You are on page 1of 27

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 7:
Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa
Aspekto ng Pamumuhay ng mga Asyano
sa Timog at Timog-Kanlurang Asya

CO_Q3_AP 7_Modyul 7
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Aspekto ng
Pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Timog-
Kanlurang Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Michaela G. Doguitom
Editor: Jouilyn O. Agot
Tagasuri: Nimfa V. Alaska
Tagaguhit: Karl Gabriel G. Buenafe
Tagalapat: Liezl O. Arosio, Magnolia M. Mabulo-Delos Santos
Tagapamahala: Dr. Benjamin D. Paragas, CESO V, Regional Director IV
Mariflor B. Musa, CLMD Chief
Danilo C. Padilla, Regional ADM Coordinator
Dr. Freddie Rey R. Ramirez, EPS-LRMS/AP
Dr. Cyril C. Serador, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS
Marites L. Arenio, EPS-AP
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navila, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng Eduresources Publishing, Inc.


Department of Education – MIMAROPA Region
5th Floor Mabini Building, DepEd Complex, Meralco, Avenue, Pasig City, Philippines 1600
(02) 634-1054 o 634-1072
imcsetd@yahoo.com
7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa
Aspekto ng Pamumuhay ng mga Asyano
sa Timog at Timog-Kanlurang Asya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa
Aspekto ng Pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Timog-Kanlurang Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Aspekto ng Pamumuhay ng
mga Asyano sa Timog at Timog-Kanlurang Asya!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Kung gaano kahitik sa mga likas na yaman ang mga Asyano, ganoon din
naman ang mga relihiyong kinabibilangan ng mga Asyano. Maaring sa Asya isinilang
ang mga relihiyon sa daigdig. Hindi kataka-taka ito sapagkat iba ang pagturing ng
mga Asyano kung ang pag-uusapan ay relasyon ng tao at ng lumikha o Diyos.
Ang relihiyon ay nagmula sa salitang Latin na ‘’re-ligare’’ na ang ibig sabihin
ay «pagbubuklod at pagbabalik-loob’ Ang relihiyon ay naging bahagi na ng buhay ng
mga tagasunod at dito na rin nila ibinabatay ang kanilang mga ikinikilos at
ginagawa. May kani-kaniyang mga aral, doktrina, at paniniwalang sinusunod.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan sa iyo ang sumusunod:


1. Naiisa-isa ang mga relihiyon sa Timog at Timog-Kanlurang Asya gayundin
ang mga aral at doktrina nito;
2. Natutukoy ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto
ng pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Timog-Kanlurang Asya; at

3. Nabibigyang halaga ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang


aspekto ng pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Timog-Kanlurang Asya.

Ang pagkamit mo sa mga layuning nabanggit sa itaas ay magiging tulay upang


tiyak na matutunan mo ang sumusunod na pamantayan at kasanayan:

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)


Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at
pagpapatuloy sa Timog at Timog-Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon ( ika-16 hanggang ika-20 siglo).

PAMANTAYAN SA PAGGAWA (Performance Standard)


Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago,
pag- unlad at pagpapatuloy sa Timog at Timog-Kanlurang Asya sa Transisyonal at
Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).

PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO (Most Essential Learning Competency)


➢ Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay AP7TKA-III-g-1.21

1 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na tanong at piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat sa kuwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Paniniwalang Hindu kung saan ang namatay na katawan ng tao ay


isisilang muli sa ibang anyo, paraan, o nilalang.
A. Karma C. Reinkarnasyon
B. Polytheism D. Veda

2. Isa sa pinakamahalagang bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste na binubuo


Brahmin, Ksatriyas, Vaishyas, at Sudras. Ano ang nilalaman ng sistemang
Caste?
A. Pag-uuri ng mga tao sa India batay sa propesyon o tungkulin
B. Pag-uuri ng mga tao sa India batay sa kasarian
C. Pag-uuri batay sa katayuan at antas ng pamumuhay
D. Pag-uuri batay sa edad, kasarian, at kultura

3. Binigyang- diin ng relihiyong Jainismo ang asetismo. Paano ito isinasagawa ng


mga tagasunod nito?
A. Hindi sila kumakain ng karne ng hayop at anomang may halong dugo
B. Pagpapakasakit at mahigpit na penitensiya upang mapaglabanan ang
kasakiman ng katawan.
C. Mahigpit na pagsunod sa pamamagitan ng pagsamba
D. Pagpapakasakit at penitensiya sa pamamagitan ng pagpapako sa krus.

4. Ang kaluluwa ay nalilinis at nagiging dalisay sa paggawa ng kabutihan


hanggang ito ay makawala sa tanikala ng reinkarnasyon ng katawan at ang
kaluluwa ay makakaisa ni Brahman sa habang panahon na estado na tinatawag
na Nirvana. Ano ang kailangang gawin upang matulungang makamit ang
Nirvana?
A. Disiplinahin ang sarili sa pamamagitan ng ayuno
B. Disiplinang kailangang buuin sa pamamagitan ng yoga
C. Disiplina sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa kapwa
D. Disiplina na kailangang buuin sa pamamagitan ng pagsamba
sa Diyos-diyosan

5. Ano ang naging resulta ng sigalot pangrelihiyon ng Hinduismo at Islam?


A. Umusbong ang Digmaang Pangrelihiyon
B. Pagkakasundo ng mga Hindu at Arabo
C. Umusbong ang relihiyong Sikhismo
D. Pagkakabuo ng Qur’an

6. Terminolohiyang tumutukoy sa taong isinuko ang luho sa buhay, namumuhay


nang payak na mistulang pulubi at naglilinis ng kaluluwa.
A. Asetiko C. Jains
B. Hudyo D. Muslim

