You are on page 1of 24

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/353443547

Paglinang ng mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wikang Filipino sa Panahon ng


Pandemya

Article · July 2021

CITATIONS READS

0 59,597

1 author:

Aldrine Gloria
La Consolacion University Philippines
2 PUBLICATIONS   0 CITATIONS   

SEE PROFILE

All content following this page was uploaded by Aldrine Gloria on 25 July 2021.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


Paglinang ng mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wikang
Filipino sa Panahon ng Pandemya
Aldrine Ritada Gloria
aldrine.gloria@email.lcup.edu.ph
Hunyo 2021

Abstrak: Inalam ng pag-aaral na ito ang paglinang na magagamit na mga estratehiya sa

pagtuturo ng wikang Filipino sa panahon ng pandemya. Nilayon ng mananaliksik na

maisakuparan ang makabuluhang pag-aaral, at makakuha ng mga matitibay at detalyadong datos

batay sa ibinigay na mga sumusunod na paksa: (1) pagtuturo ng pagkikinig, (2) pagtuturo ng

pagsasalita, (3) pagtuturo ng pagbasa, (4) pagtuturo ng pagsulat, (5) pagtuturo ng talasalitaan,

(6) pagtuturo ng panitikan, at (7) ang pagtataya ng pagkatuto sa asignaturang Filipino.

Karanasan ang pangunahing nagsilbing instrumento upang maging matagumpay ang pag-aaral

na ito, na ibinatay sa mahuhusay sa pagbigay ng mga naaangkop at sinuring impormasiyong

nakuha sa pinag-aralan ng mga mananaliksik. Matapos ang masusing pag-aaral, napatunayang

magkakaroon lamang ng kalidad sa pagbibigay-kaalaman, makukuha ang kagustuhang mag-aral

ng mga mag-aaral sa partikular na asignatura, at isasaalang-alang ang iba’t ibang klaseng

kakayahan ng bawat isa, kung maisasagawa at mapagyayaman ang mga estratehiyang tunay na

makatutulong sa lahat ng aspeto mapasilid-aralan man o sa makabagong klasrum --- ang

teknolohiya, upang maging isang epektibong guro. Ang mga ganitong uring paglinang ng

estratehiya pagdating sa pagtuturo, ay magreresulta ng mabilisang pagkatuto ng bawat mag-

aaral pagdating sa akademiko, at higit sa lahat maiaaplay pa ito sa realidad.

Mga Susing Salita: paglinang ng mga estratehiya, makrong kasanayan, komunikasiyon, guro,

mag-aaral, teknolohiya.

1
1. Panimula

Sa mapanghamong panahon dulot ng sakuna na kasalukuyang lumalaganap sa karamihang

lugar; at isa na rito ang bansang Pilipinas. Maraming pagbabago ang kailangang gawin at yakapin

sa panahong ito na karaniwang naiiba sa dating nakasanayan (Dones, 2018). Sa lahat ng aspeto,

nagkaroon ng pagbabago, maging sa edukasyon dahil sa pag-implementa ng gobyerno ng new

normal setting.

Ang new normal ay mga aksyon o kaugalian na nakasentro sa pinaigting na pagpapahalaga

sa kalusugan (Department of Health, 2020). Ang pamahalaan ay nagpasiya na ang kanilang

nasasakupan ay manatili sa kani-kanilang tahanan. Maraming termino ay ipinalaganap ng

nakatataas upang maisakatupuran ang alituntunin nito. Nariyan ang (Modified) Enhanced

Community Quarantine, (Modified) General Community Quarantine, dahilan upang mas higpitan

ang paglabas ng mga tao nang sa gayon ay hindi kumalat ang sakit dulot ng COVID-19. Kasama

rin sa ipinag-utos na ipasara ang lahat ng paaralan sa buong bansa. Kung gayon, pagdating sa pag-

aaral, katuwang ang Kagarawaran ng Edukasyon sa pagbabagong ito. Ito ang layunin ng Sulong

EduKalidad – ang magpatuloy nang sama-sama habang inihahanda ang sistema ng edukasyon para

sa hinaharap. (Kagarawan ng Edukasyon, 2021). Sa gitna ng pandemya, patuloy ang sakripisyo sa

pagbibigay-kaalaman ng mga guro upang maihatid ang kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral sa

pamamagitan ng makabagong iba’t ibang paraan ng pagtuturo; modular, telebisyon, radyo,

paggamit ng maraming platforms sa onlayn. Ayon kay (Briones, 2020) na nabanggit ng (Sinag,

2020), nais nilang iwasan ang pagkawala ng interes at pagkahuli ng mga Pilipinong mag-aaral

pagdating sa edukasyon.

Ang pagkakaroon ng kalidad sa edukasyon ay nangangailangan ng mabusising kahandaan

pagdating sa aralin. Malinang ang interaksiyon sa pagitan ng mag-aaral at guro, magamit ang

2
limang makrong kasanayan, pagiging epektibo ng mga estratehiya na gagamitin sa pagtuturo na

nakapupukaw atensyon para sa mga mag-aaral, at higit sa lahat, maging gabay ang mga guro sa

pag-aaral sa loob na apat na sulok ng silid-aralan, maging sa makabagong klasrum --- ang

teknolohiya.

Mahalagang malinang ang interaksiyon o ang komunikasiyon ng mag-aaral, sapagkat ito

ang paraan upang maihayag ang kaniyang nararamdaman nang walang pag-aalinlangan dahil

mayroon siyang kumpiyansa sa sariling masabi ang nais niyang sabihin sa anumang usapin, hindi

lamang sa loob ng paaralan, kun’di mabibitbit din ito sa realidad ng buhay. Tinataglay ng bawat

isa ang pagsasalita, pagsulat, pakikinig, pagbasa, at panonood --- ang limang makrong kasanayan,

na ang lahat nang ito ay mayroong proseso, upang lubos na madebelop ang kakayahan ng isang

mag-aaral. Sa tulong ng pag-aaral, dito na humahasa ang karunungan ng mag-aaral sa lahat ng

aspeto; ang kakayahang manindigan at mangatwiran sa wastong paraan, pagiging malikhain,

kakayahang umunawa sa lahat ng pagkakataon na siyang makatutulong sa pag-unlad bilang mag-

aaral. Ang mag-aaral ay inaasahang nakapagpapakita ng iba’t ibang abilidad, estilo ng pagkatuto,

antas ng kanilang performans, preperensya, at maging sa kanilang kagustuhan upang makamit ang

kani-kanilang pangangailangan at nalalaman sa loob ng paaralan na magagamit nila sa totoong

buhay. (Bender, 2012) sa pag-aaral ni (Ypon, 2020).

Likas na sa mga guro ang pagiging malikhain at palagiang paggana ng imahinasiyon,

sapagkat ito ay isang malaking factor upang makuha ang interes ng mga mag-aaral sa pag-aaral.

