You are on page 1of 13

Camarines Norte College Inc.

Labo, Camarines Norte


Junior High School Department
S.Y. 2021-2022
Learning Module para sa Filipino 10

FILIPINO 10:Mga Akdang Pampanitikan ng Daigdig at El


Filibusterismo

IKAAPAT NA KWARTER

El Filibusterismo

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El
Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video documentary na
magmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.

FILIPINO 10// MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG DAIGDIG AT EL FILIBUSTERISMO// S.Y. 2021-2022


1
TALAAN NG NILALAMAN

MODYUL BLG. 4:
“EL FILIBUSTERISMO”
UNANG LINGGO -Panimula  Pagsasanay A:
-Saklaw ng Modyul Magulong Mundo!
-Grapikong  Pagsasanay B: Mapa
Pantulong sa Aralin ng Konsepto ng
-Inaasahang Pagbabago Pahina 3-5
Kasanayan
-Panimulang
Pagtataya
-Pagtuklas
IKALAWANG -Paglinang  Gawain 1:
LINGGO  Kasaysayan ng Pagpapakahulugan
El Filibusterismo  Gawain 2: Pagkilala
 Tauhan sa Tauhan
Pahina 6-9
 Gawain 3: Ungkatin
ang Kasaysayan
 Gawain 4: Halina’t
Alamin
IKATLONG LINGGO -Paglinang  Gawain 5:
 Isyung Sistematikong
Panlipunan Pananaliksik Pahina 9
 Gawain 6:
Pagbabalangkas
IKAAPAT NA
IKAAPAT NA ANTASANG PAGSUSULIT
LINGGO
IKALIMANG LINGGO -Pagpapalalim  Gawain 7: Pagsusuri
 Nobela sa Tauhan
 Solusyon sa  Gawain 8:
Isyung Kalagayang
Pahina 10-11
Panlipunan Panlipunan
 Gawain 9:
Pinatnubayang
Paglalahat
IKAANIM NA -Pagpapalalim  Gawain 10:
LINGGO  Pormatibong Hanggang sa
Pagtataya Kasalukuyan
 Mapa ng  Pormatibong Pahina 12
Konsepto ng Pagtataya
Pagbabago  Mapa ng Konsepto
ng Pagbabago
IKAPITONG LINGGO -Paglipat  Gawain 11: Bigyan ng
 Performance Solusyon Pahina 13
Task:
IKAWALONG IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
LINGGO

FILIPINO 10// MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG DAIGDIG AT EL FILIBUSTERISMO// S.Y. 2021-2022


2
UNANG LINGGO
MODULE No. 4: EL FILIBUSTERISMO

Alam mo ba?
Ang nobelang El Filibusterismo o ang paghahari ng kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat
ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring
martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa
Noli Me Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at nakasulat ito sa Kastila.
Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagsasanay ng medisina sa Calamba.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa
maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang magpapamalas ng iyong lubos na pag-unawa at pagpapahalaga sa
nobela gamit ang gabay na tanong na “Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang nobelang El
Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan?”

SAKLAW NG MODYUL
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga sumusunod:
Mga Aralin Magagawa mong…
Akdang pampanitikan  masuri ang kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.
 Nobela  maisalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa binasang akda.
- Kaligirang  maibahagi ang damdaming nangingibabaw sa akda.
Pangkasaysayan  masuri ang mga naging kasaysayan ng bansa.
ng El  masuri ang akda mula sa paksa hanggang sa mensahe.
Filibusterismo  masuri ang kasiningan at bisa ng akda.
 maibahagi nang buong sigla ang suliraning hinaharap kaakibat ang
solusyon.
Gramatika  matukoy ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan
nito.
 magamit sa pagbubuod ang tamang mekaniks sa pagsulat.
 magamit ang wastong pag-uugnay sa bawat kabanata.
 magamit ang angkop at mabisang mga pahayag sa pagsasagawa ng
suring-basa.
 magamit ang kahusayan sa gramatikal at diskorsal na pagsulat sa
isasagawang malikhaing photo essay.
Mga pahayag sa pag-aayos  masuri ang mga mahahalagang impormasyon.
ng datos  masuri ang pagkakaayos ng napakinggang buod ng mga kabanata ng
nobela.
Kaalaman at Kasanayan sa  matukoy ang mga mahahalagang impormasyong may kaugnayan sa
Pananaliksik paksa.
 magamit ang mga iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananaliksik
tungkol sa naging bahagi sa kasaysayan ng bansa.

