You are on page 1of 7

Department of Education

Region III-Central Luzon


Schools Division of Pampanga
PORAC MODEL COMMUNITY HIGH SCHOOL
Pio, Porac, Pampanga
0922-557-1276/tiongcogil@gmail.com

Lesson Exemplar

Lesson Exemplar
Sa Filipino 7
KWENTONG-BAYAN
Unang Markahan

INIHANDA NI:

CHELSIE JADE S. BUAN


GURO I

MAY KINALAMAN SA NILALAMAN:

LENNIE M. YUZON
HEAD TEACHER

One DepEd…One Pampanga


Department of Education
Region III-Central Luzon
Schools Division of Pampanga
PORAC MODEL COMMUNITY HIGH SCHOOL
Pio, Porac, Pampanga
0922-557-1276/tiongcogil@gmail.com

Lesson Exemplar

PAARALAN PORAC MODEL COMMUNITY HIGH BAITANG 7


SCHOOL
GURO CHELSIE JADE S. BUAN ASIGNATURA FILIPINO
PETSA MARKAHAN UNANG MARKAHAN

I. Ano ang matututunan mo? (LAYUNIN)

Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito ay inaasahan kong matatamo mo ang mga
sumusunod na kasanayan:

a. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng


kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.

II. Ano na ba ang alam mo? ( Pagganyak na mga tanong/ Gawain)

Ano-ano na ba ang inyong nabasa o natalakay na kuwento noong kayo


ay nasa ika-6 na baitang pa lamang? Isulat ito sa ibabang kahon.

PAMAGAT ARAL

Ang panitikan ay nagsasabi o


nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin,
mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At
ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa
pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ang
salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-
titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay
ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik"
naman ay nangunguhulugang literatura
(literature), na ang literatura ay galing sa Latin na
littera na nangangahulugang titik

III. Pagpapalawak ng Aralin


Handa na ba kayo? Dumako na tayo
sa mga mahalagang bahagi ng
araling ito.
One DepEd…One Pampanga
Department of Education
Region III-Central Luzon
Schools Division of Pampanga
PORAC MODEL COMMUNITY HIGH SCHOOL
Pio, Porac, Pampanga
0922-557-1276/tiongcogil@gmail.com

Lesson Exemplar

NANG MAGING SULTAN SI PILANDOK

Ang kingagigiliwang Uan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw Si Pilandok.

Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isng
pagkakasalang kaniyang ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ay nanggilalas nang makita si
Pilandok sa kaniyang harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang
baywang ang isang kumikislap na ginintuang tabak. "Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang
tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni
Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka
na ngayon," ang wika ng sultan."Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapagkat nakita ko po ang
aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng
kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?"
ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang sultan.
Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat.

"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng
dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni
Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang
pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng
aking mga kamag-anak. "Umakmang aalis na si Pilandok."Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok.
"Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko
pang kamag-anak. "Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at
pinagsabihang walang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang
Sultan sa loob ng isang hawla.

"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi
ng sultan. "Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok. "Kapag
nalaman po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais
silang magtungo rin doon." Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang
pansamantalang sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang
One DepEd…One Pampanga
pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok."Hindi po ito dapat
malaman ng inyong mga ministro."
Department of Education
Region III-Central Luzon
Schools Division of Pampanga
PORAC MODEL COMMUNITY HIGH SCHOOL
Pio, Porac, Pampanga
0922-557-1276/tiongcogil@gmail.com

Lesson Exemplar

GAWAIN 1:

Pag-isipan Natin!
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod batay sa tinalakay na Kwentong-Bayan.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa Kwento?

2. Saan nagmula ang Kwento?

3. Ano ang dahilan kung bakit naging Sultan si Pilandok?

4. Ano kaya ang nangyari sa Sultan?

5. Bakit binigay ng Sultan ang kanyang mga ari-arian?

Gawain 2:

Kilalanin Natin!

One DepEd…One Pampanga


Department of Education
Region III-Central Luzon
Schools Division of Pampanga
PORAC MODEL COMMUNITY HIGH SCHOOL
Pio, Porac, Pampanga
0922-557-1276/tiongcogil@gmail.com

Lesson Exemplar

Panuto: Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa kuwentong bayan na nabasa sa


pamamagitan ng paglalagay ng mga salitang naglalarawan sa mga kahong nakapalibot sa
pangalan ng mga tauhan ng kuwentong bayang Naging Sultan si Pilandok.

Gawain 3:

One DepEd…One Pampanga


Department of Education
Region III-Central Luzon
Schools Division of Pampanga
PORAC MODEL COMMUNITY HIGH SCHOOL
Pio, Porac, Pampanga
0922-557-1276/tiongcogil@gmail.com

Lesson Exemplar

Piliin mo, Pinakawasto!


Panuto: Maghinuha sa mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa pangyayari o usapan nng mga
tauhan. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_____ 1. Bakit kailangang pag-aralan ng mga Pilipino ang mga panitikan mula
sa Mindanao kaugnay sa pag-unawa sa mga Mindanaoan?
A. Dahil hindi ito ganap na natatalakay sa pag-aaral ng panitikan ng
Pilipinas.
B. Nang mabatid nilang tama ang kanilang persepsyon sa mga tagaMindanao,
C. Sapagkat dumarami ang mga panitikang Mindanao na nalalathala sa
D. kasalukuyan.
E. Upang matutuhan nila ang ugat ng mga pag-uugali ng mga tao sa
Mindanao.
_____ 2. Bakit mahalagang malaman ng mga Pilipino ang buhay at kulturang
Mindanao?
A. Mababatid nila ang epekto ng digmaan sa Mindanao.
B. Makikilala nila ang magagandang tanawin sa Mindanao.
C. Masusuri nila ang pamamahala ng gobyerno sa Mindanao.
D. Mauunawaan nila ang mga kababayan sa Mindanao.
_____ 3. Ano ang katangian ni Pilandok sa kanyang pahayag na “Hindi po ako
namatay, mahal na sultan sapagkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa
ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng
kayamanan?”
Pamagat ng Kuwetong
bayanA. Nagmamagaling
B. Nagsisinungaling
C. Nagbabait-baitan
D. Nagmamayabang
_____ 4. Sino ang sinasagisag ni Pilandok sa kasalukuyang lipunan batay sa
katangiang ipinakita niya sa kuwent
A. Maramot na tao
B. Pulitikang gahaman
C. Isang taong tamad
D. Makasariling tao
_____ 5. Ano ang ipinahihiwatig sa pahayag ng sultan “Paanong nangyaring
ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na
ngayon”?
A. Nagulat
B. Nalilito
C. Nag-aalala
D. Nagtataka

IV. Pang-unawa

One DepEd…One Pampanga


Department of Education
Region III-Central Luzon
Schools Division of Pampanga
PORAC MODEL COMMUNITY HIGH SCHOOL
Pio, Porac, Pampanga
0922-557-1276/tiongcogil@gmail.com

Lesson Exemplar

Panuto: Ibigay ang mga katangian ni Pilandok at ng datu. Sino sa kanila ang nais mong tularan? Bakit?

Ang nais kong tularan ay si _____________________________ dahil _________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

One DepEd…One Pampanga

You might also like