Ang paggamit ng makabagong estratehiya sa pagtuturo ng mga guro ay mayroong tatlong

benepisyo: Una, sa mga mag-aaral, sapagkat sila’y nagkakaroon ng motibasyon upang mag-aaral,

dahil sa ipinapakitang kagalingan at kahusayang magturo. Ikalawa, sa paaralan, nahihikayat ang

iba pang mag-aaral dahil sa mga kagandahang ipinapakita ng mga guro. Ikatlo, bilang guro,

3
naibibigay ang kailangang matutuhan ng mga mag-aaral, nagagabayan nang maayos dahil sa tunay

na kalidad na dala nito, at ang pinaka-importante, mayroong puso sa pagtuturo. Ang pagiging

masaya sa serbisyo bilang guro at ang pagiging masaya sa klase ay magbubunga ng ibayong

kahusayan sa pagtuturo (Cabigao, 2021).

Anuman ang husay ng mga pamamaraan at kagamitan ng guro sa pagtuturo, huwag pa rin

nating kalilimutan ang malaking ambag ng mga magulang at ng tahanan sa lubos na pagkatuto ng

mga mag-aaral. Habang tayo ay nagpapakahusay sa pagdukal ng karunungan sa larangan ng

pagtuturo, alalahanin natin na ang pakikipag-ugnayan ng guro sa tahanan ng mga mag-aaral ay

isang mahalagang estratehiya upang patuloy na mahikayat ang mga mag-aaral na makatugon sa

mga pangangailangan ng kanilang mga asignatura sa paaralan. Ang pakikilahok ng mga magulang

sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay lubhang mahalaga (Cabigao, 2014).

2. Ang Pagtuturo ng Pakikinig

Mahalaga ang kakayahang pakikinig sa lahat aspeto, dahil ito ang proseso ng

komunikasiyon upang maunawaan ng isang indibidwal ang mga sinasambit ng iba. Kung gayon,

matatamo ng tao ang karunungan at impormasiyon hinggil sa usapin na pinag-usapan. Ayon kay

Gadon (2021), na ang pakikinig ay nagbibigay ng kaligayahan at kawilihan --- kailangang matuto

ang isang tao sa epektibo at kritikal na pakikinig upang magkaroon ng: Karunungan, impormasyon,

pakikisangkot, kawilihan at kaligayahan. Dagliang mahihinuha ang tunog, kapag nagbitaw ang

nagsasalita, na bumabatay sa ekspresiyong ipinakikita kung ang isang indibidwal na iyon ay

masaya, pumapag-ibig, may takot na nararamdaman, at lungkot. Bilang tagapagtugon, nasusuri

nito sa kung ano ang naririnig sa kausap, ang aksiyon na gagawin ng tagatugon, ay marapat na

umangkop sa kung ano ang ipinakita nito.

4
Trabaho ng guro ang makapagbigay ng mga karunungang magpapalinang sa iba’t ibang

kakayahan ng kaniyang mag-aaral partikular na pagdating sa pagpapalawak ng mga kasanayan sa

pag-unawa lalo na sa paksang napakinggan, kung kaya’t, sa bawat ideyang inihahayag ng guro, ay

tumatatak ito sa isipan ng mga mag-aaral, ngunit, hindi sa lahat ng pagkakataon naiimbak sa isipan

ang impormasiyong naririnig ng bawat mag-aaral, sa tulong ng pagtatala, nailalagay ang mga

pangunahing ideya’t kaalaman tungkol sa aralin na maaaring mabalikan at maimbak muli sa isipan

sa pagkakataong kakailanganin ito.

Sa panahong binago ng pandemya dulot ng COVID-19, madalang na kung marinig ang

mga tinig na karamihang tao na makausap upang magpalitan ng kuro na magkakaharap. Sa

pagdating ng teknolohiya na alternatibong bagay, paraan ito upang makausap at marinig muli ng

lahat, na diumano ginamit na rin sa edukasyon. Hamon sa guro gayundin sa mga mag-aaral ang

ganitong klaseng set-up sa pag-aaral sapagkat, maraming balakid ang kahaharapin, sapat na

panahon para mapaghandaan ang mga gagamiting pampagtuturo, at ang importante, mentalidad

ng bawat isa. Ayon sa isinagawang pag-aaral ni January (2017), binanggit niyang may apat na

pinaghanguang elemento kung bakit mahirap ang pakikinig: (1) ang mensahe, mahirap makinig sa

mensaheng isinateyp, kaysa basahin sa isang papel ang mensaheng nakapaloob sa mensaheng

nabanggit, dahil ang nilalaman nito ay dumarating sa tainga sa isang kisap-mata lamang,

samantalang ang pagbabasa ng mensahe ay maaaring maggawa hanggat gusto itong basahin ng

mambabasa. (2) ang tagapagsalita, mas nakabubuti ang pagbabahagi ng mga karanasan hinggil sa

paksa kaysa sa kahalagahang nakapaloob dito (3) ang tagapakinig, mayroong pagkakataong hindi

nauunawaan ang mga salitang binabanggit para sa mga tagapakinig at (4) kalagayang pisikal, sa

mga ingay na naririnig sa paligid, nakasisira sa pagrerekord na tagapagsalita.

5
Kung kaya’t upang maging epektibo ang pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral,

marapat na mapaunlad ang mga kasanayang magsuri sa mga naririnig na binibitawang mga salita,

kakayahang mangatwiran ukol sa napag-uusapan na sumasagi sa tainga, higit sa lahat, mapaunlad

pa ang mga bokabularyo, ang gramatika, at maging transisyon nito. Lahat ng ito magagawa sa

pamamagitan ng mahusay na pakikipagtalastasan.

Kung ang isang guro ay mayroong dedikasiyon sa kaniyang sinumpaang tungkulin, at

mayroong sapat na tulong mula sa nakatataas, magiging madali ang lahat.

3. Ang Pagtuturo ng Pagsasalita

Ang pagsasalita ay isang kasanayan bilang akto ng pag-uusap at palitang-kuro ng hindi

kukulangin sa dalawang kalahok. Ang mga kalahok ay ang nagsasalita at nakikinig. May

nakalaang dalawampu't limang porsyento (25%) para sa gawain ng pagsasalita ang panahon ng

isang taong nakikipagtalastasan. Pangunahing elemento na hinihiling ng pagsasalita ay ang wika.

Kaya naman kinikilala rin ito bilang komunikasyong berbal (Clayton, 2021).

Kung paanong ang komunikasiyon ay kakambal ng tao sa kaniyang buhay, ginugugol ng

tao ang malaking bahagi ng kaniyang pag-iisip kung paano mapadadali ang kaniyang

pakikipagtalastasan sa kapwa sa kabila ng maraming limitasiyon dulot ng iba’t ibang sitwasiyon.