2 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
7. Sa Islam, ang kawing ng Risalah ay nagsimula kay Adan, kasama si Noeah,
Abraham, Ismael, Isaac, Lot, Jacob, Jose, Moises, at Hesus, at nagtapos kay
Muhammad bilang panghuling sugo ni Allah sa buong sangkatauhan. Ano ang
kahulugan ng Risalah?
A. Pagkapropeta at Pagkasugo C. Pagkabuhay Muli
B. Pagkabayani D. Tagapagtubos
8. Ano ang ibinigay ng Diyos kay Moises sa bundok ng Sainai?
A. Ang Sampung Utos C. Kaaba
B. Apat na Banal na Katotohanan D. Shahada
9. Gaano kahalaga ang Torah sa mga Jew?
A. Mahalaga ang Torah dahil dito nakasaad ang mga nais ni Yahweh at ito
ang pinakasentro ng pag-aaral ng Judaismo
B. Mahalaga ang Torah dahil nagsasaad ito ng mga banal na utos,
kasabihan, at paniniwalang Islam
C. Nagsisilbing basehan upang makabawas ng kasalanan
D. Ang Torah ay nagsisilbing gabay upang mahugasan ang kasalanan ng
tao at pinakasentro ng pag- aaral ng Kristiyanismo
10. Maraming tao ang nakinig at sumunod kay Hesus. Gayunpaman, may mga Jew
na hindi nagustuhan ang kanyang mga turo at gawain. Ipinahuli, ipinako, at
namatay si Hesus sa krus. Anong paniniwalang Kristiyanismo ang
pinaniniwalaan ng mga tagasunod nito?
A. Si Hesus ay umakyat sa langit bilang isang espiritu at hindi na muling
babalik sa sangkatauhan
B. Darating ang panahon na si Hesus ay muling magbabalik upang
husgahan ang lahat- buhay man o pumanaw na, upang malaman
kung siya ay pupunta sa langit o sa impiyerno
C. Pag-aantay sa panahon na muling babalik si Hesus na kawangis ng
isang ibon at huhusgahan ang mga makasalanan
D. Darating ang panahon na ang lahat ng mabubuti ang gawa at kaisipan
ay mabibiyayaan ng magandang buhay at karangyaan sa lupa.
11. Ang mga Hindu ay naniniwala na ang tao ay hindi namamatay kundi
nagkakaroon ng reinkarnasyon sa mga sumusunod na generasyon, kung saan
ang kaluluwa ay palipat-lipat ng katawan.
A. Ahimsa C. Nirvana
B. Kojiki D. Samsara
12. Sino ang mga taong sumulat ng buhay, turo, at aral ni Hesus?
A. Abraham C. John the Baptist
B. Apostoles D. Evangelista
13. Zoroastriyanismo:_________________;__________________: Mahavira
A. Zarathustra; Jainismo C. Judaismo; Guru Nanak
B. Jew; Hesus D. Sikhismo; Buddhismo
14. Judaismo: Torah; Islam: __________________
A. Hadith C. Surah
B. Sunni D. Qur’an
15. Sidharta Gautama: __________________; Hesus: ___________________
A. Buddhismo; Hinduismo C. Zoroastriyanismo; Hinduismo
B. Buddhismo; Kristiyanismo D. Zoroastriyanismo; Kristiyanismo

3 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
Aralin Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa

1 Aspekto ng Pamumuhay ng mga Asyano


sa Timog at Timog-Kanlurang Asya

Natalakay natin sa nakaraang aralin ang kahalagahan ng bahaging


ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa imperyalismo sa Timog at
Timog-Kanlurang Asya.
Natatandaan mo ba ang mga ito? Ngayon naman halika na, simulan natin ang
bagong aralin at sagutin ang mga gawain.
WH

Balikan
Gawain 1: Bubble Map
Panuto: Isulat ang mga salita at pangungusap na kaugnay at tumutukoy sa
konsepto ng Nasyonalismo. Kopyahin at isulat sa kwaderno.

NASYONALISMO

Mga Tanong: Kopyahin ang tanong at isulat sa kuwaderno ang sagot.


1. Ano-ano ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagwakas ng
imperyalismo sa Timog at Timog-Kanlurang Asya? Ipaliwanag.
2. Gaano kahalaga ang nasyonalismo sa isang bansa? Magbigay ng mga
paraan kung papaano ito maipapakita at maisasagawa.

4 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
Mga Tala para sa Guro
Naglalaman ang modyul na ito ng mga mungkahing gawain
upang malinang ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral.
Kinapapalooban ito ng iba’t ibang estratehiya tulad ng word web,
hularawan, crossword, dugtungan graphic organizer, larawan at
repleksiyon, pag-unawa sa teksto atbp. Ang bawat gawain sa isang
aralin ay nakabatay sa tatlong araw na sesyon. Iminumungkahi
na pagyamanin pa ng mga guro ang mga mungkahing gawain at
estratehiya batay sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral.

Tuklasin

Ikaw ba ay sabik nang magpatuloy na matuto at madagdagan ang kaalaman


sa modyul na ito? Halina’t sagutin ang mga gawain at subukang lawakan ang pang-
unawa upang magkaroon ng kaalaman at ideya sa layuning nais iparating.

Gawain 1: Hularawan
Panuto: Tukuyin ang relihiyon at tao na nakasaad sa larawan. Isulat ang tamang
sagot sa kuwaderno.

A.

IAINSOMJ _____________________

B.

TIYASIRKNIMOS
_______________________

5 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
C.

URUG KANAN _______________________

D.

AISMDUJO _______________________

E.

_______________________
UDDBHISOM

F.

TRATHUSARAZ ____________________

G.

