You are on page 1of 529

A Wife's Secret (COMPLETED)

by Princess_JenpauMevi

I ran away-- I ran away from everything. I ran away from them. I ran away
from the pain because of loving him too much. I ran away with the secret
of me bearing his unborn child. I never regretted loving him but I wish
that I won't see him ever again....
But indeed fate has it's own game. 'Cause when I finally thought I moved
on already. He showed up in our lives. And this time I can't run away
again because he already found out my little secrets that I kept away
from him.
-Skyleigh Vergara Monteciara
#AWifesSecret
DATE STARTED: JULY 2015
DATE FINISHED:FEBRUARY 2016
Status: Currently Editing typos and grammar.
Property of: Princess_Jenpaumevi
Cover Photo made by: @xxbamchuxx
PLAGIARISM is a crime.
Romance #1 as of 2/16/16

=================

AWS Prologue

Prologue

"Anong resulta?" anito habang nakatingin sa kanya. Bagama't blanko ang


ekspresyon ng mukha niya. Hindi nakaligtas sa akin ang pangamba sa mga
mata niya.

Inilahad ko ang tatlong pregnancy test kit at nagmamadali niya itong


kinuha at isa-isang tinignan.

I'm sorry for doing this to you Cloud pero heto lang ang naiisip kong
paraan para mawala ang agam-agam sa puso ko..

"I-I'm not p-pregnant." nauutal kong sabi sa kanya.Tumango naman ito


ngunit bakas ang emosyong hindi ko alam kung paniniwalaan ko.
Maniniwala nga ba akong hindi niya nagustuhan ang resulta?

"G-gusto mo bang ipaghanda kita ng pagkain?" saad ko ngunit wala akong


nakuhang sagot sa kanya bagkus ay inilapag nito ang mga pregnancy test
kit sa lamesa at tinalikuran ako.

Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko.

(Play the song Set You Free- MYMP)

'We often fool ourselves

And say that it's love

Only cause when it's gone

We end up being lonely

So how are we to know

That it just isn't so

That we just have to let each other go...'

Totohanan na ito, huli na talaga, huling sugal at pagkatapos nito kung


wala pa din susuko na ako hindi lang para sa sarili ko.. Kung hindi para
sa isang munting buhay na nasa sinapupunan ko..

"Bakit hanggang ngayon siya pa din?" ani ko na siyang nakapagpatigil dito


sa paghakbang.

"Bakit hindi mo ko magawang mahalin? Sinubukan mo ba talaga o pinaasa mo


lang ako?"

"I treated you as my priority but I am always an option to you. Why can't
you choose me, Cloud?! Hanggang kailan ba ako magiging reserba sa buhay
mo?!" sigaw ko dito at hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis na
tumulo ang mga luha ko.

 Sa lahat ng sinabi ko o tinanong ko wala akong narinig sa kanya. Umiiyak


na tinawid ko ang distansya namin. Ipinaikot ko ang mga kamay ko sa
bewang niya ng napakahigpit.

'There were many times

When we shared precious moments

But later realized they were only stolen moments

So how are we to know

That it just wasn't so

That we just had to let each other go...'

"It's always been her. Ako ang nasa tabi mo pero siya ang laging laman ng
bibig mo. Ako ang asawa mo pero siya pa din ang nagmamay-ari ng puso mo.
Hanggang kailan pa ba ako mag-aantay na mapansin mo. Hanggang kailan ba
darating na ako naman--- Ako naman ang mahal mo... Hindi isang gulong na
reserba sa tuwing sinasaktan ka niya... Sabihin mo sa akin Cloud kasi
onting-onti na lang bibitiw na ako kung 'yun ang makakapagpasaya sa'yo.
D-dahil pakiramdam ko gaano man kita mahalin hindi ko siya mapapalitan sa
puso mo." patuloy sa pag-iyak kong saad habang yakap yakap ko siya mula
sa likuran. Naramdaman ko na may pumatak sa kamay ko.

At alam kong luha ito ng lalaking mahal ko. 

Umiiyak na naman siya.

Dahil ba sa pinahihirapan ko na naman siya o dahil iniisip niya pa rin si


Charlotte na mahal na mahal niya?

Alin man sa dalawa, lubos itong nagpapasakit sa puso ko. 


Tanging pagtangis ko lang nangingibabaw habang siya ay patuloy ang
pagpatak ng luha sa mga kamay ko. Nag-antay ako--- nag-antay ako na
magsalita siya. Ang sabihin na wag--- wag muna kong bumitaw pero wala
akong narinig mula sa kanya. 

Ngayon alam ko na ang dapat kong gawin.

Kailangan ko ng palayain si Cloud hindi lang para maging masaya siya kung
hindi para na din sa sarili ko. 

I know that letting go is hard but holding on to someone who doesn't love
you as much as you love him is harder.

'If loving you is all that means to me

When being happy is all I hope you'd be

Then loving you must mean

I really have to set you free...'

"I-I'm setting you free even though hindi ka kailanman naging akin.
Maaaring pag-aari kita sa batas at sa mata ng iba. Pero ang puso mo
mananatiling nakatali sa kanya. Be happy Cloud. Don't worry about me,
I'll be fine. Kung iniisip mo na may responsiblidad ka sa akin dahil sa
nangyari sa atin, wag kang mag-aalala h-hindi naman nagbunga eh...
Patuloy lang akong masasaktan maging ikaw kung ipagpapatuloy natin
ito..."

I'm sorry Cloud, I lied. I'm pregnant but I can't say it to you dahil
alam ko mapipilitan ka na naman na manatili sa tabi ko... At ayaw ko
'non... Kung mananatili ka man sa tabi ko, 'yun ay dahil sa mahal mo ko
at hindi isang responsibilidad lamang...

Ayoko na siyang mahirapan kaya kahit ang sakit sakit. Bibitaw ako hindi
dahil sa napagod na ako sa pagmamahal ko sa kanya kung hindi dahil gusto
ko siyang maging masaya sa piling ng mahal niya. Dahan-dahan akong
bumitaw mula sa pagyakap ko sa kanya. Nakakadalawang hakbang pa lamang
ako ng tawagin niya ang pangalan ko.
"Skyleigh..." napahinto ako sa paglakad. 

Hanggang sa huli umaasa na naman ang puso ko.

Ang puso ko na wala ng kapaguran sa pag-asa sa na mahalin niya ako.

"I'm sorry sa lahat ng sakit na naiparanas ko sa'yo. Sa pagbanggit ko sa


pangalan niya tuwing kasama kita. I'm sorry dahil siya pa rin hanggang
ngayon ang nasa puso ko. I'm sorry pero maniwala ka I tried. Sinubukan ko
ang mahalin ka, and thank you for setting me free, kahit na alam ko na
mahirap para sa'yo. Thank you for the memories Sky. In time you'll find
someone who will love you and I'm sorry that it won't be me because I am
foolishly in love with her. I need to go but I'll be back, let's talk
again later." anito sabay lakad paalis sa kwarto namin.

Paalis sa buhay ko...

Alam ko pupuntahan niya siya. Hahabulin niya na naman ang babaeng mahal
niya. At ako maiiwang mag-isa.

Mali Sky, hindi ka na kailan pa magiging mag-isa makakasama mo na ang


munting alaala mula sa lalaking mahal mo, nakakalungkot nga lang na
mananatili siyang sekreto. I know I'm being unfair to my unborn child and
to his father but then I think it's for the better. I can't bear to see
my child witness our loveless marriage. And lastly I want him to be happy
even if it means disappearing from his life...

And that night I ran away. I ran away from everything. I ran away from
them. I ran away from the pain because of loving him too much. I ran away
with the secret of me bearing his unborn child. I never regretted loving
him but I wish that I won't see him ever again....

But indeed fate has it's own game.'Cause when I finally thought I gotten
over him.He showed up again.And this time I can't run away again because
he already found out my little secret's that I kept away from him.
-Skyleigh Vergara Monteciara

"A Wife's Secret"

===========

This was posted sa isa sa mga wattpad group sa facebook. And because of a
good feedback, I decided na i-post na din ito sa Wattpad para mas marami
ang makabasa.

WARNING: Grammatical Errors|Feel free to correct me|Typographical Errors


also is present in this story|

Date Started: September 2015

Date Ended:February 2016

Story of Princess_Jenpaumevi(Jennely)

PLAGIARISM is a crime.

No SOFTCOPIES.

Ask.fm : https://m.ask.fm/Princess_Jenpaumevi

Facebook: https://www.facebook.com/profile.php?id=100011016587288

Twitter: https://twitter.com/JenpauPrincess

(2/28/16) A/N: Sa next chapter po regarding sa mga pangalan ng magulang


ni Cloud. Marami po ang nag-cocomment about sa story ni Vampiremims. Pure
coincidence lang po ito. Hindi ko pa po nababasa ang story n'ya. :) 

(3/1/16) A/N: Decided to change the name of the father of Cloud.

=================

AWS CHAPTER 1

Chapter 1
"Let us all welcome Skyleigh, to greet our son Thunder."

Nakangiti akong tumayo at lumapit sa stage kung nasaan si Mama Rain na


siyang ina ng bestfriend kong si Thunder. Nasanay na akong Mama Rain ang
tawag sa kanya ganun na din kay Papa Winter, ama naman ni Thunder. Bumeso
ako sa kanya at inabot ang mikropono. Nanginginig ang mga tuhod ko,
napahinga ako ng malalim bago nagsalita.

"Good evening everyone, I'm Sky and the birthday boy Thunder is my best
friend. Anyway Thundz, because it's your 22nd birthday kahit na hiyang
hiya ako sa gagawin ko, I'll still do it. Wala na kasi akong maisip na
pwedeng makapagpasaya sa gabi mo. I hope mapasaya kita sa gagawin ko.
Happy birthday Thundz." Ngumiti ako sa kanya at lumapit sa piano.
Pumalakpak sila at nagsilbi itong cue sa una kong tipa sa piano.

(Play Kiss in the Rain by Yiruma) 

Napahinga ko ng malalim ng matapos ang ginawa ko. Hindi ko talaga hilig


mag-perform sa harap ng maraming tao. Tumingin ako sa lamesang kinauupuan
ni Thunder, nginitian niya ako at ngumiti naman ako pabalik. Kaliwa't
kanang papuri ang narinig ko habang naglalakad ako pabalik sa lamesang
inookupa namin nila Thunder, kasama ng mga magulang niya. Malapit na ako
ng makarinig ako ng ingay at tinignan ko ang pinanggalingan nito. And
there I saw him, looking so dashingly handsome in his suit. Cloud Rendrex
Monteciara ang kapatid ng bestfriend ko at ang lalaking lihim kong
minamahal. It's been a while since I last saw him. Kahit almost everyday
akong nasa bahay nila bihira ko siyang makita dahil na rin siguro sa busy
siya sa pagmamanage ng entertainment company nila. At the age of 23, isa
na siyang CEO ng company nila. Hindi naman nakakapagtaka dahil masasabi
kong napakatalino niya.Genius kung tawagin ng karamihan.

Matipunong katawan, mga nangungusap na mata at ngiting minsan lang makita


pero nakakapagpakabog ng puso ko.

"Done checking him out?" Napapitlag ako sa gulat ng may bumulong sa tenga


ko.

Sino pa nga ba kung hindi ang bestfriend ko. Thunder Hendrex is the name.
Kung ang kuya niya ang nagmamanage ng entertainment business nila. Siya
naman ang may hawak ng Hotel's and Restaurants ng Monteciara. Isa ang
Monteciara sa pinakamayamang pamilya sa Pilipinas .As for me I'm Skyleigh
Vergara. Graduate ako ng Business Administration but I am a romance
writer. Lagi nga akong inaasar ni Thunder sa propesyon ko but still hindi
pa din ako na-ooffend dahil alam ko naman na binibiro lang niya ako and I
know that he's a fan of me. 

How did I know?

Sabi niya di daw siya nagbabasa ng books na sinusulat ko dahil corny daw.
But I discovered through Mama Rain that he have a collections of my
works. Si TitaMoms (my auntie) ko naman ang nagmamanage ng Vergara Real
Estate Business namin na iniwan sa akin ng parents ko. That's the reason
kung bakit Business Ad ang tinake-up ko dahil alam ko naman na ako pa din
ang magmamana ng business namin. Mabalik tayo sa pambibwisit ni Thunder. 

"Thundz ano ba?!" Sa inis ko hinampas ko siya. At ang loko tinawanan lang
ako.Alam na alam niya talaga kung paano ko asarin.

"You know what, your face is as red as a tomato." Tawang tawa pa siya
habang nagsasalita. Kung nakakamatay lang ang tingin matagal na siyang
pinaglalamayan. Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sinabi niya. At tama
nga ang loko, namumula ang pisngi ko. Napahinto lang kami sa pagkukulitan
ng may tumikhim sa harap namin. OA mang pakinggan pero ng tinignan ko si
Cloud pakiramdam ko huminto ang lahat ng nasa paligid namin at wala kong
naririnig kung hindi ang malakas na tibok ng puso ko.

Dug.Dug.Dug.Dug

Napabalik lang ako sa realidad ng may mga kamay na kumaway sa mukha ko.

"Earth to Sky, Cloud is talking to you." 

OMG kakahiya talaga ako.

"What did you say again Cloud?" Para kong engot na tanong sa kanya.
"I said kung kumusta ka na?" Seryoso niyang saad sa akin.

"Ah yeah, I'm fine." Napapatungo kong sabi sa kanya. Minsan ko na nga
lang siyang makausap pinagana ko pa ang katangahan ko.

"It's good to hear that. Anyway, I'll just greet Mom and Dad mauna na ko
sa inyo.Happy Birthday ulit, Bro." Bago siya umalis ay ngumiti pa siya.

 Waiiiit ngumiti siya! Buo na ang gabi ko bakit hindi eh once in the blue
moon kung ngumiti si Cloud kabaliktaran ng katabi kong si Thunder na
inaasar pa din ako.

"Really Sky? Ganyan ka na ba kapatay kay Kuya para masabing buo na ang
gabi mo dahil lang sa ngumiti siya?" Napatingin ako kay Thundz ng marinig
ang sinabi niya. Baliw talaga ako para masabi ng malakas ang nasa isip
ko. 'Di ko na lang pinansin ang sinabi niya at dumiretso sa buffet table
dahil tinablan na ako ng gutom.

"Just don't love him too much Sky, dahil hindi ko alam kung anong gagawin
ko kung makita kitang masaktan dahil sa kanya."

Napatigil ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya,iniisip na baka nagbibiro


na naman siya. Pero, what I see is an another side of Thunder. Bihira ko
lang itong makita, ang seryosong best friend ko. We've known each other
since we were a kid. I was 16 years old ng nalaman niya na gusto ko ang
kapatid niya. Since then pang aasar lang ang ginagawa niya sa akin. He
never said anything serious about my like or should I say love for his
brother. Ngayon lang at kinabahan ako dahil pakiramdam ko may alam siyang
hindi niya sinasabi sa akin.

Napatigil ako sa pagiisip ng maramdaman kong ginulo niya ang buhok ko. 

Sumimangot ako ng guluhin nito ang buhok ko pero agad ding naglaho ito ng
tumawa na siya. "Mukhang gutom ka na siguro baby Skyz. Come, let's grab
some food. Don't mind what I said, gutom lang din ako." So I chose to
ignore what he said. Sa isip-isip ko baka tinamaan lang ng kasaltikan ang
best friend ko.
Pero sa gabi ding ito naintindihan ko ang mga katagang sinabi ni Thunder.
'Cause tonight I experienced my first heartache.

"Kapag nagmahal ka ng sobra asahan mong masasaktan ka ng higit sa


inaakala mong sakit na pwede mong maranasan dahil sa minahal mo siya."

TBC

=================

AWS CHAPTER 2

Chapter 2

I was seven years old when I met the Monteciara's family. Neighbor sila
ng tita ko na siyang umampon sa akin after my parents died from a car
accident. Malaki ang naging partisipasyon nila sa aking
paglaki,especially Thunder na siyang naging bestfriend ko. Normal lang
naman siguro ang ma-trauma pagkatapos mawala ng sabay ang parents ko. But
with the help of their family compose of Mama Rain, Papa Winter,
with their children Thunder Hendrex, Cloud Rendrex  and lastly my old
maid tita nabalik yung dating Skyleigh na masayahin at palangiting bata.
Matanda ng isang taon sa amin ni Thunder si Cloud. Ever since we were a
child seryoso na siyang bata kabaliktaran ng playful attitude ni Thunder.
But in spite of that, 'di ko pa din napigilan ang magustuhan siya. I can
still remember the first time he smiled at and talked to me and maybe the
reason why he became my first crush and eventually became my first love.

Flashback

Grade 3 19**

"Ah walang parents nyeh nyeh nyeh nyeh." Wala akong ginawa kung hindi ang
umiyak na lang dahil sa inaaway na naman ako ng mga kaklase ko. Kung alam
ko lang na 'di papasok ang best friend kong si Thunder, sana umabsent na
lang ako. Napahinto ako sa pag iyak ng may marinig akong sigaw.
"Hoy! ano yang ginagawa niyo? Gusto niyong isumbong ko kayo sa teacher
niyo." Inangat ko ang ulo ko at nagulat ng makita ang nagsalita.

"Cloud?" Nagtakbuhan ang mga bata dahil sa sinabi niya. Yumuko siya at
itinayo ako, binalot niya  ng panyo ang tuhod kong nasugatan dahil sa
tinulak ako ng mga kaklase ko. Kinakailangan ko pang tumingala para
makita ang mukha niya. Grade 5 na si Cloud at matangkad siya katulad ng
kapatid niya.  Although isang taon lang ang tanda niya sa amin ni Thunder
but still higher siya sa amin ng 2 years dahil sa naaccelerate siya.
Naramdaman ko na lang na pinunasan niya ang mukha ko gamit ang bimpo ko
na di ko namalayang kinuha niya sa bag ko.

"Sa susunod, kapag may umaway sa'yo, lumaban ka at 'wag kang basta umiyak
dahil hindi sa lahat ng oras nandito kami ni Thunder para ipagtanggol ka
Skyleigh." Pagkatapos niyang sabihin yun ay nginitian niya ako at ginulo
ang buhok ko. Makaraan ay umalis na siya at iniwan akong tulala. Hindi
man lang ako nakapagpasalamat sa kanya.

Napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko.


Eto na ba yung crush na sinasabi ni Thunder?

Present

Simula ng araw na yun sa tuwing nakikita ko siya palaging may kakaiba


kong nararamdaman. 

Bumibilis ang tibok ng puso ko at tila may kumikiliti sa loob ng tiyan


ko, parang paru-paro. Ang simpleng crush ay nauwi sa pagkagusto hanggang
sa hindi ko namalayang mahal ko na pala siya. I was 16 years old ng
malaman ni Thunder na gusto ko ang kapatid niya dahil sa pinakialaman
niya ang Diary ko na puro confessions about kay Cloud ang laman. 22 years
old na kami ngayon at ang inakala kong gusto naging Love na. Lagi kong
naiisip na magtapat sa kanya pero pinapangunahan ako ng kaba. Pero
ngayong gabi inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko para masabi na sa
kanya ang nararamdaman ko. 

It's now or never 'ika nga.


"Hey Sky, pumunta ka ba sa birthday ko para paglawayan ang kapatid ko?"
Napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang nagtatampong boses ni
Thunder.

"Aww nagtatampo ang baby Thundz ko.Sorry na po, kuya mo kasi eh ang
gwapo." Natawa pa ako sa walang kakiyeme-kiyemeng lumabas na salita sa
bibig ko.

"Hindi hamak naman na mas pogi ako sa kanya."

"E di ikaw na wala na kong sinabi." Hindi ko napigilang pisilin ang ilong


niya at tumawa matapos makita siyang ngumuso. Napakacute talaga ng
bestfriend ko. Siguro kung hindi ako na-fall kay Cloud sa kanya ko
magkakagusto.

Who wouldn't be?

Dahil katulad ng kuya niya wala ding itulak kabigin si Thunder sa


kagwapuhan.Parehas sila ng mata ni Cloud, matipuno din ang katawan nito
at tila babae ang labi nitong mamula-mula.Mas matangos pa nga ang ilong
nito kaysa sa akin. Kung sa katalinuhan naman, masasabing hindi din ito
papahuli. He graduated as Summa Cum Laude in one of the most prestigious
university in the Philippines just like Cloud. Madami nga siyang admirers
ayon sa kanya. Nagulat ako ng sumeryoso ang mukha niya.Tinignan ko ang
tinitignan niya at nakakita ko ng isang diyosa. Napakaganda nung babae,
napakainosente ng mukha niya marahil yun ang dahilan kung bakit halos
lahat ng tao sa party ay pinagmamasdan siya. Maging ang katabi kong si
Thunder ay tinitignan siya. Binaling ko ang paningin ko kay Cloud.

At tama ba itong nakikita ko?

Tinitignan niya din yung babae na papalapit sa table namin. At hindi lang
basta tinitignan, may mga ngiti rin sa mga labi niya na bihira ko lang
makita. At ang mga mata niya--- kakaiba.

Sino siya? Bakit ganun na lang kung tumingin sa kanya si Cloud? Bakit
ganito yung pakiramdam ko?Bakit tila may kumukurot sa puso ko?
TBC

=================

AWS CHAPTER 3

Edited

Chapter 3

Patuloy ko pa ring pinagmamasdan si Cloud, ang sabi nila kapag tinitigan


mo ang isang tao mararamdaman niya ito, kaya ang resulta lilingunin ka
din nito. 

Pero bakit si Cloud nanatili pa ring nakapako ang kanyang mga mata sa
babaeng ilang hakbang na lang ay nasa lamesang inookupa namin?

Hindi ko na kaya ang makita ang ekspresyon ng mukha ni Cloud kaya


ibinaling ko na lang ito sa babaeng parang bumaba mula sa langit. Sa
tanang buhay ko, never akong nainsecure dahil hindi man ako mahilig mag-
ayos, marami ang nagsasabi na maganda ko. But looking at this woman, I
can't help but to feel insecure all of a sudden. 

At alam kong hindi dahil sa kagandahan niya kung hindi dahil sa tingin na
iginagawad sa kanya ni Cloud.

"Happy Birthday Thunder, pasensya na kung nahuli ako ng dating may


shooting pa kasi ako e." Anito makaraang halikan sa pisngi si Thundz.

"It's okay Charlotte, at least dumating ka pa din." Nararamdaman ko na


hindi komportable si Thunder sa presensiya ng babae.

Pero bakit?

At Charlotte?
Kilala ko halos ang mga kaibigan ni Thunder but never did he mention this
woman's name.

What's the reason Thunder, may dapat ba akong malaman?

Nahalata ata ni Thunder ang mga iniisip ko dahil pinakilala niya ako sa
bisitang kadarating lamang.

"Hey Charlotte, I would like you to meet my best friend, Skyleigh."

Ngumiti sa akin si Charlotte at kahit naguguluhan pa din ako kung sino


siya nagawa ko pa ring suklian ang ngiti niya.

"Hi, ikaw pala si Skyleigh lagi kitang naririnig kanila Cloud at


Thunder."

Confirm. Kilala niya nga din si Cloud. Keep calm Sky, baka kaibigan lang
naman siya ni Cloud.

"Oh really ano namang sinasabi nitong bestfriend ko?" Natatawa ko pang
aniya.

Great act Sky...

"Tss. Huwag mo ng itanong Sky, kung ayaw mo mapahiya sa kanila."

Kinurot ko siya dahil sa kalokohan niyang sinabi. In return,pinisil niya


naman ang pisngi ko.

"Hey you two, tigilan niyo na nga 'yang paglalambingan niyo."


"Mommy! hindi po kami naglalambingan!" / "Mama! hindi po kami
naglalambingan!" Sabay pa naming sabi ni Thunder. Nagkatinginan kami at
sabay ding tumawa. Narinig din namin ang tawanan ng mga magulang ni
Thunder maging si TitaMoms.

"Good evening po sa inyo." Mahinhing bati ni Charlotte makaraang


tumahimik ang nasa lamesa at nakaupo na siya sa tabi ni Cloud. Kitang-
kita ko kung paano niya hinalikan si Cloud sa pisngi.

'Kalma lang Sky diba nga ganyan ka din kay Thunder baka close lang sila.'

"Oh my Gosh Charlotte, you look lovely in person." Napatingin ako kay
TitaMoms dahil sa sinabi niya.

"You know her TitaMoms?" Tanong ko kay Tita. And I don't know why they
look at me as if I asked something funny.

"Okay, what's with the look guys?"

"Don't tell me you don't watch television?" 

Oh my gosh!Kinausap ako ni Cloud. Napapahiyang lumingon ako sa kanya at


umiling.

"Wow, I can't believe it meron pa palang taong hindi nanonood ng TV."


Natatawa niyang sabi.

Tumawa si Cloud, dapat ba kong matuwa na natawa siya o mahiya dahil sa


sinabi niya?
"Hey Cloud ibahin mo si Sky. She doesn't like watching television, she
just likes reading books. What a nerdy best friend I have here." Siniko
ko si Thunder dahil sa binuko niya ang lifestyle ko.

 Ngayon alam na ni Cloud kung gaano ko kaboring na babae.Pagkatapos


talaga ng party na 'to ibabaon ko sa lupa 'tong katabi ko. I swear, he
really knows how to embarrass me. At sa harap pa ni Cloud?! Oh God, kill
him now.

"Ikaw talaga Thunder inaasar mo na naman si Sky. Anyway hija, Charlotte


is one of our famous actress in MEC." Pagtukoy ni Mama Rain sa Monteciara
Entertainment Company na pinamamahalaan ni Cloud.

So that's explains kung bakit siya kilala ng mga Monteciara. Kaya ba


close sila ni Cloud dahil artista siya at si Cloud ay ang nagma-manage sa
kanya?

"Well, I suggest na manood ka na ng TV Sky,  para naman mapanood mo kung


gaano kagaling umarte tong si Charlotte." Nakangiting saad sa akin ni
Cloud.

Everytime Cloud smiles at me napapasaya niya ako. Pero ngayon hindi ako
sumaya sa ngiting ibinigay niya sa akin. Marahil dahil alam ko na kung
bakit siya ngumiti at yun ay dahil nabanggit niya si Charlotte kung gaano
ito kagaling. Nakita ko sa mga mata niya kung gaano siya ka-proud kay
Charlotte. Ngumiti na lang ako pabalik sa kanya kahit gusto ko siyang
tanungin kung...

"Mahal mo ba siya?"

"Girlfriend mo ba siya?"

Pero sino ba ako? Hindi nga masasabing magkaibigan kami bagama't sabay
kaming lumaki. 
Naramdaman ko ang pagpisil sa kaliwa kong kamay na 'di ko namalayang
hawak na pala ni Thunder. I looked at him and I saw his worried face.
Nginitian ko na lang siya. Ngiting nagsasabing okay lang ako kahit parang
may pumipiga sa puso ko.

Pilit kong pinaniwala na okay lang ako. Wala na kong maintindihan sa mga
pinag-uusapan nila. Dahil ang tanging nakikita ko lang ay ang
paglalambingan ni Cloud at Charlotte.

And as I saw Cloud looking at Charlotte. Hindi ko na kailangan pang


tanungin kung mahal niya ba ang huli. Dahil kanina pa lang alam ko na ng
makita ko kung paano niya tignan si Charlotte ng dumating ito. Nagbulag
bulagan lang ako, nagpakatanga at pinaniwalang wala lang ang tingin na
yun kahit alam ko sa sarili ko na si Charlotte, ang babaeng mahal ng
lalaking minahal at patuloy na minamahal ko for the past years of my
life. Akala ko, masakit na yung hindi ka mahal ng mahal mo,mas masakit
pala yung makita siya na masaya kasama ang babaeng mahal
niya...Unfortunately it's not me that he loved, I am a such fool
imagining that maybe he loves me and he's just too shy to admit it just
like me. Nakalimutan ko na malaki ang pagkakaiba ng realidad sa mga
librong nababasa ko at isinusulat       ko .Dahil sa kwentong ito hindi
ako ang bida, isa lang akong ekstra na nangangarap na mahalin ng lalaking
bida.

TBC

=================

AWS CHAPTER 4

Chapter 4

Bakit ba kailangan kapag nagmahal ka papasok yung katagang "Kapag


nagmahal ka sa ayaw at sa gusto mo masasaktan ka talaga". Akala ko
naiintindihan ko na ang mga katagang iyan dahil sa dami ba naman ng
binabasa kong libro tungkol sa love hindi pwedeng hindi papasok ito sa
eksena. Kumbaga package ang love at pain--- buy one take one na laging
magkasama. Pero ngayon ko lubos naintindihan ang mga salitang iyan.

Ang sakit pala kapag nasaktan ka ng dahil sa pag-ibig. Pero ang


pinakamasakit ay ang masaktan ka ng taong mahal mo ng hindi niya alam.
Paano niyang malalaman kung sasabihin mo pa nga lang ang nararamdaman mo,
nakita mo ng may nagmamay-ari na sa puso niya.

"Cloud, may hindi ka ba sinasabi sa amin?" Napatigil ako sa paglalaro sa


pagkain ko dahil sa tinanong ni Papa Winter kayla Cloud na akala mo nasa
date kung maglambingan.

'Hello... nasa party tayo madaming tao pasintabi naman diba lalo na't
may brokenhearted dito dahil sa inyo. Oh sige ako na bitter, ako na.'

Nababaliw na ata ako pati sarili ko kinakausap ko. Mabalik tayo sa tanong
ni Papa Winter sa ating "sweet couple of the night".

"Dad ano namang hindi ko sinasabi sa inyo?" 

Nagmamaang-maangan pa to si Cloud. Para namang bulag kaming nasa lamesa


at 'di nakikita ang pagiging sobrang close nila ng katabi niya na kulang
na lang magkapalit na sila ng mukha. Ganon sila kalapit sa isa't-isa. 

"Sigurado ka ba hijo, eh mukhang mali ata ang pakilala mo sa amin kay


Charlotte?"

"Katrabaho mo nga lang ba talaga siya o higit pa?"

Sige lang i-hot seat niyo sila Mama at Papa at pag umamin na talaga sila
sa tunay na relasyon nila. Ihanda niyo ang abuloy para sa akin dahil
magbibigti na ko mamayang gabi. Fine, ako na ang dakilang eksaherada.

Tumikhim pa muna si Cloud at nakita ko mula sa lamesa na kinuha niya ang


kamay ni Charlotte at hinawakan tapos hinalikan at humarap sila sa amin.

"Yes, we're in a relationship and I love her."


Narinig ko kung paano sila maging masaya para sa kanilang dalawa.
Napayuko ako sa sinabi niya at naramdaman ko na lang ang patak ng luha
mula sa mga mata ko. At kung hindi ako aalis sa kinauupuan ko malamang
maririnig nila ang pag-iyak ko. Gusto kong tumayo pero parang may glue
ang mga paa ko na nakadikit sa lupa. Hindi ako makakilos. Buti na lang
nandito ang best friend ko. Naramdaman kong hinila niya ako at pinatayo.
Dun lang tumahimik ang lahat.

"Hey Thunder, what happened? Saan kayo pupunta?"

"Sky umiiyak ka ba?"

Oh my gahd!

Nakita pa din nila ang pag-iyak ko. Damn this tears, may ikakasira pa ba
ng gabi ko. Tumingin ako kay Thunder at seryoso siyang nakatingin sa
kanila. Don't tell me sasabihin niya na kaya ako umiiyak dito ay dahil sa
lihim kong pag-ibig sa kapatid niya.Tumingin ako kay Cloud, umaasang
katulad nila TitaMoms ay nag-aalala rin siya. 

Pero...

Nakita ko siya kausap niya pa rin si Charlotte at parang may sariling


mundo sila. Mas lalo akong napaluha sa nakita ko. Kaya ibinalik ko na
lang ang tingin ko kay Thunder. Inaaantay ang sasabihin niya.

"Ihahatid ko na lang po siya sa bahay. Heto naman kasing si Sky dine-


dysmenorrhea na, nahihiya pang magsalita ayan tuloy napaiyak na sa
sobrang sakit." 

'Sa dami ng dahilan yun pa talaga Thunder.' 

Pero it's better kaysa naman malaman nila na kaya ako umiiyak dahil
brokenhearted ako. Humawak na ako sa puson ko at nagpanggap na masakit
ito kahit ang puso ko talaga ang masakit.
Puso. Puson. How ironic.

"Ganun ba? You ask Yaya Meling to give her meds okay Thunder? Kami ng
bahala sa party mo, patapos na din naman ito." Lumapit pa sa akin si Mama
Rain at hinalikan ako sa pisngi. Ganun din si TitaMoms at Papa na
hinalikan ako sa noo. Kahit na nasaktan ako ngayong gabi, thankful pa din
ako sa kanilang lahat. Sa simpleng halik lang na 'yun kahit papaano
gumaan yung pakiramdam ko.

"Sige po mauna na kami." Tumalikod na si Thunder at hindi man lang


nagpaalam kanila Cloud. Hinila niya na lang ako marahil ay nahalta niyang
ayaw ko pa ring kumilos sa kiinatatayuan ko. In one last glance, tinignan
ko ulit si Cloud but still nabigo ako. He doesn't even bother to look at
me. Binati lang ni Thunder ang bawat madaanan namin pero nanatili pa din
akong nakayuko at pilit pinipigilan ang pag-iyak ko.

My gosh mukha na siguro kong zombie sa itsura ko. Kalat na siguro ang
eyeliner at mascara ko.This is the worst night of my life. Nasa gate na
kami ng hubarin ni Thunder ang suit niya at itali ito sa bewang ko.
Yumuko siya patalikod at sinenyas na sumakay ako sa likuran niya. At
dahil pagod na rin ako sumampa ko sa likod niya. Naglakad siya papunta sa
bahay naming mga limang minuto din ang lakarin. Sa may function hall kasi
ng subdivision ginanap ang birthday niya.Tahimik pa din akong umiiyak
habang nasa likod niya. Walang pakialam kahit mabasa ang damit niya. Ang
sakit na kasi at pakiramdam ko pag hindi ako umiyak aatakehin ako sa
puso. 

Naranasan niyo na ba yung pakiramdam na parang may mga karayom na


tumutusok sa puso mo tapos ang hirap huminga?

 Yung natatakot kang magsalita dahil pakiramdam mo mas lalo kang iiyak
once you open your mouth? 

Iilan lang ang mga yan sa nararamdaman ko ngayon.

"Sige lang Sky, keep on crying kung yan lang ang makakapagpagaan ng loob
mo." Narinig kong sabi ni Thunder. Dahil sa sinabi niya mas lalong
napalakas ang pag-iyak ko. Binabagalan talaga ni Thunder ang paglakad at
alam kong dahil ito sa akin.

When we were a child Thunder used to carry me on his back everytime I


cry. He said it's his way to comfort me and true enough, everytime he do
it nale-lessen yung bigat na nararamdaman ko. Unti-unti huminto ang pag-
iyak ko.

"Alam mo ba kung bakit kapag umiiyak ka pinapasan kita sa likod instead


of hugging you?"

"Why?" Halos hindi maintindihan ang boses kong sabi sa kanya.

"It's because I don't want to see your face every time you cry." Hinampas
ko siya ng mahina sa braso dahil sa sinabi niya.

"Bakit? Dahil panget ako pag umiiyak ako ganun ba yun Thundz?" Binaba
niya ako at 'di ko napansing nasa bahay na pala kami. Hinarap niya ako at
pinunasan ang mukha ko gamit ang panyo niya at ginulo niya ang buhok ko. 

Really guys bakit ang hilig niyong guluhin ang buhok naming mga babae?

"Silly. It's not because your ugly." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"E ano?"

"It's because I don't wanna see your expression when you are hurt."

"Why?"

"Tss, puro ka tanong. Basta yun na yun." Naiinis niyang sabi sa akin. 
Sorry naman kung Pentium 1 ang utak ko.

I pouted. "Pabitin ka naman e."

"Pacute ka naman e."

"Nakakaasar ka!"

"Nakakaloka ka!" 

Oh my gahd napatawa ko ng malakas sa sinabi niya. Inipit niya pa talaga


ang boses niya at nagbakla-baklaan sa harap ko. Sabay kaming tumawa ng
malakas. Baliw na nga yata ako kanina kung maka-emote ako akala mo
katapusan na ng mundo ko.

"Thank you Thundz." Makaraang matapos kami sa pagtawa tapos niyakap ko


siya.

"Welcome Skyz." Ginantihan niya ako ng yakap. Ganito talaga kami


kalambing sa isa't-isa kaya nga lagi kaming iniissue ng mga tao sa
paligid namin. Pero kapatid lang talaga ang turingan namin sa isa't-isa.

"Siguro kung wala ka sa tabi ko kanina malalaman nila ang feelings ko


para kay Cloud.Thank you Thundz, hindi lang para sa ginawa mo
kanina.Thank you for everything, di man successful ang love life ko,
still may bestfriend ako na laging nasa tabi ko. Happy Birthday Thundz.
Huwag kang magbabago hm?" Mahabang sabi ko sa kanya tapos hinila ko na
siya papasok sa bahay. Kada birthday namin kasi nag-ssleepover kami sa
bahay ng isa't-isa. Tradisyon na namin yun. Parang bonding na din namin.
Napahinto ako sa paglalakad ng huminto din siya.

Nagtataka ko siyang tinignan. Nakayuko siya ng magulat ako sa sinabi


niya.
"Hanggang bestfriend na lang ba? Hindi ba pwedeng humigit pa doon?"

Kumabog ang puso ko dahil sa sinabi niya.

"Nagbibiro ka ba?"

Katahimikan.

Katahimikan.

Katahimikan.

"Oh my gosh Thundz ano bang pinagsasabi mo? Don't tell me katulad ka ng
nababasa ko na guy na nafa-fall sa girl bestfriend niya. Alam mo naman
yung consequences kapag na-fall ka sa bestfriend mo di ba? Papasok na si
awkward moment tapos...." Hindi ko na maintindihan yung sinasabi ko sa
kanya dahil ganito ko kapag kinakabahan, walang preno ang bibig.

"Hahahahahahahahahaha!" Tumawa ito ng parang wala ng bukas na


ikinasimangot ko dahil  napagtanto kong pinagtripan lang ako ng best
friend ko.

Lumapit ako dito at binatukan 

"Puro ka talaga kalokohan .Wag mo ng uulitin yun ah!" Makaraan ay tumakbo


ako papasok ng bahay. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil nahihiya
ako sa pinagsasabi ko. Pero napangiti din ako, alam ko naman kasi na
inaaliw lang ako ni Thunder para makalimutan ko kahit sandali yung
nangyari kanina. Binabawi ko na yung sinabi ko na this is the worst night
ever.

Thanks to my best friend Thunder.


Thunder POV

Pinagmasdan ko siya papasok ng bahay at napabulong na lang ako...

"Jokes are half meant true Sky remember that." Malungkot akong ngumiti at
hinabol ang babaeng mahal ko.

TBC

--Thank you sa mga nagbabasa kahit onti lang kayo .. Vote and comments
naman po para mapabilis ang update ko.. Next Chapter na ang Moment ni
Cloud at Sky Abangan...

=================

AWS CHAPTER 5

Chapter 5

"It's sad when you meet someone who means the world to you, only to find
out that it was never meant to be and you have no choice but to let go."

Napatitig ako sa linyang nasa libro ng binabasa ko. Paulit ulit kong
binasa ito. Do I really have no choice but to let go my feelings for him?

"Yes, you need to let go Skyz. That's the first step for you to move on."
Sinara ko ang librong binabasa ko at nilingon si Thunder. Nasa kwarto ko
kami ngayon ni Thunder. Dito kami nagba-bonding, we talked random things,
nag aasaran, nagkukulitan. Iyon ang way ng bonding namin. May tiwala
naman sa amin ang parents niya at TitaMoms ko na wala kaming gagawing
kalokohan. At sa sofa siya natutulog hindi sa kama ko.

Nagtataka kong tumingin sa kanya. Kailan pa naging mind reader si


Thunder?
"Silly. You always said things aloud, I'm not a mind reader if that's
what you're thinking." Tapos pinitik niya ang ilong ko.

"Hey, hands off." Pilit kong iniiwas ang mukha ko mula sa kamay niya.
Balak niya pa sana akong kilitiin ng hawakan ko ang kamay niya.

"Kailan mo pa nalaman?" Sumeryoso siya sa tanong ko.

"A-anong nalaman ko?" Pagmamaang-maangan pa nito.

"Tungkol kay Cloud at kay Charlotte." Napadiretso ito ng upo sa may sofa


dahil sa sinabi ko. Tumikhim muna ito bago nagsalita.

"A-ano bang sinasabi mo Sky? Of course kanina ko lang din nalaman."

"You are lying." 

Nakokonsensya itong tumingin sa akin.

"I'm your bestfriend and I know kung kailan ka nagsisinungaling. Looking


at you now with your guilty expression, I can say that you are lying."
Malungkot kong aniya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Galit ka ba?"

Pagak akong tumawa sa tanong nito.

"Galit? Bakit naman ako magagalit? It's not as if obligasyon mong i-


update ako sa status ng kapatid mo."
"Still... sana sinabi ko sa'yo para naman hindi ka na nabigla sa nalaman
mo kanina. But believe me, hindi ko gustong ilihim sa'yo ang tungkol kay
Kuya at kay Charlotte." Anito.

Pakiramdam ko para akong bata sa tono ng boses nito.

Tumawa ako. Umaasang maalis ang tensyon sa pagitan namin. "Thundz kumalma


ka nga, ang tanong ko lang naman kung kailan. Hindi naman kita inaaway
diyan."

"Two weeks ago ko lang nalaman. Dumaan kasi ako sa condo ni Kuya dahil
may pinapadalang pagkain si Mama. Ayun nakita ko si Charlotte doon, then
Kuya introduce her to me. Matagal na pala sila pero sikreto lang dahil
nga sa ayaw nilang may makaalam ng relasyon nila.You know him, he's a
private person and then there's the conflict na hawak ng company namin si
Charlotte as an actress." 

Tumango-tango ako sa sinabi nito. That words "matagal na sila"  keeps on


repeating on my mind. Matagal na sila at ako naman matagal na ding umaasa
na mapansin ni Cloud.

"I'm so pathetic right?"

"Sky! Stop saying that, you're not pathetic nagkataon lang na-" Napatigil
ito marahil hindi niya na alam kung ano pang sasabihin niya para mapagaan
lang ang loob ko.

"Nagkataon lang that I've fallen inlove with someone whose already
committed into someone else ganun ba yun Thundz?" Natahimik siya sa
sinabi ko.

"Sky, hindi pathetic ang ma-in-love ka sa taong may mahal ng iba lalo
pa't wala kang kaalam alam. In the first place, kung sinabi ko na agad sa
'yo ng mas maaga ang tungkol sa kanila e di sana mas maaga kang
makakapagmove-on and I'm sorry if I didn't tell you. It's just that I
can't find the right words to say it to you." Sumandal ako sa balikat
niya matapos nitong magsalita.
"You don't have to apologize Thundz. Kasi kahit sinabi mo sa akin ng mas
maaga wala pa din naman magbabago, sa  tingin ko masasaktan pa rin ako.
Buti nga nakita ko ng harap harapan e, kasi kung sinabi mo lang sa akin
baka pilit ko pa ring papaniwalain ang sarili ko na baka may pag-asa pa
ko kay Cloud. But seeing them together, narealize ko na mahal talaga siya
ni Cloud. Yun lang naman ang mahalaga e ang makitang masaya si Cloud.
Okay na 'ko dun."

"Maybe you're right, pero kung di ko lang kapatid yon, sasapakin ko siya.
Wala siyang karapatang paiyakin ang bestfriend ko." Natawa ko sa sinabi
niya kahit kailan talaga napaka-protective niya sa akin.

"'Sus para namang intensyon niya ang saktan ako. Basta magmomove-on na
ako, makakahanap din ako ng higit pa sa kapatid mo at pag nangyari yun,
malilimutan ko na din ang Kuya mo." Natatawa kong saad.

"That's the fighting spirit baby Skyz, makaka-move on ka din at ang first
step sa pagmomove on ay..." Pinagalaw nito ang magkabila niyang kilay na
siyang mas nakpagpatawa sa akin.

"Ano naman ang first step aber?" Tumayo siya at dumiretso sa ref na nasa
kwarto ko. Nagkatinginan kami at sabay ngumiti sabay sigaw ng...

"FOOD TRIP!"

Ewan ko kung anong konek ng Food Trip sa pagmomove on pero 'yaan na ang
mahalaga makalimutan ko muna pansamantala ang pagiging brokenhearted ko.
At magconcentrate sa bonding namin ng bestfriend ko.

****

TIME CHECK 11:30 PM


Hindi ko alam kung bakit kahit pagod na pagod ako at gusto ng matulog ng
katawan ko pero yung diwa ko gising na gising pa din.Tumayo ako mula sa
kama ko at dumiretso sa study table ko.

Kinuha ko ang kahon na kasing laki ng lagayan ng sapatos.

C.R.M.

Hinawakan ko ang mga letrang nakasulat sa harapan ng kahon.

Cloud Rendrex Monteciara that's what it means.

Isa-isa kong kinuha ang laman nito.

Ang diary ko na puro tungkol kay Cloud ang nakalagay.

Ang panyo na inilagay niya sa tuhod ko nung bata pa ako.

Maging ang natanggal na butones ng polo niya na pinulot ko nakatago dito.

Kulang na nga lang pati kutsara na ginagamit niya sa tuwing nagfa-family


dinner kami kunin ko. Ganun ako ka-inlove kay Cloud na maliit mang bagay
itatago ko basta siya ang may-ari. Kinuha ko ang kaisa-isang litrato
naming dalawa. Ako tuwang tuwa sa picture pero siya ni ngumiti hindi niya
ginawa. Kung di pa siya pinilit ni Mama Rain na tumabi sa akin at
magpakuha ng litrato hindi pa siya magpapa-picture kasama ako. Matagal ko
na siyang kakilala pero nanatili na lang kami sa ganon.

Kakilala.
Ni hindi kami naging magkaibigan.He never noticed me. I am nothing for
him. I gathered all of his pictures na pasimple kong dinukot sa photo
album ng mga Monteciara. One picture captured my eyes.

In the picture he was smiling brightly. I wonder kung sino ang dahilan ng
pagngiti niya sa litrato. Sana ako na lang 'yun pero asa naman ako.
Bumuntong-hininga ako at ipinasok lahat ng gamit sa loob ng kahon
pagkatapos ay kinuha ko ang plastic at binalot ito. Tonight, sisimulan ko
ng ibaon sa limot lahat ng nararamdaman ko sa kanya. At hindi yun
mangyayari kung hindi ko itatapon ang mga bagay na magpapaalala lang ng
nararamdaman ko para sa kanya.

Sinilip ko kung mahimbing ng natutulog si Thunder at ng makita ko ang


malalim niyang paghinga indikasyon na tulog na talaga siya. Dahan-dahan
akong lumabas ng kwarto.

Kinuha ko ang maliit na pala sa likod-bahay na ginagamit namin ni Thunder


nung mga bata pa kami. Ang tagal na din ng huli ko tong ginawa. Ang
pumunta sa park at magbaon ng kung anong gamit sa ilalim ng puno. Lumabas
ako ng bahay at sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Hindi
naman ako natatakot na may mangyaring masama sa akin dahil secured ang
subdivision namin.Habang naglalakad ako hindi ko naman maiwasang isipin
ang mga naganap kanina. Kailan ko nga ba nalaman na mahal ko siya at
gaano ako kasigurado na mahal ko talaga siya gayung ang batayan ko lang
naman ay ang mga isinusulat ko at nababasa. Pero ang malakas na kabog ng
puso ko at ang ang sayang nararamdaman ko tuwing nakakausap o nakikita ko
siya. Yun ang ilan sa mga pinanghawakan ko, samahan pa na tuwinang
pipikit at mag-iimagine ako ng future ko, kasama si Cloud doon. 

***

NANG makarating ako sa park hinanap ko ang puno na tambayan namin ni


Thunder. Saglit lang nakita ko na ito .Umupo ako at humukay sa lupa buti
na lang pinreserved ang park na ito kaya hindi nila ginawang espalto ang
parte ng puno na ito. Kasabay ng paglagay ko sa box na naglalaman ng
alaala ko kay Cloud. Humiling ako na sana mabaon na rin sa limot ang pag-
ibig ko para sa kanya.

Nakaramdam na ako ng antok kaya nagdecide ako na umuwi na. Napalingon


naman ako sa kalsada ng biglang nakarinig ako ng makina ng pagtigil ng
dalawang sasakyan.
Nagtago ako sa puno ng makita ko kung sino ang bumaba sa isang sasakyan
na humarang sa isa pang kotse.

"Cloud..." Bulong ko.

He was desperately knocking the driver seat of the  other car.

"Come on Charlotte open this damn door, let's talk please. Don't do this
to me." Gusto ko siyang lapitan at awatin sa ginagawa niya. He's begging!
For God's sake, I never saw him like that.

What is happening?

Lumipas ang isang minuto ng lumabas si Charlotte. Mabuti na lang at nasa


madilim akong parte kaya hindi nila ko makikita, and I doubt kung
mapapansin nga ba nila ako.

"Stop this Cloud. Alin ba sa salitang gusto kong mapag-isa ang hindi mo
maintindihan?!"

"What's the problem Babe? May nagawa ba ako? Tell me! we were okay a
while ago and then there's that fucking phone call and suddenly you're
acting like this. Tell me sino ba ang tumawag sa 'yo?"

"Sinabi ko na ngang it's nothing! Just a simple phone call from my


director. Yun lang and then you keep on blabbering that there's something
wrong! That's why I'm pissed off!"

Patuloy akong nakikinig sa usapan nila at hindi ko maiwasang mainis kay


Charlotte. Paano niyang nagagawang pagsalitaan ng ganyan si Cloud.

"Then give me your phone!"


"You're ridiculous Cloud. I can't believe your acting like this!"

"Acting like what?" Tapos pinuntahan niya ang kotse ng huli at lumabas
siyang bitbit na ang cellphone ni Charlotte.

"You are acting like a child! Cloud give me back my phone!" Pilit niyang
inaagaw ang cellphone niya kay Cloud. Nagulat na lang ako ng ibato ito ni
Cloud sa lupa.Malakas ang pagkakabato niya dahil nagkawasak-wasak ang
cellphone. Sumigaw si Charlotte, makaraan ay inangat nito ang kamay at
sinampal si Cloud.

"He's calling you huh?" 

Ni 'di man lang natinag si Cloud sa pagsampal sa kanya ni Charlotte. 

Sinong He?

"Answer me damn it!"

"Y-yes."

"Why?"

"He's offering me a contract." Umiiyak si Charlotte pero 'di ko magawang


maawa sa kanya gayong nakikita ko kung gaano nasasaktan si Cloud. 

Sino kaya ang pinagaawayan nila?

"Huh? Contract?!"
"Ano pa bang iniisip mong dahilan kung bakit siya tumawag?"

"Then tell me are you gonna accept his contract?"

"I-I'm considering it."

"You're kidding right? You won't leave our company just for him?!"

"You have to understand that I need to leave your company!"

"Why do you need to?"

Wala na akong maintindihan sa pinaguusapan nila pero nakikinig pa rin


ako. I can't explain what I am feeling right now. Dapat ba kong matuwa na
nag-aaway sila at base sa nakikita ko maaaring maghiwalay sila.

"I'm doing this for us!"

"Paanong para sa atin Charlotte?!"

"Dahil kung lilipat ako ng company mas madaling maipapaalam sa lahat na


may relasyon tayo. Akala mo ba madali para sa akin ang makarelasyon ka sa
loob ng dalawang taon at hindi ko masabi sa harap ng marami na si Cloud
ang boyfriend ko at hindi lang siya basta boss ko."

Two years na sila. Ganun katagal?

"Then let's have a press conference. Ipaalam natin sa kanila na tayo na,
so that it's no need for you to sign a contract with that asshole!"
"Kung sana ganun kadali ginawa na natin noon pa. Pero hindi ako handa na
husgahan nila ako na kaya lang ako nakarating sa kinatatayuan ko ay dahil
sa 'yo." Napaluha ako sa sinabi ni Charlotte at hindi ko alam kung bakit.
Ganun ba talaga kalalim ang relasyon nila?

"Babe hindi naman sila ang mahalaga. What is important ay yung tayo.
Please don't do this." Hinawakan niya pa ang mukha ni Charlotte habang
sinasabi ito.

He loves her so much and Damn, it hurts.

"Come on Cloud isipin mo naman ako oh, please hindi naman ako mawawala sa
tabi mo. Lilipat lang ako ng company,we can still see each other just
like before."

"Kahit saang company huwag lang sa company ng ex mo!"

And now I finally know kung bakit ayaw ni Cloud lumipat si Charlotte.

"Don't you trust me?"

"I trust you but not your ex!"

"He's just my past. Wala ng iba pa! You know that I love you."

"Still-"

Magsasalita pa sana siya ng halikan siya ni Charlotte. Why do I have to


witness their kissing scene?
They're kissing torridly at parang pinupukpok ng kung ano ang puso ko.
Pumikit ako at nagpasyang aalis na ako. Bahala na kung makita nila ako.
Hahakbang pa lang ako ng muli silang mag-usap.

"Let's talk some other time babe.You're tired and so am I." Tumalikod na
si Charlotte ng may dinukot sa bulsa si Cloud at lumuhod ito gamit ang
isang tuhod.

Tell me it's just a dream. Please God wake me up.

Kinurot ko ang sarili ko at nasaktan ako so it means it's not a dream.


Napaluha ako ng marinig ang tanong ni Cloud.

"Will you marry me?"

Nagpasya na akong umalis ng marinig ko siya. Hindi ko na kaya pang


marinig ang isasagot ni Charlotte. Pero muli akong napatigil sa sinabi ng
huli.

"I'm sorry I can't babe." Hindi lang si Cloud ang napatulala maging ako
sa sinabi ni Charlotte.

She is so unbelievable. Cloud is offering marriage. Marriage means a


lifetime commitment and she turned him down. I just can't believe it.

Umiiyak na tumalikod si Charlotte at iniwan ang kaawa-awang si Cloud.

"Kung aalis ka it only means one thing ..Were done."

Masama mang pakinggan pero pinanalangin ko na umalis siya at iwanan niya


si Cloud.
"I'm sorry I love you but it's not enough to marry you. I'm not yet
ready. Goodbye Cloud."And as I saw her walking to her car.

I suddenly regret what I've wished for, ang umalis siya at iwanan si
Cloud. Nagkamali ako, hindi din ako magiging masaya kung maghiwalay sila.
Dahil sa nakikita kong sakit sa mukha ni Cloud gusto kong habulin si
Charlotte at makiusap na balikan niya si Cloud. Tanga na kung tanga pero
mas gugustuhin ko pang makita siyang masaya kapiling ng mahal niya at
masaktan ako. Kaysa makita ang mukha niyang masasalamin ang sobrang
sakit.

Nanatili siyang nakaluhod doon. Nakataas pa din ang kamay hawak-hawak ang
singsing na siyang ibibigay niya kay Charlotte. Nakikisabay pa ata ang
panahon sa nararamdaman namin ngayon.

Unti unting pumatak ang ulan hanggang sa lumakas ito. Tumakbo ko


papalapit sa kanya. Napansin kong nagulat siya ng makita ako. Ganun pa
din ang posisyon niya. Kung may makakakita sa amin iisipin na inaalok
niya ako ng kasal.

"Anong ginagawa mo dito? K-kanina ka pa ba?"

Kahit na umuulan alam ko umiiyak siya.And it pains me, big time.

"Kanina pa ko dito."

"So narinig mo ang lahat. Nakita mo kung gaano ko kadesperado!" Ibinato


niya ang singsing at galit na tinignan ako.

"Please Cloud, alam ko nasasaktan ka ngayon pero tumayo ka na at umuwi


magkakasakit ka sa ginagawa mo!" Malakas kong sigaw sa kanya. Pilit ko
siyang itinatayo pero tinulak niya ako. Hindi ko alam kung alin ang
masakit, ang kamay ko na naramdaman kong nasugatan dahil dun sa cellphone
na ibinato niya kanina o ang puso ko dahil sa itinaboy niya ako.
"Alam mo? Ano bang alam mo? Alam mo ba kung ano ang pakiramdam ng
nasasaktan ka dahil yung taong mahal mo iniwan ka? Na kahit na mahal na
mahal mo siya nagawa ka pa rin niyang ipagtabuyan sa buhay niya? Tell me
anong alam ng isang katulad mo! Na umiikot lang ang buhay sa mga librong
hindi naman totoo!"

Tumayo ako 'di alintana ang sakit sa kamay ko. Umiiyak ko siyang hinarap
at sumigaw ako.

"Alam na alam ko ang sinasabi mo Cloud. Paanong hindi ko malalaman gayong


nandito sa harap ko yung taong mahal ko, na walang ginawa kundi itulak
ako palayo dahil sa sinaktan siya ng babaeng mahal niya. At least ikaw
mahal ka ng mahal mo! Eh ako ilang taon na akong lihim na nagmamahal
sa'yo. At nung nagkalakas ako ng loob para magtapat sa'yo.Nakita kita
kasama ang girlfriend mo.Ngayon, itatanong ko? Sa tingin mo, gaano ko
nasaktan dahil sa lintik na pagmamahal ko sa'yo?"

Nagulat siya sa sinabi ko at mas lalo siyang nagulat ng niyakap ko siya.


Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya. Hinigpitan ko ang yakap ko
sa kanya ng tangkain niyang kumalas sa akin. Umiiyak akong nagsalita.

"Please Cloud, ako na lang huwag na siya. Hindi kita sasaktan katulad ng
ginawa niya. Mamahalin kita ng lubos pa sa kayang ibigay niya. Kahit ano
gagawin ko para sa'yo. Please ako na lang ..AKIN KA NA LANG."

Desperada na kung desperada ang mahalaga masabi ko ang nararamdaman ko


para sa kanya.

SOMEONE'S POV

"Kuhanan mo maigi ng litrato siguraduhin mong ang makakakita nito


iisiping magkarelasyon silang dalawa nung babae." Napangisi ako sa sinabi
ko.

"Areglado boss."

Sa wakas nakahanap na rin ako ng alas laban sa gag*ng si


Monteciara.Humanda ka. Sisiguraduhin kong magugulo ang buhay mo.
TBC

Excited for the next UD ? VOMMENT PARA MAGUD KAAGAD SI AKO :")

=================

AWS CHAPTER 6

Chapter 6

"You love me? Ibibigay mo kahit ano?" Napabitaw ako kay Cloud ng marinig
ko ang sinabi niya. Diretso ko siyang tinignan sa mukha.

"Kahit ano ibibigay ko." Seryoso kong saad.

"Then... come with me." Hinila niya ako papasok sa kotse.