(Sandoval, 2015). Sa isang lipunan, ang mga nasasakupan nito lalo na sa bansang Pilipinas,

mayroong karapatang sibil na titatawag, isa sa mga nakapaloob dito ay ang karapatang

makapagsalita. Kung kaya’t, sa lahat ng pagkakataon, ang isang indibidwal ay maaaring maghayag

ng kaniyang nais na sasabihin sa maraming usapin partikular na sa napapanahong isyu. Sa

paaralan, ang mga mag-aaral, sasagot at magsasalita lamang sila, kung mayroong katanungan ang

guro, paraan ito upang lubos na maunawaan ang talakayan. Pinahihintulutan din ng guro na

6
makapagsalita kung mayroong nais linawin sa paksa ang mga mag-aaral. Dahilan upang

madebelop ang komunikasiyon sa pagitan ng isa’t isa.

Ayon sa pag-aaral, ang mga estratehiya sa pagtuturo ng pagsasalita ay malaki ang

gampanin upang maging epektibo hindi lamang sa kanilang karunungan kun’di pati na rin sa

kanilang ipinamamalas na pag-uugali. Marapat lamang na isaalang-alang ng guro ang bawat

pagkatao ng mga mag-aaral nang sa gayon ay malimitahan sa kung ano bibitawan na mga salita,

ganoon din sa mag-aaral. Dahil para kay Ghandi (n.d.), magsalita lamang kung ito ay nagpapabuti

sa katahimikan.

Ang pagpapanatili ng kaayusan sa katatasan sa pagsasalita paraan upang magkaroon ng

respeto sa isa’t isa. Ang pagiging modelo ay isang malaking hamon ngunit kung ito ay nasa puso,

hindi ito magiging mahirap, bagkus ito ay sinumpaang propesiyon upang makapagbahagi ng

karunungan at maging gabay sa lalakbayin ng mga mag-aaral. Sa mga gawaing pagkatuto ng mga

mag-aaral marapat lamang na mayroong kalinawan at gawing simple ang pagbibigay ng mga salita

sa pagbibigay ng panuto ukol sa nasabing gawain dahilan upang lumabas ang kalidad ng gawa ng

mga mag-aaral.

Malaki ang ambag ng teknolohiya sa kasalukuyan dahil ito ang ginagamit ng lahat,

partikular na sa pag-aaral ng kabataan. Sa pagpasok sa platapormang ginamit, patuloy pa rin ang

komunikasiyon at pagsubaybay ng guro para sa mga mag-aaaral upang magkaroon ng palitan ng

ideya hinggil sa aralin. Isa rin ang paglikha ng video, at pagrekord na kadalasang ginagamit din,

na hindi lamang nalilinang sa mga binitawang salita kun’di kasama ring nadedebelop ang

kakahayang gumamit ng teknolohiya.

7
4. Ang Pagtuturo ng Pagbasa

Ayon kay Spiro sa pag-aaral ng (Course Hero, Inc., 2021). Ang pagbasa ay isang multilevel

na interaktibong proseso na ang teksto ay kailangang suriin sa iba’t ibang antas mula sa letra

patungo sa kabuuan ng teksto. Bilang karagdagan, sa pagpoproseso nang malinaw na larawan ng

teksto, ang mambabasa ay kailangang magbigay ng dating kaalaman sa pag-unawa sa pagbasa.

Ang interaksyon ng proseso batay sa teksto at batay sa kaalaman gayundin ang mga antas sa bawat

proseso ay mahalaga.

Ang pagbasa ay pagkilala ng mga simbulo o sagisag ng nakalimbag at pagpapakahulugan

o interpretasyon sa mga ideya o kaisipan na gusto ng manunulat nailipat sa kaisipan ng mambabasa

(Chua, 2011). Isa sa mga layunin ng manunulat ay magkaroon ng interkasiyon sa pagitan ng

kaniyang sulatin at sa mga mambabasa. Tunay na magagampanan ang ganitong klaseng estratehiya

dahil sa pagiging epektibo ng manunulat at nag-iiwan ng mahusay na kaisipan sa mga mambabasa.

Winika ni Leipzig (2001) sa ginawang pag-aaral ni (Perez, n.d.). “Ang pagkatuto sa

maunawang pagbabasa ay isang komplikadong proseso na puwedeng ihalintulad sa isang

sasakyan. May sariling sistema na kailangang alagaan at panatilihin at ang pinaka mahalaga ay

ang patuloy na paggamit dito upang masiguro ang kaayusan nito.” Sa pagpapatakbo nito, maaaring

ihambing sa ugali ng isang tao. Kailangan maging alerto, upang hindi mawala sa pokus at walang

mamintis sa pagbibigkas ng mga makabuluhang ideya. May pleksibilidad, na maunawaan ang

patakaran at maisabuhay ito.

Upang maging isang mabisang mambabasa na mayroong pang-unawa, alamin nang mas

malalim ang nais ipakahulugan ng isang sulatin. Umpisahan sa pamagat; linangin agad ang

imahinasiyon, himay-himayin ang mga salita, ideyang ginamit, gayundin ang mga pangyayari, ano

ang naging dahilan ng manunulat kung bakit ganito ang nais niyang iparating, maging ang mga

8
kasamang tauhan, ang katangian nito, tagpuang ginamit dito. Sa patuloy na pagbabasa ng mga

akda, hindi mawawala kuryusidad ng mambabasa. Kung isasama ang kakayahang magsuri,

masasagot ang lahat ng mga katanungan na bumubuo sa isipan, dahil ito ang paraan upang

maipalabas ang tunay na lalim at ang itinatago nito, sa kabila ng sa kung ano lamang ang

karaniwang nasisilayan.

Hindi lamang sa kung ano ang pagkakaunawa sa pagkakabasa ay maisasakatuparan na ang

hinihingi ng guro, bagkus ito ay mayroong mga lebel na pag-unawa pagdating sa pagbasa. Sa

tulong na rin ng mga estratehiya na nakapaloob dito, magagawa nang mahusay na higit pa sa

inaasahan. Ayon kay Smith (1969) inihayag ng (Course Hero, Inc., 2021). Ang pag-unawang

literal ay nakapokus sa mga ideya at impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto. Bagama’t

nangangailangan lamang ito ng mababang antas ng pag-iisip, mahalaga ito bilang isang pundasyon

sa paglinang ng mataas na antas ng pag-iisip. Inahahayag dito ang estratehiya na maisagawa ng

mga mag-aaral na malaman ang pagkakaiba at pagkakapareho, o ang tinatawag na venn/circle

diagram. Sa pamamagitan ng circle diagram, maaaring masuri ng mga mag-aaral ang mga

pangyayari o isyu. Sa tulong ng diagram, mahahanap ng mga mag-aaral ang pinakasanhi ng isang

pangyayari hanggang bunga. (De Juan, Jr., 2017). Ang interpretatibong lebel ay nangangailangan

ng mas mataas na antas ng pag-iisip. Ang mga sagot sa mga tanong sa kategoryang ito ay hindi

tuwirang nakalahad sa teksto ngunit nakapahiwatig lamang. Smith (1969) sa pag-aaral ng (Makati

Science High School, 2013).