LASMI ______________________

6 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
Suriin
MGA RELIHIYON SA TIMOG ASYA
Hinduismo
Hinduismo ang pangunahing relihiyon sa India. Ang mga Aryan ang unang
tribong sumampalataya sa relihiyong ito. Naniniwala sila sa mga diyos na mula sa
iba’t ibang likha ng kalikasan, subalit ang kanilang paniniwala ay napalitan ng
pagsamba kay Brahma. Veda ang tawag sa banal na kasulatan ng mga Hindu na
nagmula pa sa panahon ng mga Aryan. Tinuturo ng Veda kung paano magkaroon
ng mahaba at mabuting buhay ang tao. Ginagalang ng Hinduismo ang indibidwal na
pagsamba; mayroon silang mga altar at pumupunta rin sila sa mga banal na lugar.

Paniniwala ng mga Hindu


Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa
kapaligiran na nagdadala ng pagkakaisang espirituwal. Naniniwala sila sa
pagmamahal, paggalang, at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na may buhay,
espiritu o kaluluwa. Sumasamba sila sa iba’t ibang uri at anyo ng Diyos na tinatawag
na polytheism. Bahagi ng kanilang paniniwala ang reinkarnasyon na kung saan ang
namatay na katawan ng tao ay isisilang muli sa ibang anyo, paraan, o nilalang.
Naniniwala rin sila sa karma. Ang karma ay ang pagkakaroon ng gantimpala kung
kabutihan ang ginawa sa kapwa at pagdurusa naman kung di-mabuti ang ginawa
sa kapwa. Naniniwala ang mga Hindu na ang tao ay dapat na magsikap sa buhay at
ito ay dapat na inaalay sa Diyos anoman ang kaniyang antas sa lipunan.
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste o ang
pag-uuri-uri ng mga tao sa India batay sa propesyon o tungkulin. Ang sistemang
caste ay binubuo ng Brahmin (mga pari at pantas), Kshatriyas
(mandirigma),Vaishyas (magsasaka at mangangalakal), at Sudras (mga alipin at
manggagawa).
Ang “Untouchables” o “Outcastes” naman ay ang tawag sa mga taong di
kabilang sa alinmang pangkat at gumagawa ng pinakamababang uri ng gawain.
Bawat pangkat ay may kani-kaniyang patakaran at kaasalang sinusunod. Ang
Hinduismo ay ang tanging relihiyon na naniniwala sa sistemang caste. Ayon sa
kanilang paniniwala, si Brahma ay naglikha ng unang tao na pinangalanang Manu.
Mula sa ulo ni Manu ay nagmula ang mga pinakamagaling at pinakabanal na tao na
tinawag na Brahmin. Mula naman sa kamay ni Manu ang mga mananakop at
mandirigma na tinawag na Kshatriyas. Sa binti ni Manu ay lumabas ang mga
mangagawa sa mundo na tinawag na Vaisyas. At sa paa ni Manu ay nagmula ang
iba pang tao na tinawag na Sudras. Kung ganoon si Brahma na tagapaglikha ang
siyang nagtalaga ng apat na caste ng tao. Ang Hinduismo ay naniniwala na ang tao
ay hindi namamatay kundi nagkakaroon ng reinkarnasyon sa mga susunod na
henerasyon, kung saan ang kaluluwa ay palipat-lipat ng katawan o “Samsana”, dala-
dala ang gantimpala o parusa ng nakaraan niyang buhay ayon sa batas ng Karma.
Ang kaluluwa ay nalilinis at nagiging dalisay sa paggawa ng kabutihan
hanggang ito ay makawala sa tanikala ng reinkarnasyon ng katawan at ang kaluluwa
ay makakaisa ni Brahman sa habang panahon sa estado na tinatawag na Nirvana.
Upang matulungang makamit ang Nirvana, may disiplinang kailangang buuin na
tinaguriang yoga. Liban dito, may batas ding dapat sundin upang madiskubre ng
isang indibidwal ang kanyang sarili. Ito ay ang batas ng moral na kaayusan o
Dharma.

7 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
Buddhismo
Ang Buddhismo ay itinatag ni Siddharta Gautama, isang prinsipe. Isinuko
niya ang karangyaan, luho, at masarap na buhay. Iniwan niya ang kanyang pamilya
at naglakbay hanggang matuklasan ang kaliwanagan.

