You are on page 1of 5

EDUKASYONG PANGKALUSUGAN – 5

Pangalan: _______________________ Petsa: _______________

Baitang: _______________________ Pangkat: _____________

Markahan: 4 Linggo: 3
MELC(s): The learner explains the nature and objectives of first aid. H5IS-Iva-34

⮚ Pamagat ng Textbook/LM na Pag-aaralan: Health 5 Kagamitan ng Mag-aaral


⮚ Layunin: Natutukoy ang layunin at pangunahing kasanayan sa pangunang tulong-
panlunas.
⮚ Kabanata: 1 Pahina: 1-4

⮚ Paksa: Pinagmulan at Layunin ng mga Pangunang Lunas

Tuklasin Natin

Suriin ang mga sumusunod na larawan. Ano ang ginagawa nila sa larawan?
Makatutulong ba ito sa tao? Paano ito makatutulong?

Ang paunang tulong-panlunas o first aid ay pagbibigay ng pangunahing


tulong o pangangalaga sa mga taong napinsala o nasugatan dulot ng disgrasya,
sakuna o karamdaman. Isinasagawa ito ng isang karaniwang tao hanggang sa ito ay
maari ng ilipat sa mas dalubhasang tulong ng mga manggagamot.

GSC-CID-LRMS-FSSLM, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Maari itong matutunan ng mga pangkaraniwang tao sa pamamagitan ng mga
pagsasanay mula sa mga taong dalubhasa sa pagbibigay ng pangunahing tulong-
panlunas o may kaugnayan sa panggagamot. Maaring makatamo ng pagsasanay ang
isang tao upang maisagawa ang tulong na ito kahit hindi ginagamitan ng natatanging
aparatong panggamot. Ang kasanayang ito ay maari ring ibigay sa mga alagang
hayop ngunit mas nakatuon ang araling ito sa magagawang tulong para sa
pangunang-tulong pantao.
Narito ang tatlong (3) pangunahing layunin ng paunang tulong-panlunas, na
mas kilala bilang 3P o (Tatlong P):
1. Pagpapanatili ng Buhay (Preserve Life)
2. Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng mga dagdag na pinsala o pag-iwas sa paglala
ng kapinsalaan o karamdaman (Prevent further injury or illness) o maaring Pag-iingat
ng sarili, Protektahan ang sarili (Protect yourself)
3. Pagtataguyod sa paggaling (Promote recovery)

Mga Pangunahing Kasanayan sa Pagbibigay ng Paunang Tulong-Panlunas


May kasanayan na itinuturing na pinakapuno ng pagbibigay tulong-panlunas
na nagiging basehan sa pagtuturo ng nasabing kasanayan. Ang ABC ng pagbibigay
tulong-pansagip ng buhay ang itinuturo sa mga tagapagbigay ng paunang tulong-
panlunas upang mahasa sa wastong pagbibigay ng nasabing kasanayan at maiwasan
ang paglala pa ng pinsala o karamdaman. Narito ang mga dapat tandaan sa mga
hakbang sa pagbibigay tulong-pansagip buhay bago magbigay ng iba pang
panglunas:

⮚ Airway – Ang daanan ng hangin, suriin ang mga daanan ng hangin tulad ng
bibig at ilong kung may mga nakasagabal sa paghinga.
⮚ Breathing – Bantayan ang katangian ng paghinga kung normal o hindi. Maari
itong makita sa pagtingin sa chest o dibdib kung pumapataas o di kaya ay
pakinggan ang paghinga nito.
⮚ Circulation – Sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan, maari rin itong
malaman sa pamamagitan ng pulso.

May mga tagapagsanay o tagapagturo na nagdaragdag ng pang-apat na


hakbang ang D para sa kung Duguan ba ang pasyente? o nakakaranas ba ng
pagdurugo ang biktima? o kaya ang pagbibigay ng Depibrilasyon.
Mayroon ding tinatawag 3B o (Tatlong B) na itinuturo sa ibang bansa na may
katulad sa pagkasunod-sunod ng mga hakbang sa ABC.