FILIPINO 10// MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG DAIGDIG AT EL FILIBUSTERISMO// S.Y. 2021-2022


3
Grapikong Pantulong sa Aralin:

EL FILIBUSTERISMO
(QUARTER 4)

Akdang Kaalamang
Pangwika Kaalaman at
Pampanitikan Kasanayan sa
Mga pahayag sa Pananaliksik
Nobela
pag-aayos ng datos

Tungo sa isasagawang solusyon sa problemang hinaharap sa kasalukuyang panahon

INAASAHANG KASANAYAN:
Bilang patunay ng pagtatagumpay mo sa modyul na ito, inaasahang matutupad mo ang sumusunod na
mga gawain:
1. napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa
2. naiuugnay ang suliraning nangibabaw sa napakinggang bahagi ng akda sa pandaigdigang pangyayari
sa lipunan
3. nagagamit ang mga wastong mga pahayag na nangingibabaw sa akda
4. naiuugnay sa kasalukuyan ang mga pangyayari sa akda
5. nakabubuo ng kamalayan at paninindigan sang-ayon sa pagsusuri sa binasa
6. nasusuri ang mga kaisipang lumitaw sa mga kabanata
7. nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing/ naglalarawan
8. nakagagawa ng isang pagsasaliksik kaugnay sa suliraning hinaharap
9. nakasusulat at nakapaglalathala ng resulta ng ginawang pananaliksik
10. nakalilikha ng sariling solusyon sa isyung panlipunan

PANIMULANG PAGTATAYA

Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin sa pamamagitan ng pagsagot sa
panimulang pagtataya. Gawin at sagutin mo na lamang ang bahaging ito sa hiwalay na papel.
Pagkatapos mong sagutin ang lahat ng tanong, ikumpara mo ang iyong mga napiling sagot sa susi
sa pagwawasto. Hindi na ito ipapasa.

Panuto: Basahin sa ibaba ang dayalago. Tukuyin sa loob ng kahon kung sinong tauhan ang nagsabi
ng mga pahayag sa ibaba.

Simoun Padre Camorra


Senyor Pasta Tandang Selo
Placido Kabesang Tales
Basilio Padre Fernandez
Don Timoteo Pelaez Isagani
__________1. “Sirain, kung ganoon. Pagtrabahuhin ang mga preso para wala nang babayarang trabahador.”
__________2. “Magparaya, isipin mo na lang na lumaki ang buwaya.”
__________3. “Ikinararangal ko pong isa ako sa pinagtapatan ninyo, subalit ang nais ko po lamang ay
manggamot ng maysakit.”
__________4. “Patawarin po ninyo ako, at sa hindi maiiwasang pagkakataon ay ninakawan ko kayo. Kapalit ng
inyong rebolber ay iniiwan ko na ang relikaryo.”
__________5. “Ginawa ang gobyerno para sa ikabubuti ng sambayanan.”

FILIPINO 10// MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG DAIGDIG AT EL FILIBUSTERISMO// S.Y. 2021-2022


4
__________6. “Ang mga patrabaho sa daungan ang siyang nagpapabigat sa negosyo, ang mismong daungan ay
hindi matapos-tapos, at napakataas pa ng mga buwis…”
__________7. “Ang mga Indio ay ‘di dapat matuto ng wika natin dahil kapag natuto ay makikipagtalo na sila sa
atin!”
__________8. “Ibig kong lumaya, mabuhay nang Malaya!”
__________9. “Ibinibintang ninyo sa aming lahat dahil kami ang madali ninyong nakikita. Nagagalit kayo sa
sundalong humuli sa inyo at hindi sa hukom na nagpahuli sa inyo.”
__________10. “Hayaan nating kumilos ang gobyerno. Magtiwala!”

Magaling! Tingnan natin kung ilan ang nakuha mong tamang sagot. Tunghayan ang susi sa
pagwawasto sa huling pahina ng modyul.

Ngayon ay maaari ka nang magsimula sa pag-aaral sa nilalaman ng modyul na ito. Subukin mo ang
iyong sarili sa panimulang pagsasanay na inihanda para sa iyo. Dumako ka sa bahagi ng pagtuklas.

Natutuwa ako at nakarating ka na sa Modyul 4. Ngayon ay tutunghayan mo naman ang nobela


na inihanay ng ating pambansang bayani. Muli nating palawigin ang iyong kaalaman sa naging
kasaysayan ng ating bansa. Halika, simulan mo sa pamamagitan ng pagsasanay na susukat sa
iyong kaalaman.

Pagsasanay A: Magulong Mundo!

Panuto: Simulan mo ang aralin sa pamamagitan ng pagsusuri sa dalawang larawan tungkol sa


isyung panlipunan. Ibigay ang iyong pagkaunawa sa nais ipahiwatig ng nasa larawan. Gawin ito
sa isang buong papel.

