng rebisyon ang kurikulum noong 1973 sa ilalim ng
Revised Secondary Education Kurikulum o RSAC at muli itong nagkaroon ng pagbabago noong
1989 sa ilalim ng New Secondary Education Curriculum (NSEC).

Ang mga Komponents at Katangian ng Asignaturang Filipino sa Kurikulum ng 1989

1. Wika
a. Magkahiwalay na ituturo ang wika at panitikang Filipino sa loob ng apatnapung
minutong pagkaklase;
b. Gagamitin ang pagdulog nosyonal/functional o ang estratehiyang komunikatibo;
c. Bibigyang-diin sa pagtuturo ang tunay na gamit ng wika (use/function) sa tulong lamang
ng mga kaalaman at tuntuning pambalarila, ayon sa konteksto ng hangarin, sitwasyon
at pangangailangan.
d. Gagamitin ang dulog na learner-centered sa pagtuturo at ang konsentrasyong
pagtuturo at pag-aaral ay pagkakaroon ng kakayahan sa komunikasyon lalo na sa
pakikipagtalastasan.

2. Panitikan
a. Maingat na binalangkas ang papaunlad (spiral progression) ang mga ituturong anyo/uri
ng panitikan kasama ang mga akda mula sa iba’t ibang lalawigan/rehiyon.
b. Ginagamit ang mga akda bilang bukod sa babasahin o paksang aralin upang
magkaroon ng lubusang kasanayan (mastery) ang mga mag-aaral sa iba’t ibang
sangay ng panitikan.
c. Kaalinsabay ng pagtatamo ng mga kasanayang pampanitikan, matutuhan din kung
paano ang pagsulat ng pinapaksang anyo o uri ng panitikan.
d. Ituturi ito nang ihiwalay upang lumawak ang kaisipan-karanasan ng mga mag-aaral
upang magkaroon ng damdmain at malasakit sa sariling literature
3. Halagahang Pangkatauhan
4. Palatuntunang Pampamahalaan
5. Mga Pag-aaral/ Pananaliksik
6. Pagsasaling-wika

Ang Mother Tongue Based Multilingual Education Curriculum (2012)

Nilagdaan na noon ay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ang batas na R. A. 10533


(Enhanced Basic Education Act of 2013) o mas kilalabilang K-12 Curriculum. Ayon kina Estrada
at Gargantiel (2013), ang batas naito ay nagsasaad na ang mga mag-aaral ay kailangang

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

sumailalim sa mga baitang mula Kinder hanggang Grade 12 sa kanilang pag-aaral ng batayang
edukasyon. Ang mga antas na ito ay binubuo ng pitong (7) taon sa primary education kasama
ang Kindergarten, apat (4) na taon sa Junior High School at dalawang (2) taon sa Senior High
School na may kabuuang labing-tatlong (13) taon. Kaangkla din sa batas na ito ay ang
pagpapatupad ng sistemang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE). Ang
MTB-MLE ay ang paggamit ng mga mag-aaral ng kanilang unang wika (L1) bilang wikang
panturo mula Kindergarten hanggang ikatlong baitang. Isa ang Pilipinas sa may maraming
wikang ginagamit bilang dialekto ng wika ng mga Filipino na kung saan mayroong humigit
kumulang 181 na wika na naging sanhi ng pagkakaroon ng problema ng Kagawaran ng
Edukasyon sa pagpaptupad ng nasabing sistema. Ayon kay Director Paraluman Giron ng
DepEd Region IV-A maging ang isa sa mga masugid na tagatangkilik ng MTB-MLE, saunang
taong pag-aaral ng mga bata mahalagang gamitin ang unang wika upang masanay sila sa mas
malawak na pag-iisip. Binigyang diin din ni Giron, kung gagamitin ang unang wika sa pagtuturo
sa mga bata masasanay sila sa pagsasagotat pagtatanong ng “bakit” na siyang susi sa mas
malalim na pagkaunawa. (PIA Achieve News Reader, 2010)

Ang MTB-MLE ay edukasyong pormal o di-pormal na ang unang wika (mother tongue)
ng mag-aaral at iba pang wika ay ginagamit sa loob ng silid-aralan. Ipinalalagay na ang mag-
aaral ay natututo sa simula ng kanilang edukasyon gamit ang wikang kanilang higit
nauunawaan (unang wika/mother tongue) at nalilinang ang matatag na pundasyon ng pagkatuto
gamit ang kanilang unang wika bago ang kanilang matuto ng iba pang mga wika. Ipinakita sa
mga pananaliksik ang katotohanan na ang mga batang may matatag na pundasyon sa kanilang
unang wika ay nakabubuo nang higit na mataas na literasiya (maaaring tingnan ang pag-aaral
nina Diane Dekker sa kaso ng Lubuagan). Higit na naibabahagi ng mag-aaral ang kanilang
kaalaman sa iba’t ibang mga wika. Ayon kay Kalihim Mona Valisno ng Kagawaran
ngEdukasyon, layunin ng MTB-MLE na makapaghubog ng “lifelong learners” na bihasa sa
paggamit ng unang wika, ng pambansang wika, at iba pang salita kagaya ng Ingles.

Bago ang implementasyon nito noong 2012 nagkaroon na nang Kautusan noong ang
Kagawaran ng Edukasyon sa bisa ng Kautusan Bilang 74, Serye 2009 na may pamagat na
Institutionalizing Mother Tongue Based Multilingual Education na nilagdaan na noon ay Kalihim
Jesli Lapuz.

Ang K-12 Kurikulum

Ang K to 12 Program ng pamahalaan ng/sa ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mandatory


o required na kindergarten at karagdagang 2 taon sa dating 10-year Basic Education Cycle.
Kung noon, pagkatapos ng anim na taon sa elementarya at apat na taon sa hayskul (kabuuang
10 taon) ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga estudyante. Sa ilalim ng K to 12, bago
makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa karagdagang 2 taon pagkatapos ng apat na
taon sa mataas na paaralan (high school/sekondarya). Sa bagong sistema, tinatawag na senior
high school o junior college ang karagdagang 2 taon. Ang apat na taon ng mataas na paaralan
sa lumang sistema ay tinatawag namang junior high school. Sa kabuuan, Grade 1-12 ang
opisyal na tawag sa 12 taon ng Basic Education sa ilalim ng Kto12.

Nagsimula noong School Year 2011-2012 ang pagkakaroon ng kindergarten sa mga


pampublikong paaralan. Noong taong-aralan 2012-2013 ay sinimulan na ang implementasyon
ng K to12 kurikulum sa unang baitang at ikapitong (unang taon sa junior high school). Unti-
unting ipinatupad ang K to 12 curriculum hanggang sa makapagtapos ang unang hanay ng
senior high school noong taong-aralan 2017-2018. Batay sa plano ng gobyerno, noong taong-
aralan 2018-

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

2019 pa nagsimulang kumuha ng bachelor’s degree sa kolehiyo/unibersidad ang unang hanay


ng senior high school na dumaan sa Kto12.

Nagbunsod ang pagbabagong ito sa programang pang-edukasyon ng Pilipinas dahil


ayon sa pagtataya ng mga ahensya ng pamahalaan mababa raw ang kalidad ng edukasyon sa
Pilipinas at sa pamamagitan daw ng Kto12 ay mapatataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
Tinatanaw rin na sa buong Southeast Asia, ang Pilipinas na lang ang may 10-year Basic
Education Cycle (ang ibang bansa ay may 11-12 taon sa Basic Education Cycle). Sa buong
mundo, ang Pilipinas ang isa sa 3 bansa na may 10-year Basic Education Cycle. Sa lumang
sistema, matapos makumpleto ang apat na taon sa mataas na paaralan tinataya na di pa rin
handa para magtrabaho ang mga estudyante (masyado pang bata para makapagnegosyo at iba
pa). Hindi rin [daw] handang magkolehiyo ang maraming nagtatapos sa mataas na paaralan sa
lumang sistema. Dahil sa lumang 10-year Basic Education Cycle ay hindi kinikilala ng ibang
bansa ang mga propesyunal na nagtatapos sa Pilipinas. Sa Amerika, kailangan ang labing
dalawang (12) taon ng basikong edukasyon (basic education) para sa mga inhinyero. Sa
Europa naman, kailangan ng labing dalawang (12) taon ng basikong edukasyon para sa mga
gustong mag-aral sa mga unibersidad at para sa mga gustong magtrabaho bilang propesyunal.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay ang tanging bansa sa Asya at kabilang sa tatlong natitirang
mga bansa sa mundo na gumagamit ng isang 10-taong pangunahing siklo ng edukasyon. Ayon
sa isang pagtatanghal na ginawa ng South East Asian Ministro of Education Organization
(SEAMEO-INNOTECH) sa Karagdagang Taon sa Philippine Basic Education (2010), ang data
ng paghahambing sa tagal ng Pangunahing at Pre-University Education sa Asya ay
nagpapakita na ang Pilipinas ay nagbigay ng 10 taon hindi lamang para sa pangunahing siklo
ng edukasyon kundi pati na rin para sa edukasyon ng pre-unibersidad samantalang ang lahat
ng iba pang mga bansa ay mayroon ding 11 o 12 taon sa kanilang pangunahing siklo ng
edukasyon.

Ang mga marka ng nakamit ay nagtatampok ng hindi magandang pagganap ng aming


mga mag-aaral sa pambansang pagsusuri. Ang mga resulta ng National Achievement Test
(NAT) para sa grade 6 noong SY 2009-2010 ay nagpakita lamang ng isang 69.21% na rate ng
pagpasa habang ang mga resulta ng NAT para sa high school ay nasa isang mababang
46.38%. Bukod dito, ang mga pang-internasyonal na mga pagsubok sa 2003 ng Trending sa
pag-aaral ng International Mathematics and Science (TIMSS) ay nagpapakita na ang Pilipinas
ay nasa ika-34 sa 38 na bansa sa HS Math at ika-43 sa labas ng 46 na bansa sa HS II Science.
Bukod dito, ang Pilipinas ay nagraranggo sa pinakamababang noong 2008 kahit na sa mga
paaralang high school na sumali sa kategoryang Advanced Mathematics.

Ang kasalukuyang kurikulum ay inilarawan bilang kongreso. Nangangahulugan ito na


ang mga mag-aaral ay hindi nakakakuha ng sapat na oras upang maisagawa ang mga gawain
dahil ang kurikulum ay idinisenyo upang maituro sa isang tagal ng 12 taon at hindi 10 taon. Ang
mas malinaw na resulta nito ay ang katunayan na ang karamihan sa mga mag-aaral sa high
school ay nagtapos nang walang kahandaan na kumuha ng mas mataas na edukasyon o
trabaho. Ang mga mag-aaral na ito ay hindi nilagyan ng mga pangunahing kasanayan o
kakayahang kinakailangan sa trabaho. Bukod dito, ang maikling panahon ng aming
pangunahing programa sa edukasyon ay naglalagay ng mga Pilipino na interesado na
magtrabaho o mag-aral sa ibang bansa sa kawalan. Ito ay dahil nakikita ng ibang mga bansa
ang aming 10-taong programa na hindi kumpleto, kung gayon, ay nagiging sanhi ng mga
nagtapos na Pilipino na hindi maituring na mga propesyonal sa ibang bansa.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Ipapakita ng mga record na simula pa noong 1925, may mga pagsisikap na mapagbuti
ang pangunahing kurikulum ng edukasyon at mga rekomendasyon na naipasa mula noon. Sa
gayon, ang ideyang ito ng pagdaragdag ng mga taon sa kasalukuyang kurikulum ay hindi bago.

