You are on page 1of 1

ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM

REGION X- NORTHERN MINDANAO

ACTIVITY SHEET FOR LEARNING STRAND 1: FILIPINO COMMUNICATION SKILLS

PANGALAN PETSA

PAARALAN/CLC DISTRITO

LEBEL  Basic Literacy  Lower Elementary  Advanced Elementary  Junior High School  Senior High School
Paksang
Mga Elemento ng Mito, Alamat at Kwentong Bayan LAS No. 10 ISKOR
Pamagat
Kasanayan Naipapaliwanag ang tema at iba pang elemento ng mito/ alamat/kwentong-bayan batay sa
Pampagkatuto nabasang mga halimbawa nito.

I. KONSEPTONG PANGNILALAMAN
Mito - kwentong tungkol sa mga Diyos at Diyosa.
Alamat – isang panitikan na naisulat na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng mga bagay-
bagay.
Kwentong-bayan - pasalin dila na tungkol sa kultura, pamumuhay, at karanasan ng
isang lugar o pangkat.
Tema – ito ay ang nilalaman ng kwento o kung saan tungkol o hango ang kwento.
II. MGA GAWAIN
Basahin at unawain ang Alamat ng Pinya na nasa kahon. Pagkatapos basahin ay
suriin ang mga elementong nakapaloob sa alamat.

Alamat ng Pinya
ni Jonathan Josol
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Si Aling
Rosa at si Pinang. Lumaki sa layaw si Pinang, dahil mahal na mahal niya ang kaniyang
anak pinababayaan na lang niya ito. Gustong turuan ni Aling Rosa si Pinang sa mga
gawaing bahay ngunit palagi niya itong sinasabi na alam na niya ito.
Isang araw nagakasakit si Aling Rosa hindi siya makabangon kaya inutusan niya na
magluto ng lugaw. Ng nagluluto na ng lugaw si Pinang ay pinabayaan niya ito dahil sa
kalalaro ang nangyari ay nasunog, pinagpasensiyahan na lang niya ito. Ang sakit ni Aling
Rosa ay nagtagal kaya napilitan si Pinang na gumawa ng gawaing bahay, lahat ng
kaniyang hinahanap ay tinatanong sa ina kaya nawika ng kaniyang ina na “sana’y
magkaroon siya ng maraming mata upang kung ano ang kaniyang hinahanap ay madali
niya Makita.”
Kinagabihan ay wala si Pinang kaya nabahala na si Aling Rosa. Pagkaraan ng ilang
araw ay wala pa rin si Pinang, nagtanong-tanong siya ngunit naglaho na parang bula.
Namangha si Aling Rosa na may halaman na tumubo na hugis-ulo ng tao at
napapalibutan ng mata. Naalala ng ina na tumalab ang kaniyang sinabi at siya’y
nagsisisi. Tinawag niyang Pinang at sa kalauna’y naging Pinya ang Pinang.

Ipaliwanag ang tema ng alamat.

Tema ng alamat
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

You might also like