_____________________________________________ ___________________________________________

Matapos mong masuri ang larawan at masagot ang mga katanungan, bigyan mo ng hinuha ang mga sumusunod
na tanong sa aralin sa tulong ng Mapa ng Konsepto ng Pagbabago. Ipagpatuloy mo sa Pagsasanay B.

Pagsasanay B: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago

Sa ibaba ay makikita mo ang Mapa ng Konsepto ng Pagbabago na Bago at Pagkatapos. Ito ay magsisilbi
mong gabay upang masubaybayan mo ang pag-unlad ng iyong pagkatuto. Kopyahin at sagutin mo ang tsart na
ito sa isang buong papel. Sagutin mo lamang ang mga tanong sa ilalim ng “Bago”. Ang bahagi ng “Pagkatapos”

FILIPINO 10// MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG DAIGDIG AT EL FILIBUSTERISMO// S.Y. 2021-2022


5
ay sasagutin mo sa pagtatapos mo ng modyul na ito. Hindi na ipapasa ang bahaging ito ngunit huwag mong
hayaang mawala.
Pokus na Tanong Bago Pagkatapos
1. Bakit mahalagang maunawaan at
mapahalagahan ang nobelang El
Filibusterismo bilang isang obra
maestrang pampanitikan?

IKALAWANG LINGGO

Sa bahaging ito ay malalaman mo ang kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo.


Makikilala mo rin ang kalagayan ng kasawiang dinanas ng may akda habang isinisulat ang
nobelang ito. At higit sa lahat, ang mga pangyayari noon at mananatiling kasaysayan ng bansa
habang panahon.
Ang mga kaalaman mong matatamo rito ay siyang magbibigay sa iyo ng isang makabuluhang
sagot sa pokus na tanong na “Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang nobelang
El Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan?”
Marahil ay handa ka na sa iyong mga matutuhan. Tara, simulan na natin!

Karagdagang Kaalaman:
Nagsimula ang kasaysayan ng El Filibusterismo matapos nakarating sa mga Kastila ang unang nobelang isinulat
ni Rizal na “Noli Me Tangere”. Dahil dito, binantaan ng mga Kastila ang buhay ni Rizal. Nakita ni Rizal ang
epekto ng kanyang nobelang isinulat kaya pinatuloy nito ang kuwento at pinamagatang “El Filibusterismo”.
Kaya naman, napuno ng galit ang mga Kastila at napilitang umalis ng Pilipinas si Rizal at nag tungo sa Europa.
Sa dayuhang bansa tinapos ni Rizal ang kanyang nobela at ito’y naging inspirasyon ng mga Pilipino sa paglaban
sa mga isyung lipunan na kanilang hinaharap.

Gawain 1: Pagpapakahulugan

Nilalaman: (Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo) Punla 10, pahina 253-255


Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Piliin sa loob ng
kahon ang titik ng tamang sagot.
a. nakita f. nawalan ng gana
b. pahiwatig na may parating na sakit g. halagang ipinampalit
c. nagbigay ng pangangailangan h. marahil
d. nagsasakripisyo para sa iba i. metamorphosis o pagbabago
e. balisa o hindi mapalagay j. siniyasat ang napaghinalaang maysala
_______1. Namalas ko ang madugong pakikibaka ng mga bayani ng bayan na lumaban sa malulupit na
banyaga.
_______2. Dumaraan sa isang banyuhay ang uod para ito’y maging paruparo.
_______3. Si Kapitan Tiago ang nagtustos sa pag-aaral ni Basilio.
_______4. Karamihan ng mamamayan ay giyagis sa pagdating ng mga guwardiya sibil sa nayon.
_______5. Nanghinawa si Rizal sa kanyang pakikibaka dahil kahit ang kanyang mga kababayan ay hindi
nagtitiwala sa kanya.
_______6. Inialay ang nobelang El Filibusterismo sa tatlong paring martir.
_______7. Nagkagulo sa perya kagabi, kaipala ay guwardiya sibil ang nagsimula ng gulo.
_______8. Malaki ang ginugol na salapi ni Rizal para mabuhay lamang sa ibang bansa.
_______9. Maraming banta na nakuha si Rizal kaya natakot ang pamilya niya para sa kanya.
_______10. Inusig ng pamahalaan si Kabesang Tales dahil tinatakot daw niya ang kura na bagong nagmamay-
ari ng kanyang lupain.

