You are on page 1of 1

TAN, JEN WILMAR D.

FILKOM 1100
BSED 2-1 ENGLISH IKA-7 NG PEBRERO TAONG 2022

Naniniwala ka ba na nasa puso ng pang-araw-araw na


transaksyon ng tao ang komunikasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot
sa isang talata na naglalaman ng lima(5) hanggang sampung (10)
pangungusap.

Hindi ko lubos na maisip ang kahihinatnan ng mga tao kung


mawawala ang komunikasyon. Bawat isa ay may kanya-kanyang
pamamaraan, kadalasan sa berbal na pamamaraan at minsan ay
di-berbal. Kadalasan nagaganap ito sa sarili (Intrapersonal), sa
sarili at iba pang indibidwal (Interpersonal) at panghuli, sa pagitan
ng isang indibidwal at malaking pangkat ng tao (Pampubliko). Nang
dahil sa komunikasyon, nabubuo ang isang magandang samahan
sa bawat isa. Tunay ngang ang komunikasyon ay hindi na maiaalis
sa puso ng bawat indibidwal dahil bukod sa ito ay nakasanayan na
sa araw-araw na buhay, naniniwala akong ang puso natin ay
tumitibok para sa pakikipagtalastasan, paglalahad ng impormasyon,
o simpleng paglalabas ng emosyon at opinyon. Nagiging daan din
ang komunikasyon upang magkaroon ng malalim na ugnayan sa
iba pang indibidwal, organisasyon at komunidad na kinabibilangan.
Likas na sa atin ang mga bagay na ito at sa pagtigil ng
komunikasyon, tila tumitigil rin ang pagtibok ng ating puso,
nawawala ang buhay at ang saysay.

This study source was downloaded by 100000832123403 from CourseHero.com on 07-05-2022 10:05:06 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/133851417/FILKOM-1100-GAWAIN-1docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like