Ang Buddhismo ay sumibol ng mga 2500 taon nang nakakaraan sa India sa


panahong ang mga tao ay may malalim ng pagkabagot sa Hinduismo dahil sa
paglaganap ng sistemang caste at lumalaking bilang ng mga outcastes. Nawalan ang
mga tao ng tiwala sa reinkarnasyon. Nakita nila ang kanilang kapalaran bilang isang
malungkot at mahabang proseso ng reinkarnasyon na nakawawala ng pag-asa. Kaya
marami sa kanila ang tumalikod at nanampalataya sa mga hayop. Sa panahong ito,
taong 563 B.C., isinilang si Buddha, anak ng Haring Suddhodhana at Reynang Maya
sa kaharian ng Sakyas sa kanlurang India. Siddhartha Gautama ang ipinangalan sa
batang magiging si Buddha. Bilang isang prinsipe, siya’y lumaki sa tradisyon ng
Hinduismo at nakapag-asawa na napalilibutan ng kagandahan at karangyaan.
Isang araw, matapos siyang magkaroon ng anak na lalaki, si Prinsipe Gautama ay
naharap sa apat na pangyayari na nakapagbago sa kanyang buhay. Ang una ay
nakakita siya ng isang tao na nakasalagmak sa lupa at namimilipit sa sakit. Ang
ikalawa ay nakakita siya ng isang matandang lalaki, nakukuba na ang likod,
nanginginig ang mga kamay, at hirap ng lumakad. Ang ikatlo ay nakakita siya ng
taong ililibing na kung saan ang mga naulila ay nag-iiyakan. Ang ikaapat ay nakakita
siya ng isang manlilimos na monghe, payapa, at tahimik na nanlilimos ng kaniyang
makakain.
Dahil sa mga nakita ni Siddharta, iniwan niya ang asawa’t anak at naging
monghe upang mapag-isipan niya nang husto ang kondisyon ng tao, ng sakit, ng
pagtanda, at ng kamatayan. Ang gabing iniwan niya ang lahat upang hanapin ang
kaliwanagan ay tinaguriang “Gabi ng Dakilang Renunsasyon.” Nagpalaboy-laboy ang
prinsipe bilang isang manlilimos na monghe hanggang sa isang araw sa lilim ng
isang puno habang nagninilay, ipinangako niya sa sarili na di siya aalis sa lugar na
iyon hanggang di niya nakukuha ang kasagutan at ang karunungang kanyang
inaasam. Nagpatuloy siya sa kanyang meditasyon hangang sa maunawaan niya ang
unang batas ng buhay na mula sa mabuti, kailangang magmula sa mabuti, at sa
masama ay kailangang magmula ang masama. Ito ang susi sa karunungan. Alam
ni Siddhartha Gautama na hindi bago ito sapagkat ito ang batas ng Karma ng
Hinduismo, subalit iba naman ang konklusiyon na hinugot niya mula rito. Mula sa
ilalim ng puno, pumunta siya sa lalawigan ng Banares, nangalap ng mga monghe at
tagasunod at nangaral ng una niyang sermon na tinaguriang “Ang sermon sa
Banares”. Nang matapos siyang mangaral, tinagurian na siyang “ang naliwanagan o
ang nagising” o Buddha ng kanyang mga tagapakinig at tagasunod. Nag-organisa si
Buddha ng misyon ng pagtuturo sa buong India at lahat ng makarinig sa kanya na
nawalan na ng gana sa tradisyunal na relihiyon ay naging tagasunod niya. Nang
mamatay si Buddha sa edad na walumpu, ang Buddhismo ay nagkaugat na at
naging epektibong puwersang moral sa India. Kahit pa nagkaroon ng reporma sa
Hinduismo na nakabawas sa impluensya ng Buddhismo sa India, ito nama’y hindi
nakapigil sa Buddhismo dahil ito ay naikalat na ng mga tagasunod ni Buddha sa
Ceylon (Sri Lanka ngayon), Burma (Myanmar ngayon), Thailand, China, Korea, Tibet,
at Japan.

8 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
Apat na Dakilang Katotohanan ng Buddhismo
• Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa.
• Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa.
• Maaalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas at matatamo
ang tunay na kaligayahan o nirvana.

Walong Dakilang Daan


1. Tamang Pag-iisip 5. Tamang Pagsasalita
2. Tamang Aspirasyon 6. Tamang Pagkilos
3. Tamang Pananaw 7. Tamang Hanapbuhay
4. Tamang Intensiyon 8. Tamang Pagkaunawa

Jainismo
Isa sa mga relihiyon sa India ang Jainismo. Ayon sa Veda, ito ay itinatag ni
Rsabha, subalit ang naging pinakapinuno ng Jainismo ay si Mahavira o
Vhardamana. Tinalikuran niya ang lahat ng kaniyang kayamanan at kapangyarihan
at naging asetiko katulad din ni Buddha.

Mga Doktrina ng Jainismo


Ang bawat tao ay may layunin na makalaya ang kaluluwa sa
pagkabuhay, pagkamatay, at muling pagkabuhay. Ito ay siklo na dapat
maranasan ng lahat ng tao.
Binibigyang-diin din ng Jainismo ang asetismo o pagpapakasakit at
mahigpit na penitensya upang mapaglabanan ang kasakiman ng katawan.
Habang si Buddha ay nabubuhay at nagtatayo ng bagong relihiyon, may isa
pang guro na nagturo laban sa Sistemang Caste sa India at nangarap ng
reporma sa Hinduismo. Siya si Prinsipe Varhhamana, anak ni Haring
Sreyama at Reynang Trisala ng Kahariang Magadah sa norte ng India. Ang
prinsipe ay nakilala bilang si Mahavira, na ang ibig sabihin ay ”Ang dakilang
bayani”
Si Mahavira ay nagtatag ng bagong relihiyon na kinilalang Jainismo-
ang relihiyon ng mga mananakop. Ang mga Jains ay hindi nagturo ng
pananakop ng iba kundi ang pagsakop sa kanilang mga sarili. Ayon sa turo,
ang kanilang kaligtasan ay sa kanilang kalooban. Katulad ni Buddha,
tinanggap ni Mahavira ang batas ng Hinduismo sa Karma na nagsasaad na
mula sa mabuti ay mabuti at mula sa masama ay masama. Katulad din ni
Buddha, tinanggap ni Mahavira ang paniniwala sa reinkarnasyon at ang
huling hantungan na pagkalas sa tanikala nito na tinaguriang nirvana.
Subalit naghiwalay si Buddha at Mahavira sa Hinduismo ng pareho nilang
itakwil ang pagiging sagrado ng Ssistemang caste, ang kaligtasan na
nagmumula sa dasal, at ang lubusang katotohanan ng mga Vedas o banal na
mga aklat. Nagkaiba ang dalawa nang piliin ni Buddha ang Gitnang Daan o
moderasyon at piliin naman ni Mahavira ang asetisismo.
Naniniwala si Mahavira sa AHIMSA o ang kawalan ng pananakit na
nagbibigay dangal sa buhay. Itinuro rin niya na ang kaluluwa ay nalilinis at
nagiging magaan kapag sumusunod ito sa banal na batas ng buhay.
Kapag ang kaluluwa ay naging napakagaan na, umaakyat ito sa mas
mataas pa sa ikadalawamput-anim na langit hangang sa makarating sa
Nirvana.