FILIPINO 10// MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG DAIGDIG AT EL FILIBUSTERISMO// S.Y. 2021-2022


6
Ang Nilalaman ng El Filibusterismo
Ang nobelang El Filibusterismo ay pampolitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at
nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan
ng bayan.
Para sa karagdagang kaalaman, basahin mo ang maikling buod ng nobela sa ibaba. Maaari mo
ring bisitahin ang link na ito. https://noypi.com.ph/el-filibusterismo-buod-ng-buong-kwento/

Buod ng El Filibusterismo

Labintatlong taon na matapos ang pagkamatay ni Sisa at Elias.


Sa liku-likong daan ng Ilog Pasig ay may isang Bapor Tabo na naglalakbay. Lulan nito ang
maraming taong papunta sa Laguna. Ilan sa mga sakay ng bapor ay sina Simoun, Basilio, Isagani, at ilang
mga pari.
Unang pinuntahan ni Basilio ang puntod ng kaniyang ina nang ito’y makarating sa San Diego. Doon
ay nakita niya ang mag-aalahas na si Simoun. Nang magtanggal ito ng salamin ay nakilala niyang iyon si
Juan Crisostomo Ibarra.
Tinangkang patayin ni Simoun si Basilio upang hindi lumabas ang lihim nito. Ngunit naisip niyang
parehas sila ng kinahinatnan nito kaya hinimok nalang niyang makiisa si Basilio sa planong paghihiganti sa
Pamahalaang Kastila.
Ngunit ito ay tinanggihan ni Basilio.
Naghain ng kahilingan sa Kapitan Heneral ang mga mag-aaral na Pilipino upang makapagtayo ng
isang akademya ng wikang Kastila. Ngunit hindi ito pinagtibay dahil mga pari ang namamahala rito.
Nang muling makanaig ni Simoun si Basilio ay muli niyang kinumbinsi na umanib ang binata sa
gagawing paghihigmasik.
Plano ni Simoun na gumawa ng isang pulutong na sapilitang papasok sa kumbento upang agawin si
Maria Clara. Sa kasawiang palad ay hindi ito nangyari dahil binawian din ng buhay ang dalaga
kinahapunan.
Samantala, nagkaroon ng pagtitipon ang mga mag-aaral, sa Panciteria na pagmamay-ari ng Intsik na si
Quiroga, dahil sa masama ang kanilang loob dala ng pagkabigo ng kanilang kahilingan patungkol sa
pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila.
Nalaman ng mga pari ang tahasang pagtuligsa sa kanila ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
talumpatian sa loob din ng Panciteria. Kinaumagahan ay makikita ang mga paskin sa pinto ng pamantasan
na naglalaman ng mga paghihimagsik.
Pinagbintangan ang mga mag-aaral na kasali sa kapisanan at dinakip ang mga ito kasama si Basilio.
Labis ang pagdaramdam ng kasintahan ni Basilio na si Huli.
Hinimok ni Hermana Bali na lapitan ni Huli si Padre Camorra upang humingi ng tulong sa
pagpapalaya kay Basilio. Napalaya ng mga kamag-anak nila ang mga mag-aaral maliban kay Basilio.
Hinalay ni Padre Camorra si Huli dahilan kung bakit tumalon sa bintana ang dalaga at agad
namatay.
Sa kabilang dako, patuloy parin si Simoun sa kanyang plano na paghihiganti. Upang maisagawa
iyon, sumanib siya sa negosyo ni Don Timoteo Pelaez na ama ni Juanito. Ipinagkasundo niyang ipakasal si
Paulita kay Juanito.
Inanyayahan niya sa piging ang mga taong may mataas na posisyon sa pamahalaan. Lumipas ang
dalawang buwan, nakalaya na si Basilio sa tulong ni Simoun dahilan kung bakit tuluyan na siyang nakiisa
sa paghihimagsik na balak ni Simoun.
Sinamantala ni Simoun ang mangyayaring piging upang maisagawa ang paghihimagsik. Naghandog
siya ng magarang lampara para sa ikakasal.
Lingid sa kanilang kaalaman, ang lamparang iyon ay may lamang nitrogliserina. Sa oras na itaas ang
mitsa ay sasabog ito ng malakas.
Habang nagsasaya ang lahat ay palakad-lakad naman si Basilio sa labas. Hindi siya mapakali dahil
alam niya ang mangyayaring pagsabog.
Nakita niyang lumabas na rin si Simoun sa bahay dahil sa nalalapit na pagsabog ng lampara. Nakita
din niya si Isagani at sinabihan umalis na sa bahay na iyon.
Unti-unti nang lumalamlam ang ilaw ng lampara. Iniutos ng Kapitan Heneral kay Padre Irene na
itaas ang mitsa nito ngunit mabilis itong inagaw ni Isagani at itinapon sa ilog.
Hindi natuloy ang plano ni Simoun kaya tumakas ito at nagtungo sa bahay ni Padre Florentino.
Uminom si Simoun ng lason dahil ayaw niyang mahuli siya ng mga sibil na buhay.
Nagtapat siya kay Padre Florentino ng kaniyang buhay at ang balak niyang paghihiganti.
Noong oras din na iyon ay binawian ng buhay si Simoun.
Tumungo si Padre Florentino sa bato na laging inuupuan ni Isagani malapit sa dagat at itinapon ang
lahat ng kayamanan ni Simoun.

