You are on page 1of 4

Mga Tauhan:

- Celio: Diyos na may kapangyarihang maniuplahin ang takbo oras at alalahanin ang bawat pangyayari
sa kanyang buhay
- Malaya: Diwata na may kakayahang burahin ang mga ala-ala; ginagabayan ang mga taong
pinaparusahan ng mga diyos upang makamit nila ang hustisya
- Silas: Diyos ng kagubatan at hustisya // Sindira: Diyos ng mga sakuna
Tagpuan:
- Querencia (isang malawak na lupaing hindi alam ng karamihan. Dito nabuo ang samahan ng dalawang
bida sa kwento). // Merania (lugar ng paghahatol at palasyo ni Celio)
Mga Aral:
- maaaring magbago ang takbo ng buhay sa isang iglap… dapat pahalagahan mo kung anong meron ka
dahil bukas makalawa-- o kahit sa isang kisapmata, maaaring mawala ito sa’yo
- hindi masasagot ng kahit anong yaman o kapangyarihan ang lahat ng mga problema mo
Gamit ng Pandiwa:
1. Aksyon - Si Vedasto ang gumawa nito.
2. Karanasan - Nagluksa siya kasabay ang pagbuhos ng ulan.
3. Pangyayari - “LUMILINDOL!!!!”
Pokus ng Pandiwa:
1. Aktor - Ang tanging nakatira dito ay si Celio
2. Layon - Magsisilbing malambing na tugtugin ang huni ng mga ibon ang sa pag-iisang dibdib nila.
3. Pinaglalaanan ng kilos - “Ipinagbabawal na sa amin iyon”, “Ano nga palang maipaglilingkod ko sa
inyo ginoo?”
4. Kagamitan - “Ipinangukit ni Celio ang bakal sa ginto at diyamanteng singsing upang magkaroon ito ng
disenyong animo’y bulaklak.”
Kalinaw
Jane B. Armamento // Baitang 10 - Newton

Sa malawak na lupain ng Merania, nakatayo ang isang palasyong purong gawa sa diyamante at mga
mamahaling bato. Ang tanging nakatira dito ay si Celio. Siya’y diyos na may kapangyarihag manipulahin ang
takbo ng oras, at alalahanin ang bawat pangyayari mula sa kanyang pagkabuhay hanggang sa kasalukuyan.
Siya ang bukod tanging diyos na nakasaksi sa lahat, ngunit sa lahat ng kanyang kayamanan at
kapangyarihan-- kailanma’y hindi niya nagustuhan ang ideya ng pagbabago. Palaisipan niya palagi kung bakit
kailangan na ang lahat ng bagay ay pansamantala lamang. Gamit ang mahiwagang tubig na umaagos mula
tuktok ng palasyo, tinatanaw niya ang mga mortal upang masigurado ang balanse ng kanilang mundo. Tuwing
may paghahatol, siya ay nagbabagong-anyo upang masaksihan ang ito nang hindi nakikilala ng mga taong
kasama dito. Hindi na bago sa kanya ang eksenang ito-- ayon kay Silas na diyos ng kagubatan at hustisya,
mayroong mangingisda na nagnakaw ng bagong aning palay at mga gulay ng isang matandang magsasaka sa
lupaing Querencia.
“Ginoong Silas, maaari ko bang malaman kung saan matatagpuan ang sinasabi niyong lupain?” ani
Celio na nag-anyong matandang binata ngayon.
“Mawalang galang na ho, pero sino po sila? Ngayon ko lang po kayo nakita, ginoo. Maaari ho ba
naming malaman kung ano ang iyong pangalan?” dahil sa pagkabigla, binalik ni Celio ang oras noong
isinasalaysay ni Silas ang kaso. Nanood na lamang si Celio at nakinig nang mabuti sa panig ng inakusahang
mangingisda.
“Ginoong Silas, nakasisigurado akong hindi ako ang nagnakaw ng mga ani nila! Nabigla na lamang ako
noong pagkabalik ko sa aking bangka’y naroroon na ang mga ani ni mang crisanto!”
“Sinasabi mo bang maaaring mayroong naglagay nito upang ikaw ang parusahan ng mga diyos?”
Napalingon si Celio nang marinig niya ang hindi pamilyar na boses. Tila ba’y bumagal ang takbo ng oras. Hindi
niya naiwasang mahalina sa kagandahang taglay ng diwata… kahit sa malayo kitang kita ang ganda ng
kaniyang morenang kutis na mas lalong kapansin-pansin nang masinagan ito ng ginintuang sinag ng araw.
