You are on page 1of 4

Araling Panlipunan - Grade 7

Pangalan:_________________________ Antas:____________ Q:1 - Aralin 2

I. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

Napahahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng


Kabihasnang Asyano.

II. Pangkahalatang Ideya

Magkakaiba o diverse ang kapaligiran ng Asya. Ang pagkakaroon ng


napakaraming uri ng kapaligirang likas ay kakanyahan ng kontinente dahil biniyayaan
at nagtataglay ito ng mga samu’t saring mga anyo ng lupa at tubig na lubos na
nakakaapekto sa takbo ng pamumuhay ng mga Asyano. Malaki ang bahaging
ginampanan ng likas na kapaligiran upang mabuo at umunlad ang kabihasnang
Asyano. Halimbawa na lamang nito ay ang Ilog Tigris at Euprates na naging dahilan
sa pag-usbong ng Kabihasnang Mesopotamia at ang Ilog Indus na nagsilbing
lunduyan ng Kabihasnang India.

Ang mga kaganapan sa kasaysayan at pagbabago ay bunga na rin ng pagbabago


ng kapaligiran. Malaki ang impluwensya ng heograpiya sa ugnayan at pamumuhay
ng tao at ng kanyang kapaligiran. Idinidikta ng katangiang pisikal ng lugar kung saan
naninirahan ang tao. Sa pagdaan ng panahon ang tao ay natutong makiangkop sa
kanilang kapaligiran. Ang patuloy na interaksiyon ng tao at kapaligiran ay ang siyang
nagbubunsod sa kabihasnang patuloy na pinauunlad ng tao sa kasalukuyan.

III. Mga Gawain


Gawain 1 - MAPA-Tingin
Panuto: Tukuyin kung anong rehiyon ang bansa sa bawat bilang. Isulat sa patlang
ang letrang SA para sa Silangang Asya, TSA sa Timog Silangang-Asya, TA sa Timog
Asya, HA sa Hilagang Asya at KA para sa Kanlurang Asya. Tingnan at gawing gabay
ang mapa kung saan ito matatagpuan.

RO_AP_Grade 7_Q1_LP 2
1
_____ 1. Philippines ____ 6. Kazakhstan
_____ 2. China ____ 7. Mongolia
_____ 3. Japan ____ 8. Nepal
_____ 4. Saudi Arabia ____ 9. Indonesia
_____ 5. Iraq ____ 10. India
Gawain 2 - Picture Analysis
Panuto: Suriin ang mga larawang makikita sa Instagram Post ng Araling_Panlipunan7
account tungkol sa ugnayan ng tao at kapaligiran. Sagutan ang mga pamprosesong
tanong sa ibaba.

.
.

RO_AP_Grade 7_Q1_LP 2
2
Pamprosesong tanong:
1. Batay sa larawan, paano nililinang ng mga tao ang kanyang kapaligiran?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Mahalaga ba ang ugnayan ng tao at kapaligiran? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Paano nagbigay-daan sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano ang
ugnayan ng tao sa kaniyang kapaligiran?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Gawain 3 - Poster Making


Panuto: Gumawa ng poster na may temang “Ako, Ikaw at ang Kapaligiran.” Ipakita sa
poster ang estado ng ating kapaligiran sa kasalukuyan, mga hakbang na ginagawa
ng mga tao upang ito ay mapangalagaan at ang iyong kontribusyon bilang isang
responsableng mag-aaral para sa kapaligiran. Gawin ito sa 1/8 illustration board o sa
short-size coupon bond.

IV. Rubrik sa Pagpupuntos

Gawain 3 - Poster Making

Pamantayan Deskripsyon Puntos

Nilalaman Naipakita at naipaliwanag ng maayos ang ugnayan ng 10


lahat ng konsepto sa paggawa ng poster
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe sa 5
Konsepto paglalarawan ng konsepto
Pagkamalikhain Malinis at maayos ang presentasyon. Gumamit ng 5
/Presentasyon tamang kombinasyon ng kulay upang maipahayag
ang nilalaman at maging kaaya-aya ang poster
Kabuuan 20

RO_AP_Grade 7_Q1_LP 2
3
V. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 - MAPA-tingin

1. TSA 6. HA
2. SA 7. HA
3. SA 8. TA
4. KA 9. TSA
5. KA 10. TA

Gawain 2 - Picture Analysis


1. Nililinang ng tao ang kanyang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim at
paghuhuli ng isda bilang hanap-buhay at pinagkukunan ng pagkain at inumin.
2. Mahalaga ang ugnayan ng tao at kapaligiran sapagkat dito nakabatay kung ano
ang magiging uri ng pamumuhay ng mga tao. Umaasa ang mga tao sa kanyang
kapaligiran upang mabuhay.
3. Sa paglinang ng tao sa kapakinabangang idinudulot ng kapaligiran ay nabuo at
umunlad ang kabihasnang Asyano. Ang paggamit sa mga anyong tubig tulad ng ilog
at dagat bilang pinagkukunan ng inumin, pagkain, gamit sa pang-araw-araw na
gawain, at transportasyon gayun din ang mga anyong lupa tulad ng kapatagan,
bundok, talampas at iba pa bilang tirahan, pinagkukunan ng pagkain at ginagagamit
sa anumang uri ng kabuhayan at pamumuhay ng tao ang siyang naging susi upang
umusbong at umunlad ang Kabihasnang Asyano.

VI. Sanggunian
Blando, Rosemarie., et al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba.
Eduresources Publishing Inc. Pasig City, Philippines. 2014. Pahina 18-21
https://cupdf.com/document/araling-asyano-learning-module=first=quarter.html
https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-8-araling-palipunan-lea
rner-module?qid=cdc00593-adba-49ab-8888-faeaf4429636&v=&b=&from_searc
h=13
https://www.slideshare.net/kenalcantara4/mga-rehiyon-sa-asya-53407166
https://youtu.be/6v9NIRXR0kk
https://issuu.com/ejnhs001/docs/ap7_q1_mod1
http://clipart-library.com/indian-farmer-clipart.html

Inihanda ni:

SHIELA M. TIMBAN
Sta. Magdalena National High School
Division of Sorsogon
RO_AP_Grade 7_Q1_LP 2
4

You might also like