You are on page 1of 12

DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/ Antas 7

(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Tala sa Pagtuturo Petsa/Oras Markahan Ikalawa
IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas Moral.

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang plano pag-unawa sa kaugnayan ng konsensya sa Likas na Batas
Moral.

C. Mga kasanayan sa 1. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na taliwas sa unang
Pagkatuto. Isulat ang code ng prinsipyo ng Likas na Batas Moral. EsP7PS-Ic-6.2
bawat kasanayan 2. Natutukoy ang gamit ng tamang konsensya.
3. Nakapagsasagawa ng maiksing presentasyon kung saan nailapat ang gamit ng konsensya.

II. Nilalaman Modyul 6: Ang Kaugnayan ng Konsensya sa Likas na Batas Moral


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao TG 63-78


Guro
Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 7 LM 137-158
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

55
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Panturo


Panturong Biswal: LCD Projector, Laptop, speaker, audio

III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin A. Tumawag ng 3 mag-aaral at sagutan ang tanong.


at pagsisimula ng bagong Ano-ano ang mga kahulugan ng konsensya na inyong nakuha batay sa mga naging gawain
aralin. noong nakaraang araw?

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Nailalapat ang wastong paraan upang baguhin ang mga pasya at kilos na taliwas sa unang
prinsipyo ng Likas na Batas Moral.
2. Natutukoy ang gamit ng tamang konsensya.
3. Nakapagsasagawa ng maiksing presentasyon kung saan nailapat ang gamit ng konsensya.

B. Gawin ang Think-Pair-Share. Batay sa nakaraang takdang aralin, ibahagi ang sitwasyon,
karanasan, insidente o pangyayari sa buhay mula sa kaibigan, kapatid o pinsan na kung saan
nailapat nang tama ang konsensya. (gawin ito sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)

1. Magpalitan ng pagbabahagi ng pangyayari.


2. Sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Saan nagmula ang pananaw mo ukol sa konsensya?
b. Batay sa naging karanasan ng iyong kaibigan o kapatid, ano ang natuklasan mo tungkol sa
konsensya?

56
c. Paano nagabayan ang iyong kaibigan o kapatid ng konsensya sa kanyang naging pasya at
kilos?
d. Mabisa bang gabay ang konsensyang taglay mo/nila? Patunayan.

C. Pag-uugnay ng mga Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon at gumawa ng sariling pagpapasya. Isulat ang iyong
halimbawa sa bagong aralin pasya at paliwanag kaugnay nito, sa iyong notbuk. (gawin sa loob ng 10 minuto)
(Constructivist/Reflective Approach)

Kaso 2
Mula sa natutunan mo sa inyong leksiyon tungkol sa kalinisan ng
kapaligiran, nalaman mo ang suliranin sa basura at mga epekto nito sa
sambayanan. Mayroong babala sa inyong baranggay na nagtatakda ng parusa
sa mga taong mahuhuling nagtatapon ng basura sa hindi itinakdang lugar na
tapunan nito.
Isang gabi na nagpapahangin ka sa labas ng inyong bahay, nakita mo
ang matalik na kaibigan ng iyong ama na nagtapon ng basura sa hind i
itinakdang lugar na tapunan. Ang ama mo ang kapitan ng inyong barangay. Ano
ang gagawin mo?
Mula sa natutunan mo sa inyong leksiyon tungkol sa kalinisan ng
kapaligiran, nalaman mo ang suliranin saKaso basura2 at mga epekto nito sa
sambayanan. Mayroong babala sa inyong baranggay
Mula sa natutunan mo sa inyong leksiyon tungkol sa kalinisan na nagtatakda
ng ng parusa
sa mga taong
kapaligiran, mahuhuling
nalaman nagtatapon
mo ang suliranin ng basura sa
sa basura hindiepekto
at mga itinakdang lugar na
nito sa
tapunan
sambayanan.nito. Mayroong babala sa inyong baranggay na nagtatakda ng parusa
Isang
sa mga gabi na nagpapahangin
taong ka sa labas
mahuhuling nagtatapon ng inyong
ng basura bahay,
sa hindi nakita mo
itinakdang lugar na
ang matalik
tapunan nito. na kaibigan ng iyong ama na nagtapon ng basura sa hindi
itinakdang
Isang gabi lugar na tapunan. Ang
na nagpapahangin ama
ka sa mo ng
labas anginyong
kapitan ng inyong
bahay, nakitabarangay.
mo Ano
ang gagawin mo? Kaso 1
ang matalik na kaibigan ng iyong ama na nagtapon ng basura sa hindi
Ang iyong kaklase
itinakdang lugar naattapunan.
matalik Ang
na kaibigan
ama mona si Adel
ang ay ng
kapitan nagtapat
inyongsa iyo na Ano
barangay.
lalayas siya
ang gagawin mo? sa bahay nila dahil sa problema sa kanilang pamilya. Dahil sa matalik
kayong magkaibigan, ipinagkatiwala niyang ipagtapat sa iyo kung saan siya
pupunta. Subali’t mahigpit ang bilin niya na huwag itong sasabihin sa iba lalo na
sa kaniyang mga magulang. Kinabukasan, pumunta ang nanay niya sa inyo at
humihingi sa iyo ng tulong. Ano ang gagawin mo?
57
Pag-isipan at sagutin mo ang tanong na ito:
1. Saan ibinabatay ng konsensya ang paghuhusga kung tama o mali ang isang kilos?
2. Paano ka nakasisigurong tama ang paghuhusga nito?

