You are on page 1of 1

Intro

Ang parabula na “Ang Mayaman at Pulubi” na matatagpuan sa bibliya ay kwento ng isang


mayaman at dukha na nagngangalang si Lazaro. Makikita ang kwentong ito sa Lucas 16:19-31.
Ang mayaman ay nababalutan ng ginintuang alahas at saganang - sagana sa pagkain araw -
araw, habang si Lazaro ay tadtad ng sugat sa katawan. Nang sila ay pumanaw, si Lazaro ay
dinala ng mga anghel sa langit upang dalhin sa piling ni Abraham, samantalang ang mayaman
ay inilibing at si Hades ang kaniyang hinarap. Base sa nabanggit sa kwento, ipinapakita rito na
nung sila ay nabubuhay pa, ang mayaman ay walang ibang nakuha kundi puro magagandang
bagay, samantalang si Lazaro ay punong - puno ng kahirapan. Ihinayag sa kuwentong ito ang
mga magagandang aral na maaaring mapulot ng mga mambabasa.

Body
Ang kayamanan ay isang pagpapala. Dahil dito, dapat ay ginagamit ng ang kayamanan upang
tumulong sa mga taong wala nito. Sa istorya, sinasabi ni Abraham na dahil hindi tumulong ang
mayaman sa mga tulad ni Lazaro noong nabubuhay pa siya, siya ay hindi sumunod sa mga
utos ng Diyos na ipinahiwatig ni Moses. Bilang kapalit, hindi naimbitahan ang mayaman na
makisalo sa karangalan. Dahil si Lazaro ay nagdusa sa lupa, siya ay binigyan ng kasiyahan sa
piling ni Abraham at ng mga anghel pagkatapos ng kanyang pagtitiis. Noong hiniling ng
mayaman na magpakita si Lazaro sa kanyang mga kamag-anak upang sila ay bingyan ng
babala, hindi ito pinayagan ni Abraham dahil ang totoong pagsisisi ay hindi mangyayari ng
sapilitan. Dapat ay matuto silang tumalikod sa kanilang kasakiman nang buong-puso, isang aral
na di natutunan ng mayaman noong siya ay nabubuhay pa. Ang leksyon na gustong ipahiwatig
ng ebanghelyong ito ay ang hindi masama maging mayaman, basta't ginagamit kasagaanang
ito upang makatulong sa iba at sumusunod sa bilin at mga salita ng Diyos. At sa palagay ko
maganda ang kwento na ito.

Conclusion
Natapos ang kwento na nagsilbing pangaral ni Hesus sa pamamagitan ng pagbayad ng
mayaman sa pagkakaroon niya ng masamang ugali patungo sa mga taong kanyang itinuturing
na nasa mababang uri. Nakita niya na muling sumaya si Lazaro sa piling at tabi ni Abraham
habang siya’y mag isang nagdurusa sa pagkahirap. Ang kwentong ito’y may aral na mapabata
man o matanda ay makakapulot pa rin ng mga aral na maaaring dalhin habang sila’y
nabubuhay. Sa pagkakataong ito’y sana maitatak natin sa ating isip na ang lahat ng
masasamang gawain ay may kapalit sa takdang panahon. Hindi palaging mabubuhay ang tao
sa luho, matutong magpakumbaba at maging mabuting huwaran sa lahat ng pagkakataon
sapagkat ito ang turo ni Hesus sa mga katoliko.

You might also like