9 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
Samantalang ang makasalanang kaluluwa ay nahuhulog sa impiyerno,
at kung napakalaki at napakarami ng kasalanan nito, ito ay babaksak sa
ikapitong impiyerno.
Itinuro ni Mahavira ang doktrina sa mga tao ng tatlumpong taon.
Matapos mamatay si Mahavira, ang mga disipulo niya ay inipon ang kanyang
sermon sa apatnaput-anim na libro na tinawag na agamas at ito ang naging
banal na aklat ng Jainismo.
Ang nirvana ayon sa mga Jains ay makakamit sa pamamagitan ng
tatlong hiyas ng kaluluwa. Ang mga ito ay ang tamang kumbiksyon, tamang
karunungan, at tamang pag-uugali. Ang turo ni Mahavira ay hindi nagkaroon
ng ugat sa labas ng India. Kahit sa India, hindi ito naging matagumpay at sa
ngayon ay papaunti na ang mga tagasunod nito. May natitira na lamang sa
India ng mahigit kumulang isa’t kalahating milyong Jains sa kasalukuyan.

Sikhismo
Sa panahon ng sigalot panrelihiyon ng Hinduismo at islam umusbong ang
relihiyong Sikhismo. Hangad nito na bumuo ng isang relihiyon na may
pagkakapatiran.Walang Hindu, walang muslim bagkus lahat ay dapat
magkakasama at magkakapatid.
Itinatag ang Sikhismo ni Baba Nanak na higit na kilala sa pangalang Guru
Nanak. Siya ang unang guru ng Sikhismo. Ang guru ay nangangahulugang
pagpanaog ng makadiyos o sagradong gabay sa sangkatauhan sa pamamagitan ng
Sampung Naliwanagang Guru (Ten Enlightened Masters). Ipinanganak si Guru
Nanak noong 1469 sa pamayanan ng Talvandi, na ngayon ay tinatawag Nankana
Sahib. Ito ay kasalukuyang saklaw ng Lahore, Pakistan.

Mga Paniniwala ng Sikhismo


Ang mga tagasunod ng Sikhismo ay naniniwala sa reinkarnasyon at sa
pag-akyat ng mga kaluluwa mula sa mababang antas pataas. Kailangang
masagip ang mga tao; kung hindi, sila ay patuloy na makararanas ng muli’t
muling pagsilang. Ang Nirvana ng mga Sikh ay makakamtan sa pagsama ng
indibidwal sa kaniyang lumikha sa kabilang buhay.
Sa Sikhismo, ang pangunahing nais ng tao ay ang sirain ang siklo ng
kapanganakan at kamatayan at makiisa sa Diyos. Ito ay magagawa sa paraan
ng pagsunod sa mga turo ng guru, meditasyon, at pagseserbisyo o
pagkakawanggawa. Kung masusupil o mapaglalabanan ng tao ang Limang
Pangunahing Bisyo (Five Cardinal Vices) - pagnanasang pansekswal, galit,
kasakiman, pagkamakamundo, at kahambugan- siya ay maliligtas.
Sa kasalukuyan, ang Sikhismo ay malaki na ring relihiyon na may
maraming tagasunod sa buong daigdig. Ang mga mananampalataya ng
Skihismo ay matatagpuan sa India, Pakistan, at sa iba’t ibang parte sa
daigdig.

10 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
Mga Relihiyon sa Timog-Kanlurang Asya

Judaismo
Ang Judaismo ay relihiyon ng mga Jew o Israelite, isa sa pinakamatandang
relihiyon sa daigdig. Ito ay monoteistikong relihiyon na ang ibig sabihin ay ang
paniniwala sa isang Diyos at tagalikha, si Yahweh. Ang mga nais ni Yahweh ay
nakasaad sa Torah, ang pinakasentro ng pag-aaral ng Judaismo. Ang Torah na
nangangahulugang “batas at aral” ay naglalaman ng limang aklat ni Moses: ang
Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, at Deuteronomy.
Maraming naging patriarka ang mga Jew, kasama na rito sina Abraham,
Isaac, at Jacob, ngunit ang pinakadakilang pinuno ay si Moses.
Ang Sampung Utos na gabay ng mga Hudyo sa wastong pagkilos at pamumuhay:
1. Ibigin mo nang lubos ang Diyos nang higit sa lahat.
2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.
3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
4. Igalang mo ang iyong ama at ina.
5. Huwag kang papatay.
6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
7. Huwag kang magnanakaw.
8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling.
9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.
10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.

Kristiyanismo

Ang Kristiyanismo ang may pinakamalaking bilang sa lahat ng mga relihiyon


sa mundo batay sa dami ng mga tagasunod at kasapi nito. Ito ay relihiyong batay sa
buhay at turo ni Kristo Hesus. Ang Kristiyanismo ay mula sa relihiyong Judaismo.
Si Kristo Hesus ang ipinangakong Mesiyas at manunubos. Siya ang tagapagligtas na
ipinadala upang iligtas ang sanlibutan. Ayon kay Hesus, mahal ng Diyos Ama ang
lahat ng taong tatanggap at mananampalataya ng tunay at lubos sa Kanya.

Ang Katolisismo ang pangunahing bumubuo sa Kristiyanismo na pinagtibay


ng Simbahang Katolika. Naniniwala sa Santisima Trinidad na may nag-iisang Diyos
Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Ito ay nakabatay sa dalawang paniniwala:
Ang pagkilala kay Hesus bilang anak ng Diyos at paniniwala sa kaniyang muling
pagkabuhay. Bahagi ng paniniwalang katolisismo ang pagsunod sa Pitong
Sakramento at pagsasabuhay ng Sampung Utos ng Diyos at mga kautusan ng
simbahan na nagmumula sa Santo Papa sa Rome. Ang Santo Papa sa Rome ang
pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katolika.