Ang K-12 Kurikulum ay nagpapakita ng "holistically binuo na mga mag-aaral na may


mga kasanayan sa ika-21 siglo" (Deped Primer, 2011). Sa pangunahing pangunahing programa
ng edukasyon na ito ay "kumpletong pag-unlad ng tao sa bawat nagtapos" (DepEd discussion
paper, p.6). Ito ay nangangahulugang nangangahulugan na ang bawat mag-aaral ay
magkaroon ng pag- unawa sa mundo sa paligid niya at isang pagnanasa sa pag-aaral ng
mahabang buhay habang tinutugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagkatuto ng
mag-aaral: sa pang-araw- araw na buhay ”(p. 6). Bilang karagdagan sa ito, ang bawat
nagtatapos ay inaasahang magkakaroon ng paggalang sa karapatang pantao at nais nilang
maging " Maka-Diyos, Maka- tao, Makabansa, Maka-kalikasan " (p.6)

Tinutukoy ng primer ng DepEd (2011) ang mga benepisyo sa mga indibidwal at pamilya:

1. Isang decongested na pang-akademikong gawaing pang-akademiko, na nagbibigay


ng mga mag-aaral ng mas maraming oras upang makabisado ang mga kakayahan
at para sa mga aktibidad na co-kurso at pakikilahok sa komunidad, sa gayon,
pinapayagan ang isang mas holistic na pag-unlad; Ang mga nagtapos ay
magkakaroon ng mga kakayahan at kasanayan na nauugnay sa merkado ng trabaho
at sila ay magiging handa para sa mas mataas na edukasyon;
3. Ang K-12 ay abot-kayang;
4. Ang potensyal na taunang kita ng isang graduate ng K-12 ay mas mataas kumpara
sa mga kita ng isang 10-taong high school graduate;
5. Ang mga magtatapos ay makikilala sa ibang bansa.

Ang mga benepisyo ng kurikulum ng K-12 para sa lipunan at ekonomiya ay:

1. Makakatulong ito sa paglago ng ekonomiya. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang


mga pagpapabuti sa kalidad ng edukasyon ay nagdaragdag ng paglago ng GDP.
Ayon sa DepEd (2010), ang mga pag-aaral sa bansa ay sumasalamin na ang isang
karagdagang taon ng paaralan ay nagdaragdag ng mga kita ng 7.5% at na ang mga
pagpapabuti sa kalidad ng edukasyon ay magbibigay-daan sa paglago ng GDP sa
pamamagitan ng 2-2.2%. . Mapapabilis nito ang pagkilala sa mga nagtapos at mga
propesyonal sa Filipino sa ibang mga bansa
3. Ang isang mas mahusay na edukasyong lipunan ay nagbibigay ng isang mahusay
na pundasyon para sa pangmatagalang sosyo-ekonomikong pag-unlad.

Bunga ng implementasyon ng programang K-12 naging malawak ang epektong


dinu[nai]dulot nito sa mga Kolehiyo/ Unibersidad/ Pamantasan gayundin sa mga kurso.
Hanggang ngayon, wala pang malinaw na detalye hinggil dito. May nagsasabing iikli ang bilang
ng taon ng kolehiyo/unibersidad dahil ang ibang General Education subjects (gaya ng Filipino,
English at History) ay isinama/inilipat/ ibinaba na sa senior high school. May nagsasabing
ganoon pa rin ang bilang ng taon ng kolehiyo/unibersidad pero mababawasan ng ilang General
Education subjects ang kukunin ng mga estudyante.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Gawain:
1. Gumawa ng pagsusuri sa mga dahilan ng mabilis na pagbabago ng programang pang-
edukasyon sa PIlipinas. Ilahad ang nilalaman ng bawat pagbabago.
2. Paano nakaapekto ang kalagayang pang-edukasyon ng mga karatig bansa sa Asya at
mula sa Kanluran sa pagbalangkas at implementasyon ng pamahalaan sa programang
pang-edukasyon sa Pilipinas.
3. Saliksik at ilahad ang pagkakaiba at/o pagkakatulad ng Kautusan Bilang 74, Serye 2009
at ang MTB-MLE na nakapaloob sa Enhanced Basic Education Act ng 2013.
4. Batay sa naging tugon sa unang katanungan, gumawa ng isang mungkahing batayan
upang mapanatili at/o mapalakas ang Filipino sa mga programang pang-edukasyon ng
bansa.
5. Paano binago ng mga Kastila ang kaisipan ng katutubong Pilipino sa pamumuhay?
6. Gumawa ng talahanayan paano nagbago ang mga tuon ng kurikulum at pag-aaral sa
bansa sa pagdaan ng panahon?
7. Ano ang kalagayan ng Filipino sa mga pagbabagong naganap sa paglinang ng
kurikulum sa bansa?
8. Mananaliksik (kahit online) ng mga teorya bilang salalayan sa pagbabagong naganap sa
kurikulum sa bansa.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

ARALIN 4
MGA BATAYANG LEGAL AT OPISYAL NA PAGGAMIT NG FILIPINO
BILANG WIKA NG EDUKASYON

Sa araling ito (Aralin 4) nakatuon ang pagtalakay sa Mga batayang legal at opisyal na
paggamit ng Filipino bilang wika ng edukasyon. Babalikan sa bahaging ito ang mga
pangunahing batas sa bansa na nagtatadhana sa kalagayan ng Wikang Filipino sa
akademikong kalagayan.

Pangkalahatang Layunin

Sa katapusan ng aralin na ito, inaasahan na:

1. Nakapagtutukoy sa mga kartilya ng kurikulum ng kursong Filipino.


2. Nakapag-iisa-isa sa mga dulog at estratehiya sa pagtuturo ng Filipino batay sa
kurikulum.
3. Nakapaglalahad ng isang forum kaugnay sa mga sanligang batas pang-wika.

Pangkalahatang Kaalaman

Ayon sa siping bersyon ng Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3: "AngKongreso ay


gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibayng isang wikang pambansa
na batay sa isa mga umiiral na katutubong wika.Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang
batas, ang Ingles at Kastila ang patuloyng gagamiting mga wikang opisyal." Ibig sabihin, wala
pa noong ahensiya ngpamahalaan na mangangasiwa o magpapalaganap ng mga patakaran
hinggil sapambansang wika. At wala pa ring napipili noong 1935 kung aling katutubong wikaang
magiging batayan ng pambansang wika. Ang siniping probisyon naman saSaligang Batas ng
1935 ay ipinaglaban ng mga delegado sa KumbensiyongKonstitusyonal na hindi Tagalog na
sina Felipe R. Jose sa Mountain Province,Wenceslao Q. Vinzons sa Camarines Norte, Tomas
Confesor sa Iloilo,Hermenegildo Villanueva sa Negros Oriental, at Norberto Romualdez sa
Leyte. Ayon naman kay dating Pang. Manuel L. Quezon sa kanyang talumpati sa Unang
Pambansang Asamblea noong 27 Oktubre 1936, “Hindi na dapat ipaliwanag pa, na ang mga
mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay dapat magtaglay ng wikang
sinasalita at nauunawaan ng lahat.” Ayon sa kanya,nararapat lamang na magkaroon ng isang
wikang sinasalita at nalalaman ng lahatupang magkaroon ng pagkakaunawaan at
pagkakaintindihan sa isang partikularna lugar.Dahil naman sa Batas Komonwelt Blg. 184,
naitatag ang Surian ng WikangPambansa noong Nobyembre 13, 1936 na binuo ng Saligang
Batas ngPambansang Asamblea upang mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatanpara sa
layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang bataysa isa sa mga umiiral
na wika. Sa pagpili ng isang wikang pambansa, ibinatay itosa pagkaunlad ng estruktura,
mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap atginagamit ng malaking bilang ng mga
Filipino. Sa madaling salita, Pinili angTagalog bilang batayan ng bagong wikang pambansa sa
ilalim ng pamumuno niJaime C. de Veyra na taga-Samar-Leyte na kinabibilangan ng mga
kasaping sinaSantiago A. Fonacier (Ilokano), Filemon Sotto (Sebwano), Casimiro F.
Perfecto(Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Panay), Hadji Butu (Moro), at Cecilio Lopez
(Tagalog). Tampok sa pagpili ng Tagalog ang pagkilala rito na ginagamit ito ngnakararaming
bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga kategorikongpananaw ng mga lokal na
pahayagan, publikasyon, at manunulat.Noong Disyembre 13, 1937, sinang-ayunan naman

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

ang Tagalog “bilang batayan ng wikangpambansa ng Filipinas.” Samantalang noong Disyembre


30, 1937, pinili at ipirinoklama ng Pangulong Quezon ang Tagalog bilang batayan ng bagong
pambansang wika. Ayon sa kanyang mensahe, “Walang pinakamahalaga sa sinumang tao
kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa pagkakaisa ngbansa, at bilang bayan, hindi
tayo magkakaroon ng higit na kamalayan kung walang sinasalitang wikang panlahat.” Dahil sa
pagkakaroon ng wikang pambansa, nagkaroon ng pagkakaisa ang mga tao bilang iisang
bansa.May dalawangmahahalagang tungkuling naisagawa angSurian ng WikangPambansa.
Una ay ang pagbubuo at pagpapalathala ng Tagalog-EnglishVocabulary at pagbubuo ng
Balarila ng Wikang Pambansa.Dahil sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570, napagtibay ng
Pambansang Asamblea noong Hunyo 7, 1940 na kumikilala sa Pambansang Wikang
Filipinobilang isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas pagsapit ng Hulyo 4, 1946. at noong1942
ay inihayag ng Komisyong Tagapagpaganap ng Filipinas [PhilippineExecutive Commission] ang
Ordinansa Militar Blg. 13 na nagtatakda na ang kapwaNihonggo at Tagalog ang magiging mga
opisyal na wika sa buong kapuluan. Itoay noong panahong sakop pa ng mga Hapon ang
bansang Pilipinas. At noong Agosto 13, 1959, nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng
Tanggapan ng Edukasyon, na tawaging “Pilipino” ang “Wikang Pambansa” na pinasimulan ni
Jose Romero, isang Bisaya na naging Kalihim ng Edukasyon. Dahilnaman sa Konstitusyon ng
1973 o Saligang Batas 1973, itinakda na ang Wikang Pambansa ay tatawaging “Filipino” na
sinang–ayunan ng 1987 Konstitusyon na nagsasaad na “Ang Pambansang Wika ay Filipino.” At
taong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng pampubliko at
pribadong paaralan sabuong bansa. Dito napagtibay ang kautusang gamitin ang wikang Filipino
sa pagtuturo. Napagtibay naman ng Executive Order No. 263 o KautusangTagapagpalaganap
Blg. 263 na nag–aatas ng paggamit at pagtuturo ng WikangPambansa sa mga paaralan simula
Hunyo 19, 1940. Dahil naman sa Resolusyon Blg. 70 noong 1970, pinagtibay ng
KilusangPambansang Lupon sa Edukasyon ang pagpapagamit ng wikang pambansa(Filipino)
bilang wikang panturo sa lahat ng paaralan sa elementarya. Ditonagsimulang magamit ang
wikang pambansa bilang midyum ng pagtuturo sa lahatng paaralang pang-elementarya.

