You are on page 1of 3

SESYONG PATNUBAY 1: Balangkas Konseptwal para sa Edukasyon sa

Pagpapakatao (EsP), at Paggamit ng Gabay sa


Kurikulum

Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng pagsasanay, ang mga kalahok ay inaasahang:

1. Naipakikita ang pag-unawa sa Balangkas Konseptwal ng Edukasyon sa


Pagpapakatao (EsP) sa K to 12 Basic Education Program, na binubuo ng:
1.1. Tunguhin
1.2. Mga Proseso
1.3. Apat na Tema
1.4. Pitong Pangunahing Pagpapahalaga (Core Values)
1.5. Mga Teorya na Batayan ng mga Pamamaraan sa Pagtuturo at
Pagkatuto
1.6. Ang Pilosopiya ng EsP

2. Naipamamalas ang pagkaunawa at pagkatuto sa tamang paggamit ng Gabay


sa Kurikulum

Mga Kagamitan: puting papel, puzzle ng Balangkas Konseptwal para sa EsP,


manila papers, masking tape, Gabay sa Kurikulum para sa
ikalawang baitang

Target na Gagamit: pangkat ng tagapagsanay sa rehiyon at dibisyon para sa


pagsasanay ng mga guro sa Ikalawang Baitang

Nakalaang Oras: 1 oras

Panimula:

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) ay isang mahalagang aralin na


naglalayong linangin at paunlarin ang pagkataong etikal ng mag-aaral. Nilalayon din
nito na gabayan ang mag-aaral na mahanap/matagpuan ang kabuluhan ng kanyang
buhay at ang papel niya sa lipunang Pilipino upang makibahagi siya sa pagtatayo ng
pamayanang pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan at pagmamahal.

Upang maipamalas ito, kailangang taglay niya ang limang pangunahing


kakayahan: pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, pagpapasya at pagkilos. Ang mga
pangunahing kakayahang ito ay makikita sa mga prosesong alamin/isaisip, isagawa,
isapuso, isabuhay at subukin, na inaasahang matutuhan ng mga mag-aaral sa simula
sa murang edad.

Ang mga pangunahing kakayahang ito ay nililinang sa apat na tema: 1)


Pananagutang Pansarili at Pagiging Kasapi ng Pamilya, 2) Pakikipagkapwa-tao, 3)
Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa, at 4) Pananalig
sa Panginoon at Preperensya sa Kabutihan. Ang mga temang ito ay nakasanib sa
lahat ng baitang mula una hanggang ikaanim na baitang.

Gawain:

1. Pangganyak / Panimulang Gawain

EsP Sesyong Patnubay 1 para sa TOT sa Ikalawang Baitang ng K to 12 BEP)/jbg - April 2013 Page 1
a. Simulan ang sesyon sa pagtanong sa mga kalahok ng sumusunod:
a.1. Ano ang kaibahan ng Tao sa Hayop?
a.2. Bakit sila tao at bakit sila hayop?

b. Ipakita ang diagram na nasa ibaba.

TAO HAYOP

c. Bawat kalahok ay guguhit o maglalarawan sa puting papel ng taong


MARUNONG MAGPAKATAO at taong DI-MARUNONG MAGPAKATAO. Ididikit
ang mga ito sa manila paper o cartolina.

2. Gawain 1

Paksa: Pagkilala at Paglinang ng Balangkas Konseptwal para sa


Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)

Kagamitan: puzzle ng Balangkas Konseptwal para sa EsP, manila papers,


masking tape

Mga Gawain: (10 minuto)

a. Pagpapangkat Pangkat. Hatiin ang mga kalahok sa apat na grupo.

b. Pumili ng tagapagsalita o lider sa grupo at tagapagtala.

c. Bigyan ang bawat isang grupo ng envelope na may puzzle ng Balangkas


Konseptwal na kanilang bubuuin.

d. Pabigyang-kahulugan ang nilalaman ng Balangkas Konseptwal:


Unang pangkat - gitnang bahagi at unang layer ng
balangkas
Ikalawang pangkat - ikalawa at ikatlong layer ng balangkas
Ikatlong pangkat - itaas na bahagi ng balangkas
Ikaapat na pangkat - ibabang bahagi ng balangkas

e. Magkaroon ng palabunutan kung sinong grupo ang magiging una,


ikalawa, ikatlo at ikaapat na pangkat.

f. Magtalakayan at maghanda sa pag-ulat sa harapan.

Pagsusuri: (10 minuto)

a. Ipasagot ang mga tanong:


a.1. Ano-ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng inyong mga
disenyo? Saan kayo nagkakaiba at saan kayo nagkakapareho?

EsP Sesyong Patnubay 1 para sa TOT sa Ikalawang Baitang ng K to 12 BEP)/jbg - April 2013 Page 2
(Isulat ang lahat ng sagot sa pisara o maaaring gumamit ng
meta cards)
a.2. Bakit may pagkakaiba at may pagkakapareho ang mga
framework na nagawa at naipaskil sa pisara?
b. Bakit naiiba ang inyong disenyo sa framework ng CO? Banggitin ang
batayan at pinagsanggunian.

Paghahalaw: (15 minuto)

a. Pagpapaliwanag hinggil sa:


a.1. Framework na ginawa ng mga kalahok (yung naproseso na).
a.2. Framework ng CO na ang tutunguhin ay ang Batayang Teorya
at Pilosopiya. Isunod kaagad ang Kompetensiya at bigyan ng
kaugnayan ang mga Framework at Gabay Kompetensiya.
a.3. Paglalagom ng kabuuan ng proseso. Kung may gagamiting
powerpoint presentation, gamitin ito nang mabilisan subalit
maiintindihan at maliwanag.

Paglalapat: (10 minuto)

1. Sumulat ng isang maikling sanaysay sa iyong journal hinggil sa kaibahan ng


asignaturang EsP sa ibang disiplina.
2. Gumawa ng lecture-demo sa EsP kung haharap ka na sa iyong mga
sasanaying mga guro sa ikalawang baitang.

Pangwakas

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao ay isang asignaturang napakahalga upang


gabayan ang bawat mag-aaral na magpasya at kumilos ng may pananagutan tungo sa
kabutihang panlahat.

Layunin nito na matutuhan ng mga mag-aaral ang tunay na kahulugan ng


pagpapakatao.

Ang hamon sa ating mga sarili bilang mga guro, magulang, tagamasid at sa
lahat, ay ang patuloy na paggabay at pagiging madelo sa mga mag-aaral para patuloy
nilang taglayin ang kanilang natutuhan.

EsP Sesyong Patnubay 1 para sa TOT sa Ikalawang Baitang ng K to 12 BEP)/jbg - April 2013 Page 3

You might also like