You are on page 1of 3

Pangako sa’yo

Buod ng telenobela:

Nagsimula ang teleserye sa pag-iibigan nina Amor at Eduardo. Tutol ang ina ni Eduardo na si
Benita dahil kasambahay noon si Amor, at sa halip, nais niyang ipakasal ang anak sa anak ng
Gobernador ng Punta Verde na anak rin sa labas na si Madam Claudia dahil sa interes
pampolitika. Umikot din sa istorya sa masalimuot na pagmamahalan nila Angelo, anak ni
Governor Eduardo Buenavista at Claudia. At si Yna ang anak ni Amor.
Ang tunay na pagkatao ni Yna ay nanatiling mysteryo. Pagkasilang ni Amor sa kanyang anak na
pinaganlanan niyang Maria Amor, ito’y kanyang ibinilin muna sa kanyang ina sa tambakan.
Tumungo sa Amerika si Amor dahil sa nakapangasawa niya na isang mayamang Amerikano na si
Mr. Powers. Isang trahedya ang nangyari sa tambakan at inakalang namatay na ang kanyang
anak na si Maria Amor. Magkagayunpaman, nakaligtas ang anak ni Amor sa sakunang nangyari
sa tambakan, inampon siya ng mag-asawang Magaspac at pinangalanang Yna.
Nabuhay si Yna bilang katulong sa tahanan nila Madam Claudia kung saan naging miserable ang
kanyang buhay. Bumalik na si Amor sa Pilipinas bilang si Amor Powers, kilala sa mundo ng
pagnenegosyo, naghahanda para sa kanyang paghihiganti sa mga Buenavista, lalo na kina
Claudia at Eduardo. Ang pinakahihintay na pangyayari ay ang pag-siwalat ng katotohanan na si
Yna ay ang nawawalang anak ni Amor. Lumabas din na si Angelo ay anak ni Claudia sa ibang
lalaki na nagsasabing hindi magkapatid sa ama sina Yna. Sa huli, nagsama sina Eduardo at Amor,
nagsama ng masaya si Yna at Angelo.