Nakabibinging katahimikan ang namayani sa loob ng sasakyan. Pasimple ko


siyang tinignan at hindi ko mabasa kung ano ngayon ang iniisip niya.
Blangko lang ang ekspresyon niya. Walang makikitang kahit anong emosyon.

Namula ko ng maalala ang mga sinabi ko kanina. Ngayon ko naramdaman ang


hiya sa mga binitawan kong salita. Nayakap ko ang sarili ko ng makaramdam
ako ng lamig. 

Kumusta naman sa suot suot kong pantulog di ba?

"Ouch!" Napaaray ako ng maramdaman ko ang kirot sa kamay ko. Dun ko


naalala na may sugat pala ako dulot ng pagtulak kanina sa akin ni Cloud.
Nagtataka ko siyang tinignan ng ihimpil niya ang sasakyan sa tapat ng
isang drugstore.
"Stay here." Napatango na lang ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa labas
at nakitang huminto na ang malakas na ulan. Makalipas lang ang ilang
sandali narinig ko ang pagbukas ng pinto sa driver's seat.

"Give me your right hand," Hindi nakatinging saad niya sa akin. Nag-
aalinlangan pa ako ng i-abot ko sa kanya ang kamay ko.

Kumabog ang puso ko ng hawakan niya ang may sugat kong kamay. Ramdam ko
ang pamumula ng mukha ko.

'My gosh Sky, umayos ka nga kinikilig ka sa simpleng paghawak niya lang
sa'yo.'

Epal ng isang parte ng utak ko. Paano akong hindi kikiligin kung heto ang
first time na hinawakan niya ang kamay ko. And I can't help but feel a
tingling sensation. Napatigil lang ako sa kalandian ko ng buhusan niya ng
alcohol ang kamay ko. Hindi ko napigilan ang mapasigaw. Napahawak siya sa
tenga niya dahil sa pagtili ko.

"Will you shut up?!" Napapitlag ako ng sumigaw siya.

"Sorry, sino ba kasing nagsabi sa'yo na buhusan ang sugat ko ng alcohol.


Ang hapdi kaya!" Umiiyak kong sabi sa kanya. Mababaw lang ang luha ko
pero kung ikaw ang nasa posisyon ko at binuhusan ang kamay mong may
sariwang sugat ng alcohol. Tignan ko na lang kung hindi ka mapaiyak.

"Tss. Stop crying para kang bata! Binuhusan ko ng alcohol dahil baka
maimpeksyon pa ang sugat mo." Pagkatapos niyang magsalita ay hinipan niya
ang kamay ko. Napahinto ako sa pag-iyak dahil sa ginawa niya. Para kong
tangang nakangiti habang ginagamot niya ang sugat ko. Binalutan niya ng
benda ang kamay ko matapos niyang malinis ito.

"Here use it." Pag-abot niya sa akin ng jacket niya. Ito pala yung inabot
niya sa passenger's seat kanina.
"Salamat." Nakangiti kong sabi sa kanya. Hindi niya na ako sinagot at
muling ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Sinuot ko ang jacket at pasimpleng
inamoy ito. Napakabango at halatang si Cloud ang gumagamit nito dahil sa
perfume na naamoy ko. I wonder kung napagamit niya na din ito kay
Charlotte. Malungkot akong napangiti ng dahil sa naisip ko. Lumipas ang
ilang minuto at hindi ko na napigilang tanungin siya.

"Saan ba tayo pupunta Cloud?" Inantay ko siyang sumagot pero nanatili


siyang tahimik. Mukhang malalim ang iniisip niya. Malamang si Charlotte
na naman ito. Katabi ko nga siya physically pero ang puso at isip niya
nasa iba. Hindi na lang ako nagsalita at ibinaling ko na lang ang pansin
sa labas.

"Sinabi mo kanina na kahit ano handa mong ibigay sa akin, tama ba ako?"
Lumingon ako sa kanya at nanindig ang balahibo ko ng makita ko ang ngisi
sa mukha niya. Hindi ko na nagawang sumagot dahil sa tumigil na ang
sasakyan niya sa harap ng Monteciara Hotel??

Hotel.

Hotel.

Hotel.

Nasa hotel nila kami anong gagawin namin dito?

'Nagtatanga-tangahan ka na naman Skyleigh, ano sa tingin mo ang gagawin


niyo sa hotel magjajack-enpoy? Pinairal mo na naman ang 'katalinuhan' mo
kasi lakas ng loob mong magsabing lahat ibibigay mo. O ayan ibigay mo na
ang virginity mo.'

Pambihira, nababaliw na ba ako ba't palaging may side comment ang utak
ko. Napaurong ako sa gilid ng pintuan ng maramdaman kong unti-unti niyang
nilalapit ang mukha niya sa akin. Napapikit ako ng maramdaman ko ang
hininga niya sa tenga ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko na pakiramdam ko
sasabog ito.
"Bababa ka ba o bubuhatin pa kita Skyleigh?" Sarkastiko siyang tumawa at
iniwan akong tulala sa kotse. Nagmamadali akong sumunod sa kanya. Di ko
na alintana ang mga nagtatakang tingin ng mga empleyado at mga customer
sa akin dahil sa nakapantulog lang ako at basang basa ng ulan mabuti na
nga lang at suot suot ko ang jacket ni Cloud kung hindi makikita nila ang
Powerpuff girls kong pang-itaas. 

Kahihiyan overload.

Wait! bakit ngayon ko lang narealize na powerpuff girls ang pang-itaas


ko. Oh my gosh nakakahiya kay Cloud. Tutal puro kahihiyan na ako
lulubusin ko na. Hinawakan ko siya sa kamay at hinarap sa akin.

"What?" Nakataas ang kilay na sabi niya sa akin tapos tinignan niya ang
kamay ko na nakahawak sa kanya kaya parang napapasong bumitaw ako at
umayos ng tayo.

"What's the meaning of this Cloud?" Walang kangiti-ngiti kong saad.

"Stop pretending to be naive Skyleigh. You're a writer right? Then you


should know what can happen if a guy bring a girl to a hotel."

Napalunok ako sa sagot niya. Of course I know kung anong posibleng


mangyari kapag pumunta sa hotel ang lalaki at babae. 

Pero wala namang kami!

 Heto ba ang sagot niya sa confession ko sa kanya kanina?

Ang dalhin ako sa hotel?

Hindi ko maiwasang mapaluha.Pakiramdam ko napakababa kong babae para


ituring niya ako ng ganito.
"We're gaining attention Skyleigh, so stop crying. Remember, hindi kita
pinilit na sumama sa akin. I'll call Thunder and ask him to fetch you up
so stop acting as if I'm a bad guy here."

Napakagat ako sa labi sa sinabi niya.Tama siya hindi niya ako pinilit.
Kusa akong sumama, ako itong umeepal pero ang lakas ng loob kong mag-
inarte sa harap niya.

"Sinasabi ko na nga ba katulad ka din niya sasabihing mahal ako pero


hindi kayang manindigan sa binitawan niyang salita."

Sa sinabi niya nakabuo ako ng desisyon. Sasama 'ko sa kanya wala akong
pakialam kung nakakababa ang gagawin ko. I don't care kung pagkatapos
nito iwanan niya ako. Ang mahalaga maparamdam kong hindi siya nag-iisa,
na nandito ako para sa kanya at higit sa lahat hindi ako katulad ni
Charlotte na binigay niya na ang lahat iniwan pa din siya.

Pinahid ko ang luha ko at ngumiti ako sa kanya. "Don't call Thunder.


Sasama ko sa'yo." Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya papunta sa
receptionist na mukhang kanina pa kami inaantay na dalawa at
pinagpapantasyahan si Cloud.

Pasensya ka Girl, kahit anong pagpapaganda ang gawin mo diyan. Ngayong


gabi akin si Cloud.

TBC

=================

AWS CHAPTER 7

Chapter 7
"Goodevening Sir, Welcome to Monteciara Hotel. How may I help you?"
Napataas ang kilay ko sa nakakaimbyernang receptionist sa harap ko na
halata namang nagpapacute kay Cloud. Pasimple pa niyang inipit ang buhok
niya sa may gilid ng tenga niya.Tinignan ko ang nameplate niya at bago pa
makapagsalita si Cloud inunahan ko na siya.

"So Riane, kasali ba sa job description mo ang magpacute sa harap ng boss


mo at hindi pansinin ang kasama nito. Invisible na ba ako at siya lang
ang binati mo?" Namilog ang mata niya sa sinabi ko at halatang nagulat. I
guess bago lang siya dito at hindi kilala si Cloud bilang isang
Monteciara. Nagpacute na nga siya nagawa niya pa akong isnabin.

"Skyleigh, enough." Nahimasmasan naman ako sa sinabi ni Cloud. At ng


mapansin kong papaiyak na ang babae marahil dala ng pagkapahiya sa sinabi
ko hindi ko naiwasang makonsensya sa nagawa ko kaya umiwas na lang ako ng
tingin sa kanya.

"Sorry po Ma'am, Sir." Yumuyuko pa ito habang humihingi ito ng paumanhin.

"Just give us the presidential suite key." Ani Cloud.

Dali-dali niya namang inabot ang susi sa huli.

"Sorry po talaga Ma'am." Pahabol niya pa sa akin ng susundan ko na si


Cloud.

"Apology accepted and next time Riane, be careful with the man you are
flirting especially when he is with me." Ngumiti ako sa kanya na
sinuklian niya rin ng alanganing ngiti.

Habang isinusuksok ni Cloud ang susi papasok sa presidential suite hindi


ko maiwasang kagatin ang mga kuko ko. Sigurado bukas wala na kong kuko sa
kamay. Mannerism ko na talaga na kagatin ang kuko ko sa tuwing
kinakabahan ako.
Bumungad sa amin ang malaki at eleganteng sala pagpasok namin. It's not
my first time na makapunta sa Monteciara hotel but still hindi ko pa din
maiwasang humanga sa interior ng bawat kwarto sa MH. Napakaganda talaga
at masasabi mong pinag-isipan ang bawat detalye sa paggawa nito.

"You take a shower first." Napatingin ako kay Cloud na NAKAHUBAD?!

Mag-iinarte lang ako kung tatakpan ko pa ang mata ko.

'Holy cow isa.dalawa.tatlo.apat.lima.ANIM!  six pack abs si Cloud. Kanin


na lang ang kulang may ulam ka na Sky.'

"Stop molesting me in your mind Skyleigh." Napaiwas ako ng tingin sa


tumataginting na ulam- ay este abs ni Cloud. Nagmamadali akong tumakbo sa
pinto ng banyo at pabagsak itong sinara.

Napapaypay ako gamit ang kamay ko at humugot ng malalim na


hininga.Malamig ang panahon pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko
init na init ako.

Lumabas ako ng banyo makalipas ang tatlumpong minuto.Napatagal dahil nag-


ipon pa ako ng lakas ng loob dahil hiyang hiya ako sa nangyari kanina.
Dalawa ang banyo sa Presidential Suite kaya ng lumabas ako nakaroba na
rin si Cloud katulad ko. Seryoso siyang umiinom ng alak sa may sofa
habang nanonood ng TV. Bakas na bakas sa mukha niya ang sakit at lungkot.

Kaya pala...

Si Charlotte ang artista sa pinapalabas. Umupo ako sa tabi niya. Saglit


itong nilingon ako at ibinalik ang atensyon sa palabas.

"It's not you Gerald, it's me hindi pa ako handa. Madami pa akong
pangarap at hindi pa sapat ang pagmamahal ko sa'yo para bitawan 'yun
lahat." Sabi ng umiiyak na Charlotte sa nakaluhod na lalaki. Hindi ko
hilig talaga manood ng TV kahit pa isa akong writer. Kinatatamaran ko
kasi ito at mas gusto ko pang magbasa. Pero kahit na hindi ako nanonood
masasabi kong napakagaling nga umarte ni Charlotte. 

Wait.Yung scene parang...

"How ironic na yung pelikulang ipinagawa sa kanya magagawa niyang ma-


apply sa akin.Tell me Sky? Yung lalaking nakaluhod ganyang ganyan din ba
ang itsura ko kanina?" Nagsalin siya ng alak sa isang baso at inabot sa
akin. Hindi ako umiinom pero tinanggap ko ito at nilagok dahil wala 'kong
maapuhap na sagot sa tanong niya. Napaubo ako matapos 'kong inumin ang
alak. Gumuhit ang pait sa lalamunan ko at nakaramdam ako ng pag-iinit.

"Are you okay? You should have told me na hindi ka umiinom." Nakatingin
pa rin sa TV na sabi niya sa akin.

Tumikhim na lang ako at hindi na nagsalita. Ibinaba ko ang baso. Kinuha


niya ulit ito at sinalinan ng alak. Base sa pagkakaalam ko mababa ang
alcohol tolerance ni Cloud kaya nag-aalala akong malasing siya.

Pipigilan ko na sana siya sa pag-inom ng pinatay niya ang TV at sumandal


sa balikat ko.

Dug.Dug.Dug.Dug

Be still my heart...

Sa isip-isip ko pakiramdam ko kasi maririnig ni Cloud ang tibok ng puso


ko sa sobrang lakas nito.

"I can still remember when we met three years ago.Nasa isang coffee shop
ako at kapansin-pansin ang isang babae," Tumawa siya na para bang may
naalala.

"She was crying hard that time. Madaming lalaki ang nagtangkang lumapit
sa kanya dahil kahit naman puno na ng luha ang mukha niya kapansin pansin
pa rin ang ganda niya." Huminto siya sa pagkukwento at naramdaman kong
nabasa ang balikat ko.
He's crying. Sabi nila minsan lang umiyak ang lalaki para sa isang babae.
And when a guy shed tears for a girl , it only means one thing... He
truly loves her.

Pupunasan ko sana ang pisngi niya ng pigilan niya ako. Ibinaba ko na lang
ang kamay ko at naghintay kung ipagpapatuloy niya pa ang kwento.
Napakamasokista ko para hintayin pa siya na ikwento ang love story nila
ng babaeng mahal niya.

"Sa iilang lalaking nagtangkang patahanin siya walang nagtagumpay.


Nilapitan ko siya dahil ayoko talaga sa maingay and at that time naiinis
ako dahil ang ingay-ingay niya. So lumapit ako sa kanya and you know what
she did to me?" Para kong tanga na umiling-iling pa.

"Isinaboy niya sa mukha ko yung kape na nasa harap niya, and then she
shouted at me. Sabi niya, gusto niya lang mapag-isa at wala siyang balak
i-entertain ako dahil brokenhearted siya. At pagkatapos, tumakbo siya at
iniwan akong napahiya sa loob ng coffee shop. I should be pissed off
dahil sa ginawa niya pero hindi e.At the back of my mind hiniling ko na
sana magkita ulit kami. Dumaan ang ilang buwan at di pa rin siya maalis
sa isip ko until ipakilala siya sa akin bilang new talent ng company."
Huminto siya at muling uminom ng alak. Umalis siya sa pagkakasandal sa
akin.

"Cloud enough, lasing ka na." Pag-aawat ko sa kanya ng muli nitong


salinan ang baso ng alak.

"Anim na buwan ko siyang niligawan. I never courted anyone. Siya lang.


Nagtagal kami ng dalawang taon at kahit na lihim lang kami naging masaya
pa din kami. Handa na kong pakasalan siya e pero nakakagago lang.
Tumanggi siya, tinanggihan niya ako. At pinili niya ang kompanya ng
gagong nanakit sa kanya." Umiiyak niyang saad.

Di ko mapigilang mapaiyak dahil sa nakikita kong miserable niyang


sitwasyon. Parang kanina lang kitang kita ko kung gaano siya kasaya
kasama si Charlotte.
Pero ngayon.. Para siyang batang inagawan ng laruan..Niyakap ko siya
dahil yun lang ang kaya kong gawin para kahit papaano maramdaman niyang
'di siya nag-iisa.Tumagal ng ilang minuto ang pag-iyak niya. Naramdaman
kong bumibigat na ang paghinga niya tanda ng makakatulog na siya. Hirap
na hirap ko siyang inalalayan papunta sa kwarto. Ibinagsak ko siya sa
kama ng bigla siyang dumilat at dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya
sa akin at..

Hinalikan niya ako.Naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya sa labi ko.


It's my first kiss at hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa kong
pagsagot sa halik na iginagawad niya sa akin. Hinihingal ako sa kakapusan
ng hangin ng bumaba ang halik niya sa leeg ko ng marinig kong nagsalita
siya...

"I love you...Charlotte."

Natulak ko siya dahil sa narinig kong sinabi niya.

Ang tanga-tanga ko. Hindi ako ang iniisip niyang hinahalikan niya kung
hindi si Charlotte at ang sakit sakit nito. Inayos ko na lang ang
pagkakahiga niya at pinagmasdan ko ang natutulog niyang mukha. Yumakap
ako sa kanya at taimtim na humiling.

Sana sa susunod pangalan ko naman ang bigkasin mo kapag muli mo kong


hinalikan. Sana magawa mo rin akong mahalin Cloud. At pag dumating na ang
panahong yun umasa ka hinding hindi kita iiwan. Mananatili lang ako sa
tabi mo at habang-buhay kang mamahalin.

Nakatulog akong lumuluha at umaasang maulit pa ang nangyari kanina pero


sana sa panahong 'yun ako ang nakikita, naiisip at tinitibok ng puso niya
at hindi siya.

TBC

Hindi pa panahon para sa BS nila.Dadating tayo dyan LOL.


=================

AWS CHAPTER 8

Chapter 8

Nagising akong mabigat ang pakiramdam ko. Sinalat ko ang noo ko at


napagtantong nilalagnat ako. Marahil dahil sa pagkakabasa ko sa ulan
kagabi. Bumangon na ako sa higaan kahit na ang gusto ko lang gawin ay ang
pagmasdan ang mukha ni Cloud. Ang sarap sa pakiramdam na magising kasama
ang lalaking mahal mo. At kahit masama ang pakiramdam ko gusto ko pa rin
siya ipaghanda ng almusal dahil sa hindi ko alam kung mauulit pa ang
ganitong pagkakataon. Hinalikan ko muna siya sa noo bago ko tuluyang
lumabas ng kwarto.

Napatingin ako sa sala at hindi ko naiwasang magbalik-tanaw sa nangyari


kagabi. Napahawak ako sa labi ko at napapikit. Hindi man ako ang iniisip
niya ng hinalikan niya ako masaya pa din ako na sa kanya ko naranasan ang
unang halik ko.

Honestly, hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan sa oras na


magising siya. Dapat ba akong umarte na parang walang nangyari kagabi o
ipakita sa kanya ang pagiging apektado ko sa naganap sa amin.

'Bahala na nga wala namang kasiguraduhan na may maaalala siya. After all,
he's too drunk last night.Kaya malaki ang tsansa na nakalimutan niya na
kung ano ang mga pinaggagawa niya kagabi.'

I was about to order ingredients from the kitchen of the hotel when
suddenly I heard a phone call. Hindi ko na sana ito papansinin pero
naisip kong baka importante kaya hinanap ko yung cellphone ni Cloud.

Thunder Calling...

Napahampas ako sa noo ko ng mabasa ko kung kung sino ang tumatawag.


Panigurado alalang-alala na 'yun sa akin dahil kagabi pa ako nawala. How
can I be so stupid at hindi ko siya tinawagan kagabi. Masyado kong na-
preoccupied kay Cloud na hindi ko man lang naisip ang consequence ng
pagsama ko sa kanya kagabi. Sigurado alam na din nila Titamoms na
nawawala ako. Knowing Thunder protectiveness over me. Hindi na din ako
magtataka kung may mga pulis na sa bahay pagdating ko.
"Hello.." Kinakabahan kong sinagot ang tawag ni Thunder.

"Kuya--- What the! Skyleigh!" Saglit kong nailayo ang cellphone sa tenga
ko sa sobrang lakas ng sigaw niya.

"Thundz.." bago pa ako makapagsalita narinig ko ang pagmumura niya sa


kabilang linya. Narinig ko din ang mga boses nila Titamoms sa background.

"Young man! Watch your mouth."

"Your Dad is right thunder walang magagawa ang init ng ulo mo so please
calm down."

"You're calling your brother right Thunder? Then why are you talking to
my niece? Does that mean they are together for the whole night?! I can't
believe this!"

Napakagat ako sa labi ng marinig ko ang usapan nila. They are in a


complete chaos because of me. And I can't help but to feel guilty.

"Skyleigh nasaan kayo ni Cloud? Pupuntahan namin kayo." Malamig ang boses
na saad ni Thunder.

"N-nasa Mo-monteciara H-hotel." Nanginginig ang boses kong saad sa kanya.


Nakarinig ako ng tila pagsuntok sa pader. Bago pa ako muling
makapagsalita binabaan niya na ako.

Kalahating oras na akong hindi mapakali dito sa sala. Hindi na nga ako
nakapagprepare ng breakfast at umorder na lang sa restaurant dahil sa
kaba ko sa maaaring mangyari mamaya pag dumating sila Thunder. Sinilip ko
si Cloud at tulog pa din siya, ayoko naman siyang gisingin dahil
natatakot din ako sa magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang papunta
dito sila TitaMoms. Nararamdaman kong mas lalo ng tumataas ang lagnat ko
pero binalewala ko ito. Ninenerbyos ako sa reaksyon nila sa makikita
nilang ayos namin ni Cloud. Parehas kaming mga nakaroba lang dahil sa
nabasa nga ang damit namin kahapon. At hindi malabong isipin nila na may
nangyari sa amin.
Napalingon ako sa pinto ng kwarto ng marinig kong bumukas ito. Napatayo
ako ng makita kong pupungas pungas na lumabas dito si Cloud.

"Morning..." Nginitian ko siya ng alanganin ng batiin niya ako.

"G-good morning.Nakapagorder na ko ng food.L-lets have breakfast." Uutal-


utal kong nasabi sa kanya.Buti na lang hindi niya ito pinansin at
dumiretso na siya sa table.

Nanginginig ang kamay kong dinampot ang kutsara at nag-umpisa na ding


kumain kahit wala naman akong malasahan sa sinusubo ko. I don't know if
it's because of my fever or I'm just too nervous. Damn, in just a minute
dadating na sila at hindi ko pa din nasasabi kay Cloud.

"Hey you're shaking what's the matter? May problema ba? May nagawa ba ako
kagabi? I was too drunk and I completely forgot what happened last
night." 

Dapat ba kong matuwa na wala siyang naaalala sa nangyari kagabi.

"Wala, nalasing ka lang iyon lang yun. Wala kang ginawa." Nagpanggap
akong naka-focus sa plato ko para hindi ko na kailangan pang tumingin sa
mga mata niya.

"Well, that's good to hear. And about what happened with Charlotte and I.
I hope hindi mo ito sasabihin kanila Thunder." Sasagot pa sana ako when
we got interrupted by a loud knock at the door. Tatayo na sana siya ng
inunahan ko siya.

Nanginginig ang mga tuhod ko ng hawakan ko ang doorknob.

Narinig ko ang pagsinghap nila Mama Rain sa nakitang ayos ko.


"Skyleigh you better-" Hindi na natapos ni TitaMoms ang sasabihin niya
gawa ni Thunder na galit na galit na kinuwelyuhan si Cloud na sumunod
pala sa akin at sinuntok niya ito ng malakas.

Napahawak ako sa bibig ko at napaiyak na lang. Bumagsak si Cloud at


nakita ko ang mapang-akusa niyang tingin sa akin.

Oh God hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Cloud pero please
lang huwag naman sana niyang isipin na plinano ko ito.

TBC

=================

AWS CHAPTER 9

Chapter 9

"Thunder Hendrex enough!" Muli sanang susuntukin ni Thunder si Cloud ng


hawakan ni Papa Winter ang kamao nito.

"Walang maidudulot na maganda kung sasaktan mo ang kapatid mo Thunder,


pag-usapan natin ito ng maayos."

"Walang dapat pag-usapan Ma. Hindi ko alam kung bakit ganyan mag-react
ang anak niyo. Wala akong ginawang masama kay Skyleigh kung yan ang
iniisip niyo." Walang emosyong saad ni Cloud.

"And you expect us to believe that?!" Asik ni Thunder sa kapatid.

"Then tell me ano ba ang sinabi sa inyo ng babaeng yan at kung maka-asta
ka akala mo pinagsamantalahan ko ang best friend mo? Well I have a news
for all of you. Kusang sumama sa akin yang si Sky, so stop accusing me of
something I didn't do and won't ever do." Tumalikod na si Cloud at
dumiretso sa kwarto.
Hahabulin ko pa sana siya para magpaliwanag ng may mga kamay na pumigil
sa akin.

"Totoo ba na kusa kang sumama sa kanya?" Masama ang tingin na tanong sa


akin ni Thunder.

"Oo kaya please Thundz, bitawan mo ko kakausapin ko lang si Cloud."


Nanghihina kong saad.

"Skyleigh! Hindi kita pinalaking ganito! Paano mo nagawang sumama at


magpalipas ng gabi sa isang hotel room kasama ang isang lalaki?! At amng
malala ay si Cloud pa, hindi mo man lang naisip na may girlfriend na yung
tao." Galit na sabi ni TitaMoms.

Girlfriend?

No TitaMoms wala na sila...Kaya ko nga siya sinamahan kagabi dahil iniwan


siya ni Charlotte...

Gusto kong sabihin yan kanila TitaMoms pero hindi ko magawang sabihin
dahil alam kong mas lalong magagalit sa akin si Cloud.

"I'm outta here." Napatingin ako kay Cloud na papalabas na ng pinto.


Nakita ko pa ang masamang tingin sa kanya ni Thunder na hanggang ngayon
ay nakahawak pa din sa kamay ko.

"No young man, you'll stay here at sabay niyong ipapaliwanag ni Skyleigh
kung bakit magkasama kayo mula kagabi."

"Your Dad is right Cloud."


"I said-" Naputol ang sasabihin ni Cloud ng umalingawngaw ang tunog ng
cellphone ni Papa Winter.

"Hello call me later-WHAT?" Nagmamadaling lumapit sa sofa si Papa at di


magkandatutong binuksan ang telebisyon.

Nagulat ako sa bumungad na balita walang iba kundi ako at si Cloud..

'Who's this lucky girl na mukhang inaalok ng kasal ng ating young CEO of
Monteciara Entertainment Company..What a lovely proposal right? A
proposal under the rain?..Well the next picture says it's a yes, I
guess..'

Eto yung scene na nilapitan ko si Cloud na nakaluhod siya at parang


inaalok ako ng kasal. And the next picture is- us entering the Hotel.
Sinong kumuha ng mga litrato? Oh my gosh ano ba to bakit sunod sunod na
ang nagiging problema ko. Napatingin ako kay Cloud and frustration is
written all over his face. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ko ang
pagkahilo.

"You really have a lot of explaining to do Skyleigh and Cloud."

Huli kong narinig ang boses ni Papa bago nagdilim ang lahat.

Cloud POV

"Skyleigh!!" I was preoccupied with my thought when I heard a scream.


Paglingon ko nakita ko sila na natatarantang lumapit kay Sky na nawalan
ng malay. Lalapit na sana ako ng tinignan ako ng masama ng kapatid ko.
Hindi ko ito pinansin at pinagmasdan si Skyleigh. Putlang-putla siya at
pawis na pawis.

"Oh gahd inaapoy ng lagnat si Sky, let's bring her to the hospital"
Tarantang sabi ni Tita.Binuhat siya ni Thunder at dali-dali silang
umalis. Napatakbo na din ako.Paglabas namin ng hotel bumungad sa amin ang
mga reporters.
"Kailan po ang kasal?"

"Matagal na po ba ang relasyon niyo?"

"Anong nangyari sa kanya?"

"Bakit ang kapatid niyo ang may buhat sa kanya?"

Gustong gusto ko na silang sigawan pero kinalma ko ang sarili ko. Galit
ako kay Skyleigh dahil pakiramdam ko plinano niya ang lahat ng ito. Pero
hindi ko din maiwasang mag-aalala sa kanya.

HOSPITAL

"Wala na kayong dapat ipag-aalala sa kanya although mataas pa din ang


lagnat niya stable na ang kondisyon niya." Napahinga ko ng malalim sa
sinabi ng doctor.

I've known Skyleigh for a long time, hindi man kami close still
itinuturing ko siyang parang kapatid ko na. Kaya nga nagulat ako ng
ipagtapat niya ang feelings niya for me last night. Naisip ko din na
siguro kung hindi ko siya sinama kagabi hindi mangyayari ito. Pero hindi
ko pa din matanggap na sinabi niya kanila Thunder kung nasaan kami. Hindi
siya tanga para hindi malaman kung anong pwedeng isipin nila kung
malalamang magkasama kami buong magdamag. So I assume na plinano niya
ito.

Kung iniisip mo na mapupunta ako sa'yo dahil lang sa nalaman nila na


magkasama tayo mula kagabi then I'm sorry to say this pero hindi
Sky ..You can't have me 'cause I already belong to someone else and that
is Charlotte..
Nakapagdecide na ako. I'll talk to Charlotte gagawin ko ang lahat para
magkabalikan kami. But! Fuck that pictures. Sigurado nakita niya na yun.
I need to call her.

"So tell us cloud what really happened, san nanggaling ang mga pictures
na 'yun?" I was about to grab my phone when I got interrupted by Dad's
question.

Tinignan ko silang lahat. Thunder is busy looking at Skyleigh na hanggang


ngayon ay tulog pa din. Habang sila Papa naman ay inaantay ang isasagot
ko sa kanila.

"I proposed to her."

"WHAT? YOU PROPOSED TO SKYLEIGH?" Natawa ako sa reaksyon ni Thunder. I


knew it , Best friend my ass. He loves her.

"Easy dude not with Skyleigh, of course it's Charlotte." Nakangisi kong


saad sa kanya.

"Then why the hell you are together with Sky at that damn hotel room?"

"Watch your mouth Thunder." Wala na sana akong balak pang ikwento ang
pagreject sa akin ni Charlotte but if it's the only way para matigil na
sila sa pag-iisip ng di maganda. I might as well spill it.

"Charlotte rejected me. Iniwan niya ako nanatili akong nakaluhod ng


lapitan ako ni Sky. Nabasa kami ng ulan at sumama sa akin si Sky, I guess
it's her way of comforting me. I had no other choice but to went to the
hotel dahil mas malapit ito kaysa sa condo ko. Ayoko ding umuwi sa atin
dahil sa ayoko na kayong istorbohin pa. Nalasing ako but walang nangyari
sa amin yun lang ang masasabi ko." Mahaba kong saad, hindi ko na inantay
na magtanong pa sila sa akin at lumabas na ako ng kwarto.

Ayokong makita sa mga mukha nila ang awa dahil sa iniwan ako ng
girlfriend ko.
Ring.Ring.Ring..

I was trying to call Charlotte pero hindi niya sinasagot ang tawag
ko.Ibaba ko na sana ito ng..

"Hello."

Fuck. Lalaki ang sumagot at kung hindi ako nagkakamali...

"Hi there Monteciara .. ganda ng pictures niyo ng girlfriend mo ah ooops


my bad, fiancée na pala."

"Lance sino ba ang kausap mo dyan? Halika na dito tapos na ko mag-


shower."

Charlotte?Bakit ganito mo ko kabilis nagawang ipagpalit? At sa dami ng


lalaki siya pa, ang lalaking walang ginawa kung hindi saktan ka.

"Oh babye na Monteciara best wishes, tinatawag na ako ng girlfriend ko


eh."

I guess this is the last shot. Ayoko na , I'm done with you.. I'm a
Monteciara at walang may karapatan saktan ako not even you.

"Bro.." Palihim kong pinunasan ang luha ko na 'di ko namalayang pumatak


na pala.

"What?"
"Sorry kung nasapak kita kanina and about you and Char- "

"It's okay wag mo ng isipin yun." Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya


dahil ayoko na munang pag-usapan si Charlotte. Tinapik ko siya sa balikat
at akma na sanang magpapaalam kanila Mama ng lumabas si Papa at hinarap
ako ng seryoso.

"We need to go the company Cloud. Nagkaron ng emergency board meeting."I


have this feeling na hindi ko magugustuhan ang kahahantungan ng board
meeting na ito. And so, my instinct is right 'cause whether I like it or
not I need to marry her ..

Skyleigh,or else mawawala lahat ng pinaghirapan ko.

TBC

=================

AWS CHAPTER 10

Chapter 10

"May tatlong bear sa loob ng isang bahay, Si Mama bear, Si Papa bear, at
Si Baby bear...."

Tuwang tuwa akong pinapanood ni Mommy at pumapalakpak pa..

"Ang galing galing talaga ng baby namin, 'diba hon?"

"Y-yes hon.. Hon! Yakapin mo ng maigi si Skyleigh sira ang break ng


kotse!" Napatingin ako kay daddy nagtataka kung bakit siya parang
natatakot may problema ba?

"What's happening mommy?" Umiiyak ko ng saad natatakot ako. Dad is


screaming while mom is hugging me tightly..
"Always remember na mahal na mahal ka namin Skyleigh," and then the next
thing happen unexpectedly...

*Loud Crash*

"Aaaaaaaaaaaaah!"

-*-

"Skyleigh wake up! it's just a dream." Nagising akong may tumatapik sa
mukha ko. Pagtingin ko nag-aalalang mukha ni Thunder ang sumalubong sa
akin.

"What happened? Napanaginipan mo na naman ba sila?" Pagkatapos inabutan


niya ako ng tubig. Inisang lagok ko to sa sobrang uhaw na nararamdaman
ko.

"Hmmm.." Nakayuko kong sagot.

"Don't think about it, matulog ka na lang ulit nilalagnat ka pa."

"Nasaan nga pala ako?" Luminga linga ako sa paligid ko. Napatingin din
ako sa kamay kong may nakakabit na dextrose. Malungkot akong napangiti. I
hate hospital. It reminds me of what happened back when I was a child.

"Alam kong ayaw mo sa ospital but still alam mo naman si Tita nag-alala
ng makita kang nahimatay. Don't worry di ka naman magtatagal
dito.Tomorrow ididischarge ka na at sa bahay ka na magpapahinga."
Pagpapaliwanag sa akin ni Thunder.Tumango na lang ako at inilibot ang
paningin.
"Nasaan sila?"

Nasaan si Cloud?

"Kumuha si Mama at Tita ng gamit mo, sila Dad at Kuya naman nagpunta ng
company." Anito.

"Galit pa din ba kayo sa akin?" Nakatungo kong saad.

"Silly, hindi naman kami nagalit nadisappoint maybe but don't you ever
think that we're mad at you. At isa pa kinuwento na ni Cloud kung anong
nangyari." Napaangat ako ng ulo sa sinabi niya.

"He told everything that happened last night?" Namimilog ang mata kong
saad.

"Yeah, naguilty nga ako at nasuntok ko pa siya yun pala may pinagdadaanan
pala siya."

"Sinabi niya na hiwalay na sila ni Charlotte?"

"Yeah, pati na rin kung paano siya iwanan nito ng magpropose siya"

Namula ako ng may maalala ako.

"S-sinabi niya rin ba na n-nag c-con-" Hindi ko maituloy tuloy ang


sasabihin ko at para kong tanga na napapa-kutkot pa sa daliri ko.

"Wait... don't tell me nagconfess ka kay kuya?!" Malakas na sigaw ni


Thunder at kahit nanghihina ako binatukan ko siya dahil sa mala-megaphone
niyang sigaw.
"What the? Ha- haha finally nagkacourage ka na to tell Cloud what you
really feel but I don't really like the idea of you comforting him last
night.You're really a masochist Sky." Napatahimik ako sa sinabi ni
Thunder. He's right, I am a masochist. A masochist when it comes to
loving Cloud. Tinignan ko si Thunder at napansin ko ang malungkot niyang
mukha.

"Thundz... may problema ba?" Tumingin naman siya sa akin at sa isang


iglap naglaho ang malungkot niyang ngiti at napalitan ng isang masayang
ngiti.

"Tss wala no, you're overthinking... and don't worry hindi naman sinabi
ni Cloud na nagconfess ka sa kanya so wala pa ding alam sila Tita.
Wait,alam ko nagugutom ka na I'll just buy some porridge para makakain
ka." Hindi niya na ako hinintay at nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Sometimes iniisip ko kahit gaano ko na katagal kakilala si Thunder


pakiramdam ko may mga bagay pa din siyang hindi sinasabi sa akin.

Hindi ko nahintay si Thunder at namalayan ko na lang iginupo na ako ng


antok.

****

"No hindi ako papayag..Hindi pwede mangyari ang gusto niyo Dad!"

"Hindi ikaw ang magdedesisyon niyan kung hindi si Skyleigh"

"At kilala niyo siya Ma, Skyleigh is a selfless person na kahit mahirapan
siya as long as makakatulong siya gagawin niya pa din."

"Hindi ko siya pipilitin kung ayaw niyang magpakasal sa akin Thunder so


stop acting like a child throwing tantrums at us."
"Huh?! Sino kaya sa atin ang bata? Hindi mo ba kayang lusutan ang
problema mo ng mag-isa? In the first place kung hindi mo sinama si Sky
kagabi hindi siya madadawit sa magulo mong mundo!"

"Enough! tigilan niyo na ito antayin na lang natin na magising ang


pamangkin ko."

Nagising ako sa ingay na naririnig ko... wait tama ba ako ng dinig?

Kasal? Ako? Kay Cloud?

Naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng puso ko. Bakit hindi e pagmulat


pa lang ng mata ko mukha ng lalaking mahal ko ang bumungad sa akin.

"Gising ka na pala,can we talk?" Nanibago ko sa boses ni Cloud. Para


itong nakikiusap na never niyang ginamit sa akin.

"No! wala kayong pag-uusapan! So mabuti pa umalis ka na Cloud." Napunta


ang atensyon ko kay Thunder na pulang-pula at halata ang galit sa mukha.

"Pwede niyo ba munang iwanan kami ni Sky?" 

Hindi pinansin ni Cloud ang pagsigaw ni Thunder.Tumango naman sila


TitaMoms at lumabas na ng kwarto. Ayaw pa sanang umalis ni Thunder pero
hinila na siya ni Papa.

Mahabang katahimikan ang namayani ng lumabas sila ng kwarto.

Tinignan ko si Cloud na nakaupo sa sofa. Halatang problemado siya base na


rin sa itsura niyang hindi mapalagay.
"What's the matter Cloud? Ano bang ikinagagalit ni Thundz?" Napaangat
siya mula sa pagkakayuko ng marinig niya ang sinabi ko.

"I need you to marry me Sky." Diretso niyang saad sa akin. Napaupo ako
dahil sa narinig ko. Hindi ba ako nabibingi inaalok niya ako ng kasal.

Need ang sabi niya Sky hindi want magkaiba yun..

Agad naglaho ang pinipigil kong ngiti.

"Bakit? Nasabi mo na naman diba na walang namagitan sa atin? Why do we


need to get married?" Naguguluhan kong sabi.

"Why? ayaw mo ba kong pakasalan?" Nakalapit na pala siya sa akin ng di ko


namamalayan.

"It's not that ayaw kitang pakasalan, it's just that marriage is a
lifetime commitment Cloud!"

"Not in our case Sky." Nagulat ako sa sinabi niya.

"What do you mean?" Puno ng pagtataka kong tanong sa kanya.

"We just need to get married for one year and after that malaya na tayo."

"What made you think na papayag ako?"

"Dahil mahal mo ako." Walang patumanggang saad niya sa akin.


"You're ridiculous Cloud Rendrex, kung kailangan mo ng papakasalan si
Charlotte ang puntahan mo hindi ako."

"May iba na siya." Akma sana akong mahihiga ng marinig ko ang sinabi
niya.

"Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na kinukwestiyon ng board ang


pagiging CEO ko dahil bukod sa bata pa ako, wala pa akong asawa at
nanatiling bachelor na siyang hindi nila kailanman ginusto pero wala
silang nagawa dahil na din sa malaking stock namin. But that pictures of
us ruined everything. Nakasilip sila ng butas para mapaalis ako sa pwesto
ko. Now, it's the deal kung hindi totoong papakasalan kita masisira ang
moral value ng kompanya dahil sa hotel pictures natin at kung papakasalan
kita mananatili ako sa posisyon ko bilang CEO ng kompanya. And you know
how important that position to me. I can't just let someone have it."
Pagpapaliwanag ni Cloud sa akin.

So that's the reason... but wait nasabi niyang may iba na si


Charlotte..So kung hindi ko siya papakasalan brokenhearted na nga siya
mawawala pa ang posisyon na pinaghirapan niya?

Tinignan ko siya at mababakas ang paghihirap sa mukha niya.

"Mahal mo pa ba siya?"

Tinignan niya ako ng masama dahil sa tanong ko.

"Can't we fucking stop talking about her?!  At oo mahal ko pa siya..


Hindi ganoon kabilis mawawala ang pagmamahal..Of all people you should
know better."

Tama si Cloud alam ko dapat na hindi basta-basta naglalaho ang pagmamahal


sa isang tao masaktan ka man nito. Katulad ko, hindi ko na maalala kung
ilang beses kong sinubukan ang kalimutan siya pero wala nanatili pa din
ang pag-ibig ko para sa kanya.

"Gagamitin mo ako ganun ba?" Diretso kong tanong sa kanya.


"Magpapagamit ka ba?" Balik-tanong niya sa akin.

Magpapagamit nga ba ako? I guess..

"Yes. I'm willing to kahit na alam kong sa larong ito ako ang
talo...Gagawin ko Cloud, if its the only way para mapakita ko sa'yo kung
gaano kita kamahal na willing akong i-sacrifice kahit ano para
sa'yo...Then I will marry you with no doubts."

"Then it's a deal let's get married. But remember this Sky, one year iyon
lang tayo wala ng iba pa. I hope hindi mo makalimutan yun. And lastly
walang alam sila Mama na isang taon lang tayong magsasama, sana sa atin
lang itong dalawa..." Pagkatapos sabihin yun umalis na siya marahil para
ibalita sa kanila ang naging desisyon namin.

Wala kong pakialam kung isang taon lang Cloud.. But at least it will give
me a chance to make you feel the love that I've cherished for you all
these years. I'll try Cloud..I'll try to make you fall in love with me..
I just hope that I will succeed..

TBC

=================

AWS CHAPTER 11

Chapter 11

8 years later.

"So what happen next? Pagkatapos ng kasal nila Ma'am? Naghoneymoon po ba


sila?" Natawa ako sa sunod-sunod na tanong ng isa sa umattend ng workshop
ko on how to be an effective author.

8 years gone so fast but still walang nabago sa propesyon ko..I'm still a
writer.
"They broke up and that's the end of the story." Nakangiti kong sabi.

"Hala! Ang sad naman.. nagbreak po ba sila after one year?"

Tumawa ako. "Hindi." 

"So nagtagal din sila Langit at Ulap ganun ba Maam?"  

"Hindi din." Nagsibagsakan ang balikat nila dahil sa sinabi ko.

"Ano ba naman yan ang gulo."

"Oo nga hindi sila naghiwalay after one year tapos di din sila nagtagal."

"They broke up after six months." Natahimik sila sa sinabi ko.

"Hala! bakit po sila naghiwalay match in heaven pa naman yung pangalan


nila."

"Loka ka Divine, baka nga screen name lang yung pangalan nila eh pero
sino kaya sa kanila ng nakipaghiwalay?"

"Sigurado Feanna, si Ulap yun."

"Wag ka nga Maricel panigurado si Langit yun."

"Tigilan niyo na nga yung pagtatalo para matigil na kayo. Si Langit ang
nakipaghiwalay."Pag-aawat ko sa mga sinasabi nila.
"Hala! bakit po? napagod na po siya na mahalin si Ulap?" 

Lahat sila nakaabang sa sagot ko.

"Lagi niyong tatandaan hindi napapagod ang puso natin magmahal dumadating
lang talaga sa puntong kailangan nating bumitaw hindi dahil sa pagod ka
na kung hindi dahil sa nagising ka na sa katotohanang may mga taong kahit
gaano mo pa ipakita na mahal mo sila kung iba ang magpapasaya sa kanila
dapat mo na silang bitawan at kalimutan." 

Natahimik ang lahat sa sinabi ko kaya naman ngumiti na ako bago pa sila
magtanong.

"So much for that.. sa next meeting natin gusto kong magpasa kayo sa akin
ng short story okay? Goodbye guys, see you on Tuesday." Madaming nagsi-
angalan sa pagpapaalam ko sa kanila. Kanya-kanyang reklamo kung may
kadugtong pa ba yung kwento ko. Tumatawa na lang akong umalis at 'di na
pinansin ang tawag nila sa akin.

"Tsk Leigh, kinuwento mo na naman ang masalimuot na love story ni Langit


at Ulap no kaya ganun ang mga mukha ng mga tinuturuan mo?" 

Leigh, Iyon na ang tawag sa akin ng lahat.. yun ang isa sa pagbabago na
naganap sa buhay ko.

"Anong magagawa ko kung kinulit nila ako kung may alam akong kwento na
totoo talaga bukod sa mga sinusulat ko e yun lang naman ang alam kong
kwento e. Di nga lang happy ending." Mapait akong napangiti sa huli kong
sinabi. Paanong hindi ko malalaman ang kwento na iyon kung ako mismo ang
bida dito.

Tama, si Langit ay ako at si Ulap ay si Cloud.

Cloud..It's been eight years I wonder kung kumusta na siya..I guess


masaya na siya ngayon kapiling ng babaeng pinili niya.
"Sabi sa palabas na Para sa Hopeless Romantic kung hindi pa happy hindi
pa ending." Nangangarap na sabi sa akin ng co-writer at kaibigan ko na si
Yura. Limang taon na din kaming magkasama sa trabaho kaya naging
magkaibigan din kami. Nakwento ko na nga lahat sa kanya including him.
Alam niya na ako si Langit at si Ulap ay si Cloud ang asawa ko. Wait ex-
husband to be exact.

"Kalokohan lang yang sinasabi mo, been there done that at sa huli
nasaktan pa rin ako. Dahil umasa ako sa happy ending na iyan." Saad ko. 

"Heto napaka-bitter palibhasa ikaw talaga si La-hmmmp" Tinakpan ko ang


bibig niya dahil napansin kong kasunod pala namin ang mga tinuturuan ko
kanina na halatang nakikinig sa usapan namin. Nilingon ko sila at
sinensyasan na umuna na silang maglakad. Kakamot-kamot sa ulong iniwanan
nila kami. Doon ko lang binitawan ang mahaderang bunganga ni Yura.

"Haaa akala ko di na ako makakahinga kaloka ka talaga Leigh." Hinihingal


na sabi niya sa akin.

"Ikaw kasi e, napakaingay mo alam mo ng nasa likod natin sila yang


bunganga mo wala pa ding preno."

"Aba, pasensya naman na carried away lang. Anyway back to the topic, sa
tingin mo ba wala ng book 2 yang kwento ni Langit at Ulap?" Tumataas pa
ang kilay na tanong sa akin ng babaitang ito.

"Wala! ending na yun. Close book na, period! Wala ng book 2 o kahit
sequel pa!" Pagtatapos ko sa usapan namin. 

"Last na tanong na, Mahal pa din ba ni Langit si Ulap?" Napatigil ako sa


tinanong niya sa akin.

"Mahal? Hindi na, kinalimutan na ni Langit lahat. Naka move on na siya at


kahit paano nagpasalamat sa naiwang mga regalo sa kanya ni
Ulap." Makahulugan akong ngumiti sa kanya at iniwan siyang hindi mawari
ang ekspresyon sa mukha.

Mahal? I don't think so... isa na lang bahagi ng nakaraan ko ... Maayos
na ako ngayon, tahimik, at masaya ..Tapos na ang kabanata ng buhay ko
kasama siya at sana hindi na muling magtagpo ang landas naming dalawa...

*****

"Manong para po diyan na lang sa may kanto." Marami ang napapatingin sa


akin ng bumaba ako sa jeep na sinakyan ko. Marahil nagtataka kung anong
ginagawa ng isang tulad ko na wala sa itsura ang sasakay sa isang
pampublikong sasakyan.\

Marami na ang nagbago sa buhay ko makalipas ang walong taon, isa na diyan
ang estado ko sa buhay. Tanging pagsusulat na lang ang kinabubuhay ko at
isang maliit na tindahan sa bahay na inuupahan namin. Hindi na ako
mayaman, walong taon makaraang mamatay ang Titamoms ko nagbago ang takbo
ng buhay ko. Tama, wala na ang Titamoms iginupo siya ng sakit na cancer
kasabay nito ang unti-unting pagbagsak ng negosyong pinaghirapan ng
magulang ko. 

Pero hindi ako nag-iisa dahil sa mga-

"Mommmmmmmmyyyyy!" sabay na tumakbo ang mga anghel ko sa akin ng makita


nilang papasok ako sa bahay namin.

Sila ang mga regalong naibigay sa akin ni Cloud ng hindi niya man lang
nalaman. Sila ang pinakaiingatan kong sekreto na hindi dapat malaman ng
huli. Ang mga anghel na nagbibigay liwanag at nagpapasaya sa buhay ko.

"Mommy you are so tagal, I have so many things to make kwento pa naman to
you." 
Leighrah Claudine Vergara.Ang little version ko para lang akong nanalamin
nung bata pa ako. Nakuha niya ang mga mata ko, labi at ang alon-alon kong
buhok. Marami ang natutuwa sa kanya dahil sa angking kakulitan nito.

"Stop it Claudine why are you talking like that? If you're going to talk
in tagalog then be it tagalog, it irritates my ears whenever you're
talking like a --" Humawak pa ang kakambal nito sa sentido na tila
iniisip kung anong salita ang akma niyang sasabihin. "Conyo."
nakasimangot na sabi ni Leighton Klode Vergara.

Malaki ang pagkakaiba nilang dalawa, kung ang babae kong anak ay parang
kumain ng napakadaming chocolate dahil sa sobrang hyper, si Klode naman
ang seryoso sa kanilang dalawa, tahimik at walang ginawa kundi mag-aral.
Kung si Claudine kamukhang kamukha ko, si Klode naman ay nagmana sa ama
niya.Para silang pinagbiyak na bunga, kuhang kuha niya ang singkit na
mata, matangos na ilong, labi pati ang medyo itim na itim na buhok nakuha
ni Klode. Pati nga pag-uugali at talino kay Cloud niya namana.

"Klode anong sabi ko?" Yumuko ako at nananaway na hinarap si Klode.

"Don't fight with my sister." Anito makaraan ay nilingon ang kakambal.


"I'm sorry Claudine." Nakanguso niyang sabi sa huli.

"It's nothing Klode and I'm sorry for talking like a conyo, I just can't
help it." Pagkatapos hinalikan niya naman sa pisngi si Klode. Natawa ako
ng sumimangot ang huli ayaw niya talagang hinahalikan siya ng kapatid
niya. Gross daw dahil malaway kung humalik si Claudine.

"Aish I told you don't kiss me like that Claudi." 

Tumakbo ito papasok ng bahay.

"Baby sundan mo na si Klode, I'll just change my clothes bababa na din


ako." Nakangiti kong sabi sa kanya.Tumatakbo naman itong sinundan ang
kakambal niya.
"Ay ate nandyan ka na po pala..Magprepare na po ako ng
meryenda." Makangiting sabi sa akin ng kasambahay naming na si Kleng.
Tatlong taon na namin siyang kasambahay, ng mapagpasyahan ko kasi na
magtayo ng maliit na tindahan naisip ko na kailangan ko ng makakatulong
sa pagtitinda at pag-aalaga ng kambal. Mabait naman ito at
mapagkakatiwalaan, ipinakilala siya sa akin ni Yura na pamangkin pala ng
kasambahay nila.

"Sige tapos dalhin mo na sa kambal susunod na ako.Makulit ba sila


ngayon?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Hindi naman ate,mabait naman po sila pagkagaling sa school nanood lang


ng cartoons si Claudi tapos si Klode po nag-aral naman." Sabi niya sa
akin habang pinagbebentahan ang bumibili. Maliit man ang tindahan namin,
malaki din ang kita kahit papaano kaya hindi naman ako kinakapos sa pera.
Pero hangga't maaari nagtititpid ako dahil hindi din naman ganun kalaki
ang kinikita ko sa pagsusulat. Sa pagpapaaral naman sa kambal, maliit
lang din ang nagagastos ko dahil sa parehong scholar ang dalawa,
nagpapasalamat na lang ako at biniyayaan ng angking talino ang dalawa.
Marahil namana nila sa kanilang ama.

"Mabuti naman kung ganon, pagkatapos mo diyan bigyan mo na lang ng


meryenda ang kambal at ako na muna ang magbabantay ng tindahan ganun na
din sa kambal magpahinga ka muna."

"Salamat po ate."

Dumiretso ko sa kwarto ko at binuksan ang cabinet ko para kumuha ng


pampalit ng may mahulog na larawan ...

My wedding picture...

Kitang kitang ang saya sa mukha ko habang ang katabi ko walang kaemo-
emosyon at ni hindi man lang  nakuhang ngumiti na si Cloud sa harap ng
camera.

Hindi siya nakangiti at halatang napipilitan lang siya na ikasal sa akin,


larawan na mismo ang nagsabi ng nararamdaman niya ng araw ng kasal
namin...
Mapait akong ngumiti at hindi naiwasang magbalik-tanaw sa naganap walong
taon ang nakakaraan...

TBC

A/N:Wag kayong maguluhan inintroduce ko lang present nila Leigh kasama ng


mga chikiting niya.Nasa second half na kasi tayo ng story..Sa mga susunod
na chapter puro flashback.. KTHNXBYE :)

=================

AWS CHAPTER 12

Chapter 12

"OMG, you are so beautiful Ms.Skyleigh," Napangiti ako sa sinabi ng make-


up artist na siyang nag-ayos sa akin ngayong araw ng kasal ko.

You read it right, it's my wedding day ang bilis ng oras, hindi ko
namalayang isang buwan na ang lumipas simula ng nag-propose sa akin si
Cloud.

Kung proposal nga bang matatawag yun Skyleigh..

"Hala, Ms.Skyleigh bawal ang malungkot sa araw na ito, sayang naman ang
kagandahan mo." Pinilit kong ngumiti at pinagmasdan ang sarili ko sa
salamin.Totoo nga ang sinabi nila, napakaganda ko ngayong araw na ito.
Napahawak ako sa suot kong wedding gown at napangiti ng makita ang
kagandahan at kaelegantehan nito.

"Winner talaga yang wedding gown niyo Ma'am, vintage ang peg." Natawa ako
sa sinabi ng isa sa baklang nag-aayos sa akin.

"Oo nga Maam, saang baul niyo nahila iyan? Pero in fairness napakaganda,
bagay na bagay sa inyo." Bakas ang pagkamangha sa kanilang mukha at hindi
ko maiwasang pamulahan ng mukha.
"It's the wedding gown that my mother wore, during her wedding day almost
two decades ago." Napanganga sila sa sinabi ko. Bihira na lang kasi ang
nakakapagpreserve ng mga vintage wedding gown. In my case, itinabi pala
ito ni Titamoms at inalagaang mabuti dahil ayon sa kanya pangarap ni
Mommy na makita niyang suot ko ito. Sayang nga lang at wala na sila
ngayon ni Daddy para masaksihan ang kasal ko.

"Ang taray naman, ang tanda na pala ng wedding gown na yan." Tinawanan ko


na lang siya sa sinabi niya. Nagpaalam na rin sila sa akin ng dumating
sila TitaMoms at Mama Rain.

"Such a lovely bride you are Skyleigh, napakaswerte ni Cloud sa iyo. At


last natupad na din ang pangarap ko na maging official kang miyembro ng
Monteciara." Saad nito na tuwang-tuwa kaya naman niyakap ko siya at
nagpasalamat.

I hope parehas kayo ng iniisip Mama, pero aasa pa ba ako?

"Hay, parang noon lang napakaliit mo pa at wala kang ibang alam gawin
kung hindi maglaro, I really can't believe na ikakasal na ang baby ko at
magkakahiwalay na tayo." Maluha-luhang saad ni TitaMoms sa akin. Niyakap
ko siya at pinigilan na tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. Alam ko
naman na nalulungkot din si TitaMoms na hindi na kami magkakasama eh.

"TitaMoms talaga, baby niyo pa din naman ako e atsaka papayag naman
siguro si Cloud kung titira ka kasama namin di ba Mama?"

"Ikaw talagang bata ka, magtigil ka nga mag-aasawa ka na at wala akong


planong makigulo sa buhay may-bahay mo. Basta yung mga itinuro ko sayo
huwag mong kakalimutan."

"Don't worry Sky, akong bahala sa Tita mo araw-araw kaming magbobonding


ang dapat mo na lang isipin ay ang magiging asawa mo." Pinamulahan ako sa
sinabi ni Mama.

 Asawa.
Magiging asawa ko na si Cloud.

*****

"I'm so nervous TitaMoms, natatakot ako what if madapa ako or worse-"

"Calm down hija, everything will be fine." Hinawakan pa nito ang kamay at
marahan itong pinisil.

"W-wala po ba si Thundz, TitaMoms?" Hindi na siya nakasagot sa akin ng


marinig namin ang mahihinang katok sa bintana ng kotse hudyat na
magsisimula na ang kasal ko.

Naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko at kung hindi nga lamang ako


naka-abrisete kay TitaMoms malamang kahalikan ko na ang lupang
kinatatayuan ko. Saglit kong ipinikit ang aking mga mata at huminga ako
ng malalim. Dahan-dahang bumukas ang pintuan at tumingin silang lahat sa
akin at kahit kinakabahan nakita ko naman ang paghanga sa kanilang mga
mata.

Kinakabahan talaga ako pero noong makita ko sila nilakasan ko ang loob ko
at ngumiti.

Sila means ang mapapangasawa ko na napakagwapo sa ayos niya ngayon kahit


na walang ngiting mababakas sa mukha niya at ang best friend kong hindi
ko inaasahan na pupunta sa espesyal na araw ng buhay ko. Nang malaman
niya kasi na pumayag ako sa kasal na inialok ni Cloud hindi niya na ako
pinansin pa at pilit na iniwasan. I'm just glad na umattend pa rin siya
bilang best man ng kasal ko.

Napabalik ako sa realidad at nag-umpisang maglakad ng dahan-dahan habang


tumutugtog ang wedding song namin ni Cloud na ako mismo ang pumili.

|PLAY IKAW BY FAITH CUNETA|


"Dinggin mo itong tibok ng puso ko umaawit sa iyo."

I still can't believe na natutupad na ang isa sa mga pangarap ko at yun


ay ang ikasal sa lalaking pinakamamahal ko.

"Damhin mo ang pintig bawat himig ay para sa'yo,Masdan mo ang ngiti sa


labi ko inaalay ko sa'yo."

Kahit alam ko na hindi mo naman talaga ako ang gusto mong


pakasalan ...Still I can't help but to smile happily thinking that I will
be your wife..

