You are on page 1of 14

Epekto ng Paggamit ng Mother Tongue

Bilang Midyum ng Pagtuturo sa Pagkatuto


ng mga Grade 3 Students sa Pastrana
Central School

Isang Suliraning Pananaliksik na Iniharap kay:


Bb. Rosemarie A. Lustiva
Guro sa Pananaliksik
Ng Leyte Normal University Tacloban City

Ipinasa nina:
Calipayan, Ma. Christine Johan
Delute, Kristal
Engracial, Jestia Lyn
Estopin, Cristine
Jabulan, Mariely
Malbas, Jerex
Palamos, Ivy Jean
Samarro, Julia
Epekto ng Paggamit ng Mother Tongue Bilang Midyum ng

Pagtuturo sa Pagkatuto ng mga Grade 3 Students sa

Pastrana Central School

INTRODUKSIYON

RATIONALE

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa upang pag-aralan ang epekto ng Paggamit

ng Mother Tongue bilang midyum ng Pagtuturo sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral na

nasa ikatlong (3) baitang ng Pastrana Leyte. Dahil sa kuryusidad ng mga mananaliksik,

isinagawa ang pag-aaral na ito. Nais nilang alamin ang mga posibleng epekto ng

paggamit ng mother tongue sa mga bata at kung naging epektibo ba ang pagpapatupad

na gamitin ang mother tongue bilang midyum sa pagtuturo.

Napapanahon ito sapagkat ang paraan ngayon ng pagtuturo ay sa

pamamagitan na ng modular na kung saan ang pag katuto ng mga kabataan ay

nakasalalay sa mga magulang at sa kanilang mga sarili lamang, dito mabibigyang

pansin kung angkop ba ang paggamit ng Mother Tongue bilang midyum sa pagtuturo.

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang mother tongue ay tumutukoy sa wikang nakamulatan ng bata. May iba't

ibang lengwahe tayong ginagamit. Pagdating sa pagtuturo ano nga ba ang epektibong

paraan upang mas maintindihan ng mga mag-aaral ang mga paksang itinuturo ng guro?

Ang literasi ay kasingkahulugan ng pagkatuto at ang pagkatuto nama’y


kasingkahulugan ng pag-iisip. Sa larangan ng pagtuturo – pagkatuto, maraming

landas ang maaaring tahakin ng guro ng wika na siyang magpapasigla sa mga mag-

aaral na makipagtalastasan sa mabisang paraan gamit ang wika. Malaki ang

kaugnayan ng wika sa pagpapaunlad ng kaalaman ng mga mag-aaral. Ayon nga kay

Chomsky (2006) maiuugnay ang wika sa tunog at kahulugan sa isang partikular na

paraan, ito ay sa pag-unawa sa sinasabi at sa pagbibigay ng mgas enyas o pidyak na

may layuning magbigay kahulugan na naunawaan ito.

Sa bagong kurikulum, maliban sa pagdaragdag ng dalawang taong pag-aaral

ng mga estudyante, ikinatangi rin nito ang paggamit ng unang wika ng mga mag-

aaral. Samakatuwid, magkakaroon ng hiwalay na asigtaura ang mga mag-aaral sa

una hanggang ikatlong baitang – ito ay ang Mother Tongue Based-Multilingual

Edcation (MTB-MLE). Ayon kay Malone, ang MT- based o MLE ay nangangahulugan

na ang mga mag-aaral ay gumagamit ng kanilang sariling wika at dalawang iba pang

wika ng pagtuturo. Tinukoy ng UNESCO (2003) ang wikang instruksiyon bilang wika ng

pagtuturo sa pangunahing kurikulum ng sistema ng edukasyon. Ang katatasan sa

unang wika (L1) ay nagsisilbing batayan para sa pag-aaral ng wika para sa mas

malawak na komunikasyon, batay sa prinsipyo ng mag aaral. Mas madaling matuto ang

mga mag-aaral sa isang wikang makokontrol nila (Dutcher at Tucker 36). Ang bawat

lugar dito sa ating bansa ay may kanya-kanyang lenggwaheng ginagamit upang

matututo. Ginagamit itong midyum sa pagtuturo sa elementarya upang mas masanay

ang mga bata at maunawan nila kung saan sila nagsimula. Ginagamit ang mother

tongue bilang midyum sa pagtuturo kung saan ito ang unang lenggwahe ng mga bata

base kung saang pook sila naroroon. Ito rin ang ang daan sa pagdahan-dahang
pagpapakilala ng ating partikular na lenggwahe sa Pilipinas ang wikang Filipino at

wikang Ingles.