Ang banal na aklat ng mga Kristiyano ay ang Bibliya. Ito ay nahahati sa


dalawang aklat, ang Lumang Tipan at ang bagong Tipan. Sina Adan at Eba (mga
unang taong likha ng Diyos) ay sumuway sa utos ng Diyos. Sa galit ng Diyos, pinaalis
Niya sina Adan at Eba sa Paraiso. Nang maglaon, sila ay naghirap at namatay dahil
sila ay nagkasala.
Bagamat ganito ang nangyari sinabi ng Diyos na may darating na
tagapagligtas upang iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan. Ang tagapagligtas na
ito ay si Hesukristo. Siya ay nagkatawang-tao. Ipinagbuntis siya sa pamamagitan ng
Espiritu Santo at ipinanganak ni Birheng Maria.

11 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
Ipinanganak si Hesukristo sa Bethlehem. Lumaki siya bilang isang Jew at
nagtrabaho bilang karpintero hanggang sa marating ang edad na 30. Sa edad niyang
ito sinimulan ang pagpapahayag ng mabuting balita ng Diyos.
Marami siyang napangaralan. Nakagawa rin siya ng mga milagro. Karamihan
sa mga ito ay ang pagpapagaling ng mga maysakit. Napapaalis din niya ang
masasamang espiritu o demonyong sumasanib sa mga tao. Dahil sa mga gawaing
ito, maraming mga tao ang nakinig at sumunod sa kanya. Gayunpaman, may mga
Jew na hindi nagustuhan ang kanyang mga turo at gawain. Hindi naglaon, siya ay
ipinahuli, ipinako sa krus, at namatay. Matapos ang tatlong araw, siya ay muling
nabuhay at umakyat sa langit. Darating ang panahon na si Hesukristo ay muling
magbabalik sa daigdig upang husgahan ang lahat- buhay man o pumanaw na. Sa
paghuhusgang ito ay malalaman kung sino ang pupunta sa langit o sa impyerno.

Islam
Ang ‘Islam’ ay salitang Arabic na nanggaling sa salitang ugat na ‘Aslama’, na
nangangahulugan ng “kapayapaan, kusang pagsuko sa kalooban ni Allah at
pagsunod sa Kanyang mga kautusan” . ‘Allah’ ay ang pangalang pantangi ng tunay
na Diyos na ginagamit ng mga Muslim. Ang isang taong malaya at tinatanggap niya
ng may kabatiran ang Islamikong pamamaraan ng buhay at taos-pusong
isinasabuhay ito ay tinatawag na ‘Muslim’.

Mga Paniniwala at Aral ng Islam


Ang Qur’an ay ang panghuling Aklat ng patnubay mula kay Allah, na
ipinahayag kay Propeta Muhammad. Ang tunay at matapat na Muslim ay
naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na Allah. Simula ng nilikha ang
unang tao, si Allah ay nagpahayag ng Kanyang patnubay sa sangkatauhan sa
pagpapadala ng mga propeta, na lahat sila ay nag-aanyaya na maniwala sa
Isang Diyos. Ang mga propetang tumanggap ng mga aklat mula kay Allah ay
tinawag na mga sugo. Sa tuwing ang mga aral ng propeta ay nasira ng mga
tao si Allah ay nagpapadala ng panibagong propeta upang ibalik ang
sangkatauhan sa Tuwid na Landas. Ang kawing ng Risalah
(nangangahulugan ng Pagkapropeta at Pagkasugo) ay nagsimula kay Adan,
kasama si Noah, Abraham, Ismael, Isaac, Lot, Jacob, Jose, Moises, Hesus, at
nagtapos kay Muhammad bilang panghuling sugo ni Allah sa buong
sangkatauhan.
Limang Haligi ng Islam
1. Shahadah [Pagsaksi at Pagpapahayag ng Pananampalataya]
2. Salah [Tungkuling Pagdarasal]
3. Zakat [Itinakdang Kawanggawa]
4. Sawm [Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan]
5. Hajj [Paglalakbay sa Makkah]

Zoroastrianismo
Ang Zoroastriyanismo ay isang matandang relihiyon sa daigdig. Itinatag ito ni
Zarathustra na kung tawagin ay Zoroaster sa Greece o Zarathosht sa India at Iran.
Si Zoroaster ay isang propeta na nagturo na ang Diyos ay si Ahura Mazda,
tagapaglikha at tagapagtaguyod ng daigdig. Ang banal na aklat o sulatin ng
Zoroastrianismo ay ang Zend Avesta. Naglalaman ito ng mga awit na binuo ni
Zoroaster. Sinasabi ng ibang iskolar na hindi tahasang monoteistiko ang
Zoroastrianismo. Ayon sa kanila, may pagkadualismo, ito ang Zoroastriyanismo. Ito
ay dahil naniniwala ang Zoroastriyanismo na ang daigdig ay labanan ng dalawang
pwersa: ang mabuti at masamang pag-iisip.

12 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
Ang diyos na mabuti ay si Ahura Mazda samantalang ang diyos ng masama
ay si Angra Mainyu o kilala rin sa tawag na Ahriman. Binibigyan ang tao ng laya na
pumili ng nais niya. Sa huling paghuhukom, ang mabuti ay sasama kay Ahura
Mazda sa kalangitan, samantalang ang masama ay kasama ni Angra Mainyu sa
Impiyerno. Ang Konsepto ng langit at impiyerno ay hindi mga pisikal na lugar. Ang
mga ito ay nasa lebel ng pag-iisip.
May isang paraan ng paglaban sa masama, ito ay ang paggawa ng mabuti.
May paraan ng paglaban sa kadiliman. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapalaganap
ng liwanag. Sa pagpapalaganap ng pag-ibig, maaalis ang galit o hidwaan. Sa
katapusan ng mundo, mangingibabaw o magtatagumpay ang kabutihan.
(Pinagkunan: Rosemarie C. Blando et al., Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling
Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, Pasig City: Department of Education, Eduresources
Publishing, Inc., 2014, 155-159.)

