You are on page 1of 5

FORMATIVE ASSESSMENT: DAY 1 (Monday)

PANUTO: Kumpletuhin ang talahanayan sa ibaba. Ilagay sa tamang kategorya ang mga
pangungusap na nakapaloob sa mga ulap. (1 PUNTOS KADA TAMANG SAGOT)

Sa tulong ng pagre-recycle, magagamit pa ang ibang mga patapong bagay.

Kapag lalaong dumami ang mga basura sa mga ilog at baybayin, maaari tayong bahain.

Mas lalong magiging madumi ang ating kapaligiran kapag patuloy tayo sa pagtapon ng mga
basura kung saan-saan.

Makakatipid tayo sa pagbili ng mga bagong gamit, dahil maari nating gawing mga bag ang
mga plastic at karton.

Imbes na basta na lang natin itapon ang mga lata, maaari pa natin itong ipagbenta sa mga
junk shop.

MAGANDANG EPEKTO NG PAG- MASAMANG EPEKTO NG HINDI PAGRE-


RECYCLE RECYCLE
FORMATIVE ASSESSMENT: DAY 2 (TUESDAY)
PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat numero. Bawat isa ay tumutukoy sa
isang sitwasyon na patungkol sa pagre-recycle. (1 PUNTOS KADA TAMANG SAGOT)
1. Si bahay nila Maria, maramin silang naipon na mga lumang dyaryo. Ang mga ito ay
galling sa kanang tatay na mahilig magbasa ng dyaryo tuwing umaga. Ano kaya ang
mainam na gawin sa mga lumang dyaryo?
a. Itapon na lamang ang mga ito dahil hindi na magagamit.
b. I-recycle ang mga ito at gawing paper maché sa hugis ng mga pencil case, vase,
etc.
c. Isunog na lamang ang mga ito sa likuran ng bahay.
d. Hintayin na lalo pang dumami ang mga lumang dyaryo.
2. Laging napapansin ni Jose na kung saan-saan lamang tinatapon ng kanyang
bunsong kapatid ang mga “candy wrappers” nito. Ano kaya ang pwedeng gaiwn ni
Jose tungkol dito?
a. Pagalitan ang kanyang kapatid pero walang gagawin sa mga candy wrappers.
b. Turuan ang kanyang kapatid patungkol sa pag-recycle nga mga plastic at
tulungan ang kanyang kapatid sa pag-recycle ng mga candy wrappers.
c. Hayaan na lang ang kanyang bunsong kapatid.
d. Itapon na lamang ang mga candy wrappers sa basurahan.
3. Si Clinton ay may mga pinaglumaang mga damit. Gusto niya itong i-recycle upang
magamit muli. Ano kaya ang mainam na gawin sa mga ito?
a. Gupitin ang mga ito at muling itahi upang gawing mga bagong kasuotan o
basahan.
b. Hayaan na lamang ang mga ito at bumili na lamang ng mga bagong damit.
c. Sunugin na lamang ang mga ito.
d. Itapon na lang mga lumang damit kasi hindi na magagamit.
4. Si Carmen ay naatasan na mag-report sa kanyang klase patungkol sa pagrecycle.
Ano kaya ang mainam na gawin niya upang mas lalong maintindihan ng mga
kanyang kaklase ang pagre-recycle?
a. Hwag gawin ang report dahil hindi naman ito importante.
b. Isusulat lamang ang kahulugan ng pag-recycle sa pisara.
c. Ipapakiwanang ang kahulugan ng pag-recycle at magpapakita ng mga larawan
upang ma-enganyo ang mga kaklase.
d. Magpapakita ng mga larawan ng basura ngunit hindi magpapaliwanang kung ano
ang pag-recycle.
5. SI Jose ay may mga naipong mga lata sa kanilang bahay. Ano kaya ang pwedeng
gawin sa mga ito?
a. Hayaan na lamang ang mga ito.
b. Itapon sa tabi ng ilog kasi hindi rin naman ito magagamit.
c. Sunugin na lamang ang mga ito.
d. Ipagbenta ang mga ito sa junk shop upang magkaroon ng “extra income”.
FORMATIVE ASSESSMENT: DAY 3 (WEDNESDAY)
PANUTO: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa tema na nasa loob ng kahon. Makikita ang
gabay ng pag-iskor sa ibaba.

ANG PAGRECYCLE AY SUSI SA TAGUMPAY NATIN LABAN SA CLIMAT


CHANGE.

BATAYAN PUNTOS
Nilalaman 2 PUNTOS
Kaayusan 2 PUNTOS
Mapanlikha 1 PUNTOS
TOTAL 5 PUNTOS
FORMATIVE ASSESSMENT: DAY 4 (THURSDAY)
PANUTO: Tukuyin kung ang pangungusap ay TAMA o MALI. Isulat ang letrang T kung
TAMA at M kung ito ay MALI. (1 PUNTOS KADA ISA)

_____1. Ang pagrecycle ay nakakasama sa ating kapaligiran dahil nakakadagdag lamang


ito ng mga basura.
_____2. Sa pamamagitan ng pag-recycle, maaari nating gamitin ang mga patapong mga
basura at gawin itong mga bagong kagamitan.
_____3. Nakakadulot ng pagbaha ang pag-recycle.
_____4. Ang pag-recycle ay ang muling paggamit ng mga patapong basura upang gawin
itong mga bagong kagamitan.
_____5. Hindi lahat ng mga bay ay pwedeng i-recycle. Ang tawag sa mga ito ay “NON-
RECYCLABLE MATERIALS”.
FORMATIVE ASSESSMENT: DAY 5 (FRIDAY)
Panuto: Sumulat ng “reflection paper” tungkol sa mga naranasang mga aktibidad sa
linggong ito na patungkol sa pag recyle. Maaari itong isulat sainyong kwaderno. Bawat araw
ay katumbas ng isang “reflection paper”. Makikita ang gabay sap ag-iskor sa baba.

BATAYAN PUNTOS
Nilalaman 2 PUNTOS
Kaayusan 2 PUNTOS
Mapanlikha 1 PUNTOS
TOTAL 5 PUNTOS

You might also like