Nakaladlad ang kaniyang itim na buhok, may pagkakulot sa bandang dulo. Ang kaniyang mga pisngi ay
mamula-mula katulad ng kaniyang mga labi. Sa hindi inaasahang pagkakataon, sumabay sa simoy ng hangin
ang pagsayaw ng kaniyang puting bistida. Napatingin ang diwata sa direksyon ni Celio, at tila’y naestatwa ang
diyos nang nahumaling sa nagniningning na mga mata ng babaeng hindi niya kilala. “Tila’y isang bituing
nagmula sa langit” naisip nito. Nang dumapo sa iba ang tingin ng diwata, nagpatuloy ang paghahatol.
“Opo binibing Malaya… Ayoko sanang magbintang pero malakas ang pakiramdam ko. Si Vedasto ang
gumawa nito…”
“At nagawa mo pa talagang mandamay ng kapwa mo ginoo? Ayon sa isang nakasaksi ikaw talaga ang
nagnakaw ng mga ani kaya’t huwag mong sisihin ang katrabaho mo sa iyong kagagawan… dahil diyan ika’y
mapaparusahan at ikukulong sa--”
“Silas hindi naman yata tamang parusahan agad ang inakusahan nang hindi napakikinggan nang buo
ang panig niya? Mang Crisanto maaari mo bang isalaysay ang iyong panig?” Tumango ang mangingisda sa
sinabi ng diwata. Nang matapos ang pagsasalaysay, natagpuan nilang hindi kasalanan ng mangingisda o
kaniyang katrabaho ang nangyari, sinadya ito ng magsasaka marahil may galit ito sa magkaibigang Crisanto at
Vedasto. Matapos ang paghahatol nagsiuwian na ang mga mortal ngunit nanatili si Celio sa kaniyang upuan.
Hindi niya mawari ang taglay ng diwatang kabutihan at kagandahan, sadyang siya’y nabighani. “Ginoo maari
bang makiupo?” Nagulat si Celio nang marinig niya muli ang boses na iyon kaya dali-dali siyang tumango.
“Hindi pa kita nakita noon, tagarito ka ho ba?” Hindi nagsalita si Celio at umiling lamang bilang tugon.
“Nakakapagsalita ho ba kayo?” Tumango muli si Celio. “Ano hong pangalan niyo?” Muling binalik ni Celio ang
oras nang marinig ang tanong na ito-- habang bumabalik ang lahat sa nakaraan tumawa ang diwata. “Nakita
kita kanina, ginawa mo rin ‘yan noong tinanong ka ni Silas kung sino ka pero ngayon sigurado na akong ikaw
ang diyos ng oras. Tama ba, ginoong Celio?” Natulala ang diyos sa sinabi ng diwata. “Ikinagagalak ko ho
kayong makilala ginoo, salamat sa oras na inilaan mo upang masaksihan ang paghahatol” matapos iyon ay
naglaho na ang diwata sa kawalan at umuwi si Celio sa kaniyang palasyo.

Ginugol ni Celio ang kaniyang oras para alamin kung ano ang lupaing Querencia. Natagpuan niyang
dito namamalagi si Malaya. Muli siyang nagbago ng anyo upang puntahan ang lupain para makita ang diwata.
Napalilibutan ng matatangkad na punongkahoy ang lupain, makikita rin ang isang mahiwagang lawa na
nakapagsasabing mayroong kapangyarihang magpagaling ng anumang sakit. Kalmado niyang tinamasa ang
tanawin, ibang-iba ito sa nakasanayan niyang palasyo na tahimik. Dito, maririnig mo ang agos ng tubig mula
sa talon at ilog, ang huni ng mga ibon, at ang hangin na tila ba’y kumakanta ng napakagandang awit. Sa hindi
kalayuan nakita niya ang diwata, mag-isa at nakatingin sa malayo. Humakbang siya papalapit ngunit naglaho
ang diwata kasabay ang simoy ng hangin. “Huli ka!” Pambibigla ng dalaga kaya’t napaatras ang binata.
