You are on page 1of 6

FIL127: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan

Student Activity Sheet Aralin #07

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____

Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

Pamagat ng Aralin: Pagsusuri ng Panitikan Hinggil sa Kagamitan:

Pangmanggagawa, Pangmagsaka at Pambansa Activity sheets

Sanggunian:
http://panitikangmanggagawa.bl
Layunin ng Aralin: ogspot.com/2012/01/maikling-
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay dapat nang: kwento-ang-apat-na-sikreto-
1. nakasusuri ng panitikan hinggil sa mangagawa, magsasaka at ng.html
pambansa gamit ang panunuring panitikan; at https://www.youtube.com/watc
2. nakalulugdan ang pag-aaral ng panitikan tungkol mga h?v=uKqDqKw9MNY
manggagawa.. https://www.tagaloglang.com/tula-
isang-dipang-langit/

Makabuluhang Payo

Binabati kita sa masigasig at matalinong pagsagot mo sa mga aktibiti sa nakaraang

modyul.
Ngayon, handa ka na ba sa Aralin 7? Batid kong napapagod ka sa pagsagot ng mga
Aktibiti. Puwede kang magpahinga ngunit sikapin mong huwag sumuko. Ang
ganitong pananaw ay makakatulong sa’yo para laging positibo ang pagsagot mo sa
mga inihandang aktibiti.

A. Pahapyaw sa Aralin /Rebyu

1) Panimula (2 minuto)

Pamilyar ka ba sa salitang “ENDO”? Narinig mo na ba ito? Saan?

Kanino?

Hindi lingid sa iyong kaalaman na ang salitang ENDO ay

kadalasang isinisigaw ng mga mangagawang Pilipino. Ito ang
matagal nang daing ng bawat manggagawang Pilipino.

Ilang dekada na ang lumipas, hanggang ngayon hindi pa rin ito

nawawakasan. Marami pa rin sa mga manggagawa ang
pinapahirap ng ganitong sistema..ang ENDO.

Page 1 of 6
FIL127: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
Student Activity Sheet Aralin #07

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____

Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

Ito ang ating paksa ngayon, pagsusuri ng mga panitikang tungkol sa manggagawa, magsasaka at
pambansa.
Ang Aktibiti 1 ang unang gawaing susubok sa iyong kaalaman tungkol sa mga nasabing paksa.
Sagutin mi ito nang buong husay at may katapatan.
Aktibiti 1: Tsart para sa Aking Nalalaman Part 1 (3 minuto)

Panuto: Sa gawaing ito, sagutin mo muna ang unang kolum ng tsart. Sasagutin ang ikatlong kolum
kapag nakarating ka na sa Aktibiti 4.

Ano ang Aking Nalalaman Mga Tanong Ano ang Aking Natutunan
(Activity 4)
1. Anong panunuring panitikan
ang gagamitin sa pagsusuri ng
akdang tungkol sa manggagawa?
2. Ano ang maaaring makuhang
aral sa mga panitikan tungkol sa
manggagawa?
3. Paano nahihinuha sa isipan ng
may akda ang mga ganitong
panitikan?

B. PANGUNAHING ARALIN
1) Aktibiti 2: Araling Pangnilalaman (13 minuto)

Sa pagsusuri ng mga panitikang tungkol sa manggagawa, magsasaka at

pambansa ay gagamitin natin ang pagdulog sosyolohikal, realismo,
humanismo at simbolismo. Ang apat na ito ay napag-aralan mo sa Araw 4 at
5.
Sa larangan ng mga panitikang tungkol sa mga manggagawa, kilala si Amado
V.
Si Amado Vera Hernández (13 Setyembre 1903 – 24
Marso 1970) ay isang makata at manunulat sa wikang
Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga
Amado V. Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga
Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at
Hernandez pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa
Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya
dahil sa pakikipag-ugnayan niya sa mga kilusang
makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-
tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon
bago nagwakas.

Page 2 of 6
FIL127: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
Student Activity Sheet Aralin #07

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____

Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

2) Aktibiti 3: Pagbubuo ng Kasanayang Aktibiti (18 minuto sa pagsagot+ 2 minuto sa pagwaswasto)

A. Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang kasing-kahulugan ng mga sumusunod na salita.

_____________1. linsil
_____________2. supil
_____________3. balasik
YAPAK SAKOP KAMPANA SANDIGAN
_____________4. birang
_____________5. moog PANYO KADENA MALI KALUPITAN
_____________6. tanikala
_____________7. yabag
_____________8. Batingaw
B. Panuto: Sumulat ka ng isang saknong tula na nagpapahayag ng iyong suporta at pagmamahal
para sa mga manggagawa at magsasaka.