Aktibo ang antas na analitikal ng pagbasa sapagkat hangad ditong intindihing

mabuti ang pinakakahulugan ng babasahin sapagkat matalinong hinihinuha ng mga pahiwatig at

tagong kahulugan na matatagpuan sa pagitan ng teksto o linya (Bajeta, 2021). Sa paggawa ng

balangkas, pagmamapa, o ang graphic organizer para sa mga mag-aaral, maingat at mahusay na

9
makukuha ang nilalaman ng isang teksto. Ginagamit ang graphic organizer sa pag-uugnay.

Ginagamit din ito upang ibigay ang kategorya ng konsepto ng mga pangyayari, biswal ng mga

larawan at mga kaalaman (De Leon, 2021). Nabanggit sa pag-aaral na ang kritikal na lebel ay

pagmonitor ng sariling pagbasa bilang mambabasa; ebalwasyon ng bisa ng awtor. Pumapasok dito

ang ideyang nakapagsasarili, sapagkat nakagagawa ng sariling pangangatwiran, pagsusuri,

paghuhusga, at pagtatasa.

5. Ang Pagtuturo ng Pagsulat

May nakapagsabing, “Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumitigil na rin siya sa pag-

iisip.” Ang pagsulat ay isa ring paraan ng pakikipagkomunikasyon. Layuning maihayag ang

saloobin hinggil sa usapin at ideyang makapagbibigay ng karunungan, sapagkat hindi maikakaila

na mayroong ugnayan ang pagsulat at ang pag-iisip. Humihinto lamang ang isang tao sa pagsulat

kung matibay at sapat ang kaalaman na kaniyang naisip upang ito ay maibahagi o maisulat sa papel

ang mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon.

Ayon sa aklat ina Badayos, Ravina, et, al., (2017). Komprehensibo ang pagsulat sapagkat

bilang isang makrong kasanayang pangwika, inaasahang masusunod ng isang manunulat ang

maraming tuntuning kaugnay nito. Ang pagsulat ay isa sa mga mahirap malinang ng isang tao,

sapagkat kinakailangang malaman at masundan ang bawat proseso sa anumang uri ng pagsulat,

gayundin ang layunin nito. Mahalaga ring malaman ang mga batayang katanungan at

maisakatuparan ito upang sa paghahanda ng isang sulatin: 1. Ano ang paksa ng tekstong aking

isusulat? 2. Ano ang aking layunin sa pagsulat nito? 3. Saan at paano ako makakukuha ng sapat na

datos kaugnay ng aking paksa? 4. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging

higit na makahulugan ang aking paksa? 5. Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ‘to? 6.

Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa? 7. Ilang oras ang

10
aking gugugulin sa pagsusulat? Kailan ko ito dapat ipasa? 8. Paano ko pa madedebelop o

mapagbubuti ang aking teksto? Ano – ano ang dapat kong gawin para sa layuning ito?

Marapat lamang na masagot ng manunulat ang ganitong uri ng mga katanungan upang

magkaroon ng gabay pagdating sa pagsulat. Makatutulong ito upang paghandaan ang mga

posibleng suliranin na magaganap sa proseso ng pagsulat, at kung paano magagawan ng solusyon

ang mga ito. (Badayos, Ravina, et. al., 2017).

Dumedepende sa manunulat kung ito ba ay magiging komplikado para sa kaniya ang

detalyadong pagsulat. Gayunman, makatutulong ang proseso sa pagsulat upang maging maayos

ang resulta nito. Ang Pre-writing, nagaganap dito ang paghahanda sa pagsulat. Actual writing,

isinasagawa rito ang aktwal na pagsulat. Re-writing, nagaganap dito ang pagrerebisa batay sa

wastong grammar, bokabularyo, at pagkakasunod-sunod ng mga ideya o lohika. Pinabibisa pa ito

ng tamang gamit na salita, kataga, ekspresiyon, at kalipunan ng mga pangungusap na binuo ng

kaisipan ng isang tao. (Bandril, Villanueva, 2016)

Pansinin ang ilustrasyon.

)
Pre- Actual Final
Rewriting
writing Writing output
(Muling
(Bago (Aktwal na (Pinal na
pagsulat)
magsulat) pagsulat) Awtput)

Pigura 1

(Kuha ang larawan sa: Filipino sa Larangang Akademiko. ni: Bernales 2017)

11
Sa ilustrasyon, kung mapapansin, paulit-ulit ang kaganapan sa pagsulat. May mga

pagkakataong ang manunulat ay kailangang magpabalik-balik sa una, ikalawa o ikatlong hakbang

bago maisagawa ang pinal na awtput o sulatin. (Badayos, Ravina, et, al., 2017).

Sa gawain ng pagsulat, nangangailangan ng matibay na pundasyon bilang batayan.

Umiikot ito sa; kaisipan, na siyang nakapagbibigay ng ideya o konsepto ukol sa paksa. Kasangga

rin nito ang damdamin, lakas ng loob upang isulat ang nararamdamang saya, lungkot, pag-ibig,

takot, at pangamba. Magiging matagumapay lamang ito, kung magkakaroon ng wastong aksiyon

o pagtugon batay sa layunin ng sulatin.

Upang malinang ang kasanayan sa pagsulat, kailangan nating harapin ang mga hamon nito.

Ito ang pangunahing ideya sa artikulong Tackling the Fear of Writing ni Cabigao (2020) na

tumatalakay sa kahalagahan ng pagsulat at kung paano huhusay sa larangang ito. Aniya, hindi pa

kailanman huli ang lahat para maging mahusay sa pagsulat. Kailangan lamang aniya na simulan

ang pagsasanay at huwag kailanman matakot magkamali sapagkat mula rito magsisimula ang

pagkatuto.

Sa kasalukuyang panahon, tunay na doble ang ginagawang trabaho ng mga guro, dahil

minsanan lamang kung makumusta ang mga mag-aaral, sa pamamagitan pa ng teknolohiya na iilan

lamang ang nagkakaroon nito. Kung kaya’t ang pagkakaroon ng module ay malaking bagay bilang

alternatibo sa pag-aaral upang makasunod ang nakararami. Sa paggamit nito, patuloy pa rin na

nagagabayan ng mga guro pagdating sa pagsulat ang mga mag-aaral upang masuri nang mabuti sa

kung ano nilalaman nito, upang maging maayos at makuha ang kalidad sa mga paggamit ng

bokabularyo, ang transisyon ng pangungusap, maging ang ideyang inilahad.

May isang kasabihan sa Ingles na “You cannot give what you don’t have.” [Hindi ka

makapagbibigay ng mga bagay na wala ka.] Gayundin naman, sa pagtuturo ng pagsulat, mahalaga

12
na maalam ang guro sa umiiral na alituntunin sa pagsulat o ang tinatawag na ortograpiya. Sa isang

pag-aaral hinggil sa 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino (Cabigao, 2012), iminumungkahi sa

mga guro na magkaroon ng bukas na isipan sa patuloy na pagbabago ng wika lalo’t higit ang

Filipino bilang ating wikang Pambansa. Makatutulong aniya ito upang makasabay sa hinihinging

pangangailangan ng panahon. Ang kaisipang nabanggit ay masasabing katanggap-tanggap pa rin

maging sa kasalukuyan na ipinaiiral na ang bagong alituntunin sa pagsulat alinsunod sa 2013

Ortograpiyang Pambansa.