Ang bawat tao ay may kinamulatan o kinalakhang wika ito ay tinatawag na

Mother Tongue. Ayon kay Sec. Armin Luistro, “masmadaling matutunan ang konsepto

ng mga aralin kapag ang ginagamit ay iyong kanilang kinagisnang wika”. Kaya naman

mula sa paggamit ng Bilingual Education sa lumang kurikulum, sinimulang ipinatupad

ang paggamit ng Mother Tongue Base-Multilingual Education noong 2012 bilang bahagi

ng pagsulong ng k-12 curriculum. Noon, pagdating sa pagtuturo ng mga araliin sa

klase, ang ginagamit lamang na midyum sa pagtuturo ay ang Filipino at English. Ngunit

ito ay nabagi ng naglunsad ng ordinansa ang ating pamahalaan. Sa paglunsad ng K-12

Program ay kalakip rin nito ang bagong kurikulum na naglalayong turuan ang mga mag-

aaral gamit ang kanilang katutubong wika. Ang Mother Tongue Based Multilingual

Education (MTB-MLE) ay ipinatupad ng Department of Education (DEPED) sa lahat ng

pampublikong paaralan partikular na sa mga mag-aaral na nasa Grade 1 hanggang

Grade-3. Ito ay naglalayong turuan ang kabataan gamit ang ating Mother Tongue. Ang

lahat ng mga libro at aralin ay nakasalin na sa pangunahing wika.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong kumalap ng impormasyong kinakailangan

para tuklasin ang opiniyon ng mga mag-aaral ukol sa paggamit ng Mother Tongue

Bilang Midyum ng Pagtuturo sa Pagkatuto at matukoy ang positibo at negatibong

epekto nito sa mga estudyante ng paaralan ng Pastrana Central School. Ito ay para

maging gabay at daan para maipaabot sa mga kinauukulan ang kinalabasan ng pag-

aaral na ito upang makagawa ng mga aksyon o programa at upang ang epekto nito

sa mga mag-aaral ay mabawasan at masolusyunan.


BATAYANG TEYORETIKAL

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa paggamit ng Mother Tongue bilang midyum

sa pagtuturo. Aalamin ng mga mananaliksik kung ano ang epekto nito sa mga

kabataan na nasa baitang 3 ng Pastranan. Ang paggamit ng Waray-waray bilang

panturo at sa paglinang ng pansariling kaunlaran ay mas mapapadali kung kanilang

nauunawaan ang isang paksa. Binibigyan importansya nito ang linguaheng

kinagisnan sapagkat maraming kabataan pa din ang nahihirapan kahit na maayos

itong naipapaliwanag ng mga guro.

Pinagbatayan nito ang teorya ni Gunigundo (2012) na kung saan kanyang

sinabi na "Ang paglinang ng kasanayan sa pagbabasa at pagsusulat ng L1

(Language 1) at L2 (Language 2) ay nakabatay sa pagpapaunlad ng wikang pasalita

ng mga bata, una muna ay L1 (Language 1), at pagkatapos na man ay ang kanilang

L2 (Language 2)." Mabilis na matututunan ng bata ang mga aralin kung ito'y kanyang

naiintindihan, kung kaya't mas mabuti na ituro muna sa kanya ang una niyang

linguahe, at magiging madali na sa bata na intindihin ang iba. Ang pag-aaral na ito ay

magbibigay linaw kung ano-ano ang mga epekto ng paggamit sa naturang linguahe

sa pagtuturo at sa kanilang pagkatuto.


KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Input Proseso . Output


*Positibo at
negatibong epekto ng
Nais ng mga Ang mga paggamit ng Mother
mananaliksik na mananaliksik ay Tongue bilang midyum
sa pagtuturo
malaman kung mamamahagi ng
ano ang epekto ng mga survey, *Malaman ang
paggamit Mother kwestyuner o relasyon ng paggamit
Tongue bilang pagtatanong- ng mother tongue sa
mabilis na pagkatuto
midyum ng tanong ng mga
ng mga bata
pagtuturo sa mag-aaral upang
pagkatuto ng mga makakuha ng mga *Solusyon na maaring
Grade 3 Students impormasyon ukol gawin upang
sa Pastrana sa isinasagawang mabigyang pansin
ang epekto ng
Elementary pananaliksik.
paggamit ng Mother
School. Tounge bilang
Midyum ng pagtuturo