___________________________________________

__________________________________________

3) Aktibiti 4:Tsart para sa Aking Nalalaman part 2 (2 minuto)

Sa bahaging ito, balikan mo ang “Tsart para sa Aking Nalalaman” na sinagutan mo sa Aktibiti 1. Pero sa
pagkakataong ito, punan mo ang hinihingi ng ikatlong kolum sa tsart.

Page 3 of 6
FIL127: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
Student Activity Sheet Aralin #07

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____

Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

4) Aktibiti 5: Pagwawasto ng Pang-unawa (5 minuto)

Panuto: Suriin mo ang tula gamit ang panunuring simbolismo. Isaalang-alang ang layunin ng pagdulog
simbolismo sa panunuring panitikan. Narito ang rubric na magsisilbing gabay mo sa pagsusuri.

Isang Dipang Langit

Ni Amado V. Hernandez
Ako’y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko, Pagdulog
damdami’y supil na’t mithiin ay supil.
Ikinulong ako sa kutang malupit: Simbolismo
bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay.

_________________________________________________________
Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha, _________________________________________________________
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara. _________________________________________________________

_________________________________________________________
Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
_________________________________________________________
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
_________________________________________________________

Ang maghapo’y tila isang tanikala _________________________________________________________

na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa _________________________________________________________
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
_________________________________________________________

Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag, _________________________________________________________

kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad, _________________________________________________________
sanlibong aninong iniluwa ng dilim.
_________________________________________________________

Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang _________________________________________________________

sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw, ________________________________________________________
sa bitayang moog, may naghihingalo.

Page 4 of 6
FIL127: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
Student Activity Sheet Aralin #07

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____

Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

At ito ang tanging daigdig ko ngayon –

___________________________________________________________
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
___________________________________________________________
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.
___________________________________________________________
Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap
at batis pa rin itong aking puso: ___________________________________________________________
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko. ___________________________________________________________

___________________________________________________________
Ang tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api, ___________________________________________________________
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti. ___________________________________________________________

___________________________________________________________
At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha, ___________________________________________________________
sisikat ang gintong araw ng tagumpay…
layang sasalubong ako sa paglaya! ___________________________________________________________

Bartolina ng Muntinlupa – Abril 22, 1952

Rubric

Maayos at malinaw na ginamit Bahagyang malinaw na ginamit Hindi malinaw at maayos na

ang layunin ng pagdulog ang layunin ng pagdulog ginamit ang layunin ng pagdulog
arkitaypal sa pagsusuri. arkitaypal sa pagsusuri. Hindi arkitaypal sa pagsusuri. Hindi
Naipaliwanag nang mabuti ang gaanong naipalaiwanag nang naipalaiwanag nang mabuti ang
mga simbolismong ginamit sa mabuti ang simbolismong ginamit mga simbolismong ginamit sa
tula. sa tula. tula.
5 puntos 3 puntos 1 puntos

C. WRAP-UP SA ARALIN
1) Aktibiti 6: Pag-iisip tungkol sa Natutunan (5 minuto)
Ngayon, markahan mo ang kinalalagyan ng iyong natutunan sa “word tracker” para mamonitor mo ang
iyong napagtagumpayan at natutunan sa bawat aralin at kung ano pa ang mga kailangan mong gawin.

1. Ano ang nararamdaman mo sa pag-aaral ng paksang aralin ngayon? Naging madali ba sayo o nahirapan ka
sa paksang aralin?
__________________________________________________________________
Page 5 of 6
FIL127: Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
Student Activity Sheet Aralin #07

Pangalan: ________________________________________________________ Numero sa Klase: ____

Seksyon: ____________ Iskedyul: ____________________________________ Petsa: ______________

2. Bakit ganito ang iyong naradaman?

__________________________________________________________________
3. Ano ang nais mong itanong sa guro tungkol sa paksang aralin?
__________________________________________________________________

FAQs
Ang mga sumusunod ay mga karagdagang kaalaman sa paksang aralin ngayon na maaaring makatulong pa
sa iyong pagkatuto. Basahin mo ito nang may pang-unawa.

1. Mahirap bang sumulat ng panitikan o akda?

Sagot: Wala naming madali sa mundo. Ngunit ang pagsulat ng anumang akda ay maaaring pag-aralan. Dapat
nasa puso mo rin ang pagsusulat.
2. Bakit kailangan naming pag-aralan ito?
Sagot: Ang pagsusuri ng mga akda ay nakatutulong para maunawaan natin ang mga pangyayari sa ating
buhay. Marami kang aral na puwedeng i-apply sa buhay mo.

Pagwawasto ng mga Sagot.

Aktibiti 3 Aktibiti 5
A. Iwawasto ng guro ang sagot
1. MALI 2. SAKOP 3. KALUPITAN
4. PANYO 5. SANDIGAN 6. KADENA
7. YAPAK 8. KAMPANA
B. Iiwasto ng guro ang sagot.

Page 6 of 6

You might also like