"Pangako (pangako) ko sa'yo ika'y hinding hindi ko sasaktan,"

I promise from this day forward, I will take care of you and won't let
anyone hurt you including her..Just give me a chance Cloud.A chance is
all I'm asking for..

"Sa umaga at gabi, sa bawat oras ikaw ang nasa isip ko, sa lungkot at
ligaya, hirap at ginhawa tayo ay magsasama."

Even though you said to me that we'll only be together for one year,
still I'm hoping that you'll fall for me and will forever be by your
side..

"Ikaw ang nais ko, ikaw ang inaasam sana'y paniwalaan mo, 'di ka na
luluha bawat araw ay saya, ihahandog sayo puso ko't kaluluwa ikaw lang
ang buhay ko."

I'll help you Cloud to forget her..I'll do anything just for you to love
me .. anything..

"Ikaw lamang mahal ko." Sinabayan ko ang huling linya ng awit at


naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Nasa harap ko na
ngayon ang lalaking mahal ko, inabot ko sa kanya ang kamay ko matapos
niyang halikan sa pisngi ang TitaMoms ko. Niyakap naman ako ni Papa
Winter na nasa tabi niya.

"Welcome to our family Sky." bulong nito sa akin. Makaraan ay inalalayan


na nito si TitaMoms sa pwesto nila.

Bumaling naman ako kay Cloud at nginitian ko siya. Hindi ko maiwasang


malungkot ng hindi man lamang niya ito suklian. Tumingin na lang ako kay
Thunder at nagulat ako ng pasimple nitong pinupunasan ang mata nito.
Umiiyak ba siya? Gusto ko sana siyang lapitan pero kinakailangan na namin
ni Cloud na lumapit sa altar.

"Will you Skyleigh Vergara, take Cloud Rendrex Monteciara to be your


wedded husband?"

"Yes father." Humarap ako kay Cloud at inantay ang wedding vows niya para
sa akin.

"I, Cloud Rendrex Monteciara take thee Skyleigh Vergara to be my wedded


wife, to have and to hold from this day forward, for better for worse,
for richer for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish,
till death do us part, according to God's holy ordinance; and thereto I
plight thee my troth." Walang kaemo-emosyon niyang saad sa akin.Para lang
siyang nagbabasa at hindi sumusumpa.

Ano pa bang aasahan mo Sky? Ang magdrama siya katulad mo? Well, wake up
he's not in love with you so don't expect anything.The more expectation
you have, the more pain it will bring to you..

"Will you Cloud Rendrex Monteciara, take Skyleigh Vergara to be your


wedded wife?"

Kinabahan ako ng hindi siya sumagot, "Yes father."

Thank God, akala ko uurong pa siya sa kasal namin.


"I, take Skyleigh Vergara thee Cloud Rendrex Monteciara to be my wedded
husband, to have and to hold from this day forward, for better for worse,
for richer for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish,
till death do us part, according to God's holy ordinance; and thereto I
plight thee my troth."

Nagpalitan na kami ng singsing at hindi ko maiwasang manginig habang


sinusuot ko sa kanya ito.Buti na lang hindi nalaglag habang isinusuot ko
sa kanya.

"I now pronounce you as husband and wife. You may now kiss the bride."
Saad ng pari sa amin. Humarap naman ako sa kanya at dahan-dahan niyang
inangat ang belo ko at unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa akin at
muli, naramdaman ko ang lambot ng kanyang mga labi. Sandali lamang ito,
pero grabeng lakas ng tibok sa puso ko ang naidulot nito sa akin.

Nagpalakpakan ang lahat at hindi ko maiwasang mahiya at pamulahan ng


mukha. Binalewala ko na lamang ito at hinanap ng mata ko si Thunder pero
nakita ko siyang palabas na ng simbahan. Susundan ko sana ito ng may
lumapit sa aming photographer at kinuhanan kami ng litrato, inisip ko na
lamang na baka mauuna na si Thundz sa reception. Ngumiti na lamang ako sa
camera at umabrisete kay Cloud..sa asawa ko..

Finally, I am now Skyleigh Vergara Monteciara. 

Wife of Cloud Rendrex Monteciara.

TBC

A/N: Pagpasenyahan ang wedding nila hahaha wala talaga akong idea sa
kasal yung vows nila si google ang resources ko hahaha.

ENJOY READING :)
=================

AWS CHAPTER 13

Chapter 13

"Isa lang ang gusto kong makasama sa habang-buhay walang iba kung hindi
ikaw Shayne."

"Oh Marco, nanaginip yata ako." Hindi siya makapaniwala sa pangyayari.

"Gising ka, sinisiguro ko. Pakiramdaman mo pa." Sabi nito, saka siya
kinabig at hinalikan.

"Gusto kong makasiguro. Isa pa nga," Aniya nang pakawalan siya nito.

"Your wish is my command.." Nakangiti nitong sabi saka buong pusong


pinagbigyan ang hiling niya.

Natiyak ni Shayne na hindi siya nananaginip. Kasama niya na nga ngayon


ang lalaking pinakamamahal niya at nangangakong panghabang-buhay silang
magsasama.

WAKAS

"Buti pa 'tong sinulat ko nagkaroon na ng happy ending, ako kaya kailan?"


Malalim akong napabuntong-hininga at sinulyapan ang orasan sa laptop ko.

7:30 PM

Mukhang mag-isa na naman akong kakain ng mga niluto ko. Nailibot kong
muli ang aking paningin sa bahay na tinitirhan namin na mag-asawa. Well,
actually tinutulugan is the right term for Cloud. Halos sa opisina na
kasi siya tumira. Pakiramdam ko tuloy, mag-isa lang akong nakatira dito
sa bahay na niregalo ng parents ni Cloud. Maganda ang bahay hindi siya
kalakihan na siyang ginusto ko. May master's bedroom sa taas at dalawang
guest room. Sa baba naman may entertainment room kung saan parang mini
theater ang dating. At may maid's quarter kami na hindi din magagamit
dahil hindi gusto ni Cloud na may ibang tao bukod sa amin. So basically,
ako ang gumagawa ng gawaing-bahay na hindi naman mahirap dahil dalawa
lang kami ni Cloud at isa pa bilang lang ang oras na nandito ang huli.

Napasandal ako sa malambot na likod ng sofa at napapikit. Sa loob lang ng


dalawang linggo, iilang nobela na ang natapos ko dahil na rin siguro sa
kawalan ko ng magagawa. Ang inaasahan kong honeymoon ay hindi naganap,
grabeng kaba pa naman ang naramdaman ko matapos ng kasal namin.
Apparently, busy ang asawa ko na sa halos dalawang linggo namin na
pagiging mag-asawa isang beses pa lang kami nagkasabay kumain.

Buti na nga lang at hindi ako masyado kinukulit nila TitaMoms dahil busy
sila ni Mama Rain sa hindi ko malamang dahilan. Kung hindi... hindi ko
alam kung ano ang isasagot sa kanila pag tinanong kung kamusta kami ni
Cloud.

Ah 'eto po naging taong-bahay po ako dahil yung magaling kong asawa iba
ang kinakasama, hindi ako na pinakasalan niya kung hindi yung mga
sandamukal na papeles niya.

Aba kung yan ang sasabihin ko tiyak magagalit sa akin ang asawa ko. At
kahit naman nalulungkot ako hindi ko pa rin gustong ipahamak si Cloud.
Nakakapanghinayang nga lang na hindi man lang kami nakapag-bonding ni
isang beses. Ang dami ko pa naman gustong gawin sa kanya, ngayong mag-
asawa na kami. Wag kayong green minded, pagsilbihan ang ibig kong
sabihin. Napadilat ako ng tumunog ang cellphone ko.

THUNDZ BFF KO CALLING...

Agad nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang tumatawag. Aba
napakatagal ng hindi nagparamdam ng bestfriend ko sa akin pagkatapos ng
kasal ko sa simbahan, bigla na lang siyang naglahong parang bula at ni
hindi pumunta sa reception.

"ABA THUNDER HENDREX! BUTI NAMAN AT NAISIPAN MO PANG KAMU-" Naputol ang
sigaw ko ng hindi si Thunder ang narinig ko.

"M-ma'am kayo po ba si Skyleigh?" Natakot ata yung nasa kabilang linya


dahil sa sigaw ko at mukhang nag-aalinlangan na kausapin ako.
"Yes this is Skyleigh, sino ka at bakit mo hawak ang cellphone ng
kaibigan ko?"

"Ma'am bartender po ako dito sa DG Bar, eh kasi po lasing na si


Sir.Thunder at paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan niyo kaya-"

"I'll be right there, pakibantayan na lang siya." Hindi ko na pinatapos


ang sasabihin niya at dali-daling pumanik sa taas para magbihis.

My God Thunder, ano bang problema mo?! Ang tagal mong hindi nagparamdam
tapos may tatawag sa akin at sasabihin na lasing ka at mag-isa sa bar.
That's ridiculous dahil never kang naglasing, unless malaki ang
problemang dinadala mo. We really need to talk Thunder Hendrex.

Lumabas na ako ng gate at dumiretso sa kotse na regalo sa akin ni


TitaMoms ng araw ng kasal ko. Nagmamadali ko itong pinaandar at hindi ko
alam kung sadyang nang-aasar ang tadhana dahil kung kalian pa ako
nagmamadali doon pa traffic ang daan. Iniisip ko si Thunder ng dumako ang
paningin ko sa celphone ko. I grabbed it and started dialing my husband's
number.

Cloud Hubby <3

"Skyleigh, I'm in the middle of the meeting. Don't call me malalate ako
ng uwi." Dire-diretsong sabi ni Cloud hindi pa nga ako nakakapagsalita.

"Okay Cloud aa-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng dahil binaba


niya na ang tawag ko.

Sana man lang hinintay mo kong magsalita diba? Minsan na nga lang kita
makausap bababaan mo pa ako.

Napabuntong-hininga na lang ako at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.


****

DG BAR

Maingay na tugtugan, mausok at magulong mga tao ang sumalubong sa akin sa


bar na binanggit nung bartender. Ang dami ng taong nakakabangga sa akin
pero hindi ko pa din mahanap si Thunder dahil sa bukod sa maliit ako, may
mga kung sinong lalaki pa ang humihila sa akin sa dancefloor much to my
annoyance.

Humanda ka talaga sa akin Thundz, masasapak talaga kita pag nakita kita.

At sa wakas nakita ko na din ang hinahanap ko pero...

Holy cow. Ang missing in action kong best friend nakikipagsuntukan.

Nagmamadali akong nilapitan siya at inawat pero sa huli natulak pa ako.

"THUNDER HENDREX PAG HINDI KA TALAGA TUMIGIL I SWEAR AKO MISMO ANG
SASAPAK SA'YO!" Nahinto sa ere ang kamao niya na susuntokin pa sana yung
lalaking hindi ko malaman kung tao pa ba sa dami ng sugat sa
mukha.Napansin ko din na natahimik ang bar at-

OH MY GOSH! Bakit sila nakatingin sa akin?

Nagtaka ka pa talaga Skyleigh, kumusta naman sa megaphone mong bunganga


di ba?

Bago pa ko mahimatay sa sobrang kahihiyan naramdaman kong may humila na


sa akin palayo sa bulto ng mga tao. Nakalayo na kami pero dire-diretso pa
rin sa paghila sa akin itong bestfriend ko. Pansin ko rin na lasing na
nga siya base sa lakad niyang hindi ko maintindihan kung sasayaw ba siya
o ano.
"Thunder, let's go to my car daanan mo na lang ang kotse mo bukas. Lasing
ka na and it's dangerous for you to drive. " Hindi ko na siya inantay pa
na sumagot at hinila na siya papunta sa kotse ko. Ako na rin mismo ang
nagkabit ng seatbelt niya dahil mukhang wala na talaga siya sa huwisyo.

"What is your problem Thunder? Bakit mo ginawa yon sa lalaki? You almost
knocked him to death for goodness sake!" Wala kong narinig na sagot sa
kanya, pagtingin ko natutulog na pala siya.

*****

I've decided to bring him to his own condo and not to his parent's house.
Knowing Thunder ayaw niyang umuuwi ng lasing kanila Mama Rain. Katwiran
niya, malaki na siya at hindi na dapat magpa-alaga kay Mama. Hirap na
hirap akong ipanhik siya sa unit niya, buti na lang at tinulungan ako ng
guard. Nang maipasok ko siya sa kwarto, pabagsak ko siyang inihiga sa
kama niya. Hindi ko maiwasang mapasimangot ng makitang hindi man lang
nagising ang damuho.

Sabi ko pa naman I'll talk to him , paano ko siyang kakausapin nito.


Tinignan ko ang mukha niya at napansing putok ang labi niya resulta
siguro ng pakikipag-away niya. Kinuha ko ang first aid kit sa banyo at
ginamot ang sugat sa labi niya. Kumuha na rin ako ng maligamgam na tubig
at pinunasan siya. Wala namang malisya ang pagpapalit ko sa kanya ng
damit dahil palagi ko naman itong ginagawa kapag lasing siya, na minsan
lang din mangyari dahil hindi ugali ni Thundz ang maglasing. Nang matapos
ako sa ginagawa ko napagpasyahan ko na din umuwi.

"Thundz whatever your problem is, you know that I will always be here
aryt?" Hinalikan ko ang noo niya at nag-umpisa ng tumalikod ng may
humawak sa kamay ko.

"Gising ka na pala ano bang-" Naputol ang sasabihin ko ng yakapin niya


ako at umiyak na parang bata. He was hugging my waist tightly and crying
like he lost someone important to him. Napaupo ako at niyakap siya.

"Thundz what's the matter? Tell me please, you know that I'm your best
friend and I will always be here to listen to your problems right?" Lalo
siyang umiyak sa sinabi ko. Hinila ko siya pahiga at parang bata na
isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. I don't mind kung napaka-
intimate ng position namin as long as madamayan ko siya. Hinayaan ko lang
siyang umiyak at inantay na magkwento sa akin.

"There's this girl .." Huminto siya sa pag-iyak at umalis sa pagkakayakap


sa akin matapos ay sumandal siya sa headboard ng kama.

"So, siya ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?" Umupo na rin ako
at ginaya ang pwesto niya.

"I love her." Sinabi niya yun ng nakatitig sa mata ko at hindi ko


maiwasang mailang.

"So what's the matter? Any girl would want you Thundz."

"But not her." Natahimik ako sa sinabi niya.

"Why?"

"She's in love with someone else." Nasaktan ako para sa best friend ko
dahil sa sinabi niya. How can we be on the same boat? Loving someone
whose heart already belongs to someone else.

Bakit ba ang fail ni cupid pumana ng puso malabo na ba mata niya?

"Kaya ka ba nasasaktan ngayon?" Ani ko.

Of course nasasaktan siya, what kind of question is that Sky?

"Oo, ang sakit sakit Sky, sobrang sakit." Lumuluha siyang tumingin sa
akin.
"Then, fight for her Thundz you're a strong man right?" Hinawakan ko ang
mukha niya at pinunasan ang luha sa mga mata niya.

"If only it's easy then I'll do it with no hesitation but how can I fight
for someone who's married to someone else?" Napabitaw ako sa pagkakahawak
ko sa mukha niya at nag-umpisang kumabog ng malakas ang puso ko.

Could it be..me?

Napailing ako sa naisip ko, that's ridiculous he's your best friend since
you were a kid? How can he fall for you Sky?

"I met her when I was seven years old," Napahinto ako sa iniisip ko at
kinabahan ako sa sinabi niya.

"She's our new neighbor, lagi ko siyang nakikitang umiyak pero ewan ko ba
kada lalapit ako sa kanya kinakabahan ako. She looks like an angel sent
from God's above, she's so beautiful that I can't stop myself from
looking at her. And then one day, I finally had the guts to talk to her
and right there and then she became my best friend."

Speechless.That's what I am, I couldn't utter any single word to him. I


just stayed there looking so shocked with what he said.

My best friend is in love with me?

TBC

=================

AWS CHAPTER 14

Chapter 14
"And that's why it hurts, she just became my bestfriend. Nothing
more,nothing less. Nakasabay ko siya lumaki, halos lahat tungkol sa kanya
alam ko. Pinapatawa ko siya pag malungkot siya, dinadamayan sa anumang
problema niya, at ganun din naman siya sa akin. Walang araw na hindi ako
masaya dahil sa kanya." Tumigil siya at malungkot na tumawa. Napayuko ako
sa mga sinabi niya at nagbabadyang pumatak ang luha mula sa mga mata ko.

"I had this feeling na hindi lang basta best friend ang turing ko sa
kanya pero pinigilan ko yung sarili ko na mahalin siya. But then when I
read her diary about his love for my brother, I felt this pang of pain in
my heart that I wanna cry so hard but you know what did I do?" Tinanong
niya ako at ayun na naiyak na ako.Hihikbing-hikbi akong umiling sa kanya.

"Nang mahuli niyang hawak hawak ko ang diary niya at naaasar na sumigaw
sa akin..." Huminto ito sa pagsasalita at humugot ng malalim na hininga
"-pumatak ang luha ko sa mata at ng tanungin niya ako kung bakit ako
lumuluha-" Tumigil na naman siya at hinawakan ang kamay ko.

"Tumawa ako at sinabing masaya ako dahil sa wakas in love na ang


bestfriend ko. Pero sa loob-loob ko gusto kong magwala at umiyak na
parang bata. Dahil iyong babaeng mahal ko may iba ng nagmamay-ari ng puso
niya and worse kapatid ko pa. But then, kahit gusto kong ipagsigawang
mahal ko siya hindi ko nagawa dahil inunahan ako ng takot na baka may
magbago sa pagitan naming dalawa." Umiyak ako at niyakap siya.

"I'm sorry Thundz, I'm sorry for hurting you." Paulit-ulit kong sinasabi
yan na parang sirang plaka.

"You don't have to say you're sorry, sinasabi ko ito hindi para umiyak ka
o ang maguilty dahil sa nasaktan mo ako. In the first place, ako itong
duwag at hindi sinabi sa'yo ang nararamdaman ko. So wala kang kasalanan
kung nasaktan ako dahil wala kang alam." Napayuko naman ako sa sinabi
nito at walang ibang nagawa kung hindi umiyak.

"Seeing you walking down the aisle smiling happily makes me feel  joy
'cause I saw how happy you are. But at the same time it hurts me 'cause
it's not me you're going to marry. Kaya nagsisisi ako na hindi ko sinabi
ng maaga ang feelings ko para sa'yo, punong-puno ng what if's yung utak
ko Sky.K aya ko sinasabi 'to ngayon dahil baka sakali kapag nalaman mo
ang nararamdaman ko sa'yo. Mabawasan yung bigat ng nararamdaman ko, and
I'm sorry dahil kailangan pa kitang idamay." Napahagulgol ako sa sinabi
niya. Kailanman hindi ko ginusto na masaktan ang best friend ko pero it's
ironic na ako pa ang nakasakit sa kanya. And I hate myself for that.

Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at nagmamadaling umalis. Iyon lang


ang kaya kong gawin ngayon, ang tumakbo palayo sa kanya. Dahil nasasaktan
akong makitang umiiyak siya dahil sa akin.

I was about to grab the doorknob when I felt him hugging me behind my
back. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi ko magawang alisin ang mga
kamay niyang nakapalibot sa akin.

"I am not asking you to fall in love with me because I know you are happy
now that you are married to him. Pero mangako ka Sky, na magiging masaya
ka sa piling niya at pag dumating sa puntong sinaktan ka niya at hindi mo
na kaya nandito pa rin ako sa tabi mo at sasaluhin ka. Promise me, ako pa
din ang best friend mo at walang magbabago. Please Sky, iyon lang ang
hinihiling ko sa'yo dahil hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Hindi ko
kaya, best friends forever tayo right?" Pagkatapos niyang sabihin yun
hinalikan niya pa ang ibabaw ng ulo ko at dahan-dahan na akong
pinakawalan.

"I-I promise Thundz, n-na magiging masaya ako at hindi mawawala sa tabi
mo pero sa ngayon kailangan muna natin ng space para sa isa't-isa...D-
dahil gusto ko pag nagkita ulit tayong dalawa makakangiti tayo na parang
walang nagbago sa pagitan nating dalawa, at alam ko hindi yun magtatagal
dahil katulad nga ng sinabi mo BEST FRIEND tayo, forever. And just like
you I can't imagine life without you by my side. And lastly, thank you
Thundz for loving me, I will forever treasure your feelings for
me." Mahaba kong sinabi sa kanya at dahan dahan ng umalis ng kwarto.

"Thank you Sky and I love you." Narinig kong sinabi niya bago ko tuluyang
umalis. Napangiti ako habang lumuluha at taimtim na humiling.

Oh God please help Thunder, sana may dumating na babae sa piling niya na
siyang magbibigay ng pagmamahal na hindi ko kailanman maibibigay
kaninuman maliban kay Cloud...

*****
Hindi ko alam kung paano pa ako nakauwi ng hindi naaaksidente gayong
walang tigil ang pagpatak ng luha ko habang nagmamaneho. I just can't
stop crying thinking that I've hurt my best friend without even knowing
it. Nasa tapat na ako ng bahay ng mapansin kong bukas ang ilaw sa buong
kabahayan. It seem's like my workaholic husband is home.

Mabuti na lang at napagod ata ang mata ko sa pag-iyak o sadyang wala ng


maiproduce na luha yung tearglands ko. Tinignan ko muna ang mukha ko sa
salamin at napansin kong maga pa din ang mata ko kaya I wore my reading
glasses.

Nag-eeffort ka pa malamang tulog na yung asawa mo at walang pakialam kung


nasaan ka na ng lupalop ng mundo.

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga negative comments na


tumatakbo sa isip ko. At nagdilang-anghel nga ata ang takbo ng utak ko
dahil pagpasok ko sa loob ng bahay walang nag-aabang sa akin. Pagod na
pagod na umupo ako sa sofa at pumikit.

"Buti naman naisipan mo na ring umuwi." Napadilat ako ng may magsalita at


pagtingin ko kay Cloud, salubong na salubong ang kilay nito.

"Gising ka pa pala, akala ko tulog ka na at napaaga ata ang uwi mo."


Mahinahon kong sabi sa kanya. Ibinalik ko ulit ang pagkakasandal ko sa
sofa at muling pumikit.

"Kakauwi ko lang and I just can't believe na madaling-araw na at wala ka


pa din sa bahay. 'Wag kang umasta na dalaga ka pa at uuwi kung kailan mo
magustuhan. Isipin mo naman ang iisipin ng mga tao sa paligid mo. Wag
kang gagawa ng bagay na ikakasira ng pangalan ko." Napatayo ako sa
kinauupuan ko at nagpasyang pumanhik na lang sa kwarto kahit na ang gusto
ko lang gawin ay ang sigawan siya dahil sa pang-iinsulto niya.

"Don't turn your back on me because I'm still talking to you Skyleigh!"
Napahinto ako sa paghakbang ng umalingawngaw ang galit niyang boses sa
kabahayan. Nasaktan pa ako sa paghablot niya sa braso ko para mapaharap
ako sa kanya.
"Please Cloud alam kong pagod ka dahil sa trabaho at ganun din ako. So,
pwede bang magpahinga na lang tayo at tigilan mo ang kakasermon sa akin
na parang tatay kita." Napansin ko ang pagtiim ng bagang niya ngunit
hinayaan ko na lang ito at nagsimula muling maglakad.

"Oo Sky hindi mo ako tatay, but let me remind  you that I'm your husband
and I have the-" Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at pinutol
ang sasabihin niya. 

"Big word! Husband? Tell me Cloud itinuring mo ba akong asawa? Hindi ba


hindi naman ?! Para kong tanga na araw-araw inaantay ka sa pag-uwi pero
anong gagawin mo?! Tutulugan mo lang ako, ni hindi mo nga magawang kainin
ang mga niluluto ko para sa'yo! Asawa? Kung asawa kita?! Patunayan mo!"
Lumambot ang ekspresyon sa mukha niya at parang nakokonsensyang tumingin
sa akin.

"Look Cloud, alam ko na hindi mo ko gustong pakasalan at napilitan ka


lang! But also, let me remind you na ikaw ang nag-alok ng kasal sa akin
and you can't blame me kung nag-e-expect ako na mag-e-effort kang
pakisamahan ako! Don't worry, alam ko pa rin na isang taon lang tayong
dalawa na magsasama at hindi ko kailanman inalis sa isip ko yon pero sana
naman--" Lumunok muna ako dahil pakiramdam ko pipiyok ako dahil sa tila
may bikig ang aking lalamunan sa emosyong rumaragasa sa buo kong
sistema. "-kahit hindi na lang bilang asawa mo 'ko tratuhin, kahit
pagiging kaibigan na lang gawin mo sa akin, because you know what?
Pakiramdam ko para kong hangin na dinadaan-daanan mo lang sa pamamahay
na ito." Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa akin at nagmamadaling
tumakbo papunta sa kwarto namin habang pilit pinupunasan ang luha kong
walang humpay na naman sa pagpatak.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin ang mga
salitang yun kay Cloud. Siguro, dahil sa masyadong napakabigat na ng loob
ko at kailangan ko ng mapagsasabihan nito. Dagdag na rin siguro ang
nangyari sa amin ni Thunder kanina kaya bigla na lang bumuhos ang emosyon
ko. Isipin mo nasaktan ko si Thunder dahil sa pagmamahal ko sa kanya,
though wala naman siyang kasalanan doon. Nagmahal si Thunder ng isang
katulad ko na nakatuon lang ang buong atensyon at pagmamahal sa kapatid
niya.

Sana lang sa ginawa at mga nasabi ko hindi lalong lumayo ang loob sa akin
ni Cloud.Dahil gusto kong matupad ang pangako ko kay Thunder at yun ay
ang maging masaya ako, at mangyayari lang ng lubusan yon kung magiging
maayos ang relasyon namin ni Cloud.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako pero hindi ko alam kung panaginip
ba pero may narinig akong nagsalita at humalik sa noo ko.

"I'm sorry Sky, but I promise I'll try to work this out..."

TBC

=================

AWS CHAPTER 15

Chapter 15

Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana na hindi ko pala


naisara ang kurtina kagabi. Lumingon pa ako sa tabi ko at katulad ng
inaasahan ko mukhang nakaalis na ang asawa ko. Mag-uumpisa na naman ang
nakakainip na araw para sa akin. At para hindi naman ako maburyong sa
bahay na ito, I've decided na magpalipas ng oras sa mall. Hindi ko ugali
ang pumunta at mamasyal sa mall unless may bagong release ng book na
gusto ko o pilitin ako ni Thunder gumala.

Thundz kumusta ka na kaya ngayon?

I was about to grab my phone to call him at yayain siyang mamasyal ng


maisip ko na kailangan nga pala muna namin ng space para sa isa't-isa.
Napabuntong-hininga na lang ako at nagpasyang maligo. Napatitig ako sa
salamin sa banyo habang nagsesepilyo at napansin kong namamaga pa rin
pala ang mata ko.

Nakakainis (!) ang panget panget ko tuloy ngayon mukha akong panda wait-
Galit kaya sa akin ngayon si Cloud?

Napapadyak ako sa naisip ko, napakamalas ko naman mukha na nga akong


panda dahil sa mata ko. Galit pa 'ata sa akin si Cloud dahil sa mga
sinabi ko kagabi.
"Pero siya naman kasi e, grabe magsalita kung di ko nga lang siya mahal
nagalsa-balutan na ako." Pagkausap ko sa sarili ko.Napailing na lang ako
sa kabaliwan ko at nagbabad na lang sa pagligo.

I wore an off-shoulder blue summer dress and decided to pair it with my


doll shoes. Nangibabaw ang kaputian ko sa suot ko, hinayaan ko na lang na
nakalugay ang wavy kong buhok na umabot na hanggang bewang. Napilitan
akong mag-apply ng make-up na hindi ko madalas ginagawa unless may party
or something na espesyal akong pupuntahan dahil na din sa mata ko. Di din
ako mahilig magsuot ng heels kaya lagi akong inaasar ni Thundz dahil sa
height ko.

"Ba't ganon Skyz lagi ka namang tumatalon kada new year ba't yung height
mo hindi nadagdagan, para ka pa ring dwende hahahahaha."

"I hate you Thundz..." Hahampasin ko na sana siya ng tinakbuhan ako ng


damuho. At dahil nga sa maliit ako! ano pang aasahan, hindi ko siya
mahabol!

Napatawa ako sa naalala ko na pambubuska ni Thundz sa akin. I suddenly


missed him, namimiss ko yung mga panahon na para kaming mga bata.

Tiwala lang Sky, babalik din kayo ni Thundz sa dati maghintay ka lang,
ang dapat mong isipin ay kung paano makikipagbati sa asawa mo!

Lumabas na ako ng kwarto at dahan-dahan na bumaba iniisip ko pa din kung


paano kakausapin si Cloud. Nasa sala na ako ng makaamoy ako ng parang
nasusunog. Kumaripas ako papunta ng kusina and there, I saw a topless man
wearing a boxer and my apron which is too girly for him. Walang iba kung
hindi ang asawa ko.

"A-anong ginagawa mo Cloud?" Hawak-hawak niya pa ang siyanse ng tumingin


sa akin. Napahawak ako sa bibig ko at pinipigilang matawa sa itsura niya.

"'Wag mo nang pigilan at tumawa ka na, baka kung san pa lumabas


yan." Natawa na ako ng tuluyan na natigil ng inalis niya ang apron na
suot niya at lumantad sa akin ang mga pandesal niya. Napalunok ako sa
nakita ko at naramdaman kong pinagpawisan ako.

"Tss, katawan ko lang pala katapat mo." At mas lalo akong napanganga ng
tumawa si Cloud na minsan lamang niyang ginagawa. Pero ng marealized ko
kung bakit siya tumatawa nahiya ako kaya dinaan ko na lang ito sa pag-
irap. 

"Have some decency, baka gusto mong magsuot ng t-shirt. Hindi ka naman
siguro nauubusan ng damit para maghubad." Tinawanan niya lang ako at isa-
isang nilapag sa mesa ang mga niluto niya.

Mukhang alam ko na kung ano ang naamoy kong sunog. Sunog na


hotdog,ham,itlog at tanging tinapay lang yata ang hindi nasunog, hinila
niya ako at pinaupo sa silya. Napatingin ako sa lamesa at parang nakakita
ko ng alien sa itsura ko. Gulat na hindi mawari,umupo siya sa katapat ko
at parang bata na sumimangot.

"If you don't want to eat it, it's fine with me, I might as well throw it
in the trash bin." Liligpitin niya na sana ang mga inihain niya ng
pinigilan ko siya.

"'Di ko naman sinabing 'di ko kakainin, nagtataka lang ako kung bakit
nasa bahay ka ngayon at higit sa lahat suot-suot mo ang apron kong pink
tapos nagluto ka pa, no offense Cloud wala sa ugali mo na gagawin mo
'to."

"Tss. It's my day off and well, I just woke up feeling sorry for what
happened to us last night." Hindi nakatinging sabi niya sa akin at
nilagyan niya ng pagkain ang plato ko.

"Ako nga ang dapat mag-sorry sa'yo kagabi nasigawan kita, pagod kasi ako
kagabi kaya kung anu-ano ang lumabas sa bibig ko." Nakatingin na siya sa
akin ngayon at para kong tangang nagpeace sign pa sa kanya sabay ngiti ng
alanganin.
"I'm sorry too kung nainsulto kita kagabi, nag-aalala lang ako ng wala ka
sa bahay kagabi na hindi naman nangyari kahit kailan tapos hindi pa kita
makontak sa phone mo." 

Para namang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Nag-aalala siya sa akin
O to the M to the G. Ang sweet ng hubby ko.

Okay ang O.A ko.

"I was about to tell you that I'm going to fetch up Thundz at the bar
because he was drunk and the bartender called me but then you hung up the
phone and I wasn't able to talk to you." Paliwanag ko sa kanya.

"Sorry, I had an important meeting that's why I'm in a hurry. So, si


Thunder pala ang pinuntahan mo then bakit mukhang umiyak ka kagabi, nag-
away ba kayo?" Kinain niya ang hotdog at napansin kong napangiwi siya
marahil dahil sa sunog nga ito.

Lumunok muna siya bago ibalik sa akin ang nagtatanong niyang tingin. He
raised his eyebrow waiting for me to talk but then, I can't find the
right words to tell him what happened last night. It will be so awkward
for me because for God's sake, my best friend who happened to be his
brother confessed at me and he's my freaking husband.

"Never mind no need for you to answer, saan nga pala ang lakad mo
ngayon?" Pagbabago nito ng paksa marahil nahalata niyang ayokong sabihin
sa kanya ang nangyari kagabi sa amin ni Thunder. But after all, he's my
husband kaya baka sabihin ko na rin sa kanya, hahanap nga lang ako ng
tiyempo. Hindi pa nga lang ngayon kaya ngumiti ako sa kanya at sinabing
mamamasyal ako sa mall.

"Oh that's good to know, wala din naman akong pupuntahan today. Might as
well spend it with you so I could get to know you better." Napanganga ako
sa sinabi niya. I just can't believe na sasama siya sa akin mamasyal. And
lastly, kikilalanin niya daw ako. Sa sobrang tagal namin magkakilala
hindi siya nag-initiate na kilalanin ako.

Date ba ito?!
"Stop drooling Sky and kung hindi mo kayang kainin yung niluto ko, ok
lang pwede naman tayong kumain sa labas." Pagkatapos non ay umalis na
siya marahil para maligo.

Napatingin ako sa mga nilagay niya sa plato ko at ganadong kinain ito.


Para sa akin hindi man ito kasing-sarap ng luto sa isang restaurant, ito
pa rin ang best breakfast for me dahil niluto ito for the first time ng
asawa ko. At walang kahit anong pagkain ang masarap para sa akin kung 'di
ito. Sabi nga nila wala ng sasarap pa sa pagkaing inihanda para sa'yo ng
taong mahal mo.

Hindi ko namalayang naubos ko na ang nasa plato ko. Para kasi akong
lumilipad sa alapaap sa sobrang saya at subo lang ako ng subo. Pero
nakaramdam ako ng kakaiba kaya napatingin ako sa mga plato na nasa
lamesa, at sa plato kong ubos na.

Napahawak ako sa dibdib ng makaramdam ako ng paninikip ng dito. Naluluha


na ako at hirap na hirap ng huminga pilit kong inaabot ang baso na may
lamang tubig pero ng abot-kamay ko na ito bumagsak ito sa lapag ng
matabig ko.

*CRASH*

"SKYLEIGH!" Hawak hawak ko ang dibdib ko at pilit sumisinghap ng hangin


ng maramdaman ko na nasa tabi ko na si Cloud.

"What the f*ck! anong nangyayari sa'yo Sky?" Alalang-alala ang boses niya
at hindi ko maiwasang mapaluha. Siguro dahil sa hirap na nararamdaman ko
at parang may pumipiga sa puso ko. Pero kahit na nasa sitwasyon ako na
ganito hindi ko pa rin maiwasang matuwa sa nakikita kong concern sa akin
ng asawa ko.

"May asthma ka ba? Nasa kwarto mo ba ang inhaler? Wait, I'll get you
water first." Hindi siya magkandaugaga sa pagkuha ng tubig. Inalalayan
niya ako sa pag-inom nito pero nailuwa ko rin ito dahil hindi ko man
lamang ito malunok sa sobrang hirap na nararanasan ko dahil hindi ako
makahinga.
"I'll bring you to the hospital, just keep on breathing alright?" Umiiyak
akong tumango sa kanya habang nararamdaman ko pa rin ang kakapusan ng
hangin. Binuhat niya ako na parang bagong-kasal at nagmamadaling
nagmaneho paalis.

Oh my gosh! Help me Lord may date pa po kami ng husband ko, bakit naman
kasi napakatanga mo Sky at kinain mo yung bawal sa'yo?!

Napaiyak ako lalo sa katangahan ko, sa sobrang tuwa ko nakakain ako ng


hindi ko dapat kainin.Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Cloud ang
kamay ko marahil dahil sa nakikita niyang paghihirap ko.

"Don't cry Sky mas lalo kang mahihirapan huminga, don't worry malapit na
tayo sa ospital." Hindi nakatingin na sabi niya sa akin habang
nagmamaneho ng napakabilis.

"Hah..Hahh..T-tha-anks..." Kahit hirap na hirap pinilit ko pa rin


magsalita.

"F*ck don't talk Skyleigh, mas lalo kang mahihirapan." Pagkatapos niyang
sabihin iyon dali-dali siyang bumaba ng sasakyan at muli akong binuhat
papasok sa ospital.

"Where is the f*cking doctor, you gotta come here and aid my wife!"
Malakas niyang sigaw sa loob ng hospital at kahit hirap na hirap sa
paghinga napansin ko ang gulat na ekspresyon ng mga tao sa loob ng
emergency room.

"Sir, calm down ilagay niyo po muna si Misis sa higaan at tatawagin na po


namin si Doc." Ibinaba niya ako sa kama at nanlilisik na binalingan ang
pobreng nurse.

"Well, tell that doctor to f*cking come within a minute or else I'm gonna
burn down this hospital if something bad happens to my wife! Mark my
words I'm a Monteciara and no one messes wih me." Sasagot pa sana ang
nurse ng may dumating na nagmamadaling doktor, hindi na ako magtataka
kung matakot siya sa sigaw ni Cloud.

"What happened to her?" Habang tinatanong niya yon sa asawa ko naramdaman


kong kinakabitan ako ng oxygen.

"I don't know nakita ko na lang siya na nahihirapang huminga." Unti-unti


na akong napapapikit ng balingan ako ng doktor.

"Hey Ma'am stay awake may asthma ka ba?" Hirap pa ring huminga na umiling
ako sa kanya.

"Any allergies?" Dahan-dahan akong tumango sa tanong niya.

"Okay Mister mukhang inatake ng allergy ang asawa mo, can you state the
food that she ate bago siya nahirapang huminga?" Hindi ko nahintay ang
sasabihin ni Cloud dahil unti-unti na akong nilamon ng antok marahil
dahil sa sobrang pagod.

TBC

=================

AWS CHAPTER 16

Chapter 16

"Skyleigh hija, do you remember me? Ako si Tita Ysabelle mo kapatid ko


ang mommy mo." Tinitigan ko ang babaeng nagsasalita sa harap ko.

"T-tita..." Hindi ko alam kung bakit napaiyak siya ng magsalita ako.

"S-sasama ka na sa akin Sky, we're going to Manila doon magsisimula ka


muli kasama ako."
ayoko.ayokong umalis,aantayin ko pa sila Mommy at Daddy.

"A-ayaw Sky w-wait M-mommy D-daddy." Naramdaman ko ang pagyakap sa akin


ng mahigpit ni Tita.

"Baby, wala na ang Mommy at Daddy mo." Tinulak ko siya sa sinabi niya.

"L-liar." 

Bad si Tita, kung wala na sila Mommy at Daddy nasaan sila nagpunta ba't
hindi nila ako sinama?

"Sky, listen to me I'm not a liar you see, your parents is now in
heaven." Natahimik ako sa sinabi niya.

"H-heaven?"

"Hmmm, so you gotta be a good girl at sumama ka na sa akin kasi nakikita


ka nila Mommy mo mula sa heaven and they would be hurt kung makita nilang
umiiyak ang baby nila."

"S-sky g-good girl na don't want Mommy and Daddy hurt."

"That's good baby tomorrow we'll gonna have a new life, tayong dalawa
lang, malayo sa lugar na ito."

Wala akong naintindihan sa sinabi ni Tita, ang alam ko lang nasa heaven
na sila Mommy at Daddy, iniwan na nila ako at si Tita na lang ang kasama
ko..
Malungkot si Sky.

Napakalungkot.

-*-

Nagising ako na basa ang gilid ng mata ko marahil dahil sa panaginip


ko.Everytime na napupunta ko sa hospital palagi ko na lang
napapanaginipan ang mga nangyari sa akin nung bata ako. That's why I hate
hospital, it reminds me of memories that I don't want to remember. Umupo
ako at inalis ang oxygen mask na nakakabit sa akin, inilibot ko ang
paningin ko at hinanap ang asawa ko. Nakita ko siya sa pintuan may kausap
sa telepono. Nang mabaling ang tingin niya sa akin, nagmamadali niyang
ibinaba ang phone niya at nag-aalalang lumapit sa akin.

"Sky, bakit inalis mo ang oxygen mask mo, are you ok now? Wait I'll call
the doctor." 

Aalis na sana siya ng hinawakan ko ang kamay niya.

"Okay na ako Cloud, nakakahinga na naman ako kaya pwede bang umalis na
tayo dito because I really don't like being in a hospital." Nakangiti
kong saad sa kanya.

"Tss, if you really hate hospital then you should take care of yourself
para hindi ka na mapunta dito." Napayuko na lang ako sa sinabi niya.

"I'm sorry hindi ko kasi napansin na nakain ko pala yung egg na niluto
mo, masyado lang ako natuwa na ipinagluto mo 'ko kaya ayon pinairal ko
ang katangahan ko, nakalimutan kong allergic nga pala ako sa pagkain na
yon." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Stop saying sorry wala ka namang kasalanan e, it's my fault hindi ko man
lang inalam kung anong bawal sa'yo bago ako nagluto. I really can't
forgive myself kung may masamang nangyari sa'yo kanina." Hinawakan niya
pa ang pisngi ko at nagulat ako ng hinalikan niya ang noo ko.

"Cloud..." Nasambit ko, wala akong masabi sa sobrang galak ko sa


pagbabago na nangyayari sa kanya.

"Alam ko nagtataka ka sa naging pagbabago ko, pero I just realized na


naging unfair ako sa'yo, I trapped you in this marriage and the least
that I can do is to take care of you." Napaluha na ako sa sinabi niya.

Nagbago na si Cloud, simula na ba ito para umasa ako na maaari rin siyang
ma-inlove sa akin? And when that time comes hindi na namin kakailanganin
na maghiwalay.

"But-" Nagtataka akong tumingin ng parang may gusto pa siyang sabihin


ngunit hindi niya masabi sa akin.

"What? You can say anything to me Cloud, it's okay."

"But you have to keep it in your mind that friendship is the only thing
that I can offer to you Sky. Wag ka sanang umasa na may hihigit pa doon,
I-I know how you feel for me it's just that, I can't love you because you
see even though I hate Charlotte,still it doesn't change the fact that I
love her and I wanna spend my life with her." Seryosong pagpapaliwanag
niya sa akin.

Cruel.

Yan ang unang katagang pumasok sa isipan ko matapos kong marinig ang
sinabi niya sa akin. How can Cloud be this cruel? Alam niya ang feelings
ko para sa kanya pero nagagawa niyang sabihin sa akin ang nararamdaman
niya para sa babaeng nanakit sa kanya. It feels like everything that I
dreamed for us just burst in to bubbles. Umasa na ako e, nandoon na 'ko
sa point na nangangarap ako na hindi na namin kailangan maghiwalay pa.
Pero hanggang pangarap lang pala iyon, dahil ginising niya 'ko sa
katotohanan na hanggang doon na lang kami. Magkaibigan. Nakakatawa, asawa
ko siya pero friendship ang ino-offer niya,at ako naman si tanga
nagpakamartir at imbes na umiyak, tumawa 'ko.
Tumawa 'ko.

Wala ka ng pagkakaiba sa best friend mo Sky, walang-wala..

"Hey why are you laughing? Hindi mo ba sineseryoso ang sinabi ko sa'yo?
Look Sky, I just don't want you to be hurt in the end kaya umpisa pa lang
sinasabi ko na ito para wag ka ng umasa."

"But what to do? Nasasaktan pa rin ako..." Natahimik kaming dalawa sa


sinabi ko. He looksat me as if he's guilty for what I felt.

"'Wag mo kong tignan ng ganyan Cloud, wag kang maguilty okay lang ako,
nasaktan mo man ako mawawala din ito, magiging okay din ako. At 'yong
friendship na ino-offer mo I will gladly accept it. Biruin mo, sa tagal
nating magkakilala ngayon lang tayo magiging magkaibigan .At 'yong kay
Charlotte susuportahan kita, I promise magiging masaya ka sa piling
niya."

Martir.

Martir 'yan ka Sky, dapat ngayon pa lang iwanan mo na siya para makaiwas
ka sa sobrang sakit, sakit kapag napunta na siya sa babaeng mahal niya,
umalis ka na Sky layuan mo siya 'wag kang magpakatanga.

Sigaw ng utak ko pero yung puso ko iba ang ibinubulong sa akin.

Kahit friendship lang ang kaya niyang ibigay sa akin okay lang ang
mahalaga makasama ko siya. Kahit isang taon lang, kung sa loob naman ng
mga panahon na yun magiging masaya 'ko sa piling niya. Tanga na kung
tanga pero wala akong magagawa, nagmahal ako e.

Ganito nga siguro kapag nagmahal ka, pigilan ka man ng utak mo na 'wag
magpakatanga, in the end puso mo pa rin ang pinapakinggan mo na
nagsasabing manatili ka pa din at patuloy na mahalin ang taong may iba ng
mahal.

Nginitian ko siya, ngiting nagsasabing okay lang ako.

"Thank you Sky, kakausapin ko na yung doctor mo para makalabas ka na


dito." Pagkatapos sabihin yun naglakad siya papalabas ng kwarto.

Nang tuluyan na siyang makalabas unti-unti ng pumatak ang luhang kanina


ko pa pinipigilan.

*****

NAKAPIKIT lang ako sa buong durasyon ng byahe pauwi ng marinig ko siyang


binuksan ang radio ng kotse at nang-aasar pa 'ata ang tadhana sa kantang
pinapatugtog nito.

Parokya ni Edgar -Ok lang ako

'Ayoko ng malaman pa

Kung sino siya at kung saan ka nagpunta

Hindi na lang tatanungin

Para hindi mo kailangan pang umamin

Okay lang ako, okay lang ako ooohh

Lahat ay aking gagawin

Pikit-matang tatanggapin

Mas kayang masaktanpaminsan minsan

Wag ka lamang mawala ng tuluyan

Maniniwala na lang ako

Sa lahat ng sasabihin mo

Di nakita kukulitin
Para di na kailangan pangmagsinungaling

Okay lang ako okay lang ako ooooh

Lahat ay aking gagawin

Pikit-matang tatanggapin

Mas kayang masaktan paminsan-minsan

Wag ka lamang mawala ng tuluyan

Hindi ko kakayanin mawala ka sa akinKahit na magmukha akong

tanga sa mata ng iba

Lahat ay aking gagawin

pikit-matang tatanggapin

Kung meron mang tanong

tungkol sa akin

Sasabihin ko

Okay lang ako, okay lang ako'

Sabi sa nabasa ko ang mga katagang 'okay lang ako' ay isa sa mga
kasinungalingan ng isang taong nasasaktan. Actually, hindi naman yong tao
na sinasabihan mo ang pinapaniwala mong ayos ka lang, kung 'di sarili mo
mismo. Unfortunately, isa ako sa milyon-milyong tao na nagsasabing ayos
lang sila kahit nga ba hindi naman talaga.

"What the hell Sky,why are you crying? May masakit ba sa'yo?" Mas lalo
akong napaiyak sa tanong ni Cloud.

Masakit Cloud, yung puso ko masakit ikaw kasi e..

Napansin kong huminto ang sasakyan at pagtingin ko sa labas wala pa naman


kami sa bahay kaya hihikbi-hikbi akong tumingin kay Cloud.

"B-bakit ka huminto?"
"Tss, I can't concentrate on driving because you're crying too loud."
Kinuha niya ang panyo niya at dahan-dahan na ipinunas sa mukha kong puro
luha.

Lalo ako nafafall dahil sa ginagawa mo Cloud...

"Ako na..." Inagaw ko sa kanya ang panyo at walang habas na suminga dito.
Bakit ba? 'Di ko na naman kailangan magpa-impress sa kanya dahil di naman
niya ako magugustuhan, might as well ipakita ko sa kanya kung ano talaga
'ko.

At 'eto ako, a weakling, crying baby and sometimes gross to be with.

"Is it about what I said to you a while ago?" Umiling ako sa tanong niya
at napansin ko pang napangiwi siya ng iabot ko sa kanya ang panyo niyang
puro uhog ko.

"You better keep it Sky..."  Nandidiring saad niya sa akin.

"Ang arte mo naman anyway hindi ako umiiyak dahil sa kanina no, wag kang
assuming hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo."

What a liar. Pwede ka na ring mag-artista katulad ni Charlotte try mo


mag-audition papasa ka bilang iyakin na bida..

Hindi lang siya ang lalaki sa mundo pero siya lang ang nag-iisang
nagmamay-ari ng puso mo..

"Then why the heck are you crying?" Salubong ang kilay na tanong niya sa
akin.
"Y-yung kanta kasi eh , ang galing kumanta ni Edgar damang-dama niya eh
nakakaawa siya, waaaaaaahhh." Sabay atungal ko.

Okay half-lie yung sinabi ko nakakaiyak talaga yung kanta pero mas naiyak
ako ng maalala kong forever basted ako kay Cloud.

"Tss, Thunder is right you're such a crybaby do you want me to piggyback


you?" Napahinto ako sa pag-atungal ko sa sinabi niya.

"Thunder said that?"

"What? Ah that you are a crybaby." Umiling ako sa sinabi niya.

"No, the other one,"

"Piggyback?" Tumango ako sa tanong niya.

"Yeah, sabi ni Thunder pinapasan ka daw niya sa likod every time umiiyak


ka comfort zone mo raw yun e which is kinda weird for me." Nakangiti
niyang sabi sa akin.

"Si Thunder talaga ang daldal, pero I really miss him." Napaluha ako sa
sinabi ko.

"Problema ba yun e di puntahan natin siya.I'm sure namimiss ka na rin


non." Natahimik ako sa sinabi niya. Gusto ko sanang puntahan si Thunder
dahil sa mga oras na ito siya lang ang taong makakaintindi at magco-
comfort sa akin pero ayoko. Ayokong makita niya ako na nasasaktan, mas
mahihirapan siya lalo.

"So, may problema nga kayong dalawa am I right?" Tumingin lang ako sa
kanya matapos niyang magsalita.
"Tss, stop looking at me like that alam kong gwapo 'ko."

Napasimangot ako sa sinabi niya, the more na nakikilala ko siya, parang


iba siya sa dating Cloud. Ngayon ko lang nakikita ang ganito niyang side.
I always thought that Cloud is the opposite of Thunder. A cold one dahil
nga bihira siya magsalita at ngumiti. Pero napakakulit din pala ng loko.

"Napakaconceited mo Cloud mas gwapo kaya sa'yo si Thunder." 

Upon mentioning the name of my best friend, I can't help but feel sad.

"Tss, tignan mo 'to binanggit lang si Thunder nalungkot na, so I guess


tama nga ako na may problema kayong dalawa."

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit ako umiyak kagabi?"

"Yeah, friends nga tayo diba? Kaya dapat alam ko ang nangyayari sa'yo."
Natawa ko sa sinabi niya. Pinanindigan niya talaga ang friends na
sinasabi niya.

"Then I'll tell you at isa pa I badly need an advice, at tutal friends na
tayo might as well magkwento ko sa'yo." Binigyang-diin ko pa ang salitang
'friends' kaya naman natawa siya.

"Alright, so umuwi na tayo para masimulan na natin ang kwentuhan."


Nakangiti niyang saad habang pinagpatuloy ang pagmamaneho. Tinignan ko
naman siya at hindi ko maiwasang mapangiti ng malungkot.

Kaibigan,yon na ako sa'yo ngayon Cloud at least may label na ako sa buhay
mo hindi na asawa na pinakasalan mo dahil sa naipit ka ng sitwasyon, okay
na ako doon masakit man dahil higit pa roon ang nais ng puso ko
tatanggapin ko magkaroon lang ako ng pwesto sa'yo. Simula ngayon, dapat
ko ng sanayin ang sarili ko na hanggang dito na lang talaga tayo.

TBC
HAPPY 450+ READS TO AWS :)

=================

AWS CHAPTER 17

Chapter 17

Huminto kami sa isang grocery store bago umuwi. Katwiran niya wala na
kaming stock sa bahay kaya mamimili muna kami. Ang pinapangarap kong
date, nauwi sa pamimili. Hindi talaga pumapabor ang tadhana sa akin.

"You can just stay in the car at ako na ang bibili ng groceries. Mamaya
niyan mahirapan ka na naman huminga." anito habang kumukuha ng grocery
cart.

"You're overreacting Cloud. I'm fine at isa pa wala naman akong asthma,
epekto lang ng allergies ko sa egg yung nangyari kanina." Paulit-ulit
kong sabi sa kanya mula kanina pa.

"I'm not overreacting, imagine the horror that I've felt when I saw you
lying in the ground almost breathless. So next time, wag mong kainin yung
mga pagkain na hindi naman pwede sa'yo." Pagsesermon niya sa akin na
ikinasimangot ko naman. Hindi ko talaga maiwasang manibago kay Cloud.I
didn't expect na kaya niya palang magsalita ng mahaba. I guess unti-unti
ko ng makikilala ang tunay na si Cloud. Hindi na din masama ang
friendship na sinasabi niya.Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng maramdaman
kong may pumisil sa ilong ko.

Nahampas ko tuloy ng wala sa oras ang kamay niya. Ang pinaka-ayoko kasi
sa lahat pinipisil ang ilong ko. Nabubwisit ako.

"What's that for?" Aniya pagkahampas ko sa kanya habang hinihimas ang


ilong kong namumula panigurado.
"Kung makasimangot ka kasi e, hindi bagay sa'yo mas maganda ka kapag
nakangiti." Namula ko sa sinabi niya.I

t's not the first time that someone complimented me that I'm beautiful
everytime I smile. Hindi sa nagbubuhat ako ng bangko, pero madami talaga
ang nagsasabing maganda ako lalo na pag ngumingiti ako. Sabi pa nga nila,
asset ko daw ang smile ko. Pagdating lang talaga kay Cloud hindi ko
maiwasang umarte na parang kinikilig na teenager everytime may sinasabi o
ginagawa siyang maganda sa akin.

"Tignan mo 'to nanahimik, sinabihan ko lang ng maganda pulang-pula na.


Don't tell me first time mong makarinig ng pumupuri sa'yo?" Tanong nito
habang tumatawa.

"Shut up Cloud, FYI hindi ako kinikilig noh, naiinis lang ako sa pagpisil
mo sa ilong ko kaya ako namumula. And for your information it's not my
first time hearing such compliments." Nakataas-noo kong saad.

"Oh, If you say so." Napapitlag pa ako ng akbayan ako ng loko. I wonder
kung kelan ako masasanay sa pagiging close ni Cloud.

Pwede ba Sky,kung sa bawat gagawin o sasabihin sa'yo ni Cloud, bibigyan


mo ng malisya. Hindi na ako magtataka kung lalo kang aasa na baka magka-
forever kayong dalawa. Move-on Sky, habang maaga pa. Sanayin mo na kaya
siya ganyan sa'yo dahil sa friendship ninyo.

Napabuntong-hininga ako dahil sa binubulong ng isang tinig sa isipan ko.

"Earth to Sky, nandito ka pa ba?"

I was back to my senses when Cloud snapped his fingers in front of my


eyes.

"Ano ngang sinasabi mo Cloud?" Napapahiyang tanong ko sa kanya.


"As I was saying, tinatanong ko kung bukod sa eggs san ka pa allergic?"
Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.

"Hmmmm, wala naman na. Eggs lang talaga ako allergic, namana ko kay
Mommy. Bakit mo natanong?"

"Well, para alam ko kung ano ang hindi allowed na food sa bahay natin.
Mamaya kasi maulit na naman yung nangyari kanina and much worse paano
kung wala ako sa bahay."

Bahay natin.

Bahay natin.

Pauli-ulit na umuukilkil sa utak ko. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil


sa sayang lumukob sa akin. Ang sarap pakinggan ng sinabi niya. Idagdag pa
ang concern na ipinapakita niya.

"Wag ka ngang over reacting Cloud, ako lang ang allergic sa eggs hindi
naman ikaw kaya it's okay if we buy it. And I swear hinding-hindi ko na
talaga kakainin yun kahit pa luto mo."

"Mas mabuti ng nag-iingat, at isa pa hindi naman ako mahilig sa itlog. I


preferred nuts." anito pagkatapos tumawa siya ng malakas na siyang
ikipinagtaka ko.

Nauna na siyang maglakad sa akin dahil naiwan akong iniisip ang ibig
sabihin ng pagtawa niya.

Namula ko ng marealized ang inside joke niya. Minsan talaga ang slow ko,
of course I'm a writer, a romance writer to be exact. Kaya hindi ako
ganun kainosente sa well uhm-uhm.
Ah basta SPG!

"CLOUD!" Napapahiyang tumungo ako ng pagtinginan ako dahil sa pagsigaw


ko. Hinabol ko ang damuho at hinampas ng paulit-ulit ito. Tawa lang naman
ng tawa ito na parang hindi nasasaktan. Mas ako pa nga ang nasakitan ng
kamay dahil sa biceps ng loko.

Kunwari ka pa Sky, chansing ka lang e.

Tudyo ng isang bahagi ng isip ko.

******

"A PENNY for your thoughts?" Saad ko kay Cloud na mukhang malalim ang
iniisip dahil nakatingin lang ito sa kawalan. Kasalukuyan kong inihahanda
ang hapunan namin dito sa terrace ng bahay. Kung may isang part ako na
pinakagusto sa bahay na iniregalo sa amin nila Mama. Ito yun, napakaganda
ng tanawin dito nakakarelax sa pakiramdam. Dito 'ko madalas tumambay lalo
na pag gumagawa ako ng nobela. Lalo na ngayong gabi tanaw na tanaw ang
mga city lights na nagkikinangan.

"Huy, di ka na nagsalita diyan. Come, let's eat." Kinalabit ko si Cloud


dahil mukhang hindi niya talaga ako naririnig.

"I miss her." anito.

Napatahimik naman ako sa sinabi niya at tinabihan na lang siya sa sofa na


kinauupuan nito.

Of course, I know who's her. It's none other than Charlotte. 

I wonder kung kailan ako masasanay sa sakit na nararamdaman ko every time


he talks about her. Maybe someday, mamanhid na lang 'tong puso ko at
balewala na sa akin kung minu-minuto niyang banggitin si Charlotte.
"If you miss her then you should chase her." Mahina kong sabi sa kanya
habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.

"Hindi ganon kadali ang sitwasyon Sky." Di lumilingong saad ni Cloud.

"Bakit dahil sa kasal na tayo?Then why don't you tell her the truth about
us. About our deal so the two of you could be together again." Saad ko sa
kanya. Hindi ko siya magawang tignan sa mga mata. Natatakot ako na mabasa
niya na nagsisinungaling ako sa sinabi ko.

"Pumasok na rin yan sa isipan ko, ang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa
atin. But you know what, hindi lang naman dahil sa kasal na ako sa'yo
kaya hindi ko siya magawang habulin. May iba na siya."

