You are on page 1of 3

PAGPASOK SA KOREAN CRAZE: ANG GAWI SA PAGBILI NG K-POP MERCH NG MGA K-POP

STANS AT MGA DULOT NITO?


Ang epekto ng gawi ng pagbili ng k-pop merch ng mga k-pop stans ay nangangagulugan ng
sobrang paghanga na umaabot na sa ibang lebel ng intinsidad. Ang sobrang paghanga sa mga k-
pop groups na ito ay may kaakibat na mga layunin. Karamihan sa mga ito ay ang malaking
gastos sa mga concerts, merchandise, mga photo cards ng kanilang hinahangaang banda, grupo
o personalidad. Maliban sa mga layunin na ito ay nagreresulta din ito sa mga negatibong gawin
katulad ng mga namumuong alitan dahil sa hindi pagkakaunawaan ng kapwa tagahanga at mga
tagahanga ng ibang k-pop artist. Ang iba ay dumadating sa punto na nakikipagpalitan na sila ng
mga masasakit na salita sa kanilang kapwa dahil sa labis na paghanga sa kanilang idolo. Tunay
na may saya at aliw na naihahtid ang paghanga sa mga banyagang koreano ngunit kailangan
lamang na nasa tamang lugar upang hindi makasakit sa damdamin ng ibang tao.

ANO ANG NAKA-IMPLUWENSIYA SA IYO UPANG TANGKILIKIN ANG K-POP?


Hindi natin maikakaila na ang mga k-pop group ay magagaling sumayaw at kumanta. Marami
din akong mga kakilala noon paman na naging masugid na tagahanga ng k-pop at nahikayat rin
nila ako na suportahan rin ang mga banyagang koreano. Para sa akin, kahit di ko naiiintindihan
ang mga liriko ng kanila mga kanta, hindi yon naging hadlang para hindi ako humanga sa kanila.
Alam ko na iba ang kanilang salita at tradition, pero ang paghanga ay hindi lamang sinusukat
dito. Higit pa rito, ang k-pop ay hindi isang genre ng musika na na-streamline ng mga media
outlet ng maraming bansa, sa halip, ito ay isang bagay na aktibong hinahanap ng mga tao. Higit
pa rito, ang pag-unawa sa mga salita at ideya ng mga kanta ay mahirap dahil sa isang hadlang sa
wika. Isinasaalang-alang ng mga tagahanga ang kanilang sarili na turuan ang kanilang sarili sa
mga pagkakaiba sa kultura upang tratuhin ang kanilang mga pop star nang may paggalang.
ANO ANG DULOT SAYO NG K-POP?
Malaki ang dulot ng K-pop sa akin. Kahit noon paman ay nagbibigay na ito ng saya at kilig kahit
bago paman ako maging isang ganap na tagahanga. Ito rin ay naging parte na ng aking buhay at
kabataan. Isa pa sa magagandang rason kung bakit ako naging “fan” ng k-pop ay dahil sa indak
at saliw ng kanilang mga musika at koreograpia sa pagsasayaw na nakakaenganyo tingnan at
pakinggan sa tenga. Ang aking paghanga sa k-pop ay naging rason rin kung bakit ko pinangarap
na pumasyal sa ibang bansa upang maranasan ang kultura ng mga koreano at baka sakaling
makita ko rin ang mga personalidad na aking iniidolo.

GAANO KA KADALAS BUMIBILI NG K-POP MERCH? BAKIT?


Bumibili ako ng k-pop merch kapag meron akong pera o budget dahil bilang isang tagahangga
ay gusto ko silang suportahan sa pamamagitan ng pag bili ng kanilang mga merch at album. At
isa pa, nakakakuha ako ng ginhawa mula sa pangongolekta ng kanilang mga item. Lalo na sa
punto kung saan ang mga artista ay hindi makapag-tour sa mga lugar at ibang bansa, malaking
bahagi narin para sa akin na kahit hindi ako makadalo sa kanilang mga concert, basta’t mayroon
lang akong k-pop merchandise, masaya na ako.

ANO ANG IYONG ANG NARARAMDAMAN TUWING NAKAKABILI KA NG BAGONG MERCH NG


IYONG PABORITONG K-IDOL? AT KUNG HINDI MAN, ANO ANG IYONG NARARAMDAMAN?
Ang aking hangarin ay mabibigyan ng kasiyahan ang aking sarili at lalo na ay maipakita sa aking
mga idolo ang aking suporta. Kahit pa may kamahalan ang mga k-pop merchandise, sinisikap ko
parin na makabili ng ganito dahil nararamdaman ko ang “sense of fulfillment” at kakaibang say
ana hindi ko nararamdaman kung bibili lamang ako ng normal na mga bagay. Sa k-pop merch ko
nararamdaman ang “feeling” na bahagi ako ng isang samahan at isang pamilya na may iisang
layunin at ito ay ang magbigay saya at aliw sa sambayanang manonood.
PAANO NAAPEKTUHAN NG K-POP ANG IYONG BUHAY BILANG ISANG ESTUDYANTE O
INDIBIDWAL?
Hinihikayat at naiimpluwensiyahan ng k-pop ang aking panloob na talento na ipahayag at
ipakita rin ito sa mundo. Ito ay nag-uudyok sa akin na makabisado ang isang anyo ng sining na
maaaring direktang nauugnay o hindi sa mga layunin sa trabaho sa hinaharap. May isinusulong
ang k-pop group na bukod sa mga self-care practices na itinataguyod ng mga k-pop singers at
sinusunod ng mga estudyante tulad ko, tinutulungan din nila ang mga mag-aaral na manatiling
malusog. Ang kanilang mga choreographies, tulad ng alam nating lahat, ay matalino at
sistematiko. Kailangan nila ng mahusay na kadaliang mapakilos, kakayahang umangkop, at
katamtamang bilis. Ang kanilang musika sa kabilang banda ay nakakaakit sa mga indibidwal na
gusting sumayaw at gustong matutong sumayaw. Natutulongan din nila ang mga kabataan na I
boost ang kanilang self-confidence at self-esteem.

You might also like