Sa kinalabasan ng isang kilos-pananaliksik na isinagawa sa mga mag-aaral sa Baitang 7,

inihayag ng mananaliksik na sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat, mahalaga ang pagkakaroon

ng mga gawaing pampagkatuto na angkop sa lebel ng mga mag-aaral upang mapaunlad ang

natatanging kasanayan ng bawat mag-aaral. Gayundin, iminumungkahi ang agarang pagbibigay-

lunas sa mga suliranin ng mag-aaral sa pagsulat sa pamamagitan ng sistematikong pamamaraan

nang ito ay matiyak na mabisa (Cabigao, 2012). Sa pagmamarka naman ng mga output na sulatin,

mahalaga na gumamit ng isang kagamitang pampagtataya na valid at reliable upang lubos na

masukat ang kahusayan ng mga mag-aaral at magabayan pa sila sa lalong pagpapakahusay sa

kasanayang ito (Cabigao 2021).

6. Ang Pagtuturo ng Talasalitaan

Nangangailangang bigyang-lalim sa pag-aaral ang pagbibigay ng mga salitang hindi

pamilyar sa mga mag-aaral nang sa gayon ay lubusang maunawaan ang aralin lalo na sa akdang-

pampanitikan dahil dito kadalasan lumalabas ang mga salitang hirap unawain at ang resulta,

binabalewala na lamang. Malaking hamon sa mga guro ang ganitong klaseng gawain --- ang

pagtuturo ng mga bokabularyong may kalilamang pagpapakahulugan. Magiging mahusay at higit

13
namadali ang pagsulat at pagsasalita ng isang tao kung may malawak siyang talasalitaan

(Tumangan, 1997) sa pag-aaral ni (Valdez, 2016)

Upang luminang ang kakayahan ng mga mag-aaral pagdating sa wikang Filipino; marapat

lamang na gabayan, sa pamamagitan ng paggamit ng pamantayan ukol sa aralin gawing

makabuluhan ang palagiang pagtuturo upang humasa ang kanilang karunungan partikular na sa

bokabularyo.

Maraming kasanayan ang tunay na makatutulong para sa mga guro sa pagtuturo ng

talasalitaan. Nakapupukaw atensiyon para sa mga mag-aaral ang paggamit ng larong pangkaisipan,

maaari ring gumamit ng pangtulong-biswal, o lagyan ng aksiyon. Upang maging mas produktibo

sa pagtuturo nito, ipagamit sa mga mag-aaral ang salitang nahulaan sa pangungusap, upang

maisabuhay at magamit ito sa kaniyang sariling pananalita at tunay na mahahasa ang kanilang

kritikal na pag-iisip.

Sa ganitong istilo sa pagtuturo, maisasakatuparan pa rin sa makabagong paaralan --- ang

teknolohiya. Sa pamamagitan ng pagbantay sa mga ginagamit sa pagsasalita at pagsusulat ng mga

mag-aaral, hindi maitatago ang kagustuhang matuto pagdating sa pagpapayaman sa bokabularyo

dahilan sa tulong mga estratehiya.

Sa Filipino bilang isang pangwikang asignatura, inaasahang magkaroon ang mga mag-

aaral ng kakayahang gamitin at palaganapin ang wikang Filipino. Ngunit napatunayan na sa

maraming pag-aaral na maraming aspekto ang nakakaapekto sa pagkatuto ng isang mag-aaral:

paraan ng pagkatuto ng isang mag-aaral, paraan ng pagkatuto ng guro, kaligiran ng bata at iba pa

(Bostrello, 2018).

14
7. Ang Pagtuturo ng Panitikan

Panitikan ang tawag natin sa lahat ng uri ng pahayag --- nakasulat man ito, binibigkas o

kahit ipinahihiwatig lang ng aksyon ngunit may takdang anyo o porma katulad ng tula, maikling

kwento, dula, nobela at sanaysay. Nakikilala natin na ang isang pahayag na may katangiang

pampanitikan kapag ito ay may anyo at gumagamit ng wikang sinadyang bigyang-anyo

bilang pahayag. (Santiago, 2007).

Ang mga kwentong sinauna na kasalukuyang pinag-aaralan na hindi maikakailang may

nakamamanghang pangyayari. Mga bagong istoryang binibigyan ng kulay. Mga salitang

inilalahad upang makagawa ng makabuluhang kasabihan; nag-iiwan ng magandang

pagpapaliwanag sa mga mag-aaral; at, aral na nagbibigay-buhay sa kaisipan ng marami.

Sa ganitong klaseng resulta; maging sa paggawa ng uri ng panitikan, at sa paraan ng

pagtuturo; tunay na maeenganyo ang mga mag-aaral kung ilalapit at ihahalintulad ng guro sa

realidad, maging ito ma’y pumapaksa sa lipunan o sa pansariling karanasan, dahilan upang makuha

ang interes at makapagbahagi sa klase ng kani-kanilang opinyon. Sa pag-aaral ni Reyes (1985).

Maaaring pumili ang guro ng sa palagay niya ay mahahalagang anyong-pampanitikang lumilitaw

sa isang partikular na panahon; sapat na ang isa o dalawang halimbawa upang mapalinaw ang mga

katangian ng nasabing anyong-pampanitikan.

Sa panibagong paraan ng pagtuturo --- sa teknolohiya, ang pagpapanood ng mga

halimbawa ng panitikan ang tanging naging katuwang upang maiparating at maisalaysay ito sa

mga mag-aaral. Upang mapanatili ang pagiging epektibo, isaalang-alang ang maaaring naging

karanasan ng bawat isa ukol sa nasabing panitikan, sa paraang iyon naroon pa rin ang kamalayan

upang makapagbahagi. Magkaroon ng mga gabay na tanong upang hindi mawala ang kalidad sa

pagtuturo nito.

15
Binanggit din ni Santiago (2009), sa kaniyang pag-aaral. Ang totoo, lahat ng pantikan

magmula pa sa sinaunang panahon hanggang ngayon ay mauugat pa sa paggamit ng wika. Nang

matutong magsalita ang tao at buuin niya ang karanasan sa bisa ng pagbigkas at pagsulat,

nagkaroon ng panitikan. Nang likumin ng tao ang kanyang mga gunita at nagkaroon ng

sistematikong paraan ng pagsulat at pagbasa, nakalikha ng mga teksto. Sa pag-unlad ng

teknolohiya ng komunikasyon, nagawang maiparating sa iba ang ganitong mga teksto. Ang

imbensyon ng panitikan sa gayon, ay kaakibat ng pagpapalaganap at pag-unlad ng wika o, ng kahit

anumang wika.