“Paano mo nalamang andito ako?” “Sinabi sa’kin ng mga puno na may nagmamasid mula sa’king likuran”
Hindi na nakapagsalita ang binata kaya binalot sila ng sandaling katahimikan. “Ano nga palang maipaglilingkod
ko sa inyo ginoo?” “Maaari mo ba akong samahan na maglibot dito?” Tumango ang diwata at hinawakan ang
kamay ng binata upang gabayan siya sa kanilang pupuntahan. Dahil sa ginawa ng diwata tanging pagtibok ng
puso ang nararmdaman ng diyos. Sa unang pagkakataon, nagustuhan ni Celio ang pagbabago-- ang pagsibol
ng mga puno, ang mga hayop na malayang nakapaglilibot, ang mga bulaklak na may kakaibang halimuyak…
Kung tatanungin ang binata, isang salita lamang ang makapagpapaliwanag ng kaniyang nararamdaman sa
lugar. Kalinaw… payapa, tahimik, kalmado, walang pagkabahala. Nagpasya si Celio na mamalagi muna sa
Querencia, sampung buwan bago matapos ang taon. Sa unang buwan, kinabisado niya ang mga lugar at
pasikot-sikot ng lupain. Kasama niyang nanirahan si Malaya sa isang tahanan sa tuktok ng isang burol; dito,
natuto siyang magsaka, magpastol, magluto, at iba pa. “Laya, anong gusto mong gawin bago matapos ang
taon?” Natawa ang diwata sa tanong ng diyos “Gusto kong sulitin ang oras na meron ako… gusto kong
masaksihan ang pagbago ng mundo” “bukod pa diyan, may gusto ka pa bang gawin?” “hmm… gusto
kong maranasan ang magmahal” pekeng tumawa ang diwata at nagpatuloy “Ipinagbabawal sa amin iyon”
“bakit naman” “hindi ko rin alam, ikaw ba? Anong gusto mong gawin? Mukhang wala na kasi
kontrolado mo lahat… sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ka pa naririto. Sa palasyo mo naroroon ang lahat
ng kailangan mo, dito kailangan mong paghirapan lahat” Ngumiti si Celio sa narinig. “Kaya ako nananatili dito.
Sa palasyo wala akong ibang magawa, bukod sa pagmumuni-muni at mapag-isa”. Sa paglipas ng panahon
unti-unting nasanay ang dalawa sa presensya ng isa’t isa; hindi nila namamalayang unti-unti na rin silang
nahuhulog. “Marunong ka bang sumayaw?” “Hindi ako nakasisigurado, tanging pagsabay sa musika lamang
ang alam ko” Hinawakan ni Celio ang kamay ni Malaya at ginabayan itong tumayo upang maisayaw ang
diwata. Takipsilim nang unti-unti silang binuhat ng amihan at mga alitaptap papunta sa himpapawid. Kasabay
ng paglubog ng araw ang pagsikat ng buwan at paglitaw ng mga tala sa kalangitan. Hindi nila maipaliwanag
ang nararamdaman… Ang mga kuliglig at hampas ng alon ay parang pamilyar na tinig, na sinabayan ng
kundiman ng binata habang sumayaw sila sa ulap-- hindi nila namalayang naabutan na nila ang bukang
liwayway. “Para bang sumasang-ayon sa atin ang kalawakan” bulong ni Celio. Walong buwan na simula noong
sila’y magkakilala-- napalapit sila sa isa’t isa at hindi nila napigilang marahuyo. Nakaraan ang ilang linggo at
ngayo’y nanatili sila sa ilalim ng liwanag ng buwan, pinagmamasdan ni Malaya kung paano kumikinang ang
mga tala; kinakabisado naman ni Celio ang mukha ng diwata dahil sa takot na baka biglang mawala ang lahat.
Ngayon ay isang buwan bago sumapit ang bagong taon, at pinlano ni Celio kung paano niya pakakasalan ang
diwata. Sa daanang puno ng liryo ng tubig maglalakad ang diwata kasabay ang mga kuneho, tupa, at mga
sisne. Magsisilbing malambing na tugtugin ang huni ng mga ibon ang sa pag-iisang dibdib nila. Ipinangukit ni
Celio ang bakal sa ginto at diyamanteng singsing upang magkaroon ito ng disenyong animo’y bulaklak..