Napamulagat ako sa sinabi niya. Natatandaan ko ang sinabi niya noon sa


akin sa ospital na may iba na si Charlotte. Pero ngayon lang lubos na
nagsink-in sa akin ang sinabi niya.

"What? Niloko ka niya?!" Kunot na kunot ang noo ko na saad sa kanya.

Hindi ko maiwasang maawa kay Cloud. He doesn't deserve this, nakita ko


kung paano niya                       pag-alayan ng pagmamahal si
Charlotte. At kung tanga ako dahil patuloy kong minamahal si Cloud gayong
may mahal siyang iba. Masasabi kong mas tanga si Charlotte dahil nagawa
niyang lokohin ang lalaking handang ibigay lahat-lahat sa kanya.

"Honestly, I don't know. I called her but then her ex answered it. So I
assumed they are together again. At pagkatapos ng kasal natin, hindi ko
na siya nakita pa." Hindi niya na ako inantay magsalita at dumiretso sa
lamesa na kinalalagyan ng hapunan namin. Sinundan ko naman siya at umupo
sa silya na katapat niya.

"Baka naman tamang hinala ka lang, na nagkataon lang na kasama niya yung
ex niya. At paanong hindi mo siya makikita eh nasa iisang kompanya lang
naman kayo nagtatrabaho?" Sabi ko habang nilalagyan ng kanin at ulam ang
plato ko. Hindi siya sumagot, I don't know kung ayaw niya na sa paksa na
pinag-uusapan namin. O talagang gutom lang siya dahil kung makakain siya
ay parang wala ng bukas.

Ikaw na talaga Sky, kailan ka pa naging supporter ng love team nila ni


Charlotte.

Pagkutya ng isang bahagi ng isip ko. Anong magagawa ko? Kahit mahal ko si
Cloud, gusto ko pa din na tulungan siya na intindihin ang side ni
Charlotte. Martir na kung martir, ayoko lang na makitang nasasaktan si
Cloud. Kaya kahit katangahan na itong ginagawa ko. Sisige pa din ako.

"Maybe, you're right but I'm scared to confront her. Nasagasaan niya na
nga ang ego ko sa pagtanggi niya sa alok kong kasal tapos umeksena pa ang
ex niya. At isa pa hindi din kami nagkikita, dahil busy siya sa mga
projects niya. After all, one month na lang aalis na siya sa kompanya
namin as an actress." Pagkatapos niyang sabihin yun nagfocus ulit siya sa
kinakain niya. It's not my first time na nakasabay ko si Cloud kumain,
but 'eto yung una na nakita ko siya kung gaano kagana sa pagkain. Mukhang
nagustuhan niya ang niluto ko.

"Men and your ego's. Uunahin mo pa ba yung pride mo bago yung babaeng
mahal mo. You know what Cloud, kung mahal mo talaga si Charlotte you
should be brave enough na komprontahin siya. Kung sila na talaga nung ex
niya then try to move-on. Mahirap kasi na mabuhay ka sa what if's. Mas
maganda na yung sumugal ka at natalo ka. Kaysa yung natalo ka ng wala
kang ginawa. After all, Love is a gamble,you should learn how to play it.
Whether you win or you lose at least you did your best." Mahaba kong saad
sa kanya.

I know marami na talaga ang magsasabi na 'Sky napakatanga mo to the


highest level'. Because here I am talking like a love guru at inuudyukan
pa si Cloud na kausapin yung babaeng mahal niya. Napatigil ako sa pagsubo
ng makita kong titig na titig sa akin si Cloud at hindi ko maiwasan na
mailang.

"What? May dumi ba ko sa mukha?" Tanong ko sa kanya.

"Nothing, I was just amazed with you." Namula ko sa sinabi niya dahil
bakas sa boses niya ang paghanga. Sana lang higit pa dun sa paghanga ang
nararamdaman niya.
"Bakit naman?"

"I am amazed with what you said,  hindi ko inaakala na ganyan pala
kalalim ang paniniwala mo sa pagmamahal."

"Dapat ba akong matuwa dahil napahanga kita sa words of wisdom ko? O


kiligin dahil sa pagtitig mo sa akin?" Dinaan ko sa biro na saad sa
kanya.

Sumeryoso ang mukha niya at hindi ko mapigilang kabahan sa sasabihin


niya. May nasabi ba akong mali?

"Tell me Sky, are you still in love with me?" Nanigas ako sa kinauupuan
ko at hindi ako makapagsalita sa biglaan niyang tanong.

Anong sasabihin ko ang totoo? O magsisinungaling ako?

Pero hindi ba siya na nga ang nagsabi na hindi ganoon kabilis mawala ang
pagmamahal sa isang tao... then sana hindi na ako tinanong dahil alam
niya na dapat kung ano ang isasagot ko...

TBC

=================

AWS CHAPTER 18

Chapter 18

"Papipiliin kita Cloud." napakunot-noo siya sa tanong ko.Honestly hindi


ko na rin alam kung ano ba 'tong sinasabi ko. Ang nasa isip ko lang
sundin ang puso ko at siya na ang magdidikta ng mga nais kong sabihin.
"I'm asking if you still love me what's with-" Hindi niya na natuloy ang
sasabihin niya ng tumayo ako at pumunta sa sofa para maupo. Naramdaman
kong sumunod siya sa akin kaya itinuloy ko na ang dapat kong sabihin sa
kanya.

"Mamili ka Cloud, anong gusto mong marinig ang katotohanan o ang


kasinungalingan?"

"That's a nonsense question Sky, of course I would choose the truth."


anito at tumayo siya at kinuha ang natira naming ulam. Natawa naman ako
ng kinain niya ito sa mismong lalagyan.

"Masarap ba ang luto ko sa caldereta?" natatawa kong tanong.

"Yeah, mas masarap pa siya sa gawa ni Mommy,wag mo lang akong isumbong at


tiyak magtatampo yun.Wait binabago mo ang topic Sky, I'm asking you if
you still love me?"diretso pa rin sa pagsubong saad niya.

"Yes Cloud, I'm still in love with you,hindi naman ganon kadaling
mawawala iyon e.Ang tagal, ang tagal kitang minahal kaya baka matagalan
din bago mawala yung nararamdaman ko para sa'yo." napatigil siya sa
pagsubo dahil sa sinabi ko.

Sumeryoso ang mukha niya at ibinaba ang kinakain niya.

"Then why?"

"Anong bakit?"

"Why are you giving me an advice to chase Charlotte?"

"What do you expect Cloud? Ang sabihin ko na you're better off without
her ganun ba?" napatahimik siya sa sinabi ko at umiwas ng tingin sa akin.
"You see Cloud, tanga na kung tanga. Martir na kung martir hindi ko
magagawang sabihin yon. Kung siya ang nagpapasaya sa'yo might as well
tell you to chase her. At kung itatanong mo kung bakit, hindi ko alam
kung ano isasagot ko sayo kasi ako mismo hindi ko maintindihan yong
sarili ko."

"Sky..." tawag niya sa pangalan ko.

"Magpapakaimpokrita ako kung sasabihin ko na wala akong inasahan sa'yo.


Because honestly, the moment I married you, nangarap ako. Nangarap akong
mahalin mo, alagaan mo at maging asawa mo panghabang-buhay. But then you
told me that friendship is all you can offer to me. Nagising ako Cloud,
narealized ko na dapat hanggang doon na lang yong feelings ko para
sa'yo." pinunasan ko ang luhang pumatak sa mga mata ko.

Katahimikan.

Iyan ang namayapa sa amin pagkatapos ng mahaba kong sinabi sa kanya.

"I'm sorry Sky, kung manhid ako dahil hindi ko narealized ng lubusan ang
feelings mo para sa akin.And I'm really sorry kung naging selfish ako-"

"Please stop." pag-awat ko sa ano pang sasabihin niya.

"Sky,"

"Please stop saying you're sorry for me, I don't need your pity.A t isa
pa wala ka namang kasalanan, but can I ask you a favor?" aniya ng
nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata.

"Anything."
"Starting now, forget about my confession to you. Kalimutan mo na sinabi
ko sa'yo na mahal kita, ipagpatuloy mo ang pagtrato mo sa akin bilang
isang kaibigan. In that way, mas magiging madali sa akin na magising sa
katotohanan na hanggang doon na lang talaga tayo." natigalgal siya sa
sinabi ko.

"You're ridiculous, how-how can I forget everything that you said to me?"

"That's all I'm asking for Cloud. Ang manatiling kaibigan mo, yon
lang.Deal?"

"D-deal." nagaalinlangan pa siya na sumang-ayon sa akin. Tumatawang


niyakap ko siya, naramdaman ko pa ang paninigas niya.

"Hoy, wag ka ngang ma-awkward diyan friends na tayo 'di ba?" niyakap niya
ako pabalik matapos kong magsalita. 

And then, we talked and laughed as if we'd been friends for a long time.
May parte pa din sa akin na nasasaktan dahil kinukwento niya sa akin ang
tungkol sa kanila ni Charlotte.Pero dahil 'friends' na nga kami,  umakto
akong parang wala lang sa akin yong mga yon.

Starting from this day , sasarilinin ko na lang lahat-lahat ng sakit. Ang


mahalaga makasama kita ng walang ilangan, mas mabuti na 'to kaysa naman
manatili kang cold sa akin. Masaya na ako kahit papaano.

* * * * * *

"SO hindi mo pa ba ikukwento sa akin ang nangyari sa inyo ng kapatid ko?"


napatigil ako mula sa pagtawa dahil sa joke na sinabi niya sa akin ng
dahil sa tanong niya. Nagugulat pa din talaga ako sa ugali ni Cloud. Nang
tinanong ko naman siya kung bakit parang nagbago siya. Ang sabi niya,
hindi naman daw siya nagbago pili lang daw talaga ang mga taong
nakakakilala sa tunay na siya. I always see Cloud just like a leading man
whose cold and often smiled just like in the story that I've read and
wrote. Siya pa nga ang ginagawa kong basehan ng characters kong cold and
mysterious effect ang datingan.Just to find out na hindi naman pala
talaga siya ganon.

"Hey, natahimik ka na diyan?" napatigil ako sa iniisip ko ng pinitik ni


Cloud ang noo ko.

"Nakakainis 'to may iniisip lang." hinampas ko siya sa inis ko.

"Kung anu-ano na naman yang iniisip mo andito na nga ako sa tabi mo."

Linsiyak ka talaga Cloud, ba't kung anu-ano lumalabas diyan sa bibig mo.

"Eww banat ba yon?" parang nandidiri kong sabi sa kanya na ikinatawa niya


naman.

"Let's be serious Sky, ano ba talagang nangyari sa inyo ni


Thunder?" seryoso niyang tanong.

"S-sinabi niyang mahal niya ako Cloud tapos umiyak siya at wala rin akong
nagawa kung hindi umiyak.." 

Ngumiti lang siya na siyang ikinapagtaka ko. May alam ba siya tungkol sa
feelings ni Thunder sa akin?

"At last, nagawa niya na ring sabihin sa'yo."

"You knew? Sinabi niya ba sa'yo?" nakakunot-noo kong tanong sa kanya.

"Nope, you see hindi niya na kailangang sabihin pa para malaman ko.
Kapatid ko siya at isa pa, the way he looks at you. Ganun ako tumingin
kay Charlotte. Full of love and sincerity."
Napabuntong-hininga ko sa sinabi niya. How can he noticed Thunder's
feelings for me? Bakit ako hindi ko napansin yun?..

Because you were busy looking at someone else.

"Then why did you marry me Cloud? If you knew all along na masasaktan si
Thundz kapag kinasal tayo dahil sa mahal niya ako." tanong ko sa kanya.

"Bukod sa ayokong mawala ang posisyon ko sa kompanya. Ginawa ko yun para


magtapat siya sa'yo, akala ko nga hindi matutuloy ang kasal natin. But
that brother of mine, ang tibay 'di talaga niya sinabi sa'yo ang
nararamdaman niya. Tell me bakit ka umiyak nung nalaman mo na mahal ka
niya? Nagsisisi ka ba na pinakasalan mo ako?" anito.

His question caught me off guard, nagsisisi nga ba akong pinakasalan ko


siya?

"I cried kasi nasaktan ako para sa kanya that all along sinasaktan ko
pala siya ng hindi ko alam. Bata pa lang kami wala ng ginawa si Thunder
kung hindi alagaan ako, kaya simula 'non pinangako ko na sa sarili ko na
hindi ko hahayaang m-masaktan siya. But the ironic part is, of all people
ako pa ang nakasakit sa kanya. Ako... at ang sama-sama ko kaya ngayon
hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan." hindi ko na napigilan at
napaiyak na ako.

"Hindi magugustuhan ni Thunder na makita kang umiiyak dahil sa kanya, so


stop crying Sky. Hindi ka masama tandaan mo yan, ikaw ang pinakaselfless
na taong nakilala ko." niyakap niya ako at inalo.

"H-hindi ako selfless Cloud. Selfish ako sarili ko lang ang iniisip ko.
You know why?"

"Ano bang sinasabi mo Sky?Bakit mo naman nasabing selfish ka?" Lumayo ako


sa kanya at tumingala. Pinagmasdan ko ang langit at hihikbi-hikbing
nagsalita.
"Dahil sa tanong mo I realized na ang selfish ko pala. Y-you asked me if
I regret marrying you.T-the answer is no Cloud, kaya feeling ko ang sama
ko. Because if ever nagtapat sa akin ng mas maaga si Thundz, still
papakasalan pa din kita and you know the reason why." hindi ko na siya
inantay magsalita at dali-daling tumayo para pumasok sa kwarto.

"Sky..." Hinawakan niya ang kamay ko marahil para pigilan akong umalis.

"I'm tired Cloud, gusto ko ng magpahinga matulog na tayo. May pasok ka pa


bukas right? Goodnight friend..." nakangiti kong sabi sa kanya.

* * * * * *

"HEY are you still awake?" saad ni Cloud habang nakahiga sa kamang


tinutulugan  namin. Yes, you read it right tabi kaming matulog. Hindi din
naman ako nag-aalala na may mangyaring milagro sa amin dahil alam ko
naman na hindi ako gusto ng asawa ko. Napatunayan ko 'yan ng una kaming
magtabi, actually parang di din kami magkatabi dahil may unan sa gitna
namin. Tinulugan lang ako ng loko ng first night namin, kinabahan to the
max pa naman ako. It's not like nageexpect ako ng something wag kayong
ano. And then ayon na, for two weeks tabi kaming matulog. Hindi naman ako
malikot matulog at ganun din siya kaya di talaga nagtatagpo ng landas ang
mga balat namin.

"It seems like you're asleep Sky. I just wanna say thank you for
everything. At wag mong isipin na selfish ka dahil lang sa hindi mo
mareturn ang feelings mo para sa kapatid ko. Hindi ka masama, nagkataon
nga lang na hindi natuturuan ang puso. Goodnight Sky." 

Narinig kong pinatay niya ang lamp sa nightstand na siyang nagsisilbing


ilaw namin.

Tama ka Cloud, hindi natuturuan ang puso kagaya ng hindi kita maturuang
mahalin ako.P ero salamat dahil kahit papaano gumaan ang nararamdaman ko
dahil sa sinabi mo.
KINABUKASAN

"Rise and Shine Sky, bumangon ka na diyan, tanghali na kaya." 

Nagising ako sa pagyugyog sa akin ng husband ko turned into my


friend.Mark my sarcasm. Naiinis kong minulat ang mata ko at sinamaan siya
ng tingin matapos makita ang oras sa nightstand ko.

"Really Cloud?! You woke me up when it's 9:30 am! Asan ang tanghali na
sinasabi mo at teka nga lang bakit ba nasa bahay ka pa?!" pasigaw kong
sabi sa kanya.

"Hey calm down. Hindi natuloy ang pamamasyal natin kahapon kaya nagleave
muna ko today para naman makagala tayo ako.Magfi-friendly date tayo,"
nakangiti nitong sabi sabay pisil sa pisngi ko.

Kikiligin na sana ko e, siningit mo pa yung friendly date kuno mo! Argh


diba pwedeng date na lang!

Choosy ka pa at least may date kayo kaysa naman sa wala.

Napailing na lang ako sa tinatakbo ng isip ko.

"Bumangon ka na diyan at sa baba na ko maliligo. Maligo ka na din para sa


labas na din tayo mag-agahan." tuloy-tuloy na sabi nito sabay labas ng
kwarto.

Napabuntong-hininga na lang ako at uunat-unat na dumiretso sa banyo. No


more thinking too much, ieenjoy ko na lang ang araw na ito.

******
NAKAILANG palit na ako ng damit pero wala pa rin akong makitang babagay
sa akin. Kung hindi overdress ang napipili ko ang daring naman nung iba.
Halos ngayon ko lang nakalkal ang closet ko dahil nga hindi naman ako
palalabas, so pambahay lang ang lagi kong suot. Nakailang katok na si
Cloud sa akin at alam ko na naiinis na siya sa sobrang tagal ko. So in
the end, I chose to wear yellow polo shirt and shorts. Nagrubber-shoes na
lang din ako. Nilugay ko lang ang buhok ko at tanging pulbos at lipgloss
ang inapply ko sa mukha ko. Nagmamadali na kong bumaba dahil busina na ng
busina ang asawa ko.

"Finally,akala ko aabutin na tayo ng gabi dito sa bahay sa sobrang tagal


mo." 

Nagsusuot ako ng seatbelt habang si Cloud simangot na simangot habang


nagsesermon sa akin. Mukhang tama naman ang naisuot ko dahil katulad ko
simple lang din ang attire ni Cloud. Nakapolo shirt din siya katulad ko
at naka-khaki pants. Simple pero ang hot niya pa din tignan.

So much for praising him Skyleigh, get a grip...

Nagsasabi lang ako ng totoo, hindi ko siya pinupuri ang hot niya talaga.

"Nakikinig ka pa ba sa sinasabi ko ha Sky?" 

Napatigil ako sa pakikipagdebate ko sa isip ko ng narinig ko ang naiinis


na boses ni Cloud.

"Hehe sorry na kung natagalan ako, nahirapan lang akong mamili ng isusuot
ko." napahawak ako sa bibig ko. Damn, baka sabihin niya nageeffort akong
magpaganda para sa kanya.

"Wala pa din naman magbabago sa'yo kahit anong isuot mo-" pinutol ko ang
sasabihin niya.

"At anong ibig mong sabihin Mr.Monteciara na panget ako kahit anong isuot
ko?" nakataas ang kilay kong sabi.
"Wala akong sinabi Sky na panget ka 'di mo pa kasi ako pinapatapos
magsalita. Ang sasabihin ko pa naman maganda ka kahit anong isuot mo at
'di na yon magbabago." Natahimik ako sa sinabi niya at naramdaman ko ang
pamumula ng pisngi ko.

Darn you Monteciara, for making me blush like a teenager!

"Really Sky? I thought sanay ka ng purihin pero kung mamula ka diyan


parang ngayon lang may nagsabing maganda ka." Tumatawa nitong sabi habang
saglit na sumulyap sa akin at ipinagpatuloy na ang pagmamaneho.

"Shut up Cloud, naiinitan lang ako." 

Nilakasan ko ang aircon sa kotse pagkasabi ko 'non. "If you say so


Sky." pakanta pa nitong sabi. Nang-aasar talaga ang loko.

"Saan ba tayo pupunta?" pagbabago ko na lang ng paksa.

"Hmmm, first dadaan muna tayo ng office. My secretary called me.


Apparently, may kailangan akong pirmahan na papeles."

"You should have told me earlier,tignan mo naman ang suot ko?" naiinis


kong sabi sa kanya. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao doon na
napakalame ng fashion sense ng asawa ng boss nila?

"Look there's nothing wrong with your attire, halos parehas lang naman
tayo ng suot so nothing to worry about." napanatag naman ako sa sinabi
niya.

"And one more thing,you look gorgeous with your simple clothes. Nice legs
you have there Mrs.Monteciara..." sabay tawa nito ng malakas.
Siniringan ko siya at pinagtuunan na lang ng pansin ang tanawin sa labas
ng kotse.

You're really making me crazy Cloud...

* * * * * *

BAWAT madaanan namin papunta sa office ni Cloud binabati kami ng


nakangiti at naririnig ko pa ang bulungan nila at hindi ko maiwasang
mamula at mailang.

"Yan na ba yung asawa ni Sir.Cloud grabe ang ganda niya pala sa


personal."

"Artista ba siya? In fairness bagay na bagay sila ni Sir."

"Hey man kaya pala maagang nagpatali si Sir e, alam na hahahaha."

"Don't mind them." bulong ni Cloud habang nakaakbay sa akin.

Sa wakas after 11220131093 years, too much exaggeration alam ko. Pero
nasa top floor kasi ang opis ni Cloud tapos napakalawak pa ng lobby nila
kaya exposure talaga ako. And I hate crowds, it makes me feel nervous
kaya nga mas pinili ko ang propesyon na writer dahil nasa bahay lang ako.
Kung may fan meeting naman hindi rin ako nagpapakita, pumipirma lang ako
ng libro. I know napakaboring ng buhay ko.

"Hey maupo ka muna sa sofa, may drinks diyan sa ref kung nauuhaw ka,
saglit lang naman ang pipirmahan ko." 

naupo na ko sa sofa habang siya ay nagmamadaling dumiretso sa lamesa


niya.
Manly ang office ni Cloud,black and white ang interior. May cabinet din
siyang punong-puno ng awards marahil ng mga artista at shows na ginagawa
ng company nila. May isang part na puro pictures ng babae at lalaki.
Parang mga diyosa na naggagandahan at mga adonis na mga naggagwapuhan. I
guess sila ang mga talents ng MEC. Isang artista lang naman ang nakilala
ko sa larawan 'e, siyempre si Charlotte dahil nga hindi naman ako
nanonood ng telebisyon. At isa pa siya ang may pinakamalaking larawan,
indikasyon marahil na siya talaga ang nangungunang talents nila.

"Hey, Let's go." nagulat ako ng matapos na kaagad si Cloud. Akala ko


matatagalan pa siya,

"Ang bilis mo naman."

"Yeah, ilang papeles lang naman ang pinirmahan ko."anito. Tatango-tango


naman akong tumayo.

"So what can you say about my office?" tanong nito sa akin habang nasa
elevator na kami.

"Hmmm, it's nice ang gaganda at gwapo pala ng mga talents niyo.
Naeengganyo na tuloy akong manood ng television." biro ko dito.

"Yeah you should try to watch television, ikaw lang 'ata ang kilala kong
writer na hindi nanonood ng tv." pang-aasar nito.

"It's not my thing kasi e, once nagtry akong manood ng tv at ayon


nakatulog lang ako. Ewan ko ba napakaboring ko talaga. Mukhang si
Charlotte talaga ang pinakasikat niyong talents ah?"

"How did you say so that Charlotte is the famous star of our company?"

"Well kung pagbabasehan ko lang naman ang picture niyang pagkalaki-laki


sa opis mo masasabi kong sikat talaga siya." paliwanag ko.
"Actually kahit naman hindi siya ang pinakasikat, siya pa din ang may
pinakamalaking spot 'don. 'Coz whenever I'm so fed up with my work,
titignan ko lang ang litrato niya doon. Corny man pakinggan, nawawala ang
pagod ko. Maybe it's because the way she smile at that picture it makes
me relax. Sabi ko pa nga noon sa kanya, I could last a day just by
looking at her picture." bakas ang pagmamahal sa mata na saad nito.

Naisip ko tuloy na napakaswerte ni Charlotte na kahit na sinaktan niya si


Cloud, still hindi pa din nawala o nabawasan man lang ang pagmamahal ng
huli.

"My gosh I can't believe na si Cloud Rendrex Monteciara ay may side pala
ng pagiging cheesy."nagpanggap pa akong kinikilabutan sa mga sinabi niya.
Tinawanan lang naman ako nito.

Sige lang Sky ganyan nga idaan mo na lang sa biro kapag nasasaktan ka,
wag mong ipakita sa kanya na apektado ka sa bawat sinasabi niya tungkol
kay Charlotte ...Martir at tanga ka 'di ba panindigan mo 'yan...

TBC

=================

AWS CHAPTER 19

Chapter 19

"So where do you want to eat?" kasalukuyan kaming nasa mall ngayon ni
Cloud, umpisa na ng friendly date  namin. At nakakainis lang dahil ang
daming babae na kung tumingin sa asawa ko akala mo ngayon lang nakakita
ng tao. I mean gwapong lalaki.

"Hey, ano na saan na tayo kakain?" naiinip na tanong ulit sa akin ni


Cloud. Di ko na lang pinansin ang mga mahaderang babaeng kung makatingin
ay wagas. Naghanap na lang ako at kuminang ang mga mata ko ng nakita ko
ang favorite fast food chain ko.
Sa Jollibee bida ang saya!

"There, diyan tayo kakain." itinuro ko kay Cloud ang Jollibee at nakita
ko ang pagsimangot nito.

"No way, andami daming restaurants dito sa mall, mamili ka na lang ng iba


wag lang diyan!" iritang sabi nito.

"Pero gusto ko diyan, favorite ko yan dahil diyan ako laging dinadala ni
Mommy at Daddy nung bata pa ako. Jollibee reminds me of my happy memories
with them. Pero kung ayaw mo talaga diyan edi okay, ikaw na lang ang
mamili ng kakainan natin." nangongosensya kong saad sa kanya. 

Take note, with matching puppy eyes pa ang drama ko. Wala pang nakahindi
sa paawa effect ko at hindi exception si Cloud dito. So, andito ako sa
silya sa loob ng jollibee, sitting pretty habang ang asawa ko umo-order
sa counter.

"Hi miss may kasama ka ba? Pwede ba akong maki-share?" natigil ako sa


pagtitig kay Cloud na halata sa mukha ang inis (dahil sa mahaba nga ang
pila), ng may lalaking lumapit sa akin para 'maki-share' daw ng upuan
where in fact, ang dami pa namang bakante.

"Sorry ah, may kasama ako eh." bahagya akong nakangiting saad sa kanya.
Napakamot naman ito sa ulo at lulugo-lugong umalis sa harap ko.

Sorry na lang siya my heart is taken although my relationship is


complicated. Parang sa facebook lang.

"Nawala lang ako saglit, may pumuporma na sa'yo kaagad." 

Hindi ko namalayan na nakalapit na sa akin si Cloud. May kasunod siyang


crew at nabigla naman ako sa mga inorder niya. The hell, hindi niya ba
alam na dalawa lang kami at ang inorder niya pangsampung bibig 'ata.
Kinailangan pa ngang tatlohin ang mesa namin dahil sa dami ng binili
niya. Pinagtitinginan kami, nakakahiya ano na lang iisipin ng tao na
miyembro ko ng samahang PG.

"What the hell Cloud, ba't ang dami mong inorder?!"

"I don't know kung anong gusto mo. I forgot to ask and I am too lazy para
puntahan ka. Anyway, mabuti naman at pinaalis mo yung nang-aaswang
sa'yo."

"Tinamad? e pwede mo naman akong senyasan para lumapit sa'yo. At nang-


aaswang? What the- saan mo nahugot ang salitang iyon?" kinuha ko ang
burger at kinagatan ito. Napapikit ako pagkasubo ko, I really like this
yum burger.

"Tss, kumain ka na lang imbes na magreklamo. And I heard that word from
one of my friend tuwing nagseselos siya sa lumalapit sa girlfriend
niya." napadilat ako at nahirinan dahil sa sinabi ni Cloud. Inabot niya
naman ang soft drinks at agad ko itong ininom.

"What the?! So you m-mean nagseselos ka din sa nakita mo kanina?" hindi


muna ito nagsalita dahil focus siya sa spaghetti na kinakain niya.
Kunwari pa na ayaw sa jollibee, halata namang nasasarapan din. 

Nag-umpisang lumakas ang kabog ng puso ko habang inaantay ko ang


sasabihin niya.

"Of course, I'm jealous. Rule number 1 Sky when you are with me," Tumigil
ito sa pagkain at tumingin sa kanya.  "...nasa akin lang dapat ang
atensyon mo ayoko ng kahati unless sila Thunder at Mama iyon. At kung
magtatanong ka kung bakit. Well, just so you know possessive ako sa
malalapit sa buhay ko katulad mo. Especially now that I consider you as
my close friend." sumubo ulit ito at gusto kong isalaksak sa bunganga
niya yung gamit niyang fork. Bakit ba friend siya ng friend?! Samantalang
nung sinugod niya ako sa ospital may pa wife-wife pa siyang nalalaman.

Ako lang ata ang wife na na-friendzone ng husband niya.


Inis ko na lang na pinagpatuloy ang pagkain ko at hindi na siya pinansin
pa.

* * & * *

"KANINA ka pa tahimik diyan may problema ba?" tanong sa akin ng 'friend'


ko. Kung itatanong niyo kung naubos namin yung pagkain na inorder niya.
Siyempre tumataginting na hindi ang sagot ko, kaya ipinabalot na lang ni
Cloud ang natira at inutusan ang crew na ipamigay sa pulubi. Oh, di ba
good samaritan ang 'friend' ko.

"Hey Sky, I'm talking to you. Baka naman gusto mo akong pansinin." anito
pero hindi ko pa din siya pinansin at nagpanggap akong busy sa pagtingin
sa mga nadadaanan naming tindahan.

"Kapag hindi ka nagsalita..." muli nitong saad pero hindi ko pa rin ito
nilingon. 

Ano hahalikan mo ko?! Go! dahil wala akong balak magsalita.. Sa isip-isip
ko ng ibinitin nito ang sasabihin.

"...Ipagsisigawan ko dito sa mall na nung grade 4 ka naihi ka sa short-


hmmmmmpp." bago niya pa matapos ang sasabihin niya. Tinakpan ko na ang
bibig niya.

Nakakahiya paano niya nalaman ang embarrassing moment ko?!

When I was in grade 4 during our field trip dahil nga sa mahiyain ako (!)
Nahiya akong magpaalam sa teacher ko na naiihi na ako at wala namang cr
sa bus. So ang resulta, naihi ako sa short ko. And that is my most
embarrassing moment of my life.

"Hahahahahahahahahaha!" pinakawalan ko na din siya dahil nangako siya na


hindi niya na itutuloy ang sasabihin niya pero ang loko tumawa ng wagas.
Ang dami tuloy nakatingin sa amin, siniko ko siya at nang mapansin niyang
may nagpipicture sa kanya.

Biglang sumeryoso ang mukha nito mula sa pagtawa at napansin ko rin ang
pamumula ng tenga nito kaya naman alam kong nahihiya ang kasama ko lalo
pa ng bilisan niton ang paglalakad. Kaya naman hindi ko na napigilan ang
sarili ko at natawa na ako. Tila nakalimutan ko na ang balak kong huwag
pansinin ang asawa ko.

"Oh my gosh! Are you shy?!"

"Manahimik ka diyan Skyleigh kung ayaw mong-"

Agad naman akong naptigil sa pagtawa sa takot na sabihin na naman ni


Cloud ang nakakahiyang pangyayari sa akin. "Enough, please lang wag na
nating pag-usapan yun, nagsalita na ako di ba move-on na tayo okay!?"
hinihingal kong saad sa kanya na dulot ng sobrang bilis kong pananalita.

 I swear kapag okay na kami ni Thunder sasakalin ko siya dahil alam ko na


siya lang ang nagkwento kay Cloud ng kahihiyan ko.

Tumawa ito. At sa wakas binago niya na ang paksa ng usapan namin.

"Hm, so anong gagawin natin ngayon, you wanna watch some movies?" anito.

Umiling ako, di ko talaga trip manood ng palabas.

"So anong gagawin natin, arcades perhaps?" napahinto ito sa paglalakad ng


tumigil ako sa harap ng Toy Kingdom at nakangiti ko siyang hinarap.

"Can we buy some toys?"


"Ha? Para kanino 'di pa naman pasko, don't tell me para sa'yo?" nakataas-
kilay nitong tanong sa akin.

"Hindi, may pagbibigyan lang ako pero kung gusto mong mag-arcade okay
lang, antayin na lang kita dito."

"And what- ang magmukhang tanga sa loob ng arcade dahil mag-isa lang ako,
no freaking way. Let's go mabuti pang samahan na lang kita. After all,
date natin ito at ikaw ang masusunod." anito habang hinawakan ang kamay
ko papasok. Hindi ko naman maiwasang kiligin sa paghawak nito sa kamay
ko. 

* * & * *

"WHY don't you buy it?"  nabaling sa akin ang tingin ni Cloud mula sa
pagkakatingin sa malaking teddy bear stuff toy na nakadisplay.

"Nakakuha ka na ba ng cart?" anito.

Tinuro ko sa kanya ang cart na nasa tabi ko. Iniwan ko kasi siya saglit
para kumuha ng cart, nagtaka pa nga siya kung bakit kailangan ko nito.
Ang sabi ko na lang, marami akong bibilhin.

"Then, let's go. Ano bang toys ang bibilhin mo?"

 Hindi ko naman pinansin ang tanong niya at hinawakan ang teddy bear na
tinitignan niya kanina. Life size bear ito na color pink, at ang cute
cute nito.

"Bakit kung makatitig ka dito kanina parang natulala ka?" tanong ko sa


kanya habang nakangiting hinahaplos ang bear.
"Naalala ko lang si Charlotte, she likes teddy bears. Tuwang-tuwa siya
kapag may nagbibigay sa kanya ng bear." nakangiti nitong sabi na para
bang may naalalang nakapagpasaya sa kanya.

Sana kasi hindi ka na lang nagtanong Sky..

"E di bilhin mo 'to tapos ipadala mo sa kanya." pag-uudyok ko sa kanya.

Hay naku Sky pinanindigan mo na talaga ang pagiging martyr mo, at nakuha
mo pang udyukan si Cloud na regaluhan si Charlotte.

"Nah, tsaka na pag okay na kami but thank you for your
suggestion." Ngumiti na lang ako sa kanya kahit parang may tumutusok na
karayom sa puso ko. Gusto ko sanang tanungin kung kelan siya makikipag-
ayos kay Charlotte. Pero pinigilan ko ang sarili ko, dahil alam ko naman
na hindi ko magugustuhan ang isasagot niya.

Siya na ang nagtulak ng cart at sumunod ako sa kanya. Iwinaksi ko na lang


sa isipan ko ang nangyari at pilit nagfocus sa mga bibilin kong laruan.

"Saan mo ba talaga ito ibibigay at bakit napakadami?" wika ni Cloud.

Doon ko lang napansin na umaapaw na pala ang cart na pinaglalagyan ko ng


laruan. Masyado kasi akong natuwa sa mga bagong labas na laruan, di ko na
nga pinansin ang mga presyo. Ang mahalaga naman kasi sa akin mapangiti ko
ang mga mapagbibigyan nito.

"Ibibigay ko iyan sa mga bata sa bahay-ampunan." napangiti ito sa sinabi


ko.

"Wow, ngayon ko mas napatunayan na napakabait mo talaga. So saang ampunan


mo ba ito ibibigay?"
"Tss, pag nagdonate sa ampunan mabait na?" biro ko sa kanya na tinawanan
lang naman nito. "Anyway, sa Archangels Orphanage ko yan ibibigay
nakilala ko sila dahil kay Mama at Thunder." pagpapatuloy ko.

"Ah yeah, I remember sila ang isa sa orphanage na tinutulungan ng


foundation namin."

"Nakapunta ka na ba doon?" pagtatanong ko dito habang nagtutulungan


kaming ilagay sa counter ang mga pinamili ko.

"Nope, natataon kasi na busy ako sa tuwing pumupunta kayo doon nila Mama
and hindi ko na rin naisisingit sa schedule ko ang pagpunta." napatango
naman ako sa sagot niya.

"Welcome naman siguro ako doon 'di ba?" natawa naman ako sa tanong niya.

Hinarap ko ito at nginitian. "Of course ano bang klaseng tanong yan?


Lahat naman welcome na pumunta doon eh. Bakit mo ba naitanong?" saad ko
matapos kong mailagay ang huling laruan.

"Well dadalhin mo sa kanila yan 'di ba? So, samahan na kita. Maaga pa
naman at hindi naman malayo yon as far as I know, so ano sa tingin
mo?" Natuwa naman ako sa sinabi niya kaya masaya akong tumango sa kanya.

"Ma'am, cash or credit po?"

"Credit." hinawakan ko naman ang kamay ni Cloud ng akma niyang ia-abot


ang credit card niya sa cashier.

"C'mon Sky it's my first time na dadalawin ko sila kaya dapat ako na ang
sumagot nito. At isa pa, hindi ko hahayaan na ikaw ang magbayad nito para
saan pa at naging asawa mo 'ko." napabitaw ako sa kamay niya.at
namumulang iniwas ang tingin ko sa kanya.
Finally, sinabi mo na ulit na asawa mo 'ko akala ko kaibigan na naman eh.

Lihim akong napangiti dahil sa bulong ng isip ko.

Pero magmove-on ka na Sky, sinabi niya lang iyon but it doesn't mean na


may ibang kahulugan iyon. Asawa ka niya sa PAPEL at BATAS, keep that in
your mind..

Agad naman naglaho ang ngiti sa aking mga labi. Bakit ba ang salitang
'pero' ang laging nakakasira sa tuwa ng isang tao? Tipong ngingiti na
sana ako pero ayan na naman ang salitang 'pero'.

TBC

=================

AWS CHAPTER 20

Chapter 20

TUWANG-tuwa kong pinagmamasdan ang mga batang bakas ang kasiyahan sa mga
mukha dahil sa mga laruang dala namin ni Cloud. Isang oras na rin ang
lumipas makaraang makadating kami sa Archangels Orphanage. Maluwag naman
na tinanggap si Cloud, hiyang-hiya pa nga siya dahil sa walang sawang
pasasalamat sa kanya ng mga tao dito.

"You really like them huh?" tukoy ni Cloud sa mga bata sa ampunan.Tumango


naman ako sa tanong niya.

"Hindi ko lang sila gusto, napamahal na rin sila sa akin. Nakikita ko


kasi 'yung sarili ko sa kanila 'nung bata pa ako, noong mga panahong
hindi ko pa lubos maintindihan kung bakit sa isang iglap nawala sakin
sila Mommy at Daddy." saad ko habang muling pinagmasdan ang mga bata.
Nang hindi na ito sumagot ay nilingon ko ito.
Bakas naman ang pakikisimpatya sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Hinampas
ko siya ng pabiro dahil sa ekspresyon ng mukha niya. Ayoko talaga ng
kinaaawaan ako dahil sa maagang nawala 'yung magulang ko.

"Wag mo nga 'kong tignan ng ganyan, swerte pa din naman ako dahil nawala
man sila Mommy. Inalagaan, minahal at tinuring akong parang anak ni
Titamoms at ng parents mo. Tapos nagkaroon ng kapatid sa katauhan naman
ni Thunder.." nakangiti kong saad sa kanya.

"Eh ako?"

"Ha? Anong ikaw?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

"Anong naging role ko sa buhay mo?" napaisip ako sa sinabi ni Cloud. Ano


nga bang role niya sa buhay ko?

Ikaw ang naging inspirasyon ko Cloud sa lahat ng bagay na ginagawa ko, sa


bawat sinusulat ko, sa bawat pagtugtog at pag-awit ko. Ikaw ang nasa isip
ko, kung hindi dahil sa'yo hindi ko mararanasan ang magmahal.
Nakakalungkot nga lang na sa'yo ko rin una naramdaman ang sakit at
kabiguan sa pag-ibig.

'Yan ang gusto kong sabihin sa kanya pero siyempre hindi ko sinabi.
Ayokong gumawa o magsalita ng mga bagay na maglalagay ng pader sa pagitan
naming dalawa.

"Oy ano, ganun ba talaga kahirap isipin ang role ko sa buhay


mo?" napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang nagrereklamong boses ni
Cloud.

"Oo eh, come to think of it mula bata ako, bilang lang sa daliri ang
interaction nating dalawa."

"Tss forget about the past, eh ngayon ano ng role ko sa'yo?" parang bata
na inaantay niya ang sasabihin ko.
Asawa ko yun ang role mo ba't di mo alam..

Sa papel mo lang siya asawa Sky alalahanin mo..

Mga bulong ng kabilang bahagi ng isip ko.

"Hmmmmm, ano nga ba?" umakto akong parang malalim na nag-iisip habang
inilagay ko pa ang hintuturo ko sa sentido ko.

"Ah alam ko na..." pabitin ko sa kanya at attentive naman siyang nakinig


sa sasabihin ko.

"Ano na?" atat nitong sabi na ikinatawa ko.

"Ano pa nga ba e di kaibigang matakaw at napakakulit samahan pa ng


pagiging cheesy." mas lalo akong natawa ng makita ang nainis niyang
mukha.

"Okay na sana yung kaibigan eh pero..." nararamdaman kong may binabalak


siyang masama kaya naman tumayo ako mula sa pagkakaupo at dahan-dahan na
umatras palayo sa kanya.

"Yung matakaw, makulit at cheesy hmmmm mukhang hindi nagustuhan ng tenga


ko Sky." nagtaka ko ng palapitin niya ang mga bata na busy sa paglalaro.

"Kids, nagustuhan niyo ba ang toys na dala ko?"

Naghiyawan naman ang mga bata na siyang nakapagpangiti sa akin.


"Then, may hihingin na favor si Kuya Cloud sa inyo." tinignan niya ako na
siyang nakapagpapalis ng ngiti ko lalo pa ng itinuro ako nito sa mga
bata.

 Mukhang alam ko na ang papagawa ng lokong asawa ko. Kaya naman nagbilang
ako sa isip ko ng hanggang tatlo sabay mabilis akong tumakbo.

"OPERATION: KILITIIN SI ATE SKY." narinig kong sigaw ni Cloud at takbuhan


naman ang mga bata papunta  sa akin.

Tumatawa kong ipinagpatuloy ang pagtakbo, 'di ko alintana kung madapa ako
o magulo man ang buhok ko.

This is the best day ever and I'll forever treasure it in my


heart...Thank you Cloud for making me realized na hindi mali na minahal
kita at mahal pa din kita... Sana manatili tayong ganito panghabang-
buhay...

* * & * *

TIME flies so fast, isang buwan na ang lumipas mula ng maging magkaibigan
kami ng asawa ko. Kung tatanungin niyo ako kung anong nangyari sa
nakaraang buwan. Wala naman masyado, siguro mas naging close kami ni
Cloud at mas madami na akong memories kasama siya.

As for Charlotte, hindi pa sila nakakapag-usap,ayon kay Cloud nag-iipon


pa din daw siya ng lakas ng loob para kausapin si Charlotte. Siyempre,
ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ako natuwa na hindi pa sila
nagkakaayos, masaya ako dahil wala pa akong kaagaw sa atensyon ni Cloud.

As for Thunder, hindi ko pa din siya nakakausap pero umaasa ako na makita
ko na ulit siya lalo pa ngayong birthday ko.

You read it right, it's my birthday today pero ang makakasama ko lang
mag-celebrate ay ang parents ni Cloud. Si TitaMoms kasi dalawang linggo
na mula ng lumipad ng Cebu, ang dati kong tahanan  na siyang ikipinagtaka
ko. Tumawag naman siya at binati ako, hindi daw siya makakapunta dahil
daw sa inaasikaso niya ang negosyo namin. And lastly si Cloud, hindi din
siya makakarating ngayon dahil may inattenan siyang seminar sa U.S. Pero
sinabi niya naman na hahabol siya, sa bahay na nga lang daw namin kami
mag-dinner at may surprise siya sa akin. Ewan ko ba dun this past few
days, ang saya-saya niya pero wala naman siyang sinasabi sa akin pag
pinapansin ko ang mood niya.

And well,kung tatanungin niyo ako kung nakamove-on na ako. Siyempre


tumataginting na hindi, pero ang manhid kong asawa nag-assume na wala na
daw akong feelings sa kanya. At siyempre sinang-ayunan ko siya dahil alam
ko naman na 'yun ang makakapagpaluwag ng kalooban niya. Naalala ko pa ang
pinag-usapan namin 'nun...

-*-

"Siguro naman nakamove-on ka na sa akin Sky?" 

Out of nowhere nagsalita si Cloud, nanonood siya ng TV habang ako naman


ay nagta-type sa laptop ko.

"A-ano ba yang sinasabi mo?" uutal-utal kong tanong sa kanya.

"Bakit hindi pa ba, sabi kasi sa nabasa kong libro kapag ang babae
nakamove-on na sa dati nilang mahal kaya na nilang maging close dun sa
lalaking minahal nila." Diretsong sabi nito sa akin.

"I didn't know that you're capable of reading that kind of book, akala ko
puro business books lang ang binabasa mo. At bakit mo naman naisipan
magbasa ng ganun?" ipinagpatuloy ko na lang ang pagta-type kahit na wala
na ang atensyon ko dito at inantay siyang sumagot.

"Wala lang, nacurious lang ako." pagkibit-balikat nito sa tanong ko.

"So tell me, nakamove-on ka na ba Sky?" tinaasan ko siya ng kilay ng


ulitin niya ang tanong niya kanina. 
Akala ko ba nagkaintindihan na kami na kakalimutan niya na ang mga sinabi
ko sa kanya?Ano na naman to Monteciara?

"Remember our deal Cloud but then para matahimik na yang kaluluwa mo OO
NAKAMOVE-ON NA AKO." napangiti siya pero kagyat niya itong binura ng
lingunin ko siya. Halata naman na masaya siya sa sagot ko, pero
nagsinungaling ako. It's not what my heart want to say but then my mind
tells me that it's a good thing that I lied. Dahil mas makakabuti ito
para sa amin.

-*-

"Hey, mananatili ka na lang ba diyan na nakatayo at hindi papasok sa


loob?"napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ng isa sa
mahalaga sa buhay ko at siyang gustong-gusto kong makita ngayong kaarawan
ko. Liningon ko siya, and there I saw my best friend Thunder, in front of
me looking so handsome with his new haircut. Napansin ko ding mas lumaki
ang katawan niya, mukhang nagbabad sa gym ang isang ito.

"So, wala man lang ba akong yakap mula sa best friend ko?" minuwestro
niya ang mga kamay niya at inaantay na yakapin ko siya. Walang pag-
aalinlangan na tinawid ko ang kakarampot na distansya naming dalawa at
niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko na nga maiwasan na maluha habang yakap
ko siya.

"Woah, mukhang miss na miss ako ng baby Skyz ko ah." tumatawa nitong sabi
habang niyayakap din ako pabalik.

"I-ikaw kasi eh...hindi ka na talaga nagparamdam..." humihikbi kong sabi


habang hinahampas siya sa dibdib makaraang maghiwalay kami sa
pagkakayakap sa isa't-isa.

"Tss, sorry na ikaw kasi may pa space-space ka pang nalalaman tas iiyakan
mo 'ko diyan." sinamaan ko naman siya ng tingin sa sinabi niya.

"Pinanindigan mo naman masyado, sana man lang one week lang nagparamdam
ka na agad." ani ko.
"Ayoko nga, nagpapabebe ako eh," pabakla nitong sabi na ikinatawa ko
naman ng malakas. I guess my best friend Thundz is back, together with
his comical attitude. Ang gandang regalo nito para sa birthday ko.

* * & * *

"SO kumusta naman kayong mag-asawa hija?" tanong ni Papa kaya napatigil


ako sa pagsubo sa pasta na specialty ni Mama na isa sa inihanda niya
ngayong kaarawan ko.

Nandito kami  sa  WinterRain restaurant na iniregalo ni Papa kay Mama


during their wedding anniversary na siyang ikinatuwa naman ng huli.
Magaling na cook si Mama, kaya hindi na nakapagtataka na dinadayo itong
restaurant nila.

"Hmmm okay naman po kami." nakangiti kong saad sa kanila. 

I chose the safest answer, alangan naman sabihin ko na masaya po kahit na


nga na-friendzone po ako ng isa sa unico hijo niyo. Ipinagpatuloy ko na
lang ang pagkain para magkaroon ako ng excuse na hindi ko na kailanganin
pa na i-elaborate pa ang sinabi ko.

"Magkakaapo na ba ako?" nasamid ako sa pag-inom sa juice ng marinig ko


ang excited na boses ni Mama. Hinimas naman ni Thundz (na siyang katabi
ko) ang likod ko para aluin ako.

"Ma ano ba yang tanong niyo? Sa kanila na lang ni Cloud 'yan." inis ang
boses na saad ni Thunder. Nahihiya din ako sa kanya at kailangan niya
pang marinig ang usapan na ganito. Hindi ko alam kung nakamove-on na sa
akin si Thundz pero hindi pa din maalis sa akin na mag-aalala tungkol sa
nararamdaman niya ngayon.

"Hmp, nagtatanong lang naman ako why do you have talk to me like that.
Inaaway ako ng baby natin Asul, huhuhu." umarteng parang bata si Mama na
ikinatawa naman namin ni Papa.
Medyo childish si Mama pero she knows naman how to be serious kung
kinakailangan. Kaya nga mahal na mahal namin siya eh. Mas lalo akong
natawa ng makita ko si Thundz na namumula ang tenga. I guess dahil sa
pagtawag pa din sa kanya ni Mama ng baby kaya nahihiya panigurado ito.
Napuno ng halakhakan at kumustahan ang salu-salo namin, sayang nga lang
at hindi kami kumpleto dahil wala sila TitaMoms at Cloud.

"Happy birthday again Sky at sana soon magkaapo na ako hihihi." namula


naman ako sa sinabi ni Mama at the same time nalungkot. Imposible naman
kasi ang iniisip niya na magkaapo sa akin, pwede pa kung anak ni
Charlotte. Nagpasalamat at nagpaalam na ako sa kanila ni Papa at pumasok
na sa kotse kung saan naghihintay si Thundz na nagprisintang ihahatid ako
sa bahay dahil sa nagtaxi lang ako papunta dito.

* * & * *

"NAGUSTUHAN mo ba ang regalo namin nila Mama, Skyz?" nakangiti akong


bumaling at tumango kay Thundz na diretso ang tingin sa daan gawa ng
pagmamaneho.

"Yeah,as always kahit naman ano atang regalo ang ibigay niyo sa akin
magugustuhan ko pa din."ani ko.

Isang complete set ng alahas ang niregalo ni Mama, nahiya nga akong
tanggapin dahil halata naman na napakamahal pero ayoko din naman tumanggi
dahil baka magtampo ito sa akin. Si Papa Winter, trip to Europe ang
iniregalo sa akin, isama ko daw si Cloud at mag-unwind kami. I doubt kung
magagamit ko 'to sa sobrang busy ni Cloud. As for Thundz naman, limited
collection book ng favorite author ko ang iniregalo sa akin at wag ka,
may pirma pa. Nung binigay niya sa akin yun napatalon talaga ako sa tuwa.

"Ano nga palang ginawa for the past one month na hindi ka nagparamdam sa
akin?" tanong ko dito.

Saglit itong sumulyap sa akin at nagsalita.


"Well, the usual nagfocus ako sa pagmamanage sa hotel, wala namang bago.
Ah, come to think of it, there's this girl that I've met-" hindi niya na
naituloy ang sasabihin niya ng tumili ako.

"Quiet Sky, baka gusto mong patapusin ang sasabihin ko?" naiiritang sabi
nito habang napahawak pa sa tenga niya marahil dahil sa tili ko.

"Sorry naman , excited lang naman akong marinig kung may love life ka na
eh." nakalabi kong sabi.

"Meron naman akong love life, unrequited nga lang." bulong nito na umabot
sa pandinig ko dahil sa hindi naman kami kalayo sa isa't-isa.

"Thundz.." nasabi ko na lang at nakokonsensya na pinagmasdan siya.

"Tsk, sabi ko naman sa'yo 'di ba hayaan mo na lang ako sa nararamdaman


ko. Wag ka ngang tumingin sa akin na parang napakalaki ng kasalanan mo."

"Hay magbest friend nga tayo." nasabi ko na lang, halos parehas kasi kami
ng sitwasyon. Nagmahal ng taong itinuturing lang kaming kaibigan.

"Akala ko ba okay na kayo ni Cloud, may problema ba?" napamulagat naman


ako sa sinabi niya at todo-iling na hinarap siya.

"W-wala ah okay lang kami. We're getting to know each other.."

Bakit ba napakasinungaling ko na maging sa best friend hindi ko magawang


magsabi ng totoo.

Pero okay naman talaga kami ni Cloud 'di ba?


"So ikwento mo na nga sa akin yung babaeng nakilala mo." pagbabago ko ng
paksa na ikinailing naman niya.

Napansin niya siguro na umiiwas ako sa tanong niya kaya nakisama na lang
siya at kinuwento yung babaeng nakilala niya.

"Her name is Riane, receptionist siya sa MH." 

Bakit pakiramdam ko pamilyar 'yung pangalan?

Ah baka guni-guni ko lang, sa dami ba naman ng naisulat kong nobela baka


nagamit ko na ang pangalan na iyon.

"And then?" parang bata na inantay ko siyang magsalita.

"She's beautiful."nakangiti nitong sabi. 

Mukhang malapit ng makamove-on ang bestfriend ko ah.

"Tapos ano, bat ba putol-putol ka mag kwento!?" inis kong sabi sa kanya,


pabitin kasi ang loko eh.

"Tapos nandito na tayo sa bahay niyo at kelangan mo ng bumaba." bumaba


ang loko at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Naiinis na tinanggal ko
ang seatbelt na nakakabit sa akin at nakasimangot na bumaba.

Kinukulit ko pa siya na ituloy ang kwento niya, pero ang sagot ng


magaling kong best friend isang tumataginting na NEXT TIME. Gabi na daw
at inaantok na siya, binatukan ko siya sa asar ko at nagmamartsang
pumasok sa loob ng bahay. Narinig ko pa ang 'Goodnight' niya na sinabayan
ng tawa at tanging singhal lang ang sinagot ko sa kanya. 
* * & * *

"NAKAKAINIS talaga 'yun si Thundz magkukwento na nga lang pabitin


pa," pagmamaktol ko habang tinatanggal ang sapatos ko sa paa sa may sala.
Nagulat na lang ako ng biglang bumukas ang ilaw, matatakot na sana ako
kung hindi lang sa pamilyar na boses na narinig ko.

"HAPPY BIRTHDAY SKY." nakangiti ko siyang nilingon na agad naglaho ng


magulat ako sa nakita ko.

Rather, sa kasama niya.

It's no other than Charlotte.Matagal ko siyang hindi nakita, pero wala pa


ding kupas ang ganda niya. Para pa din siyang diyosa na bumaba sa lupa.
Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko at parang may bikig sa lalamunan ko.

"Hey are you alright? Sorry mapilit kasi si Cloud na sumama ko dito, I
hope okay lang sa'yo?" inakbayan naman siya ni Cloud na siyang ikinadurog
ng puso ko.

"Don't worry babe okay lang yan si Sky, nagulat lang yan minsan lang kasi
makakita ng tao, right Sky?" pagbibiro naman ng lalaking hobby na ata ang
saktan ako.

Wala siyang alam Sky 'di ba sabi mo nakamove-on ka na?! At kaya siya
ganyan ngayon dahil akala niya okay lang sa'yo, Get a grip (!) wag mong
ipakita sa kanila ang katangahan mo. Dignidad at pride na lang ang
natitira sa'yo. Maawa ka naman sa sarili mo..

Bulong ng isip ko kaya nanginginig man ang tuhod ko, naglakad pa din ako
palapit sa kanila at pekeng ngumiti para ipakitang ayos lang ako. Pride
na lang ang meron ako at dignidad kaya hindi ko hahayaang ipakita sa
kanila na apektado ako.
"Cloud is right, nagulat lang ako at saka isa pa pagod kasi
ako." alanganin naman na ngumiti sa akin si Charlotte sa sinabi ko.

"Okay, so dahil birthday mo ngayon nagprepare si Charlotte ng special


dishes niya just for you Sky.."

"Special ka diyan nakakahiya ka, ahm Sky? Is it okay kung nakialam ako sa
kusina niyo, actually hindi ko alam kung anong gusto mong food kaya I
hope magustuhan mo yung niluto ko." 

Bakit ganun? 

Dapat magalit ako sa kanya 'di ba, kasi andito na naman siya sa eksena.
But then, paano ko magagalit sa katulad niya? Para siyang anghel,
napakahinhin kung magsalita at halata ang pagiging malambing niya. Mga
katangian na nagustuhan sa kanya ni Cloud. At isa pa wala naman akong
karapatan magtanim ng sama ng loob sa kanya. Kung ano man ang naging
issue nila ni Cloud, tiyak na naayos na nila ito base na rin sa nakikita
ko.

"SO what would you say sa luto ko, okay lang ba?" tanong sa akin ni
Charlotte habang nasa garden kami at nagpapababa ng kinain namin.
Kasalukuyang nasa loob ng bahay si Cloud at nagiimpake ng gamit, mawawala
kasi siya ng ilang araw. At ang sakit malaman na sa ilang araw na 'yun si
Charlotte ang kasama niya. Nagdecide kasi sila na pumunta sa isang
private resort, celebration dahil nagkaayos na sila. Kaya pala, this past
few days napakasaya ni Cloud dahil okay na ulit sila ng babaeng mahal
niya.

"Yeah masarap siya especially your lasagna."

Kung sasabihin niyo akong plastik, sige oo inaamin ko pero totoo naman
ang sinabi ko masasarap ang luto niya. Hindi ko nga alam kung paano ako
nakakain habang nasa harap ko sila at naglalambingan.
"Sigurado ka ba talaga na ayos lang sa'yo na hindi sumama sa amin?"

Tanga ko at martir pero hindi pa naman ako ganun ka suicidal sa pag-ibig


para maging third wheel sa inyo at saksihan ang pag-iibigan niyo.

"Hindi na, madami kasi akong pending na trabaho at isa pa bakasyon niyo
ni Cloud yun, ayokong makigulo." sabi ko sabay inom ng kape sa pagnanais
na maalis ang tila bikig sa lalamunan ko.

"Ganun ba? Anyway, thank you talaga nabanggit sa akin ni Cloud na ikaw
daw ang nagadvice sa kanya na intindihin ang side ko." nginitian ko na
lang siya. Hindi ko na sana itatanong kung paano sila nagkaayos pero sila
na din mismo ni Cloud ang nagkwento at ako naman tong si tanga nakinig
talaga.

1 week ago daw ng magpapaalam na sana si Charlotte na aalis na ng company


nila Cloud. Hindi daw pumayag ang huli, at nakiusap na ayusin nila ang
gusot nila.

Sinabi ni Cloud ang tungkol sa amin at ipinaliwanag naman ni Charlotte


ang nangyari sa kanila ng ex niya. No need to elaborate, basta ang ending
okay na sila. Hindi ko alam ang balak ni Cloud sa kasal namin at ayoko na
ding tanungin pa. Baka pagbalik na lang niya at tsaka namin pag-uusapan
pero wala na akong pakialam dahil alam ko naman ang kahahantungan ng
lahat ng ito.

Mawawala na sa tabi ko ang lalaking mahal ko...