⮚ Breathing – Buga ng paghinga / Bantay-hininga


⮚ Bleeding – Balong o daloy ng dugo
⮚ Bones – Butu-buto o Buto o Baling buto

GSC-CID-LRMS-FLAS, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Ibig sabihin nito ay unahin muna na suriin at lutasin ng manlulunas ang suliranin
sa paghinga ng biktima bago sugpuin ang suliranin sa padurugo mula sa katawan ng
pasyente at huwag kaligtaang suriin kung nagtamo ng bali sa buto ang pasyente
ngunit tandaan natin na kapag nabalian ng buto ang pasyente ay nangangailangan ito
ng mas dobleng pag-iingat dahil maaring lumala ang kalagayan ng pasyente kapag
hindi maayos ang pagbibigay lunas dito at mas mainam na tumawag agad ng tulong
sa mas dalubhasa sa pagbibigay tulong-panlunas.

Subukin Natin

Suriin ang mga larawan kung aling hakbang sa pangunahing kasanayan sa


pagbibigay ng pangunang tulong-panlunas ang tinutukoy nito. Isulat ang titik ng
tamang sagot

______1. A. Airway C. Circulation


B. Breathing D. Bleeding

______2. A. Airway C. Circulation


B. Breathing D. Bones

______3. A. Airway C. Circulation


B. Breathing D. Bleeding

______4. A. Airway C. Circulation


B. Breathing D. Bleeding

______5. A. Airway C. Circulation


B. Breathing D. Bleeding

GSC-CID-LRMS-FLAS, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


Isagawa Natin

Buuin ang crossword puzzle sa pamamagitan ng pagbasa ng mga gabay sa kasunod


na pahina.

Pababa
1. tumutukoy sa katangian ng paghinga
2. unang kasanayan na tumutukoy sa daanan ng hangin katulad ng ilong at bibig na
maalis ang mga balakid sa paghinga.

Pahalang
3. tumutukoy sa daloy ng dugo na maaring nagmula sa pinsalang natamo sa aksidente
o sakuna.
4. tumutukoy sa sirkulasyon ng dugo sa katawan at maari itong malaman sa
pamamagitan ng pulso.
5. tumutukoy sa pagsuri ng bahagi ng katawan kung may fracture o bali ng buto.

Ilapat Natin

Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tamang pahayag at


MALI naman kung ang isinasaad ay maling pahayag. Isulat ang sagot sa patlang bago
ang numero.

________1. Ang paunang tulong-panlunas o first aid ay ibinibigay sa taong


nangangailangan nito upang maisalba ang buhay.

GSC-CID-LRMS-FLAS, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021


________2. Ang 3P (Pagpapanatili ng buhay, Pag-iwas mula sa pagkakaroon ng
dagdag na pinsala, at Pagtataguyod sa paggaling) ay ang tatlong pangunahing layunin
sa pagbibigay ng paunang tulong-panlunas.
________3. Ang paunang tulong-panlunas o first aid ay ibinibigay lamang sa Tao.
________4 Kailangan ng ibayong pagsasanay ang mga taong nagbibigay ng paunang
tulong-panlunas.

________5. Ang ABC o 3B ay nagsasaad ng mga hakbang sa pangunahing


kasanayan sa pagbibigay ng tulong-panlunas.

Sanggunian

Health 5 Yunit 4 Kagamitan ng mag-aaral, Pinagmulan at Layunin ng mga Pangunang


Lunas, Pahina 1-4

SSLM Development Team


Writer: Kenneth Lloyd A. Barrera
Evaluator: Lea B. Beloy
Illustrator: Kenneth Lloyd A. Barrera
Creative Arts Designer: Reggie D. Galindez
Division MAPEH Coordinator: Eden Ruth Tejada
Education Program Supervisor – Learning Resources: Sally A. Palomo
Curriculum and Instruction Division Chief: Juliet F. Lastimosa
Asst. Schools Division Superintendent: Carlos G. Susarno, Ph, D.
Schools Division Superintendent: Romelito G. Flores, CESO V

GSC-CID-LRMS-FLAS, v.r. 02.00, Effective April 21, 2021

You might also like