8. Ang Pagtataya ng Pagkatuto sa Asignaturang Filipino

Patuloy ang paglaganap ng mga imbensiyon ng tao mula sa iba’t ibang panig mundo, dala

ng makabagong teknolohiya kung kaya’t madali para sa mga mag-aaral ang makibagay sa ganitong

pagbabago sapagkat, ayon sa pag-aaral ng Sinag (2020), itinuturing na 21st century learners ang

mga mag-aaral sa henerasyong ito dahil umano sa kanilang adaptive abilities, at ang pagkaangkla

ng kanilang pamamaraan ng pagkatuto sa teknolohiya.

Ang guro at ang mag-aaral ay kasalukyang humaharap sa hamon ng pagtuturo at pagkatuto

dahil sa distance learning na ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon. Isa sa mga delivery mode

ng pag-aaral ay ang distance learning, paliwanag ni San Antonio sa ABS-CBN News (2020), kung

saan hindi pisikal na magkasama o magkaharap ang guro at estudyante. Sa ilalim nito, maaaring

matuto ang mga bata sa pamamagitan ng online platform, printed module na ibibigay ng paaralan,

at lesson na mapapanood sa telebisyon o mapapakinggan sa radyo. Dahil sa pagpapatupad nito,

malaking palaisipan kung paanong mahusay at magiging epektibo na malalaman at masusukat ng

mga guro ang kakayahang matuto ng mga mag-aaral sa panibagong klasrum --- ang teknolohiya.

16
Ayon kay Bridgett Michelle Lawrence (2010) sa pag-aaral na ginawa nina (Ardiza,

Bontilao, Mata et. al, 2011), Classroom assessment is one of the most important tools teachers can

be use to understand the needs of the students. Sa pamamagitan ng pagtataya na kadalasan at

pinakamahalagang bagay na gawin ng guro sa kanilang pagtuturo, ay dito malalaman ang

karunungang ipinamamalas ng bawat mag-aaral sa loob ng klasrum. Ngunit dahil sa distance

learning, mapanghamon ito para sa lahat ng guro.

Nilalayon ng paksang ito na matukoy at matiyak ang mahahalagang gamit ng pagtataya

upang hindi mabigla ang mga mag-aaral sa ibibigay na aralin. Nakapaloob din dito, ang suriin ang

lahat na ibibigay na pagtataya pangklarum man o sa makabagong pagtuturo at pagkatuto.

Mahalaga ring mapagyaman ang iba’t ibang makrong kasanayan ng mga mag-aaral: pakikinig,

upang manamman ang lahat na bibitawang ideya ng guro; pagsasalita, upang matasa ang

interksiyon sa pagitan ng guro at mag-aaral; pagbabasa, sa tulong ng mga lebel nito, mapagtatanto

ng guro ang ipinamamalas na kaisipan ng bawat mag-aaral; pagsusulat, kung tunay ngang marami,

malalim, at tugma ang bokabularyong ginagamit ng mga mag-aaral. Upang lubos na

mapagtagumpayan ang pagtuturo at pagkatuto at maging epektibo, marapat lamang na makagawa

ng makabagong paraan sa kagamitang pampagtatasa o pampagtataya lalo na sa panahon ngayon

nang sa gayon ay makasunod pa rin ang bawat isa sa lahat ng mga aralin ng mga asignatura.

Para sa mga guro na naghahangad at nagsusulong ng mabisang pagtuturo ng Filipino,

malaki ang maitutulong sa pag-alam ng mga batayang teorya sa wika at gramatika at ang paglalapat

nito sa kaniyang pagtuturo, (Gannaban, 2020). Sa pagbibigay ng step by step na gabay na tanong

hinggil sa aralin, partikular na sa asignaturang Filipino, ay mauunawaan ng bawat mag-aaral kung

ano ang pinatutungkulan ng aralin sa Filipino. Isa ring paraan ang mga kwentong na pag-aaralan

sa asignaturang ito, na ilapit o ihalintulad sa tunay na kaganapan sa kanilang buhay upang

17
maraming maibahaging opinyon ang mga mag-aaral hinggil dito. Magkaroon din ng simpleng

pagpapaliwanag sa lahat ng aktibidad, maging sa nilalaman ng aralin at ang mahalaga, lakipan ng

halimbawa nang sa gayon ay makuha kaagad ang pinupunto ng aralin.

Malaking hamon sa panahon ng pandemyag ito ang pagtataya ng pagkatuto ng mga mag-

aaral. Sa isang modelo ng pagtataya ng pagkatuto na binuo ni Cabigao (2021) ngayong COVID-

19 pandemic, binigyang-diin niya ang tatluhang-ugnayan ng mga salik na nakaaapekto sa

pagtataya. Binanggit niya na upang maging epektibo sa pagtataya, mahalaga ang ugnayan ng (a)

pagsunod sa minimum [required] health standards, (b) alternative learning delivery modalities, at

(c) learning resources. Nakaaapekto rin sa mabisang pagtataya ang ugnayang DepEd Vision-

Mission-Core Values, gayundin ang ugnayang Paaralan-Tahanan-Pamayanan, at ang ugnayan ng

tatlong anyo ng pagtataya, ang Assessment For-As-Of Learning. Kung maayos ang ugnayan ng

mga naturang salik, nakatitiyak na ang mga mag-aaral, bilang sentro sa proseso ng pagtuturo at

pagkatuto, ay lubos na matututo at makikinabang nang husto.

18
9. Sanggunian

A quote by Mahatma Gandhi. (n.d.). www.goodreads.com. Retrieved Febuary 21, 2021, from
https://www.goodreads.com/qoutes/432203-speak-only-if-it-improves-upon-the-silence

ABS-CBN News. (2020). Alamin: Mga alternatibong paraan ng pag-aaral na isinusulong DepEd.
https://news.abs-cbn.com/news/05/27/20/alamin-mga-alternatibong-paraan-ng-pag-aaral-
na-isinusulong-ng-deped

Ardiza, A, L., Bontilao, V. A., Mata, A. T., Pantuan M. B., & Sombilon, R. C. (2011).
Impluwensiya ng alternatibong pagtataya sa pagkatuto ng mga Estudyante sa Filipino 2.
https://www.academia.edu/31235680/IMPLUWENSYA_NG_ALTERNATIBONG_PAGTATAYA_SA_
PAGKATUTO_NG_MGA_ESTUDYANTE_SA_FILIPINO_2_ABSTRACT_PAMAGAT_IMLUWENSYA_NG
_ALTERNATIBONG_PAGTATAYA_SA_PAGKATUTO_NG_FILIPINO_2

Bajeta, C. (2021). Antas ng pagbasa. https://www.scribd.com/doc/62700367/Antas-ng-Pagbasa

Bernales, R., Ravina, E., & Pascual, M. (2017). Filipino sa larangang akademiko. Pahina 4. Mutya

Publishing House, Inc.

Bernales, R., Ravina, E., & Pascual, M. (2017). Filipino sa larangang akademiko. Pahina 7-8.

Mutya Publishing House, Inc.

