You are on page 1of 2

KONSEPTONG PAPEL

“EPEKTO NG ESPASYO NG LUGAR SA PAG-AARAL NG ONLINE CLASS NG MGA


PILING ESTUDYANTE SA LAGRO HIGH SCHOOL
NG GRADE 11 HUMSS STRAND”
HUMSS 11 CABRERA
Capacite, Ranuel
Delote, Salvador
Francisco, Christian
Grondiano, Justice Andre
Mapalo, Shielo
Mendez, Luis Miguel
Ranjo, Jhayniel
Tribunalo, KC Princess

Rasyunal
Hindi natin masisiguro kung magkakaroon ng pagkatuto ang isang mag-aaral sa gitna ng
pandemya, kung ang kanyang paligid ay hindi maayos. Ang hindi organisadong espasyo kung
saan sya nag-aaral o nag o-online class ay may napakalaking dulot o epekto sa kanya bilang
isang estudyante. Tulad ng kawalan ng konsentrasyon, pabago-bago ng emosyon at kawalan ng
ganang makipaghalubilo sa iba. Ang maingay na kapaligiran tulad ng busina ng mga sasakyan,
away ng kapitbahay, tunog ng mga appliances at huni ng mga hayop ay isa rin sa mga
nakakaapekto sa pag-aaral ng bata. At dahil ito sa kawalan ng maayos na pwesto o espasyo sa
bahay ng mga mag-aaral na isang hadlangin upang mapagbutihan nya at mabigay nya ang buong
atensyon sa kanyang edukasyon.

Layunin
Layunin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay mapatibay ang konsepto na higit na
nakatutulong ang sariling espasyo sa pag-aaral at pagkatuto ng isang estudyante. Bukod dito,
layunin rin ng mananaliksik na makamit ang mga sumusunod:
1.Maipaliwanag ang maaring epekto ng kawalan ng sariling espasyo sa tahanan ng mga piling
mag aaral ng Lagro High School na nag o-online class.
2.Malahad ang mga kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling espasyo sa pang akademikong
performance ng mga piling mag aaral ng Lagro High School na nag o-online class.
3.Mapatunayan na nasa maraming magandang naidudulot ang pagkakaroon ng sariling espasyo sa
pag-aaral at pagkatuto ng mga piling mag aaral ng Lagro High School na nag o-online class.

Metodolohiya
Sa bahaging ito, malalaman ang mga paraan na isasagawa upang makamit ang mga layunin. Ang
pagkalap ng impormasyon ay sa paraan ng online survey na nilikha sa pamamagitan ng Google
Forms. Ang talatanungan ay may binubuo ng dalawang bahagi. Una, ang profile ng tagatugon
(edad, kasarian, pangkat) at ikalawa, ang mga katanungan na
gagamitan ng 5-point scale ni likert. Ang pamamahagi ng survey ay isasagawa sa online gamit
ang applikasyon na Facebook Messenger.

Sa parteng ito, matutuklasan ng mga mananaliksik ang mga impormasyon tulad ng karanasan,
saloobin, Kaalaman, at pananaw tungkol sa kanilang pampamilyang kapaligiran at paano ito
nakaaapekto sa kanila bilang mga estudyante na nag-aaral sa gitna ng pandemya. Animnapung
(60) estudyanteng respondente ang kukuhaan ng datos gamit ang survey. Ang datos na aming
makakalap ay itatala at susuriing mabuti upang mabigyang pansin ang kahulugan at masagutan
ang mga layunin ng pananaliksik.

You might also like