Sa isinaad ng artikulo XIV, Sek. 7 ng 1987 konstitusyon na …. “ukol sa mga layunin ng


komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang
itinatadhana ang batas, Ingles…” Nagsilbi itong opisyal na batayan ng sumusunod na kautusan
at memoranda na ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon.

 DECS Order 25, s. 1974 “Panuntunan sa Pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong


Bilinguwal.” Ang patakaran na naglalayong linangin ang magkatimbang na kasanayan
sa Ingles at Pilipino, ay para sa lahat ng mga paaralan, elementarya, sekondarya, at
tersyarya.
 DECS Order No. 50, s. 1975 “Supplemental Implementing Guidelines for the policy on
Billingual Instruction at Tertiary institutions.” Sa DECS Order 25, binigyan ng opsyon ang
mga institusyon sa antas tersyarya na magdebelop ng kanilang sariling iskedyul ng pag-
implementa sa programa.
 MEC Order No. 22, s. 1978 “Pilipino as Curricular Requirement in the Tertiary Level”
Bilang pag-alinsunod sa patakarang bilingguwal at sa iniaatas ng DECS Order 50, s.
1975, nagtakda ng tiyak na programa ng pagtuturo ng Pilipino sa antas tersyarya.
 D ECS Order 52, s. 1987 Bilang pagtugon sa mga probisyong pangwika ng konstitusyon
ng 1987, nirebisa ang patakarang bilingguwal at ipinagkalat ang impormasyon tungkol
dito sa pamamagitan ng dalawang kautusan. o“Filipino and English shall be used as
media instruction, the use allocated to specific subjects in the curriculum as indicated in
DECS Order No. 25, s 1974.” o“…Tertiary level institutions shall lead in the
continuing

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

intellectualization of Filipino. The program ofintellectualization, however, shall also be


pursued in both the elementary and secondary levels…”
 CHED Memo Order 59, s. 1996 “New General Education Curriculum (GEC).”
 CHED Memo 04, s. 1997 Nang sumunod na taon, muling nagpalabas ang CHED ng
bagong memorandum, ang CM No. 04, s 1997, na pumapaksa sa mga patnubay sa
Implementasyon ng CMO 59, 1996.
 CHED Memo Order 11, s. 1998 Muli naming nagrebisa ng kurikulum ang mga HEI,
particular an Teacher Education Institutions ang ilabas ng CHED ang bagong kautusan
tungkol sa minimum na rekwayrment ng general education para sa magiging guro.

Pananaw sa Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino,
ang legal na ahensyang naatasang mamahala sa patuloy na paglinang ng wikang Pambansa ay
nagsabi na: Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas
at mga di katutubong wika sa ebolusyon ng iba’t ibang varayti ng wika para sa iba’t ibang
sitwasyon sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling pagpapahayag.” (KWF Resolusyon Blg. 96-1, Agosto 26, 1996).

Ang Kurikulum sa Edukasyong Elementarya Upang maging makabuluhan ang pagtatalakay


ng mga aralin sa Filipino, nararapat na sundin ng mga guro ang tatlong prinsipyo na: A.
INTEGRATIBO; B. INTERAKTIBO; at C. KOLABORATIB.

Ang Filipino sa Antas Elementarya Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga kasanayan sa
pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag-iisip sa Filipino. Mga Inaasahang Bunga
Mithiin: Nagagamit ang Filipino sa mabisang pakikipagtalastasan (pasalita at pasulat);
nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon at mensaheng
narinig at nabasa para sa kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto
upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Ang Kurikulum sa edukasyong Sekondarya Itinakda ng Batas Pambansa 232 na kilala rin sa
tawag na Education Act of 1982 ang sumusunod na layunin ng Edukasyong Sekondarya: 1.
Maipagpatuloy ang pangkalahatang edukasyon na sinimulan sa elementarya. 2. Maihanda ang
mga mag-aaral para sa kolehiyo. 3. Maihanda ang mgga mag-aaral sa daigdig ng pagtatrabaho.

Ang Kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersyarya Alinsunod sa Republic Act No. 7722 o
Higher Education Act of 1994, ang komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) ay
naatasang ipatupad ang sumusunod na katungkulan: A. Itaguyod ang mahusay o de kalidad na
edukasyon. B. Gumawa ng hakbang upang masiguro na ang gayong edukasyon ay matamo o
para sa lahat (accessible to all); mapaunlad ang responsible at epektibong pamamahala,
patingkarin ang karapatan ng mga guro sa pagsulong na propesyunal at mayaman ang
kasaysayan at kulturang minana.

Ang Kurikulum ng Edukasyon sa Antas Tersyarya Republic Act (RA) No. 7722 (Higher
Education Act of 1994) CHED Memo Blg. 59, S. 1996 • Binuo ang “New General Education
Curriculum” CHED Memo Blg. 4, S. 1997 • Implementasyon ng CHED Memo Blg. 59 •
Humanities, Social Sciences, communications – 9 na yunit sa Filipino at 9 na yunit sa Ingles •
Math, Science and Technology, Vocational – 6 yunit sa Filipino at 9 yunit sa Ingles • Literatura 1
– ituturo sa Ingles at Filipino • Literatura 2 – depende sa Higher Education Institute

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Ang Filipino sa Binagong Kurikulum n General Education (CHED Memo Blg. 30, S. 2004)
Filipino 1: Komunikasyon sa Akademikong Filipino Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik Filipino 3: Masining na Pagpapahayag Literatura 1: Ang Panitikan ng Pilipinas
Literatura 2: World Literature

Gawain

1. Maliban sa mga naitalang kaugnay na batas at legal na batayan, manaliksik ng iba pang
kaugnay na kautusan na nakatuon sa Wikang Filipino bilang panturo at wika ng
akademya.
2. Manaliksik ng isang fora sa youtube o papel na binasa sa isang palihan at suriin ang
nilalaman nito at kaugnayan sa kalagayan ng wikang filipino bilang wikang panturo at
bilang wika ng/sa akademya.
3. Makipanayam (sa pamamagitan ng fb messenger o email) ng guro ng/sa Filipino sa
isang kolehiyo/pamantasan/ uniberisdad. Alamin mula sa kaniya ang mga gawaing
ipinatutupad ng kagawaran ng Filipino (kung mayrooon pa) at kung paano ito
ipinatutupad. Maaari rin naming alamin kung paano itinuturo sa kolehiyo ang Filipino.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

ARALIN 5
MGA PAGDULOG, ESTRATEHIYA AT KAGAMITANG SA PAGTUTURO NG
FILIPINO BATAY SA KURIKULUM

Ang aralin 5 ay nakatuon sa pagtalakay ng Mga Pagdulog, Estratehiya at Kagamitang sa


Pagtuturo ng Filipino Batay sa Kurikulum

Pangkalahatang layunin

Sa katapusan ng aralin na ito, inaasahan na .

1. Nakapagtatalakay sa pagkakaiba ng Dulog at Estratehiya.


2. Nakapag-iisa-isa sa mga dulog at estratehiya sa pagtuturo ng Filipino batay sa kurikulum.
3. Natatalakay ang ang mga paraan/estratehiya at pagdulog sa pagtuturo ng wika.
4. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang pamaraang
komunikatib para sa makabuluhang pagtuturo.
5. Nakasusubok makabuo ng sariling dulog at estratehiya sa pagtuturo ng Filipino.
6. nalaman ang kahulugan at kahalagahan ng kagamitang panturo;
7. makasunod sa mga simulain ng kagamitang panturo at
8. magamit ang kagamitang panturo sa isang talakayan.

Pangkalahatang Kaalaman

Bilang simulain, mahalagang maunawaan ng mga guro ang pagkakaiba-iba ng konsepto


ng Pamamaraan, Dulog, Estratehiya at Teknik. Ang dulog o lapit ay isang set ng mga
pagpapalagay hinggil sa kalikasan ng wika, pagkatutoat pagtuturo. Ang pamamaraan naman o
estratehiya ay tumutukoy sa pangkalahatangsistematikong pagpaplano na binubuo ng mga
hakbang batay sa isang dulog (Anthony (1963) halaw kay Badayos, 98). Sa madaling salita, ang
estratehiya ay nakaangkla sa isang natatanging dulog.

Noong taong 2000, ipinannukala ng Education Commission (EDCOM) sa kanilang ulat


na maging midyum ng pagtuturo ang Filipino sa pagsapit ng taong 2000. Kasama ng
mungkahing ito ang sumusunod: (1) Sa una, ikalawa at ikatlong baitang ay bernakular ang
midyum ng pagtuturo para sa lahat ng asignatura; (2) sa ikatlong baiting, ipapasok ang Ingles
bilang hiwalay na asinatura at patuloy na ituturo bilang hiwalay na asignatura hanggang sa
ikaapat na taon ng sekondarya; (3) Sa ikaapat na baiting, Filipino ang midyum ng pagtuturo at
patuloy na magiging wika ng pagtuturo para sa lahat ng asignatura maliban sa Ingles, hanggang
sa ikaapat na taon ng sekondarya; (4) Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal-
bokasyunal; (5) Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom ng mga institusyon ng higit na
mataas nalarangan, dapat ipaubaya sa ,DepEd ang pagpili ng wika ng pagtuturo sa edukasyong
pangkolehiyo; at (6) sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa Ingles at iba pang mga wika
ay ituturo sa pamamagitan ng Filipino.