FILIPINO 10// MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG DAIGDIG AT EL FILIBUSTERISMO// S.Y. 2021-2022


7
Gawain 2: Pagkilala sa Tauhan

Panuto: Tukuyin ang papel na ginampanan ng mga tauhan na nasa ibaba sa nobelang El Filibusterismo. Gawin
ito sa isang buong papel.
Basilio Isagani Kabesang Tales Simoun

_______________________ ___________________ _____________________ _____________________


Para sa mga mag-aaral:
Ang nobelang El Filibusterismo ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si
Jose Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o
Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel ng Noli Me Tangere. Mahalagang mapag-aralan mo ang
akdang ito dahil magpahanggang ngayon ay nasasalamin pa rin sa lipunang Pilipino ang mga pangyayari sa
akda.
Bilang panimula, basahin ang kasaysayan ng El Filibusterismo mula sa pahina 253-255 ng Punla 10 at sagutin
ang inihandang katanungan sa ibaba.

Gawain 3: Ungkatin ang Kasaysayan

A. Panuto: Sa tulong ng graphic organizer, ilahad ang naipakitang kondisyon o pagkatao ni Rizal ayon sa
teksto.

RIZAL

B. Batay sa iyong nabasa, ano kaya ang dahilan ni Jose Rizal upang isulat ang ikalawang nobelang El
Filibusterismo?

Gawain 4: Halina’t Alamin

Nilalaman: (Nobela) El Filibusterismo, Kabanata 1-5 Punla 10 pahina 270-275


Panuto: Panuto: Basahin at ipaliwanag ang bawat matatalinghagang pahayag. Sagot na lamang ang isulat.
Gawin ito sa isang buong papel.
Pahayag Paliwanag
1. Tunay ngang Pilipino ang bapor na ito, maituturing na barko ng
estado!
2. Hindi kami namimili ng alahas dahil ‘di namin kailangan.
3. Pakisabi ring ang tubig ay napakatamis, bagama’t lumuluhod sa
FILIPINO 10// MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG DAIGDIG AT EL FILIBUSTERISMO// S.Y. 2021-2022
8
serbesa at pumapatay sa apoy. Kapag pinainitan ay nagiging
singaw. Kapag naligalig, nagiging karagatan na minsan nang
pumuksa sa sangkatauhan.
4. Magparaya, isipin mo na lang na lumaki ang buwaya.
5. Tinakot siya ng mga prayle na ibibigay sa iba ang karapatang
mangasiwa sa kanilang lupaing pinaunlad ng pawis at dugo ng
kaniyang sariling pamilya.

Katapusang Bahagi ng Ikalawang Linggo


Mahusay! Binabati kita sa iyong nagawa, ngayon dumako na tayo sa ikatlong
linggo ng aralin.

IKATLONG LINGGO
1. Gawain 5: Sistematikong Pananaliksik

AMDAMYO SA PAGGANAP 1
Kaalamang Pangkaisipan: Ang isyung panlipunan ay isang pampublikong suliranin. Karaniwang kaugnay ito ng
krisis sa mga institusyong panlipunan. Ito ay suliranin na nakaaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa
lipunan sa kabuuan.
Pagsusuri sa nagaganap sa lipunan
Bilang paghahanda sa huling bahagi ng gawain, panoorin ang naganap na isyung panlipunan sa nobelang El
Filibusterismo. Maaari ring magsaliksik ng mga isyung panlipunan na kasalukuyang lumalaganap sa bansang
Pilipinas. Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na katanungan. (Hindi na ito ipapasa ngunit sikaping
maisagawa)
Narito ang link: https://www.youtube.com/watch?v=Ni-sGCnmrZg
1. Ano ang posibleng dahilan ng pagkakaroon ng problema sa ating lipunan?
2. Ano ang naging solusyon batay sa iyong nabasa o napanood?

Ang susunod na bahagi ay ang ikalawang Andamyo sa Pagganap para sa yunit na ito.
Kaunti na lamang ang panahon para sa preparasyon mo sa iyong isasagawang creative photo essay.
Kaya sa pagkakataong ito, kailangan mong makalikha ng isang balangkas para sa isasagawang
solusyon sa isang suliraning hinaharap.
Tunghayan mo sa kasunod na gawain ang ikalawang hakbang sa pagsasakatuparan mo ng iyong
isasagawang pampagkatuto.