Ang batayang Konseptual ng pag-aaral na ito ay ginagamitan ng input-

proseso-output kung saan nais ng mga mananaliksik malaman ang epekto ng

paggamit ng Mother Tongue bilang Midyum ng Pagtuturo sa Pagkatuto ng Grade 3

students sa Pastrana Elementary School bilang input. Ang proseso naman na

naglalaman o nagbabahagi mg kwestyuner, survey o pagtatanong-tanong ng pisikal

sa mga mag-aaral upang makakuha ng impormasyon, kung saan ito ay pag-aaralan

ng mga mananaliksik. At ang huli ay ang output kung saan naglalaman ng resulta o

kinalabasan ng pananaliksik.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang Epekto ng Paggamit ng

Mother Tongue bilang Midyum ng pagtuturo sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral na nasa

Baitang Tatlo ng Pastrana Elementary School. Naglalayong masagutan ng Pag-aaral

na ito ang mga sumusunod na ispesipikong katanungan:

1. Dapat bang mother tongue ang gamitin na midyum ng pagtuturo sa mga bata?

2. Ano ang positibo at negatibong epekto ng paggamit ng mother tongue bilang

midyum sa pagtuturo?

3. Ano ang relasyon ng paggamit ng mother tongue sa mabilis na pagkatuto ng

mga bata?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito na may titulong Epekto ng pagamit ng Mother Tongue sa

bilang midyum ng pagkatuturo sa pagkatuto ng Grade 3 students sa Pastrana Central

School ay maaring makatulong sa sumusunod:

Mag-aaral

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa bawat mag-aaral upang malaman kung

ano ang magiging epekto nito sa paggamit ng mother tongue bilang midyum sa

pagtuturo, mabuti ba o hindi at kung paano ito mas mauunawan ng mabuti ng bawat

bata ang pakikipagkomunikasyon.


Mga Guro

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga guro sa paraang malalaman nila

kung paano pakikitintnguhan ang mga bata gamit ang mother tongue bilang midyum at

ang maging epekto nito sa kanilang pang-araw-araw na gawain.

Mga Magulang

Bilang sila ang nagsisilbing unang guro sa kanilang mga anak, mga gagamit nila

ang kaalaman na nakuha sa pag-aaral na ito bilang gabay at maturuan pa ang kanilang

mga anak sa wastong paggamit ng mga salita at mas lumawak pa ang kaalaman nito.

Mga susunod na mananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay maaaring magbigay ng mga impormasyon bilang isang

reperensiya para sa susunod na mga pananaliksik. Makakatulong din ito sa mga kapwa

mananaliksik sa mga susunod na taon upang kanilang maging gabay at magsilbing

karagdagang impormasyon sa kanilang ginagawang pag-aaral..

SAKLAW AT LIIMITASYON

Layunin ng pananaliksik na ito na talakayin ang epekto ng paggamit ng mother

tongue bilang midyum ng pagtuturo sa pagkatuto ng mga bata. Nakapaloob din sa pag-

aaral na ito ang iba pang mga dahilan; dapat ba ang mother tongue ang gamitin na

midyum sa pagtuturo? mabilis bang matuto ang mga bata kapag ang gamit na midyum

sa pagtuturo ay mother tongue?


Ang mga mananaliksik ay kakalap ng mga datos gamit ang survey questionnaire

sa mga piling mag-aaral na nasa ikatlong (3) baitang ng Pastrana Central School. Pinili

ang mga lalahok sa pag-aaral na ito gamit ang random sampling technique, at mayroon

itong kabuuang (30) na mga kalahok.

Nag-umpisa ang pananaliksik sa ikalawang semester ng unang taon sa kolehiyo

taong dalalang libo't-dalamput-dalawa (2022). Inaasahan ng mga mananaliksik na

matatapos ang pananaliksik na ito sa itinakdang panahon.

METODOLOHIYA
URI NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya na

pananaliksik. Napili ng mga mananaliksik na gumamit ng talatanungan (survey

questionnaire) para makalikom ng datos at malaman ang Epekto ng Paggamit ng

Mother Tongue Bilang Midyum ng Pagtuturo sa Pagkatuto ng mga Grade 3 Students

sa Pastrana Cental School. Ayon kay Best (2012), ito ay isang imbestigasyon na

naglalarawan at nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay o paksa. Ito’y may

kinalaman sa mga kondisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga epektong

nararamdaman o mga kalakarang nilinang. Naniniwala ang mga mananaliksik na

angkop ang ganitong uri ng metodolohiya sapagkat mas mapapadali ang pagkuha ng

mga datos sa maraming tagatugon. Samakatuwid, makakakuha ang mga mananaliksik

ng mas malinaw at maayos na datos mula sa mga respondante.