Maaaring bigayang konsiderasyon ang sumusunod na lapit at/o dulog at estratehiya sa


pagtuturo ng wika at panitikan. (Taneo, 2010)

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

LAPIT/DULOG PAGLALARAWAN PAANO ITO GAMITIN


WIKA
Himukin ang mga mag-
Ang lapit o dulog na ito ay aaralna manuklas ng ibang
tumutukoy sa pabuod paraan otumuklas ng
napamamaraan ng paggabay panibagong tuntunin o
sa mga mag-aaral sa paraan. Bigyan
pagtalakay at pag-oorganisa ngpagkakataon ang mga
1. Patuklas na Lapit ng mga ideya at pagproseso mag-aaralna maging
nito. Ito ay makatutulong sa aktibong partisipanteng
mga mag-aaral upang pagkatuto sa pamamagitan
gamitin ang mga ideyang ngpaggawa ng mga
natutunan sa pagtuklas ng gawain,pagmamanipula ng
panibagon ideya mgakagamitan at pag-
interpret ng mga kinalabasan.
Nagagamit ito sa
pamamagitan ng pag-
Binibigyang-diin nito ang oorganisang mga ideya tungo
kognitibong pagkatuto: sa makabuluhan at mas
pagkatuto sa nilalaman at malalaking ideya, mula sa
2. Konseptwal na Lapit pagtamo ng kaalaman. konsepto tungo sa
Kinasasangkutan itong paglalahat. Bigyan ang mga
paglikom ng sapat na mag-aaral ng sapat na
mgaideya o konsepto. pagkakataon para
magbasa,making at
magsulat.
Ang dulog na ito ay
sumasangkot sa prosesong Isinasagawa ito sa
kognitibo gaya ng pamamagitan ng pagtukoy sa
pagkukompara, pag-uugnay- pangunahing ideya o
ugnay, pagtukoy sa sanhi at konseptong isang paksang
3. Unified Approach bunga, paghula sa posibleng aralin, pagbibigay ng
resulta at maging sinstesis halimbawa,pagbabalik-tanaw
ng isang paksa. Nilalayon sa nakaraang pagtatalakay at
nito na malinang ang mga pagbibigay-diin sa
mag- aaral na suriin at mahahalagang konsepto ng
busisiin ang paksang tatalakayin
pangkalahatan o kabuuan ng
mga bagay-bagay
Naniniwala and dulog na ito
na ang pagkatuto ng wika ay Naisasagawa ito sa
may kinalaman sa paglinang pamamagitan ng
ng ugali o gawi. Samakatwid, pagtatalakay sa mga
4. Dulog Istruktural
inaalam ang istruktura ng tuntunin, pagbibigay-
wika at batay dito ay halimbawa, pagsasaulo at
sinasanay ang mga mag- panggagaya.
aaral sa pamamagitan ng
pag-uulit at pagsasaulo.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Ang lapit na ito ay Nagagamit sa pamamagitan


5. Dulog Audio-Lingual
gumagamitng teyp rekorder, ng pagpaparinig ng mga
larawan,pelikula, slides tula,kanta at iba pang

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

upang mapadaliang gawaing kasasangkutan ng


pagkatuto ng wika. pandinig.
.
LAPIT/DULOG PAGLALARAWAN PAANO ITO GAMITIN
PANITIKAN
Tinatalakay ang
pagkakaugnay ng mga
bahagi ng katha.
Isinasagawa ang dulog na ito
sa pamamagitan ng
Binibigyang-diin ng dulog na pagsusuri sa mga elemento
1. Dulog Pormalistiko
ito ang mga elementong ng katha. Sa pagsusuri
bumubuo sa katha. maaaring gumamit ng
iba’t ibang grapikong
pantulong sa pag-oorganisa
ng mga elemento.

Nagagamit ang dulog na ito


Pinagtutuonan ng dulog na sa pagsusuri sa bisang taglay
ito ang pamantayang moral ng panitikan, kaisipang moral,
na nakapaloob sa akda. halaga ng tao, karangalan at
2. Dulog Moralistiko
Pinag-aaralan sa lapit na ito kadakilaan. Ang pagsasadula
ang panitikan na may sa moral na nakapaloob sa
pagtatangkang hubugin ang akda ay maaring isagawa
tao at lipunan upang maisabuhay ang mga
ito.
Nagagamit ang dulog na ito
Pinagtutuonan ng pansin ng
sa pagsusuri sa damdamin,
dulog na ito ang mga
aral at gawi ng tao batay sa
elementong panitikan
3. Dulog Sosyolohikal kapaligirang sosyo-kultural.
kabilang na ang ugnayang
Pabuuin ang mga mag-aaral
sosyo-kultural, politiKal at
ng balita, pagtatalo o di
pamumuhay, damdamin,asal,
kaya’y reaksyong papel.
kilos at reaksyon ng tao.
.Naisasagawa ito
Tinatalakay sa dulog na
sapamamagitan ng pagsusuri
4. Dulog Sikolohikal itoang nakakubling layunin ng
mgamanlilikha at mga motibo saemosyon, damdamin, kilos
ng mgatauhan sa isang akda atgawing ng tauhan sa akda.
Naisasagawa sa
Nakatuon ang dulog na ito sa pamamagitan ng
pagsusuri sa istilo at devices pagpapasulat ng mga
5. Dulog Istaylistiko na ginamit ng mga awtor komposisyon ayon sa
tulad ng wikang ginamit, pansariling estilo ng mga
pananaw,paglalarawan sa mag-aaral at iba pang
tauhan at mga tayutay gawaing susukat sa
pagkamalikhain.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Matutunghayan sa talahanayang nasa ibaba ang iba’t ibang estratehiya o pamamaraan sa


pagtuturo ng wika at panitikan gaya ng pabuod, pasaklaw,papanayam, direkta, pagkatutong
tulong-tulong, tanong-sagot, integratibo o pinagsanib,paulat, pagtuturong nakapokus sa mag-
aaral at pagkatutong interaktibo. Inilalahad din sa bahaging ito ang paglalarawan at paggamit ng
mga estratehiya o pamamaraang ito.

ESTRATEHIYA/
PAGLALARAWAN PAANO ITO GAMITIN
PAMAMARAAN
WIKA
Isinasagawa sa
Ang pagtuturo ay sinisimulan
pamamagitan ng
sa pinakamadaling paraan
paghahanda, paglalahad ng
1. Pamamaraang Pabuod patungo sa pinaka
mga ideyang bibigyan ng
(Inductive) komplikado. Makatutulong
paglalahat, paghahambing a
ang pamamaraang ito upang
tpaghahalaw at paglalahat o
makatuklas katotohanan,
pagbuo ng pormula,
simulain at paglalahat kahulugan o tuntunin.
Ang pamamaraang ito ay
Nagagamit ito ayon sa mga
nagsisimula sa isang tiyak na
hakbang na panimula,
aralin at nagtatapos sa
pagbibigay tuntunin o
2.Pamamaraang Pasaklaw paglalahat. Samakatwid,
simulain, pagpapaliwanag,
(Deductive) nagsisimula ang
pagbibigay ng mga
pamamaraang ito sa hindi
halimbawa,pag-uugnay
nalalaman ng mga mag-aaral
paglalapat at pagtataya.
patungo sa mga bagay na
nalalaman.
Ang pamamaraang ito ay
isang paraan ng Nagagamit sa pamamagitan
pagpapaliwanag at paglilinaw ng panimula o pagkuha ng
3. Pamamaraang
sa isang paksa. Gumagamit atensyon ng mga mag-aaral,
Papanayam
ito ng eksposisyon na resitasyon at pagsubok kung
maaaring sa pamamagitan ganap na naunawaan ng
ng pagsasalaysay o mga mag-aaral ang lektyur
paglalarawan
Inilalahad sa pamamagitan
Ito ay isang uri ng
ng diyalogo, itinuturo ang
pamamaraan na karaniwang
4. Pamamaraang Direkta pagbabalangkas at
may tanungan at sagutan na
pinahahalagahan ang
kadalasan ay tungkol sa mga
pagbigkas ng mga salita.
kilos at gawi sa silid-aralan.
.Nagagamit ito sa pagbibigay
Binibigyang-diin nito ang
ng pangkatang gawain ng
5. Pagkatutong Tulong- sama-samang pagtutulungan
mga mag-aaral tulad ng
Tulong ng guro at mga mag-aaral
pagbuo ng portfolio at iba
upang mapagtagumpayan
pang proyekto
ang gawain

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

ESTRATEHIYA/
PAGLALARAWAN PAANO ITO GAMITIN
PAMAMARAAN
PANITIKAN
Naisasagawa ito sa
Ito ang pinakagamitin sa loob pamamagitan ng panimulang
ng klasrum. Kinakailangang pagtatanong, paglinang
1. PamamaraangTanong-
may sapat na kaalaman ang (paksang-aralin, paliwanag at
Sagot
guro sa paksa para sa halimbawa), pagsasanay
isasagawa pagpapalitran ng (pasalita o pasulat) at
tanong-sagot. pagsubok.

Nagagamit ito kung ang


Ang pamamaraang ito ay ang panitikan ay ginagamit bilang
2. Integrated Method pagsasanib ng iba-ibang lunsaran ng pagtuturo ng
paksa at paglalahad sa mga wika o di kaya’y ibang
ito bilang iisang konsepto. larangan.

Ginagawa ito sa
Ang pamamaraang ito ay ang
pamamagitan ng isahan o
pag-aatas sa mga mag-aaral
3. Pamamarang Paulat pangkatang talakayan,
ng mga paksang kanilang
symposium o di kaya’y sa
tatalakayin isahan man o
pamamagitan ng pagbabasa
pangkatan. at pagkukwento
Binibigyan ang mga mag-
Ito ang pamamaraang
aaral ng kalayaang
nakapokus sa mga mag-
4. PagtuturongNakapokus makisangkot sa pansariling
aaral. Isinaalang-alang ang
sa Mag-aaral pagkatuto. Ang mga
input ng mga mag-aaral at
patakaran ay iniaayon sa
hindi itinatakda kaagad ang
pangangailangan ng mga
mga layunin mag-aaral.
Ang pamamaraang ito ay Nagagamit ito sa dalawahan
nagbibigay-diin sa o pangkatan kung saan
5. PagkatutongInteraktibo interaksyon ng mga mag- nagkakaroon ng pagpapalitan
aaral at pag-unawa sa ng mga ideya ang pangkat
konsepto ng iba. tungo sa ibang pangkat

Ang paraang komunikatib naman ay nag-ugat sa notional-functional approach na


pinaunlad ni David Wilkins ng Britanya (pokus sa mensahe kaysa sa porma o istruktura). Pinuna
rin niya ang kanyang sariling pagtuturo ng wika. Sa pagtalunton sa mga batayan ng pamaraang
komunikatibo, may iba’t iba ang batayang lumalaganap na teorya ng kakayahang
pangkomunikatibo. Nakilala sa bahaging ito si Michael Canale at Merril Swain na naghain ng
apat na element ng kakayahang pangkomunikatibo. Ito ay ang sumusunod (1) Kakayahang
Linggwistikal. Ito kakayahang umunawa at makagawa ng mga istruktura sa wika na sang-ayon
sa mga tuntunin sa gramatika; (2) Kakayahang Sosyo-Linggwistikal. Ito ay isang batayang
interdisiplinaryo. Nakakaunawa atnakagagamit ng kontekstong sosyal ng isang wika; (3)
Kakayahang Diskurso. Ito ay may kinalaman sa pag-unawa, hindi ng isa-isang pangungusap
kundi ng buong diskurso; at (4) Kakayahang Estratehiko. Ito naglalahad na walang taong
perpekto ang kaalaman tungkol sa kanyang wika at nakagagamit ng kaalamang ito sa tuwina na
walang problema.(Coping o survival Strategies)

