You are on page 1of 2

Sa report na ito, babalikan namin ang mga mahahalagang

pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas noong panahon ng Kastila


at panahon ng rebolusyong Pilipino na naging daan upang isilang
ang wikang pambansa.
> panahon ng kastila
* alibata
- Noong panahon ng pre-kolonyal may labimpitong letra ang ating
alibata, tatlo ang patinig, labing-apat naman ang katinig. Ang
baybayin ay tagapagbadya ng mga nasulat na kaisipan ng mga
ninunong Pilipino at ito rin ang pinaka unang alpabeto ng
pilipinas.
>alpabetong romano o mas kilala bilang abakada
-Noong dumating ang mga kastila ang dating baybayin ay
napalitan ng Alpabetong romano Noong isáng libó’t siyám na
daán at ápat na pû or 1940`s na binuo ni Lope K. Santos ( ang
itinuturing na ama ng balarilang Filipino) ang isang abakada na
may dalwampung (20) titik na kinabibilangan ng limang (5)
patinig at labing-limang (15) katinig na ang tunog o bigkas ay
hango mula sa wikang Tagalog.
> Panahon ng Rebolusyong Pilipino/Propaganda
- sa panahong ito Namulat ang damdaming makabayan ng mga
Pilipinong natutong maghimagsik sa pangaabuso ng mga
mananakop. Maraming nasulat na panitkan sa wikaing Tagalog –
tula, sanaysay, kwento, at iba pang mga akdang hitik sa
damdaming makabayan. Napatatag ang Katipunan at naisulat
ang Kartilya ng Katipunan sa Tagalog, marami na ring mga
Pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo.
Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga
karunungan. Nanguna sa pagpapayaman ng wika noong
panahong ito sina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Antonio
Luna at Marcelo H. del Pilar.
- at sa panahon ring ito ay maraming akdang naisulat sa wikang
Tagalog. Pawang mga akdang nagsasaad ng pagiging
makabayan, masisidhing damdamin laban sa mga Kastila ang
pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat kasama na rito ang
Noli me tangere at El filibusterismo na isinulat ni dr. jose rizal pati
na rin ang dalawang batas na

-saligang batas ng biyak na bato na 1896 - na ang wikang tagalog


ay magiging opisyal na wika ng pilipinas at ang
-Saligang-Batas ng 1935 – Ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika.
- at dito na lumabas ang pinagyamang alpabeto
Na ginawa Noong Oktubre 4, 1971, pinagtibay ng Sanggunian ng
Wikang Pambansa ang pinagyamang alpabeto na binubuo ng
tatlong put isa or 31 na titik.
- Makabagong Alpabeto o Alpabetong pilipino
noong taong 1987 Muli itong binago kaalinsabay ng pagbabago
ng Pambansang Konstitusyon bilang tugon sa mabilis na
pagbabago at pag-unlad ng wikang pambansa. Matapos ang
mahabang serye ng sanguniang pulong o seminar nabuo ang
Alpabetong Filipino na may dalawang put walo (28) na titik. at eto
na rin po ang alpabetong ginagamit natin ngayon.

You might also like