Professional Documents
Culture Documents
Ang Kwintas
Ang Kwintas
o
●
Ang Kuwintas
ni Guy de Maupassant
Hindi masaya sa kaniyang buhay may asawa si Madame Loisel, dahil hindi naman nagbago ang
kahirapang kaniyang kinamulatan na. Pumayag siyang mapangasawa si Monsieur Loisel, isang
tagasulat sa Kagawaran ng Instruksyon Publiko sa isang bayan ng France, sapagkat walang paraan
upang may makilala siyang mayamang lalaki na magpapakasal sa kaniya.
Lagi siyang nangangarap ng magagarang damit, alahas, bahay, kagamitan, masasarap na pagkain, at
kung ano-ano pa. Iniisip niyang sa taglay na alindog ay hindi siya dapat isinilang bilang isang
mahirap. Sapat na ang pagtataglay ng alindog upang ang isang hamak na babae ay pantayan ang isang
babaeng isinilang na mayaman.
Isang gabi, dumating ang kaniyang asawa. Tuwang-tuwang iniabot ang imbitasyon para sa isang
kasayahang gaganapin sa palasyo ng ministerio. Hindi ikinatuwa ng babae ang naturang imbitasyon,
sapagkat wala siyang maisusuot na damit. Nahabag ang asawa, ibinigay ang apat na daang prangkong
itinatabi-tabi para sa baril na pang-ibon.
Nakabili na ng magarang damit si Mathilde ay hindi pa rin siya natutuwa, sapagkat wala siyang
alahas na maisusuot. Pinayuhan siya ng kaniyang asawa na manghiram ng alahas sa kaibigan ni
Mathilde na si Madame Forestier.
Sa wakas ay natapos na rin ang isang buong magdamag na pinaghandaan ni Mathilde. Nakauwi sila
sakay ng isang matandang dokar. Humarap siya sa salamin upang muling silayan ang kaniyang
kagandahan. Ngunit napasigaw siya nang alisin niya ang kaniyang balabal. Nawawala ang kuwintas.
Dumanas ng labis na hirap ang mag-asawa bunga ng napakalaking utang na binabayaran. Tinanggap
na rin ni Mathilde ang naging kapalaran.
Umabot ng sampung taon bago nila nabayaran ang napakalaking utang. Malaki na rin ang ipinagbago
ng hitsura ni Mathilde, tumanda siya nang labis, naging maskulado ang katawan, at magaspang ang
mga kamay. Tanda ng kahirapan.
Minsan, habang naglalakad si Mathilde sa Champs Elysees, nakita niya ang kaibigang si Madame
Filipin
o
●
Forestier. Nilapitan niya ito at kinausap, ngunit hindi siya agad nakilala ng babae. Laking gulat ni
Madame Forestier nang malamang si Mathilde ang kaniyang kaharap. Labis na nahabag ang babae sa
kaibigan.
Ipinaalala ni Mathilde sa kaibigan ang kuwintas na kaniyang hiniram. Sinabi niyang naiwala niya ang
kuwintas. Labis na nagtaka si Madame Forestier sa sinabi ni Mathilde, sapagkat alam niyang isinauli
ito.
Sinabi ni Mathilde na replika lamang ang kaniyang isinauli. Lalong nahabag ang babae sa kaibigan,
sapagkat ang naiwala palang kuwintas ay peke lamang. Ayon sa kaniya ay puwit lamang ng baso ang
mga batong nakalagay sa kuwintas, at ang pinakamataas na maihahalaga sa nasabing kuwintas ay
limandaang prangko lamang.
Sagutin Natin
3. Ano ang hiniram ni Madam Loisel at ng kanyang asawa kay Madama Forestier?
Filipin
o
●
Pangalan: Petsa:
Gawain 1
Pagsusuri ng Maikling
Kuwento
● Basahin ang kuwentong “Ang Kuwintas”. Suriin ang kuwentong “Ang Kuwintas”
batay sa mga sumusunod:
● Humanap ng limang mahihirap na salita o ekspresyon at bigyan ito ng
kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap.
● Tukuyin ang isyung nakapaloob dito at iugnay ito sa buhay ng mga Pilipino.
Talasalitaan
Magbigay ng
limang malalalim na
salitang
ginamit sa akda at
ibigay ang kahulugan
nito batay sa konteksto
ng pangungusap.
Gawin Natin
Filipino • Baitang 10
Tauhan Mathilde —
Ilarawan ang mga
tauhan gamit ang mga Monsieur Loisel —
panghalip na panuring.
Madame Forestier —-
Tiyaga Tinapos Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang Tinapos ang
ang gawain isang
(40%) gawain ngunit hindi gawain at gawain na napakagan
Kaayusan para sinikap na sinikap na may - dang
ng gawain lamang mapaganda kasiya gawain na
mapaganda
bunga ng may pa itong lalo siyang may
at maiayos masidhing
pagsisikap maipasa sa resulta,
ito
guro may
pagsisikap
na
Gawin Natin
Filipino • Baitang 10
pagandahin pagsisikap na
pang lalo maging
natatangi
ito