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Mahusay din gawing salalayan ang inihaing mga dulog sa pagtuturo ng Wika at Kultura
ni Dr. Galileo S. Zafra na lubusang nakatuon sa kulturang Filipino. Ito ay ang sumusnod: (a)
Una, pinag-aaralan ang mga panggramatikang katangian ng wika at hinahalaw mula rito ang
mga aspekto ng kulturang Filipino; (b) Pangalawa, pinag-aaralan ang paggamit ng wika ayon sa
kaangkupan nito sa konteksto ng isang kultura. Batay sa konsepto ng communicative
competence, hindi sapat na alam lang ng mga estudyante ang kahulugan ng mga salita at ang
mga tuntunin sa paggamit ng iba’t ibang bahagi ng pananalita. Itinuturo rin ang angkop na
paggamit at pagpapakahulugan sa wika sa iba’t ibang panlipunang sitwasyon at pangkulturang
konteksto; (c) Pangatlo, pinag-aaralan ang iba’t ibang sagisag ng kulturang Filipino. Ang mga
sagisag na ito ay binubuo ng mga tao, lugar, bagay, pangyayari, konsepto, at iba pang
nagpapakilala sa kultura, lipunan, at kasaysayan ng mga Filipino; at (d) pang-apat na dulog—
ang pag-aaral ng mismong kultura na nakapaloob o kinakatawan ng wika.

Naghain din di Dr. Patrocinio V. Villafuerte ng mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino


sa Iba’t Ibang Antas. Ito ay binubuo ng sumusunod: (1) Active Learning. Hinahayaan ang mga
mag- aaral na gawin ang limang makrong kasanayan; (2) Clicker Use in Class. Binubuod ang
mga sagot ng mga mag-aaral sa mga tanong na may pagpipiliang sagot; (3) Critical Thinking.
Koleksyon ng mga gawaing pangkaisipan na may kakayahang makakuha ng tamang sagot; (4)
Experential Learning. Matututo ang mga mag-aaral kung ipagagawa ang gawaing itinakda sa
kanila; (5) Games/Experiment/Simulation. Napapayaman ang gawain sa tulong ng mga laro; (6)
Collaborative / Cooperative Learning. Hinihikayat ang maliit na grupo na magpangkatan para
maisagawa ang Gawain; (7) Humor in the Classroom. Napahuhusay ang pang-unawa at
pangmatagalang pagkatuto sa masiglang pagtuturo; (8) Inquiry Guided Learning. Pang-unawa
sa mga konsepto at responsiblidad ng mga mag-aaral na magamit ang mga kasanayan sa
pananaliksik.

Kahulugan, Kahalagahan at Simulain ng Kagamitang Panturo

Ayon kay Abad (1996), ang kagamitang panturo ay anumang karanasan o bagay na
ginagamit ng bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan, kasanayan, saloobin,
palagay, kaaalaman, pag-unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging
kongkreto, tunay, dinamiko at ganap ang pagkatuto. Ang sabi naman ni Alwright (1990), ang
mga kagamitang panturo ay komokontrol sa pagtuturo at pagkatuto.

Sa ibinigay pa lamang na kahulugan nina Abad at Alwright ay masasabi na kung ano


ang ibig sabihin ng kagamitang panturo. Ito ay ang lahat na bagay na makikita sa silid-aralan na
makakatulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral at ito rin ay nagsisilbing gabay ng guro sa
kaniyang pagtuturo. Sa lahat na bagay na makikita sa silid-aralan, ang guro ang maituturing na
pinakamahalagang kagamitan sa pagtuturo dahil sabi nga ni Ginong Pado “The best
technology is the teacher.” Guro pa rin ang pinakamabisang kagamitang panturo. Ayon nga kay
Abad (1996), isang katotohanan na walang makapapalit sa isang mabuting guro bilang isang
kagamitang panturo ngunit katotohanan din na gumamit siya ng mga kagamitang panturo para
sa mabisang talakayan at makatulong sa mga mag-aaral na lalong maintindihan ang
tinatalakay.

Ang unang halaga ng kagamitang panturo ay nagiging makatotohanan sa mga mag-


aaral ang talakayan. Sapagkat nakikita nila at nararanasan ang talakayan. Halimbawa: Ang
talakayan ay tungkol sa pangngalan, ang ginawa ng guro ay nagpalaro siya sa pamamagitan ng
pagkanta ng “Magbigay ng pangngalan, pangngalan, pangngalan, magbigay ng pangngalan na
pambalana/pantangi” sa larong ito, bawat mag-aaral ay makakasagot at makakalahok sa
talakayan. Hindi pa boring ang kalalabasan nito.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Ang pangalawang halaga ng kagamitang panturo ay walang naaksayang panahon at


oras sa mag-aaral at guro sapagkat may direksiyon ang pagtuturo at pagkatuto. Kapag gagamit
ng kagamitang panturo gaya ng Manila paper ay hindi na magaaksaya ng panahon ang guro na
sumulat nang sumulat sa pisara. Mas mapapadali ang talakayan.

Ang pangatlo ay nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pagsasalita o


pagtatalakay ng aralin sa loob ng silid-aralan sapagkat may kagamitang panturo na gumagabay
sa guro sa talakayan at magbibigay rin sa guro ng pahinga sa pagsasalita dahil karamihan sa
mag-aaral ay visual learners. Mas mainam na may maipapakita ang guro na mas mauunawaan
ng mag-aaral ang talakayan.

Ang pang-apat na halaga ng kagamitang panturo ay tumutulong sa pagsasakatuparan


ng mga layunin sa pagtuturo. Sabi na nga sa talakay sa iba pang kahalagahan, ang kagamitang
panturo ay gabay ng guro sa talakayan.

At ang panghuling halaga ng kagamitang panturo ay gumising sa kawilihan ng mag-


aaral at humihikayat ng interaksiyon. Ngayong panahon, ang karamihan sa mag-aaral ay visual
at kinesthetic learners. Natututo ang mga mag-aaral kung sa magkatuwang na may nakikita o
nagagawa nila ang isang bagay.

Mga Batayang Simulain sa Kagamitang Panturo

1. Prinsipyo at Teorya. Sa paghahanda ng kagamitang panturo, kinakailangan na isaalang-


alang at maunawaan nang mabuti ang mga prinsipyo at teorya sa paggamit at
pagdisenyo ng kagamitang panturo. Ang Teorya ay tumutukoy sa kung gaano kaganda
ang pagkakapaliwanag sa isang bagay na pinaghandaan. Ayon kay Reigeluth (1983),
ang teorya ay isang set ng modelo at ang prinsipyo at teoryang ito ay matutukoy lamang
sa pamamagitan descriptive at perspective na anyo. Ayon naman kay Seels (1997), ang
teorya ay paliwanag ng penomina at pangyayari na makakatulong sa mag-aaral na
lubusang maunawaan ang talakayan.

2. Batayang Konsepto sa Disenyo. Ang kagamitang panturo ay kinakailangang angkop sa


panahon ay nakaugnay at nakaayon sa kurikulum upang makatulong na
maisakatuparan ang layunin sa pagkatuto. Ang kagamitan ay awtentiko at kongkreto sa
teksto at gawain.

3. Pamantayan sa Kagamitang Panturo. Kinakailangang maanalisa muna ang paggamit ng


kagamitang panturo upang nakabatay ito sa target na panggagamitan. Bumuo ng isang
kurikulum grid na kung saan nakakatulong ito sa pagbuo ng materyales at malaman din
ang kontent at literasi lebel ng mag-aaral. Ang pagpili ng tema ay isang mahirap na
gawain sapagkat kinakailangang mag-isip nang mabuti kung anong kagamitang panturo
ang gagawin.

4. Ilustrasyon. Ito ay tumutukoy sa mag-aaral na makakabuo ng larawan o konsepto upang


higit na maunawaan ang talakayan.

5. Editing. Isa rin sa mga mahirap isagawa sapagkat matrabaho ang editing na kung saan
kinakailangang wasto at magkakaugnay ang napiling kagamitang panturo sa aralin.

6. Pamagat. Ito ay kinakailangang kaakit-akit upang mahikayat ang mga mag-aaral na


malaman ang gagawin.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Kahalagahan ng Paggamit ng Multimedia sa Pagtuturo

Nagbabago na ang mga pamaraan sa pag-oorganisa ng mga bagay. Ang teknolohiya ay


nakapag-aambag na rin sa inaasahang pagbabago sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto. Ang
tekholohiya ngayon ay nagbibigay na ng malawak na oportunidad para sa pagkatuto ng mga
mag-aaral, lalo na ang access sa midya. Sa panahon na tinatawag nating “knowledge
explosion”, ang guro sa makabagong panahon ay maaaring hindi kayang ibigay lahat ng
kailangang hinahanap ng kanyang mga mag-aaral. Katulad ng maraming bagong kasanayan at
kaalaman na kailangan sa curriculum development at pagtataya, mga bagong pedagohiya
naman ang nalilikha habang ginagamit ng mga guro at mag-aaral ang teknolohiya sa
pananaliksik at pagkatuto. Ang suliranin ukol sa umaapaw na impormasyon ay tototo kaya ang
mga guro ay napipilitang mamili tungkol sa paggamit ng teknolohiya na maaaring magagamit sa
pananaliksik at paghahanap ng mga inobatibong lapit at estratehiya sa pagtuturo.

Ayon kay Lardizabal (1995), ang pagtuturo ay isang proseso ng komunikasyon ng guro
at mag-aaral. Ang pagtuturo ay hindi na nakasalig lamang sa berbal na komunikasyon ng guro
at mag-aaral. Maraming kagamitan ang pagtuturo at pagkatuto. Ang kagamitan pampagtuturo o
kagamitang instruksyonal ay anumang karanasan o bagay na ginagamit ng guro bilang
pantulong sa paghahatid ng impormasyon, kasanayan, saloobin, palagay, katotohanan, pag-
unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging konkreto, tunay, dinamiko at
ganap ang pagkatuto. Sa paghahanda ng mga midyang instruksyonal ay kailangang alamin ang
karakteristik at pangangailangan ng estudyante. Tiyakin ang layunin, balangkasin ang
nilalaman, iplano ang suportang kakailanganin at isaalang-alang din ang mga materyal na
paghahanguan. Sa pagsusulat, ihanay ng maayos ang mga ideya, pag-isipan at simulang buuin
ang mga gawain at fidbak, humanap ng mga halimbawa at umisip ng mga grafiks.