Hinanda na rin niya ang engrandeng trahe de boha ng diwata na siyang isusuot sa kasal. PInlano niya ring
dalhin si Malaya sa palasyo upang doon na lamang sila manirahan. “May problema ba?” tanong ni malaya
“Wala. Bukod tangi ka sa lahat, sinta. Lagi’t lagi akong mananatili sa tabi mo” Sagot ni Celio bago awitan si
Malaya ng Kundiman at nakatulog agad ang diwata kaya binuhat ito ng diyos pabalik sa kanilang tahanan.
May kakaibang pakiramdam na bumalot kay Celio noong gabing ‘yon, halong kaba at takot sa sunod na
mangyayari. Alam niyang patas ang mundo at kahit anong pigil niya dito’y alam niyang kailangang balanse ang
lahat. Ang sobrang kasiyahan, may kapalit na sobrang kalungkutan.

Naghahanda lamang sila para sa maliit na pagdiriwang nang makaramdam sila ng malakas na
pagyanig ng kapaligiran. “LUMILINDOL!!!!” Rinig nila. Agad na lumabas ang magkasintahan at hindi nila
inaasahan ang kanilang nakita- nagkawatak-watak ang grabang daanan, tumumba ang mga punongkahoy, at
karamihan sa mga hayop ay makikitang walang malay sa kanilang harapan. Para bang gumuho ang kanilang
mundo sa nasaksihan. Sumalubong rin sa kanila ang makapal na usok, hindi na bago sa kanila ang amoy na
ito dahil alam nilang mula ito sa sunog. Pilit nilang hinanap ang pinagmulan ng mga ito at narating nila ang
isang gusaling gawa sa ginto… ang bahay ni Silas. Lumabas ang may-ari ng gusali habang umiiyak at puno ng
takot sa kanyang mga mata. “Malaya, Celio.... Tumakbo na kayo… parating na siya…” “parating sino?”
natahimik si Silas, walang lumalabas na mga salita mula sa kanya “parating na... siya?” Tumango si Silas at
pinakita sa kanila ang lagusan papuntang palasyo ni Celio. Dapithapon na nang natagpuan nila ang
nagsisilakbong diyos ng mga sakuna, si Sindira. Nanginginig sa takot ang diwata nang makita niya ang diyos
at tinangkang umalis ngunit nahawakan agad ni sindira ang palapulsuhan nito bago pa siya makagalaw.
Umalingawngaw ang tunog ng pagdampi ng kamay ng diyos sa pisngi ng diwata na kinagalit ni Celio. Ibabalik
sana ni Celio ang oras bago pa sila makapanik sa palasyo ngunit sa isang iglap nakita niya ang pagtama ng
kidlat kina Silas at Malaya, naglaho na rin si Sindira. Nanginginig na lumapit siya sa nakahandusay na katawan
ng dalawa. Si Silas ay nagising matapos ang ilang minuto, ngunit hindi parin bumabangon si Malaya. Dinala ng
dalawang diyos ang diwata papunta sa mahiwagang lawa at noon palang ito nagising. Kasabay ng mahigpit na
yakap hindi siya nagdalawang isip na sabihin ang mga salitang hindi niya pa nasasabi noon “Hindi kita
pababayaan, tinatangi. mahal kita hanggang sa walang hanggan lagi’t lagi” Sa kasamaang palad, gamit ang
natitirang lakas, binura ni Malaya ang lahat ng ala-ala at pagkakilanlan sa kanya ni Celio...tuluyan nang
bumagsak ang kaniyang katawan at tuluyan na siyang pumanaw. Nang matauhan muli si Celio, naguluhan
siya sa paligid niya-- hindi ito ang palasyong tinitirahan niya at bago lahat sa paningin niya.
Dumating ang bagong taon at kasabay ng pagputok ng mga kuwitis naalala niya ang lahat. Agad
siyang bumalik sa Querencia. Ang dating payapa at kalmado ay nakakabingi na sa kanya… Hindi na ito ang
lugar na dating kinikilala niya. Sa lawa, sinubukan niyang ibalik ang oras ngunit ikinagulat niyang hindi na ito
gumagana. Tuluyan nang nanghina si Celio dahil naubos ang kaniyang lakas sa pag-asang maibabalik niya
ang oras. Nagluksa siya kasabay ang pagbuhos ng ulan. Matapos ang gabing iyon bumalik siya sa palasyo at
naghintay, nagbabakasakaling mabuhay muli bilang isang mortal ang diwata ngunit dumaan ang mga siglo at
milenyo nang hindi niya ito natagpuan muli.

You might also like