You are on page 1of 3

INDANG NATIONAL HIGH SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – ESP 7


Ikatlong Markahan

KARAGDAGANG GAWAIN (SUPPLEMENTARY MATERIAL) WEEK 1

WEEK 1: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD


Pinakamahalagang Kasanayan(MELC):1.) Nakikilala ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at
pagpapahalaga.EsP7PB-IIIa-9.1 2.) Natutukoy: a. ang mga birtud at pagpapahalaga na isasabuhay at b. ang
mga tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay ng mga ito. EsP7PB-llla-9.2
Panuto: Piliin ang titk ng tamang sagot sa mga sumusunod na pahayag at isulat sa inyong sagutang papel

1.Ito ay nanggaling sa salitang latin na vir o virtus na nangangahulugang” pagiging tao”.


A. Kalayaan B. Dignidad C. Birtud D. Pagpapahalaga
2. Ang birtud ay hindi taglay ng tao sa kaniyang:
A. Kamatayan B. kaarawan C. kapanganakan D. Pag-aasawa
3. Siya ang nagsabi na ang gawi ang unang hakbang sa paglinang ng birtud
A. Albert Einstein B. Aristotle C. Isaac Newton D. Brian Green
4. Siya ang pangunahing tauhan sa kwento ng Alice in Wonderland.
A. Sleeping Beauty B. Cinderella C. Snow White D. Alice
5. Ang pangalan ng pusa sa kwentong ito ay:
A. Brownie B. Cheshire C. Snow White D. Blackie
6. Ito ay uri ng birtud na may kinalaman sa isip ng tao
A. Moral na Birtud C. Sosyal na Birtud
B. Intelektwal na Birtud D. Mabuting Birtud
7. Ang intelektwal na birtud na ito ang pinakapangunahin na nakapagpapaunlad ng isip.
A. Pag-unawa B. Agham C. Karunungan D. Sining
8. Binubuo ng sistematikong kaipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik.
A. sining B. pag-unawa C.agham D. maingat na paghuhusga
9. Pinakawagas sa mga uri ng kaalaman.
A. Karunungan B. Agham C. Sining D. Pag-unawa
10. Ito naman ay uri ng intelktwal na birtud na may kinalaman sa tamang kaalaman tungkol sa mga bagay na dapat gawin.
A. Pag-unawa B.Agham C. Karunungan D. Sining
11. Ito ay uri ng birtud na may kinalaman sa ugali ng tao.
A. Morl na birtud C. Mabuting Birtud
B. Intelektwal na Birtud D. Sosyal na Birtud
12. Uri ng moral na birtud na ibinibigay sa tao ang nararapat sa kanya sinuman siya o anoman siya.
A. Katatagan B. Katarungan C. Pagtitimpi D. Katatagan
13. Birtud na nagpapatatag at nagpapatibay sa tao upang harapin ang anumang pagsubok o panganib..
A. Pagtitimpi B. Katarungan C. Katatagan D. Maingat na Paghuhusga
14. Ito ay nagmula sa salitang Latin na valore na ang ibig sabihin ay :
A.pagiging maganda C. pagiging malakas o matatag
B. pagiging mayaman D. pagiging mahina
15. Uri ng pagpapahalaga na nagmula sa labas ng tao o yong tinatawag na absolute moral values.
A. Ganap na Pagpapahalagang Moral C. Moral na Birtud
B. Pagpapahalagang Kulturl na Panggawi D. Intelektwal na Birtud

Prepared by: Checked by: Approved by:

ROSARIO S. CANTA JESUSA I. MALANA FELINDA E. CRUZ


MYLENE PELORINA AP/EsP Coordinating Head Principal IV
JURIZ JEAN TEPORA
RELLIE LAUGO
Subject Teachers
INDANG NATIONAL HIGH SCHOOL
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – ESP 7
Ikatlong Markahan

KARAGDAGANG GAWAIN (SUPPLEMENTARY MATERIAL) WEEK 2

WEEK 2: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD


Pinakamahalagang Kasanayan(MELC):1.) Napatutunayang ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga
mabuting gawi batay sa mga moral na pagpapahalaga ay patungo sa paghubog ng mga birtud (acquired
virtues).EsP7PB-IIIa-9.3
2.) Naisasagawa ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at birtud na magpapaunlad ng kanyang buhay
bilang nagdadalaga/nagbibinata.EsP7PB-lllb-9.4

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng mabuting gawi sa mga
moral na pagpapahalaga. Isulat ang MG bilang mabuting gawi at HMG para sa hindi mabuting gawi sa
patlang ng bawat bilang.
I.A
_______1. Gumigising ng maaga si Mary para ihanda ang sarili sa paggawa ng mga gawaing pampaaralan.
_______2. Lagi na lang nagbabad sa paglalaro ng mobile legend si Roy kung kayat hindi na niya nagagawa
ang pagsagot sa kanyang module.
_______3. Si Mervin ay nangongopya ng assigment niya sa kanyang mga kaklase sa google classroom.
_______4. Tumutulong si Nadia sa kanyang ina sa mga gawaing bahay kapag tapos na siya sa pagsagot ng
kanyang modyul.
_______5. Ang mga tao ay hindi sumusunod sa tamang health protocol sa pamamagitan ng pagsusuot ng
face mask at face shield kapag lumalabas ng kanilang bahay.
_______6. Nang bumili ng pandesal si Riza sa panaderya, sobra ang naging sukli ng tindera sa kanya.Imbes
na isauli ang sukli ito ay hindi niya ibinalik.
_______7. Bago kumain ang pamilya ni Wendy sila ay nagdarasal muna para magpasalamat sa Diyos.
_______8. Si Rod ay palaging nagpapasa ng kanyang mga outputs sa itinakdang araw sa paaralan sa
pamamagitan ng kanyang ina.
_______9. Inaalagaan ni Myla ang kanyang nakababatang kapatid kapag umaalis ang kanyang mga
magulang.
_______10. Pagalit kung sumagot si Henry kapag pinapangaralan siya ng kanyang mga magulang.

II.B Pagsasabuhay: Punan ang talahanayan sa ibaba ng iyong mga pinapahalagahan at itala ang paraan ng
pagpapaunlad mo dito.Magtala ng dalawang pinapahalagahan. 5 puntos

PINAPAHALAGAHAN PARAAN NG PAGPAPAUNLAD


Halimbawa: pamilya Tinutulungan sila sa mga gawaing bahay
1.
2.

Inihanda nina: ROSARIO CANTA/MYLENE PELORINA/JURIZ JEAN TEPORA/RELIE LAUGO

You might also like