Gawain
A. PAGHAHABING. Paghambingin ang sumusunod na konsepto:
a. Estratehiyang tuwiran at estratehiyang di tuwiran
b. Language competence at language performance
c. Socio-linguistic competence at discourse competence
d. Linguistic competence at strategic comptetnce
B. Talakayin ang sagot sa sumusunod na katanungan:
1. Sa iyong palagaya, bakit kailangan ang estratehiyang ggamitin sa pagtuturo ay
dapat na nakaugnay sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral. Maglahad ng
mga patunay.
2. Ano-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iba’t ibang makabagong
kaalaman sa estratehiya sa pagtuturo?
3. Ano ang pamaraang komunikatib, paano ito nakatutulong sa mabisang pagtuturo
ng wika?

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

ARALIN 6
MGA IILANG PANANAW, ESTRATEHIYA, AT MODELO SA PAGTUTURO NG
FILIPINO BATAY SA KURIKULUM

Ang aralin 5 ay nakatuon sa pagtalakay ng/sa paksang Mga Iilang Pananaw,


Estratehiya, at Modelo sa Pagtuturo ng Filipino Batay sa Kurikulum. Nakapaloob sa pagtalakay
ng paksang ito ang sumusunod: (1) Ang Thematic Curriculum; (2) Sheltered Course Model; (3)
Adjunct Model;
(4) Cognitive Academic Learning Approach (CALA); (5) Kakayahang Komunikatibo; at (6)
Content Based Instruction (CBI).

Pangkalahatang Layunin

Sa katapusan ng pagtalakay ng araling ito, inaasahan na:

1. Nakapagtatalakay sa iba’t ibang disenyo ng kurikulum sa Filipino.


2. Nakapagsusuri sa mga proseso at estruktura sa mga disenyong pang-kurikulum.
3. Nailalapat ang mga proseso at estruktura sa pagdisenyo ng isang
pagpaplanong pagtuturo.

Pangkalahatang Kaalaman

Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon o DepEd, ang Thematic Curriculum ay isang set ng


mga organisadong karanasan sa pagkatuto gaya ng programa , kurso at iba pang mga gawain
pampaaralan na naglalaan sa mga mag-aaral sa higit na malawak at pangnilalamang tema.
Layunin ng Tematikong Kurikulum na matamo ang sumusunod: (1) Oportunidad na matutuhan
sa pamamagitan ng higit na kontekstwalisadong mga karanasan sa pagkatuto; (2) Eksposyur sa
mga lingkedyes sa pagitan ng pagkatutong ibinase sa paaralan at pagkatutong nagaganap sa
lugar ng paggawa at komunidad; (3) Oportunidad na mailantad ang malawakang mga
karanasan awtentik; (4) Malalim na eksposyur sa kinagigiliwang Gawain; (5) Oportunidad na
masuri ang malawakang pagkakaloob ng hanapbuhay; (5) Higit na malawak na potensyal sa
paghahanda ng higit na mataas na edukasyon at paghahanapbuhay; (6) Kakayahang makilala
ang mga naiiba at di-pangkariniwang interes. Target din ng kurikulum na ito para sa mga guro
na: (1) Oportunidad para sa mga guro na magsama-sama silang mga miyembro ng grupo ng
mga propesyunal na may mga estratehiya sa pagkatuto; (2) Oportunidad para sa mga gurong
tagapamatnubay nama’y mga positibong impak sa mga mag-aaral; at (3) Oportunidad para sa
mga administrador na magpakita ng pamumuno sa pagsasaayos ng paaralan at pagtulong sa
mga mag-aaral na magkaroon ng mga matagumpay na karanasan sa paaralan.

Pangunahing salik sa paggamit/ pagpapatupad ng tematikong kurikulum na maipatupad


sa maraming paraan gaya ng kurso, akademya klaster, at ang buong paaralan. maisama sa
ibang mga reporma gaya ng integrasyon ng edukasyong bokasyunal at akademiko, transisyong
paaralan-paggwa, mailaan para sa paaralang sekundarya ,bagamat maaari ring maging
kapakipakinabang sa paaralang elementarya. Gayundin, magsisilbing tulay upang mapagsama
angmga karanasan sa pagkatuto na ibinatay sa paaralan at paggawa at Ang mga hadlang sa
lugar ng paggawa gaya ng suplay sa paggawa, maliit na produksyon at tradisyon ay binawasan
ang pagpapatupad ng thematic curriculum na nabuo mula sa mga aspekto.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Ang Sheltered Course Model o Modelong Magkakahiwalay naman ay ang paghihiwalay


ng mag-aaral na gumagamit ng pangalawang wika, sa mga mag-aaral ng unang wika upang
lubusang matutuhan ang nilalaman ng kursong pinag-aaralan gaya ng inilalarawan sa
dayagram.

Ang Modelong Magkasanib o Adjunct Model ay isinasagawa ito sa pag-eenrol ng mag-


aaral sa dalawang magkaugnay ng asignatura at nagbabahaginan na lamang ng nilalaman at
nakadipende na ito sa koordinasyon ng nagtuturo.

Ang Cognitive Academic Learning Approach (CALA) ay estratehiyang metakognitib. Ito’y


tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan, kaalaman at kasanayan sa pagkontrol sa sariling
proseso ng pag-iisip o pag-unawa (Royo,1992). Ito’y pagpaplano para sa pagkatuto,

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

pagmomonitor at produksyon, sa pagtataya kung paano natamo ang layunin sa pagkatuto. Ang
estratehiyang kognitib. Ito’y interaksyong may kasamang materyal (pagpapangkat-pangkat,
pagtatala, pagbubuod) o paggawa ng imaheng mental, pagbabahagi ng bagong impormasyon
sa dati nang natutuhang mga konsepto o mga kasanayan. Ito’y estratehiyang gingamit ng mga
manmbabasa sa pagkatuto ng mga akademikong disiplina. Ang Estratehiyang sosyo-apektib.
Ito’y interaksyon sa iba pa upang makatulong sa kanyang pagkatuto.

Ang Pagdulog sa Pagtuturong Batay sa Nilalaman (Content –Based Instruction o CBI).


Binibigyang kahulugan nina Brinton, Snow at Iverche (1989) Ang pagtuturong Batay sa
Nilalaman bilang integrasyon ng pagkatuto sa nilalaman at sa mga layunin sa pagtuturo ng
wika. Ito’y tumutukoy sa kasalukuyang pag-aaral ng paksa at paksang aralin , nang may porma
at pagkakasunud-sunod ng presentasyong taglay ng nilalaman ng teksto. Naka-pokus ito hindi
lamang sa pagkatuto, kundi sa wikang gamit bilang midyum ng pagkatuto ng matematika,
agham panlipunan, at iba pang mga asignaturang pang-akademiko. (tingnan ang dayagram sa
ibaba)

Ang Kolaboratibong Pagkatuto o Collaborative Learning ay isang paraan/teknik sa


pagtuturo at kabilang sa mga pilosopiya ng edukasyon na humihikayat sa mga mag-aaral na
gumawa nang sama-sama bilang isang pangkat upang matutuhan ang aralin. Natutuhan ng
pangkat ang isang partikular na konsepto o nilalaman kung saan inaasahan ang pakikibahagi
ng bawat isang miyembro sa diskusyon/usapan. Inilahad nina Johnson at Johnson noong 1986
ang apat na kasanayan sa isang kolaboratibong Pagkatuto. Ito ay ang sumusunod: (1) Pagbuo
ng pangkat; (2) Paggawa bilang isang pangkat; (3) Paglutas ng suliranin bilang isang pangkat;
at (4) Pagbuo ng magkakaibang ideya.

Ang interaktib na mga Estratehiya sa Pagtuturo. ayon kay Well Rivers (1987) ay isang
gawaing kolaboratibo na kinapapalooban ng tatsulok naugnayang nagpapahatid ng mensahe,
ng tagatanggap at ng konteksto ng sitwasyon, maging pasalita o pasulat man ang

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

komunikasyon.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

May tatlong interaksyon na maaaring lahukan ang mga mag-aaral. Ito ay ang interaksyon sa
guro, sa kapwa mag-aaral, at sa teksto o mga kagamitang pampag-aaral.

Sa bagong pananaw sa pagtuturo ng wika, nakatuong higit ang pansin sa pagkalinang ng


kakayahang komunikatibo kaysa sa kabatiran tungkol sa wika. Ang kakayahang komunikatibo
ay nauukol sa kakayahan sa aktwal na paggamit ng wika sa mga tiyak na pagkakataon. Sa
bahaging ito mahalagang alalahanin ang inilahad ni Noam Chomsky na pagkakaiba ng
COMPETENCE at PERFORMANCE. Ayon sa kanya, ang COMPETENCE ay nauukol sa
kaalaman sa wika ng isang tao, samantalang ang PERFORMANCE ay ang kakayahang gamitin
ang wika sa angkop na paggagamitan.

Ipinakita rin ni Dell Hymes sa binuo niyang akronim na SPEAKING ang kakayahang
komunikatibo at ang mahalagang salik na sosyokultural at iba’t ibang sangkap na dapat
isaalang-alang sa pagkakaroon ng epektibong pagpapahayag. Ito ay nilapatan niya ng
sumusunod na pagpapakahulugan:
S-ettings (Saan-Lunan kung saan nag-uusap)
P-articipants (Sinu-sino ang mga kausap o nag-uusap)
E-nds (Ano ang layunin sa pag-uusap)
A-ct Sequence (Paano ang takbo ng usapin)
K-eys (Pormal o di-pormal ang takbo ng usapan)
I-nstrumentalities ( Pasalita ba o di-pasalita)
N-ouns ( Ano ang paksa ng pinag-uusapan)
G-enre (Nagsasalaysay, nakikipagtalo o nagmamatuwid)

Sa pagtuturo ng wika, dapat nating isaalang-alang ang mga apat na mahahalagang


elemento o komponent: (1) mag-aaral, (2) guro, (3) metodo sa pagtuturo, (4) at pagtataya o
ebalwasyon.

Gawain

1. Ipaliwanag ang sumusunod na mahahalagang salita at/o parirala kaugnay sa kurikulum:


a. Tematik na pagdulog
b. Interaktibong pagdulog
c. Kooperatibong pagdulog
d. Kolaboratibong pagdulog
e. Pagtuturong batay sa nilalaman
2. Pag-aralan ang mga pangunahing pagdulog sa pagtuturo ng Filipino sa mataas na
paaralan.Pumili ng 1-2 angkop na gamitin sa pagtuturo. Ipaliwanag kung bakit ang mga
ito ang napili.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

ARALIN 7
PAGSUSURI NG KURIKULUM SA FILIPINO SA LAHAT NG ANTAS NG
EDUKASYON

Ang Aralin 7 ay nakatuon sa pagtalakay ng paksang Pagsusuri ng Kurikulum sa Filipino


sa Lahat ng Antas ng Edukasyon. Saklaw nito ang pagtalakay rin sa mga paksang: (1) Ang
kurikulum sa edukasyong Elementarya; (2). Ang kurikulum sa edukasyong sekundarya; (3). Ang
kurikulum sa edukasyon sa antas tersarya; (4). Mga dulog sa pagdidisenyo ng kurikulum; at (5)
Mga prinsipyo sa pag-organisa ng isang programa para sa kalinangan ng kurikulum

Pangkalahatang Layunin

Sa katapusan ng pagtalakay ng aralin na ito, inaasahan na:

1. Nakapagtutukoy sa mga praktikal at makaagham na paraan ng pagtuturo sa Filipino sa


iba’t ibang antas ng pag-aaral salig sa disenyo ng kurikulum.
2. Nakapag-aanalisa sa mga sistema na iniaangkop ng kurikulum sa pagtuturo ng Filipino.
3. Nailalapat ang mga sistema at makaagham na proseso sa paggawa ng curriculum map.