"SO paano mauuna na ko Sky, happy birthday again." humalik pa sa pisngi


ko si Charlotte at dumiretso sa sasakyan niya.

Mauuna siyang pupunta sa kung saan man ang destinasyon nila at susunod si
Cloud, siyempre kailangan nilang mag-ingat dahil mas lalong hindi sila
pwedeng mahuli ng media. Lalo pa ngayon na kasal sa akin si Cloud, isang
malaking eskandalo ito pag nagkataon. Papasok na sana ako ng may pumigil
sa braso ko.
"Hindi ka man lang ba magpapaalam sa akin Sky?" ani Cloud.

"Ah sorry nakalimutan ko inaantok na kasi ako." humikab pa ako kunwari


para mapatunayan na inaantok na ako.

"Antukin ka talaga anyway, Happy birthday ulit at nasa kama mo ang regalo
ko para sa'yo." ngumiti na lang ako sa sinabi niya at tinuloy ang
pagpasok sa bahay.

"Masaya ka ba Sky para sa amin ni Charlotte?" hindi ko na napigilan at


tumulo ang luha sa mga mata ko. Para silang gripo na nabuksan at patuloy
sa pagragasa sa aking mga pisngi.

"O-o naman masaya ko para sa inyo. Goodnight Cloud." walang lingon-lingon


na pumasok ako sa bahay. At kalmadong isinara ang pinto kahit na ang
gusto ko na lang ay humagulgol sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Kaya
pagkapasok ko pa lang sa loob ng kwarto, nagwala ako hindi naman ako nag-
aalala na marinig ako ni Cloud dahil soundproof ang kinaroroonan ko. 

Hinagis ko bawat mahawakan ko at wala kong pakialam kung masugatan man


ako sa bubog na dulot ng mga nabasag ko. Ang mahalaga lang mailabas ko
ang emosyon ko dahil ang bigat-bigat ng nararamdaman ko..

"ETO BA! ETO BA ANG SURPRISE MO SA BIRTHDAY KO ANG IPAKITANG MASAYA KA


KASAMA NG MAHAL MO?! AHHHHHHHHHH" sigaw ko sabay malakas kong ibinato ang
lampshade na nahagip ng kamay ko sa pader at makaraan ay parang batang
humagulgol ako sa kama. Nakapa ko naman ang regalong iniwan ni Cloud,
it's a friendship bracelet, may nakaukit pa ngang 'friends forever' so I
throw it away dahil mas pinamumukha nito kung ano ang posisyon ko sa
buhay ni Cloud. 

And it hurts me more.

Pakiramdam ko wala ng katapusan ang pagluha ko, kinakapos na ako ng


hininga sa sobrang pag-iyak pero binalewala ko ito. Kasalanan ko naman
eh, kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ng ganito, resulta eto ng mga
desisyon ko.

Ang desisyon na manatili pa din sa tabi ni Cloud kahit na nga ba alam ko


na masasaktan ako kapag nagkabalikan na sila ni Charlotte.

Sa sobrang pagod na nararamdaman ko, iginupo na ako ng antok. Kailanman,


hindi pumasok sa isipan ko ang mawala sa mundo pero ngayong gabi,
hiniling ko na sana hindi na ko magising pa.

At ang mga sumunod na pangyayari ay parang isang bangungot na siyang


unti-unti na pumatay sa pagkatao ko.

TBC

=================

AWS CHAPTER 21

At some point , you have to realize that some people can stay in your
heart but not in your life.

                                                                         
-Anonymous

Chapter 21

Mataas na ang sikat ng araw ng magmulat ako ng mga mata, nanatili lang
akong nakatulala sa kawalan hindi kumikilos at walang ganang bumangon.

Naranasan niyo na bang magising at humiling na sana hindi na lang--- na


sana nanatili kang tulog. Ganyan ang tumatakbo sa isip ko ngayon,
pathetic right? Pinilit ko muli ang sarili kong matulog, dahil pakiramdam
ko pagod na pagod ako kahit na nga ba napakatagal na ng itinulog ko. Sa
bawat pagpikit ko naalala ko muli ang nangyari kagabi at dahil 'dun,
gusto ko muling umiyak, ang ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Pero naubos na 'ata lahat kagabi, dahil wala ni isang patak ng luha ang
tumulo mula sa mga mata ko.
Napagpasyahan ko na ring bumangon ng mapagtanto kong hindi na talaga ako
makakatulog. Bumaba ako mula sa kama ng makaramdam ako ng basang umaagos
sa paa ko pagkatapak ko nito. Pagtingin ko, dugo, dumudugo ang paa ko,
inilibot ko ang paningin sa kwarto at nakita kung gaano ito kagulo.
Nagkalat ang mga basag na figurines at ang mga gamit ko. Marahil nakaapak
ako kagabi ng bubog kaya may sugat kanang paa ko, surprisingly hindi ko
naramdaman na masakit ang paa ko.

Namanhid na ata ako.

Lumipas ang maghapon na wala akong ginawa kung 'di maglinis ng buong
kabahayan, napangiti ako ng mapait habang nililinis ko ang kwarto ko.
Para itong binagyo, hindi ko akalain na magagawa kong magwala kagabi,
wala kasi sa ugali ko 'yun. Mukhang unti-unti ng nawawala sa katauhan ko
ang dating si Skyleigh. Habang nagpupunas ako ng sahig sa banyo, at oo
pati banyo hindi ko pinatawad. Napansin ko ang singsing sa mga kamay ko,
it fits to me perfectly. It's my wedding ring, I never remove it ever
since I wore it.

Tinanggal ko ito sa kamay ko, at parang wala sa sarili na naglakad ako


palabas at itinapon ito. Pero alam niyo kung ano ang nakakatawa, pinulot
ko muli ito. I guess katulad ng pagtapon sa singsing na ito, hindi pa ako
ready na pakawalan ang nararamdaman ko.

Tanga, napakatanga mo Sky.Hindi pa ba sapat ang nakita mo kagabi, awat na


walang gamot sa tanga sa pag-ibig kung hindi pagkukusa na kumawala mula
rito..

Gabi na ng makaramdam ako ng pagod, dumiretso ako sa kusina at


pinagmasdan ang lamesa na punong-puno ng mga niluto ko. Halos lahat ng
putaheng  paborito ni Cloud niluto ko, dire-diretso ang subo ko, umasta
akong parang matagal ng hindi nakakakain. As I finished eating half of
the food that I cooked. I felt like throwing up, so I hurriedly went to
the bathroom. I threw up everything that I ate, hinang-hina akong napaupo
sa lapag ng banyo at nagpasyang maligo. Habang naliligo ako, hindi ko
maiwasang isipin kung kumusta na kaya sila. Siguro napakasaya nila, hindi
lang pala ako martir, masokista na din ata ako para isipin pa ang
ginagawa nila sa gabing malamig. Nababaliw na ata ako, ganito pala ang
pakiramdam ng buhay ka nga pero parang patay ka sa loob. I felt this
certain emptiness in my heart, like there's a big hole in it. And I wish
someone will save me from this misery. 
I'm drowning, somebody, please help me....

* * & * *

LUMIPAS ang ilang araw, pero hindi pa din bumabalik si Cloud. Nanatili
akong mag-isa, nagigising na lang ako sa gitna ng pagtulog ko at parang
may hinahanap ako na hindi ko makita, parang may kulang.

Ang ilang araw ay naging linggo, lagi kong inaantay ang pagtawag niya.
Umaasa pa rin ako sa pagbabalik niya, pilit kong itinatak sa isip ko na
uuwi siya. Kasi 'eto ang bahay niya, 'eto ang bahay namin. Pero ang ilang
araw ay naging dalawang linggo, hindi siya kailanman nagparamdam sa akin.

Sa loob ng dalawang linggo, hindi ako umiyak na hindi ko alam kung


ikatutuwa ko o ikakatakot ko. Pakiramdam ko kasi hindi normal, na ang
mahinang Skyleigh ay hindi umiiyak. Nasisiraan na ata ako ng bait,
nagagalit na nga ako sa sarili ko eh. 

Kasi umpisa pa lang naman alam ko na 'di ba? 

Alam ko na, na 'eto ang kahahantungan ng istorya namin. Then, bakit


ganito ang pakiramdam ko, parang wala na kong gana na ipagpatuloy ang
lahat. Ni hindi na ako makapagsulat, walang kahit anong pumapasok sa utak
ko habang nakaharap ako sa laptop. Napaka-pathetic  ko, brokenhearted
lang ako, pero hindi pa katapusan ng mundo.

At tsaka isa pa tinanggap ko na eh, na hindi magtatagal sa buhay ko si


Cloud, aalis at aalis siya at babalikan si Charlotte. Pero nakakatawa
pati pala sa sarili ko nagsinungaling ako. Hindi ko pala tanggap, hindi.

Napabalikwas ako sa pagkakayukyok ko sa tuhod ng makarinig ako ng


doorbell, wala kong pakialam kung para akong bata na tumakbo papunta ng
pinto at excited itong binuksan.
"CLOUD!"napawi ang ngiti ko ng hindi siya ang makita ko kung hindi si
Thunder. Para pa akong tanga na nilingon ang likod niya, umaasa na kasama
niya ang asawa ko pero nabigo ako. Lulugo-lugong bumalik ako sa loob ng
bahay.

"What the hell? Anong nangyari sa'yo Sky?" walang emosyon kong tinignan
si Thunder. Napansin ko maluha-luha na siya at paulit-ulit hinahaplos ang
mga pisngi ko. Pero para akong tuod, hindi ako gumagalaw kahit na nga ba
ng yakapin niya ako.

Noon, pag niyakap ako ni Thunder, gumagaan ang pakiramdam ko. Pero ngayon
balewala ang ginawa niya dahil hindi naalis ang bigat sa puso ko.

"Anong ginagawa mo dito Thundz?" walang gana kong sabi sa kanya at muling


naupo sa sofa.

"Tinatanong mo ako kung anong ginagawa ko dito?! For the past two weeks
you didn't bother na sagutin ang mga tawag ko, nag-aalala kaming lahat
sa'yo! I thought magkasama kayo ni Cloud sa Europe kaya wala kang
paramdam. At kung hindi pa ako pumunta sa MEC hindi ko pa malalaman na
naka-vacation leave si Kuya! Saan nagpunta si Kuya, Sky? Kailan ka pa
mag-isa sa bahay na ito?!" wala pa din akong karea-reaksyon sa sinabi
niya. Napasabunot na siya sa buhok niya marahil dahil sa inis sa akin.

"Hindi ka man lang ba magsasalita?!" tanong ulit nito. Umiling lang ako,


nilapitan niya ako at inalog ang mga balikat ko.

"Skyleigh talk to me, nakikita mo ba kung ano ang itsura mo ngayon?!"

"Gusto kong mapag-isa, I don't need you." nakita ko ang sakit na


bumalatay sa mukha nito dahil sa sinabi ko, gusto ko man bawiin ang
sinabi ko nanahimik na lang ako. Naiinis ako, nagagalit ako, nalulungkot
ako pero hindi ko mapakita kahit kanino na para bang may pumipigil sa
akin na ipakita ang nararamdaman ko.

"Don't push me away Sky, you can tell me everything." nagsusumamong saad


nito pero wala siyang nakuhang response sa akin. Iniwas ko na lang ang
tingin ko sa kanya.
"Kung hindi mo ako kakausapin..." narinig ko pa ang malalim na buntong-
hininga nito pero hindi pa rin ako tumingin sa kanya, "..I don't have a
choice kung hindi kausapin si Cloud sa nangyayari sa'yo, and I swear wala
akong pakialam kung kapatid ko siya pero kung siya ang dahilan ng
pagkakaganyan mo hindi ko alam kung anong kaya kong gawin sa kanya."

Sa unang pagkakataon nakitaan niya ng reaksyon ang mukha ko mula ng


dumating siya sa bahay.

"NO! wag mo siyang kausapin Thundz!  I'll tell you everything huh?! Just
don't bother him, God knows kung anong gagawin ko kapag nagalit sa akin
si Cloud." Natatakot kong saad.

Hindi niya pwedeng kausapin si Cloud, baka magalit sa akin si Cloud pag
nasira ang samahan nilang magkapatid. Ayoko, hindi pwede.

Kinuwento ko sa kanya mula umpisa hanggang huli, kung paano naging


kaibigan ko lang si Cloud. Ang deal namin na one year lang magsasama,
paano nagkabalikan sila Charlotte at Cloud. Pagkatapos kong sabihin sa
kanya 'yun, napakuyom ang kamao niya at parang susugod sa gera na
nagmartsa siya paalis. Nagmamadali ko siyang hinabol, at kahit hinang-
hina ako (marahil sa kakulangan sa tulog, maging sa pagkain) pilit ko pa
rin siyang pinigilan umalis.

"Saan ka pupunta Thundz?" nagtanong pa din ako, kahit na alam ko naman


ang sagot.

"Hahanapin ko ang gagong kapatid ko." nakatiim-bagang na saad nito.

"Hindi, nangako ka 'di ba! hindi mo siya kakausapin. Hindi mo siya


sasaktan huh?! Magkapatid kayo, wag mo kong isipin magiging okay din ako,
promise ko 'yun sa'yo." nakikiusap kong sabi dito.

"Okay?! Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin?! Huh?!" nagulat ako ng


hilahin niya ako papanik sa taas, bawat kwarto ay pinagbubuksan niya na
tila may hinahanap. Nang makita niya ang vanity mirror iniharap niya ako
dito at hindi ko maiwasang matulala sa nakita ko.
"T-tignan mo ang sarili mo Sky, at sabihin mo ulit sa akin na magiging
okay ka, sabihin mo!" napapaiyak na sabi Thunder.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin, ibang Sky ang nakita ko.


Nangingitim ang paligid ng mata ko, nangangalumata at bakas ang lungkot
sa mga ito. Kapansin-pansin ang pagkaputla ng mukha ko marahil dulot ng
hindi ko maayos na pagkain at hindi paglabas ng bahay. Napahawak ako sa
mukha ko, at naramdaman ko kung gaano kalaki ang ipinayat ko. Para kong
may sakit na hindi mawari, nawala ang dating sigla ng mukha ko. 

Anong ginawa ko sa sarili ko? Bakit nagkaganito ako? Ganito na ba ako


kahina, nasaan na ang Sky na hindi sumusuko? Nasaan na siya?

"Tatanungin ko ulit okay ka lang ba Sky?" napayakap ako sa sarili ko at


parang bata na napaiyak ako. Humahagulgol ako at paulit-ulit na
nagsalita..

"H-hindi a-ako huk o-okay.I-I'm sick Thundz. I-I'm fucking s-sick ..I-I
n-need h-help, H-elp me Thundz, save me,save me from this
misery!" niyakap naman ako nito sa likod at dinamayan ako sa pag-iyak.
Tapos na ang pananakit ko sa sarili ko, nagising na ako sa realidad.
Dapat tulungan ko ang sarili ko, hindi magugustuhan ng mga magulang ko
ang nangyayari sa akin, lalo na ng mga nagmamahal sa akin. Natagpuan ko
na lang ang sarili ko sa isang hospital kausap ang isang psychologist na
tutulong sa akin para maibalik ang dating ako at makaahon sa
kamiserablehang nararamdaman ko. With the help of my best friend Thunder.

2 MONTHS LATER

"...To be only yours I know now you're my only hope hmmmm, hmmmmmm,
hmmmmmmm."

Masigabong palakpakan ang sumalubong sa akin matapos kong tugtugin ang


sikat na awiting 'Only Hope' sa harap ng maraming tao dito sa restaurant
na kinaroroonan namin ni Thunder. Yumuko ako sa kanilang lahat at
confident na naglakad papunta sa lamesang ino-okupahan namin ng huli.
"Wow, ang daming napahanga ng best friend ko. Maganda na,magaling pa mag-
piano at umawit, ano pa ang hahanapin mo?" natawa na lang ako sa sinabi
ng kaharap ko na si Thunder na kung umasta akala mo ngayon lang ako
nakitang magperform.

"Thank you for your wonderful comments Thundz. Pero, mas mabuti sigurong
kumain na muna tayo bago tayo magkabolahan." natawa naman ito sa sinabi
ko at nilagyan ng wine ang kopita namin.

"Well, before we eat let's cheers for your success, Congratulations for
your best seller novel, I'm so proud of you Sky." ibinigay niya naman sa
akin ang kopita and we happily toast it with each other.

"Thanks Thundz, hindi naman mangyayari 'to kung hindi dahil sa tulong mo.
I really owe you a lot." mangiyak-ngiyak kong saad.

"Welcome, pero wag mo ng ituloy yang pag-iyak mo, sayang ang make-
up." natawa naman ako sa biro nito.

Sa nakalipas na dalawang buwan, madami ng nangyari.

Malaki na din ang ipinagbago ko, gone is the wrecked Sky that I am two
months ago. I am now a brand new Skyleigh, version 2.0 sabi ni Thunder at
ng tinanong ko siya saan niya naman nalaman 'yun. Sa girlfriend niya daw
na si Sarah Geronimo (pinagtripan ako ng loko) mamukat-mukat ko artista
pala 'yun. Well,balik tayo sa pagiging brand new ko, masasabi ko lang na
nakaahon na ako sa kamiserablehan ko nitong mga nakaraang buwan.
Siyempre, hindi ko naman ikakahiya na sa tulong 'yun ng therapy na ginawa
sa akin.

Ipinaliwanag naman sa akin na hindi ako baliw, depression ang nangyari sa


akin. Pero ngayon okay na ako, magaling na ako. Nakita niyo naman 'di ba?
Mas confident na ako ngayon, nagawa ko ngang magperform sa harap ng
madaming tao na bihira ko lang gawin. Ang dami kong natutunan sa therapy
ko, isa na diyan ang pagtaas ng self-confidence ko, pakikipag-communicate
sa ibang tao na na-accomplished ko sa tulong ni Thundz, at higit sa lahat
ang mahalin ko ang sarili ko. Kaya sa mga nakakaranas ng depression
diyan, hindi masamang humingi ng tulong sa espesyalista, hindi ka baliw
kailangan mo lang mas maintindihan ang sarili mo.
I was lucky enough na hindi ako humantong sa self-harm or suicide na
ikinapagpasalamat ko sa Kanya. Hindi lang naman sa tulong ni Thunder o ng
doktor kaya ako gumaling. Ang pinaka-importante kasi sa lahat ay yung
willing kang tulungan ang sarili mo. So much for that, kung itatanong
niyo naman sa akin si Cloud, well he already contacted me. Naisipan pala
nilang magtagal sa private resort na pinuntahan nila ni Charlotte. Nawala
daw ang phone niya kaya hindi niya ako na-contact agad. Lame excuse I
know, but what should I do?

It's not as if I have the rights to complain,  after all I'm just his
wife in papers and a friend who he needs when there's no Charlotte in the
picture.

Nag-alala nga si Thundz na ma-depress ulit ako ng makausap ko si Cloud.


But you know what guys, nung nakausap ko si Cloud, suddenly nawala yung
pakiramdam na parang may hinahanap ako sa gitna ng pagtulog ko. All
along, it's him that I'm searching. I guess I am so in love with him. But
I assured Thunder na okay lang talaga ako. Sure, masakit pa din sabi nga
nila hindi naman agad mawawala ang pain when it comes to loving someone.
But not to the extent na magagawa ko na naman sirain ang sarili ko na at
that time unti-unti ko pa lang binubuo. So ayun nga, after mag-enjoy nila
Cloud kinailangan naman niyang lumipad paibang-bansa dahil sa trabaho
kaya hindi pa din siya umuuwi. Hindi ko alam kung kasama niya si
Charlotte o ano 'di ko na din tinanong. Not that I don't want to know, I
just want to prevent myself from getting hurt knowing that they're still
together.

Napatigil ako sa pagrereminisce habang kumakain ng mapansin kong


nakatulala lang si Thunder at hindi pa ginagalaw ang pagkain niya.

"May problema ka ba Thundz?" nag-aalala kong tanong sa kanya at parang


nagising naman siyang bigla mula sa malalim niyang pagninilay-nilay.

"Nothing." sagot naman nito at nag-umpisang kumain.

"Ako pa ba ang lolokohin mo kanina ka pa ganyan sa party ah."saad ko


dito. Galing kasi kami sa party ng publishing company na siyang nag-award
sa best-seller novel na ginawa ko. Madami pa nga ang nagtanong na bakit
daw hindi si Cloud ang kasama ko kung hindi 'yung kapatid. Siyempre
namukhaan ako ng ilan dahil naisa-dyaryo ang kasal namin. Hindi na lang
namin pinansin ni Thunder. Well speaking of Thundz, kanina pa siya
mukhang balisa.

"Si daddy kasi eh.."kinabahan naman ako sa sinabi nito.

"Why?Anong nangyari?"

"He wants me to handle the expansion of our hotel in Los


Angeles." napabuntong-hininga naman ako sa sinabi nito.

"Then, anong problema dun? Don't tell me nag-aalala ka sa akin kaya ayaw
mong pumayag kay Papa?" nakakunot-noo kong tanong dito. Natahimik ito, I
guess I'm right.

"C'mon Thundz, I'm perfectly fine, you don't need to worry about
me." matigas kong sabi dito. Naiintindihan ko naman na gusto niya lang
makatiyak na walang mangyayari sa aking masama, rather hindi na mauulit
ang nangyari sa aking depression. Still, ayoko naman maging pabigat sa
kanya. And lastly I've learned my lesson. I won't let myself be drowned
again, if I am in pain and sadness.

"I know, it's just that hindi ako mapanatag na iiwan kita
dito." nahihirapang saad nito.Hinawakan ko naman ang kamay niya at
pinisil ito.

"Wag ka ngang ganyan Thundz, may buhay ka rin at ayoko na ma-stuck ka


sa'kin. At may responsibilidad ka bilang anak kay nila Papa na kailangan
mong gampanan. As for me, inassure naman tayo ni Dr.Reyes na okay na ko
'di ba? Hindi ko pababayaan ang sarili ko. I promise hindi na ko babalik
sa dating ako."

"Nasasabi mo lang yan dahil hindi mo pa nakakaharap sila Cloud, what


if-" pinutol ko ang anuman pang sasabihin niya.
"The moment na magkita kami ni Cloud, ibibigay ko na lang sa kanya yung
annulment papers na pipirmahan niya and voila, I'm finally free. C'mon
don't you trust me?"

You read it right, sa tulong ni Thunder at ng mapagkakatiwalaang kaibigan


niyang abogado. Inasikaso namin ang annulment papers ko, pirma na lang ni
Cloud ang kailangan ko at maghihiwalay na kami ng landas. Naging madali
naman ang lahat with the help of money. At isa pa we never consummated
our marriage, kaya yun ang grounds na nagpadali din ng lahat. Tsaka ko na
lang iisipin ang sasabihin ng parents ni Cloud pati ni TitaMoms. As for
them, wala silang alam sa nangyari sa akin. Thru phone calls ko sila
nakakausap, nasa cebu pa din naman si Titamoms so hindi din naman siya
nag-initiate na magkita kami.

What important is tatapusin ko na ang kaisa-isang nagdudugtong sa amin ni


Cloud. I'm letting go of my feelings for him.

"Fine, but if ever something happens, call me right away


alright?" sumusukong saad nito at parang bata na tumango ako sa kanya
habang ngiting-ngiti.

IT was past midnight when I got home. Nagtaka ako ng makitang bukas ang
pintuan ng bahay. Kinakabahang pumasok ako, what if may magnanakaw o kaya
rapist? But I chose to be brave so slowly I went inside the house. I turn
on the lights and there I saw him. He's back.

Cloud Rendrex Monteciara is finally back..

TBC

=================

AWS CHAPTER 22

It is hard to tell your mind to stop loving someone if your heart still
does...

Chapter 22

He's back.
My heart is beating fast and I felt my knees weaken with the mere sight
of his back. Kinalma ko muna ang sarili ko at mabagal na naglakad papunta
sa kanya. Imposibleng hindi niya alam na dumating na ako kaya labis akong
nagtataka ng hindi niya man lang ako nagawang sulyapan. It's not like I
was expecting him to hug me, saying that he's back, though a simple hello
will do.

"Dumating ka na pala, sana man lang nagpasabi ka hindi 'yung magugulat na


lang ako na –" napatigil ako sa pagsasalita ng tuluyan akong makalapit sa
kanya at nasulyapan ko ang itsura niya.

"Oh Gahd! Cloud anong nangyari sayo?! You looked like a mess!" habang
sinasabi 'yun muli kong pinagmasdan ang kabuuan niya. Hindi ito ang Cloud
na inaasahan kong babalik. Napakagulo ng buhok niya, amoy na amoy ko ang
alak tanda na uminom siya at higit sa lahat putok ang labi at ang kilay
nito. Mukhang galing sa pakikipag-away, pero sino?

Hindi ugali ni Cloud ang manakit ng kapwa niya.

Naiinis na napabuntong-hininga ako ng manatili siyang walang imik.


Napagpasyahan ko na lang na gamutin ang mga sugat niya. Matapos kong
kunin ang first aid kit, umupo ako sa tabi niya at ilalagay ko na ang
bulak sa kilay niya ng malakas niyang tinabig ang kamay ko. Tinangka ko
ulit na gamutin ang sugat niya pero tinabig niya muli ang kamay ko.

"Cloud, ano ba?!" iritableng sinigawan ko siya.

"Go away, I don't need you." walang emosyon niyang saad.

Bakit pakiramdam ko nakikita ko ang sarili ko kay Cloud nung mga panahong
nasa miserable akong sitwasyon. Halos parehas kami ng binigkas ng
tangkain din akong kausapin ni Thundz, malamig ang boses, walang emosyon
at tila walang kagana-ganang mabuhay.

"Don't make me laugh Cloud, hindi ka pupunta dito kung hindi mo ako
kailangan." sarkastiko kong saad. Marahas na binalingan niya ako ng
sulyap, nilabanan ko naman ang matalim niyang tingin sa akin.
"I went here because as far as I know, bahay ko din ito. So do me a favor
just leave me alone." matigas nitong saad. Tumayo ito at umakmang
tatalikuran ako ng habulin ko siya. And there, I slapped him hard,
nanginginig pa ako ng ibinaba ko ang kamay ko. Tigalgal itong napatingin
sa akin at parang natauhan dahil sa ginawa ko.

"I don't need you?! Leave me alone?! Bullshit Cloud! 'Yan lang ba ang
kaya mong sabihin sa akin, pagkatapos mong mawala ng dalawang
buwan?!" sigaw ko sa kanya. Hindi ako galit kay Cloud, kailanman hindi
ako nagalit sa kanya dahil nga tanga ako. Na kahit ilang beses niya akong
saktan, yung puso ko hindi magawang magalit sa kanya. Pero kung itatanong
niyo kung bakit ko siya sinampal? Ginawa ko yun para matauhan siya sa
inaakto niya.

"Tell me, si Charlotte na naman ba ?! Siya na naman ba ang dahilan kaya


ka nagkakaganyan huh!? Tama ba ako?! Damn it, answer me!"  patuloy kong
sigaw.

 I hit a nerve based on his reactions. Dumilim ang mukha niya na parang
bang may naalala siyang ikinagalit niya. Hinaklit niya ang braso
ko,napangiwi ako ng  makaramdam ng sakit sa sobrang higpit ng kapit niya.

"Don't you dare shout at me Sky. Stop questioning me, you don't have a
right. As far as I know, asawa lang kita sa papel. Nothing else, so shut
the fuck up." madiin niyang saad at binitawan ako at kahit pinangako ko
sa sarili ko na hindi na ako muling iiyak pa sa harap niya.Pero 'eto at
parang may sariling buhay ang mga luha ko at umagos sa pisngi ko.

Heto ba, 'eto ba ang mapapala ko matapos kong muntikan ng mabaliw dahil
sa kanya. Kung tutuusin, kung gugustuhin ko, kung makasarili lang ako.

Mapapasaakin siya dahil asawa niya ako, may karapatan ako sa kanya. Pero
mahal ko eh, kaya nga nagpakamartir at nagpakatanga ko. At isa pa
mapasaakin man siya, kailanman ang puso niya ay mananatiling nakalaan
para sa iba.

"Ang g-gago mo, ang gago gago mo!" paulit-ulit kong dinuduro ang dibdib
niya, pilit naman niyang hinahawakan ang kamay ko para pigilan ako.
"Enough Sky, enough! Oo tama ka dahil na naman kay Charlotte kaya ako
nagkakaganito! At gulong-gulo na ako, pagod na pagod din ako kaya let's
stop this." anito.

Napahinto ako sa ginagawa ko at pinunasan ko ang mga luha ko.

Right, let's stop this.Tama na,it's the right time para ibigay ko sa
kanya ang annulment papers..pero bago ang lahat once and for all
kailangan masabi ko lahat sa kanya ng nararamdaman ko.

"Mahal pa din kita." taas-noo kong saad. Lumunok ako para pigilan ang
sarili ko na muling umiyak. Pinakatitigan ko ang mukha ni Cloud pero
nanatili itong blanko. "...nagsinungaling ako hindi ako naka-move on
sa'yo, nung umalis ka unti-unti nasira ako. Umasa ako na babalik ka
pagkalipas lang ng ilang araw, pero hindi eh! nawala ka, Cloud. Ang tagal
bago mo naisipan na tawagan ako, at wala kang alam kung anong pinagdaanan
ko ng umalis ka. Tapos ngayon babalik ka at umaarte na parang ikaw lang
ang nasasaktan sa mundo?! news flash Cloud, hindi lang ikaw ang
nasasaktan!" ani ko at muli tumulo na naman ang luha ko.

No more hiding, no more telling lies. I need to let it out all my


feelings, for me to be able to move forward.

"Then,I'm sorry." saad nito pero hindi katulad noon sa tuwing humihingi
siya sa akin ng sorry wala na akong nakikitang sinseridad sa mga mata
niya.

At ang sakit nito para sa akin. Dahil umiiyak at nasasaktan na naman ako
para sa lalaking hindi ako magawang pahalagahan.

Pagak akong tumawa habang pinalis ang luha sa pisngi ko. "S-sorry?"

"Then what do you expect me to do?!" asik nito at muli, naramdaman ko na


naman ang pamilyar na kirot sa puso ko.
I want you to hug me, to say that you're sorry with sincerity. I want you
to stop hurting me...

"I want you to tell me what happened to you." saad ko imbes na sabihin
ang tumatakbo sa utak ko.

"Para saan pa?! May mababago ba?!" Tumingala ito at pumikit tila
nauubusan na ng pasensya sa akin. "Look Sky, I'm sorry for hurting you
but I really don't want to talk about what happened with me and
Charlotte." mapungay ang mga matang saad nito. Hinayaan ko na siyang
umalis at hindi na muling humabol pa.

* * & * *

MALALIM na ang gabi ngunit nanatiling gising ang diwa ko sa kabila ng


pagod na nararamdaman ko. Marahil dahil sa naganap sa amin kanina ni
Cloud, hindi mapalagay ang isip ko. Kinuha ko ang annulment papers namin
at tinitigan ito, dapat siguro ibigay ko na ito sa kanya. Bukas na bukas
ibibigay ko na ito sa kanya.

I'm feeling thirsty so I decided to go downstairs. Nasa huling baitang na


ako ng makarinig ako ng nabasag na baso, kinakabahang nagtungo ako sa
pinanggalingan nito. And there,I saw Cloud.

Umiiyak ito at hindi ko mapigilan na maawa dito. Nagkalat ang basyo ng


bote, indikasyon na uminom na naman siya. Hindi ko alam kung ano na naman
ang nangyari sa kanila ni Charlotte pero mukhang hindi ito simpleng away
para magkaganito siya. I should just leave him there just like what he
wants. But I know deep down in his heart, he needs someone.So I just
stayed there, looking at him in his miserable state. Again,I felt this
familiar ache in my heart.

Bawat pagtulo ng luha niya, para bang may bumubulong sa akin na lapitan
siya--- ang yakapin siya at ang makiusap na tumahan na siya, na andito
lang ako para sa kanya at hindi siya nag-iisa. Pero sa kabilang banda,may
pumipigil din sa akin na gawin ito at hayaan na lang siya at iwanan.
Naguguluhan ako,ano nga ba ang susundin ko?
Namalayan ko na lang na tumahimik na ang paligid hudyat na tapos na siya
sa pag-iyak niya.

"Why do you have to be like this Cloud? Sa ginagawa mo hindi lang ang
sarili mo ang sinasaktan mo kung hindi maging ako, kasi mahal kita.
Nagpapakatanga ka sa kanya at ganun din naman ako sa'yo, hindi ba pwedeng
maging masaya na lang tayo?"

Hindi ko alam kung narinig niya ang sinabi ko 'pagkat wala pa rin itong
imik at hindi man lang ako nilingon. Tumalikod ako at nagpasyang umalis
na.

"Sky, why do you still love me?" napahinto ako sa paglakad sa pag-alis ng


marinig ko ang paos nitong boses. Hindi ako nakaimik kasi hindi ko alam
kung anong isasagot ko sa kanya. Kasi ako mismo hindi ko alam kung bakit
mahal ko siya.

Bakit nga ba minsan patuloy pa rin nating minamahal ang taong may ibang
mahal?

Kung gaano ko kadaling minahal si Cloud, ganoon naman kahirap sa akin ang
kalimutan ang pagmamahal ko sa kanya?

"I wasn't shocked when you told me that you still loved me."

I snapped from my reverie when I heard what he said.

Anong ibig niyang sabihin?

"Nang araw na tinanong kita kung hindi mo na ako mahal," Lumingon ako at
nagtagpo ang paningin naming dalawa. "Alam ko na ang sagot Sky. At tama
ka, gago ko, napakagago ko kasi kahit alam kong mahal mo pa din ako,
nagawa ko pa ring habulin 'yung mahal ko. Nagbulag-bulagan ako sa
nararamdaman mo kasi makasarili ako. Sorry ah? Sa dami kasi ng lalaki sa
mundo, ako pa ang minahal mo. Kaya nga..." muling tumulo ang luha sa mga
mata nito kaya naman hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at nag-
umpisa na namang pumatak ang luha ko. "..tama lang siguro ito, ang hindi
ako maging masaya sa piling ng babaeng mahal ko. Kaya kung sasabihin mo
sa akin na kinamumuhian mo ako, tatanggapin ko Sky because I deserve
it." 

Gusto ko siyang sumbatan, ang sabihin na oo kinamumuhian ko siya at ayaw


ko na siyang makita at makasama. Pero lumapit ako sa kanya hindi para
sabihin ang mga ito. Naupo ako sa tabi niya,at inihilig ko ang ulo ko sa
mga balikat niya.

"I want to hate you, Cloud." saad ko habang patuloy sa pag-agos ang luha
ko. "Gusto ko rin magalit sa'yo kasi paulit-ulit mo kong sinasaktan. Kasi
baka kapag napuno na ng galit 'yung puso ko, mawala na 'yung pagmamahal
ko sa'yo o kung hindi mawala matabunan ito. Pero hindi ko magawa. Hindi
ko alam kung hindi ko kaya o hindi ko lang gusto. Ang alam ko lang gaano
man ipagduldulan ng utak ko na ang tanga-tanga ko p-para patuloy kang
mahalin, iba yung sinasabi ng puso ko. After all, nagmahal ka lang naman
kasi, may nakapagsabi sa akin na kapag nagmahal ka minsan hindi mo na
iniisip kung may masasaktan ka, halos lahat ng nagmahal naging makasarili
Cloud, hindi lang ikaw. So stop thinking that you don't deserve to be
happy. Dahil bawat tao deserve nilang maging masaya gaano man sila
nakasakit ng iba." Tumayo ako matapos kong magsalita. Hahakbang pa lang
ako ng hawakan nito ang kamay ko.

Humarap ako at nakita kong nakatayo na din pala si Cloud. "Sky.." anito


habang namumungay ang mata. 

At nagulat ako sa sunod nitong ginawa. Hinawakan nito ang magkabila kong
pisngi at siniil ako ng halik na siyang nagdulot ng malakas na kabog ng
puso ko. Sa umpisa ay nanatiling nanlalaki ang mata ko pero hindi ko
maiwasang mapapikit sa banayad na halik na iginagawad niya sa akin.

Namalayan ko na lang na lumalalim na ang halik na ibinibigay niya. At ako


naman ay parang naliliyo na sumunod sa bawat galaw ng labi niya. Nanghina
ang tuhod ko kaya hindi ko maiwasang ipaikot ang kamay ko sa leeg niya.
Napaungol ako ng bumaba ang halik niya mula sa labi ko papunta sa leeg
ko. Nakaramdam ako ng pag-iinit na hindi ko matukoy kung saan nagmumula.

"Sky.." hinihingal na bulong niya kaya natauhan ako at naitulak ko siya.


"Stop Cloud, lasing ka lang." 

Namumungay pa rin ang mga mata niya at nagulat ako ng muli niya akong
hilahin at isandig sa matipuno niyang dibdib.

"Help me ease this pain Sky. Just please help me." bulong nito sa tenga
ko.

Dapat tinulak ko siya. Dapat tumakbo ako at iniwan ko siya. Pero hindi ko


ginawa...

Naging mabilis ang sumunod na pangyayari, namalayan ko na lang ang sarili


ko na binuhat ako nito papanik sa kwarto namin. And I found myself naked,
with him on top of me kissing every inch of my body. I bit his shoulder
to prevent myself from screaming when he thrust himself into my center.I
cried in pain, 'coz it feels like I am being ripped apart into two.

Ilang sandali lang ay nawala na ang sakit at napalitan ito ng sensasyong


hindi ko maipaliwanag. 

"I love you Cloud." I whispered as we reached our climax.

At katulad ng inaasahan ko wala itong sinabi. Humiga lang ito sa tabi ko


at isiniksik ang mukha sa leeg ko. 

It's over. I lost my first that I've treasured for a long time though I
don't have any regrets because I gave it to the one I love. Ang daming
tumatakbo sa isip ko, isa na diyan ang pag-iisip sa posibleng maging
bunga ng pagpapaubaya ko.

What if I got pregnant? Will he take responsiblity? What if-

"I'm.." naputol ang kung anumang tumatakbo sa isip ko ng maramdaman kong


mahigpit nito akong niyakap.
Magsosorry ba siya?

"I-I'm gonna try Sky." bulong nito sa tenga ko.

Kumabog ng malakas ang puso ko dahil sa sinabi niya.

"W-what do you mean?"

"To love you, let's try to give this relationship a chance, not as
friends. But as husband and wife..."

Napatahimik ako sa sinabi niya, what if hindi magwork? Masasaktan na


naman ako, at baka hindi ko na kayanin...

What if bumalik ulit si Charlotte? Makakaya ko pa ba siyang pakawalan?

At paano si Thunder?...Nangako ako sa kanya na tatapusin ko na ang


lahat...Makakaya ko bang biguin siya pagkatapos ng lahat ng ginawa niya
para sa akin?...

Naguguluhan ako pero namalayan ko na lang ang sarili kong tumatango sa


sinabi niya. Nanaig na naman ang isinisigaw ng puso ko kaysa sa iniisip
ng utak ko...

I'm sorry Thundz, if I cannot fulfill my promise to you...

Charlotte, if ever you come again into his life and he still loves you
then I'll set him free...
Cloud, last chance for my unrequited love for you, if things don't work
out...Then I guess we're really not meant to be...

And that night I am back to square one again...

To that Skyleigh Vergara Monteciara who is willing to do anything for


Cloud...

TWO MONTHS LATER

"Anong resulta?" anito habang nakatingin sa kanya. Bagama't blanko ang


ekspresyon ng mukha niya. Hindi nakaligtas sa akin ang pangamba sa mga
mata niya.

Inilahad ko ang tatlong pregnancy test kit at nagmamadali niya itong


kinuha at isa-isang tinignan.

I'm sorry for doing this to you Cloud pero heto lang ang naiisip kong
paraan para mawala ang agam-agam sa puso ko..

"I-I'm not p-pregnant." nauutal kong sabi sa kanya.Tumango naman ito


ngunit bakas ang emosyong hindi ko alam kung paniniwalaan ko.

Maniniwala nga ba akong hindi niya nagustuhan ang resulta?

"G-gusto mo bang ipaghanda kita ng pagkain?" saad ko ngunit wala akong


nakuhang sagot sa kanya bagkus ay inilapag nito ang mga pregnancy test
kit sa lamesa at tinalikuran ako.

Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko.

(Play the song Set Me Free- MYMP)


'We often fool ourselves

And say that it's love

Only cause when it's gone

We end up being lonely

So how are we to know

That it just isn't so

That we just have to let each other go...'

Totohanan na ito, huli na talaga, huling sugal at pagkatapos nito kung


wala pa din susuko na ako hindi lang para sa sarili ko.. Kung hindi para
sa isang munting buhay na nasa sinapupunan ko..

"Bakit hanggang ngayon siya pa din?" ani ko na siyang nakapagpatigil dito


sa paghakbang.

"Bakit hindi mo ko magawang mahalin? Sinubukan mo ba talaga o pinaasa mo


lang ako?"

"I treated you as my priority but I am always an option to you. Why can't
you choose me, Cloud?! Hanggang kailan ba ako magiging reserba sa buhay
mo?!" sigaw ko dito at hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis na
tumulo ang mga luha ko.

Sa lahat ng sinabi ko o tinanong ko wala akong narinig sa kanya. Umiiyak


na tinawid ko ang distansya namin. Ipinaikot ko ang mga kamay ko sa
bewang niya ng napakahigpit.

'There were many times

When we shared precious moments

But later realized they were only stolen moments

So how are we to know


That it just wasn't so

That we just had to let each other go...'

"It's always been her. Ako ang nasa tabi mo pero siya ang laging
bukambibig mo. Ako ang asawa mo pero siya pa din ang nagmamay-ari ng puso
mo. Hanggang kailan pa ba ako mag-aantay na mapansin mo. Hanggang kailan
ba darating na ako naman--- Ako naman ang mahal mo... Hindi isang gulong
na reserba sa tuwing sinasaktan ka niya... Sabihin mo sa akin Cloud kasi
onting-onti na lang bibitiw na ako kung 'yun ang makakapagpasaya sa'yo.
D-dahil pakiramdam ko gaano man kita mahalin hindi ko siya mapapalitan sa
puso mo." patuloy sa pag-iyak kong saad habang yakap yakap ko siya mula
sa likuran. Naramdaman ko na may pumatak sa kamay ko.

At alam kong luha ito ng lalaking mahal ko.

Umiiyak na naman siya.

Dahil ba sa pinahihirapan ko na naman siya o dahil iniisip niya pa rin si


Charlotte na mahal na mahal niya?

Alin man sa dalawa, lubos itong nagpapasakit sa puso ko.

Tanging pagtangis ko lang nangingibabaw habang siya ay patuloy ang


pagpatak ng luha sa mga kamay ko. Nag-antay ako--- nag-antay ako na
magsalita siya. Ang sabihin na wag--- wag muna kong bumitaw pero wala
akong narinig mula sa kanya.

Ngayon alam ko na ang dapat kong gawin.

Kailangan ko ng palayain si Cloud hindi lang para maging masaya siya kung
hindi para na din sa sarili ko.

I know that letting go is hard but holding on to someone who doesn't love
me as much as I love him is harder.
'If loving you is all that means to me

When being happy is all I hope you'd be

Then loving you must mean

I really have to set you free...'

"I-I'm setting you free even though hindi ka kailanman naging akin.
Maaaring pag-aari kita sa batas at sa mata ng iba. Pero ang puso mo
mananatiling nakatali sa kanya. Be happy Cloud. Don't worry about me,
I'll be fine. Kung iniisip mo na may responsiblidad ka sa akin dahil sa
nangyari sa atin, wag kang mag-aalala h-hindi naman nagbunga eh...
Patuloy lang akong masasaktan maging ikaw kung ipagpapatuloy natin
ito..."

I'm sorry Cloud, I lied. I'm pregnant but I can't say it to you dahil
alam ko mapipilitan ka na naman na manatili sa tabi ko... At ayaw ko
'non... Kung mananatili ka man sa tabi ko, 'yun ay dahil sa mahal mo ko
at hindi isang responsibilidad lamang...

Ayoko na siyang mahirapan kaya kahit ang sakit sakit. Bibitaw ako hindi
dahil sa napagod na ako sa pagmamahal ko sa kanya kung hindi dahil gusto
ko siyang maging masaya sa piling ng mahal niya. Dahan-dahan akong
bumitaw mula sa pagyakap ko sa kanya. Nakakadalawang hakbang pa lamang
ako ng tawagin niya ang pangalan ko.

"Skyleigh..." napahinto ako sa paglakad.

Hanggang sa huli umaasa na naman ang puso ko.

Ang puso ko na wala ng kapaguran sa pag-asa sa na mahalin niya ako.

"I'm sorry sa lahat ng sakit na naiparanas ko sa'yo. Sa pagbanggit ko sa


pangalan niya tuwing kasama kita. I'm sorry dahil siya pa rin hanggang
ngayon ang nasa puso ko. I'm sorry pero maniwala ka I tried. Sinubukan ko
ang mahalin ka, and thank you for setting me free, kahit na alam ko na
mahirap para sa'yo. Thank you for the memories Sky. In time you'll find
someone who will love you and I'm sorry that it won't be me because I am
foolishly in love with her. I need to go but I'll be back, let's talk
again later." anito sabay lakad paalis sa kwarto namin.

Paalis sa buhay ko...

Alam ko pupuntahan niya siya. Hahabulin niya na naman ang babaeng mahal
niya. At ako maiiwang mag-isa.

Mali Sky, hindi ka na kailan pa magiging mag-isa makakasama mo na ang


munting alaala mula sa lalaking mahal mo, nakakalungkot nga lang na
mananatili siyang sekreto. I know I'm being unfair to my unborn child and
to his father but then I think it's for the better. I can't bear to see
my child witness our loveless marriage. And lastly I want him to be happy
even if it means disappearing from his life...

And that night I ran away. I ran away from everything. I ran away from
them. I ran away from the pain because of loving him too much. I ran away
with the secret of me bearing his unborn child. I never regretted loving
him but I wish that I won't see him ever again....

TBC

=================

AWS CHAPTER 23

Chapter 23

"MOMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMY!"

Isang matinis na boses ang gumising sa akin. Walang iba kung 'di ang
babae kong anak, si Claudi. Nagpanggap akong tulog pa din at hindi
pinansin ang pagyugyog niya sa akin.

"Mommy, please wake up na it's weekend and it's our date and I'm so
excited. Last night, you sleep early, Ate said na your pagod daw so Klode
and I decided not to wake you up even though we want you to sing us a
song. And mommy, you make pagalit my twin bro 'cause Klode teased me
again last night saying that I'm still a baby because I still drink milk
in a bottle, 'di ba Mommy I'm not a baby anymore.." napakahaba ng
sinasabi ng anak ko kaya naman bago pa siya hingalin sa walang katapusan
niyang pagsasalita. Hinila ko siya pahiga,at kiniliti.

"Ahhhhhhh...Mommy stop na hahahaha--Mommy!" tumigil din naman ako ng


mapansin kong pulang-pula na siya.

"Where's your brother baby?" tanong ko habang ina-ayos ang nagulo niyang
buhok. Ngumuso naman ito at hindi ko maiwasang pisilin ang pisngi niya.
Sa kanilang magkapatid, si Claudi ang madaming ekspresyon sa mukha unlike
my boy na minsanan lang ngumiti maging tumawa.

"He's in the sala Mom, as usual he's reading a book. Mommy why Klode
laging read ng book, he's so weird.I heard he's-" napakadaldal talaga ni
Claudi.

Tignan niyo naman tinanong ko lang kung nasaan ang kapatid niya ang dami
na namang sinabi. Napangiti na lang ako at hindi napigilang halikan ang
anak ko sa sobrang kakyutan nito.

"Mommy, you're still not taking ligo and toothbrush! stop kissing me, you
take a bath na and let's go to the mall..." conyo at maarte nitong sabi
bago ito tumakbo pababa. Natatawa na lang akong nagpunta sa banyo at
naligo.

* * * * *

"ATE KLENG I told you many times that I don't want to eat fish. It's so
lansa and and and-"

"What? Hindi mo na alam kung ano sasabihin mo? Stop acting like a brat
Claudi, kung anong nasa lamesa dapat kainin mo. And did you know that
fish is healthy for our body-"
"Waahhhhhhhh, You're making a-away na naman t-to me huk!"

"I am not."

"Yes you are."

"I.am.not"

"Yes you are."

"Baby girl, Baby boy tigil na magaga-"

"Hindi na ako baby!"/"I am not a baby na!"

"Big boy na ako!"/"Big girl na ako!"

Bago pa magrambulan ang kambal nagmamadali na akong bumaba ng hagdan.


Nasa itaas pa lang ako dinig na dinig ko na ang pagtatalo ng dalawa.
Madalas na hindi magkasundo ang kambal, dahil sa napakalaking pagkakaiba
ng personality nila. Halimbawa na lang ni Klode, gusto niya ng tahimik
habang si Claudi naman napakadaldal. Iyakin si Claudi at mapang-asar
naman si Klode. Ang pagkakaparehas naman nila, pareho silang pikon.

Naabutan ko sila na naglalabanan ng tingin habang si Kleng naman ay


napapakamot na lang ulo sa kunsomisyon sa dalawa. Minsan napapaisip ako,
hindi lang ako kung 'di pati ang nakakakilala sa kambal kung pitong taon
lang ba talaga sila.

"You two enough or else-" sabay silang nagbaba ng tingin ng marinig nila
ang boses ko. Matigas ang ulo ng kambal pero alam nila kung kailan dapat
manahimik. I always see to it na hindi sila lalaki na kulang sa
disiplina.
"Anong sinabi ko? No fighting especially when you are in the dining
table." saad ko sa dalawa at naupo. Sinenyasan ko naman si Kleng na
kumain na din at maupo, agad naman itong tumalima.

"Claudi, I told you many times na irespeto mo ang nakakatanda sa'yo, what
are you gonna say with Ate Kleng?"

"I'm sorry Ate Kleng." bumaba pa ito sa upuan at niyakap si Kleng. 

Malambing naman kasi si Claudi 'e, may pagkamaldita lang talaga.

"And your twin is right Claudi, dapat kinakain mo kung ano ang nasa
lamesa kasi bigay sa atin 'yun ni Papa Jesus okay?" malambing na ang
boses na saad ko.

"Yes, Mommy sorry po.Ate Kleng I'll eat the fish na."

Nakangiti naman itong pinaghimay ni Kleng. Matapos ko kay Claudi


binalingan ko naman si Klode na nakayuko pa din at pinaglalaruan ang nasa
plato niya.

"Stop playing with your food Klode." napatigil naman ito sa ginagawa at
nag-angat ng ulo.

"You see Klode, its a good thing na alam mo na hindi dapat maging mapili
sa pagkain at nasabi mo 'yun kay Claudi. But what's wrong baby is the way
you said it. Next time, pag may gusto kang ipaalala kay Claudi, tell it
to her gently alright? And also say sorry to Ate Kleng you also shout at
her kanina." 

Ngumiti naman ito sa akin at tumango. "I'm sorry Ate Kleng." 


"Okay lang Klode." saad ni Kleng.

"Now, I want the two of you to say sorry to each other, prove to me na
hindi na kayo mga baby." seryosong saad ko habang nagsimula na din akong
kumain.

"I'm sorry Klode"/"I'm sorry Claudi." napangiti naman ako ng sabay pang


magsalita ang dalawa. Madalas man magtalo ang dalawa, mabilis naman itong
magkabati. I am really blessed because of my children.

* * * * * 

"MOMMY maganda ba me?" napangiti ako sa tanong ng anak ko na paikot-ikot


sa harap ng salamin habang nag-aayos ako ng mga dadalhin sa pag-alis
namin. Tuwing weekends, lagi kong ipinapasyal ang kambal, bonding time
namin ito bilang mag-iina. Nang matapos ako sa ginagawa ko, natutuwang
pinagmasdan ko si Claudi. Habang lumalaki si Claudi, mas lalong
nahahalata ang pagiging magkamukha namin.

"Of course baby, kanino ka pa ba magmamana?"

Ngumiti naman ito ng pagkatamis-tamis na ikinatawa ko. Pinagkiskis ko pa


ang ilong namin bago mapagpasyahan na bumaba na dahil panigurado
nagmumukmok na si Klode kakaantay sa amin.

"Mommy? If sa inyo ko nagmana then is that mean si Klode sa daddy namin?


Kasi we don't look alike eh." napatigil ako sa paglalakad sa puno ng
kuryusidad na tanong ng anak ko.

Of course, Claudi is a curious kid, hindi lang ito ang unang beses na
tinatanong niya sa akin ang tungkol sa ama nila ni Klode. Nag-iisip pa
ako ng sasabihin ng bigla na naman itong nagsalita.

"I really want to see Daddy but Klode said he doesn't want us." malungkot
na saad nito. Parang may humaplos sa puso ko dahil sa nakita kong
ekspresyon ng anak ko. Lumuhod naman ako at iniharap ito sa akin.
"Baby, it's not like that, hindi sa hindi kayo gusto ng d-daddy niyo, 'di
ba sinabi ko naman sa inyo na nasa malayong lugar si Daddy at --"

"If he really want us, kahit nasa malayong lugar siya pupuntahan niya pa
din tayo Mom." napahinto ako sa sinasabi ko ng magsalita si Klode, na
hindi ko namalayang nakalapit na pala sa amin.

"Klode, wag kang magsalita ng ganyan. Mga bata pa lang kasi kayo, but
when you grow up I'll explain everything okay?"

And I wish na hindi kayo magalit sa Mommy niyo kapag nalaman niyong
ipinagkait ko sa inyo ang magkaroon ng isang ama dahil lang sa takot na
naramdaman ko noon.

Yumakap ito sa akin. "It's okay Mom, masaya naman tayo 'e, You,Claudi and
Me. Kahit walang daddy, happy pa din tayo." 

"Group huuuuuug!" matinis ang boses na saad ni Claudi, sabay pa kaming


napatakip ng kambal niya sa tenga sa ingay nito.

Tama si Klode, masaya naman kami 'e. Hindi na namin siya kailangan, I
don't hate him but I really wish na hindi na siya makigulo pa sa tahimik
at masaya kong buhay kasama ang kambal. Masaya kaming nagpunta sa mall at
ang sarap sa pakiramdam na makitang nakangiti,at tumatawa ang mga anak
ko. I am really contented with what I have now..

Still, Sky mas magiging masaya ang mga anak mo kung magkakaroon sila ng
isang ama ..

No, nabuhay kami ng ilang taon na wala siya , hindi man ganun karangya
but at least masaya kami...

Pilit kong iwinaksi ang gumugulo sa isipan ko, at pinagtuunan na lang ng


pansin ang kambal ko.
* * * * *

"MA'AM hindi pu-pwede ang gusto niyo!" ani ko.

Kasalukuyan akong nasa opisina ng publishing house na pinagpapasahan ko


ng mga nobela ko.

"Please, Sky just this once pumayag ka naman oh." puno ng pakiusap na
saad ni Ma'am Krys.

Hindi, hindi ako pwedeng bumalik ng Maynila, malaki ang tsan-

"Ano ba talagang rason kung bakit ayaw mong sumama sa booksigning event?"

Napatahimik ako sa tanong nito at hindi nakasagot.

"Look Sky, for the past five years na nandito ka sa SPH, ilang nobela mo
ang tumatak sa mambabasa. At marami sa kanila ang umaasang makadaupang-
palad ka. Pero hindi ka kailanman nagpakita at hinayaan ka namin, pero
this is a big event Sky and we are really looking forward sa pagdalo mo
dahil ikaw ang isa sa nangungunang writer ng publishing na ito." mahabang
pagpapaliwanag nito.

"Ma'am naiintindihan ko po kayo, it's just that malayo ang maynila sa


Davao. And I can't leave my children." nanghihingi ng pang-unawa kong
saad.

Davao is our home for the past eight years. Dito kami napadpad ng kambal
after Titamoms died. And I am still not ready na umalis dito at pumunta
ng Maynila kahit na nga ba isang linggo lang ang itatagal namin doon para
sa booksigning event namin for our fans na sumuporta sa mga akda naming
nobela ng kapwa ko manunulat.
"Kung iyon lang naman ang inaalala mo, then isasama natin sila. May yaya
naman sila Klode at Claudi so hindi sila makakasagabal. At isa pa
matutuwa pa kami kung dadalin mo ang dalawa." 

Hindi lingid sa kaalaman ng mga katrabaho ko ang tungkol sa kambal kaya


kilala sila ni Maam Krys. Sa katunayan, gustong-gusto nila ang kambal
lalo pa si Maam Krys na hindi nabiyayaan ng supling. Napabuntong-hininga
naman ako dahil wala na akong maisip na dahilan para makahindi pa. Hindi
ko naman maidahilan ang pagpasok ng kambal dahil school break ng mga ito.

Paano ko sasabihin na natatakot akong makita ang lahat ng tinakbuhan ko?


Paano kung makaharap ko ang pamilya Monteciara at malaman nila ang
tungkol sa kambal? And lastly, hindi ko alam kung anong magagawa ni Cloud
pag nalaman niya ang pagsekreto ko sa mga anak namin. Baka kunin niya sa
akin ang mga ito.

Ngunit hanggang sa huli, gaano man ako katutol sa ideya na bumalik ng


Maynila, wala na din akong nagawa. Sana lang hindi kami pagtagpuin ng
tadhana.

Hindi maaari....

TBC

=================

AWS CHAPTER 24

Chapter 24

THIRD POV

Book signing Event.


Bakas ang tuwa sa mga mambabasang naghihintay para makita nila ang mga
iniidolo nilang manunulat kabilang na dito si Skyleigh na ang pen name ay
Claudi Klode na hango sa pangalan ng mga anak niyang kambal.

"Kleng dumito na muna kayo ah, pwede mo namang igala ang kambal
pagkatapos niyong kumain but make sure na wag mo silang iwawala sa
paningin mo ok?" 

Ilang beses na itong binilin ni Sky sa yaya ng kambal. Hindi niya lang
talaga maiwasang mag-aalala, pero mas lalong hindi naman pwede na isama
niya ang kambal sa booksigning event.

Kasalukuyang kumakain ang kambal sa jollibee na paborito nilang mag-iina.


Iiwanan niya dito ang tatlo, ayaw kasing pumayag ng kambal na mag-stay sa
hotel na tinutuluyan nila.

"And you two wag lalayo kay Ate Kleng ah." hinalikan niya pa sa pisngi
ang dalawa at nagpasya na ding umalis dahil tumatawag na ang kasamahan
niyang si Yura at mag-uumpisa na ang event.

Maraming sumusulyap kay Skyleigh habang siya ay walang pakialam na


nagmamadali dahil ayaw niya namang paghintayin ang mga mambabasa ng
kanyang mga nobela. Kapansin-pansin ang kagandahan ng dalagang ina,
walang sino man ang mag-aakala na may anak na ito.

