You are on page 1of 6

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA

ARALING PANLIPUNAN 1

I. LAYUNIN
a. Natutukoy ang iba’t – ibang uri ng pamilya
b. Nailalarawan ang iba’t – ibang uri ng pamilya
c. Napapahalagahan ang iba’t – ibang uri ng pamilya

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: “Mga Uri ng Pamilya”
Sanggunian: Kamalayang Panlipunan 1, pah. 72-73
Kagamitan: Mga larawan, popsicles, Laptop, powerpoint
presentation
Pagpapahalaga: kahalagahan malaman ang iba’t- ibang uri ng
pamilya.

III. PAMAMARAAN

GAWAING PANG – GURO GAWAIN NG MAG – AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
- Mga bata, bago tayo magsimula, tayo
ay manalangin.

- Amen!
Amen!
2. Pagbati

- Magandang Umaga mga bata! Magandang Umaga din po!

3. Balik – Aral

- Ngayon.bago tayo dumako sa


ating aralin, ating balikan ang
pinag – aralan natin,
tungkol sa “Ang Aking Pamilya” na
kung saan ay tinalakay natin ang
mga kasapi ng isang pamilya.

- Sinu – sino nga ang mga kasapi ng Tatay po!


isang pamilya? Magbigay ng isa.

- Magaling!

- Sino pa ang kasapi ng isang Nanay po!


karaniwang pamilya?

- Mahusay

- Bukod sa tatay at nanay, sino o


sinu-sino pa ang mga kasapi ng Anak o mga anak po Mam!
karaniwang pamilya?
- Tama!

Ang pamilya po ay ang pinakamaliit na


pangkat ng mga tao sa isang lugar.

- Napagaralan din natin ang mga


tungkulin ng mga kasapi ng
pamilya.
Ang tatay at nanay po ang
- Anu-ano nga ang mga tungkulin ng
nagtutulungan sa pagha-
tatay at nanay?
hanapbuhay, paggawa sa bahay at
pag-aalaga sa mga anak.
- Mahusay!

Ang anak naman po ang tumutulong


- Ano naman ang tungkulin ng mga
sa gawaing-bahay.
anak?

- Magaling mga bata

4. Pagganyak

- Ngayon, may ituturo ako sa inyo na


isang awitin, ito ay ang Awit ng
pamilya.

Una Si TATAY,
Pangalawa Si NANAY,
Pangatlo Si KUYA,
Pang-apat Si ATE,
Pang-lima Si BUNSO
Sa huli, Silang Lahat

- “Nasaan si ______(2x)
Heto siya (2x)
Kamusta ka _____?
Mabuti naman po
Nagtago (2x) Opo!

Naintindihan ba mga bata?

Umawit ang lahat.

- Mahusay mga bata! Opo!

- Nag enjoy ba kayo? 1 2 3, 1 2 3 . Magaling! (3x)

- Isang magaling Clap!

- Ngayon naman, may ipapakita ako


sa inyo mga larawan.
May kani- kanilang pamilya po!
- Mga bata, ano ang napansin ninyo
sa mga larawan?

- Mahusay mga bata!


May Nanay, Tatay, at mga anak po!
- Paano ninyo nasabi na pamilya
ang nasa larawan?

- Magaling!

- Tama lahat ng inyong mga sinabi,


naglalarawan ang mga ito na may
kanya kanyang silang pamilya. 1 2 3, 1 2 3! Magaling! (3x)
- Bago tayo magsimula sa ating
aralin. Isa munang (magaling Clap) Opo!
Ngayon ay tutungo na tayo sa ating
bagong aralin, excited naba kayo?

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad/Talakayan
- Mga bata, ang ating aralin sa araw
na ito ay ang Uri ng Pamilya. May
iba’t – ibang uri ang pamilya.

- Ito ay ang:
1. Nuclear Family
2. Single-parent Family
3. Extended Family

1. Ang Nuclear Family ay binubuo ng


tatay, nanay, at kanilang anak o mga
anak.

2. May pamilya na iisa ang magulang.


Ama o Ina lamang ang kasama ng
mga anak. Ito ay tinatawag na
Single-parent Family.

3. At may pamilya rin na kung tawagin


ay Extended Family. Binubuo ito ng
ama, ina, mga anak at iba pang
kamag-anak. Maaaring sila ang lolo,
lola, tiyo, tiya, at pinsan.

- Opo!

- Naintindihan ba mga bata?


- Opo!
2. Gawin/aktibiti

Mga bata, ngayon may ipapakita ako sa


inyong mga larawan, maaari bang sabihin
sa akin kung anong uri ng pamilya sila
nabibilang? Maliwanag ba?

Unang Gawain: Siya si buboy, nakatira siya


sa isang Baryo, kasama niya sa ang kanyang - Single-parent Family
ama na si Mang Gregorio at ang kapatid nito
na si Teresa.

Pangalawang Gawain: Siya naman si Kardo - Extended Family


nakatira sa probinsya, kasama ang kanyang
Ina at Ama pati na rin sina Lolo Delfin, at Lola
Flora at ang kanyang pinsan na si Yolanda.

- Nuclear Family
Pangatlong Gawain: Sina Kath at Daniel,
isang kambal. Naninirahan sila sa syudad
kasama ang kaninang Daddy at Mommy.
- 1 2 3, 1 2 3, Magaling (3x)

Magaling mga bata! Okay. Isang Magaling


Clap para sa lahat. - Iba’t - ibang Uri ng Pamilya po!
C. PANGWAKAS NA GAWAIN
- Nuclear Family
1. Paglalahat - Single-parent Family
- Extended Family
- Mga bata, tungkol saan nga ang
ating aralin?
- 1,2,3 (2x) Magaling (3x)
- Tama!

- Anu-ano nga ang mga uri ng - Binubuo ng ama, ina at mga anak
pamilya? po!

- Ina o ama lamang ang kasama ng


- Mahusay! mga anak.
Isang (Magaling Clap)

- Ano nga ang Nuclear Family?

- Tama! - Binubuo ng ama, ina, mga anak at


iba pang kamag-anak.
- Ano naman ang Single-parent
Family?

- Magaling!
- 1 2 3. 1 2 3 , Magaling!(3x)
- At ano naman ang Extended
Family?

- Magaling mga bata!

- Dahil jan, Isang Magaling Clap


para sa lahat!

IV. PAGTATAYA:

- Ngayon mga bata, kumuha ng


papel at lapis, lagyan ng numero 1
hanggang 5.

Panuto: Basahin at intindihin ang


pangungusap. Ilagay ang letrang T kung
nagsasaad ito ng Tama, at letrang M
kung ito naman ay Mali.

T 1. Ang pamilya ay karaniwang


binubuo ng ama, ina, at mga anak.
M 2.at mga
Ang isang pamilyang may nanay
anak lamang ay tinatawag
na Nuclear Family.

3. Ang isang pamilya na may ama,


T ina, mga anak at iba pang kamag-
anak ay tinatawag na Extended
Family.

T 4. Single-parent Family ang tawag


sa iisa ang magulang at kasama
ang anak o mga anak.

T 5. Ang Nuclear Family ay binubuo


ng ama, ina, at anak o mga anak.

V. TAKDANG ARALIN
Gumupit ng mga larawang nagpapakita
ng iba’t- ibang uri ng isang pamilya, kung
ito ay Nuclear, Single-parent, Two-parent,
at Extended Family. Idikit sa inyong
kuwaderno.

Inilahad ni:
JOCELYN A. ENTIENZA
Teacher III

You might also like