You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PIÑAS CITY
LAS PIÑAS CITY NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL - DOÑA JOSEFA CAMPUS
JOSEFA AVE., DOÑA JOSEFA VILLAGE, ALMANZA UNO, LAS PIÑAS CITY

Konseptong Papel

Ang Natatanging Paraan ng Pagkatuto ng mga Mag-


aaral sa Baitang 11 ABM sa Paaralang Las Piñas City
National Senior High School - Doña Josefa Campus:
Online Class o Face-to-Face Class?

Mga Mananaliksik:

Ella Mae M. Costales


Clavel O. Montes

Guro sa Filipino:

Ms. Dianna May Clemente

Paksa/Pamagat

 (02) 8-541-1801
 shsdonajosefa@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PIÑAS CITY
LAS PIÑAS CITY NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL - DOÑA JOSEFA CAMPUS
JOSEFA AVE., DOÑA JOSEFA VILLAGE, ALMANZA UNO, LAS PIÑAS CITY

Ang Natatanging Paraan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Baitang 11 ABM sa


Paaralang Las Piñas City National Senior High School - Doña Josefa Campus: Online
Class o Face-to-Face Class?

Rationale

Nakasanayan na ng mga mag-aaral ang pagpasok sa paaralan upang matuto sa


iba't ibang asignatura at larangan. Ang paraan ng pagkatutong ito ay kilala bilang face-to-
face class. Ayon sa pahayag ni Education Undersecretary Diosdado San Antonio sa ABS-
CBN News, ang paraang ito ay isinasagawa kung saan ang guro at estudyante ay mayroong
pisikal na interaksiyon sa kanilang pagitan sa loob ng paaralan. Ngunit sa pagdating ng
COVID-19 sa ating bansa, marami ang naapektuhan at nabago lalo na ang sektor ng
edukasyon (Parel, 2021). Ipinagbawal ang face-to-face class at inilunsad ng Department of
Education (DepEd) ang panibagong paraan ng pagkatuto na kung tawagin ay online class
(Aleta, et al., 2021). Sa mga nakaraang taon, dahil sa pandemya, karamihan sa mga mag-
aaral ay sumailalim sa alternatibong paraan na ito upang kahit papaano ay maipagpatuloy
pa rin ang kanilang pag-aaral. Ang online class ay isang plataporma ng pag-aaral kung
saan ay isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng internet at iba't ibang online
platforms. Layunin ng paraang ito ang mabigyan ng kaalaman ang lahat ng mga mag-
aaral kahit wala sa eskwelahan (Cabangon, 2020). Ayon pa kay Centeno-De Jesus (2020),
sa online class, hindi na kinakailangang lumabas pa ng bahay upang magtungo nang
personal sa klase ang mga estudyante para matuto at makaharap ang guro at mga kamag-
aral.

Sa susunod na taong panuruan 2022-2023, pinagpaplanuhan nang ibalik ang


nakasanayan nating face-to-face class. Kaya naman, ang papel na ito ay nilikha upang
alamin kung ano ang natatanging paraan ng pagkatuto, sa pagitan ng online class at face-
to-face class, ng mga mag-aaral sa baitang 11 ABM, sa paaralang Las Piñas City National
Senior High School - Doña Josefa Campus. Ang mga napiling mag-aaral ay sumailalim sa
online class at face-to-face class sa kasalukuyang taong panuruan 2021-2022. Pag-aaralan
din sa papel na ito ang benepisyong kanilang makukuha sa paraang kanilang pipiliin at
pinakagusto.

Mahalaga ang papel na ito sa mga mag-aaral, guro, at mga susunod na


mananaliksik. Makakaimpluwensiya ang papel na ito sa pagpili ng mga mag-aaral kung
ano ang paraan ng pagkatutong nais nila sa susunod na taong panuruan.

Malalaman din ng mga guro ang benepisyong dulot ng dalawang paraan ng


pagkatuto na makakatulong upang makaisip sila ng mga estratehiya sa kanilang pagtuturo
upang lalong maging epektibo at kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral, anuman ang
paraang kanilang piliin. Higit sa lahat, makakatulong ang papel na ito sa mga susunod na
mananaliksik sa paggawa ng kanilang sariling pag-aaral na may kaugnayan sa paksang ito.