Nangingibabaw ang kaputian at malaporselanang balat nito sa suot na


summer dress na umaabot lamang hanggang sa kalahati ng hita
nito. Humahakab ang mahubog na katawan sa suot, at ang mukhang walang
bahid ng anumang make-up ngunit makikita pa rin ang nakakaakit nitong
kagandahan. Sa loob ng walong taon, iilang lalaki na ang nagtangkang
manligaw dito ngunit wala siyang sinagot dahil sa mas gusto niyang itutok
ang atensyon sa kanyang mga anak.

Sa kambal nga lamang ba o may iba pang dahilan?

Hindi mahulugang karayom ang dami ng tao na sumalubong kay Skyleigh na


siyang ikinagulat niya. Hindi niya aakalain na madami palang nagbabasa sa
mga akda nila ng kanyang mga kapwa manunulat. Agad siyang nakita ng
kasamahang si Yura at nagmamadali siyang hinila papunta sa kanilang
pupwestuhan para pumirma.

"Buti naman dumating ka na, grabe halos ang lahat ng tao dito ikaw ang
hinahanap. Curious na talaga sila sa'yo, ikaw na talaga." Natawa naman
siya sa sinabi ng kaibigan at hindi na lang umimik. Napansin niyang nag-
uumpisa ng pumila ang mga nagnanais makapagpapirma ng libro na gawa nila.
Hindi na rin pala masama, na pumunta siya dito dahil nakakataba ng puso
na makitang marami ang nagbabasa ng gawa niya.

"Oh my gosh! Kayo po si Claudi Klode idol na idol ko po kayo.Grabe ang


ganda-ganda niyo po."

"Ang ganda niyo po para maging author mas bagay po kayong maging
artista."

"Ang ganda-ganda po ng mga isinusulat niyo kasing-ganda niyo po."

Iilan lang yan sa mga papuring natanggap ni Skyleigh mula sa kanyang mga
fans, ang iba ay may mga regalong ibinigay pa sa kanya na siyang
ikinatuwa niya ng labis. Tumagal ng dalawang oras ang signing event sa
sobrang dami ng nagpapirma 'di lamang kay Skyleigh maging sa ibang
manunulat. Aalis na sana siya para puntahan ang kambal ng mag-request ang
kanilang mga fans na kumanta silang mga manunulat. At muli, wala siyang
nagawa kung hindi makisama. Siya ang huling magpeperform at hindi niya
maiwasang kabahan dahil matagal na din ng huli siyang kumanta.

Paano pag pumiyok ako?Nakakahiya...Sa isip-isip nito.

"And now let's all welcome our author for many of our best-seller novels,
Claudi Klode!" masigabong palakpakan ang nangingibabaw at nanginginig ang
tuhod ni Skyleigh na kinuha ang mikropono sa kasamahan niyang si Yura na
natapos na sa pagwawala este pagkanta.

"Hmmmm Hi, guys thank you sa pagpunta.." 

Ito lang ang nasabi niya bago mag-umpisa ang tugtog na aawitin niya.
'Dahan-dahan kang pababayaan

Hahayaan ang nararamdaman Lalo lang masasaktan

Lagi lang magdaramdaman

Kung hindi pagbibigyan ang puso'y lumipad'

Natahimik ang lahat ng pumailinlang ang malamyos na boses ni Skyleigh,


napakaganda ng boses ng ng babae. Damang-dama ang bawat nota, iilan lang
yan sa tumatakbo sa isip ng mga nakakarinig nito. Kahit nga ang
napapadaan ay napatigil at pinagmasdan ang umaawit kabilang na dito ang
dalawang lalaki...

* * * * *

'Hahanap-hanapin ka

Dadalaw-dalawin ang nakaraan

Kahit na alam kong wala na akong babalikan'

"Thunder ano sa tingin mo ang magandang regalo para kay-" napahinto sa


pagsasalita si Riane ng biglang huminto sa paglalakad ang kasama niya at
nagpalinga-linga na tila may hinahanap.

"Hoy ano bang hinahanap mo?" humarap ito sa kanya at bakas ang hindi
mapalagay na ekspresyon nito.

"Naririnig mo ba yung kumakanta?" natawa naman ang dalaga sa tanong ni


Thunder at nagbibirong nagsalita.

"Of course naririnig ko hindi naman ako bingi and I might say ang ganda
ng boses niya, mukhang nandun yung kumakanta -" nagtaka siya ng tumakbo
si Thunder papunta sa pinanggagalingan ng boses, ang tanging narinig niya
lang na sinabi nito ay "I know that voice, " na ikinakaba ng pobreng
dalaga na nagmamadali ding hinabol ang lalaki.
'Kahit na pilit kitang iwasan

Alaala mo'y lagi kong tangan

Dapat ba sadyang tanggapin

Di kita kayang limutin

Kahit na tayo'y nagbago iisa ang ating mundo'

"NANDITO na ako umpisahan niyo na kung madami ng mga bata- " napatigil si
Cloud sa pagsasalita sa kausap niya sa cellphone ng may marinig siyang
pamilyar na boses na kasalukuyang umaawit. Wala sa loob na binaba niya
ang cellphone at hinanap ang pinanggagalingan ng boses.

Natagpuan niya na lang ang sarili na pinapanood ang kanyang asawa. Ang
babaeng umalis at parang bulang naglaho walong taon na ang nakakalipas.
Malakas ang kabog ng puso niya habang tinitignan si Skyleigh. Ang babaeng
minahal siya ngunit tanging sakit lang ang naiganti niya. Pinagmasdan
niya si Sky, at napansin niya ang pagbabago nito. Ang dating buhok na
hanggang bewang ay wala na, ngunit bumagay naman dito ang gupit na umabot
lamang sa balikat nito.

Napakaganda niya pa din...

Napailing si Cloud sa naisip at nagpasyang umalis kahit na nga ba may


nagtutulak sa kanya na lapitan ang dalaga. Aalis na dapat siya ngunit
nanatili pa din siyang nakamasid kay Skyleigh at inaantay na matapos ito
sa pagkanta. Hindi niya maiwasang humanga sa napakaganda nitong boses at
nakapagpasya na siya na kakausapin niya na si Skyleigh--- his wife. Ito
na siguro ang tamang pagkakataon para malaman niya kung anong nangyari
dito sa panahong lumipas.

''Hahanap-hanapin ka

Dadalaw dalawin ang nakaraan

Kahit na alam kong wala na akong babalikan'

'Bakit ba ang hirap pigilan

Para bang sinasapian


Kahit na may iba ka ng sinisintaaaaa

Hinahanap hanap ka

Dinadalaw dalaw ang nakaraan

Kahit na alam akong wala nang babalikan

Woooooh wooooh

Dadalaw dalawin ka kahit na wala akong babalikan'

Maglalakad na sana siya palapit dito ng makitang bumaba ito sa stage ng


makita niya ang pagyakap dito ng isang lalaki...

* * * * *

Namayani ang katahimikan at hindi maiwasang kabahan ni Skyleigh sa


pangambang---

Napatigil ang tumatakbo sa isip niya ng nakakabibinging sigawan ang


narinig niya.

Nagbow lang siya kahit na nga ba may sumisigaw pang 'MORE', nahihiya siya
kaya nagmamadali na siyang bumaba. Malapit na siya sa upuan niya ng may
mga bisig na yumakap sa kanya sa likod. Nanlaki ang mga mata niya at
pilit nagpumiglas sa humahawak sa kanya.

Napatingin siya sa paligid niya, at nakita niya ang mga reaksyon ng mga
tao. May mga napahawak pa sa bibig sa gulat kabilang na ang kaibigan
niyang si Yura.\

"Get off sino-"

"I finally found you at last.. I miss you Skyz..."


Napatigil siya sa pagpupumiglas ng marinig ang pamilyar na boses. Lumakas
ang kabog ng puso niya at hinarap ang nasa likod niya.

"Thundz," bulong niya.

Pinagmasdan niya ang kababata na higit walong taon na ng huli niyang


makita at binalot siya ng kaba ng mapagtantong na nasa harap niya ang
kapatid ng lalaking iniiwasan niya.

"Pangalan ko lang ba ang masasabi mo?" natulala siya ng yakapin ulit siya
nito. Itinulak niya naman ito ng mapansing nakakaagaw na talaga sila ng
atensyon. Rinig niya pa ang tilian ng ilang kababaihan na halatang
kinikilig kay Thunder. Hindi niya naman masisisi ang mga ito dahil sa
tinagal ng panahon niyang hindi nakita ang kanyang best friend, mas lalo
pa itong gumuwapo.

"What? You have a lot of explaining--" Hindi niya na ito pinatapos sa


sasabihin nito at agad niya itong hinila paalis.

Hindi ito ang tamang lugar para mag-usap sila...

"SO what happen to you? San ka nagpunta? Kumusta ka na ngayon? Bakit


hindi mo man lang kami kinontak?" napatigil siya sa pagsimsim ng kape ng
sunod-sunod na magsalita ang kaharap niya na si Thunder.

Sa isang coffee shop sila napadpad para makapag-usap.

"Look Thundz, hinay-hinay lang sa tanong, kumalma ka nga." pabiro niyang


saad.

"Don't take it as a joke Skyleigh, walong taon kang nawala.. Eight


freaking years and you expected me na kumalma! Kung hindi ko pa narinig
ang boses mong kumakanta kanina, hindi ko pa malalaman na bumalik ka na!"
sigaw nito sa kanya.
May mga taong napatingin sa kanila dahil sa pagtaas ng boses nito,
napayuko na lang siya at hindi nakapagsalita.

"Galit ka." Walang bahid ng tanong kong saad.

"Hindi ako galit. Gusto ko lang malaman ang mga nangyari sa'yo for the
past eight years." kalmado na ang boses nitong saad.

"I'm sorry."

"Sorry? I won't accept your sorry unless sabihin mo sa akin lahat-lahat


ng nangyari sa'yo."

Napatigil siya sa tangkang pagsasalita ng umalingawngaw ang isang tunog


na alam niyang nagmumula sa cellphone nito.

"Sagutin mo muna 'yan." pag-udyok niya.

Paraan ko na din para makapaghabi ng sasabihin sa kanya.

Kinakabahan din ako na baka makita niya ang kambal dahil nasa iisang
lugar lang kami kaya hindi ako makapag-isip ng sasabihin ko sa
kanya.Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol sa kambal--

"No, it's not important." patuloy pa ding tumutunog ang celphone nito
kaya pinilit ko siyang sagutin na ito.

"Hello-Look,I'm sorry okay?--- Let's talk later." 

Binaba nito ang cellphone at nakita niya kung paano tila nagsisi ang
kaibigan kaya hindi niya maiwasang magtaka kung sino ang kausap nito.
"Sino 'yon?" tanong niya.

"Just tell me what happened to you." anito.

At dahil alam niya namang hindi siya nito titigilan. Bumuntong-hininga


siya at sumandal sa kinauupuan niya.

"Look Thundz, I know that you are wondering kung anong nangyari sa akin.
But can't we just move on? Nakaraan na 'yun at hindi na dapat balikan. At
sa nakalipas na taon masaya ako, 'yun lang ang masasabi ko sa'yo."

"Dahil sa kanya right?"

At hindi niya na kailangan pang tanungin kung sino ang tinutukoy nito.

"It's not like that...Thundz."

Nagtagis ang bagang nito at alam niyang hindi nito pinaniniwalaan ang
sinabi niya.

"Hindi ako tanga Sky, siya lang ang naiisip kong dahilan kung bakit ka
biglang nawala."

"Okay fine, I left because of him kung 'yun ang gusto mong marinig. But
I've already move on from him so I would really appreciate kung hindi na
natin siya pag-uusapan.." saad niya at napansin niya naman ang lungkot sa
mukha nito.

"Kung naka-move on ka na sa kanya then bakit hindi ka na bumalik?"


Matagal bago niya nakuhang sagutin ang tanong nito. "Hindi ako bumalik
dahil wala na naman akong babalikan Thunder."

"Hindi mo ba ko naisip man lang, kami nila Mommy?"

Hindi niya naman maiwasang makonsensya sa sinabi nito. Of course naisip


niya sila pero wala din siyang lakas ng loob bumalik dahil sa ayokong
malaman nila ang tungkol sa mga anak niya. Ayokong maging komplikado ang
lahat.

"I've heard about what happened to Tita.. the moment na makabalik ako
from Los Angeles, hinanap agad kita. Nabalitaan ko na lang kayla Mommy na
wala na daw si Tita at hindi ka naman nila nakita ng pumunta sila ng Cebu
to visit you dahil alam nila na siguradong nandoon ka pa. They keep
asking me and my good for nothing brother about you pero katulad nila
clueless din kami kung nasaan ka."

Napatahimik naman siya sa sinabi nito.

"Yeah, actually nung umalis ako at pumunta sa kanya, dun ko lang nalaman
na may sakit na pala si TitaMoms, itinago niya pala sa akin. I was too
preoccupied with other things na hindi ko man lang nalaman na may
malubhang sakit na pala siya. Nakakalungkot pero mas okay na 'yun kaysa
makita ko pa siyang nahihirapan." Pinunasan niya ang luhang tumakas sa
mga mata niya, hanggang ngayon kapag naiisip niya pa din ang pagkamatay
ng TitaMoms niya napapaiyak pa din siya at hindi niya maiwasang sisihin
ang sarili niya dahil huli na ng malaman niya ang sakit ng itinuring
niyang ina.

'Nung umuwi siya ng Cebu, nagulat siya  na ang bumungad sa kanya  ay ang
TitaMoms niya na hindi na halos makabangon sa hinihigaan nito.   Isang
taon na itong nakikipaglaban sa sakit nito at siya ay wala man lang
kaalam-alam. She felt sorry for her. For having a niece like her.

"Nabalitaan ko din na nalugi ang kompanya niyo." anito at bakas ang awa


sa boses nito.
"Hmmm, hindi ko din naisalba so I have no choice but to sell it. But I'm
okay, nakapagcope-up naman ako... You know me, mabubuhay naman ako kahit
na hindi na ako mayaman pa." 

Tumango-tango naman ito. Alam niyang  marami pa itong nais itanong pero
kailangan niya  ng umalis dahil baka hinahanap na siya  ng kambal.

"I need to go Thunder, may kailangan pa akong asikasuhin." Kukunin niya


na ang bag niya ng pigilan siya nito.

"Wait, mag-usap pa tayo or better yet ibigay mo ang address mo sa akin or


contact number."

"Thundz, kailangan ko na kasi talagang umalis." aniya at ng makita niya


ang lungkot sa mga mata nito ay ibinigay niya na rin dito ang number
niya.

Ngumiti ito. "I'll contact you saan ka ba nag-sstay dito sa Manila?" 

"1 week lang ako dito Thunder, hindi na dito ang buhay ko." 

Naglaho ang mga ngiti nito. "What do you mean? Saan ka na nakatira? Tell
me." pakiusap nito.

"I'm sorry Thunder but I can't... You can call me but I can't promise na
magkikita pa tayo.." Saad  niya at nagmamadali niyang iniwan ang kaibigan
na natulala sa sinabi niya.

I'm sorry Thunder, pero I can't go back and be a part of your lives
again...

Narinig niya pa ang pagtawag nito sa pangalan niya  pero hindi niya  na
ito pinansin pa. Kailangan niya ng mailayo ang kambal ora-mismo...
TBC

=================

AWS CHAPTER 25

"You never get over the pain of loss; you just get immune to it."-
DearAlex

Chapter 25

"Yura, mauuna na kami ng mga bata sa hotel. Pakisabi na lang kay Ma'am
Krys."

"Wait lang Leigh, sino ba yung gwapo kanina 'yun na ba si Clo-"

"No hindi siya 'yun. Basta, I'll tell you later hahanapin ko pa ang
kambal."

Binaba ko na ang tawag kay Yura kahit na may itatanong pa ang huli. Hindi
ito ang oras para makipagkwentuhan ako. I-dinial ko ang number ni Kleng
at inantay itong sumagot.

Palinga-linga pa ako dahil baka sinundan ako ni Thunder pero mukhang


hindi naman. I know he's my best friend at kung malaman niya naman ang
tungkol sa kambal. Alam kong hindi niya ito sasabihin, gayunpaman ayokong
sumugal.

"H-hello Ate Leigh?" Napansin ko na iba ang boses ni Kleng kaya naman
kinabahan ako.

"Anong problema? Nasaan na kayo? Don't tell me nawawala ang mga bata?!"
Sunod-sunod kong tanong.
"Hindi po Ate, nandito po kasi kami sa fourth floor 'e may event po kasi
dito." nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito.

"Okay, umalis na kayo diyan aantayin ko kayo sa entrance." Ibababa ko na


sana ang tawag ng mapansin ko ang atubili nitong boses.

"E-e ate si Claudi po kasi sumali sa singing contest dito, siya na po ang
susunod 'e."

"W-what? Anong klaseng contest ba yan?!" 

Kung si Klode ay genius pagdating sa academics, Claudi is musically


inclined, she can play different instruments. At the age of 5, she
already knows how to play piano, guitar, violin and flute. At pagdating
naman sa boses, hindi lang isa kung 'di marami ang nag-alok sa akin na
gawin kong singer ang anak ko. Pero ayoko, bukod sa bata pa siya malaki
ang tiyansa na magkita sila ng ama niya.

"Ate, 'yun pong malaking network MEC po grabe may mga artista nga din po
dito-" Hindi ko halos naintindihan ang sumunod na sinabi ni Kleng.

Ang tumatak lang sa isip ko ay ang sinabi niyang network, MEC.

Sa lahat ng network MEC pa, ang kompanyang pinamamahalaan ni Cloud.Paano


kung nandun si Cloud? Paano kung makita niya si Klode at Claudi? Will he
recognized them as his own? No, imposible!  hindi naman siguro, pero what
if maghinala siya. Kamukha ko si Claudi, at si Klode na exact replica
niya. Nanghihina na ako sa iniisip ko, wala pa kaming isang araw dito
pero bakit parang pinagtatagpo kami ng landas. Ganun na ba kaliit ang
mundo para sa amin?

"Ate nandiyan pa po ba kayo? Hello?" Nabalik ako mula sa malalim na pag-


iisip ng marinig ko ang boses sa kabilang linya.

"Umalis na kayo ngayon diyan bilisan niyo Kleng!"


"Ate, kanina pa po kasi kami  pumila dito at tsaka-" Hindi ko na inantay
pa ang sasabihin niya.

"No, ako ng bahala kay Claudi basta ialis mo ang mga bata
diyan!"napatingin sa akin ang ibang tao dahil na rin sa napasigaw ako.

"Hala! ate nasa stage na po si Claudi!" Paiyak na saad ni Kleng marahil


natakot sa boses ko. Napakagat ako sa mga kuko ko sa daliri.I guess wala
na akong magagawa, mas makakakuha ng atensyon sila kung kukunin ni Kleng
si Claudi, tiyak na iiyak ang huli.

"Okay, ganito na lang nasan si Klode?" kalmado ko ng tanong.

"Andito po sa tabi ko."

"Good, isuot mo sa kanya yung hoodie niya, cover him alright?" Nagtaka pa
ito sa sinabi ko pero umoo na lang ito. Pagkatapos ko siyang kausapin
nagmadali na akong pumunta sa kinaroroonan nila.

Nang makarating ako doon nag-uumpisa na ang pagkanta ng anak ko, at tama
nga ako he's there. He's one of the judges. He's looking at my daughter
intently.

Oh god please help me, I am not ready for this.

CLOUD POV

"Sir, kanina pa po nag-umpisa.Mabuti po nakaabot kayo." Hindi ko na


sinagot ang sinabi ng secretary ko at umupo na sa pwesto ko.
Hindi dapat ako kasali sa judges kung saan nagconduct ng isang singing
contest ang MEC for us to discover kids who will be our new talent. But
then, one of the singers caught in some emergency so I decided to replace
him. After all, may background din naman ako when it comes to music.

Hindi ko na masyado napagtuunan ng pansin ang mga batang kumakanta,


because I was too preoccupied with what happened a while ago. I saw
Skyleigh, after eight long years and I can't explain why am I feeling
this way. Lalapitan ko na sana siya ng may yumakap sa kanyang lalaki na
kung hindi ako nagkakamali ay si Thunder. Ang kapatid ko na pinutol na
ang komunikasyon sa akin, dahil sa ako ang sinisisi niya sa pag-alis ni
Sky, though I can't blame him because I know it's all my fault. Nasaktan
ko si Sky, and I guess 'yun ang dahilan kung bakit niya pinili na lumayo
sa amin. Napabuntong-hininga ako, why do I feel like gusto kung umalis
dito at hanapin si Sky. Gayong alam ko naman na hindi niya ako gugustuhin
pang makita.

"Sir okay lang po ba kayo?" Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang


boses ng secretary ko, tumango na lang ako at pilit pinagtuunan ng pansin
ang batang pumapanik na ngayon sa stage.

She's wearing a pink jumper with matching doll shoes, kakaiba siya sa


ibang bata dahil halatang hindi siya kinakabahan at nakangiti pa ng
malawak.

"Okay so what's your name beautiful girl?" Tanong ng isa sa mga judges.

"Wow, thank you for saying that I am beautiful, kamukha ko po kasi ang
mommy ko." Natawa naman ang lahat including me ng imbes na sagutin ang
tanong ay nagpasalamat pa ito na sinabihan siyang maganda. Hindi ko
napigilang pakatitigan ang bata dahil sa pamilyar ang itsura niya.Those
chinky eyes, pointed nose, thin lips and even her curly hair.

It reminds me of the kid that I knew when I was a child and it's none
other than Skyleigh. Nagkataon lang siguro, may ganon naman 'di ba ?

"Anyway ako po si Leighrah Claudine but you can call me Claudi. I will be
singing my favorite song.I am 7 years old and and 'yun lang po."
Nagtawanan ang lahat sa kakyutan nito ngunit ng nag-umpisa itong umawit
parang may dumaang anghel sa sobrang tahimik dahil napakaganda ng boses
ng bata. And I can't explain this feelings of mine. Bakit parang may
humahaplos sa puso ko habang nakatitig sa bata na nasa harap ko. Bakit
ang lakas ng kabog ng puso ko...

'I remember tears streaming down your face

When I said, "I'll never let you go"

When all those shadows almost killed your light

I remember you said, "Don't leave me here alone"But all that's dead and
gone and passed tonight...'

Sa buong durasyon ng pag-awit niya walang kahit sino ang nag-ingay, I can
say that this girl will be a great singer someday. Nagkatinginan kaming
mga judges, at mukhang nakahanap na kami ng panalo sa singing contest na
ito. Nang matapos itong kumanta, halos lahat ay tumayo at pumalakpak.
Nagcurtsy lamang ang bata at bumaba na din. Hinabol ko siya ng paningin
at nakitang lumapit sa isang babae, maybe her mother pero mukhang hindi
din dahil hindi sila magkamukha, napansin ko din na may niyakap din itong
isang bata pero nakahoodie kaya hindi ko nakita ang itsura. Nagtaka ko ng
umalis na sila, hindi man lang ba nila aantayin na iannounce ang
mananalo?

Sa pag-aakala na may bibilhin lang ang mga ito, hindi ko ito


pinansin.Ngunit ng iannounce na ang nanalo na walang iba kung hindi ang
bata, nakaalis na ito. Binalot ng panghihinayang ang puso ko na hindi ko
maipaliwanag kung bakit.

"HELLO babe?" Kasalukuyan akong nagmamaneho pauwi ng tumawag si


Charlotte.

We're still together kung itatanong niyo pero ewan ko ba parang hindi na
katulad ng dati. For the past eight years na magkasama kami, nanatili pa
din kaming tago sa lahat. Sikat na sikat na siya ngayon and I am still
the CEO of MEC.

"Nasaan ka na?" nagtaka ako sa tinanong nito.


"Hey, don't tell me kinalimutan mo na? May usapan tayo ngayon remember?
Andito na ako sa resort, pupunta ka naman 'di ba?" bakas ang lungkot sa
boses nito pero  gusto ko mang sabihin na pupunta ako parang may
pumipigil sa akin. Kaya nagsinungaling ako sa kanya.

"I'm sorry charlotte may meeting pa kasi ako 'e, I'll make it up to you
alright?" nanahimik ito sa kabilang linya at narinig kong bumuntong-
hininga ito.

"Alright, w-wala naman akong magagawa eh, trabaho mo yan eh."

"Thanks for understanding Charlotte," ibababa ko na sana ng muli itong


magsalita.

"May b-balita ka na ba sa kanya?"

"K-kanino?"

Kahit alam ko na kung sino ang tinutukoy niya nagpanggap akong walang
alam.

"S-skyleigh your wife" natahimik ako sa tanong nito. Yeah, skyleigh is


still my wife. The reason kung bakit hindi namin pwedeng ipublicize ang
relationship namin.

"W-wala pa." pagsisinungaling ko.

"Why don't you hire an investigator? May kaki-"pinutol ko ang ano pang
sasabihin nito at nagpaalam na. Alam kong nagtampo ito pero wala ring
nagawa ng ibaba ko ang cellphone ko.
This past few years, wala ng ginawa si Charlotte kung hindi kulitin ako
na hanapin si Skyleigh para ma-annul ang kasal namin so I could marry
her.

But then, hindi ko hinanap si Sky dahil sa hindi ko kaya siyang harapin
pa. I am not yet ready, I am a f*cking bastard na sinaktan siya  and I
don't have the guts to face her.At isa pa kung noon, wala akong ibang
inisip kung hindi ang pakasalan si Charlotte, mula ng umalis si Sky hindi
na ito pumasok pa sa isip ko.

Dahil kung gugustuhin ko matagal na kaming annul ni Sky, dahil iniwan


niya ang annulment papers namin na hindi ko alam kung kailan at paano
niya naiproseso.Nasa akin pa din ang mga papel na, at kung gugustuhin ko
pirmahan ko lang ang annulment papers tapos na ang kasal namin. Pero
hindi ko malaman kung ano ang pumipigil sa akin para hindi pumirma.

Nung binalikan ko si Charlotte kahit na nga ba niloko niya ako.

That's the reason why we broke up again eight years ago, I saw her having
sex with her ex in her condo. 

At ng gabing iyon ay may nangyari sa amin ni Sky. Noong gabi din na iyon
nangako ako sarili ko na hindi ko na muling sasaktan si Sky at susubukan
ko siyang mahalin.

.At alam ko namang hindi ako mahihirapan dahil sa napakabuting babae ni


Sky but then, I am such an asshole dahil  muli nasaktan ko na naman siya
dahil pinili ko si Charlotte.

Nang mapansin ko na may kakaiba kay Sky, umasa ako na buntis siya at
nagbunga ang gabing may nangyari sa amin. Pero hindi pala siya buntis,
that's why muli kong binalikan si Charlotte ng sinabi ni Sky na
palalayain niya na ako. I know I am nothing but a jerk, an asshole and a
devil for hurting the person who loved me wholeheartedly and choosing the
woman who always hurt me.

But then gusto ko mang manatili sa tabi ni Sky, ayoko din naman na mas
masaktan pa siya dahil sa hindi ko magawang bitawan si Charlotte. At isa
pa, suicidal at depress si Charlotte noon at hindi ko din siya kayang
iwanan.

Ito rin ang rason kung bakit pinili ko si Charlotte, naisip ko kasi na
mas kailangan ako ng babae na mag-isa na lang sa buhay dahil maagang
namatay ang parents nito. After a year, gumaling si Charlotte at muling
bumalik sa pag-aartista. Wala na akong naging balita kay Sky, dahil
pinutol na ni Thunder ang komunikasyon niya sa akin ng umuwi siya at
malamang umalis si Sky, mas lumala pa ang galit niya ng mapabalitang
patay na ang Tita ng huli at nalugi ang mga negosyo ng Vergara.

Mas lalo akong nawalan ng lakas ng loob na harapin si Sky dahil dito.
Naisip ko kasi na 'nung ako nasasaktan at miserable dahil kay Charlotte
walang ginawa si Sky kung hindi damayan at manatili sa tabi ko.

E ako? Ano nga lang ba ang nagawa ko para kay Sky? 

Wala.

Ang mga parents ko naman, hindi man ipinakita na galit sila sa akin sa
pag-alis ni Sky, alam ko na disappointed sila sa naging takbo ng relasyon
namin.

For the past eight years, palagi kong naiisip si Sky kung kumusta na
siya? Kung nasaan na siya ngayon? At higit sa lahat kung may iba na ba
siya?

Totoo nga 'ata ang kasabihan na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao
kapag nawala na ito sa tabi mo. Because when she left, I just realized
how important she is to me.

Palagi ko siyang iniisip na hindi ko namalayan na may nagbago na sa


pagitan namin ni Charlotte.

Ngayon para bang may iba na hindi na katulad ng dati. Wala na ang dating
mabilis na tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya, minsan nagagawa
ko pang magsinungaling para lang hindi makipagkita sa kanya. At
naguguluhan na din ako, pumasok na din sa isipan ko na makipaghiwalay sa
kanya. Pero hindi ko naman magawa, dahil natatakot ako na maulit ang
nangyari sa kanya noon. At anong mangyayari kung hihiwalayan ko siya? 

Kaya naman nanatili ako sa relasyon na ito kahit na nga ba pakiramdam ko


hindi ko na siya mahal. Hindi ko alam kung kailan nag-umpisang mawala ang
pagmamahal ko sa kanya gayong walang pumasok sa isipan ko noon kung hindi
ang makasama siya.

Dahil nga ba kay Sky?

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan kung saan ako


dinala ng pagmamaneho ko. Sinilip ko ang labas at natawa ako ng mapait sa
sarili ko ng makita ko ang pamilyar na bahay. Ang bahay namin ni Sky.
Ganun ko nga siguro siya iniisip na nagawa ko ulit bumalik sa bahay na
ito matapos ang walong taon. When she left, I've decided na bumalik sa
condo ko. Wala na din kasing dahilan para manatili ako dito. Muli ko na
namang naalala ang itsura niya kanina nung makita ko siya. Mas lalo
siyang gumanda bumagay din sa kanya ang maikli niya ng buhok. Ipinilig ko
ang ulo ko, umaasang mawala siya sa aking isipan at nagpasyang pumasok sa
loob. Nasa gate pa lang ako ng may maaalala ako...

Flashback (Chapter 20)

"Masaya ka ba Sky para sa amin ni Charlotte?" tanong ko.

Gago, napakagago mo talaga Cloud... alam mo naman na  mahal ka pa niya, e


ano sa tingin mo ang ginagawa mo?

"O-oo naman masaya ko para sa inyo. Goodnight Cloud,"

Pinagmasdan ko ang papalayo niyang bulto, umiiyak na naman si


Sky..Napaiyak ko na naman siya, sorry Sky sorry...

Napabalik ako sa realidad at nagtaka ko ng may makapa akong basa sa


pisngi ko, pinagmasdan ko ang langit hindi naman umuulan, lumuluha pala
ako. Bakit nga ba?
Anong karapatan mong umiyak Cloud?

Binuksan ko ang pinto at ang ilaw sumalubong sa akin ang sala, wala pa
ding ipinagkaiba. Malinis pa din dahil sa may tao akong binabayaran para
maglinis ng bahay na ito. Pinagmasdan ko ang sofa at para kong bumalik sa
panahon na magkasama pa kami ni Sky...

~*~

"Ayoko nga manood ng TV ang kulit mo naman Cloud e." hindi ko pinansin
ang pagrereklamo nito at hinila paupo sa tabi ko.

"Kanina ka pa nakakulong sa kwarto hindi ba namamanhid yang kamay mo


kakatype? Manood naman tayo." plinay ko na ang dvd at natawa ako ng bigla
itong tumili ng makita si Sadako sa TV.

"Waaaaahhhh patayin mo na yan Cloud patayin mo naaaaaaaaa!" pinaghahampas


ako nito at tawa naman ako ng tawa. Kapag kasama ko si Sky, nailalabas ko
ang carefree side ko, ewan ko nga ba. Sky is like a breathe of fresh air,
ito lang ang alam ko. Napansin kong tumigil ito kakahampas sa akin at
sumigok-sigok. Napatigil ako sa pagtawa at napansing umiiyak na pala ito.
Binalot naman ako ng konsensya kaya pinatay ko na ang tv.

"Hey Sky, sorry na wag ka ng umiyak." pilit ko itong pinapatahan pero mas
lalong lumalakas ang pag-iyak nito. I really don't want seeing Skyleigh
cry, para bang may pumipiga sa puso ko. Kaya naman niyakap ko ito at mas
lalo akong naguilty ng mapansing nanginginig ito.

"Hush Sky...I'm sorry na." That night I found out the reason why Sky
doesn't like watching television.

"O-ok na ako n-next time wag ka na lang mananakot...When I was a kid, sa


tuwing nanonood ako ng nakakatakot na movie, I'll alway sleep next to my
mom and dad. Kaya when they died natakot akong manood ng tv, kahit na nga
ba hindi nakakatakot. Narealize ko kasi na wala na yung parents ko na
magpapakalma sa akin everytime I got scared.That's why I don't like
watching television...Ang babaw ko 'no?"
Natahimik naman ako sa sinabi nito at niyakap na lang muli siya.

~*~

Napabuntong-hininga ako dahil sa naalala ko, pumanik na lang ako sa


kwarto at nagpasyang magpahinga. Ngayong gabi dito ako matutulog, bawat
madaanan ko iba't-ibang alaala namin ni Sky ang pumapasok sa isip ko.
Maybe, dahil sa nakita ko siya kaya bigla ang pagragasa ng memories ko
tungkol sa kanya. After all, namimiss ko siya.

Mali simula ng mawala siya, hindi na siya kailanman nawala sa isip ko.
Napapatanong tuloy ako kung 'nung sinubukan ko siyang mahalin hindi nga
ba ako nainlove sa kanya? O minahal ko na pala siya ng hindi ko alam? 

Hanggang ngayon palaisipan pa rin ito sa akin.

Hinubad ko ang damit ko at ipinatong ko ang cellphone ko sa bedside table


ng may mahagip na maliit na larawan ang mga mata ko. 

It's a picture, an ultrasound picture. Tinitigan ko ito at binaliktad ng


may nakita akong nakasulat sa likod.

Happy eight weeks Baby :)Love Mommy

Napahilamos ako sa mukha ko at lumakas ang kabog ng puso ko.

Anong ibig sabihin nito? 

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang naglilinis sa


bahay namin ni Sky.

"Hello po Sir?"
Kinuha ko ang litrato at malalim akong bumuntong-hininga. "Manang? M-may
nakita po akong p-picture dito sa kwarto. S-saan niyo po ito nakuha?"

"Picture? Ano pong picture, Sir?"

Huminga ko ng malalim at pinakatitigan ang hawak-hawak ko. "Ultrasound


picture."

Matagal bago nakaimik ang nasa kabilang linya at tila inaalala kung ano
ang tinutukoy kong larawan.

"Ay Sir, naalala ko na po. Nakita ko po 'yan dati ng maglinis ako ng


kwarto niyo po---"

"---Then bakit hindi mo sinabi sa akin?!" sigaw ko.

"P-pasensya na po Sir, hindi naman po kasi kayo nagpupunta diyan---"

Naibaba ko na ang cellphone ko bago pa matapos ng nasa kabilang linya ang


sinasabi niya.

Muli kong pinakatitigan ang hawak ko.

No it can't be, hindi ito magagawa ni Skyleigh sa akin. 

Mahal niya ako hindi ba? 

Then suddenly, pumasok sa aking isipan ang batang nakita ko kanina na


kamukha ng asawa ko. Nanginginig ang kamay na idinial ko ang in-charge sa
pa contest kanina.
"Hello, Sir Good-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito.

"Anong pangalan nung bata na nanalo sa contest kanina?" 

Matagal bago ito sumagot at sa bawat segundong lumilipas ay palakas ng


palakas ang kabog ng puso ko.

"Ano na?!" sigaw ko.

"S-sir w-wait lang po kukunin ko po yung listahan." Naghintay pa ako ng


ilang saglit at nanghina ako ng marinig ko ang sinabi nitong pangalan.

"Leighrah Claudine Vergara po Sir." hindi ko inantay pa ang sasabihin


niya at naibaba ko na ang cellphone ko.

Vergara.

Posible ba na anak ko siya? Namin ni Sky?

Isa lang ang alam kong paraan para malaman ang katotohanan. Ang hanapin
si Skyleigh, I guess ito na ang oras para magkita kaming muli.

"Hello Roger.. Gusto kong hanapin mo ang babaeng nagngangalan na Skyleigh


Vergara, lahat ng nangyari sa kanya for the past eight years gusto kong
alamin mo. As soon as possible I need the information."

Kung totoo ang hinala ko Sky then I'll make sure hinding-hindi ka
makakawala sa akin kailan pa man.
Is this the reason why you ran away?...Ang gawing sekreto sa akin ang
anak natin? Anong dahilan Sky para ipagkait mo sa akin ang bata?  Eto ba
ang ganti mo sa pananakit ko sa'yo?

TBC

A/N: Edited na ang chapter na 'to hahahahaha. Naloka kasi ako doon sa mga
nagco-comment na bakit hindi nilinis yung kwarto nila Sky sa loob ng
walong taon.

=================

AWS CHAPTER 26

Ang utak, madaling turuan ng paniniwalaanPero ang puso, mahirap diktahan


ng mararamdaman-MarceloSantos(PSHR)

Chapter 26

"I don't want to eat!" rinig na rinig ang boses ni Claudi sa hotel room
na tinutuluyan namin, lumabas mula sa kwarto si Kleng na iiling-iling.

Nagmamaktol si Claudi dahil gusto niyang bumalik sa mall at alamin kung


sino ang nanalo sa sinalihan niya.

Binalingan ko si Klode. "Klode, you eat here huh? Kakausapin ko lang si


Claudi." Tumango naman ito, sinabihan ko si Kleng na ako na ang pupunta
kay Claudi at kumain na siya.

"Baby.." Malambing kong tawag sa anak ko pero nanatili itong nakatalikod


sa akin.

"Baby, bumili ako ng jollibee tapos alam mo may toys ding kasama doon.
Gusto mo bang ubusan ka ng kakambal mo?" Pang-uuto ko pa.
"I-i d-don't want to eat jollibee, gusto kong bumalik ng mall." Hihikbi-
hikbi nitong saad.Napabuntong-hininga naman ako at lumipat sa pwesto na
kinahaharapan niya.

Namumula ang ilong nito at may mga patak pa ng luha sa mukha. Hinaplos ko
naman ang buhok nito, ang pinakaayoko sa lahat ay ang makita na umiiyak
ang mga anak ko.

"Baby stop crying na, may iba pa namang contest na pwede mong salihan,
kinailangan lang talaga nating umuwi na kasi m-masama ang pakiramdam ni
Mommy. Do you want Mommy to be sick?"

You're such a liar Skyleigh....

"No, I don't want you to get sick." Saglit pa itong natahimik. "It's okay
na, I'll just join other contest." Bumangon na ito at yumakap pa sa akin.

"Good girl, then shall we eat?" tumango-tango naman ito at napayakap ako
ng mahigpit sa kanya. Hindi ko maiwasang mapaluha.

I'm sorry baby, sa inyo ni Klode kung inilalayo ko kayo sa daddy niyo
kahit na nga ba pakiramdam ko tadhana na ang naglalapit sa atin sa kanya.
Hindi lang handa si Mommy sa pwedeng mangyari...

"Why are you crying?" Napapunas naman ako sa luha ko ng hindi ko


namalayan na umalis na pala sa pagkakayakap sa akin si Claudi at
nagtatakang tinitignan ako.

"It's nothing baby, let's eat na." Umalis naman ito sa kama at
nagmamadaling lumabas ng kwarto.

"KLODE I'M HERE NA YOU DON'T MAKE UBOS THE FOOOOOOD." Natawa naman ako ng
mangingibabaw ang sigaw nito.
* * * * *

"MOMMY hindi ba talaga kami pwedeng sumama?" Nakanguso na sabi sa akin ni


Claudi habang ang kakambal niya ay tahimik lang na nagbabasa.

"Baby 'di ba I told you, mas mabuting dito na lang kayo sa hotel room,
you can watch television. Magwowork muna si Mommy hmmm?"

"The last time naman sinama mo kami e, you can leave us naman with Ate
Kleng at the mall right Mommy?" Napabuntong-hininga na naman ako sa
pangangatwiran nito.

Mukhang mabubutas ang bulsa ko sa gagawin kong panunuyo sa batang ito.


Hangga't maaari sa buong durasyon ng pananatili namin dito which is
limang araw na lang, hindi ko na sila ipapagala o ilalabas. Mahirap na
baka pagtagpuin ulit kami ng landas ng ama nila.

"How about we make a deal kids?" Napaangat naman si Klode sa binabasa


nito at tumingin sa akin.

"Mommy what is it?" excited na sabi sa akin ni Claudi.

"Claudi, di ba you want me to buy you a new guitar?"

"Yes Mommy, kasi my old is like sira na ang hirap ng itono-"

"Hep hep yes lang ang hinihingi ni Mommy, so kung gusto mo ng new guitar.
Then you'll listen to me. For the next few days mag-sstay lang kayo ng
kakambal mo dito with Ate Kleng. Is that a deal?" nakataas kilay kong
saad.

"Hmmmm..Let me think, it's so bored here...But then gusto ko ng bagong


guitar.. So it's a deal Mommy!" tumalon-talon pa ito pagkasabi kaya naman
natawa ako. Nagkaroon na ng sariling mundo si Claudi kaya naman
binalingan ko na si Klode.

"How about you Klode?"

"I'm okay Mom, may mga libro pa naman akong hindi tapos. At isa pa mahal
ang pinabibili ni Claudi so no need for you to buy me
something."pagkatapos magsalita ay ipinagpatuloy na nitong basahin ang
libro na hawak nito. Napangiti naman ako, pitong taon pa lang si Klode
pero napapahanga niya talaga ako sa mga sinasabi niya.

"Awww I'm really proud of you baby boy. But may pera pa naman si Mommy to
buy you books." Pinisil ko ang pisngi nito at natawa naman ako ng
sumimangot ito. Hangga't maaari kasi gusto kong maibigay ang mga gusto
nila, pero sinisigurado ko naman na nasa lugar.

"On the second thought...I have a favor to ask." napangiti naman ako sa
sinabi nito.

"What is it? Tell me you want toys? Or perhaps new books?" Nagtaka naman
ako ng umiling ito.

"None of those things Mom.Just stop calling me baby boy." Iniwas nito ang
tingin sa akin matapos magsalita.

Natawa naman ako. "Bakit baby ka pa din naman ni Mommy ah?" pang-aasar ko
dito.

"Mommy! Hindi na nga ako baby. I'm seven years old already. I know how to
read, write and even take a bath so hindi na ako baby."

"Klode is right Mommy, hindi na siya baby ni-kiss niya pa nga si Alice sa
pisngi then binigyan niya pa nga ng-" hindi na natuloy ang sasabihin ni
Claudi dahil tinakpan na ni Klode ang bunganga ng huli.
"And who is this Alice?" seryoso ko kunwaring saad.

"Mommy, Alice is our friend and you know what Klode is having cr-"

"If you don't stop talking. I'll tell Mommy who is your crush." Natahimik
naman si Claudi ng magsalita ang kakambal nito.

Aba 'di yata't hindi na nga mga baby ang anak ko,kebabata may mga crush
na.Nagtinginan naman ng masama ang dalawa kaya naman inawat ko na bago pa
mag-away.

"You two enough, okay lang 'yang mga crush-crush na yan pero hanggang
crush lang ah. Naku ang lalaki na talaga ng mga babies ko, may nalalaman
ng crush." Kiniliti ko ang dalawa at napuno naman ng tawanan ang buong
sala ng hotel.

Natigil naman ang tawanan namin ng may kumatok sa pinto. Inayos ko ang
sarili ko at nagmamadaling kinuha ang bag ko.

"Okay, so kids makinig kay Ate Kleng ah, si Tita Yura niyo na ata ang
kumakatok. Behave okay?" nakangiti namang tumango ang dalawa.

Binuksan ko ang pinto dahil atat na ata ang kaibigan ko at walang tigil
sa pagkatok.

"Yura sorry-" naputol ang sasabihin ko ng isang hindi inaasahang bisita


ang bumungad sa akin.

"Thunder..."

"Surprise? Good Morning, a coffee for my beautiful runaway best friend."


nakangiti nitong sabi at inialok sa akin ang hawak nitong coffee.
"Mommmmmmmmy we forgot to kiss you!!" bumakas ang pagkagulat sa mukha ni
Thunder at naramdaman ko ang malakas na kabog ng puso ko.

Biglang lumitaw ang kambal sa tabi ko, nabitawan ni Thunder ang hawak
niyang kape at nanlalaki ang mata na napatingin sa kambal.

"What the fuck. Anong ibig sabihin nito Sky?"

"Who is he"/"Mommy ano yung fuck?" sabay na sabi ng kambal. Napahawak


naman ako sa noo ko at hindi malaman kung anong sasabihin o kung sino ang
uunahin sagutin.

Si Thunder na tinatanong kung anong ibig sabihin ng nakita niya?

Si Klode na masuring tinititigan at tinatanong kung sino ang nasa harap


niya.

O Si Claudi na curious sa meaning ng salitang fuck?

Tumikhim ako para maalis ang bikig sa lalamunan ko. Nararamdaman ko ang
panlalamig ng mga kamay ko.

"Kids he's my best friend. His name is Thunder, you can call him Tito.
Say hi to him."

"Hello Tito, My name is Leighrah Claudi. I am seven years old, ang gwapo
niyo naman po-"

"Enough Claudi sabi ni Mommy mag-hi ka lang. Hello po." matapos


magpakilala ay hinila na ni Klode ang kakambal.
Kakausapin ko na sana si Thunder ng sumulpot muli si Claudi.

"Wait Klode, hindi pa sinasagot ni Mommy ang tanong ko kung anong meaning
ng word na fuck?" napapikit naman ako sa kakulitan ng anak ko.

"Claudi that word--that word," Hindi na matapos-tapos ang sasabihin ko.

"Hi baby girl,"mukhang nakahuma na si Thunder sa gulat at nagawa ng


kausapin si Claudi.

"I am not a baby girl anymore." Natawa naman si Thunder sa sinabi ng anak
ko,

"Okay so young lady, ahm that fuck is a bad word. It's not good for you
to say it." napapakamot sa ulo na saad ni Thunder.

"Why is it bad?" magsasalita pa sana si Thunder ng magtanong ulit si


Claudi.

"And if it's bad bakit mo sinabi?" sumingit na ako dahil mukhang wala ng
masabi si Thunder sa kakulitan ni Claudi.

"Claudi, basta it's a bad word okay?"

"Bakit nga po?" God, bakit ba napakakulit ng anak ko,

"Claudi, the word fuck is extremely vulgar, considered improper and taboo
in all of its senses so it's bad for us to say it." natulala naman si
Claudi, maging ako at si Thunder sa sinabi ni Klode.
"Hala mommy I think I'm gonna have a nosebleed, waaaaahh Klode is talking
like a book na naman." hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya tumingin
ako kay Thunder na parang humihingi ng pasensya sa asal ng mga anak ko.

"Klode at Claudi magsstart na yung spongebob!" sigaw ni Kleng mula sa


sala. Okay so kung may pinagkakasunduan ang dalawa si Spongebob ito, kaya
naman dali-daling tumakbo ang dalawa paalis.

Saved by a spongebob.

"So care to tell me Sky kung anong ibig sabihin nito? May mga anak ka na?
At hindi ko na dapat pang tanungin siguro kung sino ang ama...Mukhang
kilala ko na...." Napatingin naman ako ng seryosong magsalita si Thunder.
Sino naman kaya ang sasagip sa akin ngayon?

Oh god I guess I don't have a choice kung hindi sabihin sa kanya lahat-
lahat. Totoo nga ang kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag, lalo
na kung tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan...

TBC

=================

AWS CHAPTER 27

Chapter 27

"Leigh ano ka ba naman? Pa- VIP ka masyado girl kanina ---ow," Napatigil
sa pagsasalita si Yura ng mapansin niyang hindi ako nag-iisa. Napatingin
ako kay Thunder na nakataas na ang kilay at halata ang inip sa mukha.

Binalingan ko si Yura. "Yu, mauna ka na bumaba susunod na ako, pakisabi


na lang sa kanila sorry-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng
sumabat si Thunder.
"No need paalisin mo na sila, ako na ang maghahatid sa pupuntahan mo."
tatanggi pa sana ako ng nagpaalam na si Yura at mauuna na daw sila.
Susundan ko sana siya ng may mga kamay na pumigil sa akin.

"Thundz, wala ka bang pasok?" Nasabi ko na lang.

"None, it's my day-off"

"Really day-off? When it's Tuesday?" Nakataas-kilay kong tanong.

"Wag ka ng humanap pa ng paraan para makaiwas sa mga tanong ko Skyleigh


dahil hindi 'yan uubra."

"Okay fine. What do you want to know?" Nag-umpisa na akong lumakad at


naramdaman ko naman ang pag-sunod nito sa akin.

"Paano nangyari ang lahat ng ito?"napatigil naman ako sa paglalakad at


tinignan siya para siguraduhing hindi siya nagbibiro.

"Are you serious Thundz? Do I really need to elaborate kungpaano nangyari


ang nakita mo kanina? How did I end up being a mother of a
twin?"nakapamewang kong tanong sa kanya. Namula naman ito at iniwas ang
tingin sa akin.

"Hindi 'y-yun ang ibig kong sabihin Sky.I-I m-mean how did you and my
brother e-end up --- oh sh't." natawa naman ako ng nauutal itong
magsalita at tila hindi malaman kung ano ang sasabihin.

"Stop laughing Sky, it's not funny." nauna na itong pumasok sa elevator
at ng mapansin ko naman na namumula na ito marahil dahil sa inis. Tumigil
na ako sa kakatawa at nagseryoso.

"We did it..S*x." deretso kong saad at marahas naman nito akong
binalingan.
"Hindi ako tanga para hindi malaman ang bagay na yan Sky, but do you
really have to use such a vulgar word?!" singhal nito sa akin.

"Sorry didn't know na conservative ka pala." pabiro ko pang sabi.

"Don't try my patience Skyleigh! Please, sagutin mo naman ng maayos ang


tanong ko!" galit na sabi nito kaya naman hindi ko na din napigilan ang
mapasigaw.

"Alin ba ang hindi maayos sa sagot ko?! Look, you're asking how it
happened. Then I'm giving you an answer, we had- "

"Stop, just fucking shut up!" kasabay ng pagsigaw nito ang pagbukas ng
elevator senyales na nasa ground floor na kami. Galit naman itong
nagmartsa palabas at hindi ko naman maiwasang makonsensya.

Alam ko na  napakawalang kwenta ng sagot ko sa kanya, ewan ko nga ba kung


bakit yun ang lumabas sa mga bibig ko. Nabigla lang siguro 'ko at hindi
pa 'ko masyadong handa sa mga tanong niya.

"Thundz..." napatigil naman ito sa paglalakad ng marinig ang boses ko.


Tinawid ko ang distansya namin at iniharap ko siya sa akin.

"I'm sorry Thundz, I'm just not that ready to talk about what happened
eight years ago." Kinabahan naman ako ng manatili itong tahimik.

"No, I'm sorry for shouting at you, don't worry I understand if you are
still not ready to talk about it." hinaplos pa nito ang pisngi ko matapos
nitong magsalita. Lalakad na sana itong muli ng pinigilan ko siya.

"Thanks Thundz, but then napagisip-isip ko na siguro nga dapat mong


malaman kung anong nangyari sa akin. After all, best friend pa din naman
kita right?"
"Yeah I'm still your best friend, nothing change but are you really sure
it's okay for you?" natawa naman ako sa tanong nito dahil parang kanina
lang atat itong malaman ang nangyari tapos ngayon may pa okay-okay pa
itong nalalaman.

"Yeah okay na po but pwedeng mamaya na malelate na kasi ako sa


booksigning eh."

Tinignan ko pa ang relo ko habang sinasabi ito sa kanya at  nagmadali na


kaming umalis.

* * * * *

"Guys, I would like you to meet Thunder, he's my best friend." Nakangiti
kong pakilala kay Thundz sa mga kapwa ko manunulat.

Kakatapos lang ng booksigning namin at as usual inabot na naman kami ng


dalawang oras. Eto namang si Thunder nagtiyaga na hintayin ako. Natawa
naman ako ng mag-unahan sila Yura na kamayan si Thunder, kanina pa kasi
atat 'yang mga 'yan makilala ang best friend ko.

"Hi, it's nice to meet you all." nakangiting sabi ni Thunder at para
namang mga teenager ang mga kasamahan ko na umaktong parang mga
kinikilig. Sandaling huntahan lang at lumisan na kami ni Thundz.
Nanunukso ang mga tingin na iginawad sa amin na siyang ikinailang ko
naman.

"Uy, pasensya ka na sa kanila.Alam mo na mga writers kanya-kanyang


imagination." Nahihiyang saad ko kay Thundz.

Tumawa ito. "It's okay it's not like eto ang unang beses na pinagkamalan
tayo na magkarelasyon, remember nung highschool tayo, everyone thought na
girlfriend kita? the reason why walang nanligaw sa'yo. Akala nila taken
ka na." 
"Ipaalala daw ba? Ikaw naman kasi eh dikit ka ng dikit sa akin.Akala ko
tuloy 'nun napakapanget ko dahil walang nanliligaw sa akin." 

"Tsk, kahit naman may manligaw sa'yo noon babastedin mo lang kasi may iba
ka namang gusto." 

Nanahimik naman ako sa sinabi nito. Napansin marahil nito na natahimik


ako kaya iniba niya na ang paksa.

"Anyway, bakit nga ba Leigh ang tawag nila sa'yo? Wala yata kahit isa
akong narinig na tumawag sa'yong Sky?" nagtataka nitong tanong.

"'Yun na ang nakasanayan nila at tsaka mas preferred ko 'yun kaysa sa


Sky, pakiramdam ko pag tinatawag nila akong Leigh, nakakawala ako sa
katauhan ng dating si Skyleigh, yung Sky na mahina at walang ibang
pinairal kung hindi ang puso niya."

Hindi na ito umimik at tila may malalim na iniisip. Nagmasid na lang ako
sa paligid ko, at napansin na maraming tumitingin sa aming dalawa. O baka
sa kanya lang? Di ko sila masisisi, kung noon na bata bata pa si Thunder
pagkagwapo na nito. Mas lalo na ngayon na nadagdagan na ang edad ng ng
best friend ko. Nadaan kami sa music store ng maalala ko ang deal namin
ni Claudi. Mas mabuti siguro na bilhan ko na siya dito, para may
mapaglibangan siya sa mga susunod na araw.

"So should I start calling you Leigh instead of Sky?" Nahinto ang
paghakbang ko papasok sa store ng magsalita si Thunder. Liningon ko naman
ito at nginitian.

"Hmmm, it's okay for you to call me Sky because you're my best friend."
ginulo naman nito ang buhok ko na siyang ikinalukot ng mukha ko. Nagtaka
pa ako ng 'eto na mismo ang umunang pumasok sa pupuntahan ko.

"Hey, bakit alam mong dito ko pupunta?"


"Silly Sky, ang tagal mo kayang tinitigan itong tindahan na ito. Ano bang
bibilhin mo dito?" saad nito habang nagtitingin-tingin sa loob.

"Ah yeah, I made a promise to my daughter na bibilhan ko siya ng guitar,


luma na kasi yung gamit niya." 

Tinitigan ako nito at hindi ko maiwasang mailang. "What?"nagtataka kong


tanong.

"Nothing, naninibago lang siguro ako na may anak ka na, parang dati lang
sinabi mo sa akin na kung magkakaanak ka gusto mo babae." 

"Yeah at ikaw naman gusto mo lalaki. I remember na napagalitan pa tayo


nila Titamoms kasi masyado pa daw tayong mga bata para pag-usapan ang mga
bagay na iyon." napangiti naman ako ng malungkot ng mabanggit si
Titamoms.

"Hey, Tita is now in heaven and I'm very sure masaya na siya doon. So
cheer up." pag-aalo nito sa akin.

"Yeah I know, naalala ko lang yung mga masasayang alaala noon kasama
siya. Nalungkot lang ako na hanggang memories na lang ang lahat ng 'yon."

Umakbay ito sa akin. "Still, it's a beautiful memories."

"Good afternoon Maam, Sir ano pong hanap nila?" magalang na bati sa amin
ng isang empleyado.

"I'm looking for a guitar for a kid, and the color should be pink." 

Nagpaalam naman ito at sinabing kukunin nila ang stock nila.


"So,Claudi likes music, no wonder nagmana talaga sa'yo. How about Klode?"

"Klode prefers reading books, hilig niya ang mag-aral." Napatango naman
ito sa sinabi ko.

"Kung si Claudi sa'yo nagmana, si Klode kay Cloud.Pati mga mukha niyo
kuhang-kuha ng dalawa,nice..." napatawa na lang ako ng alanganin sa
sinaad nito. Buti na lang at sumulpot na ang empleyado bitbit ang
hinahanap ko at napangiti naman ako ng makitang pasok sa gusto ng anak ko
ang gitara.

"Kukunin ko na, pakilagyan na lang ng ribbon." 

Kukunin ko na sana ang wallet ko ng pinigilan ako ni Thunder at siya na


daw ang magbabayad. Nagtalo pa kami pero sa huli siya din ang nanalo,
katwiran nito ilang taon siyang walang binigay sa mga pamangkin niya kaya
regalo niya na daw ito ngayon. Hindi pa siya nakuntento, binilhan niya pa
ng knowledgeable books si Klode. Wala naman akong magawa kung hindi
magpasalamat na lang.

* * * * *

"OH MY GOSH! its so ganda Mommyyyyyy I love you na talaga ihhhhhh." Halos
masakal naman ako sa higpit ng pagkakapit sa leeg ko ng mga kamay ni
Claudi na tumatalon pa sa sobrang tuwa.

"Hey, baka naman masakal mo na ang Mommy mo.." napabitaw naman sa akin si
Claudi ng marinig ang boses ni Thunder na mukhang hindi niya napansin na
nasa likod ko.

"Hala! si Tito na nagsasalita ng bad word." 

Napakamot naman sa gilid ng noo si Thunder sa sinabi ni Claudi.


"Hey, young girl where's your manners?  You should say good evening first
at isa pa siya ang bumili ng guitar mo so apat magapasalamat ka sa
kanya." saad ko.

"Really? You're so bait naman po Tito. Anyway, Good evening po and thank
you so much for this..." Niyakap nito ang gitara at napangiti naman si
Thunder. "Ihhh I like you already na po. Can I hug you?" hindi pa man
sumasagot si Thunder niyakap na ito ni Claudi sa mga binti. Lumuhod naman
si Thunder at ginantihan ng yakap ang anak ko.

"Welcome, young girl I'm glad you like it."