D. Pagtalakay ng bagong Listening Activity: Pakinggan ang sanaysay tungkol sa konsensya. (gawin ito sa loob ng 10
konsepto at paglalahad ng minuto) (Reflective Approach)
bagong kasanayan #1
Close ba kayo ng konsensya mo? Wala ba kayong mga isyu lalo na tungkol sa decision-making, sa
mga ikinikilos, pagsasalita at sa feelings?

Di nga? Close talaga kayo???Kung gayon…indi ka tao.

Ang konsensya o para sa mas madaling paglalarawan…

Ang Safeguard ay isang mala-kaluluwang anino na kamukhang-kamukha mo pati ng suot mo na


siyang lalabas sa kanang bahagi mo with matching good lighting (andun daw kasi ang mas
magandang pokus ng camera) sa tuwing mahaharap ka sa mga bagay na kakailanganin mo ng
back up o sa madaling salita ay total brainstorming muna bago pa man ito isagawa.

Isa itong espesyal na alerto na nagsisimulang gumana sa panahon na tayo ay nasa tamang pag-
iisip para matimbang ang lahat-lahat ng dapat timbangin sa ating buhay. Isang sensitibong parte ng
ating katawan na siyang tinatablan tuwing gagawa tayo ng mga bagay na taliwas sa normal o sang-
ayon ng nakararami.

Mula Nursery hanggang College, pinag-aaralan natin ang kahalagahan nito sa ating buhay at ang
epekto ng ganitong gawain sa ating kapwa. Kung indi pa ba naman tumatak ito na parang tattoo sa
ating isipan eh ewan ko na lang.

58
Pero dahil nga sa likas na katigasan ng mga ulo natin… (alam nyo bang kinakailangan pang i-drill
ang bungo bago ito mag-crack? — ganun ito katigas.) kadalasan kahit alam natin ang ga-mundong
pagkakaiba ng tama sa mali na halos literal nang mangalabit ang mga safeguard natin eh…wala
talaga, dedma lang.

Kaya nga nauso ang White lies.

Ito ang kasinungalingan na nilagyan lang ng mga design sa background, parang designed frame sa Commented [RON1]:

piktyer para kahit na pangit ang pagkakakuha ng mga taong nasa piktyer mismo, maganda pa ring
tingnan. Inde siya totally pagsisinungaling pero ganun na rin yon kung susumahin.

Parang ganito:

Ginabi ka ng uwi dahil nag-date kayo ng jowa mo. Ang siste, yari ka naman sa ermats at erpats mo
sa dalas nitong mangyari. Syempre, maninimbang ka. Ano bang mas less na sermon? Ang
pagkabuking mo at ng jowa mo o ang malaman na umuwi ka ng gabi dahil kasama mo ang mga
kaklase mo na puwede mo namang mapaganda ng konti ang dahilan? Naturalmente, mas gusto
mong matapos agad ang usapan nang makaiwas na maalala pa nila ang iba mo pang
kasalanan kaya, ito ang mas magandang isasagot mo sa kanila:

“Eh kasi po, dun na namin tinapos ang report namin sa bahay ng klasmeyt namin. Madalian lang
talaga po kasi bukas na kami pinagre-report, indi na rin po ako nakatawag kasi sobrang dami talaga
ng ginawa namin, hinati-hati na nga sa lahat ng member para matapos agad buti nga ganun ung
ginawa namin eh kundi mas gagabihin pa talaga kami.”