 (02) 8-541-1801
 shsdonajosefa@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PIÑAS CITY
LAS PIÑAS CITY NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL - DOÑA JOSEFA CAMPUS
JOSEFA AVE., DOÑA JOSEFA VILLAGE, ALMANZA UNO, LAS PIÑAS CITY

Layunin:

Ang pangkalahatang layunin ng papel na ito ay malaman ang natatanging paraan


ng pag-aaral ng mga mag-aaral sa baitang 11 ABM, sa paaralang Las Piñas City National
Senior High School - Doña Josefa Campus. Bukod dito, layunin din ng papel na ito ang
mailahad ang mga benepisyong dulot ng paraan ng pagkatutong napili ng mga piling mag-
aaral, na napakahalaga sa pagbuo ng mga desisyon ng mga mag-aaral, guro, at mga
susunod na mananaliksik.

Metodolohiya

Ang pag-aaral na "Ang Natatanging Paraan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa


Baitang 11 ABM sa Paaralang Las Piñas City National Senior High School - Doña Josefa
Campus: Online Class o Face-to-Face Class?" ay isinagawa sa paraang depth interview sa
ilalim ng qualitatibong metodo, gamit ang online platform na messenger. Ayon sa
Wikipedia, ang depth interview ay isang uri ng pakikipanayam kung saan ang
kumakapanayam ay nagbibigay ng mga tanong sa kinakapanayam, na ang mga kasagutan
ay mga opinyon, paniniwala, saloobin at pilosopiya sa buhay.

Sa papel na ito, malalaman ng mga mananaliksik ang pipiliing paraan ng pagkatuto


ng mga mag-aaral sa pagitan ng online class at face-to-face class. Mailalahad din ng mga
respondante ang mga mga benepisyo nito sa kanila at sa iba pa.

Apat na estudyanteng respondante ang kukuhaan ng mga datos, dalawa sa mga ito
ay kasalukuyang nag-aaral sa online class, at ang dalawa pa ay sa face-to-face class.
Dalawang katanungan ang ibibigay ng mga mananaliksik upang makalap ang mga
impormasyong kinakailangan. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Ano ang mas gusto mong paraan ng pagkatuto? Online class o face to face class?

2. Bakit ito ang iyong napili? Ano-ano ang mga benepisyong dulot nito?

Mula rito, ang mga nakalap na datos ay maingat na itatala at susuriin upang
mabigyang-kahulugan at matugunan ang mga layunin. Sisiguraduhin ng mga
mananaliksik na ang bawat interpretasyon mula sa mga sagot ng mga respondante ay
tama, mapagkakatiwalaan, at walang binago.

Kinalabasang Resulta

Sa katapusan ng pangangalap ng mga kinakailangang datos, nalaman ng mga


mananaliksik ang piniling paraan ng pagkatuto ng mga respondante, kasama ang mga

 (02) 8-541-1801
 shsdonajosefa@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PIÑAS CITY
LAS PIÑAS CITY NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL - DOÑA JOSEFA CAMPUS
JOSEFA AVE., DOÑA JOSEFA VILLAGE, ALMANZA UNO, LAS PIÑAS CITY

benepisyong kanilang inilahad. Nabigyang-kahulugan at natugunan din ang mga layunin


ng papel na ito.

Tatlo sa mga respondante ay pinili ang face-to-face class sa kadahilanang nahahasa


ang kanilang memorya at communication skills dahil sa mga gawain at recitation na
isinasagawa ng bawat guro, mas mabilis at madali silang matuto, at may pantay-pantay na
oportunidad ng pagkatuto para sa mga mag aaral. Samantala, ang isa pang respondante ay
pinili ang online class bilang paraan ng pagkatuto, sapagkat ayon sa kan'ya, bukod sa
matututo siya rito ay mas ligtas siya, dahil nananatili lamang siya sa kanilang tahanan at
hindi mangangamba sa kaniyang kalusugan dulot ng virus. Isa pang benepisyong kaniyang
inilahad ay mas makakatipid siya sa gastusin para sa pamasahe.