Pangkalahatang Kaalaman

Ang Filipino sa Antas Elementarya. Ang asignaturang ito ay lumilinang sa mga


kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag-iisip sa Filipino. Mga
Inaasahang Bunga Mithiin: Nagagamit ang Filipino sa mabisang pakikipagtalastasan (pasalita at
pasulat); nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t ibang impormasyon at
mensaheng narinig at nabasa para sa kapakinabangang pansarili at pangkapwa at sa patuloy
na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa Batayang Edukasyon

A. Deskripsiyon
Mga lawak o Kasanayan Saklaw ng mga Lawak o Kasanayan
Ang Filipino bilang isang aralin o asignatura ay Para sa MABISANG PAGTUTURO, ang
lumilinang sa kasanayan sa PAKIKINIG, mga TIYAK NA KASANAYAN ay nililinang
PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT At sa pamamagitan ng mga sitwasyon ng iba’t-
PAG-IISIP. ibang kagamitan sa LUBUSANG
PAGKATUTO.
Bukod sa kasanayan sa PAKIKINIG, KONSEPTO NG SIBIKA AT KULTURA, ang
PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT, ang NILALAMAN ng Filipino sa una hanggang
FILIPINO bilang isang aralin ay lumilinang sa ikatlong baiting
kasanayan ng PAG-IISIP. a. Maaaring gamitin ng Filipino ang
nilalaman ng SK/HKS. Ang pokus ay
nasa PAGLILINANG ng mga
kasanayan sa PAKIKIPAGTALASTA-
SAN.
b. Inaasahang ang mga BATAYANG
KASANAYAN sa pagbasa ay

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

matutuhan nang lubusan sa tatlong


unang baitang.
B. Pagbabago sa mga Kasanayan o Kompetensi sa Pagkatuto
1. Pagsasaayos ,pagbabawas at pagpapangkat sa kasanayang magkakatulad upang
maiwasan ang pag-uulit-ulit ng mga ito.
2. Pagtuon sa mga tiyak o batayang kasanayan
3. Pagbibigay diin sa PAGBASA at PAKIKIPAGTALASTASAN para sa pag-unawa sa
mga BATYANG KAISIPAN O KONSEPTO SA MATEMATIKA AT AGHAM.
C. Mga Inaasahang Bunga
Nagagamit ang Filipino sa MABISANG PAKIKIPAGTALASTASAN (pasalita o pasulat),
nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba’t-ibang impormasyon at
mensaheng narinig at nabasa para sa KAPAKINABANGANG PANSARILI at
PANGKAPWA at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa daigdig.
D. Nakalaan/ Nakatakdang Oras sa Pagtuturo ng Filipino
Pagbabago
BAITANG NESC RBEC PAGBABAGO
Dagdag na 20
I – III 60 80
minuto
IV- VI 60 60 Walang Dagdag
Pagbabago
1. Para sa Baitang I-III, ang pang araw-araw na pagkakabahagi ng oras ay 80 minuto
samantalang sa Baitang IV-VI ang nakabahagi ay 60 minuto
2. May dagdag na 20 minuto sa Baitang I-III. Mula 60 minuto na naging 80 minuto. Walang
dagdag sa Baitang IV-VI.
3. Katulad ng sa ENGLISH, WALANG PAGTAAS NG BILANG NG MINUTO SA BAITANG IV-
VI sa pagsasaalang-alang na ang BATAYANG KASANAYAN sa pag-aaral ay natutuhan na sa
unang tatlong baiting
E. MGA DAPAT ISINASAALANG –ALANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO
PAMAMARAANG PAGSASANIB (INTEGRATIVE METHOD
Integrasyon o pagsasanib ng mga kasanayan/Lawak sa Filipino (Skills –Based
Integration)
Hulwaran Blg. 1. May pagkakataon na maaaring maituro o mapag-ugnay ang limang
kasanayan sa isang aralin, kung saan sama-sama o sabayang nalilinang ang limang
kasanayan sa mga mag-aaral; Ang paglilinang na gawain ay PAKIKINIG tungo sa
PAGSULAT sa paglinang ng mga kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGSULAT
AT PAG-IISIP;
at Isaalang –alang sa paglinang ng mga kasanayan ang ANTAS ng MASTERI O LUBUSANG
PAGKATUTO
Hulwaran Blg. 2. Sa pagsasanib ng mga kasanayan o lawak, hindi dapat na malinang ang
lahat ang lawak o kasanayan nang sabay-sabay.
2. PAGSASANIB NG TIYAK NA KASANAYAN SA FILIPINO SA NILALAMAN O
KONSEPTO NG IBANG ASIGNATURA (CONTENT-BASED INTEGRATION
AAN
a.) SA BAITANG I-III
Sibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng Filipino Paglinang sa kasanayan sa
Pakikipagtalastasan ang pokus.
Teksto/babasahin/paksang aralin ng sk at pagpapahalaga o ekawp
b.)
ginagamit na mga kagamitang panliteratura (tula, kwento, alamat at iba

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

pa)

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Ito’y nagiging LUNSARAN/SPRINGBOARD sa paglinang ng mga kasanayan sa Filipino.


Ang gagamiting LUNSARAN ng ARALIN ay isang kwento. Ang PAKSA o NILALAMAN ng
kwento ay nauukol sa SK at EKAWP, sa ganitong sitwasyon nalilinang hindi lamang kaalaman
sa SK ngunit lalo’t higit ang mga KASANAYAN sa FILIPINO.
Bigyang diin ang ganitong pagsasanib sa oras ng talakayan sa nilalaman
c.) ng mga teksto o kagamitang panliteratura na ginagamit na lunsaran ng
paglinang ng kasanayan
3. INTERAKTIBONG PAGDULOG (INTERACTIVE APPROACH)
Mahalaga para sa isang makabuluhan o makahulugang interaksyon
a.) (meaningful interaction)
b.) Isang gawaing sama-sama (collaborative activity)
c.) Pagkakaroon ng komunikasyon o pakikipagtalastasan
1. Pagpaphayag ng sariling ideya
2. Pag-unawa sa ideya ng iba
3. Nakikinig sa iba
Bumubuo ng kahulugan sa isang bigayang konteksto (shared
4.
context)

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Sekundarya sa Batayang Edukasyon

MGA PANGUNAHING MITHIIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA SEKUNDARYA SA


BATAYANG EDUKASYON
1. Ang makadebelop ng isang gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino,
kinakailangang taglay niya angm mga kasanayang makro: ang pagbasa, pagsulat,
pagsasalita, pakikinig at pag-iisip.
2. Ang makadevelop ng isang mahusay o sanay sa komunikatibong pakikipagtalastasan ,
nararapat na may kabatiran at kasanayan siya sa apat na komponent ng kasanayang
komunikatib tulad ng diskorsal, gramatika, sosyo-linggwistik at istratedyik.
Sa Unang Dalawang Taon
Ang binibigyan ng pokus ang masusing pag aanalisa at pag aaral ng mga tiyak na
istrukturang gramatikal ng Filipino bilang isang kasabay ng pagtatamo ng wastong
kasanayan sa maunawang pagbasa. Upang matamo ang mga ito, pinagsanib ang mga
interdisiplinaring paksa at ang makabagong nakapaloob sa iba’t-ibang uri ng teksto tulad ng
mga tekstong prosidyural, reperensyal, journalistic, literasi at politico-ekonomik at ang
pagkatuto ng iba’t –
ibang istrukturang gramatikal.
Sa Huling Dalawang Taon
Ang pokus ay ang pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng kritikal na
pagbasa at pag-unawa sa iba’t-ibang genre ng panitikan na nakasalin sa Filipino.
Sa Bawat Taon
Binibigyan ng tiyak na atensyon sa paglinang sa pasulat na komunikasyon sa
pamamagitan ng eksposyur sa iba’t-ibang uri ng komposisyon at malikhaing pagsulat. Ito ay
pinagtutuunan ang isang liggong leksyon sa bawat markahan.
Sa Apat na Taon
Binibigyan ng pansin ang pag-aaral ng Filipino ay ang pagtatamo ng kasanayan sa
akademikong wika.
Mga Akdang Pampanitikan na Binibigyan ng Pansin sa bawat Taon
Unang Taon Ikalawang Taon Ikatlong Taon Ikaapat na Taon
Ibong Adarna Florante at Laura Noli Me Tangere El Filibusterismo

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Ayon sa Seksyon 10 ng Mga Tuntunin at mga Regulasyong Pampatupad ng Batas sa


