You are on page 1of 2

Kahalagahan ng Pagsasalin sa Wikang Filipino

Dr. Raniela Barbaza

Mga salitang sinabi ni Dr. Barbaza (gabay lamang ito at mainam na basahin kasabay ng
panonood)

Pakinggan ang isang halimbawa ng bahagi ng sugidanon, bahagi ng Hinilawod. Bilang


konteksto, ipinapakita sa sipi ay isang babaylan na naglagay ng lana o lalanhan sa lumang
Bisaya upang buhayin ang kaluluwa ni Buyong Dumalapdap, isa sa tatlong buyong o
demigod sa Hinilawod:

Simulaang Wika (SL) Tunguhing Wika (TL)

“Mga salitang nasa sugidanon na may impluwensya ng mga Kastila: puta, milyon-milyon,
birhen, at entiero (paglibing)... Naiintindihan ko ang mga salitang butangi (lagay), ginhawa,
at kalag dahil Bikolnon na Filipino ako. Nahihiwatigan ko ang limog (posibleng tinig) at ang
kabobooton na posibleng mula sa salitang buot (ibig sabihin loob ng pagkatao) na isang
salitang Bikol din. Ngunit ang pagpapakuhulugan sa salitang uliman? Wikang Filipino ang
sagot sa tanong na ito. Pagsasalin sa wikang Filipino.”

“Laing” - pagkain ng Bikol na nasa wikang Filipino na rin


“Ano ang pagkakaiba ng buot na salitang Bikol sa loob ng Tagalog? Ng nakem (Ilokano para
sa salitang kalooban ng pagkatao) sa loob at buot?”

“Napakayamang pag-unawa sa tao at pakikipag-ugnayan sa bawat isa ang mangyayari sa


pagpapayaman ng wikang Filipino. Nasa sugidanon ng Hinilawod ang pamamahala at
paggalang sa magulang tulad ng pagpapaalam ni Humadapnon kay Burulakaw at Bitbitinan
bago maglakbay para hanapin si Nagmalitung Yawa, at bago likhain ni Labing Anyag si
Dumalapdap. Ang ganitong paggalang at pagmamahal sa magulang na nananatiling
malakas sa mga Filipino hanggang sa ngayon ay makikita sa isang rawit-dawit (tula) na
Bikolnon na nilikha ni Jun Belgica Jr. mula sa librong ito na Durungan: Mga rawit-dawit.”

Simulaang Wika Tunguhing Wika

Pa’no si Ama Magrawit-dawit? Paano tumula si Ama?


ni Juan Rafael Belgica, Jr. ni Juan Rafael Belgica, Jr.

Arog kaini si Ama magrawit-dawit Ganito tumula si Ama


Minatanaw sa harayo, minatangad sa langit Tumatanaw sa malayo, tumitingin sa langit
An mata niya, nawawaran ki dagit Ang kanyang mata, nakakawala ng galit
An saiyang olok, dai lamang ki hadit; Ang kanyang ngiti, wala man lang ligalig;

Arog kaini si Ama magsugpon ki osipon Ganito magtahi ng kuwento si Ama


Minapudo ki bunga sa panganoron Pumipitas ng bunga sa ulap
Minatabo ki tubig sa bubon Sumasalok ng tubig sa balon
Minapaanod sa hilig kan panahon; Nagpapaanod sa agos ng panahon;

Arog kaini si Ama maghabol ki awit Ganito maghabi ng awit si Ama


May kumpas na hale sa langit May kumpas na galing sa langit
May tabyon na dai ki dagit May ugoy na walang galit
May lukso na dai ki hadit. May lukso na walang ligalig.

Isinalin nina Anatalia Ramos at John Toledo

Dagit - to swoop down and catch (as in birds)


Ligalig - worry

You might also like