You are on page 1of 2

Lingguhang Pagsusulit 2

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot. Isulat sa inyong papel ang
sagot na nakahiwalay sa mga sagot ninyo sa inyong modyul.

1. Ito ay ang wikang katutubo o kinagisnan at natamo mula sa pagkasilang hanggang sa sa oras
na magamit at maunawaan ng isang indibidwal.

a. Unang wika b. Filipino c. Tagalog d. Ikalawang Wika

2. Ano ang dapat gawin ng mga kabataan kung sila ay mag-popost sa social media?

a. Patuloy nilang gamitin nang wasto and wikang Filipino.

b. Gumamit at magpa-uso ng iba’t-ibang salita na bago sa pandinig ng kabataan.

c. Gumamit ng iba’t ibang mga simbolo.

d. Gumamit ng sariling lingguwahe ngunit haloan ng wikang banyaga para maging sosyal.

3. Anong apps ang dapat gamitin kung sakaling gusto mong matutunan bigkasin ang isang salita
na bago palang sa iyong bokabularyo.

a. Spotify b. Wattpad c. Youtube d. Facebook.

4. Ang paggawa ng liham pangangalakal, liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas


tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng
tungkuling ito.

a. Instrumental b. regulatoryo c. Interaksiyonal d. Personal

5. Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-
uusapan.

a. Instrumental b. regulatoryo c. Interaksiyonal d. Personal

6. Ang tungkulig ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa;


pagkukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang-loob;
paggawa ng liham-pangkaibigan; at iba pa.

a. Instrumental b. regulatoryo c. Interaksiyonal d. Personal

7. Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.

a. Instrumental b. regulatoryo c. Interaksiyonal d. Personal

8. Namamasyal ka sa isang parke. Maganda ang tanawin at maraming nanggagandahang


bulaklak. Gusto mo sanang pumitas para amuyin ang mabango nitong amoy. Pero may nakita
kang nakasular sa isang paskil. “ Bawal pumitas ng mga bulaklak”.

a. Imahinasyunal b. Interaksyunal c. Instrumental d. Regulatori

9. Maagang pumasok si Trina upang magtungo sa silid-aklatan. Nagtungo siya sa custodian upang
magtanong kung saang seksyon makikita ang kanyang hahanaping aklat.
a. Impormatibo b. Instrumental c. Heuristiko d. Regulatori

10. Si Rose ay palaging itinatala ang pangyayari sa kanyang araw-araw na pamumuhay sa isang
lungsod upang maibahagi nya ang kanyang mga karanasan sa kanyang pag-uwi sa probinsya.

a. Intrumental b. Heuristiko c. Regulatori d. Personal

11. Sa acronym na SPEAKING, ano N?

a. National b. Norms c. Normal d. Neutral

12. Inako na ni Noel ang responsibilidad bilang ama ng tahanan mga kapatid na maliliit
pa lamang.

a. para sa b. maliban sa c. subalit d. dahil sa

13. Pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon.

a. Conative b. Phatic c. Emotive d. Referential

14. “Ikaw ang binibini na ninanais ko, binibining marikit na dalangin ko.”

a. Instrumental b. Regulatori c. Personal d. Interaksiyonal

15. “Mang TAni : Ang bagyong Rolly ay ang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo na naitala
ngayong taon.”

a. Impormatibo b. Heuristiko c. Interaksyonal d. Regulatoryo

Inihanda ni:

Paolo Kim D. Tumaob


Guro I, Ferrol NHS

You might also like