You are on page 1of 2

Mga Mekaniks sa Patimpalak sa Quiz Bowl- Filipino

(Buwan ng Wika 2022)

I. Panlahat na Alituntunin

1. Ang patimpalak ay binubuo ng 5 pangkat; HUMSS, TVL HE at TVL ICT,


ABM, at STEM. Dalawang (2) miyembro bawat pangkat.
2. Ang patimpalak ay nahahati sa tatlong kategorya: Ang Madaling bahagi,
Katamtamang bahagi, at mahirap na bahagi.
3. Ang mga Manlalahok ay dapat nasa loob na ng lugar ng patimpalak
sampong (10) minuto bago ang eksatong oras ng komeptsiyon.
Matatanggal sa laro ang mga hindi makarating sa lugar ng
pagdadaraosan ng patimpalak, limang (5) minuto pagkatapos ng
tinakdang oras ng patimpalak.
4. Ang mga katanungan at klaripikasyon hinggil sa patimpalak ay bibigyang
tugon ng komite bago mag-umpisa ang mismong oras ng patimpalak.

II. Pagmamarka sa Bawat Kategorya (Madali, Katamtaman, at Mahirap)

1. Ang bawat strand ay may mga kalahok na binubuo ng limang miyembro.


Sila ay magtutulungan upang masagot ang mga katanungang ipupukol ng
tagatanong.
2. Ang Madaling bahagi ay may(10) katanungan at kapwa may pagpipilian
habang ang mahirap na bahagi naman ay binubuo ng 5 tanong na
sasagutin sa paraang pa- identipikasiyon.
3. Ang saklaw ng mga talatanungan ay umiikot sa Tema ng Buwan ng Wika
sa taong ito na “Filipino at Wikang katutubo: Kasangkapan ng Pagtuklas
at Paglikha” at mga araling pumapatungkol sa Asignaturang Filipino.
4. Ang paraan ng pagbibigay ng mga tanong ay pa-kategorya.
5. Ang bawat katanungan ay may katumbas na puntos. Para sa madaling
bahagi, 2 puntos, sa Katamtaman naman ay 3, puntos at sa mahirap na
bahagi ay 5 puntos.
6. Bawat tanong ay sasagutin ng mga pangkat sa loob lamang ng sampong
(10) Segundo.
7. Ang tanong ay dalawang beses lamang uulitin at kapag sinabi na ng
tagatanong ang salitang “Mag-umpisa na”, doon na sila sasagot sa
illustration board na nakalaan para sa kanila at sa parehong pagkakataon
mag-uumpisa ang pagka-countdown ng oras. Bawat pangkat ay dapat
itaas ang kanilang illustration board pagkatapos ng oras o marinig ang
salitang “Itaas ang mga Illustration board”
8. Ang pangongopya o kahit na anong pinagbabawal na etika sa pagsagot
kalakip na ang pag-iingay ay mariing ipinagbabawal sa patimpalak. Ang
sinomang lalabag ay magreresulta sa pagkadidiskwalipika.
9. Kapag nag-uumpisa na ang patimpalak, ay walang tanong ang bibigyang
tugon.
10. Ang nangungunang tatlong (3) pangkat ay siyang makakapagpapatuloy sa
katamtamang bahagi habang dalawang (2) team na may mataas na
puntos naman ang makapagpapatuloy sa mahirap na bahagi.
11. Ang makakakuha ng pinakamaraming puntos ay makatatanggap ng mga
gantimpala.

Inihanda ni:

G. Jimwell P. Deiparine

You might also like