You are on page 1of 3

YUNIT IV : MGA PINSALA, KAHANDAAN AT PANGUNANG LUNAS

Aralin 1 : Pinagmulan at Layunin ng mga Pangunang Lunas

Bilang ng Araw : 1

Batayang Kasanayan

a. Naipaliliwanag ang mga layunin ng mga pangunang lunas


b. Naibibigay ang mga pangunahing kasanayan sa pangunang lunas

Karagdagang Kaalaman Para sa Guro

Paunang lunas

Ayon kay Dr. Li-Ann Orencia, isang physician, "Ang kaalaman sa first aid ay napakahalaga
dahil nagbibigay ito ng pag-iingat sa buhay sa panahon ng aktuwal na aksidente. Aming
sinisigurado na ang aming mga kasamahan ay nagbibigay ng tamang preparasyon sa paunang
lunas, nang sa gayo'y maging handa silang harapin ang mga di inaasahang kaganapan maging sa
lugar ng ating pinagtatrabahuan o sa ating komunidad" Hindi nga naman natin masasabi kung
kailan darating ang pangangailangan sa paunang lunas. Walang masama sa pagiging handa.

Lahat tayo ay may pananagutan sa isa't isa. Ito ang tungkulin natin ang maging handa sa
pagliligtas sa kapwa tao, mula sa pakikipaglaban sa buhay at kamatayan. Lagi nating tandaan na
kahit ang kaunting kaalaman sa paunang lunas ay makaliligtas ng buhay

Ang paunang tulong-panlunas (first aid) ay ang pagbibigay ng pangunahing


magagawang tulong, kalinga, at pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman.
Isinasagawa ito ng isang taong pangkaraniwan hanggang sa panahong maaari nang ibigay ang
mas dalubhasang tulong pang-sagip buhay ng mga manggagamot. Kinasasangkapan ang
kasanayang ito ng mga payak, ngunit nakapagliligtas, na kasanayang may kaugnayan
sa panggagamot. Maaaring makatamo ng pagsasanay ang isang pangkaraniwang tao upang
maisagawa ang pagbibigay ng tulong na ito, kahit man hindi ginagamitan ng mga natatanging
aparatong panggagamot. Maaari ring ibigay ang tulong na ito sa mga hayop, ngunit ang artikulong
ito ay tumutukoy lamang para sa magagawang paunang-tulong na pantao.

Ang 3 pangunahing mga layunin ng paunang tulong-panlunas, na mas kilala bilang 3 P (tatlong P)
ang mga sumusunod:

 Pagpapanatili ng buhay (Preserve life)


 Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na pinsala o pag-iwas sa
paglala ng kapinsalaan o karamdaman (Prevent further injury or illness)
 Pagtataguyod sa paggaling (Promote recovery)

Bilang karagdagan, may ilang mga tagapagsanay na nagtuturo ng ika-apat na "P" -


ang Pag-iingat ng sarili, Protektahan ang sarili, o Pagpapananggalang ng sarili (Protect
yourself), bagaman sinasabi ng iba na kasaklaw at nakasukob na ito sa ilalim ng ikalawang "P"
na Pag-iwas mula sa mga karagdagang pinsala para sa kapakanan ng sarili, ng biktima o
pasyente, at ng iba pang tao. Kapag maingat ang sarili - ang tagasagip o tagapagligtas - ay may
kakayahan itong pangalagaan at magligtas pa ng ibang tao.
Mga Pangunahing kasanayan sa Pagbibigay ng Pangunahing Tulong-Panlunas

May mga kasanayan na itinuturing na pinakapusod ng pagbibigay ng paunang tulong-lunas,


kahit saan pa man o paano man naituro ang mga ito. Tinuturuan ang mga tagapagbigay ng
pangunahing tulong panlunas na laging tatandaan ang ABC ng mga hakbang sa pagbibigay ng mga
paunang tulong-pansagip ng buhay bago magpatuloy sa pagbibigay ng iba pang mga kalunasan:

 Airway – Ang daanan ng hangin / Ang daanang panghininga / Ang daanang-hingahan


 Breathing – Buga ng paghinga / Bantayan ang katangian ng paghinga
 Circulation – Sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan

Ang ibig sabihin nito ay dapat lamang na unahin munang suriin at subuking lutasin ang mga
suliraning may kaugnayan sa daanan ng hangin (bibig at ilong) ng pasyente. Kung walang balakid sa
daanan ng hininga at paghinga, dapat na isunod na suriin at subuking sugpuin ng tagapaglunas ang
anumang suliranin at pinsala na may kaugnayan sa sirkulasyon (pagdaloy at pagikot ng dugo sa
katawan). May ibang mga tagapagsanay o tagapagturo na nagdaragdag ng pang-apat na hakbang:
ang D para sa Duguan ba ang pasyente? O Dinudugo ba ang biktima?, o kaya ay ang pagbibigay
ng Depibrilasyon. Nakasalalay sa antas ng kasanayan ng tagapagbigay-lunas ang mga pagkakaiba sa
mga pamamaraan ng pasisipat at pagsusuri at pagpapanatili ng mga mahahalagang ABC ng taong
manlulunas. Kapag naiayos at napainam na ang mga ito, maaari nang magbigay ng mas masulong na
mga gawaing-panlutas ang mga taong tagapanagip, kung kinakailangan.

May ilang mga bansa na nagtuturo ng talong B (ang 3 B), na katulad ng ABC ang pagkakasunud-
sunod ng kahalagahan:

 Breathing – Buga ng paghinga / Bantay-hininga


 Bleeding – Balong ng dugo
 Bones – Butu-buto o Buto o Baling buto

Nangangahulugan ito na dapat na suriin muna at lutasin ng manlulunas ang anumang suliranin
kaugnay sa Buga ng Paghinga, bago subuking sugpuin ang mga suliraning kaugnay sa Balong ng
dugo mula sa katawan ng pasyente o mga Baling Buto (na hindi naman ibig sabihin nito na dapat nang
kaligtaan ang mga huling mga suliranin sa mga panahong iyon – katulad ng mga pinsala sa gulugod,
kung saan magagamit ang pagbabago at kaibahan sa pamamaraang panlunas upang makatulong sa
pagbubukas ng daanan ng hininga).
https://tl.wikipedia.org/wiki/Paunang_tulong-panlunas

Pamamaraan :

1. Pag-usapan Natin

Pag-usapan sa klase ang larawan sa “Pag-usapan Natin” sa LM.


Pasagutan ang mga tanong sa ibaba.
2. Pag-aralan Natin
Bigyan ng oras ang mga bata na basahin at pag-aralan ang 3 mahahalagang
layunin ng pangunang lunas.

3. Pagsikapan Natin

Buuin ang mga letra upang makabuo ng mga salita

Mga sagot : 1. Sirkulasyon


2. Sakuna
3. Buhay
4. Pasyente

4. Pagyamanin Natin

Bumuo ng tatlong grupo kung saan ang bawat grupo ay tatalakayin ang bawat
layunin
ng pangunang lunas.

5. Pagnilayan Natin
Ulat Pangkalusugan
Isulat ang Tama kung tama ang isinasaad ng Pangungusap at Mali kung ang
isinasaad ay mali.

Takdang Aralin

Makipanayam sa mga “ Health Workers” sa Sentrong Pangkalusugan ng barangay


tungkol sa pgbibigay ng pangunang lunas sa mga sanggol at matatanda na biglang nagkasakit o
napinsala.

You might also like