Bostrello, J. (2019). Mga paraan ng paglinang ng talasalitaan.


https://www.academia.edu/37737432/MGA_PARAAN_NG_PAGLINANG_NG_TALA
SALITAAN?fbclid=IwAR3M9pvw-
UdSTJX7Rl3vrNtllz9_clzSnNR_XMr6CfNsL4HkN9Audsx7pU8

Cabigao, J. R. (2012). Magsikap. Mamulat. Magsulat. Pagpapaunlad sa Batayang Kasanayan sa


Pagsulat ng mga Mag-Aaral sa Filipino Baitang 7 (Improving Basic Writing Skills of
Grade 7 Students in Filipino).
https://www.researchgate.net/publication/337110884_Magsikap_Mamulat_Magsulat_PA
GPAPAUNLAD_SA_BATAYANG_KASANAYAN_SA_PAGSULAT_NG_MGA_MA
G-
AARAL_SA_FILIPINO_BAITANG_7_Improving_Basic_Writing_Skills_of_Grade_7_
Students_in_Filipino

Cabigao, J. R. (2012). Saloobin at Mungkahing Pagbabago sa Nilalaman ng 2009 Gabay sa


Ortograpiyang Filipino (Perception and Proposed Change on the Content of the 2009
Manual of Orthography in Filipino).
https://www.researchgate.net/publication/337110977_SALOOBIN_AT_MUNGKAHIN
G_PAGBABAGO_SA_NILALAMAN_NG_2009_GABAY_SA_ORTOGRAPIYANG_

19
FILIPINO_PERCEPTION_AND_PROPOSED_CHANGE_ON_THE_CONTENT_OF_
THE_2009_MANUAL_OF_ORTHOGRAPHY_IN_FILIPINO

Cabigao, J. R. (2014). Improving Pupils' Academic Performance Through Strengthened School-


Home Partnership.
https://www.researchgate.net/publication/337111225_Improving_Pupils'_Academic_Perf
ormance_Through_Strengthened_School-Home_Partnership

Cabigao, J. R. (2020). Tackling the fear of writing.


https://www.researchgate.net/publication/341679036_Tackling_the_fear_of_writing

Cabigao, J. R. (2021). Class Observation Post Conference Framework for Teachers. IJAMR
Volume 5. 256-258.
https://www.researchgate.net/publication/349692651_Class_Observation_Post_Conferen
ce_Framework_for_Teachers

Cabigao, J. R. (2021). Pagbuo at Balidasyon ng Isang Mungkahing Modelong Rubrik sa


Pagmamarka ng Mga Sulatin sa Antas Graduwado (Development and Validation of A
Proposed Model Rubric in Rating Written Outputs at the Graduate School Level).
https://www.researchgate.net/publication/350888318_Pagbuo_at_Balidasyon_ng_Isang_
Mungkahing_Modelong_Rubrik_sa_Pagmamarka_ng_Mga_Sulatin_sa_Antas_Graduwa
do_Development_and_Validation_of_A_Proposed_Model_Rubric_in_Rating_Written_O
utputs_at_the_Graduate
https://www.researchgate.net/publication/351228101_Development_and_Validation_of_
A_Proposed_Model_Rubric_in_Rating_Written_Outputs_at_the_Graduate_School_Leve
l

Cabigao, J. R. (2021). School-Based Assessment Framework Version 2.0 (The New Normal).
International Journal of Multidisciplinary Research Review. Volume 5. 106-108.
https://www.researchgate.net/publication/349463546_School-
Based_Assessment_Framework_Version_20_The_New_Normal

Chua, P. M. (2011). Ang pagbasa. https://www.slideshare.net/PaulMitchellChua/ang-


pagbasa?fbclid=IwAR2y0cF0CxGUiJgIZg8O67-R2phiFgIBY5iB-
5ftW5q_S27tEuamRJBEtp4

Clayton, R. F. (2021). Ano ang pagsasalita?. https://pdfcoffee.com/ano-ang-pagsasalita1-pdf-


free.html
Course Hero, Inc. (2021). Ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman.
https://www.coursehero.com/file/p99vco/ang-isang-mambabasa-ay-gumagamit-ng-
kanyang-kaalaman-sa-wika-at-mga-sariling/

Course Hero, Inc. (2021). May apat na antas ang kategorya ayon kay Smith 1969 1
https://www.coursehero.com/file/p3kvvjgp/May-apat-na-antas-ang-kategorya-ayon-kay-
Smith-1969-1-pag-unawang-literal-2/?fbclid=IwAR3fL3G-
E0oaCiuSBNxqXbBKa7DXTh-DTNeAbnH7SNnLKMfDn1mtx1GzMWk

20
De Juan, Jr. A. (2017). Mga Istratehiya sa Pagtuturo ng Filipino sa Senior High School.
https://www.slideshare.net/AlbertineDeJuanJr/mga-istratehiya-
safilipino?fbclid=IwAR1SP2uCQxpAwxA6yjGDeXsQoBgdSiEZFINrhktWI1Ul6sktRer
LKItS1ro
De Leon, J. T. (2021). Ang mga graphic organizer. https://www.scribd.com/doc/236347317/Ang-
Mga-Graphic-Organizer
Department of Education. (2021). Pahayag ng Pakikiisa ng Kagawaran ng Edukasyon.
https://www.deped.gov.ph/2020/05/01/pahayag-ng-pakikiisa-ng-kagawaran-ng-
edukasyon/?fbclid=IwAR3UJ3kZXCYWNQye5PRKYW7_OTI8zFb7de-aFb34Xdi2-
k4wueMiSJVKOXg

Department of Health. (2020). Ano ang New Normal?.


https://DOHgovph/status/1255059965305171975/photo/1

Dones, F. B. (2020). New Normal pagkatapos ng ECQ. 30220.


https://cavite.lpu.edu.ph/index.php/en/cas-news-events/707-new-normal-pagkatapos-ng-
ecq?fbclid=IwAR0pP2bQZg5vs520k_Dmb3hP14jdbUo4-3VdYhwGlSavwb1tkoKn5-
vxTGw

Dreisbach, J. L. (2021). Ang teorya ng akomodasyon sa komunikasyon bilang batayang kaisipan


sa pag-aaral ng Multilingguwal at Multikultural na araling Filipino. Dalumat E-Journal
tomo bilang 1 (2020)
https://ejournals.ph/article.php?id=16029&fbclid=IwAR1wNVRl7LgEmYfnK7H8Q3H
MYel5S7Y6mkKWT3HJyr95mcyGG2ZjoiruFNY

Gadon, M. F. (2021). Ang pagtuturo ng pakikinig bilang makrong kasanayang pangwika.


https://pdfcoffee.com/ang-pagtuturo-ng-pakikinig-bilang-makrong-kasanayang-
pangwika-pdf-free.html

Gannaban, M. F. (2020). Mga Teorya sa Gramatika at Wika, Salalayan sa Pagtuturo ng Filipino.


