You are on page 1of 2

Wana Mariñas

Tektso- ‘di ko po alam chrz, update ko po ito bukas.

Kontektso-

 Gabi ng sumakay ng bus ang pangunahing tauhan. Si Juan dela Cruz ay sumisimbolo
sa isang Pilipino na pumaimbulog sa isang paglalakbay o pakikipagsapalaran. Nakasuot
ng maayos o pormal na kasuotan ngunit walang pera.
 Nangangahulugan na si Juan ay hindi tiga Maynila. Mula sa isang probinsya, lumuwas
si Juan upang makipagsapalaran sa Maynila. Makikita na probinsyanong- probinsyano
talaga si Juan sapagkat sa pananamit pa lamang, hindi karaniwan na pusturang-
pustura ang mga taga- Maynila.
 Sa paglalakbay niya sa Avenida o tinatawag din itong Rizal Avenue na matatagpuan sa
Maynila. Ito ay ipinangalan sa bayaning si Jose Rizal. Dati itong masiglang pook ng
pasyalan at kalakalan, subalit dulot ng modernisasyon, kasabay ding naglaho ang mga
kulturang naukit ng kasaysayan. Halimbawa na lamang dito ang mga inprastrakturang
gawa ng mga pambansang alagad ng sining gaya nina Antonio at Nakpil.
 Nang makadaan si Juan sa sinehan tila ba sinita siya ng takillyera; Ito ang tawag sa
taong nagbebenta ng tiket malapit sa pasukan ng sinehan. Pinagtawanan ng takilyera si
Juan sapagkat tila ito inosente sa kalakaran ng Maynila, na walang libre dito
 Kapag humampas ang alon sa gilid ng dalampasigan, gumagawa ito ng tunog na tila
nag- aanyayang maligo sa dagat. Subalit kapag ito ay sobrang lakas, ito ay tila tunog ng
leon na nagnanais lumamon ng sino man. Binigyang buhay ng may- akda ang mga alon
sa paggamit ng personipikasyon o pagtatao. Pinagsalita niya ito, upang ipakahulugan na
ang pagkatao ni Juan ay itinuturing na parang basura ng dagat.
 Binigyang- diin na sa Simbahan daw ay lahat, nagbibigay ng pera bilang abuloy o
handog. Ang Obispo ang nasalita nito.Natuyuan na ng laway, marahil sa kapagurang
dulot ng maghapong paglalakbay
 Unti- unti ng lumalabas ang tunay na pagkatao ni Juan dela Cruz, bilang isang payak na
tao lamang.Sira- sira na ang damit.
 Matapos ang paglalakbay upang makahanap ng pagkakakitaan, natapos ang
maghapong wala pa ring pera si Juan
 Tumutukoy sa mga Kabataang nanghihimok sa mga taong nasa mga probinsya na
lumahok sa digmaang- bayan.
 Nangangahulugang nag- ulot ng sama ng loob laban sa pamahalaan si Juan bunga ng
panghihimok ng mga Kabataan
- Ito ay tula na nagpapakita na kahit noong unang panahon pa lamang ay marami ng
gustong makarating dito sa Maynila upang maghanap ng trabaho, ngunit katulad ni Juan
dela Cruz na isang simpleng tao na nakatira sa probinsya ay hindi ganon kadali. Inilahad
ng tula na ito na kapag ang isang tao na kapag ito ay salat sa yaman tila ba ang
kaniyang pakikipasapalaran ay isang pagpasok sa butas ng karayom. Wala kang
kasiguraduhan kung ikaw ba ay magtatagumpay dahil na rin sa ang ating gobyerno na
hindi sapat ang tulong para sa ating lahat. Pinapakita rin dito sa tula na ito na kapag
umiikot sa pera ang lahat ng nangyayari sa ating bansa hindi sapat na ikaw ay masipag
lamang o matiyaga bagkus kailangan dito ay pera pera sa bawat kilos na iyong gagawin.
Na halos lahat ng mga probinsyano ay gustong makahanap ng trabaho dito sa Maynila
ngunit tila ba ay bumabalik din sila sa kanilang pinanggalingan dahil walang nangyari sa
kanila rito sa Maynila dahil walang sapat na tulong ang gobyerno para sa lahat at
panglawa dahil ikaw ay walang pera. Dahil sa pera umiikot ang lahat.

Relevance- Itong tula na ito ay sumasalamin pa rin sa panahon ngayon, ang isyu na sapul pa
rin dito ay kawalan pa rin o kakulangan pa rin ng tulong gobyerno sa mga taong kahit na
pursigido ngunit walang sapat na yaman ay mahirap maabot ang tugatok ng tagumpay. Dahil
ang sistem ng ating bansa ay hindi kumikilos habang walang lagay.

You might also like