59
Sa mga ganitong eksena, nagiging magalang at mala-anghel ang dating mo. Syempre, pag
maangas ka pa, ikaw rin ang talo. Yan ang white lies. Indi mo intensyong magsinungaling pero
dahil sa ayaw mong makasakit at masaktan, nagagawa mo ito para lang makalusot sa sitwasyon.

Para rin itong Misleading advertisement.

Ito yung kadalasang makikita mo sa shopping malls – – – ang laki ng mga paskil ng SALE at
nakalagay sa mga metal bin ang mga damit na pinagsama-sama…syempre sale eh kaya
hahalukayin mo ito hanggang sa ilalim at kever sa presyo kasi nakalagay naman sa signage eh 50
lang. Tapos pagdating mo sa counter, napag-alaman mong yung isa sa nakuha mo, indi pala
kasama sa sale at “nahalo” lang daw ito. Nakakahiya naman kung ibabalik mo eh ang haba ng pila
at nakaabat lahat sa’yo kung bibilhin mo ba ito o inde…Syempre bibilhin mo kasi kakahiya naman
kung indi.

Yan ang misleading advertisement, sine-sale talaga nila ang iilan sa produkto nila pero sinasadya
din nilang ihalo ang mga indi sale na produkto para mabili rin ito ng mga walang kamalay-malay na
kustomer na eksayted sa sale chorva. Mabulaklak na white lie. Kaya konting ingat shoppers.

Pakyawan ang benta ng white lies. Kung ninenegosyo nga lang siguro ito, malamang napakayaman
na ng taong ito. Ang mabisang pampawala ng guilt dulot ng ating Safeguard. Parang Alcohol at
Betadine, pareho ng bisa pero di sing hapdi ang epekto.

Pero kahit gaano mo pa mapaganda ang mga white lies, indi pa rin ito makakalusot sa kalabit ng
Safeguard kahit na mas madalas, nagawa mo na ang isang bagay bago mo pa maramdaman ang
mga kuko nito.

60
Tulad ng eksena ng examination at unannounced quiz. Buong klase ang nakokonsensya sa
pangongopya. (normal na pakiramdam bago gumawa ng mali.) Pero nangingibabaw pa rin ang
takot na bumagsak sa exam at umulit ng subject kaya napipilitang gumawa ng indi maganda.

Ang isyu ng pangongopya, nagiging normal na lang na gawain. Ang pag-amin nito ay madali sa
harap ng mga kaibigan at kaklase, ikukwento mo pa ng detalyado ang lab stori ng pangongopya.
Kung Teacher, Magulang at si Kuya Jesus ang kaharap ang dami na sigurong white lies ang nag-
party sa ating bibig.

Meron kaming kapitbahay, napakasipag maglinis ng bahay pati ang bakuran nito, sagana sa walis.
Araw-araw naglalaba. Tuwing alas tres ng madaling araw, gising na ito para maglinis. Good for her
kasi masinop siya. Pero sana naman ginagamit niya yung pandakot na partner ng walis niya at indi
pilit niyang isinisiksik ang mga winalis niya sa gilid ng pinto namin.

Ang galing mag-white lies ng lola mo, kesyo maaga daw siya nagigising at wala naman daw siyang
nakikitang gumagawa nun. Sabihin mo kung nagmumulto ang mga alikabok sa harap ng bahay
namin at nagkukusa na silang sumiksik sa gilid ng pinto para naiintindihan ko naman. Buti rin sana
kung indi ko siya nakita ng ilang beses na gawin yon sa tuwing inaabot ako ng alas tres ng madaling
araw galing sa lakaran. Kahit na nasermunan ako, natuwa pa rin nanay ko dahil na-caught in the act
ko naman kung sino ang masipag na tagasiksik ng dumi sa harap ng bahay namin.