Tomo 6 bilang 2. Philippine E-Journals. https://ejournals.ph/article.php?id=16040
https://ejournals.ph/article.php?id=10189&fbclid=IwAR2Nzs6NCs0rQyTQPNSY2_8n69
r-a0fXB7Y708eTbHFgKCqBozPuwTdCfLw

January, M. (2017). Ang pagtuturo ng pakikinig. https://www.slideshare.net/rubymicah14/ang-


pagtuturo-ng-pakikinig

Kagarawaran ng Edukasyon, (2021). Pahayag ng pakikiisa ng kagawaran ng Edukasyon.


https://www.deped.gov.ph/2020/05/01/pahayag-ng-pakikiisa-ng-kagawaran-ng-
edukasyon/

KidStraw, 674. (2021). Ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman.


https://www.coursehero.com/file/p99vco/ang-isang-mambabasa-ay-gumagamit-ng-
kanyang-kaalaman-sa-wika-at-mga-

21
sariling/?fbclid=IwAR3dHvmKUIc3uqYitrO0_s8FgZM0nkyLvEO7OjIbm8WLWncaGb
6LAy9uQJQ

Makati Science High School. (2013). Pag unawa at komprehensyon


metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino. https://www.slideshare.net/luvy15/pag-unawa-at-
komprehensyon?fbclid=IwAR2iEfeM11SCupYXq1yD2N7YziCJCdUF6YDOqih2rEsfuy
brHxG477U7Pzw

Mangahis, J. C. (2011). Ang makrong-kasanayan sa Filipinolohiya/The macro-skills in


Filipinology. Philippine E-Journal. Vol. 23 no. 2. https://ejournals.ph/article.php?id=7993

Perez, H. R. (n.d.). Pagpapaunlad sa kakayahan sa maunawang pagbasa ng mga magaaral sa grade


8 sa pamamagitan ng estratehyang sama-samang pagkatuto. https://depedro1.com/wp-
content/uploads/2019/02/Herbert-Perez.pdf?fbclid=IwAR2-
EnEIVnEpRLTIRX7BnIs8j8zIYGETDchsIbez8l7fRac4t7tT_mhz_7E

Reyes, S. S. (2021). Ilang Problema sa Pagtuturo ng Panitikan sa Pilipino. Volume 4 no. 1-2.
https://ejournals.ph/article.php?id=10189&fbclid=IwAR1jsUwo4Fd9_PeRDpOvZzueIE
UTpsfISdvlwlt_pdBbk-IDKr5QY3mr_t0

Santiago, L. Q. (2007). Panitikan: Kahulugan, Layunin at mga salik na nakaaapekto.


https://dokumen.tips/documents/33306673-ano-ang-panitikan-handout1.html

Sandoval, M. A. S. (2015). E-komunikasyon sa inobatibong pagtuturo.


https://www.researchgate.net/profile/Mary-Ann-Sandoval-2/publication/322976963_e-
Komunikasyon_sa_Inobatibong_Pagtuturo/links/5d58bcaf45851545af4c1c9c/e-
Komunikasyon-sa-Inobatibong-Pagtuturo.pdf

Sinag, (2020). Ang katotohanan sa new normal sa pampublikong paaralan. The beacon
publications.
https://issuu.com/beaconpublications/docs/sinag_2020_updated/s/11376120?fbclid=IwA
R0SJdwZmIJ7mc7n4oYz6b4vYsm8oyPVfdZI8lxOADok3vBPHM_HxbsGAiY

Sinag. (2020). Ang Katotohanan sa New Normal sa Pambulikong Paaralan.


https://issuu.com/beaconpublications/docs/sinag_2020_updated/s/11376120?fbclid=IwA
R3X3evhHQ14GDVah50l8AVEAYQ38omg-AewVbhjYdbvpQJ2KFaD9jweZ4Y
uri, anyo, kahalagahan ng pag-aaral at mga halimbawa ng akda sa bawat anyo.
https://dokumen.tips/documents/33306673-ano-ang-panitikan-handout1.html

Valdez, E. G. (2016), Pagpapalawak ng Talasalitaan sa Pamamagitan ng Association o


WordNetwork sa mga Mag-aaral ng Grade 9-Sampaguita, SY-2015-2016 ng Dili National
High School.
https://www.academia.edu/35006400/Aksyon_riserts_filipino_9_Sampaguita_2015_16_
EMELITA_VALDEZ_NEW

22
Villanueva, V., Bandril L. (2016). Pagsulat sa Filipino sa piling larangan (akademik at sining).
Vibal Group, Inc.

Ypon. J. B. (2020). Lawak ng Pagkatuto ng Mag-aaral Kaugnay saPaggamit ng Differentiated


Instruksyon. Unibersidad ng Foundation.

Iba pang sanggunian

https://dokumen.tips/documents/mga-estratehiya-sa-pag-unawa-sa-pagbasa-
563389a6e10c9.html?fbclid=IwAR2Lbyt27-
8VW3RIKUn2OIKlMunSz1FIcm6bWViP1JmWFj8Zbs4kdmP1VWE

https://news.abs-cbn.com/news/05/27/20/alamin-mga-alternatibong-paraan-ng-pag-aaral-na-
isinusulong-ng-deped

https://upd.edu.ph/talasalitaan-wika-at-
kasarian/?fbclid=IwAR1FekCs_B5kr5MLjHTnJQe1nQ14uE2u_QgWaDpiZtzKMa75l3J
OXj6_lKg

https://www.academia.edu/27199914/Ang_pagtuturo_Ng_pakikinig

https://www.academia.edu/28500284/MGA_LAYUNIN_SA_PAGTUTURO_NG_PAGSASALI
TA?fbclid=IwAR1rawW5lI-k4LowotKveSqtnhBp6hTAvHjZLWSMAx9llNFOFhih68a-
eG8

https://www.academia.edu/32846824/Thesis_1?fbclid=IwAR38KWSPubvZw07DbMr3m535tB
DdpbmurqfGm9WWZ87YnAGpqFkqD32Xgus

https://www.academia.edu/8179031/Mga_Estratehiya_sa_Pag_unawa_sa_Pagbasa?fbclid=IwAR
3NYORuMJIOhre1cd6IozZydpCrCHuyfGOH1NNPfHwcBcG1EKdfxiqJcrw

https://www.coursehero.com/file/78289287/WEEK-
8docx/?fbclid=IwAR1RLrFd_zhK6G1J37fpHb6GrgAqML1vjHz-
5DEqa8R2PXDpW0QutRtAY7U

https://www.scribd.com/document/398808472/Mga-
Karapatan?fbclid=IwAR15VQcS4b70aPRSfsS3yDserZgv4yI6HFASMo5pF9aZ41jLplM
zDX8UoXQ

https://www.scribd.com/document/427029926/Ang-Pagtutro-Ng-Pakikinig

https://www.scribd.com/presentation/483218008/PAGTATASA-AT-PAGTATAYA-SA-
FILIPINO-pptx-pptx

23

View publication stats

You might also like