Professional Documents
Culture Documents
LS1F - JHS - LAS5 - Pagsulat NG Tula
LS1F - JHS - LAS5 - Pagsulat NG Tula
LS1F - JHS - LAS5 - Pagsulat NG Tula
PANGALAN PETSA
PAARALAN/CLC DISTRITO
LEBEL Basic Literacy Lower Elementary Advanced Elementary Junior High School Senior High School
I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Tula ay akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay, na hinango sa guniguni,
pinararating at ipinahahayag sa ating damdamin sa pananalitang may angking
kariktan o aliw-iw.
Mga Elemento ng Tula
Sukat ay ang bilang ng pantig sa taludtod ng saknong, kung saan karaniwang gamitin ay
ang labindalawa , labing-anim at ang labingwalong pantig.
HALIMBAWA: Ma/ri/kit /na/ mga/ ta/la/ sa/ ka/la/ngi/tan
Tugma ay ang pare-parehong tunog sa mga huling pantig sa mga taludtod.
HALIMBAWA: mata- sinta , ako- puso
Talinghaga ay ang paggamit ng mga di pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit
at mabisa ang pagpapahayag ng saloobin sa tula.
HALIMBAWA: Ang Pilipinas ay perlas sa kagandahan.
Saknong ito ay ang pagpapangkat ng mga taludtod sa tula. Pangkaraniwang ginagamit
ang saknong na may dalawa(couplet), tatlo( tercet) at apat (quatrain) na
taludtod.
Larawang – Diwa( imagery)ay ang mga salitang binabanggit sa tulang nasiyang nag-
iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mga mambabasa.
HALIMBAWA: Pumula sa dugo ng kalabasang puksa,
Naglambong sa usok, bangis ay umamba
Simbolismo ay ang mga salitang ginagamit sa tula na may kahulugan sa mapanuring
isip ng mambabasa.
HALIMBAWA: tinik- pagsubok/hirap ; bituin- pangarap
Kariktan ay ang tamang pagpili ng mga salita, kataga , parirala, imahen o larawang diwa,
tayutay o talinghaga at mensaheng taglay ng tula.
II. MGA GAWAIN
Sumulat ng isang tulang tungkol sa iyong mga magulang na binubuo ng apat na
saknong o higit pa na mayroong parehong sukat bawat taludtod.
Mga Batayan sa
Pagbibigay ng Puntos
Bilang ng saknong- 2
Tugma- 2
Talinghaga- 2
Simbolismo- 2
Larawang diwa- 2
--------------------------------
-
Kabuuang Puntos 10