(Pinagkunan: Grace Estela C. Mateo et al., Asya: Pag- usbong ng Kabihasnan. G. Araneta Avenue,
Quezon City: Department Education, Vibal Publishing House, Inc., 2008, 218-227.)

Pamprosesong Tanong: Kopyahin ang mga tanong at isulat sa kuwaderno ang


tamang sagot.
1. Batay sa mga relihiyong nailatag, anong relihiyon ang iyong
kinabibilangan?
2. Ano-ano ang doktrina, aral, at mahahalagang kautusan ang kahalintulad
na mayroon sa relihiyong iyong kinabibilangan? Ipaliwanag.
3. Paano nakaaapekto at nakatutulong sa mga Asyano ang pagsasabuhay
ng mga doktrina, aral, at kautusan ng bawat relihiyon? Ipaliwanag.
4. Paano nakaimpluwensiya ang mga relihiyon sa aspekto ng pamumuhay
ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya?
5. Paano mo pinili ang kasalukuyang relihiyon na iyong pinaniniwalaan at
kinabibilangan? Ipaliwanag.

Pagyamanin

Gawain 1: Crossword
Panuto: Punan ng tamang sagot. Isulat sa kuwaderno ang tamang sagot.

PAHALANG
1. Itinatag ni Mahavira
3. Pinakamatandang Relihiyon
6. Pangunahing relihiyon sa India
8. Itinatag ni Hesu-Kristo
9. Batas at Aral

PABABA
2. Relihiyon ng Muslim
4. Taong di kabilang sa alinmang
pangkat
5. Itinatag ni Zarathustra
7. Itinatag ni Sidharta Gautama
10. Kapayapaan

13 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
Gawain 2: Isulat ang titik T kung TAMA ang pahayag at titik M naman kung MALI
ang isinasaad sa pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang tamang sagot.
1. Ang outcast ay mga taong kabilang sa pinakamataas na pangkat ng
mamamayan sa lipunan.
2. Si Abraham ang kinikilalang tagapagtatag ng Kristiyanismo.
3. Ang mga Hindu ang sumasamba sa iba’t ibang uri at anyo ng diyos na
tinatawag na polytheism.
4. Ang Zoroastrianismo ay itinatag ni Guro Nanak.
5. Ang paniniwala ng mga Hudyo sa iisang Diyos ay tinatawag na monotheism.

Gawain 3: Sumulat ng limang pakinabang at kahalagahan ng relihiyon sa mga


Asyano. Isulat sa kuwaderno ang sagot.
1.__________________________________ 4.__________________________________
2. _________________________________ 5.__________________________________
3. _________________________________

Isaisip

Gawain: Dugtungan
Panuto: Kopyahin at isulat ang karugtong na mensahe sa kuwaderno.

“Ang lahat ng nangyayari at kinahihinatnan ng buhay ng tao ay naayon


sa plano ng Diyos.” Para sa akin, ang mensahe nito ay
_________________________________________________________
_________________________________________________________.

“May Utos ang Diyos at Batas ang Tao.”


Para sa akin _____________________________________________
_________________________________________________________.

“Ang nararanasan nating hinagpis sa buhay ay bunga ng mga maling


aksiyon natin sa nakaraan.” Para sa akin, ang mensahe nito ay______
________________________________________________________ .

“Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.” Para sa akin, ang mensahe
nito ay___________________________________________________
_______________________________________________________ .

14 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
Isagawa

Gawain: Larawan at Repleksyon


Panuto: Isulat sa kuwaderno ang mensahe.

Ang mensahe ng larawan ay______________________________________________


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

15 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na tanong at piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat sa kuwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Paniniwalang Hindu kung saan ang namatay na katawan ng tao ay


isisilang muli sa ibang anyo, paraan, o nilalang.
A. Karma C. Reinkarnasyon
B. Polytheism D. Veda

2. Isa sa pinakamahalagang bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste na binubuo


Brahmin, Ksatriyas, Vaishyas, at Sudras. Ano ang nilalaman ng sistemang
Caste?
A. Pag-uuri ng mga tao sa India batay sa propesyon o tungkulin
B. Pag-uuri ng mga tao sa India batay sa kasarian
C. Pag-uuri batay sa katayuan at antas ng pamumuhay
D. Pag-uuri batay sa edad, kasarian, at kultura

3. Binigyang-diin ng relihiyong Jainismo ang asetismo. Paano ito isinasagawa ng


mga tagasunod nito?
A. Hindi sila kumakain ng karne ng hayop at anomang may halong dugo
B. Pagpapakasakit at mahigpit na penitensiya upang mapaglabanan ang
kasakiman ng katawan.
C. Mahigpit na pagsunod sa pamamagitan ng pagsamba
D. Pagpapakasakit at penitensiya sa pamamagitan ng pagpapako sa krus.