Gawain 6: Pagbabalangkas

Sa Gawain 5, nalaman mo ang iba’t ibang suliranin o isyung panlipunan na lumalaganap sa kasalukuyan.
Ngayon, bilang paghahanda sa gagawin mong creative photo essay, ikaw ay gagawa ng balangkas para dito.
Panuto: Mula sa iyong napiling isyung panlipunan na tatalakayin, pumili ng isang larawan na nagpapakita
ng problema o suliraning panlipunan sa kasalukuyan. Idikit ang larawang ito sa isang long bond paper.

FILIPINO 10// MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG DAIGDIG AT EL FILIBUSTERISMO// S.Y. 2021-2022


9
IKALIMANG LINGGO

Sa bahaging ito, mas lalo nating palalimin ang iyong kaalaman sa nobelang El Filibusterismo na inihanay ng
ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Tiyak akong matutuwa ka sa bahaging ito. Dumako tayo sa
panibagong gawain.

Gawain 7: Pagsusuri sa Tauhan

Nilalaman: Nobela (Kabanata 6-7, pahina 292-297)


Panuto:Basahin ang Kabanata 6-7 ng nobela bilang pagkilala sa tauhan ng nobela na si Basilio at Simoun.
Pagkatapos, suriin ang kahulugan o kaisipang namayani sa bawat pahayag ng tauhan. Magbigay ng halimbawa
para higit itong maipaliwanag.
Pahayag Paliwanag Halimbawa
Simoun: Huwaran kang lalaki sa Pilipinas!
Simoun: Ang wika ang pag-iisip ng bayan.
Simoun: Mabuhay ang iyong pangarap na makakuha sa kanila ng basahang
maipambabalot sa tanikalang nakatali sa iyo upang hindi ito masyadong
makasugat.
Simoun: Kapwa tayo uhaw sa katarungan.
Basilio: Nagkamali yata kayong singilin ang dating sugat…

Gawain 8: Kalagayang Panlipunan

Panuto: Basahin ang piling kabanata ng nobela sa iyong batayang aklat sa Filipino, Punla 10 at punuan ang
hinihinging impormasyon ng graphic organizer sa ibaba upang maipakita ang kabuuan ng aralin.
 Kabanata 4: Si Kabesang Tales, pahina 273-274
 Kabanata 30: Juli, pahina 385
 Kabanata 7: Si Simoun, pahina 294-297

MUSEO DE FILIPINO
(MGA MALIKHAING DOKUMENTARYONG NAGPAKITA NG MGA
KASALUKUYANG KALAGAYAN NG LIPUNAN)

Totoong mahalaga ang Kung ako ang


mga kaisipang taglay ng Naniniwala akong ang tatanungin, malulutas
El Filibusterismo mga pangyayari sa El ang mga problemang
dahil… Filibusterismo ay… tulad ng mga ito sa
pamamagitan ng…

EL FILIBUSTERISMO
(AKDANG NAGPAKITA NG MGA
KASAMAAN NOONG PANAHON NG
KASTILA)

FILIPINO 10// MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG DAIGDIG AT EL FILIBUSTERISMO// S.Y. 2021-2022


10
Naibigan mo ba ang iyong binasa? Nagtagumpay ka ba sa mga gawain? Mahusay kung
gano’n. Binabati kita.

Gawain 9: Pinatnubayang Paglalahat

Sa bahaging ito ay tutulungan kang palalimin ang iyong pag-unawa at pagpapahalaga sa kasaysayan ng bansa
hango sa isinulat na akda. Basahin ang mga isyu o suliraning namayani sa ibaba na mula sa akda at suriin ang
maaaring solusyon upang ito ay maiwasan tungo sa pag-unlad ng bansa. Inaasahan din na mapalalalim mo pa
ang iyong kasagutan sa tanong na “Bakit mahalagang maunawaan at mapahalagahan ang nobelang El
Filibusterismo bilang isang obramaestrang pampanitikan?”

Una: KAHIRAPAN
Sa ilalim ng bapor, masikip at mainit dahil marami ang mga tao dito habang ang kalagayan ng ibabaw ng
bapor ay kasalungat sa ilalim. Sa ating panahon ngayon, mas marami ang mga mahihirap kesa sa mga
mayayaman. Ang mas malaking bahagi ng mga rekurso o yaman ng ating bansa ay napupunta sa mga
mayayaman habang ang kaunting bahagi ay napupunta sa mga mahihirap. Isa ang kahirapan sa isyung
hinaharap noon at hanggang sa kasalukuyan. Hinaing ng bawat mamamayan na mabigyan ng sapat na
trabaho upang makaahon sa tinatamasang hirap sa pang-araw-araw.

