Professional Documents
Culture Documents
RUBRIC
RUBRIC
PAGTATAYANG
PANGKLASRUM
ANO ANG PAGTATAYANG
PANGKLASRUM?
Ito ay ang pangangalap,
interpretasyon at paggamit ng mga
impormasyon upang matulungan ang mga
guro na makagawa ng mabuting desisyon
para sa mga kaukulang interbensyon
upang mapabuti ang pagtuturo at
pagkatuto.
ANO ANG PAGKAKAIBA NG
PAGTATAYA NOON AT NGAYON?
NOON: Hanay ng mag-aaral, tahimik na
nakaupo;pagsagot sa mga tanong ng
inihandang pagsusulit
NGAYON: Ang pagtataya ay bunga ng
maraming pagtatanong gaya ng:
→Ano ang aking tatayain?
→Anu-ano ba ang mga uri ng
pagtataya/assessment?
→ Ano ba ang pinakakomprehensibong
paraan ng pagtataya para sa aking klase?
Kaalaman 5 4 3 4 3 2
Pangangatwiran 2 5 4 4 2 2
Mga Kasanayan 1 3 5 2 5 3
Produkto 1 1 5 2 4 4
Pandamdamin 1 2 4 4 4 5
TANDAAN:
Walang bisa ang anumang
pagtataya kung hindi ito
maglulundo sa pagpapabuti ng
proseso ng pagtuturo-pagkatuto.
PAGHAHANDA PARA SA PAGTATAYA
A. Anu-ano ang mga uri ng pagtataya?
1. Pagtatayang Pormal(Tanong:Ano na ang alam
mo?)
1.1 Mga Pormat
a. Tama-mali
b. MCQ(maraming pagpipiliang tanong)
c. Pagtatapat-tapat
d. Paglalahad(sanaysay)
e. Standardized
f. Norm-referenced
d. Criterion-referenced
1.2 Mga Layunin
A. Sumusukat sa natatamong kaalaman ng
mga mag-aaral at inihambing ang natamong ito
sa kapwa mag-aaral at sa iba pang mag-aaral sa
district,division,rehiyon o bansa.
B. Ulat sa natamo ng mga mag-aaral para
sa mga magulang at administrador.
C. Ang resulta ng pagsusulit ay ginagamit
para sa pagbuo ng mga polisi at paggawa ng
mga desisyon sa pagtuturo at pagkatuto.
2.ALTERNATIBONG PAGTATAYA
(Tanong: Ano ang magagawa mo?)
2.1 MGA GAWAIN
A. awtentiko (tuwirang pagtataya sa
mga gawaing mag-aaral na malapit sa mga
tunay na karanasan)
B. product o performance
C. proseso
D. portfolio
2.2 Mga Layunin
Ang mga gawain ay halos malapit sa aktwal na mga
sitwasyon ng buhay;nakatutulong sa mga guro
upang:
a.makabuo ng isang komprehensibong
paglalarawan ng bawat mag-aaral bilang problem
solver,critical thinker at acquirer of knowledge.
b. mataya ang pagsulong at pag-unlad ng
isang mag-aaral sa loob ng isang panahong
itinakda(isang araw o linggo o di kaya nama’y ilang
buwan).
Anu-ano ang mga pormat ng
alternatibong pagtataya?
Ang pagtatayang product at performance
-Inaasahan na makabubuo/makapaglalahad ang
mga mag-aaral ng isang totoo o tunay na produkto o
di kaya ay pagsasagawa sa mga kasanayan o
konseptong nililinang.
-Nakapokus sa natapos na produkto sa halip na sa
mga proseso, gawi o istratehiya na ginamit sa
pagbuo nito.
- Ang pagtataya ay nakabatay sa paghuhusga
at obserbasyon gamit ang ilang
pamantayan o krayterya.
Hindi-Sapat
• Walang nailahad na bagong kaalaman
• Watak-watak ang paglalahad
• Mababaw ang talakay
• Hindi nailapat ang anumang pagkatuto
Mga Uri ng Rubric