You are on page 1of 1

A.

Pagliligtas ng Morong Gerero sa binatang lalaking nakatali sa puno sa kabila ng pagkakaiba ng


kanilang sektang kinabibilangan.

Ang pagkakaroon ng kaibahan sa sekta o relihiyong kinabibilangan ng isang tao ay hindi dapat
makahadlang upang magkaroon sila ng magandang relasyon sa bawat isa. Ang mga aspektong ito ang
nagiging dahilan ng pagkakaroon ng sama ng loob sa isang tao sapagkat naniniwala ang iba na hindi
maaaring makisalamuha sa isa’t isa ang mga tao kung saan ang mga relihiyon nila ay magkatunggali gaya
na lamang ng mga Kristiyano at Muslim. Hindi makatarungang isipin na dahil kaaway ng relihiyon mo ang
relihiyon ng isang tao ay hindi mo na siya maaaring maging kaibigan. Kailangan talaga nating ituring ang
isa’t-isa nang pantay-pantay at hindi dapat natin pairalin ang diskriminasyon. Irespeto natin ang mga
paniniwala ng ating kapwa nang sa gayon ay magkaroon tayo ng pagkakaunawaan sa isa’t isa.
Tama lamang ang ginawa ni Aladin na isang Morong Gerero. Imbes na pairalin niya ang
tunggalian ng relihiyon nila ni Florante, tinulungan niya ito mula sa pagkakatali. Nanganganib na ang
buhay ni Florante sa mga panahong iyon dahil may dalawang leon ang nakakita sa kaniya at nakaamba
na ang mga ito upang siya ay lapain ngunit dahil kay Aladin, nagawa niyang makaligtas mula sa
sitwasyong ito. Tunay na mabuti ang ginawang pagtrato ni Aladin kay Florante dahil nagawa pa niyang
malayo sa kapahamakan si Florante. Naipakita sa istorya ang pagkakaroon ng pagmamalasakit sa kapwa
kahit ano pa man ang sektang kinabibilangan niya.

You might also like