Ikalawa: KAKULANGAN AT PAGKAKAIT NG EDUKASYON


Si Basilio at Isagani ay gustong matuto ng Wikang Kastila at makikita natin na nagsisikap upang makamit
ang kanilang kagustuhan subalit dahil sa iba't ibang mga kadahilanan ay hindi nila nakamit ang kanilang
layunin at ang kanilang karapatang matuto. Kagaya nalang sa panahon natin ngayon, maraming mga tao
ang gustong makapag-aral at matuto subalit nang dahil sa kahirapan ay hindi nila natatamo ang
kagustuhang ito. Ngunit kung magkakaroon ng libreng edukasyon, maraming bata ang makakapag-aral at
makakamit ang kanilang pangarap sa buhay.

Ikatlo: DISKRIMINASYON SA LAHI


Inakalang hangal si Basilio dahil sa kaniyang pagiging Pilipino maliban sa katotohanan na isa siyang
kagalang-galang na guro. Ito ay walang ipinagkaiba sa kasalukuyang sitwasyon kung saan ang ibang lahi
ay napapaboran kumpara sa Pilipino. Nakakalungkot na maging ang mga kapwa natin Pilipino ay
kakikitaan ng kadayaan sa kanilang pagturing sa ibang lahi at maging sa mga produkto. Sa nobelang El
Filibusterismo ay naipakitang mas maganda para sa lipunan ang mga produktong galing Espanya kaysa sa
mga gawa ng Pilipino. Katulad na lamang ngayon kung saan karamihan ng mga tinatangkilik na brand ng
mga gamit ay puro nakabase sa ibang lugar. Ang pagkakaroon ng pantay-pantay na pagtrato at
pagmamahalan ang solusyon ng diskriminasyon.

Mahalagang Tanong Text 1 Text 2 Text 3

“Kahirapan” “Kakulangan at “Diskriminasyon sa


Pagkakait ng lahi”
Edukasyon”

“Bakit mahalagang Anong solusyon ang Anong solusyon ang Anong solusyon ang
maunawaan at ipinakita sa suliraning ipinakita sa suliraning ipinakita sa suliraning
mapahalagahan ang ito? ito? ito?
nobelang El Filibusterismo Maglahad ka ng iyong Maglahad ka ng iyong Maglahad ka ng iyong
bilang isang patunay sa iyong sagot patunay sa iyong sagot patunay sa iyong sagot
obramaestrang Paano mo masasabing ito Paano mo masasabing ito Paano mo masasabing ito
pampanitikan?” ay magpapatunay sa ay magpapatunay sa ay magpapatunay sa
iyong sagot? iyong sagot? iyong sagot?
Magkakaparehong ideya na nasa mga katuwiran:
Paglalahat/ Mahalagang Pag-unawa:

FILIPINO 10// MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG DAIGDIG AT EL FILIBUSTERISMO// S.Y. 2021-2022


11
IKAANIM NA LINGGO
Gawain 10: Hanggang Sa Kasalukuyan

Panuto: Basahin ang piling kabanata mula pahina 364-371. Pagkatapos, itala ang mahahalagang pangyayari sa
kabanata na nakikita pa rin ngayon sa Pilipinas.

Pangyayari sa Pilipinas sa
Pangyayari sa "El Fili"
Kasalukuyan

Mahusay! Ang dami mong natapos na gawain. Ano na kaya ang mga pagkatutong iyong natamo sa
bahaging ito? Tara, alamin na natin. Gawin mo ang pormatibong pagtataya sa ibaba.

PORMATIBONG PAGTATAYA

Panuto: Bilang pagsukat sa iyong natamong pagkatuto, magbigay ng konsepto na hinihinigi sa tsart katapat ng
bawat ilaw. Gawin ito sa isang buong papel.

Sa pulang ilaw, itala mo ang tatlong konsepto na hindi naging malinaw sa iyo
Sa ilaw na dilaw, itala ang bahagi ng aralin na naunawaan mo ngunit kailangan pa ng
karagdagang paliwanag mula sa iyong guro.
Sa berdeng ilaw, itala ang mga natutuhan sa aralin na kaya mong ibahagi o ituro sa iba.

MAPA NG KONSEPTO NG PAGBABAGO: Tingan natin kung may pagbabago o pag-unlad sa iyong unang
kasagutan Sagutin mo na lamang ang bahaging “Pagkatapos”. Gawin mo ito sa iyong intermediate paper.
Mga Pokus na Tanong Bago Pagkatapos
1. Bakit mahalagang maunawaan at
mapahalagahan ang nobelang El
Filibusterismo bilang isang
obramaestrang pampanitikan?