Sa trabaho naman, kung pamilyar kayo sa mga umpukan tuwing break sa canteen o pantry, (sila
ang tropang dapat mong iwasan.) Yung mga kuwentuhang kala mo tungkol sa ekonomiya at pulitika
pero pag lumapit ka pa ng konti para pakinggan ang mga ito, showbiz pala at buhay ng ibang tao
ang topic nila. Minsan kahit indi ka naman talagang pumaparte sa usapan at tipong nakikinig lang
sa kanila, nakaka-guilty pag kabatian mo yung taong pinag-uusapan nila na walang kaalam-alam na
dina-dissect na pala ang pagkatao niya pag nakatalikod siya habang nakikipagkuwentuhan pa siya
ng masaya sa mga ito.

61
Syempre, ikaw na may alam sa mga kumakalat na chismis…ayaw mo nang madamay kaya indi ka
na rin magsasalita. Mahirap na malipat sa’yo ang sumpa. Tipong CIA ka na pero nagagawa mo
pang mag-design ng white lies dyan. Lahat ng palusot, masasabi mo wag lang niyang maisip na indi
mo nagawang ipagtanggol siya kahit konti kasi wala naman siyang ginawang masama sa’yo
whatsoever. Mga tama na indi naman kailangang baliin – – – binabaluktot lang.

Sa ibang pagkakataon, unintentionally nakakapag-design tayo ng white lies sa mga sitwasyon na


talagang ipit na. Wala eh, kesa naman sabihin mo ang totoo ‘di masisira na lahat. Inaako mo na
lang ang posisyon na magsinungaling at dedmahin ang Safeguard dyan sa tabi mo alang-alang sa
mararamdaman ng mga tao sa paligid mo.
(https://www.google.com.ph/search?biw=320&bih=241&ei=ncavWNXvKces8QXMuYmoCA&q=article+tungkol+sa+konsensya&oq=art
icle+tungkol+sa+konsensya&gs_l=mobile-gws-serp.3...2538.14307.0.15030.0.0.0.0.0.0.0.0..0.0....0...1c.1j4.64.mobile-gws-
serp..0.0.0.QyuiAg6YiZY)

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano ang tinutukoy na safeguard sa napakinggang sanaysay?
2. Sa ano-anong sitwasyon/pagkakataon magagamit ang konsensya?
3. Paano mo gagamitin ng tama ang iyong konsensya?

E. Pagtalakay ng bagong Basahin ang komiks at ipahayag ang damdamin sa nabasa. (gawin sa loob ng 10 minuto)
konsepto at paglalahad ng (Reflective Approach)
bagong kasanayan #2

62
63
https://www.slideshare.net/mobile/sirlemuelestrada/modyul-6-ang-kaugnayan-ng-konsensya-sa-likas-na-batas-moral

Ipahayag ang saloobin sa nabasang kuwento.

F. Paglinang sa Pumili sa sumusunod na pahayag tungkol sa konsensya at ipaliwanag.


Kabihasahan (Tungo sa 1. Ang konsensya ay ang batayan ng kaisipan sa panghuhusga kung tama o mali ang
Formative Assessment) ginagawa.
2. Ang konsensya ay ang paglilitis ayon sa sariling paratang at pagtatanggol ng tama.

G. Paglalapat sa aralin sa pang- Tumawag ng mag-aaral na makapagpapahayag ng damdamin kung paano makatutulong ang
araw-araw na buhay konsensya sa mabuting pagpapasya sa sitwasyon na kinakaharap.

H. Paglalahat sa aralin Malaki ang papel na ginagampanan ng ating konsensya sa buhay natin. Dito nakasalalay ang
paghubog ng ating pagkatao dahil ito ang humuhusga sa kilos na ating pinipiling gawin.

64
I. Pagtataya ng Aralin Hatiin ang klase sa 5 pangkat. Magkaroon ng maiksing presentasyon na nagpapakita ng gamit ng
konsensya. (gawin ito sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach)
Kraytirya: a. Husay ng pagganap-40%
b. Kooperasyon at Disiplina-30%
c. Pagkamalikhain (Props, Kasuotan)-30%

J. Karagdagang gawain para sa Basahin ang sipi sa modyul tungkol sa konsensya, pahina 147-152. Gumawa ng tala ng mga
takdang aralin at remediation konseptong matatagpuan sa babasahin.
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa
remediation?

65
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

66

You might also like