Sanggunian

Journal

Aleta, J. A. et al., (2021). Epekto ng online class sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa


baitang 11 ng Saint Paul School of Professional Studies sa asignaturang Filipino
T.P. 2020-2021. StuDocu, 1-8

Cabangon, J. F. et al., (2020). Online Classes o Face to Face: Epektibong


pamamaraan sa kasalukuyang panahon ng mga piling mag-aaral. Scribd, 1-8

Parel, C. M. (2021). Epekto ng online classes sa mga estudyante sa panahon ng


pandemya sa baitang labin-dalawa ng Our Lady of the Pillar Seminary. Course
Hero, 1-7

Web Site

Centeno-De Jesus, D. (2020, Agosto 26).


Online Class, ang bagong normal na pag-aaral ng mga kabataan.
Galing sa https://www.akoaypilipino.eu/lifestyle/online-class-ang-bagong-normal-
na-pag-aaral-ng-mga-kabataan/

Walang May-Akda

Mga alternatibong paraan ng pag-aaral na isinusulong ng DepEd. (2020, Mayo 27)


Galing sa
https://www.google.com/amp/s/news.abs-cbn.com/amp/news/05/27/20/alamin-mga-
alternatibong-paraan-ng-pag-aaral-na-isinusulong-ng-deped

Pakikipanayam. (2020, Disyembre 20)


Galing sa https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pakikipanayam

 (02) 8-541-1801
 shsdonajosefa@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PIÑAS CITY
LAS PIÑAS CITY NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL - DOÑA JOSEFA CAMPUS
JOSEFA AVE., DOÑA JOSEFA VILLAGE, ALMANZA UNO, LAS PIÑAS CITY

Dokumentasyon

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng depth interview sa apat na piling mag-


aaral. Tatlo sa mga respondante, dalawa sa mga ito ay sumailalim sa face-to-face class, at
isa naman ay sa online class, ang pumili sa face-to-face class bilang paraan ng kanilang
pagkatuto. Inilahad nila ang kani-kanilang dahilan sa pagpili nito. Batay sa naunang
larawan, sa paraan ng pagkatutong kaniyang pinili, mahahasa ang memorya at
communication skills at may mapupulot na mga aral ang mga mag-aaral na magagamit sa
pang-araw-araw na gawain. Sa ikalawa naman, kaniyang idinahilan na mas mabilis at
madaling matuto sa paraang ito. At sa huling larawan, inilahad ng respondante na ito ang
kaniyang pinili, sapagkat may pantay-pantay na oportunidad ang mga mag-aaral na
makapag-aral sa face-to-face class.

 (02) 8-541-1801
 shsdonajosefa@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PIÑAS CITY
LAS PIÑAS CITY NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL - DOÑA JOSEFA CAMPUS
JOSEFA AVE., DOÑA JOSEFA VILLAGE, ALMANZA UNO, LAS PIÑAS CITY

Samantala, ang isang respondante, na kasalukuyang nag-aaral sa paraang online


class, ay piniling muli ang online class bilang paraan ng kaniyang pagkatuto. Ayon sa
kaniya, hindi lamang siya matututo sa paraang ito, kundi magiging mas ligtas siya, dahil
nasa kanilang tahanan siya nag-aaral kung saan mas komportable siya at walang
inaalalang magkakaroon siya ng virus. Higit pa rito, kaniya ring sinabi na mas
makakatipid siya sa gastusin sa pamasahe kung kaya't online class ang kaniyang pinili.

 (02) 8-541-1801
 shsdonajosefa@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PIÑAS CITY
LAS PIÑAS CITY NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL - DOÑA JOSEFA CAMPUS
JOSEFA AVE., DOÑA JOSEFA VILLAGE, ALMANZA UNO, LAS PIÑAS CITY

Sa kabuuan, 75% ang pumili ng face-to-face bilang kanilang paraan ng pagkatuto,


at 25% naman ang pumili sa online class.

Proseso ng Paggawa

 (02) 8-541-1801
 shsdonajosefa@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LAS PIÑAS CITY
LAS PIÑAS CITY NATIONAL SENIOR HIGH SCHOOL - DOÑA JOSEFA CAMPUS
JOSEFA AVE., DOÑA JOSEFA VILLAGE, ALMANZA UNO, LAS PIÑAS CITY

 (02) 8-541-1801
 shsdonajosefa@gmail.com

You might also like