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGPAPALALIM


Inaasahang nagawa mong mapalalim ang iyong pag-unawa at pagpapahalaga sa naging kasaysayan ng ating
bansa. Binabati kita sa masaya nating paglalakbay. Batid kong marami ka ng natutuhan sa mga aralin.
Mahusay!

FILIPINO 10// MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG DAIGDIG AT EL FILIBUSTERISMO// S.Y. 2021-2022


12
IKAPITONG LINGGO

Ang layunin mo sa bahaging ito ay makabuo ng photo essay tungkol sa isyung panlipunan sa
kasalukuyan. Sinimulan mong paghandaan ang panghuling gawain na ito sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng mga preparasyon sa andamyo sa pagganap 1 at 2. Tama ba? Mahusay kung
gano’n. Alam kong handa ka na sa iyong isasagawang creative photo essay na tiyak kong
mapagtatagumpayan mo ito at magagawan ng solusyon para harapin ang hamon ng buhay.
Halina’t ipamalas mo na!
PERFORMANCE TASK: Creative Photo Essay na nagpapakita ng suliraning panlipunan kaakibat ang
solusyon
Halos lahat ng Pilipino ay nagsasabing nakadidismaya at nakabibigla ang mga kaganapan nitong nakalipas na
taon. Kahit pa matagal na panahon na ang nakalipas nang wakasan ng ating mga bayani ang kasamaan at
kasakiman ng mga dayuhang Kastila, tila yata lumilitaw pa rin sa lipunang Pilipino ang mga parehong
karahasan at kasamaan. Ayon mismo kay Dr. Jose Rizal, “Kabataan ang pag-asa ng bayan”. Totoong ang isang
kabataang tulad mo ay may magagawa upang makatulong sa paglutas ng mga problema o kasamaan sa lipunan.
Ang ilang ating napapanood sa social media ay naglalayong ipakita ang mga karahasang nagaganap sa daigdig
at makagawa ng solusyon upang makaiwas dito. Ang iyong isasagawang creative photo essay ay pagpapatunay
na sadyang ikaw mismo ay makatutulong sa pagsugpo sa suliraning hinaharap. Mahahasa ang iyong kamalayan
sa nagaganap sa ating lipunan sa pamamagitan ng paglutas sa suliraning ito.

Gawain 11: Bigyan ng Solusyon

Panuto: Gumawa ng isang malikhaing photo essay na nagpapakita ng isyung panlipunan. Pumili lamang ng
isang larawan at ibigay ang iyong solusyon upang makaiwas sa ganitong uri ng suliranin. Gawin ito sa isang
long bond paper.
__________________________________________________________________________________________

SUSI SA PAGWAWASTO
Panimulang Pagtataya
1. Simoun 6. Don Timoteo Pelaez
2. Tandang Selo 7. Padre Camorra
3. Basilio 8. Placido
4. Kabesang Tales 9. Padre Fernandez
5. Isagani 10. Senyor Pasta
Pagtuklas
Pagsasanay A (Maraming posibleng sagot)
Unang larawan- Kahirapan
Ikalawang larawan- Kawalan ng maayos na tirahan
Paglinang
Gawain 1: Pagpapakahulugan
1. a. nakita 6. d. nagsasakripisyo para sa iba
2. i. metamorphosis o pagbabago 7. h. marahil
3. c. nagbigay ng pangangailangan 8. g. halagang ipinampalit
4. e. balisa o hindi mapalagay 9. b. pahiwatig na may parating na sakit
5. f. nawalan ng gana 10. j. siniyasat ang napaghinalaang maysala
Gawain 2: Pagkilala sa Tauhan
1. Basilio- Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.
2. Isagani- Siya ay pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez. Maliban pa rito si Isagani ay isa
sa mga estudyanteng sumusuporta sa hangaring magkaroon ng sariling akademya para sa wikang kastila ang
Pilipinas.
3. Kabesang Tales- Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga
prayle.
4. Simoun- Ang mayamang mag-aalahas na nakasalaming may kulay na umano’y tagapayo ng kapitan heneral
ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
Gawain 3: Ungkatin ang Kasaysayan
 Naipakita niyang siya ay tao ring tulad ng karaniwang tao.
 Matulungin, matalino at mapanuri.
 Marunong ding masaktan ang mga taong nakararasas ng kabiguan.

FILIPINO 10// MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG DAIGDIG AT EL FILIBUSTERISMO// S.Y. 2021-2022


13

You might also like