POOK NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa loob lamang ng publikong paaralan ng

Pastrana Cental School-Grade 3 students. Pinili ng mgamananaliksik ang paaralaang

ito upang makalakap ng sapat na datos at impormasyong magagamit sa pagsagot sa

suliraning nais nilang talakayin. Ang nasabing paaralan ay matatagpuan sa District 4

Pastrana, Leyte. Sa pigyur 1 ipinakita ang locator map ng nasabing lokal ng

pananaliksik.

Pinagmulan: Google Maps

Pigyur1. Locator Map ng Pastrana Central School


KALAHOK NG PAG-AARAL AT SAMPLING TEKNIK

Ang mga kalahok ng pag-aaral ay ang mga Elementary Students na mag-aaral

na nasa ika-3 baitang ng lokal ng pag-aaral. Upang makakuha ng mga impormasyon

ang mananaliksik ukol sa paksang “Epekto ng Paggamit ng Mother Tongue Bilang

Midyum ng Pagtuturo sa Pagkatuto ng mga Grade 3 Students sa Pastrana Cental

School” ginamitan ng simple random sampling kung saan ang pagpili ng respondente

ay malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo. Sa kadahilanang may kabuuang 30 na

bilang ang mga estudyante sa Pastrana Central School, ginamit ng mga mananaliksik

ang random sampling sa pamamagitan ng fishbowl technique upang mapili ang mga

respondanteng sasagot sa mgatalatanungan.Ayon kay (Valerie J. Easton and John H.

McColl's) ang bawat kasapi ng populasyon ay may pantay na pagkakataon na mapili

para sa pag-aaral. Nangangahulugan ito na tinitiyak nito na ang sample na pinili ay

kinatawan ng populasyon at ang sample ay pinili sa isang walang pinapanigang paraan.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionaire bilang

pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang

talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat: ang profile at ang survey ukol sa

paksang pinagaaralan. Ang mga ito ay daan sa maingat napagsusuri ng mga balideytor

upang matiyak na wasto ang pagkagawa ng mga talatanungan. Ang nasabing

questionnaire ay binubuo ng 10 na aytem. Ang bawat aytem ng nasabing questionnaire

ay mga pahayag na naglalayong malaman ang Epekto ng Paggamit ng Mother Tongue


Bilang Midyum ng Pagtuturo sa Pagkatuto ng mga mag-aaral sa nasabing lokal ng

pananaliksik.

HAKBANG SA PAGLIKOM NG DATOS

Bago isagawa ang pag-aaral, gumawa ng pormal na sulat na naglalayong

kumuha ng pahintulot upang isagawa ng mga mananaliksik ang paglikom ng mga datos

na magagamit sa pag-aaral. Ang mga mananaliksik ay magpapadala ng liham sa

punong-guro ng nasabing lokal ng pag-aaaral. Ang mananaliksik ang mismong kumalap

ng mga impormasyon upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad

sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad ng ipipresentang datos. Ginamit nito ang

talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali sa mga mananaliksik

maging sa mga tagasagot. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon

sa mga mag-aaral at siniguro ang pagiging kompidensyal ng mga nakakalap na datos

bago ang pamamahagi ng talatanungan upang mas makapagpahayag ang mga

sasagot ng tanong.
“Epekto ng Paggamit ng Mother Tongue Bilang Midyum ng Pagtuturo sa Pagkatuto ng

mga Grade 3 Students sa Pastrana Central School”

Panuto: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga sumusunod na

aytem. Lagyan lamang ng tsek ang box na tumutugon sa iyong sagot.

Pangalan (opsyonal):________________________________________Edad:________

Kasarian: Babae Lalaki

MGA TANONG OO HINDI

1. Tumatatak sa aking isipan ang mga talakayin kapag


Mother Tongue ang midyum na ginagamit sa pagtuturo.
2. Pinapahalagahan ko ang Mother Tongue bilang midyum
na ginagamt sa pagtuturo.
3. Mabilis mo bang nasasagutan ang ang iyong aralin dahil
sa Mother Tongue?
4. Sang- ayon kaba na gamitin ng mga guro ang Mother
tongue bilang midyum sa pagtuturo?
5. Sang- ayon ka bang palawakin ang paggamit ng Mother
tongue sa paaralan?
6. Mahalaga bang pagaralan muna ang unang lengguwahe
na iyong natutunan?
7. Naipapahayag ko ang aking sarili kung Mother Tongue
ang ginagamit na midyum sa pagtuturo.
8. Madali akong nakakapagkumunika sa aking guro at
kamag-aral gamit ang Mother Tongue.
9. Nahihirapan akong makasagot sa aking guro gamit ang
Mother Tounge.
10. Nahihirapan akong unawain ang mga malalalim na salita
ng Mother Tongue.

You might also like