4. Ang kaluluwa ay nalilinis at nagiging dalisay sa paggawa ng kabutihan


hanggang ito ay makawala sa tanikala ng reinkarnasyon ng katawan at ang
kaluluwa ay makakaisa ni Brahman sa habang panahon na estado na tinatawag
na Nirvana. Ano ang kailangang gawin upang matulungang makamit ang
Nirvana?
A. Disiplinahin ang sarili sa pamamagitan ng ayuno
B. Disiplinang kailangang buuin sa pamamagitan ng yoga
C. Disiplina sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa kapwa
D. Disiplina na kailangang buuin sa pamamagitan ng pagsamba
sa diyos-diyosan

5. Ano ang naging resulta ng sigalot pangrelihiyon ng Hinduismo at Islam?


A. Umusbong ang Digmaang Pangrelihiyon
B. Pagkakasundo ng mga Hindu at Arabo
C. Umusbong ang relihiyong Sikhismo
D. Pagkakabuo ng Qur’an

6. Terminolohiyang tumutukoy sa taong isinuko ang luho sa buhay, namumuhay


nang payak na mistulang pulubi at naglilinis ng kaluluwa.
A. Asetiko C. Jains
B. Hudyo D. Muslim

16 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
7. Sa Islam, ang kawing ng Risalah ay nagsimula kay Adan, kasama si Noah,
Abraham, Ismael, Isaac, Lot, Jacob, Jose, Moises, at Hesus, at nagtapos kay
Muhammad bilang panghuling sugo ni Allah sa buong sangkatauhan. Ano ang
kahulugan ng Risalah?
A. Pagkapropeta at Pagkasugo C. Pagkabuhay Muli
B. Pagkabayani D. Tagapagtubos

8. Ano ang ibinigay ng Diyos kay Moises sa bundok ng Sainai?


A. Ang Sampung Utos C. Kaaba
B. Apat na Banal na Katotohanan D. Shahada

9. Gaano kahalaga ang Torah sa mga Jew?


A. Mahalaga ang Torah dahil dito nakasaad ang mga nais ni Yahweh at ito
ang pinakasentro ng pag-aaral ng Judaismo
B. Mahalaga ang Torah dahil nagsasaad ito ng mga banal na utos,
kasabihan, at paniniwalang Islam
C. Nagsisilbing basehan upang makabawas ng kasalanan
D. Ang Torah ay nagsisilbing gabay upang mahugasan ang kasalanan ng
tao at pinakasentro ng pag- aaral ng Kristiyanismo

10. Maraming tao ang nakinig at sumunod kay Hesus. Gayunpaman, may mga Jew
na hindi nagustuhan ang kanyang mga turo at gawain. Ipinahuli, ipinako, at
namatay si Hesus sa krus. Anong paniniwalang Kristiyanismo ang
pinaniniwalaan ng mga tagasunod nito?
A. Si Hesus ay umakyat sa langit bilang isang espiritu at hindi na muling
babalik sa sangkatauhan
B. Darating ang panahon na si Hesus ay muling magbabalik upang
husgahan ang lahat- buhay man o pumanaw na, upang malaman
kung siya ay pupunta sa langit o sa impiyerno
C. Pag-aantay sa panahon na muling babalik si Hesus na kawangis ng
isang ibon at huhusgahan ang mga makasalanan
D. Darating ang panahon na ang lahat ng mabubuti ang gawa at kaisipan
ay mabibiyayaan ng magandang buhay at karangyaan sa lupa.
11. Ang mga Hindu ay naniniwala na ang tao ay hindi namamatay kundi
nagkakaroon ng reinkarnasyon sa mga sumusunod na generasyon, kung saan
ang kaluluwa ay palipat-lipat ng katawan.
A. Ahimsa C. Nirvana
B. Kojiki D. Samsara
12. Sino ang mga taong sumulat ng buhay, turo, at aral ni Hesus?
A. Abraham C. John the Baptist
B. Apostoles D. Evangelista
13. Zoroastriyanismo:_________________;__________________: Mahavira
A. Zarathustra; Jainismo C. Judaismo; Guru Nanak
B. Jew; Hesus D. Sikhismo; Buddhismo
14. Judaismo: Torah; Islam: __________________
A. Hadith C. Surah
B. Sunni D. Qur’an
15. Sidharta Gautama: __________________; Hesus: ___________________
A. Buddhismo; Hinduismo C. Zoroastriyanismo; Hinduismo
B. Buddhismo; Kristiyanismo D. Zoroastriyanismo; Kristiyanismo

17 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
Karagdagang Gawain

Gawain 1: Punan ng kaugnay na sagot ang graphic organizer. Iguhit at sagutan sa


kuwaderno.

IMPLUWENSIYA
NG RELIHIYON

SINING PAGPAPAHALAGA
LIPUNAN POLITIKA
AT KULTURA /MORALIDAD

18 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
CO_Q3_AP 7_Modyul 7 19
Pagyamanin
Gawain 1: Crossword
1. Jainismo
2. Islam
3. Judaismo
4. Outcastes
5. Zorostrianismo
6. Hinduismo
7. Buddhismo
Tuklasin Subukin at Tayahin
8. Kristiyanismo
9. Torah Gawain 1: Hularawan 1.C 11. D
10. Aslama 2.A 12. D
a. Buddhismo
3.B 13. A
Gawain 2 b. Jainismo
4.B 14. D
c. Guru Nanak o Sikhismo
5.C 15. B
1. M d. Judaismo
6.A
2. M e. Islam
7.A
f. Zoroastro /
3. T 8.A
Zoroastrianismo
4. M 9.A
g. Kristiyanismo
5. T 10.B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Aklat

Blando, Rosemarie C., Adelina A. Sebastian, Angelo C. Espritu, Erna C. Golveque,


August M. Jamora, Regina R. Capua, Armi S. Victor, Sandra I. Balgos, Allan
F. Del Rosario, at Randy R. Mariano. Asya: “Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba.” Araling Panlipunan Modyul para sa mga Mag-aaral. Pasig City:
Department of Education, Eduresources Publishing, Inc., 2014.

Mateo, Grace Estela C., Ricardo T. San Jose, Luisa T. Camagay, Evelyn A. Miranda,
at Celestina P. Boncan. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan. Quezon City:
Department of Education, Vival Publishing House, Inc., 2008.

20 CO_Q3_AP 7_Modyul 7
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

21 CO_Q3_AP 7_Modyul 7

You might also like