You are on page 1of 2

LAAGEN,Jarah May V.

12-BLOODWOOD-STEM

ABSTRAK
Ang wikang Filipino ay wikang ginagamit ng nakararaming Pilipino. Ang wikang nagtataglay ng
kapangyarihan dahil sa dami at lawak ng gumagamit nito na hindi kailanman kayang pigilan o
makontrol. Sa kasalukuyan ay may matatag nang kinatatayuan ang wika nating ito sapagkat ang
wikang ito ay nagtataglay na ng matibay na ‘moog’ sa lipunang Pilipino, sa edukasyon, sa iba’t
ibang disiplina at larangan, gayundin sa media, lalong lalo na sa telebisyon. Kahit pa saliksikin
ang mga ipinalalabas na sarbey ng pangunahing survey groups tulad ng AGB Nielsen, SWS, Pulse
Asia, at iba pa, mapatutunayan ng mga ito ang paghahari ng mga panooring wikang Filipino ang
ginagamit ayon sa tatlong pagkakahati ng panoorin-pang-umaga, pangtanghali at panggabi. Ang
wika ay isang dugong nanalatay sa kaluluwa. Mula sa kaluluwang ito, ang magagandang
kaisipan ay dumadaloy hanggang sa ito’y lumago at lumaganap sa mundo telebisyon. Ginamit
ito bilang wika ng popular na animae. Dahil nga sa ang ingles ang kinikilingang lingua francang
daigdig, ginagamit ang ingles bilang midyum na wika sa anime sa pamamagitan ng prosesong
tinawag na dubbing. Sa pagpasok ng anime sa Philippine tv, napanatili pa rin nito ang taglay na
kasikatang natamo nito tulad ng naging pagpasok nito sa iba’t ibang sulok ng daigdig. Sa
pilipinas, bagama’t ang ingles ay maituturing nang isa sa mga pangunahing wikang ginagamit,
Filipino pa rin ang wikang higit nanaiintindihan ng lahat ng mga Pilipino, kung hindimang
nakakarami. May taglay na sariling kapangyarihan ang wikang Filipino sa kabila nang ito ay
tinatawag lamang na wika ng masa at hindi wikang Filipino sa kabila nang ito ay tinatawag
lamang na wika ng masa at hindi wikang ginagamit ng nasa poder o nasa kapangyarihan.
Patunay sa kasikatan ng mga panooring ito ay pagsasapelikula ng karamihan dito, bukod pa sa
pagbubuo ng iba’t ibang organisasyon para sa mgatagahanga, tagasuporta at tagasubaybay ng
anime. Dito sa pilipinas halimbawa, ay binuo ang mga organisasyong may sari-sariling pang
websites upang magkaroon ng malawakang organisasyon at regular na kumunikasyon ang
bawat mimbro nito. Sa larangan ng telebisyon, bilang tiyak, o sa larangan ng media sa kabuuan
kasama na ang radyo,diyaryo, at pelikula hanggang sa new media o cybernetics, ang wikang
Filipino ay wikang Filipino ay matibay na ‘moog’ ng pagka-pilipino. Sa kasaluloyan, napaparami
na ng iba’t ibang wikang sinasalita hindi lamang sa pilipinas kundi maging sa buong daigdig.
Kung bibilangin naman ang populasyon ng halos dalawaang bansang ito ay umaabot na sa
mahigit na 6.684 bilyon. Sa bilang ng populasyon sa boung mundo. Sa ipinapakita ng
estadistikang ito, ibig sabihin umaabot na rin sa 88 milyong Pilipino ang nakapagsasalita na ng
wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay matatag na sandigan na ng pagka-Pilipino. Napatunayan
na maraming pag-aaral kung gaano ito kabisa, katatag at makapangyarihan. Ilang ulit na ring
tinatalakay sa maraming sanaysay kung gaano kahalaga ang wikang Filipino bilang wikang
pambansa ng pilipinas at ng mga Pilipino. Iniukit na sa matibay na bato ng kasaysayan ang
naging anyo ng wikang Filipino mula sa wikang tagalog na pinagbatayan sa tulong ng iba pang
wikang katutubo at dayohang salitang inangkin natin upang malinang pa ang di-matitibag na
pagkakahulma ng wikang ito. Dahil dito, ang wikang Filipino, ang wika sa pilipinas, ang wikang
Pilipino, ang pagsasaFilipino ng mga panoorin sa daigdig ng telebisyon ang pagdu-dub ng anime
at paglaganap ng wikang Filipino sa bawat sulok ng mundo, ay patunay ng pagiging matbay na
‘moog’ ng pagka-pilipino.

You might also like