"And because you bought it for me...Kakantahan po kita. Ano pong gusto
niyong song Tito?"

Sasagot na sana si Thunder ng biglang magsalita si Klode na kanina pa


tahimik sa sofa.

"Why are you here again?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Klode at
nanghihingi ng pasensya na tumingin kay Thunder. Mukhang nagulat din siya
sa sinabi ng anak ko.

"Klode, what's with your question? You should respect him!" pananaway ko.

"Enough Sky, mukhang bad mood lang ang anak mo." Napatingin naman ako kay
Thunder at sumenyas ito sa akin na siya na ang bahala.

"Hey young boy I've got books for you, your mommy said you like reading
books that's why I bought you this-" napatigil si Thunder sa tangkang
pag-abot ng libro kay Klode ng muling magsalit ang anak ko.

"I don't need it. I don't accept things from stranger." Pagkatapos
magsalit ay nagdadabog itong dumiretso sa kwarto.
"LEIGHTON KLODE." bigkas ko sa buong pangalan nito para malaman nitong
hindi ako natutuwa sa inaasal nito pero ang topakin kong anak dineadma
lang ako.

"I'm sorry Thundz, mukhang tinotopak lang si Klode, bagong gising ata.
Kakausapin ko lang siya."

Tumango at ngumiti naman ito at bumaling kay Claudi.

"Don't mind him Tito, sometimes he's rude. Kakantahan na lang po kita."

What's wrong with Klode? Hindi naman siya ganito ah, yeah sometimes he's
rude but not like this. Lagi kong sinasabi sa kanila ni Claudi na
irespeto ang nakakatanda at nakikinig naman sila sa akin. Kaya
nakakapagtaka ang inasta niya kanina.

TBC

=================

AWS CHAPTER 28

Chapter 28

"Klode..." pagtawag pansin ko sa anak kong nakatalukbong ng kumot sa


kama, nauubusan ng pasensya na tinanggal ko ang kumot dito.

Nakapikit ito pero alam kong hindi namn ito tulog.

"I know gising ka, don't try my patience Leighton." saad ko. 

Dumilat naman ang mata nito at iniwas ang paningin sa akin.


"Sit down." 

Tumalima ito pero hindi pa rin ako nito tinitignan. "What is your problem
Klode? Alam mo bang napahiya si Mommy sa inasal mo sa bisita ko, what you
did a while ago is rude. So you better go outside this room and say sorry
to him." Nanatili itong walang imik at hindi nakatingin sa akin kaya
napasabunot na lang ako sa buhok sa sobrang inis.

"Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko Klode?"

Tumango ito. "Then, what are you still doing here? Lumabas ka na at
humingi ng sorry, and accept the books that he bought for you because he
is not a stranger Klode. He is my friend." 

"Look me in the eye Klode..." kalmado na ang boses kong saad ng dumaan
ang ilang segundo na tahimik pa din ito habang nakayuko. Tumingin naman
ito sa akin at lumambot ang puso ko ng makitang malungkot ito. Ibang-iba
sa matapang na itsura nito kanina.

"Klode... ano ba talagang problema?"

"I don't like him." anito na siyang ikinagulat ko.

"But why? best friend siya ni Mommy at sinisigurado ko sa'yo na mabait


siya at magugustuhan mo siya kung hahayaan mo lang siya na mapalapit
sa'yo." 

Umiling ito senyales na ayaw nitong sundin ang sinassabi ko. Hindi ko na
talaga maintindihan si Klode, ano bang dahilan niya para hindi magustuhan
si Thunder?

"Is he my father?" napatda naman ako sa hindi ko inaasahan na tanong


nito.
Umiling ako. "No, Of course not Klode why would you think that? Kaya ka
ba ganun sa kanya because you think he's your father?" Tumango naman ito
at agad ko naman itong niyakap.

"No Klode, he's just my best friend. He is not your father why would you
think that way?" 

Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin at kinuha ang bag na kinalalagyan


ng mga libro nito. Nagtaka ako ng may hinugot itong tila larawan sa
pahina ng libro nito. Iniabot niya sa akin ang hawak niya, at nagulat ako
ng makita ang picture namin ni Thunder na kinuhanan during my 20th
birthday, parehas kaming nakangiti dito at magkaakbay.

"Bakit nasa iyo ito Klode?" tanong ko.

 Nawala ko ang larawan na ito mga ilang buwan na din ang nakakalipas. "I
found it in your bedside table." saad nito.

"Kaya ba inakala mo na siya ang Daddy mo?"

Tumango ito. "Yeah, and Claudi said a while ago na parehas kami ng eyes
kaya baka daw siya ang Daddy namin." napabuntong-hininga naman ako sa
sinabi nito.

"But Klode, kung siya nga ang Daddy mo why did you act that way to him?
Ayaw mo bang makita ang daddy mo?" Kinakabahan kong tanong dito.

"I don't want to see him Mommy."

"Why?"

"Because he left us and I hate him."


Gusto ko mang itama ang alam nito at sabihin na hindi kami iniwanan ng
ama niya hindi ko masabi, natatakot ako na baka kapag nalaman niya na ako
ang nang-iwan at hindi ipinaalam ang tungkol sa kanila kay Cloud. Magalit
siya sa akin or worse ang pilitin ako na ipakilala sa kanila ang ama nila
ni Claudi. Kaya naman niyakap ko na lang siya.

"Don't hate him Klode, k-kahit anong mangyari hindi ka dapat magalit sa
kanya kasi siya ang isa sa rason kung bakit nandito ka sa mundo anak, no
matter how bad you think of him you have to remember this: he is your
father."n aramdaman ko ang pagtango nito but I doubt kung gagawin nito
ang sinabi ko.

* * * * *

"THEY look adorable, mabuti mo silang napalaki Sky, and I admire you for
that." saad ni Thunder matapos kong ilapag ang inumin sa mesa.

Kakapatulog ko lang sa kambal kaya ngayon pa lang kami mag-uusap ni


Thunder. Humingi na rin ng sorry sa kanya si Klode at sa loob ng
nakalipas na oras agad silang nagkapalagayan ng loob. Ganun na din si
Claudi na Papa na ang tawag kay Thunder imbes na Tito. Nahiya nga ako kay
Thundz pero okay lang daw sa kanya at hindi din naman nagpapigil si
Claudi kahit anong saway ko.

"Salamat Thundz, ang dami kong hirap sa kambal but everytime may
nagsasabi sakin na napalaki ko sila ng maayos I feel so proud. Hindi pala
biro ang maging isang ina Thundz, nakakapagod but then every time I see
their smiles parang bulang naglalaho ang pagod ko." Uminom ako ng juice
at ibinigay sa kanya ang baso na nakalaan para sa kanya.

"So what happened? Imagine kung anong naramdaman ko ng  bumalik ako


galing L.A at malaman na umalis ka na sa tirahan niyo ng kapatid ko."
saad nito.

"I gave in Thundz, hindi ko nagawa yung pinangako ko sa'yo."


Kumunot ang noo nito at hinarap ako. "What promise?" 

"Remember na bago ka umalis nagpromise ako sa'yo na pag bumalik si Cloud,


ibibigay ko 'yung annulment papers sa kanya and I'll move on from him,
but when he came back, he was broken..." Tumigil ako sa pagsasalita at
napapikit at hindi ko maiwasang maalala ang gabi na iyon. "And I let
myself believed na ako 'yung makakaayos sa kanya. Bumalik ako sa dating
Skyleigh na pinakinggan ang puso niya at hindi na inisip masasaktan na
naman siya." malungkot akong napangiti.

"So you comfort him and you ended up in bed?" 

Mapait naman akong natawa at napatango. "Yeah, just like sa mga sinusulat
kong story. A guy who was so drunk and broken, and a girl who was so in
love that she is willing to give everything for him. But unfortunately,
hindi kami parehas ng ending. Hindi ako nagawang mahalin ng lalaking
'yon."

"So hindi mo alam na buntis ka ng umalis ka?"

Hindi ako nakaimik sa tanong nito. Magagalit kaya si Thunder pag nalaman
niya na niloko ko ang kapatid niya?

"Alam ko na buntis ako Thundz."

Saglit itong hindi nakapagsalita sa sinagot ko. "At hindi mo sinabi kay
Cloud?"

Umiling ako."But why?"

"When I found out that I'm pregnant tuwang-tuwa ako at gusto ko ng


ipaalam sa kanya, pero--" napatigil ako sa pagsasalita ng bumalik sa akin
ang nangyari noon. 
Ang dahilan kung bakit nagawa kong lokohin si Cloud at sabihing hindi ako
buntis.

"Hey Sky..."

"Pero bigla kung naisip na ayokong mag-stay lang si Cloud sa akin dahil
sa bata. I want him to be with me because that's what he wants at hindi
lang dahil sa may responsibilidad siya sa akin. At isa pa, ayokong lumaki
sila Claudi sa pamilyang hindi nagmamahalan ang magulang or should I say
ang ina lang nila ang nagmamahal? So I chose to be selfish, at ipagkait
ang karapatan ni Cloud sa mga bata. At isa pa, I want him to be happy
with her  at ayoko na siyang pahirapan pa... Ayoko na ring pahirapan
'yung sarili ko Thundz..."

"Hanggang sa huli siya pa rin ang inisip mo? Ang kaligayahan niya? then
what about the twin, hindi ba nila hinahanap ang Daddy nila?" sunod-sunod
nitong tanong.

Napasandal ako sa likuran ng sofa at napapikit. "Siyempre hinahanap nila,


I still remembered it, they started asking about their father when they
turned 3, they said bakit sila walang daddy, bakit yung mga kaibigan nila
meron."Napatigil ako sa pagsasalita at napadilat, napansin ko naman ang
pagkagitla nito ng makitang tumulo ang mga luha ko.

Pinunasan niya naman ito, same old Thunder. He always wipes my tears
every time I cry.

"Ang hirap sakin 'non Thundz, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa
kanila. I just can't tell them the truth na ako yung nang-iwan, na
ipinagkait ko sa kanila na magkaroon ng isang ama katulad ng ibang bata.
Kaya, I told them a lie na nagpunta sa malayong lugar ang Daddy nila."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako at pakiramdam ko


nagkaroon ako ng karamay ng  niyakap ako ni Thunder. Hindi ko maiwasang
maging emosyonal dahil for the past eight years, wala akong mapagsabihan
ng mga hinaing ko. I have friends like Yura na nakwentuhan ko rin ng
nangyari sa akin dati but then hindi ko magawang umiyak sa kanya. Dahil
ayokong magmukhang mahina sa harap nila, pero kay Thunder walang pag-
aalinlangan na nalalabas ko lahat sa kanya na hindi naisip na magmumukha
akong mahina sa harap nito.
Dahil siya si Thunder, ang best friend ko. 

"Hindi tama na nagsinungaling ka sa mga bata at ipagkait kay Cloud ang


karapatan niya bilang isang ama kahit na nga ba sinaktan ka niya. But
then,tao ka lang Sky at lahat tayo nagkakamali. At isa pa, naging mabuti
kang ina sa mga anak mo." anito makaraang tumigil ako sa pag-iyak.

Ngumiti ako at pinunasan ang luha sa magkabilang pisngi ko. "Thanks


Thundz." 

"Anyway, paanong nalugi ang Vergara real estate?" 

Matagal bago ko nagawang makaimik sa tanong nito. "When Titamoms died


nalaman ko na yung pinagkatiwalaan niya na mamahala ng kompanya habang
may sakit siya ay nalulong sa sugal and sad to say, ginastos niya ang
pera ng kompanya then nagtago siya sa ibang bansa. I tried to revived it
by selling our other properties but nung muntik na akong makunan-"

"What? You almost had a miscarriage?!" gulat na saad nito. 

Malungkot naman akong napatango, hindi ko lubos maisip kung anong gagawin
ko kung nawala sa akin ang kambal ng mga panahon na iyon. 

"Yeah, buti na lang naagapan. I'm so scared at that time kaya sa sobrang
takot na baka tuluyang mawala sa akin ang mga anak ko. Binitawan ko ang
Vergara Real Estate at ayun napadpad kami sa Davao. Yung natirang pera sa
savings ko, ginamit ko sa panganganak ko at sa pag-uumpisa doon. Ayun awa
ng Diyos nakasurvive naman kami ng mga bata. Sa ngayon,may maliit kaming
tindahan sa Davao sa bahay na tinitirhan namin." 

Mahaba pa ang napag-usapan namin ni Thunder tungkol sa nangyari sa akin


sa mga nakaraang taon pati na rin ang kaganapan sa kanya ay napag-usapan
namin. Pasado alas-dose na ng hindi ko na mapigilan humikab kaya
nagpaalam na rin ito at sinabing magpahinga na ako.
* * * * *

"MA'AM may naghahanap po dito sa inyo sa lobby." nagtaka naman ako sinabi
ng receptionist na tumawag, hindi ko na naitanong kung sino at sinabing
bababa na ako.

Tinignan ko naman ang kambal at naisip na baka si Thunder lang ito at may
ibibigay lang sa kambal. Ang bilis ng araw bukas na ang alis namin
patungong Davao, sa loob ng ilang araw na pananatili namin dito. Si
Thunder ang tumingin sa kambal at halos hindi na mapaghiwalay ang tatlo,
ayaw pa ngang pumayag nito na umuwi na kami dahil gusto niyang ipasyal
ang kambal. Pero sinabi ko naman na baka may makakita sa mga ito, hindi
man niya gusto ang plano kong patuloy na isekreto ang kambal sa pamilya
nila. Napapayag na din ito at wala ng nagawa.

Nakakapagtaka lang na hindi pumanik si Thunder at naghintay pa sa lobby,


baka may pupuntahan ito at may ibibigay para sa kambal. Naisip ko, kaya
naman dali-dali kong ibinilin kay Kleng ang kambal at bumaba na. Nasa
lobby na ako at nagpalinga-linga para hanapin si Thunder ng may
maramdaman akong kamay sa mga braso ko. Ngumiti naman ako at humarap...

"Thunder-" naglaho ang ngiti ko at napalitan ito ng gulat ng hindi si


Thunder ang bumungad sa akin.

"Sorry to disappoint you wife but I am not Thunder."

 Lumakas ang kabog ng puso ko at naramdaman ko ang panginginig ng tuhod


ko.

Wife? Anong ibig nitong sabihin?

"Cloud, a-anong g-ginagawa mo dito?"nauutal kong saad. Ngumisi naman ito


at hindi ko mapigilang kilabutan.
"Nangangamusta lang tagal mong nawala ah." kaswal na sabi nito. 

Napalunok naman ako at pilit kumalma, nangangamusta lang siya hindi ibig
sabihin alam niya na ang tungkol sa kambal. There's no way na malalaman
niya ang tungkol sa dalawa, imposibleng sabihin ito ni Thunder.

"I-i'm okay, sige mauna na ako may kailangan pa kong gawin." Tinalikuran
ko siya pero agad akong napatigil sa sinabi nito.

"So, nasaan ang mga anak ko? Kumusta sila Skyleigh?" nanigas ako sa
kinatatayuan ko at tila hindi ako makagalaw. Nang makahuma ako sa
pagkagulat hinarap ko si Cloud na bakas na ngayon ang galit sa mukha.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Ano bang a-anak ang pinagsasabi mo?"

Humakbang ito papunta sa akin at napaatras naman ako.

Hakbang.

Atras.

Hakbang.

Atras.

Hanggang sa hinablot nito ang braso ko at inilapit sa kanya,

"You can fool me once Sky but definitely not the second time around."saad
nito, binitawan ako nito ng marahas at tinitigan ako ng masama.

Tell me, isang masamang panaginip lang ito 'di ba?

TBC
=================

AWS CHAPTER 29

Chapter 29

Nilabanan ko ang masamang tingin sa akin ni Cloud kahit na nga ba ang


gusto ko na lang gawin ay ang takbuhan at iwanan na lang ito.
Napakamapaglaro talaga ng tadhana, hindi ko alam kung paano niya ako
natunton dito o kung paano niya nalaman ang tungkol sa mga bata. Ang alam
ko lang natatakot ako, kung tatanungin niyo ako kung mahal ko pa si
Cloud, honestly hindi ko alam ang isasagot. I don't know kung malakas ba
ang kabog ng puso ko dahil sa nakita ko siya o dala lang ito ng kaba sa
isiping posible niyang makuha sa akin ang kambal.

No hindi niya makukuha ang kambal, mamamatay muna ako bago mangyari 'yon.

"Sir/Maam may problema po ba?" Naalis ang paningin namin sa isa't-isa at


sabay na binalingan ang security guard na lumapit sa amin.

Iginala ko ang paningin ko at doon napansin nakakakuha na pala kami ng


atensyon.

"It's okay just a simple misunderstanding, you can go now." ani Cloud
bago pa ako magsalita. Yumukod lang ang security at iniwan na kami.
Binaling sa akin ni Cloud ang paningin niya at hindi ko naman maiwasang
mapapitlag.

"Scared?" nanunuya nitong saad. Hindi ko naman maiwasang mainis sa inia-


asta nito, kaya agad kong pinatigas ang ekspresyon ko. Hindi ko pwedeng
ipakita sa kanya na mahina ako, dahil wala na ang dating Sky na marupok.

"Why would I be scared?" pilit kong nilabanan ang tingin nito sa akin. He
just sneered at me and started walking away from me.
"Follow me." utos nito na siyang nakapagpakulo ng dugo ko.

Ano ako aso na uutusan niya na sundan siya? 

Kaya naman imbes na sundin siya, nanatili akong nakatayo sa pwesto ko.
Napangisi naman ako ng inis na bumalik ito.

Ano ka ngayon Cloud?Sinong-

Napatigil ako sa iniisip ko ng bigla nitong nilapit ang mukha sa akin,


tipong gahibla na lamang at magdidikit na ang mga labi namin. Kinabahan
ako ng dahan-dahan nitong ibaba ang kanyang mga labi.

Nahigit ko ang hininga ko at naramdaman ko ang pagtayo ng balahibo ko ng


bumaba ito sa gilid ng tenga ko. "Follow me or I'll kiss you right here
at this moment. Don't try my patience wife."bulong nito sa tainga ko at
kinilabutan naman ako kaya marahas ko siyang itinulak.

"Don't call me wife, masakit sa tenga Mr.Monteciara." ani ko at nauna na


akong naglakad. Namalayan ko na lang na sinabayan ako nito sa paglalakad.
Ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa pagitan naming dalawa pero
pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"Really? It hurts your ears? parang dati lang gustong-gusto mo kapag 'yon
ang itatawag ko sa'yo." napapikit ako ng may maalala ako sa sinabi nito

~*~

FLASHBACK (MEMORIES OF THE LAST TWO MONTHS BETWEEN SKY AND CLOUD)

"Hey wife, gutom na ako matagal pa ba 'yan?" 

Napatigil naman ako sa paghalo sa niluluto ko ng marinig ko ang boses ni


Cloud na hindi ko namalayang dumating mula sa trabaho.
"A-anong sabi mo?" nauutal kong saad.

"Kung matagal pa ba 'yan 'cause I'm hungry?" patanong nitong saad.


Umiling naman ako at tila nalinawan ito sa tanong ko.

"Ah? Wife? Why? Don't you want me calling you that?" tila naaalangan
nitong bigkas.

Umiling naman ako at tinawid ang distansya naming dalawa. Niyakap ko ng


mahigpit si Cloud, halatang nagulat ito ngunit gumanti rin ng yakap sa
akin.

"Nope, hindi ko lang gusto, gustong-gusto. It's like music in my ears. I


love you Husband." nanigas naman ito sa sinabi ko. Humiwalay naman ako sa
yakap sa kanya at hinaplos ang pisngi nito.

"You don't have to answer me back Cloud so don't think too much..." 

Babalik na sana ako sa pagluluto ng hilahin nito ang kamay ko at siilin


ako ng isang mabining halik na siyang tinugunan ko.

"Thank you for loving me Sky." bulong nito sa akin matapos akong halikan.
Nginitian ko na lamang siya at ipinagpatuloy ang pagluluto.

~*~

"Remembering the past?" 

Napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Cloud. Hindi ko


namalayan na nakarating na pala kami sa isang coffee shop dito sa may
lobby.
"No." pagtanggi ko. Ngumisi lang ito at iniabot sa akin ang dala nitong
kape.

"So tell me Sky? Kailan mo balak sabihin sa akin ang tungkol sa mga anak
ko? O may balak ka nga bang sabihin?" 

Wala na ang ngisi sa mga labi nito bagkus ay napalitan ng masamang


tingin.

"I-I plan t-to tell it to you kapag lumaki na sila at maiintindihan na


nila lahat..." 

"At kailan pa yun? Kapag 18 na sila ganun ba?!" mariin nitong saad.

"No! naghihintay lang ako ng tiyempo. Look Cloud, mga bata pa sila at
hindi ganun kadali ipaliwanag ang-"

"Wag mo akong gawing tanga Sky, alam ko at alam mo na wala kang balak
gawin akong parte ng buhay nila." 

Hindi naman ako nakaimik sa sinabi nito. 

Wala nga ba akong balak? Sasabihin ko naman eh, pinapangunahan lang ako
ng kaba, natatakot sa posibleng maging reaksyon nila Claudi at Klode,
what if magalit sila sa akin?

"Natahimik ka tama ako hindi ba?"

"I'm sorry." 
"Sorry? Sorry? walong taon Sky, walong taon mong itinago sa akin na may
anak tayo! anong magagawa ng sorry mo?! And worse kambal sila, dalawang
bata ang ipinagkait mo sa akin?! Nabuhay ako sa ilang taon without
knowing na may mga anak na pala ako." 

Iniwas ko ang tingin ko kay Cloud. "Now tell me, that day when I gave you
that pregnancy test kits at sinabi mong hindi ka buntis, is that a lie?" 

Sasabihin ko ba na niloko ko siya noon o magpapanggap akong nagkamali


lang ang pregnancy test kit at hindi ko alam na buntis na ako?

Binalingan ko ito. "I-i don't know kung bakit ganun ang naging resulta ng
pregnancy test, I just found out that I'm pregnant-" hindi ko natapos ang
sasabihin ko ng may ibinato ito sa akin.

Napatigalgal naman ako ng makita ang isang ultrasound picture. It's mine.

"I told you Sky, you can fool me once but not the second time around,
hindi mo alam? Then, explain to me kung bakit may ultrasound picture sa
ilalim ng kama at may nakasulat na 'Happy eight weeks baby'?"

Matagal bago ako nakaimik pero naisip ko na kung matatakot at ipapakita


ko kay Cloud na mahina ako baka kunin nito sa akin ang mga anak ko.

"Fine, aamin na ako. I lied.  That day hindi ko sinabi ang totoo, that
I'm already two months pregnant, at kung tatanungin mo ako kung bakit-"

"Hindi ko na kailangan pang alamin kung bakit mo nagawang magsinungaling


dahil malinaw naman na kaya mo ko niloko dahil gusto mong gumanti sa
pananakit ko sa'yo! Dahil nagagalit ka dahil hindi kita minahal ganun
'yun hindi ba?!" sigaw nito sa akin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at isinaboy sa mukha niya ang baso ng


tubig na nasa lamesa. Nanginginig ang mga kamay kong ibinaba ang baso,
napansin kong natigilan ang mga kapwa customer ko sa loob ng shop pero
wala na akong pakialam.

"H-how dare you accused me?! Oo, inalis ko sa'yo ang karapatan mo sa mga
bata pero hindi ako ganun kababaw, hindi 'yon ang dahilan kung bakit
pinili kong umalis at ilihim sa'yo ang kalagayan ko. Gumanti? Ni minsan
hindi pumasok sa isip ko 'yon, Magalit? Sa iyo? Masyado naman atang
malaki ang bilib mo sa sarili mo para isipin na paglalaanan kita ng
ganung emosyon." nanginginig ang boses kong saad.

Natigilan ito pero hindi pa rin naalis ang matalim nitong tingin na
iginagawad sa akin. "Then, tell me why? Bakit nga ba nagawa mong itago sa
akin ang mga bata?" mapanghamon nitong saad sa akin.

"Dahil 'yun ang alam kong makakabuti sa sitwasyon lalo pa at wala ka ng


ibang pinili kung hindi si Charlotte." nagsalubong ang mga kilay nito sa
sinabi ko pero binalewala ko ito at nanatiling nakikipaglaban ng tingin
sa kanya.

"Things would have been different kung nagsabi ka ng totoo noon!"

"Anong magbabago?! Tell me, that time kung nalaman mo na buntis ako,
magagawa mo ba siyang iwan para sa amin ng magiging anak mo?!"

"Oo, dahil yun ang dapat, ang maging isang ama ako sa magiging anak ko
but you were selfish and narrow-minded na hindi mo naisip na 'yon ang
gagawin ko! Pinangunahan mo ako sa desisyon ko!" 

Sarkastiko naman akong napatawa sa sinabi nito. "Really? Iiwan mo siya?


Eh hindi ba nung nangako ka na susubukan mo akong mahalin, sabi mo
kakalimutan mo na siya pero anong nangyari hindi ba binalikan mo siya?!"

Hindi ito nakaimik at bakas ang pagkagulat sa mga mata nito. "Hindi ako
ganun katanga Cloud, akala ko okay na? Okay na tayo at magiging maayos na
ang relasyon nating dalawa pero anong nangyari, makaraan ang ilang buwan
bumalik ka na naman sa kanya? Anong tingin mo? na hindi ko malalaman na
gabi-gabi sa tuwing nawawala ka sa tabi ko, nagpupunta ka kay Charlotte.
So tell me, paano ko sasabihin sa'yo na buntis ako kung palaging
pumapasok sa isip ko ang takot na baka lumaki ang anak ko sa pamilyang
ang magulang ay hindi nagmamahalan? Ayokong lumaki ang mga anak ko na
nakikita akong malungkot dahil sa hindi ako magawang mahalin ng ama nila!
Okay lang na ako ang masaktan, wag lang sila. Masama bang nagsinungaling
ako sa'yo para sa kapakanan ng mga anak ko?" pagpapatuloy ko.

"Anak natin Sky. And there's a reason kung bakit hindi ko magawang
bitawan si Charlotte noon though I'm sorry kung 'yan ang naparamdam ko
sa'yo, kung niloko kita but believe me kung sinabi mo sa akin ang totoo
noon hindi tayo aabot sa sitwasyon na ito."

May inilapag  itong envelope sa harap ko na hindi ko napansing hawak nito


kanina. 

Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang nilalaman ng ibinigay niya sa


akin. 

SOLE CUSTODY RIGHTS

  "Anong ibig sabihin nito?"  

"Kukunin ko ang kambal at mananatili sila sa tabi ko whether you like it


or not."

Tumayo ito sa pagkakaupo at nagtangkang umalis pero maagap kong pinigilan


ito. "Saan ka pupunta?" nanghihina kong saad habang ang paningin ay nasa
papel pa rin na nasa harap ko.

"Sa mga anak ko, it's time for them na makikilala ako dahil mukhang pati
pangalan ko hindi nila alam." 

"No, ako na- ako na ang magsasabi sa kanila, they would be shock. And
about this custody rights. Hindi mo pwedeng gawin ito, hindi mo pwedeng
kunin ang kambal sa akin."
"Then tell me kailan mo balak sabihin? Kapag nasa Davao na kayo ganun
ba?" nagulat naman ako sa sinabi nito at nilingon ito.

I knew it, pinaimbestigahan niya ako.

"Bukas na ang alis niyo 'di ba? Then let me tell you this Sky, pwede kang
umalis but don't you dare run away again with my children, dahil kahit
saan mo pa sila dalhin mahahanap at mahahanap ko kayo."

"Kung pinaimbestigahan mo ako, alam mo naman na siguro na wala na si


Titamoms right?" Nagbago ang ekspresyon nito at napalitan ng
pakikisimpatya.

"Mag-isa na lang ako Cloud, at ang mga kambal na lang ang dahilan kung
bakit nabubuhay pa din ako. I can't bear to lose them at ganun din sila
sa akin, hindi nila kaya na mawala ako sa tabi nila. Kailangan namin ang
isa't-isa. Kung lalaban ako sa custody rights, alam kong malaki ang
tiyansa na matatalo ako dahil bukod sa mas papanigan ka ng batas dahil
tiyak naman na mas pipiliin nila na lumaki ang mga bata sa marangyang
buhay..." Huminga ako ng malalim at pilit pinigilan ang luhang nais
kumawala sa mga mata ko. "Wala rin naman akong sapat na pera para lumaban
sa kaso na ito. And lastly, ayokong makita ng mga bata na pinag-aagawan
natin sila. It would be a trauma for them Cloud." mahabang paliwanag ko.

Naupo itong muli at seryoso itong humarap sa akin. "I get your point so
what do you suggest?" 

Bumuntong-hininga ako. "Bukas bago kami umalis ipapakilala kita sa


kambal---"

"I told you Sky, hindi mo sila pwedeng isama paalis!" putol nito sa
sasabihin ko.

"That's absurd Cloud, nasa Davao ang buhay namin, at hindi pwedeng sa
isang iglap umalis kami doon, what about their studies?"
"Maraming magagandang school dito na pwede nilang pasukan."
pangangatwiran nito.

"Then what about their friends?"

"May makikilala rin sila dito." naiinis na inipit ko ang hibla ng buhok
ko sa gilid ng tainga ko.

"Please Cloud, pwede namang every weekends pupuntahan mo sila di ba?


Mayaman ka and you can afford a private plane." pilit ko pa ring
pangungumbinsi dito.

"Sa tingin mo ba sapat ang dalawang araw sa isang linggo para mapunan ang
humigit pitong taon na hindi ko sila nakasama?" natahimik naman ako sa
sinabi nito at tila nablangko sa sunod kong sasabihin sa kanya.

"I know hindi sapat yun p-pero Cloud anong gusto mong gawin ko? Ang
bitawan ang tahimik naming pamumuhay sa Davao?" napahilamos ako sa mukha
ng tumango ito.

"Fine. But first uuwi muna kami ng Davao, may mga bagay akong kailangan
pang asikasuhin doon, one week would be fine pagkatapos noon babalik na
kami ng mga bata dito." pagsuko ko na lang.

Wala na rin naman akong magagawa, kung aalis kami ng mga bata at
magtatago kay Cloud, panigurado matutunton lang kami nito.

"Fine,sasama ako. Bukas ng hapon ang alis niyo right? Umaga pa lang
nandito na ako and I will expect na makikilala ko na ang mga anak natin.

Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. "Hindi ka ba makapaghintay ng


isang linggo?!"
Tumigas naman ang anyo nito sa sinabi ko. "No, sapat na ang pitong taon."
Tumayo ito. "I gotta go ipapaayos at ipapalinis ko na ang titirhan niyong
bahay pagkagaling natin sa Davao." binigyang diin pa nito ang salitang
natin na tila ipinaparating sa akin na sa ayaw at sa gusto ko sasama siya
sa amin pauwi.

"Wait, anong bahay ang sinasabi mo?"

"Our house, ipapaayos ko na ang guest room bilang kwarto nila." napalunok
naman ako sa sinabi nito.

Bakit ba napakabossy nito na pati bahay na titirhan namin siya ang


magdedecide.

"Ako na lang ang hahanap ng titirhan namin ng mga bata,"

"No, I want to give them nothing but the best at isa pa bahay mo din 'yun
so walang masama kung doon kayo titira!"

Meron! Ayoko sa bahay na yun and don't tell me magsasama kaming dalawa?!

"Kung iniisip mo na doon ako titira, no worries may sarili akong condo.
But then, kung gusto mo naman na makasama ako, I will gladly do it wife."

"No thanks, wala kong plano na makasama ka pang muli." saad ko at hindi
ko alam kung dinadaya ba ako ng paningin ko dahil nakita ko ang sakit sa
mga mata nito. "Remember this Cloud, ang kambal lang ang dahilan kung
bakit ako pumapayag sa gusto mo. And please stop calling me wife dahil
alam natin na walang kahulugan ang salitang 'yon." ani ko at binalewala
ang nakita ko.

"Okay, if you say so but then ano bang mali sa pagtawag ko sayo ng wife
eh yun naman talaga ang relasyon mo sa akin."
Kumunot ang noo ko. "What do you mean? What about the annulment papers na
iniwan ko? Don't tell me hindi mo pinirmahan?!"

"Oh that? Yeah I didn't sign it so, in the eyes of the Law you're still
my wife." Hindi naman ako nakapagsalita sa sinabi nito. Hindi nito
pinirmahan pero bakit? Anong dahilan niya?

"Cat got your tongue Skyleigh Monteciara?" nang-aasar nitong saad.

Nagsalubong ang kilay ko. "Anong dahilan kung bakit hindi mo pinirmahan?
Hindi ba 'yon ang gustong-gusto mong makuha, ang makalaya sa kasal natin
at maibigay ang apelyido sa babaeng pinakamamahal mo?" mapang-uyam kong
tanong.

"Marami na ang nagbago sa nagdaang taon, Sky. Katulad ng kung anong gusto
ko at kung sino ang mahal ko..." hindi na ako inantay nitong magsalita at
iniwan akong tulala sa sinabi nito.

Naguguluhan ako kay Cloud..Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo?

Pilit ko na lang iwinaksi sa isipan ko ang huli niyang sinabi dahil


walang maidudulot itong maganda para sa akin. Tapos na ko kay Cloud, at
hindi na ako kailanman babalik sa dating Sky. Habang nakaupo ay  iniisip
ko kung paano ko sasabihin sa mga anak ko ang mga pagbabago na mangyayari
sa buhay namin...

TBC

=================

AWS CHAPTER 30

THE REASON WHY...


Chapter 30

"Good morning wife..." Napangiti  ako ng may maramdaman akong may yumakap
sa akin mula sa likuran habang nagtatype ako sa harap ng laptop.

"Good morning husband..." naramdaman ko  na hinalikan nito ang tuktok ng


ulo ko matapos 'non ay humiwalay at dumiretso sa banyo.

Inayos ko ang isusuot niya, hindi mawala ang ngiti ko sa ginagawa ko.
Isang buwan na rin ang nakakaraan ng sabihin sa akin ni Cloud na
susubukan niya akong mahalin, sa loob ng panahon na iyon nakita at
naiparamdam niya naman sa akin kung gaano siya ka-sincere sa sinabi niya.

Tuluyan ng nagbago ang trato namin sa isa't-isa, madalas siyang


maglambing sa akin at ganun din ako sa kanya.Tuwing weekends, walang
palya kaming nagdedate na siyang lagi ko namang ikinasisiya katulad
ngayong araw na ito.

"Masarap ba?" tanong ko kay Cloud. Nag-experiment kasi ako ng isang dish
at ipinatikim ko sa kanya.

Namula ako ng hilahin nito ako at ikandong sa kanya. "Masarap pero mas
masarap ito." saad nito sabay halik sa akin. 

Nag-uumpisa ng maglumikot ang mga kamay nito ng umalingawngaw ang tunog


ng cellphone na nasa ibabaw ng lamesa. Ako na mismo ang bumitaw at
narinig ko pa ang tila nabitin na ungol ni Cloud, pinamulahan tuloy ako
ng mukha kaya tinalikuran ko siya at nagpasyang kanawan siya ng kape.

"WHAT?!" napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang nag-aalala na


boses ni Cloud. Lumingon ako at nakita ko na tila hindi ito mapakali.
Naibaba na nito ang celphone pero wala pa ring pagbabago sa ekspresyon
nito. Kaya naman nagpasya akong lapitan ito,

"May problema ba Cloud?"


"Ah-ah nothing, ready ka na ba? Aalis na ba tayo?"  tanong nito na tila
nasa malayo ang isip.

"Anong nothing e ang putla ng mukha mo, sino ba yung tumawag?"

"Sa company lang 'yun medyo may problema e."

Medyo lang? Eh bakit iba ang pakiramdam ko?

"Kung kailangan mong pumunta doon, okay lang I understand, may ibang araw
pa naman para sa date natin." nakangiti kong saad.

"A-are you sure?" naninigurado pa nitong saad, mapang-unawa naman akong


ngumiti. Nagmamadali itong kumilos at niyakap ako bago umalis.

Ngumiti ito ng malunkot sa akin. "Thank you Sky and I'm sorry." 

Bakit pakiramdam ko iba ang ipinapahiwatig ng sinabi niya?

* * * * *

Lumipas ang ilang linggo at tila nagbago na naman ang lahat, malambing pa
din naman si Cloud. Katunayan iba't-ibang regalo pa nga ang ibinibigay
niya sa akin pero alam ko may nagbago. Nagigising na lang ako tuwing gabi
na wala siya sa tabi ko, at pag tinatanong ko naman kung saan siya
nagpunta. Sasabihin nitong may inasikaso lang sa trabaho at ako bilang
may tiwala sa kanya ay agad naman na maniniwala. Binabalewala ko na lang
ito dahil malakas ang kutob ko na magkakaroon na kami ng isang buong
pamilya ni Cloud. Hindi pa ako dinadatnan at tuwing umaga ay parang
hinahalukay ang sikmura ko. Hindi ko pa nasasabi kay Cloud dahil sa gusto
ko sigurado na ako---
'RING.RING.RING'

Napatingin naman ako sa cellphone ni Cloud na tunog pa din ng tunog,


tatawagin ko na sana si Cloud na nasa banyo ng tumigil ito sa pagtunog.
Namalayan ko na lamang na hawak ko na ang celphone ni Cloud at pilit
inaalam ang password nito.

******

Nabuksan ko naman ito at napangiti naman ako ng ang birthday ko pala ang
password ni Cloud at mas lalong lumawak ang ngiti ko ng makita ang
wallpaper ng huli. It's our picture, he's in my back hugging me, it was
during our first date. What a lovely picture. Pero agad naglaho ang ngiti
ko ng binuksan ko ang call history ng asawa ko.

CHARLOTTE (***) 5 minutes ago

Puro ang pangalan ni Charlotte ang nasa call history ng huli. Nanginginig
ang kamay na binuksan ko ang message nito at napaluha na ako ng mabasa
ang laman nito.

I love you come back to me.

Where are you? I'm waiting for you Babe...I need you.

I miss you Babe.

Please, puntahan mo na ako.

Babe.

Cloud thanks for coming.


Babe, I'm sorry sa ginawa ko and thank you dahil hindi mo pa din ako
iniiwanan.

Hindi ko na itinuloy ang pagbabasa dahil narinig ko na palabas na si


Cloud mula sa banyo kaya nagmamadaling ibinalik ko ang cellphone sa dati
nitong pwesto. Pinunasan ko ang luha ko at nagpanggap na nagbabasa ng
libro.

"Hey, what are you reading?" nakangiti ko naman itong hinarap, isang
pekeng ngiti.

"The usual, love story-hmmmp" napatakbo naman ako sa banyo ng makaramdam


na parang gusto kong ilabas lahat ng kinain ko.

"H-hey wife are you okay?" hinimas-himas pa nito ang likod ko at hindi ko
alam kung bakit napaluha ako, naalala ko na naman ang nangyari kanina.
May komunikasyon pa sila ni Charlotte? Niloloko niya ba ako?

"H-hindi ako okay, Cloud hindi ako okay."  saad ko habang umiiyak. 

"H-hey anong problema? May masakit ba sayo? T-tell me." hindi naman ako
nagsalita at niyakap ko lang siya ng mahigpit.

"W-wag mo kong iiwanan huh Cloud?" napansin ko naman na nanigas ito sa


sinabi ko.

"O-of course not, I'm not gonna leave you..." at naramdaman ko na may
pumatak sa mga balikat ko.

Umiiyak siya,umiiyak si Cloud...Pinahihirapan na ba kita Cloud?


* * * * *

"CONGRATULATION Mrs .Monteciara, your eight weeks pregnant."

Naluluhang inabot ko ang ultrasound picture ng baby ko mula sa doktor.

Mali, ng baby namin ni Cloud...

Nakangiti ako ng malawak habang papasok sa loob ng bahay, nakita ko ang


kotse ni Cloud sa may garahe kaya nakasisiguro ako na nasa kwarto na
namin siya.

Matutuwa kaya siya kapag nalaman niyang magkakaanak na kami? 

Siguro naman iiwanan niya na si Charlotte hindi ba? Alam ko naman 'e na
hindi niya pa din nagagawang kalimutan ang huli, pero ngayong magkakaanak
na kami sigurado akong tuluyan niya na itong iiwanan.

Hinahaplos-haplos ko ang tiyan ko at ingat na ingat na pumanik paitaas.


Pagpasok ko sa kwarto wala siya, kaya naman sinubukan kong tignan kung
nasa study room si Cloud. At tama nga ang hula ko nandoon siya at seryoso
sa pagpirma ng mga papeles. Nagpasya akong wag na itong istorbohin at
aantayin ko na lang siya sa kwarto namin.

Happy eight weeks babyLove, Mommy

Pinagmasdan ko naman ang maliit na litrato at parang lumulutang sa ere na


itinaas ko pa ito. Ayan tuloy nalaglag, pupulutin ko na sana ito ng
biglang humangin ng malakas.Tumayo muna ako at sinarado ang bintana,
mukhang uulan pa 'ata. Kukunin ko na sana ang litrato ng mawala ito sa
lapag. Mukhang napailalim ito sa kama. Yumuko ako at kinapa-kapa ito sa
ilalim, napatigil lang ako sa pagkapa ng makarinig ako ng pagbagsak ng
pinto.
"Charlotte please naman wag mo naman itong gawin sa akin."

"No please, mamaya pupuntahan kita."

"Fuck, wait for me okay?!"

"No, I am not angry wag ka ng umiyak hush babe."

"Pupuntahan kita but I told you I can't leave Skyleigh."

"I love you but Skyleigh-"

"Inumin mo na yung ga-"

"May kailangan lang akong alamin tungkol sa sitwasyon ni Sky-"

"I-I l-love you too.Bye."

Hindi ko alam kung humihinga pa ba ako sa mga oras na kausap ni Cloud si


Charlotte. He still love her...It's not a question but a statement...at
ako ang hadlang sa kanilang dalawa. Sinilip ko si Cloud at nakita ko
siyang umiiyak. Nahihirapan na ba siya? Ako ba ang dahilan? Napahawak ako
sa pipis kong tiyan, pinipigilan na makagawa ng anumang ingay. At ng sa
wakas lumabas na ng kwarto si Cloud, unti-unting pumatak ang mga luha ko
sa mata.

Baby, pinahihirapan natin si Daddy,anong gagawin ko?

* * * * *
NAGISING ako ng may yumakap sa akin mula sa likod.

"Did I wake you up?"

"No-hmmmp." Tumakbo agad ako sa banyo dahil nasusuka ako. Pero maluha-
luha naman ako ng wala akong maisuka. Naramdaman ko na nasa likod ko si
Cloud, agad naman akong naghilamos at hinarap siya.

"Use it. I bought it in a drugstore, sabi nung pharmacist mas mabuting


tatlo ang i-try para mas makasigurado tayo sa resulta. This past few
days, nagsusuka ka sabi nila yun daw ang first symptoms ng pagbubuntis."
Napatigalgal naman ako sa inabot nito sa akin.

Pregnancy Test Kit.

Hindi na ako nagsalita kaya naman lumabas na ito at isinara ang pinto.
Tinitigan ko ang pregnancy test at may naalala 'ko..

"May kailangan lang akong alamin tungkol sa sitwasyon ni Sky-"

Eto ba ang ibig niyang sabihin, ang alamin kung buntis ako? Paano kung
hindi ako buntis anong gagawin mo Cloud? Iiwanan mo ba ako?

Bago niya pa gawin 'yun Sky, unahan mo na siya leave him, runaway with
your child...Palayain mo na siya ng sa ganun makalaya ka na rin sa sakit
na idinudulot niya sa iyo...

Makakaya mo bang lumaki ang anak mo sa pamilyang ikaw lang na ina ang
nagmamahal sa ama nila?

Paano kung hindi iwanan ni Cloud si Charlotte kahit na may anak na kayo?
Makakaya mo ba na may kahati ka kay Cloud?
Kung ikaw nakaya mo, paano ang anak mo?

Ang daming tanong sa utak ko, isa lang ang alam kong paraan para malaman
kung ano ang dapat kong gawin. 

Namalayan ko na lang na nilalagyan ko ng tubig ang mga pregnancy test kit


na ibinigay sa akin ni Cloud.

Susubukan kita Cloud, at sana sa gagawin ko manatili ka pa din sa akin.


Dahil kung hindi, wawakasan ko na ang lahat sa pagitan nating dalawa...

~VOMMENT GUYS :) PUHLEASSSSEE LOL :D

=================

AWS CHAPTER 31

Chapter 31

"Ate-ate okay lang po ba kayo?" Napabalikwas ako ng bangon ng may tumapik


sa mukha ko.Napahawak ako sa kaliwa kong pisngi ng maramdamang basa ito.

Panaginip, panaginip lang ang lahat. Panaginip ngunit totoong nangyari.


Napabuntong-hininga na lang ako.

"Okay lang ako, ang kambal?" tanong ko. Nakatulog pala ako sa sofa ng
hindi ko namamalayan, tinignan ko ang orasan at pasado alas-siyete pa
lang pala ng umaga.

"Ganon po kala ko po binabangungot na kayo, umiiyak po kasi kayo. Tulog


pa po ang kambal, bakit po dito kayo natulog sa sofa?"

"Ah, nagising ako ng madaling-araw marahil sa antok ko di na ako


nakapasok pa sa kwarto." Bumangon na ako ng muntik na akong matumba. Agad
naman akong inalalayan ni Kleng, ipinilig ko ang ulo ko at nanghihinang
naupo muli.

"Ay ate, ang init niyo po, may lagnat po ata kayo!" natawa naman ako ng
mahina ng para bang gulat na gulat si Kleng at napahawak pa sa bibig
nito.

"Wag kang OA Kleng, pagod at puyat lang ito. Isang inom lang ng gamot
okay na ako." nakangiti kong saad.

Tumayo na ako at dumiretso sa maliit na kusina sa hotel room, agad naman


akong ipinagtimpla ng kape ni Kleng na sinabayan ko naman ng gamot. Maya-
maya lang eepekto na siguro ito sa akin. Hindi ako pwedeng magkasakit
lalo pa at ngayon ang alis namin.

Alis? Nanlaki naman ang mata ko ng maalala ang nangyari kahapon. Hindi ko
pa din nakakausap ang kambal, kailangan makausap ko na sila bago pa
dumating ang ama nila--

Napahampas naman ako ng noo ng marinig na may kumatok sa pinto, tatayo pa


sana si Kleng ng sinabi kong kumain na lang siya at ako na. Mukhang
kilala ko kung sino ang maaga kong 'bisita'. Bago ko binuksan ang pinto,
huminga muna ako ng malalim, hindi na ako nag-abalang mag-ayos ng sarili
dahil sino ba siya?

Ama lang siya ng mga anak ko nothing else...

Napailing naman ako ng sunod-sunod na katok na ang ginawa nito.


Nakasimangot na pinagbuksan ko ito ng pinto.

"Hindi ba uso sa'yo ang maghintay---"

Tinignan ko mula ulo hanggang paa ang nasa harapan ko. Si Cloud ba ito?
Kahapon kasi ay tila isang seryosong businessman ang gayak nito mula sa
kasuotan hanggang sa buhok nito, pero ngayon parang bumata ito. Halatang
nagpagupit ng buhok ito, imbes na suit ang damit nito, nakasimpleng polo
shirt lang ito at pantalon. Walang mag-aakala na nasa tatlumpu humigit na
ang edad ni Cloud. Tumikhim ito kaya naman agad ko itong tinalikuran.

"Enjoying the view, wife?" gigil ko naman itong hinarap.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na itigil mo ang pagtawag sa akin


niyan?!"

"What? Wife?"

"Nang-aasar ka ba talaga? Siguro nga asawa mo pa din ako, pero sa papel


na lang 'yon Cloud. Wag kang umasta na para bang napakaclose nating
dalawa. Because the last time I check, akala ko ex-husband na kita."
pagdidin ko sa salitang papel at ex-husband at napansin ko ang pagdilim
ng mukha nito.

Nilapit nito ang mukha sa akin at hindi ko maiwasang mapaatras. "Well,


let me update you Sky. I am not your ex-husband, You are still Mrs.
Monteciara. Keep that in your mind." Tinulak ko ito bago pa kung anong
gawin nito.

Pumamewang ako. "Sa ngayon oo, asawa mo pa ako...Pero sisiguraduhin ko na


hindi na 'yon magtatagal pa." 

"Is that so? Let's see about that." sasagutin ko pa sana ito ng bigla na
naman akong mahilo. Napapikit ako at naramdaman ko naman ang pag-alalay
niya sa bewang ko. Parang napapasong lumayo ako sa kanya.

"Hey, may sakit ka ba?" hahawakan sana nito ang noo ko ng umiwas na ako
agad.
"I'm fine, anyway sorry pero hindi ko pa nasasabi ang tungkol sa'yo sa
kambal kaya kung pwede maghintay ka muna sa lobby, dadalhin ko na lang
sila doon."

Inaasahan ko na magagalit ito kaya naman nagulat ako ng dumiretso lang


ito sa sofa at naupo. Hindi galit ang itsura nito, pero halatang
kinakabahan.

Kinakabahan? Takot ba siya sa magiging reaksyon nila Claudi at Klode?

"I'll wait here, kung hindi mo sila kayang kausapin mag-isa, I'll be by
your side. Let's face it together Sky." napalunok naman ako sa sinabi
nito at tumango na lang.

"Anyway, can you tell me about them? Ah--- wait I forgot something."
Lumabas ito saglit at pagbalik nito madami-daming paper bags itong
bitbit.

"Cloud, what's that?" napakamot naman ito sa batok nito.

"Pasalubong ko for them, do you think magugustuhan nila ang mga 'to?"
Hindi ko maiwasang makonsensya habang tinitignan si Cloud na tila
kinakabahan na baka hindi magustuhan ng kambal ang mga bitbit nito.

Wala siyang alam tungkol sa kambal, siguro nga pinaimbestigahan niya kami
pero hindi naman lahat malalaman niya lalo na ang mga gusto ng kambal,
habit ng mga ito at kung ano-ano pa. And it's all my fault dahil
pinagkait ko sa kanya ang karapatan na iyon. Ang makita na lumalaki ang
kambal, their first talk, first walk, first birthday and so on and so
forth. Hindi niya na-witness 'yon and now nangangapa siya kung paano
pakikisamahan ang mga anak namin. Gaano nga ba kahirap para sa isang
magulang ang wala man lang kaalam-alam tungkol sa sarili niyang mga anak?
Dahil pinaimbestigahan man niya kami, hindi pa rin 'non masasagot ang mga
ibang detalye tungkol kay Claudi at Klode.

"Ano ba 'yang mga binili mo?" Isa-isa naman nitong pinakita sa akin ang
mga mamahaling laruan, damit at chocolates. Napailing naman ako sa mga
ito.
"What? Hindi ba nila magugustuhan ang mga 'to?"

"Of course, magugustuhan nila pero sana hindi mo lagi itong gagawin
Cloud. Ayokong lumaki ang kambal na spoiled." He nodded and sighed, maybe
in relief dahil na rin sa sinabi kong magugustuhan ng kambal ang bigay
niya. Napasandal ako sa sofa at saglit na napapikit.

Argh!Bakit ba ngayon pa sumama ang pakiramdam ko?

"Hey, this is for you." napataas naman ako ng kilay ng may inabot ito sa
akin.

"What's this?" tukoy ko sa kwadradong katamtaman ang laki na box.

"Open it." binuksan ko ito at nakita ang halatang mamahalin na relo.


Isinara ko kaagad ito at iniabot sa kanya.

"Why? You don't like it? Hindi ba maganda?"

"It's not that, hindi ko lang alam kung bakit pati ako kailangan mong
bigyan ng regalo. Sapat na ang kambal hindi mo na ako kailangan bigyan
pa." ani ko.

"But I want to, just accept it Sky." hindi na nito ako inantay magsalita
at mabilisan na nitong isinuot sa akin ang relo. Maganda ito at halatang
mamahalin. Huhubarin ko na sana ito ng hawakan nito ang kamay ko.
"Please Sky wear it, it's my way of saying sorry about how I reacted
yesterday. Naging harsh ako sa'yo, I know nagtataka ka sa iniaakto ko
ngayon but I just wanna say-"

"Mommmmmmmmmy waaaaaaaahhhh..." hindi na nito naituloy ang sasabihin ng


sabay kaming napatayo dahil sa malakas na iyak ng batang babae.

It's Claudi.

Agad-agad naman akong tumakbo papasok sa kwarto, nakita ko pang sumunod


sa akin si Cloud pero hindi ko na lamang ito pinansin. Pagbukas na
pagbukas ko pa lang nakita kong nasa lapag si Claudi at umiiyak habang
nagpapadyak pa. Nakita ko naman si Klode na namumula ang mukha. Agad ko
namang binuhat si Claudi kahit na nga ba nag-aalala ako na mahawa siya sa
lagnat ko.

"Anong problema Claudi?"

"S-si Klode huk tinulak niya huk ako sa kama. Waaaaaaahhhh!" napapikit
ako sa tangis ng anak ko. Hindi mo nanaising paiyakin si Claudi dahil
tiyak mababasag ang eardrums mo. Tinignan ko naman si Klode at nakayuko
na ito pero napansin kong papaiyak na din ito. Ibinaba ko si Claudi na
bahagya ng huminto sa pagwawala.

"At bakit ka tinulak ni Klode? Hm?"

"Kasi nagwiwi siya sa kama then I teased him waaaaahhhhh Mommy it's so
kadiriiii waaaaahhhh!" 

Doon ko lang napansin na basa ang damit ni Claudi.

"Klode, come here." Lumapit sa akin ang anak ko na nagsisimula na ding


umiyak pero unlike Claudi na parang wangwang ang boses, tahimik naman si
Klode.
"Hindi mo dapat tinulak ang kapatid mo young boy, What if nabalian si
Claudi, gusto mo bang makitang masaktan ang kapatid mo?" Umiling naman
ito. Mapula pa din ang mukha nito, halatang nahihiya. Mukhang mahimbing
ang tulog ni Klode kaya hindi na ito nagising at naihi na lang sa kama.

"At ikaw naman Claudi, stop being mean. Hindi naman sinasadya ng kapatid
mo na maihi siya sa kama. So both of you, stop crying at humingi kayo ng
sorry sa isa't-isa aryt?" Nagkatinginan naman ang dalawa at tila nag-
aantay kung sinong mauuna.

"Sorry Klode, kasi binasa mo ako eh and it's so like gross, you should
wear a di-"

"Leighrah." pagsaway ko kay Claudi, mukhang imbes na magkabati lalo pang


mag-away itong dalawa dahil sa matabil na bunganga nito.

"Okay, sorry Klode."

"Sorry din hindi na mauulit, I promise Claudi."

"Ate anong nangyari sa kambal-- ay gwapo!" Doon lang ako napatingin sa


pinto at nakita si Kleng na bagong ligo na gulat na gulat na nakatingin
kay Cloud na titig na titig naman sa kambal.

"Sino po siya?"/"Who is he?" saad ng mga ito habang nakatingin Cloud.

"Kids," humarap naman sila sa akin.

"Take a bath first with ate Kleng then ipapakilala ko kung sino siya."
saad ko.
"But--" aapela pa sana si Klode at si Claudi ng kunin na sila ni Kleng na
mukhang nakahuma na sa gulat kay Cloud. Hinarap ko naman si Cloud at
nakitang sinusundan niya ng tingin ang kambal.

"It's like I am back in our childhood days, nakikita ko ang itsura natin
'nong mga bata pa tayo sa kanila." nasabi nito sa akin habang inaalis ko
ang cover ng kama. Tinignan ko naman ito at nagulat ako ng nagpunas pa
ito ng mata.

He's crying?

"Hey, don't look at me like that. I just can't help but cry, now that I
saw them, totoo nga talaga 'yong lukso ng dugo. God, parang di ako
makahinga kanina ng tinitignan ko sila, paano pa kaya pag nayakap ko na
sila..." Tumingin ito sa akin at napansin ko ang pamumula ng mukha nito.
Mukhang nahiya ito at lumabas na lang.

Napaupo ako sa kama at napahilamos sa mukha.

Tama ba talaga ang naging desisyon ko noon na inilayo ko ang kambal sa


ama nila? Dahil sa nakikita ko ngayon kay Cloud, masasabi kong he will be
a great father to the twins...dahil mahal niya ang mga ito...

* * * * *

"SO tell us Mommy, sino siya?"

Gosh ano ba itong pakiramdam ko na para akong inihuhukom ng sarili kong


mga anak.

Kanina habang binibihisan ko sila, walang humpay ang mga tanong ng mga
ito at gusto ko man silang sagutin parang naumid ang aking dila. Nakaupo
sa tabi ang kambal habang nasa kabilang upuan naman si Cloud na halatang
kinakabahan din.
"He-he's your father."

Kumurap-kurap si Klode tila sinisiguro kung tama ang narinig niya habang
si Claudi naman ay well---

"Oh my gosssssssssshhh, He's our father? Really Mommy? May daddy na kami
yieeeee. Ang galing galing may Papa na ako may Daddy pa ako." Nakita ko
naman ang pagkunot ni Cloud sa papa na sinabi ni Claudi pero agad naman
itong nawala ng nagtatakbo palapit sa kanya si Claudi at yumakap.

Nakita ko pa ang pagtakas ng luha sa mga mata niya sa ginawa ng anak


namin. I guess hindi niya ineexpect na magiging ganito ang reaksyon ni
Claudi. Pero iba kasi si Claudi, alam ko na kahit sinasabi niya sa akin
na okay lang na kami lang ni Klode ang magkakasama, I know hinahanap niya
din ang daddy nila. Kahit papaano nakahinga na rin ako ng maluwag ng
makita na masaya si Claudi sa ama niya na ngayon ay dinadaldal niya na.

Wag na kayong magtaka sa ugali ni Claudi, ganyan talaga siya hindi


mahiyain. Mabilis din para sa kanya na mag-adjust sa mga tao sa paligid
niya. Sinulyapan ko naman si Klode na tahimik ngunit halatang hindi
nasisiyahan sa nalaman at nakakatitig sa kapatid at ama nito.

"Claudi, come here wag mo siyang lapitan!" Nagulat ako ng tumayo si Klode
at hilain si Claudi mula sa ama pero mahigpit na kumapit ang huli sa leeg
ni Cloud.

"No, he's our daddy Klode. You should hug him too."

"Klode enough, aren't you happy na nandito ang daddy mo?" nanghihina kong
saad. 

Tumingin ito sa akin at marahas na umiling. "No, mommy hindi ako masaya
kaya paalisin mo na siya. We don't need him!" Tinignan ko naman si Cloud
at napansin ang nanlulumo nitong mukha.
"Hey Klode, I am your father and I'm sorry kung matagal akong nawala pero
eto na ako and I promise hindi na ako aalis. Can you forgive me?"
nakikiusap na saad ni Cloud.