Pinabuting Batayang Edukasyon ng 2013 ang Pagbubuo ng Kurikulum sa Batayang
Edukasyon. Sa pagbubuo ng Kurikulum sa Batayang Edukasyon, gagabayan ang DepEd ng
mga sumusunod:
(1) Pormulasyon at Disenyo. Sang-ayon sa Seksiyon 5 ng Batas, magbubuo ang DepEd ng
disenyo at mga detalye ng kurikulum sa pinabuting batayang edukasyon. Makikipagtulungan
ang DepEd sa CHED at TESDA upang magbuo ng magkaugnay na mga kurikulum sa batayan,
tersiyaryo, at teknikal-bokasyonal na edukasyon para sa kasanayang lokal at pandaigdig ng
mga Filipinong nagsisipagtapos; (2) Mga Pamantayan at Prinsipyo. Susunod ang DepEd sa
mga sumusunod na pamantayan at prinsipyo, kapag angkop, sa pagbubuo ng kurikulum ng
pinabuting batayang edukasyon: (a) Ang kurikulum ay kinakailangang nakasentro sa mag-aaral,
mapansangkot at angkop sa antas ng pag-unlad; (b) Ang kurikulum ay kinakailangang
makabuluhan, tumutugon, at batay sa pananaliksik; (c) Ang kurikulum ay kinakailangang
sensitibo sa kultura; (d) Ang kurikulum ay kinakailangang isakonteksto at pandaigdigan; (e) Ang
kurikulum ay kinakailangang gumamit ng mga pagdulog na pedagohikong mapagbuo, batay sa
pagsisiyasat, mapagmuni, nakikilahalok, at mapambuod; (f) Ang kurikulum ay kinakailangang
umayon sa mga prinsipyo at balangkas ng Edukasyong Multilingguwal na Batay sa Inang Wika
(MTB-MLE) na nagsisimula kung saan nagmumula ang mga mag-aaral at kung ano na ang
alam nila, umuusad mula sa alam patungong di-alam; kinakailangang may mga materyales na
panturo at mga gurong may kakayahang ipatupad ang kurikulum na MTB-MLE. Para sa
layuning ito, tumutukoy ang MTB-MLE sa edukasyong pormal o di-pormal kung saan ay
ginagamit sa silid- aralan ang inang wika at karagdagang mga wika ng mag-aaral; (g) Ang
kurikulum ay gagamit ng pagdulog na spiral na pagsulong upang matiyak ang pagkadalubhasa
sa kaalaman at kasanayan matapos ang bawat antas; at (h) Ang kurikulum ay kinakailangang
bukas upang maaaring isalokal, isakatutubo, at pabutihin pa ito ng mga paaralan batay sa
kanilang mga partikular na kontekstong pang-edukasyon at panlipunan; (3) Produksiyon at
Pagbubuo ng Materyales. Ang produksyon at pagbubuo ng mga lokal na materyales sa
pagtuturo at pagkatuto ay hihikayatin. Ang pagtanggap sa mga materyales na ito ay ibababa sa
mga panrehiyon at pandibisyong yunit sang-ayon sa mga pambansang polisiya at pamantayan;
(4) Midyum ng Pagtuturo at Pagkatuto. Sang-ayon sa Mga Seksiyon 4 at 5 ng Batas, ipahahatid
ang batayang edukasyon sa mga wikang nauunawaan ng mga mag-aaral sapagkat may
estratehikong papel na ginagampanan ang wika sa paghubog sa mapagbuong mga taon ng
mag-aaral. Huhubog ang kurikulum ng kasanayan sa Filipino at Ingles, basta at magsisilbing
pundamental na wika ng edukasyon ang una at nangingibabaw na wika ng mag-aaral. Para sa
kindergarten at sa unang tatlong (3) taon ng edukasyong elementarya, ang pagtuturo, mga
materyales sa pagtuturo at pagtatasa ay sa wikang rehiyonal o katutubo ng mga mag-aaral.
Magbubuo ang DepEd ng isang programa sa transisyon mula ina/unang wika patungo sa mga
wika ng kurikulum na angkop sa kakayahan at pangangailangan ng mga mag-aaral mula
Baitang 4 hanggang Baitang 6. Unti-unting ipakikilala ang Filipino at Ingles bilang mga wika ng
pagtuturo hanggang sa ang dalawang (2) wikang ito ang maging mga pangunahing wika ng
pagtuturo sa antas; (5) Pakikilahok ng Stakeholder. Upang magkamit ng pinabuti at tumutugong
kurikulum ng batayang edukasyon, magsasagawa ng mga pagsangguni ang DepEd sa iba pang
mga pambansang ahensiya ng pamahalaan at iba pang mga stakeholder, kasama na ang,
bagaman hindi limitado sa, Kagawaran ng Paggawa at Empleo (DOLE), Komisyon sa
Regulasyong Pampropesyonal (PRC), mga pribado at pampublikong samahang pampaaralan,
mga pambansang organisasyong pangmag-aaral, mga pambansamg organisasyong pangguro,
mga samahang pangmagulang-guro, mga lupon ng komersiyo at iba pang samahang pang-
industriya, para sa mga usapin na makaaapekto sa mga sangkot na stakeholder.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Pagmamarka

COMPONENTS PRELIM GRADE MIDTERM GRADE FINAL GRADE


Attendance (online) 5% 5% 5%
Quizzes 20% 20% 20%
Critical Paper 10% 10% 10%
Presentation 20% 20% 20%
Project 20% 20% 20%
Examination (online) 25% 25% 25%
TOTAL 100% 100% 100%

A student receiving a grade below 1.75 (for a doctorate degree) and 2.5 (for a Master’s
degree) in any course requirements will have to either repeat the course or take a substitute
course in the same discipline or area with the approval of the Dean. However, for purposes of
graduation, the overall grade average in the academic course should be 1.75 for a doctorate
degree and 2.0 for a master’s degree.

The grading system for qualifying courses shall be either “P” or “NC” (Pass/No Credit),
with the number of units indicated in parenthesis

1.00 - Excellent
1.25 - Very Good
1.50 - Good
1.75 - Satisfactory
2.00 - Passed

Below 2.0 - Failed

INC - Incomplete, lack of course requirement, i.e., failed to take the examination and/or
submit other final requirements

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Sanggunian

An act enhancing the philippine basic education system by strengthening its curriculum and
increasing the number of years for basic education, appropriating funds therefor and for other
purposes. https://www.officialgazette.gov.ph/2013/05/15/republic-act-no-10533/

Bauzon, Prisciliano. (2001). Foundations of Curriculum Development and Management. Manila:


National Book Store Inc.

Belvez, Paz. (2000). Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila: Rex Book Store Inc.

Demeterio III, Feorillo Petronillo A. (2010) Ang Kautusan ng Departamento ng Edukasyon


Bilang 74, Serye 2009: Isang pagsusuri sa Katatagan ng Programang Edukasyon sa Unang
Wika (MLE) ng Filipinas. Manila: Malay Journal, De La Salle University, 23(1), 31-52

DepEd Order No. 37, s. 2003, “ Revised Implementing Guidelines of the 2003 Secondary
Education Curriculum Effective School 2003-2004”. http://komfil.gov.ph/archives
/category/balita/sari-sari
file:///C:/Users/Randy%20Sagun/Downloads/EbalwasyonngChedGeneralEducationCurriculums
aProgramangFilipinosaIlangPilingKolehiyoatUnibersidadsaRehiyon2.pdf

Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino. Inihanda ng National Union of Students of the


Philippines. http://digitalpadepa.com /kurikulumindex.htm
http://uis.unesco.org/en/glossary-term/basic-education
https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/Mother-Tongue-CG.pdf
https://www.officialgazette.gov.ph/2013/09/04/mga-tuntunin-at-mga-regulasyong-pampatupad-
ng-batas-sa-pinagbuting-batayang-edukasyon-ng-2013/

Isang Batas Na Nagpapaloob Ng Isang Balangkas Ng Pamamahala Para Sa Batayang


Edukasyon, Nagtatatag Ng Awtoridad At Pananagutan, Nagpapalit Ng Pangalan Ng Kagawaran
Ng Edukasyon, Kultura, At Palakasan Bilang Kagawaran Ng Edukasyon, At Para Sa Iba Pang
Layunin. https://www.officialgazette.gov.ph/2001/08/11/batas-republika-blg-9155/

K to 12 Curriculum. http://www.mcu.edu.ph/stag/wp-content/uploads/2013/12/MCU_-the_-
K_to_- 12_-Curriculum.pdf.http://www.gov.ph/k-12/

K12 Educational System in the Philippines - A Policy Paper.


http://www.academia.edu/1525168/K12_Educational_System_in_the_Philippines_-
_A_Policy_Paper

Mayos, Norma S., Gutierrez, J. C., Tica-a, P. F. (2008). Ang Guro ng Milenyo: Mga Kagamitang
Panturo sa Filipino. Jimcy Publishing Hoouse

Mga Update sa DepEd. Nakuha mula sa http://www.deped.gov.ph/Kagawaran ng Edukasyon.


(2010). Briefer sa pinahusay na k12 pangunahing programa sa edukasyon. Nakuha mula sa
http://www.gov.ph/2010/11/02/briefer-on-the-enhanced-k12-basic-education-program/

Nolasco, Ricardo Ma Duran, Datar, F. A. at Azurin, A. M. (Eds.). (2010) Starting Where the
Children Are: A Collection of Essays on Mother Tongue-Based Multilingual Education and
Languages Issues in the Philippines. Quezon City: 170+ Talaytayan MLE Inc.

SEF301 1
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang

Paquito B. Badayos. Metolohiya sa Pagkatuto at Pagtuturo ng/sa Filipino. Mutya Publishing Inc.,
2008.

Patrocinio V. Villafuerte at Rolando A. Bernales. Pagkatuto at pagtuturo ng/sa Filipino mga


Teorya at Praktika. Mutya Publishing Inc., 2008.

Philippine Professional Standards for Teachers. https://www.deped.gov.ph/wp-


content/uploads/2017/08/DO_s2017_042-1.pdf

Policy Guidelines on K-12 Basic Education Program. https://www.deped.gov.ph/wp-


content/uploads/2019/08/DO_s2019_021.pdf

Quismundo, T. (2011, Oktubre 7) Nabasa ng DepEd ang K +12 curricula para sa susunod na
taon. Philippine Daily Inquirer. Nakuha mula sa http://multilingualphilippines.com/?p=5350

Republic Act No. 7836: An Act to Strengthen the Regulation and Supervision of the Practice of
Teaching in the Philippines and Prescribing a Licensure Examination for Teachers and for other
Purposes. https://www.prc.gov.ph/uploaded/documents/PROFESSIONAL%20TEACHERS-
LAW1.PDF

San Juan, David Michael M. (2008) Makabayang Pagsusuri sa Kasalukuyang Kurikulum ng


Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas.
https://www.researchgate.net/publication/323334865_Makabayang_Pagsusuri_sa_Kasalukuyan
g_Kurikulum_ng_Sistema_ng_Edukasyon_sa_Pilipinas

San Juan, David Michael M. Globalisasyon, K to 12, Bagong General Education Curriculum
(GEC), at Wikang Filipino: Kamalayan, Ekonomya, at Edukasyon sa Pilipinas
https://www.academia.edu/10024658/Globalisasyon_K_to_12_Bagong_General_Education_Cu
rriculum_GEC_at_Wikang_Filipino_Kamalayan_Ekonomya_at_Edukasyon_sa_Pilipinas

Taneo, R. A. (2010) Imbentaryo ng Lapit o Dulog at Estratehiya o Pammaraan


https://www.academia.edu/36575829/Imbentaryo_ng_Lapit_o_Dulog_at_Estratehiya_o_Pamam
araan

Tarun, Jaine Z. (2010). Ebalwasyon ng CHED General Education Curriculum sa Programang


Filipino sa Ilang Piling Kolehiyo at Unibersidad sa Rehiyon 2, Journal of Research, 19(2), 24-35

Tarun, Jaine Z. (2010). Wikang Filipino Bilang Akademik na Kurso at Akademik na Disiplina.
Journal of Research, 12(2), 30-34
file:///C:/Users/Randy%20Sagun/Downloads/WikangFilipinoBilangAkademiknaKursoatAkademik
naDisiplina.pdf

Why does the Philippines Need the K-12 Education System?.


http://cianeko.hubpages.com/hub/The-Implementation-o-the-K-12-Program-in-the-Philippine-
Basic-Education-Curriculum

SEF301 1

You might also like