You are on page 1of 2

Mylen Dalaodao

11 – HUMSS A
KOM PAN
conative - ito ay gamit ng wika na kung saan ginagamit ang paghimok at pag impluwensya sa iba sa
pamamagitan ng pag-utos at pakiusap.
labeling - ito ay gamit sa wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang bagay o tao.
Sinusuri natin ang mga taong nakakasalamuha natin, ang kanilang ugali, pisikal na anyo, trabaho, hilig,
gawi, at iba pa. Ang pagsusuri natin sa kanila ay nagbibigay-daan para bansagan o bigyan natin sila ng
label o katawagan.
informative - ito ay gamit ng wika na kung saan nagbibigay ng impormasyon
phatic - ito ang ginagamit na wika bilang panimula ng isang usapan, pakikipagkapwa o pakikipag
ugnayan sa kapwa.
emotive - ito ay nagpapahayag ng damdamin o emosyon gaya ng lungkot, takot, at awa sa pang araw
araw nating pakikipag-ugnayan. May mga pagkakataong maipapamahagi natin ang ating
nararamdaman o emosyon sa ating kausap.
expressive - ito ay gamit ng wika na nakatutulong sa tao upang mas makilala at maunawaan ng iba
pang tao. Gayundin sa pagbuo ng isang kaaya-ayang relasyon sa ating kapwa.

MGA HALIMBAWA
conative:

• Keep off the grass


• Vote wisely!!
• Bawal tumawid, may namatay na dito
• Huwag po ninyong kalimutang magdala ng lapis at papel
• Magtulungan po tayo para sa pag-unlad ng ating bayan

labeling:

• Pambansang Bae
• Manong guard
• Rich girl
• King of Comedy
• Jejemon

informative:

• Ang Pilipinas ay nasa Asya


• Ang pambansang bayani natin ay si Jose Rizal
• Ang eraserheads ay isang halimbawa ng banda
• Ang Pilipinas ay sinasabing mayroong 7,107 mga pulo
• Ang daigdig ay hugis oblate spheroid
Phatic:

• kamusta ka??
• Ano bang problema?
• Kumain ka na ba?
• Kamusta ang tulog mo?
• Sasama ka ba mamaya sa amin?

Emotive:

• Kinakabahan ako! Ako na ang susunod na magtatanghal


• Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari
• Nakakatuwang isipin na lumalaki kang mabuting bata
• Nalulungkot ako para sa mga nangyayari sa iyo
• Awang awa na ‘ko sa sarili ko. Hindi ko na alam kung sino ako

expressive:

• Para sa akin, mas bagay sayo ang pulang lipstick.


• Sa tingin ko, hindi ka talaga nya gusto
• Mahilig ako sa mga kdrama at iba pang series
• Ayaw ko sa mga taong hindi inuuna ang pag-aaral bago ang lahat
• Para sa ‘kin, okay naman ang ginawa mong pagtatanghal kanina

You might also like