Nagsimula ang teleserye sa pag-iibigan nina Amor at Eduardo. Tutol ang ina ni
Eduardo na si Benita dahil kasambahay noon si Amor, at sa halip, nais niyang
ipakasal ang anak sa anak ng Gobernador ng Punta Verde na anak rin sa labas
na si Madam Claudia dahil sa interes pampolitika. Si Diego (Alex Castro), na
may lihim na pag-hanga kay Amor, ay pinakiusapan ng ina na paghiwalayin ang
dalawa. Nang balak gahasain ni Diego ang babaeng pinakamamahal niya,
napagkamalan ng kapatid na may relasyon ang dalawa, at nagpasyang
magpakasal kay Claudia. Umalis si Amor sa Hacienda Buenavista, na noo'y
nagdadalantao, upang bumalik sa tambakan ng basura kasama ang kanyang ina
na si Chayong (Ericka Jean Garcia). Nang mabasa niya sa lumang dyaryo na
kasal na sina Eduardo't Claudia, nangako si Amor na gaganti sa kanila.
Pagkatapos magluwal ng isang sanggol na pinangalanang Maria Amor Powers
Buenavista, nagtrabaho sa bar si Amor, kasama ang kaibigang si Lourdes (Paul
Benedict). Dito, nabihag niya ang puso ng isang mayamang Amerikano, nang
maglaon ay sinama siya pabalik sa Amerika, iniwan ang anak at sariling ina sa
tambakan. Gayunman, nagpapadala pa rin ng pera si Amor sa kanyang naiwan
sa Pilipinas.
Abusado ang napangasawa ni Amor. Nang may nangyaring sakuna sa
tambakan, hindi pinayagan ni James Powers si Amor na makabalik ng Pilipinas
dahil sa pag-aakalang patay na ang kanyang naiwang mahal sa buhay. Gumanti
siya sa pang-aabuso ng asawa nang hindi niya ito ipinagamot nang magka-
stroke si Mr. Powers. Dahil dito, namana ni Amor ang lahat ng perang naiwan ng
asawa.
May dalawang anak sina Eduardo at Claudia: sina Angelo at Lia. Tinutuligsa ni
Angelo (Angelo Illagan) ang kanyang ama, samantala si Lia (Rosalyn Marzan) ay
isang mabait na dalaga. Ngayon, Gobernador na ng Punta Verde si Eduardo, at
si Claudia ay naging kilala sa pagiging "Reyna ng mga Sugarol".
Magkagayunpaman, nakaligtas ang anak ni Amor sa sakunang nangyari sa
tambakan, at inampon siya ng mag-asawang Magaspac: Isko (Alex Benito) at
Belen (Amy Austrellia). Ang mag-asawa ay meron nang isang anak, si Caloy
(Jay Manalo). Nakita nila ang mga larawang iginuhit ni Eduardo kay Amor, na
may lagdang "Ynamorata". Nakalagay ito sa tabi ng sanggol o yun naka-
pangalan ito sa purseras, at nagpasya ang mag-asawa na ipangalan ang
sanggol na Ynamorata, o Yna. Dumating din kalaunan ang bunso, si Flerida
(Hazel Ann Mendoza).
Nagsisi si Benita na ipinkasal niya ang anak sa isang napakasamang babae. Sa
mga huli niyang sandali, inamin niya na pakana niya ang paghiwalayin sina
Eduardo at Amor, pero nalagutan na siya ng hininga bago siya
makapagpaliwanag. Dumadalaw si Benita sa mga panaginip ng ngayo'y dalaga
nang si Yna (Madelyn Maruzzo) para pagsisihan ang kanyang mga pagkakamali.
Naaksidenteng nagkakilala sina Yna at Eduardo. Kinagabihan, nanaginip muli si
Yna: pinapakita ni Benita sa dalaga ang mga pagkakamaling nagawa niya sa
kanyang pamilya. Dahil dito, nagpasya si Yna na maging kasambahay sa
Hacienda Buenavista.
Nahulog ang mga loob nina Angelo at Yna, kahit tutol si Claudia sa nasabing
relasyon. At dahil mababa ang tingin ni Claudia sa mga kasambahay, ginawang
impyerno ni Yna ang buhay ng madam sa loob ng mansiyon ng mga Buenavista.
Bumalik na si Amor sa Pilipinas bilang si Amor Powers, kilala sa mundo ng
pagnenegosyo, naghahanda para sa kanyang paghihiganti sa mga Buenavista,
lalo na kina Claudia at Eduardo. Ang pinakahihintay na pangyayari ay ang pag-
siwalat ng katotohanan na si Yna ay ang nawawalang anak ni Amor.
Gayunman, mas kumplikado pa ang sumunod na pangyayari: dahil nalaman na
si Eduardo ang tunay na ama ni Yna, magkapatid silang dalawa sa ama ni
Angelo. Sa kalaunan, hindi si Eduardo ang ama ng binata; nung una, si Simon
(John Arcilla) ang pinaghihinalaan, ngunit ang lumalabas na tunay na ama ng
binata ay si Diego (siya'y ampon ng mga Buenavista at hindi talaga sila
magkapatid ni Eduardo), na nakabuntis ng isang babaeng namatay sa
pagkakapanganak na si Thelma.
Lumalabas din na babae ang iniluwal na sanggol ni Claudia o yun anak nilang
dalawa ni Simon. Pinagpalit ng ama nito ang mga bata, sapagkat naniniwala
siyang lalake ang magiging tagapagmana ng kanyang kayamanan. Maria Amor
Powers (Dianne dela Fuente) ang pangalan ng sanggol, na pinalaki ni Lola
Puring Zalameda (Anita Linda), kaya napaniwala siya na anak ito ni Amor.
Datapwat, Clarissa ang totoo nitong pangalan, at napapaniwalang ito ang
totoong anak nina Eduardo at Amor, kasama na si Claudia. Pinatay ni Claudia si
Clarissa sa pamamagitan ng pag baril sa ulo upang makaganti sa kanyang
karibal. Nadurog ang kanyang loob nang malaman kung ang totoong Maria
Amor. Nang dumating siya sa kasal nina Yna at Angelo, humihingi na ito ng
pagpapatawad sa lahat dahil nakita niya ang kaluluwa ng anak. Nabilanggo si
Claudia, at kasama nito ang abo ng anak, malayo sa dating buhay.
Sa huli, nagsama sina Eduardo at Amor, nagsama ng masaya si Yna at Angel

You might also like