You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA PANGKALUSUGAN V

Hunyo 24,2022 (Friday)

I. LAYUNIN

Sa araling ito ikaw ay inaasahang ;

Natutukoy ang mga pangunahing lunas

Naipapaliwanag ang bawat panuntunan sa pangunahing lunas

Nasusunod at naipapatupad ang panuntunan ng pangunang lunas

II. NILALAMAN / PAKSANG ARALIN

Paksa :Pinsala, Kaligtasan at Pangunang Lunas

Sanggunian :Module 8 Health V , mga larawan sa internet , video at

Canva presentation

III. PAMAMARAAN

A. Balik-aral/ Pagganyak:

Gamit ang mga salita, ayusin ang mga salita upang maibigay ang wastong panuntunan

sa pagbibigay ng paunang lunas.

1. Pagpapanatili ng buhay (Preserve life)

2. Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na pinsala o pag-iwas sa paglala

ng kapinsalaan o karamdaman (Prevent further injury or illness)

3. Pagtataguyod sa paggaling (Promote recovery)

B. Paghahabi

Itanong: Nasubukan niyo na bang mabigyan ng first aid? Sa anong pangyayari?

Sabihin: Sa araling ito, malalaman natin ang tamang paraan sa pagbibigay ng first aid para sa

ilang pangkaraniwang sakuna lalo pa kung walang ibang makakatulong sa biktima ng sakuna

sa paaralan o sa tahanan man.

Suriin ang mga larawang ipapakita ko kung ano ang mga ito.

C. Paglalahad

Tanong :

Ano ang pinsala o kondisyon na pinapakita sa larawan?


Ano ang nararapat na pangunang lunas para sa mga ito?

Bakit mahalaga ang kaalaman sa paglapat ng pangunang lunas at iba’t-ibang pinsala

o kondisyon upang makasagip ng maraming buhay?

Ang sakuna at karamdaman ay walang pinipiling panahon at lugar. Maaaring

mangyari ang mga ito kanino man. Maaari itong mangyari kapag mag-isa at walang

ibang maasahang tulong. Kaya mahalagang maging handa. Mahalagang pag-aralan

at matutuhan ang mga karampatang lunas na ibinibigay para sa mga biktima ng mga

karaniwang pinsala at kondisyon.

D. Pagtatalakay

Talakayin kung ano ang dahilan ng nose bleeding o balinguyngoy, / kagat ng insekto / sugat at

paraan kung paano ito bibigyan ng paunang-lunas.

Alamin ang mga pangunang lunas sa videong ipapakita sa screen

Video 1: Ipakita ang tamang paraan sa pagbibigay atensiyon sa may balinguyngoy

Video 2: Ipakita ang unang gagawin bago magsagawa ng paunang -lunas sa may sugat.

Video 3: Ipakita ang paraan sa pagpapapigil sa pangangati o impeksiyon sa kagat ng insekto.

Itanong: Ano kaya ang mga dapat isaalang-alang bago magsasagawa ng first aid?

Tandaan: Bago maglapat ng paunang lunas, dapat tiyaking malinis ang mga kamay at

gagamitin upang maiwasan ang pagkakaroon ng impeksiyon ng pasyente o biktima.

E. Paglinang sa kabihasnan (Tungo sa Formative Assessment)

Bakit mahalagang may kaalaman sa pagbibigay ng first- aid bago isagawa ang ito?

F. Paglalahat sa aralin

Itanong:

1. Sino ang maaaring maglapat ng first aid?

2. Ano-anong kapinsalaan o karamdaman ang maaaring lapatan ng first aid?

IV. PAGTATAYA

Isulat ang Tama kung tama ang isinasaad ng Pangungusap at Mali kung ang isinasaad ay mali.
1. Ang paunang tulong panlunas ay ibinibigay sa mga taong nais maisalba ang buhay.

2. Sasailalim sa mga pagsasanay ang mga taong nagbibigay ng pangunang lunas.

3. Ang pangunang lunas ay maaari ding ibigay sa mga hayop.

4. Dapat lamang na unahin munang suriin at subuking lutasin ang mga suliraning

may kaugnayan sa daanan ng hangin (bibig at ilong) ng pasyente.

5. Ang unang layunin ng pagbibigay ng pangunang lunas ay upang maisalba ang

buhay

V. KARAGDAGANG GAWAIN/ TAKDANG ARALIN

Magsaliksik tungkol sa paraan sa pagbibigay ng paunang lunas sa napaso ng kumukulong

tubig

You might also like