"You are not my father, sabi ng teacher ko walang daddy na iniiwan ang
baby nila. And you left us, iniwan mo kami ni Claudi at Mommy. You
abandoned us!" napaiyak naman ako sa sinabi ni Klode.

Kasalanan ko ang lahat ng ito, kung bakit nagtanim ng sama ng loob si


Klode sa ama niya at dapat ko na itong itama.

"Stop it Klode, please stop saying mean things to your dad. Hindi niya
tayo iniwan Klode, its mommy's fault Klode." Umiiyak naman itong tumingin
sa akin.

"W-what huk d-do you mean Mommy? Sabi mo nagpunta siya sa m-malayo, so he
left us right?" umiling naman ako at nagtatakbo naman ito papasok sa
kwarto. Napatingin naman ako kay Cloud na may bakas ng luha na sa mata
habang pinapatahan si Claudi na umiiyak na din.

"I'll talk to him Cloud, ikaw munang bahala kay Claudi pasensya ka na
nagulat lang si Klode." tumango ito at nagmamadali kong hinabol si Klode.

"Klode, b-baby talk to Mommy please." Humarap ito sa akin at sumikip


naman ang dibdib ko ng makitang nasasaktan at umiiyak ito.

"D-diba Mommy h-hindi naman huk totoo ang huk sinabi mo kanina? K-kahit
kailan hindi ka magsisinungaling samin ni Claudi right? Huk" Mas lalo
akong napaiyak sa tanong nito. Niyakap ko ito ng mahigpit.

"I'm s-sorry Klode, h-hindi n-nagpunta sa malayong lugar ang daddy mo. A-
ako yung naglayo sa inyo sa kanya." Humiwalay ito sa pagkakayakap sa
akin.

"B-but why?"
"B-bata pa kasi kayo Klode, you wont understand k-kung ipapaliwanag ko s-
sa inyo lahat." Hinaplos ko ang kanang pisngi nito.

Umiling naman ito.

"M-mommy huk s-sinaktan ka ba niya?" 

Hindi ako nakaimik sa tanong nito lalo na ng muli itong magsalita.

"Sabi n-ng c-classmate ko iniwan daw sila ng Mama niya kasi  sinaktan ng
Papa niya ang mama niya. K-kaya ka ba umalis kasi sinaktan ka niya?"

"N-no baby hindi totoo yun h-hindi niya ako sinaktan..." Tinitigan ako
nito sa mga mata tila inaarok kung nagsasabi ako ng totoo.

"T-then b-bakit ka umalis?" pinahid ko ang luha ko maging ang luha din
nito.

"K-kasi t-that time naduwag si Mommy..." bakas naman ang pagkalito nito
sa isinagot ko.

"Klode, hindi mo pa naiintindihan pero someday ikukwento rin ni Mommy ang


lahat." Niyakap ko ulit ito. Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi na
ito nagtanong.

"Klode, do you want Claudi to be happy?" 

Tumango ito. "Yes, Mommy."

"How about me?" 


Umangat ang ulo nito at hinalikan ako sa pisngi. "Definitely."

"Then, please give your a daddy a chance to be with you and Claudi. Be
close to him." 

Umiling ito. "But I don't know how." hinawakan ko naman ang dibdib nito
at tumingala siya sa akin.

"Hindi mo na kailangang alamin pa Klode, pakinggan mo lang ang puso at


tutulungan ka nito. At isa pa Claudi will be with you kaya dapat starting
from now, don't be mean to him. To your Dad. Make Mommy proud by being a
good boy." 

Tumango ito at ngumiti naman ako. "Promise?" itinaas naman nito ang
kanang kamay at ngumiti sa akin.

"Promise Mommy. I love you." saad nito sabay yakap sa akin.

"I love you too Klode, now go and talk to your daddy and say sorry."
Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin. Tumayo na ako at sasamahan na ito
papalabas ng bigla na lang tila umikot ang paligid ko. Ang sigaw ni Klode
ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay.

TBC

A/N: Salamat sa 1k plus reads :) Sana patuloy niyong subaybayan ang mga
susunod na kabanata.

Vote. Comment naman tayo Guys :)

=================
AWS CHAPTER 32

HIS SIDE PART 1

Chapter 32

CLOUD'S POV

"Marami na ang nagbago sa nagdaang taon, Sky. Katulad ng kung anong gusto
ko at kung sino ang mahal ko..." nakita ko pa ang pagkalito ni Sky sa
sinabi ko pero agad na din akong umalis at hindi na siya inantay pang
magsalita.

"Really? Iiwan mo siya? Eh hindi ba nung nangako ka na susubukan mo akong


mahalin, sabi mo kakalimutan mo na siya pero anong nangyari hindi ba
binalikan mo siya?!" 

"Hindi ako ganun katanga Cloud, akala ko okay na? Okay na tayo at
magiging maayos na ang relasyon nating dalawa pero anong nangyari
makalipas lang ang ilang buwan bumalik ka na naman sa kanya? Anong tingin
mo, na hindi ko malalaman na gabi-gabi sa tuwing nawawala ka sa tabi ko,
nagpupunta ka kay Charlotte. Kaya tell me paano ko sasabihin sa'yo na
buntis ako kung palaging pumapasok sa isip ko, ang takot na baka lumaki
ang anak ko sa pamilyang ang magulang ay hindi nagmamahalan? Ayokong
lumaki ang mga anak ko na nakikita akong malungkot dahil sa hindi ako
magawang mahalin ng ama nila! Okay lang na ako ang masaktan, 'wag lang
sila!"

Paulit-ulit na umuukilkil sa akin ang sinabi ni Sky, parang sirang plaka


na ayaw tumigil. Parang bulang naglaho ang galit ko sa kanya dahil sa
niloko niya ako na hindi siya buntis nung ibinigay ko sa kanya ang
pregnancy test kit noon. Pero kasalanan ko pala kaya niya ginawa 'yun
dahil sa pagiging tanga at gago ko noon, sa pananakit ko sa kanya at
hindi pagtupad sa pangakong sinabi ko sa kanya. Napatingin ako sa hawak
kong envelope at ng makakita ako ng basurahan ay walang pag-aanlinlangan
ko itong itinapon. After all, peke naman ang dokumento na nasa loob 'nun.
Hindi totoong magpa-file ako ng sole custody sa mga bata. It's just my
way para hindi hayaan makaalis si Sky kasama ang mga bata. Galit man ako
'nung una kay Sky, alam ko sa sarili ko na hindi ko gagawin 'yun. Natakot
lang ako na baka umalis na naman sila kaya kahit alam kong mas lalo
siyang magagalit sa akin,ginawa ko pa din. Ganun talaga siguro pag
desperado ka na makuha ang gusto mo. At ang gusto ko?
Ang manatili sila sa tabi ko...

Nang ibalita na sa akin ng inutusan kong detective ang tungkol kay Sky at
sa mga anak namin na hindi ko inakalang kambal pa pala. Hindi ko
maipaliwanag ang naramdaman ko, just by thinking na lumaki ang mga bata
na hindi ako kasama. I can't help but feel sad, maybe maraming nagagalit
sa akin dahil sa ginawa ko kay Sky at maraming magsasabi na deserve ko na
hindi malaman ang existence ng mga anak ko dahil sa pagiging gago ko. But
then, hindi ko sila masisisi dahil ako mismo nagagalit sa sarili ko. Na
dahil sa pagiging iresponsable ko at pagiging tanga, matagal nawala sa
akin ang asawa at anak ko. Pero ngayon natauhan na ako, natagalan man but
still sisiguraduhin ko na this time, I'll make things right. Kinuha ko
ang cellphone ko sa bulsa at sinimulang idayal ang number niya. This is
my first step para maayos ang pamilya ko at makasama ang tunay kong
mahal.

"Babe! I miss you, bakit ba hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?"

"Busy ka ba?"

"Well, may shooting pa ako but then kung aayain mo naman ako. Pwede kong
i-cancel 'yung lakad ko, may sasabihin din kasi ako sa'yo."

"Alright, let's meet up."

"Saan babe?"

"Your Private resort. May pupuntahan lang ako at didiretso na rin ako
kaagad doon."

"Okay see you later, I love you babe." napapikit naman ako ng mariin sa
sinabi nito.
"Got to go, bye."

Napabuntong-hininga ko, panahon na para tapusin ang relasyon na dapat


matagal ko ng tinapos pa.

♣♣♣♣♣

"LOUIE." narinig ko ang ungol sa kabilang linya.

"Hello C-cloud Ohhhhhh, yeah that's it baby." naiiritang inilayo ko sa


tenga ang cellphone ko.

"What's the matter huh Man? Shit, alis ka muna baby." hinihingal na saad
nito.

"Kapag hindi mo ko kinausap ng maayos Louie, sisiguraduhin ko na


malalaman nila Tita ang pinaggagagawa mo diyan sa opisina mo." narinig ko
ang kalabog at ang pagtikhim nito kaya naman napangisi ako.

"Anong kailangan mo mahal kong pinsan?"seryoso na nitong saad.

"I'm here in front of your mall. Meet me up, may mga bibilhin ako,
kailangan ko ng suggestion."

"What the hell Cloud, ano mo ako alalay at kailangan mo pang magpasama sa
akin?! Iniistorbo mo ang sexy time namin ng baby ko." pag-angil nito sa
akin.

"Madali naman akong kausap eh, kaya magpapasama na lang ako kay Tita Faye
at makikipagkwentuhan na din. Bye Louie."
"I'll be there in a minute, sinong nagsabi na hindi kita sasamahan?
Sasapakin ko." napangiti naman ako ng tagumpay sa sinaad nito.

"Baby, break na tayo, kuha ka na lang sa baba ng kahit anong damit at


alahas na gusto mo.-OUCH,"

"Make it fast, you know me ayokong naghihintay."

"Damn you, nasampal pa ako ng dahil sa'yo-" hindi ko na inantay matapos


ang sasabihin nito at bumaba mula sa kotse.That guy whom I called is my
best friend Louie Reuse, a certified playboy and a man whore.

♣♣♣♣♣

"SO ano bang bibilhin mo at kailangan pa talagang magpasama ka sa akin,


tsk ng dahil sa'yo naudlot ang sexy time ko may bonus pang sampal."
habang nagsasalita ito ay kabi-kabilang empleyado ang yumuyukod sa amin.
At ang kasama ko ay akala mo artista kung makakaway sa madadaanang babae.

"Stop it, mukha kang siraulo."

"Hoy Cloud, naghahanap ako ng prospect ko kaya manahimik ka diyan."

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. "Hello, Tita Faye." agad naman
nitong hinablot sa akin ang cellphone ko.

"Hi Mommy,-ba't napatawag si Cloud?-..." Hindi ko na inintindi ang


sasabihin nito at huminto sa harap ng isang toy store. Pumasok ako at
iniwan ang loko kong pinsan na mukhang ginigisa na naman ng ina nito.

"Good afternoon Sir," tinanguan ko lang ito at agad dumiretso sa doll


section. Hawak ko ang isang manika ng biglang sumulpot ang hinihingal na
si Louie.
"What the hell Cloud?! Alam mo bang iwas na iwas ako kay Mommy tapos
tinawagan mo pa--"

"Maganda ba?" tukoy ko sa manikang hawak ko.

"Aba siyempre naman, walang panget na ibinebenta ang mall namin--teka nga
para kanino ba 'yan?"

"Para sa anak ko." inilagay ko na sa cart ang manika at humanap pa ng


iba.

"Ah para naman pala sa anak mo eh-WHAT?!" hindi ko pinansin ang reaksyon
nito at naghanap pa ng iba.

"Hoy Cloud, ano bang pinagsasabi mo? May anak na kayo ni Charlotte?
Kailan pa?"pabulong nitong saad at lilinga-linga pa sa paligid. 

Of course Louie knows everything, siya lang naman ang napagkukwentuhan ko


dahil kahit na malakas ang topak ng huli maaasahan naman pag matinong
usapan na.

"It's not her. It's Sky, my wife."

Tumango-tango naman ito."Ah ang napakaganda at sexy mong asawa na


natauhan na sa pagiging gago mo kaya parang bulang naglaho,-WAIT NAGKITA
NA KAYO?!"

"Stop fantasizing my wife, you moron. And please lower down your voice
balak mo bang i-broadcast ang buhay ko?!"

"Sus napakadamot, napakapossesive samantalang dati-"


"Wag mo ng ituloy ang sasabihin mo kung ayaw mong umalis ako dito at
maisipan na makipagkape kay Tita Faye."

"Tsk, sabi ko nga sa'yo si Sky, asawa mo siya eh. Teka-teka nawawala tayo
eh so may anak na kayong babae?"

"Actually pati lalaki." 

"Huh?" 

"Its a twin."

"Anak ng- lakas mo pre, nakadalawa agad, tell me nag beast-mode ba kayo
sa kama kaya nakadalawa agad? Ikaw huh tatahimik tahimik ka diyan mas
malala ka pa pala sa akin. Ilang round kayo?"

 Likas na manyak talaga ang siraulong 'to kaya napailing na lang ako at
iniwan ito.

"Napaka serious naman nito, at dahil serious mode ka na gagaya na din


ako. So I'm all ears, kwento ka na pre." Tinignan ko muna kung seryoso na
ito at mukha namang matino na ito kaya ikinuwento ko ang lahat dito
habang namimili ako ng ibibigay sa kambal at pati para kay Sky.

♣♣♣♣♣

"SO makikipag-break ka na kay Charlotte?" anito matapos humigop ng kape.


Nasa loob na kami ng opisina nito para makasigurong walang makakarinig sa
pag-uusapan namin.

Tumango ako.
"Tell me hihiwalayan mo ba siya dahil gusto mong mabigyan ng buong
pamilya ang mga anak mo?"

"Of course, it's the right thing to do."

"Hindi mo na ba siya mahal?" 

Umiling ako at malalim na bumuntong-hininga. "Hindi na."

"Kailan pa?"

Hindi ako nakaimik sa tanong nito dahil ako mismo hindi ko alam kung
kailan nag-umpisa ang pagkawala ko ng pagmamahal kay Charlotte.

"I don't know."

"You don't know o ayaw mo lang alamin dahil natatakot ka na aminin sa


sarili mo na masyado kang naging tanga sa loob ng mahabang panahon." 

Kumunot ang noo ko at pinagmasdan si Louie. "What do you mean?"

"Eight years ago, when you told me na naguguluhan ka between Sky and
Charlotte. Alam mo kasi Cloud, that time kung mahal mo pa talaga si
Charlotte, iiwanan mo na kaagad si Sky especially sa kalagayan noon ni
Charlotte. Hindi ka maguguluhan para sa wala."

Hindi ako nakasagot sa sinabi nito dahil alam ko tama ang lahat ng sinabi
niya.
May punto si Louie,kung talagang mahal ko pa nga noon si Charlotte hindi
ako magdadalawang-isip na iwanan si Sky...but then I chose to stay with
Sky and more than that umasa pa ako na magkakaanak kami...For what
reason?

"Nang mga panahon na iyon Cloud, kung sana hindi ka lang naging bulag at
pilit pinaniwala ang sarili mo na si Charlotte pa din ang mahal mo eh di
sana hindi nawala sa'yo ang tunay mong mahal, and it's your wife. Mahal
mo si Sky na hindi mo agad nalaman dahil sa nasanay ka na si Charlotte
ang mahal mo dahil siya ang kasa-kasama mo sa matagal na panahon. Tama ba
ako?" 

Mahabang katahimikan ang naganap sa amin. Hindi ako nakapagsalita at


nalunod sa mga alaala ng nakaraan.

~*~

"Tell me Cloud, mahal mo pa ba ako?" Nabitawan ko naman ang kutsara na


ginagamit ko sa pagpapakain kay Charlotte.

Everytime she asks me that question, alam ko na kaagad ang sagot dahil
hindi ko na kailangan pang pag-isipan dahil puso ko na rin mismo ang
nagsasabing siya, siya ang mahal ko.

"Hey bakit ka hindi nakakibo, hindi mo na ba ako mahal?" Napatitig naman


ako dito at nakita ang unti-unting pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi.
Bumaling naman ang paningin ko sa palapulsuhan nitong may benda.

"Mahal kita Cloud so I'm sorry, sorry for what I've done. Please, forgive
me." Niyakap ko naman siya at sinabi ang mga katagang hindi ko alam kung
'yun ba talaga ang sinisigaw ng puso ko.

"I-I love you so don't cry." As I said those words, a glimpse of Sky's
face entered my mind. I wonder why...

~*~

"Anong resulta?" puno ng pangamba kong tanong sa kanya.Nagmamadali ko


namang kinuha ang hawak niya at nanlumo sa resulta.
Negative.

Bakit disappointed ako sa resulta? Less complication 'to hindi ba? Dahil
mas madali para sa akin ang hiwalayan si Sky dahil sa kailangan ako ni
Charlotte.

"G-gusto mo bang ipaghanda kita ng pagkain?" May sinabi si Sky pero hindi
ito naging malinaw sa akin dahil patuloy kong inaalam kung bakit hindi ko
nagustuhan na hindi siya buntis. Gusto ko na ba talaga maging ama? Ang
magkaanak?

"Bakit hanggang ngayon siya pa din?" Napatigil naman ako paghakbang ng


marinig ang sinabi ni Sky.

'Anong ibig niyang sabihin?'

"Bakit hindi mo ko magawang mahalin? Sinubukan mo ba talaga o pinaasa mo


lang ako?"

'Sinubukan ko Sky, believe me but the question is hindi nga ba ako


nagtagumpay?'

"I treated you as my priority but I am always an option to you. Why can't
you choose me, Cloud?! Hanggang kailan ba ako magiging reserba sa buhay
mo?!" Nagulat ako  at nakokonsensya ko sa mga salitang lumalabas sa bibig
ni Sky. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod at nag-
umpisang kumabog ng malakas ang tibok ng puso ko.

'Sky is right, pinupuntahan ko lang siya sa oras na kailangan ko siya.'

'Ang gago mo Cloud, ang gago-gago mo!"


"It's always been her. Ako ang nasa tabi mo pero siya ang laging laman ng
bibig mo. Ako ang asawa mo pero siya pa din ang nagmamay-ari ng puso mo.
Hanggang kailan pa ba ako mag-aantay na mapansin mo. Hanggang kailan ba
darating na ako naman--- Ako naman ang mahal mo... Hindi isang gulong na
reserba sa tuwing sinasaktan ka niya... Sabihin mo sa akin Cloud kasi
onting-onti na lang bibitiw na ako kung 'yun ang makakapagpasaya sa'yo.
D-dahil pakiramdam ko gaano man kita mahalin hindi ko siya mapapalitan sa
puso mo."  

Umiiyak na naman siya, sinasaktan ko na naman siya. Kaya hindi ko na rin


mapigilang umiyak.

'Sorry Sky, sorry'

"I-I'm setting you free even though hindi ka kailanman naging akin.
Maaaring pag-aari kita sa batas at sa mata ng iba. Pero ang puso mo
mananatiling nakatali sa kanya. Be happy Cloud. Don't worry about me,
I'll be fine. Kung iniisip mo na may responsiblidad ka sa akin dahil sa
nangyari sa atin, wag kang mag-aalala h-hindi naman nagbunga eh...
Patuloy lang akong masasaktan maging ikaw kung ipagpapatuloy natin
ito..."  

Mabuti pa nga siguro ang desisyon ni Sky, nasasaktan ko lang siya sa


ginagawa ko. Pinahihirapan ko lang siya sa panloloko ko. Pero bakit ng
bumitaw siya sa akin may nag-uudyok sa utak ko na hilahin siya at
yakapin. Ang hilingin na wag---wag ka munang bumitaw hangga't hindi pa
ako sigurado sa nararamdaman ko.

Pero ayokong maging makasarili. Paano kung mas masaktan siya kung
mapagtanto ko na hindi siya ang mahal ko? Paano?!

"Skyleigh..." napahinto ito sa paglakad at gusto kong ako naman ang


yumakap sa kanya dahil sa itsura nitong bakas ang labis na sakit na
idinulot ko. Pero...

"I'm sorry sa lahat ng sakit na naiparanas ko sa'yo."


'Kung sana may magagawa ang paghingi ko ng sorry sa lahat ng binigay kong
sakit sa'yo, Kahit siguro mapaos ako paulit-ulit akong magso'sorry sa'yo'

"Sa pagbanggit ko sa pangalan niya tuwing kasama kita. I'm sorry dahil
siya pa rin hanggang ngayon ang nasa puso ko. I'm sorry pero maniwala ka
I tried. Sinubukan ko ang mahalin ka, and thank you for setting me free,
kahit na alam ko na mahirap para sa'yo. Thank you for the memories Sky.
In time you'll find someone who will love you and I'm sorry that it won't
be me because I am foolishly in love with her. I need to go but I'll be
back, let's talk again later."  "

Hindi ko na inantay pa ang sasabihin niya at iniwan siyang lumuluha.


Bawat hakbang ko parang pinipiga ang puso ko, nasa loob na ko ng sasakyan
ng lingunin ko ang bahay namin at naisubsob ko ang mukha kong puno na ng
luha sa manibela ng parang sa isang palabas ay nakita ko ang alaala ng
asawa ko. Ang ngiti ni Sky tuwing darating ako. Ang saya sa mga mukha
niya kapag nilalambing ko siya, ang halakhak sa tuwing binibiro ko siya.
At ang halik na pinagsasaluhan namin na tila hindi ko magawang pagsawaan.

Bababa na sana ako sa kotse at babalikan siya ng tumunog ang cellphone ko


at rumehistro ang pangalan ni Charlotte.

'She needs me so I'm sorry Sky, I'm really sorry,"

~*~

As I remembered those memories, pinagsisihan ko ang lahat ng mga maling


desisyon ko noon.

"Yeah your fucking right. P*tang*na ang tanga ko, ang gago ko." hindi ko
napigilan at parang batang napaiyak ako.

Bakit nga ba naging bulag ako?.Bakit hindi ko pinakinggan ang puso ko


noon?

Eh di sana masaya na kami ngayon ni Sky kasama ang kambal...


"Hey, stop crying like a kid, ang dapat mong gawin, isipin ang paraan
kung paano mo makakasama ang totoong mahal mo lalo pa ngayon na may mga
anak na kayo. Ipakita mo kay Sky na mahal mo siya, don't waste any time,
It's your last chance Cloud." 

Tumigil ako sa pag-iyak. Tumayo ako at niyakap ang pinsan ko. "Hey, sabi
ko na kay Sky mo ipakita, ba't nababakla ka na naman diyan." binatukan ko
ito sa kalokohan nito.

"Thank you Louie."

"No problem, been there done that. Wag mo nga lang akong gayahin na
huling-huli na ang lahat bago ko pa naitama ang lahat." ngumiti ito sa
akin pero alam ko sa likod ng ngiti na iyon nakakubli ang totoong
nararamdaman niya.

"Louie, it's not your fault-" tinapik naman ako nito sa balikat at
tinalikuran ako.

"Mauna na ako, wag ka ng sumabay sa akin sinasapawan mo pa kagwapuhan ko.


Hahanap muna ako ng chicks, para matuloy ang sexy time ko." napabuntong-
hininga na lang ako sa sinabi nito.

♣♣♣♣♣

"Good evening Babe I'm on my way na. Asaan ka na?"

"Papunta na din."

"Great, can't wait to see you..."

"Okay, bye."
"Wait Babe,"

"What?"

"May nakalimutan ka atang sabihin?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Ano naman 'yon?"

"I love you."

"Charlotte..."

"What?! I'm waiting,"

"I need to go. Talk to you later." hindi ko na inantay na magprotesta ito
at agad ko na itong binabaan. I can't say it, not anymore.

Dahil isang tao lang ang gusto kong pag-alayan ng mga salitang iyon...

TBC

=================

AWS CHAPTER 33

HIS SIDE PART 2/2

CHAPTER 33

CLOUD POV
"Babe, what took you so long?" 

Tinignan ko ang babaeng nasa harap ko na kahit na sino ay nanaisin siyang


makuha. Sabi nga ng iba every Man's Dream. A perfect woman as what they
say- beauty and brain. She is known as Charlotte-the goddess actress. But
then, hindi din naman dahil sa pisikal na aspeto kaya ko siya nagustuhan.
It's because of her personality, her dreams, her habits. In short, lahat
ng tungkol sa kanya nagustuhan ko. Noon,simpleng pagngiti niya pa lang sa
akin bumibilis na ang tibok ng puso ko. Whenever she's beside me, I felt
this warm feeling inside my heart. But seeing her right now, I can say
it's all gone.

"Hindi mo na dapat ako inantay dito sa labas, malamig pa naman." ani ko


at para itong batang naglambitin sa leeg ko. Everytime na ginagawa niya
ito, she made feel that I am the luckiest man alive but right now what I
felt is something far from it. Pakiramdam ko sa ginagawa niya,
nagtataksil ako sa pamilya ko. Sa kambal at kay Sky. Pamilyar ang
pakiramdam na ito, it's what I've felt eight years ago but I chose to
ignore it then.

"It's okay pag naman dumating ka...maiinitan din naman ako eh." hinalikan
nito ang leeg ko kaya naman parang napapasong naitulak ko ito. Sa sobrang
lakas muntik na itong mabuwal kung hindi lang ito nakakapit sa braso ko.
Bakas ang pagkagulat at pagkalito sa mukha nito dahil sa ginawa ko.Tila
takang-taka sa iniasal ko.

"What's wrong with you Cloud?" bumitaw ito sa akin at nagdadabog na


pumasok sa loob ng bahay.

Napabuntong-hininga naman ako at sinundan ito papasok. It's her private


resort, ang sabi niya pa haven daw namin ang lugar na ito. Nakita kong
dumiretso ito sa maliit na bar sa loob ng bahay at agad kumuha ng alak.
Hindi lang naman ako ang nagbago maging si Charlotte. Pakiramdam ko
napakalayo niya na sa nakilala kong babae ten years ago.

"Stop it Charlotte, hindi makakabuti sa'yo kung lagi kang iinom ng alak.
At isa pa may pag-uusapan pa tayo."
Hindi ito umimik at ipinagpatuloy ang paglagok sa alak na nasa baso nito.
Mariin akong napapikit at inagaw sa kanya ang baso, hindi naman ito
nagprotesta pa at nanahimik na lang.

"For the past eight years, you always called me Charlotte, Cloud."  

"Charlotte..."

"Call me babe hmmm just like before?" 

Parang bata na humarap ito sa akin at tila nanghihingi ng isang candy.

"Why did you push me earlier? May problema ba? Ayaw mo ba ng pabango ko?
Si Manager kasi eh ipinagamit sa akin yung ine-endorse ko, do you want me
to change it? Matapang ba ang amoy?"

"Charlotte---"

"I said call me babe. Remember, it's our endearment sabi mo pa nga noon
cliché man sa iba pagdating sa atin unique yun kasi---"

Tila walang balak itong makinig at nais lang magkwento kaya naman
nagsalita na ako.

"I'm sorry Charlotte." 

Tumayo ito. "Why are you saying sorry Cloud?" sasagot na sana ako ng muli
itong magsalita.

"Ah...because you can't call me babe na? Why corny na ba?Eh di palitan
natin, nowadays ang daming nauusong endearment--" tumalikod ito sa akin
at agad ko itong hinawakan sa kamay at hinila paharap sa akin.
"It's not about that. Listen to me Charlotte---"

"Why so serious Cloud? C'mon ang tagal nating di nagkita why don't we do
something hot. Something sexy hmmm." binuksan nito ang unang butones ng
polo ko ngunit bago niya pa buksan ang isa pinigilan ko na ang kamay
niya. If you are curious kung sa loob ba ng eight years may nangyari sa
amin ni Charlotte, then it's a no. We never did 'it', hindi dahil sa ayaw
niya kung hindi dahil sa ayaw ko. Sinubukan ko but then hindi ko kaya,
everytime I kissed her and close my eyes. It's not her face that I
imagined, it's Sky. So mahirap mang paniwalaan, I've been celibate for
the past eight years.

"O-okay, mukhang wala ka na naman sa mood. I understand, I'll just take a


shower. Mamaya na tayo mag-usap."Tinalikuran ako nito at nagsimulang
maglakad pero pinigilan ko siyang muli. Napahinto naman ito pero
nanatiling nakatalikod ito at tila ayaw tumingin sa akin.

"Humarap ka sa akin Charlotte."

"A-ayoko, m-maliligo muna ako." 

Ayaw nitong humarap sa akin kahit na hinihila ko siya kaya naman ako ang
naglakad papunta sa unahan nito. And there, I saw her tears streaming
down her face. Inangat ko ang kamay ko para sana punasan ang luha nito ng
umiwas ito.

"Don't."

"You know that I hate seeing you cry,"

Actually ayoko talaga nakakakita ng babaeng umiiyak, maraming lalaki na


ganoon at isa na ako 'don. And it's ironic, dahil sa ilang bilyon na
kababaihan, dalawa doon ang palagi kong napapaiyak. 
Charlotte and Sky.

"Hindi lang naman ako hindi ba? Kung may magtatanong sa akin kung ano ang
isa sa mga ayaw ng isang Cloud Monteciara, sasabihin ko na ayaw niya ng
babaeng umiiyak."

"I'm sorry."

"Ganyan na lang ba ang lagi mong sasabihin Cloud? Sorry? Sorry for
what?...Dahil ba sa paulit-ulit na rejection na natatanggap ko sa'yo
ganun ba 'yun? But what to do, kahit magsorry ka ng ilang beses hindi pa
rin mawala yung sakit. But it's okay kasalanan ko naman eh..."parang
walang nangyari na pinunasan nito ang luha at ngumiti sa akin.

"Let's stop being dramatic Cloud, nakakasawa na, drama na nga yung palagi
kong inaarte hanggang sa atin ba naman."

"Charlotte, may sasabihin ako sa'yo."

"Okay, mauuna muna ako. May nag-offer sa akin ng isang international


movie, pwedeng ito ang maging simula ng hollywood career ko pero mawawala
ako ng tatlong taon."

Tumango naman ako sa sinabi nito at tila nagtaka ito sa reaksyon ko.

"Congrats, isa ito sa mga pangarap mo hindi ba? So pwede ko na bang


ituloy ang sasabihin ko?"

"'Yan lang ba ang sasabihin mo? Congrats?" napakunot naman ang noo ko sa
tinanong nito.

Ano ba ang inaasahan niyang sasabihin ko?..


"Wala namang mali sa sinabi ko Charlotte-"

"I declined it. You wanna know why? It's because of you, I expected you
to at least be sad dahil aalis ang girlfriend mo--"

"Accept it. Para rin sa iyo yun and what I want to say is... let's stop
this relationship." Napatigil ito sa pagsasalita at bumuka ang mga bibig
nito na tila may nais sabihin ngunit hindi malaman kung paano bibigkasin.
Lumipas ang isang minuto na nakatitig lang ito sa akin at tila inaanalisa
kung tama ba ang dinig niya sa sinabi ko.

"Anong sinabi mo?"  dahan-dahan nitong saad.

"Let's break up." walang kakurap-kurap kong saad. Inaasahan ko na


sasampalin ako nito pero nagulat ako ng tumawa ito.

"Hahahahaha a-ano naman tong joke mo ang corny mo talaga --- maliligo na
ako mag-isip ka ng bagong jokes 'yung makakapagpatawa talaga sa akin."
tinapik nito ang pisngi ko at maglalakad na sana ng hawakan ko ang
balikat nito.

"Stop it Charlotte, kilala mo ako hindi ako mahilig magbiro ng ganitong


bagay.I'm serious." iniwas nito ang tingin sa akin.

"W-why? Hindi mo na ba ako mahal?"

"I'm sorry."

"No, hindi to totoo gumaganti ka 'no? Gumaganti ka sa ginawa ko sa'yo


eight years ago right? Tama ako 'di ba?" sigaw nito.

Umiling ako. "Hindi dahil doon Charlotte wala sa isip ko na gumanti


sa'yo."
"Hindi ako naniniwala, ginagawa mo ito dahil hanggang ngayon hindi mo pa
rin ako mapatawad sa ginawa ko sa'yo, na nagawa kong ibigay ang sarili ko
sa ex ko at nasaktan kita kaya ka ganito. Pero di ba nagexplain na nga
ako hindi ba?! Na kaya ko lang ginawa yun dahil sa kinailangan ko ang
tulong niya!" 

Eight years ago, niloko niya ako - nagawa niyang makipagtalik sa mortal
kong kaaway, Lance-her ex. The reason is, she needs him to destroy
someone. Sinaktan niya ako, but then I chose to forgive her dahil sa
nalaman ko kung anong rason at dahil na din that time, she was so
vulnerable. To the point na nagawa niyang pagtangkaan magpakamatay.

And that's my mistake, dahil hindi ko agad nalaman ang pagkakaiba ng


pagmamahal sa awa.

"Charlotte matagal na iyon at pinatawad na kita dahil sa alam kong


nilamon ka lang ng galit at sakit. Kaya hindi 'yun ang dahilan para
hiwalayan kita."

"A-alam mo na ikaw lang ang meron ako, kaya kahit alam ko na wala na ang
dating Cloud. Wala na ang Cloud na nagmahal sa akin nanatili pa rin ako
sa'yo. Pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa'yo kahit na nagbago ka na.
Kahit ang lamig-lamig mo na sa akin, kahit minsan pakiramdam ko iniiwasan
mo ako. So I am begging you Cloud, don't do this to me. Hindi ko kaya, I
am willing na mawala ang lahat sa akin wag lang i-ikaw."lumuluhang saad
nito. Yumuko ito at niyakap ako.

Masyado ng mahirap ang pinagdaanan ni Charlotte kaya nga kahit alam ko sa


sarili ko na wala na ang pagmamahal ko sa kanya. Nanatili pa din ako sa
tabi niya, dahil ang love hindi naman talaga nawawala 'yan, nagbabago
lang ang form at intensity nito. Sa kaso ko,ibang pagmamahal na ang kaya
kong ibigay kay Charlotte.

Dahil ang pagmamahal na hinahangad niya ay nasa iba na..Nakuha na ito ng


iba-mali, Ibinigay ko na ito sa iba.

"I found her." napatingala naman ito sa sinabi ko at napabitaw sa


pagkakayakap sa akin.
"Her? Meaning- Sky...your wife. Siya ba ang dahilan huh?...Inutusan ka ba
niya na gawin ito, ang hiwalayan ako? Bakit nakiusap ba siya na balikan
mo siya? Iniyakan ka ba niya? I knew it, babalik talaga ang babae na 'yun
at sisirain na naman tayo."

Kumunot ang noo ko sa mga sinabi nito. It's like I'm seeing Charlotte in
her different side.

"Stop it, walang kasalanan si Sky, Charlotte! Ako ang may gustong
hiwalayan ka dahil sa--"

"Dahil sa ano- Siya na ang mahal mo ganun ba? Hindi mo na kailangan


sabihin sa akin yan dahil alam ko na. Nakakatawa ka Cloud, parang noon
lang pinagmukha mong tanga 'yung tao at niloko tapos ngayon hihiwalayan
mo ako, dahil sa mahal mo siya?! Ang tanong, mahal ka pa ba niya? I doubt
about it, paano niya pang mamahalin ang lalaking muntik ng sumira sa
pagkatao niya." Hinablot ko ito at halos bumaon ang kamay ko sa mga braso
nito sa galit sa sinabi nito.

Anong ibig sabihin nito?!

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sky suffered from a depression and you wanna know the reason behind it?
It's you, Cloud. Dahil sa iniwan mo siya, dahil sa binalikan mo ako--
dahil sa mahal na mahal ka niya. Now tell me Cloud, magagawa mo bang
humingi pa ng isang tyansa sa babaeng hindi ka naman deserve, dahil wala
kang ginawa kung hindi ang saktan siya ng paulit-ulit." nabitawan ko ang
braso nito dahil sa sinabi nito.

Sky suffered from a depression?!

 "Nagulat ka ba? Well, inexpect ko na rin 'yang reaksyon mo."


"Kailan mo pa nalaman?!"

"Noong nakaconfine siya, I saw Thunder kaya sinundan ko siya. And I found
out everything."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?!" 

Umiwas ito ng tingin sa akin. "N-nasa ibang bansa ka 'nun right?"

"Tinawagan mo sana ako! Pero---hindi kung matagal ng nangyari 'yun bakit


ngayon mo lang sinasabi sa akin ito? Bakit ngayon lang?!" inalog-alog ko
ito sa balikat at nakita ko naman ang muling pagpatak ng luha nito.

"D-DAHIL SA NATAKOT AKO, DAHIL PAKIRAMDAM KO KUNG MALALAMAN MO 'YUN


NOON,IIWANAN MO AKO PARA SA KANYA. Hindi ako tanga Cloud, nakita ko kung
gaano mo pahalagahan si Sky noon. Noong magkabalikan tayo, palagi mong
ikinukwento sa akin si Sky na hindi ko maiwasan na tanungin sa sarili ko
kung ako pa ba ang nagmamay-ari ng puso mo dahil kasama mo man ako siya
ang bukambibig mo." 

Masama naman ang tingin kong iginawad sa kanya.

How can Charlotte be like this?...

Hindi ito ang babaeng minahal at nakilala ko noon.

"Hindi na mahalaga ang mga nangyari noon pero salamat sa sinabi mo dahil
mas lalo ko lang ginusto na makabawi kay Sky sa lahat ng ginawa ko sa
kanya. Goodbye Charlotte." Tumalikod na ako ng maramdaman kong niyakap
ako nito sa likuran. Ganitong-ganito kami noon ni Sky noong araw na
palayain niya ako. Pero ibang-iba ang pakiramdam ko ngayon.
"No, wag mo siyang puntahan. Kaya kong gawin ang lahat Cloud, wag mo lang
siya balikan. At isa pa hindi ka na naman niya tatanggapin pa, hindi ba
nga kaya ka niya iniwan noon dahil sa napagod na siya sa'yo?" 

Inalis ko ang mga braso nito mula sa pagkakayakap sa akin at hinarap


siya.

"Mali ka Charlotte, para sa akin hindi napapagod ang puso ng isang tao na
magmahal bumibitaw lang sila kapag alam nila na mas magiging masaya ang
mahal nila kung palalayain niya ito."

Tumingin ito sa akin na tila hindi makapaniwala. "Sinasabi mo ba na mahal


ka pa rin ni Sky? Wag kang tanga Cloud, imposible ang sinasabi mo."

"Hindi ko sinasabi na mahal pa ako ni Sky dahil ako mismo, alam ko na


malabo na iyon but then kung noon, siya ang lumaban para sa akin kahit na
masaktan pa siya. Ngayon handa na ako--- na ako naman ang lumaban at
masaktan para sa kanya, para sa mga anak namin."

Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko. "A-anong ibig mong sabihin? A-anak,
may anak na kayo? P-paanong nangyari 'yun?"

"Itinago sila sa akin ni Sky, eight years ago when she left." natahimik
ito sa sinaad ko at tila nag-isip.

"Then, dapat magalit ka sa kanya,"

"What?" naguguluhang tanong ko dito.

What the hell is she saying?

"Tinago niya sa'yo ang mga anak mo Cloud, ipinagkait ang karapatan mo
bilang ama, then dapat magalit ka sa kanya. Kunin mo ang mga bata,
aalagaan ko sila-" hinawakan ko ito sa balikat at muli ay inalog ko.
Umaasang mahimasmasan ito sa sinasabi niya.

"I didn't know na kaya mong bumaba sa ganitong lebel Charlotte. But I'm
sorry hindi ako galit sa kanya, siguro 'nung una but now, walang ibang
tumatakbo sa isip ko kung hindi ang makasama siya kasama ng kambal na
anak namin." Tinalikuran ko na ito bago ko pa hindi mapigilan ang sarili
ko at masaktan ito dahil sa mga hindi kapani-paniwalang sinasabi nito.

"Then, kakausapin ko si Drake, sasabihin ko sa kanya na may relasyon tayo


and you know him. Tuso siya kaya niyang tapakan ang kahit sino umangat
lang ang EEN." Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinaad nito. EEN is
my rival network, ang CEO nito ay walang iba kung hindi si Drake Eruja at
gaya nga ng sinabi ni Charlotte tuso si Eruja, gagawin ang lahat maiangat
lang ang negosyo niya.

Seven years ago, ng bumalik si Charlotte sa pag-aartista, si Drake ang


siyang nagmanage dito. Kung nagtataka kayo bakit hindi sa MEC, well hindi
dahil sa ayaw ni Charlotte kung hindi dahil sa ako ang may ayaw.

At kapag nalaman ng media ang tungkol sa relasyon namin ni Charlotte,


malalagay sa alanganin ang posisyon ko sa kompanya at magugulo ang buhay
nila Sky at ng kambal.

"Kaya mo ba?"

"B-bakit hindi? Wala na akong pakialam sa career ko masira man ito. Eh


ikaw alam mo naman siguro na maaapektuhan ang mga anak mo sa gagawin ko.
Kukutyain sila ng ibang tao dahil sa paningin ng iba, kasal ka sa ina
nila pero nagawa mong makipagrelasyon sa akin. So kung ayaw mong mangyari
'yun babalik ka sa akin at hindi mo ako iiwan."

Umiling-iling ako at dahan-dahang umatras palayo sa kanya. "Hindi ikaw


ito Charlotte, nagbago ka na. Then tell me makakaya mo bang iparanas sa
mga anak ko ang naranasan mo? Hindi ba kaya ka naging artista dahil sa
gusto mong sirain ang buhay ng anak ng babaeng sumira sa pamilya mo? Ang
dahilan kung bakit nagpakamatay ang Mama mo at naaksidente ang Papa
mo---" Hindi ko na sana nais pang ungkatin ang nakaraan ni Charlotte pero
umaasa ako na sa sinabi ko magising ito at hayaan na akong maging
maligaya sa piling ng mahal ko.
"Tumahimik ka!" sigaw nito kasabay ng pagkabasag ng baso na ibinato nito
sa pader.

"Why? Ayaw mong marinig na sa gagawin mo, para ka na ding naging katulad
ng kabit ng Papa mo, na gagawin ang lahat ultimo makasakit ng iba
manatili lang sa tabi ng mahal niya. Stop it, Charlotte. Wag kang bumaba
sa lebel ng babaeng sumira sa pamilya mo." 

Tumalikod ako at iniwan na ito. Narinig ko pa ang pagtangis nito pero


hindi na ako bumalik pa. Dahil simula ngayon, wala na ako sa tabi nito
para patahanin siya sa tuwing umiiyak siya. I just hope na sana bumalik
ang dating si Charlotte. Ang babaeng minahal ko na hindi nababalot ng
galit at sama ng loob. Siguro kung mangyayari iyon, magiging magkaibigan
kami. Dahil naghiwalay man kami, mananatili pa ding mahalaga sa akin si
Charlotte.

Charlotte is seven years old when her parents got separated dahil sa
naging kabit ng daddy niya. Artista ang babaeng iyon, ng hiwalayan siya
ng ama ni Charlotte. Ipinagkalat ng babae ang naging relasyon niya sa
Papa ni Charlotte. Nagpakamatay ang Mama ni Charlotte sa kahihiyan at ang
Papa niya naman ay naaksidente dahil sa kalasingan. Lumaki si Charlotte
sa piling ng tiyahin niya, one year pa lang kami ng mamatay ang Tita niya
at 'dun nalaman ni Charlotte ang tungkol sa magulang niya na inilihim
pala sa kanya. Since then, unti-unti nagbago si Charlotte... Nilamon siya
ng galit na nagawa niyang ibigay ang sarili niya sa ex nito masira lamang
ang buhay ng anak ng babaeng sumira sa pamilya niya...

I just hope makita mo ang sarili mo na magpatawad Charlotte...Goodbye and


thanks for the beautiful memories...

Napabuntong-hininga ako pagkalabas ko ng bahay at tumingala upang


pagmasdan ang langit.

Sky, tinapos ko na ang lahat ng sa amin ni Charlotte at dahil wala na ang


sa amin...unti-unti bubuuin ko ang pamilya natin...Sana mabigyan pa ako
ng huling tyansa...
TBC

=================

AWS CHAPTER 34

A/N: Wag kayong maguluhan sa phasing ng story .. Eto ang nangyari after
mahimatay ni Sky sa chapter 31 and after malaman ng kambal na Daddy nila
si Cloud :)

Chapter 34

"D-daddy, Klode is really bad talaga. Pinaiyak niya t-tayo!" mas lalo ko
naman niyakap ng mahigpit si Claudi na patuloy pa ding umiiyak. Kanina ng
sinabi ni Sky ang tungkol sa akin sa mga bata kinabahan ako sa magiging
reaksyon nila.

Pero parang may humaplos sa puso ko ng marinig ko ang nagagalak na boses


ng anak kong babae na tila tuwang-tuwa na makilala ako. Mas lalo na ng
yakapin ako nito ng mahigpit at kausapin na parang matagal na kaming
magkakilala. Hindi ko tuloy mapigilan ang maluha sa sobrang saya na
naramdaman ko. Pero ng akala ko magiging maayos na ang lahat, parang may
tumusok sa puso ko ng maaalala ang sinabi ng anak kong lalake.

"You are not my father, sabi ng teacher ko walang daddy na iniiwan ang
baby nila. And you left us, inwan mo kami ni Claudi at Mommy. You
abandoned us!"

Napapikit ako ng mariin ng parang sirang plaka na umuukilkil ito sa akin.


My son hates me, that's for sure. He doesn't want me to be in their life,
and it hurts me so much. Napatingin ako sa pinto kung saan nandoon ang
mag-ina ko. I hope na okay lang sila lalo pa at mukhang sumama ang loob
ni Klode kay Sky.

"Baby, your brother is not bad nagulat lang siya kay daddy. So stop
crying,everything will be fine..."
Si Claudi ba ang kinukumbinsi mo o ang sarili mo Cloud?

Napabuntong-hininga naman ako sa naisip ko, hinarap ko na lang sa akin


ang anak ko at pinunasan ang luha nito sa maganda nitong mukha.

Tumigil ito sa pag-iyak. "Daddy, can I ask you a question?" nakanguso na


sabi nito kaya naman pinisil ko ang tungki ng ilong nito.

"Sure baby, anything for you."

Ang sarap talaga sa pakiramdam na marinig dito ang pagtawag sa akin ng


'Daddy'.

"But before I ask you a question, stop calling me baby. Hmp si Papa,
young lady ang tawag sa akin, you should also call me that Daddy."
Napakunot-noo ko sa sinabi nito. 

Sino ba ang Papa na tinutukoy nito? Ayon naman sa report na ibinigay sa


akin ng inutusan ko, walang karelasyon si Sky. Tatanungin ko na sana ito
ng may kumatok sa pintuan, mukhang dumating na ang kasambahay nila Sky na
inutusan nito na kumain muna sa baba upang masolo namin ang mga bata.
Binuhat ko si Claudi at nagtungo sa pinto at binuksan ito. Napatda ako sa
taong bumungad sa akin.

"Papa!" agad bumitaw sa akin ang anak ko at nagpakarga sa lalaking


tinatawag niyang Papa.

It's Thunder, my brother.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"What are you doing here?"


Nagpalipat-lipat naman ang tingin sa amin ng anak kong si Claudi na
nakangiti.

"Ay ang galing hihihi sabay kayong magasalita...Galing!" pumapalakpak pa


ang anak ko na walang kaalam-alam sa namumuong tensyon sa pagitan naming
dalawa ng kapatid kong ilang taon kong hindi nakausap.

"Come to Daddy Claudi." 

Bumitaw ang anak ko sa magaling kong kapatid ngunit bago 'yun hinalikan
pa nito ng matunog sa pisngi ang huli. Bago pa tuluyang makalapit sa akin
si Claudi nakarinig kami ng sigaw mula sa loob ng kwarto.

"Mommmmmmmyy!" agad akong napatakbo sa narinig ko. Binuksan ko ang pinto


at bumungad sa akin ang walang malay na si Sky, katabi ng anak ko na
inaalog ito at ginigising. Agad-agad akong lumapit sa dalawa, nagulat ako
ng yumakap sa akin ang anak ko.

"H-help Mommy, Daddy." napatulala ako sa sinabi nito.Tinawag na akong


daddy ni Klode, ang ibig bang sabihin nito tanggap niya na ako?

"Mommmmmyy ko waaaaaaaahhh..." natauhan ako ng marinig ang palahaw ni


Claudi kaya agad kong tinignan si Sky, maputla ito at tila
pinagpapawisan. Humiwalay na sa akin si Klode at agad kong hinipo ang
mukha ni Sky.Tama ang hinala ko, may lagnat nga ang huli. Binuhat ko si
Sky at hiniga sa kama, pumunta  ako sa aircon at pinatay ito.

Naririnig ko pa rin ang pagtangis ng mga anak ko na inaalo ng kapatid ko.

"What's the matter Cloud?" Binalingan ko ang kapatid ko na kapit sa


kaliwang kamay si Klode at karga si Claudi. Nakaramdam ako ng selos ng
makitang komportable ang mga bata dito.

Hindi ito ang oras para sa pagseselos mo Cloud,


"Nilalagnat siya. I'll call a doctor para matignan siya." saad ko na
tinanguan lang nito at hinarap ang mga anak ko, pinapaliwanag ang
kondisyon ni Sky. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinawagan ang
kakilala kong doktor.

"Hello Dr.Reyes-Yes,okay I'll wait for you here. I'm at Zion


Hotel.Thanks."

♣♣♣♣♣

"WALA kayong dapat ipag-alala, okay lang naman siya. Mukhang pagod at
puyat lang siya kaya siya nahimatay idagdag pa ang lagnat. Hayaan niyo
lang siya magpahinga, eepekto na sa kanya ang gamot na ipinainom ko kaya
wala na kayong dapat pang alalahanin." ani ng Doktor at nagpaalam na rin
ito.

Hinarap ko naman ang mga anak ko na titig na titig sa Mommy nila, tumigil
na ang mga ito sa pag-iyak pero halata pa rin na nag-aalala sila.

"Narinig niyo ang sinabi ni Dok right kids? Magiging okay na ang Mommy
niyo kaya don't worry, gusto niyo bang kumain ng ice cream?" 

Parang nagsabi  ako ng magic word dahil agad na nagningning ang mata ng
dalawa. Inabutan ko naman ng pera si Kleng na nakabalik na kanina-nina
lang para pakainin ng ice cream ang dalawa sa baba.

"Wait, may nakalimutan tayo Klode." napatingin ako kay Claudi sa sinabi
nito. Naglakad ito pabalik sa akin, at napangiti ako ng halikan ako nito
sa pisngi. Akala ko aalis na ito pero pinuntahan pa nito ang kapatid ko
at hinalikan din.

"What are you waiting Klode? Di ka ba magpapaalam kay Daddy at Papa? Dali
kiss mo na sila..." pag-uudyok nito sa kapatid na nasa pinto pa din.
Lumapit ito, kinakabahan pa ako sa gagawin nito dahil hindi pa din ako
sigurado kung tanggap na ako nito.
"I am not gay to kiss them, tsk."saad nito sabay yakap sa akin.
Pinantayan ko naman ito at niyakap pabalik.

"Sorry for being rude earlier D-daddy."

"It's okay young man. Thank you for calling me Daddy." humiwalay ito sa
akin at niyakap saglit ang kapatid ko sabay hila sa kambal nito paalis.

♣♣♣♣♣

"KAILAN mo pa nalaman na nakabalik na si Sky?"/ "Kailan mo pa nalaman ang


tungkol sa mga bata?"

Nag-antayan kami kung sino ang unang sasagot kaya  tumikhim ako at
iminuwestrang mauna na siya. Nandito kami sa sala at magkaharap na
nakaupo, iniwan namin si Sky dahil baka magising siya sa ingay namin.

"A week ago." saad nito.

"And you didn't bother na ipaalam sa akin?"

"Bakit pa? Sino ka ba?" sarkastiko nitong saad.

"I'm her husband and the father of her children." nakatiim-bagang kong
sagot. Napakuyom ako ng kamao ng marinig ko ang nakakainsulto nitong
tawa.

"Asawa? Maaaring ama ng kambal pero asawa?! 'Wag mo kong gaguhin Cloud!"
"Don't use that tone on me Hendrex! Baka nakakalimutan mo na mas matanda
ako sa'yo!" pagpapaalala ko dito. Ngumisi ito na lalo kong ikinainis.

"So kuya baka nakakalimutan mo din na umalis si Sky ng dahil sa'yo?! Kaya
anong karapatan mo na umasta na parang isa kang ulirang asawa kay Sky,
you are nothing but a selfish bastard na sinaktan ang babaeng walang
ibang ginawa kung hindi ang mahalin ka!" tumayo ito at dinuro pa ako.

"Yeah, aaminin ko makasarili ako, gago ako, tanga at kung anu-ano pa pero
pinagsisihan ko na ang lahat ng 'yun Thunder!"

"Pinagsisisihan? Hindi ba masyado na yatang huli ang pagsisisi mo?! Eight


years ago when Sky left, anong ginawa mo?! Hindi ba at nakipagrelasyon ka
sa babae mo imbes na hanapin ang asawa mo!"

"Wag kang magsalita na parang alam mo na ang lahat Thunder!"pagak itong


natawa sa sinabi ko.

"At ano pa bang kailangan kong malaman huh Cloud? Eh malinaw na naman ang
lahat, na nagawa ni Sky na ibigay sa'yo ang sarili niya pero ikaw naman
'tong si gago, muling nagpakatanga sa babaeng paulit-ulit kang
sinasaktan!"

"Alam ko, hindi mo na kailangan pang paulit-ulitin kaya nga ngayon


gagawin ko ang lahat makabawi lang kay Sky at sa mga bata. At umaasa ako
na hindi ka magiging hadlang sa mga plano ko." mahinahon ko ng saad.

"Anong ibig mong sabihin na plano?" tinitigan ko ito sa mata at


deretsahang nagsalita.

"Bubuuin ko ang pamilya ko. Bibigyan ko ng kumpletong pamilya ang


kambal."

"That's impossible, Sky said na iniwan niya na ang annulment papers niyo
noong umalis siya."
"Ibig sabihin ba non hiwalay na kami? Well let me tell you this hindi ko
pinirmahan." tinawid nito ang distansya naming dalawa at walang babala na
kinuwelyuhan ako.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo."

"Hindi.ko.pinirmahan."dahan-dahan kong saad at nag-igting ang panga nito


at binitawan ako.

"Sa anong dahilan?"

"Dahil mahal ko si Sky."

"Mahal? Wala kang ibang mahal kung hindi si Charlotte nakalimutan mo na


ba 'yun Cloud?" nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito.

"Hindi mo hawak ang utak at puso ko para malaman 'yan Thunder."

"Siguro nga hindi ko alam ang tumatakbo sa puso at utak mo but then sa
mga nakita kong pananakit mo sa damdamin ni Sky, hindi ako tanga para
paniwalaan ang sinasabi mo."

"Wala akong pakialam sa pinaniniwalaan mo Thunder dahil hindi ko sa'yo


papatunayan ang sarili ko kung hindi sa babaeng mahal ko."Tumalikod ako
dahil nangangati na ang kamao ko na masapak ang maangas kong kapatid.

"Then may the best man win." madilim ang mukhang hinarap ko ito.

"What?! Hindi mo naman siguro iniisip na katulad ng dati hahayaan ko na


lang na mapunta sa'yo ng basta-basta si Sky. Wala akong pakialam kung
ikaw ang ama ng kambal o sa sasabihin ng ibang tao. This time, hindi na
ako matatakot na ipaglaban ang nararamdaman ko. D-Dahil hanggang ngayon
si Sky pa din ang mahal ko."
Ako lang ba o nautal ang kapatid ko ng sinabi niyang mahal niya si Sky?

"Hindi ko din hahayaan na mapunta sa'yo ang asawa ko tandaan mo yan


Thunder. Hindi ko alam kung mahal pa din ako ni Sky pero sakali mang
hindi, gagawin ko din ang lahat maibalik lang ang babaeng nagmahal sa
akin." ani ko at parang may kidlat na dumadaloy sa pagitan naming dalawa
sa sobrang sama ng titigan namin sa isa't-isa.

"Nag-aaway po ba kayo Daddy at Papa?"n akakunot ang noo na saad ni Claudi


na hindi namin namalayang nakarating na pala. Mukhang napabilis ang kain
ng kambal. Lumapit ako at parang walang nangyari na ngumiti dito at
kinarga pa ito.

"Bakit mo naman naisip 'yun young lady?" sabay halik sa tungki ng ilong
nito.

"Eh kasi ang sama ng tingin niyo po sa isa't-isa." nakapout na saad nito.

"Wala lang 'yun baby nagbibiruan lang kami."palusot ko pa, nagpababa


naman ito at lumapit sa kapatid ko. Hinarap ko naman si Klode na
seryosong nakatingin sa akin.

"You're a liar Dad. It's so obvious na nag-aaway kayo."napaubo ako sa


sinabi nito, sasagot pa sana ako ng umalis ito sa harap ko at tahimik na
umupo sa sofa. Parang binata na dumekwatro pa ito at nagbasa ng libro.

Damn, parang nananalamin ako nung bata pa ako...

"Papa, bakit parehas po kayo ng eyes ni Daddy?"napatingin naman ako kay


Claudi na kasalukuyang nilalamutak ang mukha ni Thunder.

"Were brothers Claudi." bumaba si Claudi sa pagkakakandong kay Thunder at


nagpakarga sa akin. Sa maikling oras na pagkakakilala ko sa kambal,
napansin ko ang pagkakaiba ng kambal. Malambing si Claudi at suplado
naman ang anak kong lalaki na mukhang sa akin nagmana.
"Really?"

Tumango ako. "Kaya Claudi stop calling him papa, you should call him
Tito." tumango-tango ito sa sinabi ko. Ngiting tagumpay ako dahil mukhang
susundin nito ang sinasabi ko.

"Ayoko po, gusto ko Papa pa din tawag ko sa kanya hihihi. Yehey may Papa
na ako, may Daddy pa ako." napabuntong-hininga ako sa sinabi nito. Kinuha
ko na lang ang mga binili ko para sa kambal na nakalimutan ko ng ibigay.

"Hey, kids may pasalubong pala si Daddy sa inyo.." iniangat ko naman ang
mga paper bag kong dala at inilabas ang mga binili ko para sa kanila.

"Wow ang gaganda hihihi. Thank you daddy,"tuwang-tuwa naman si Claudi sa


binili kong manika para sa kanya gayundin ang mga damit. Habang si Klode
naman ay kinuha lang ang laruan at damit ngunit ipinagpatuloy pa din ang
pagbabasa sa libro niya.

"Klode hindi mo ba nagustuhan ang mga binili ko?"

"Hindi mahilig sa laruan si Klode, he likes reading books." nakangising


saad sa akin ni Thunder tipong nang-iinis.

Hindi ko na lang pinansin si Thunder at tinanong si Klode."You want me to


buy you books?" 

"No need Dad, kabibili lang sa akin ni Tito Thunder nung nakaraan hindi
ko pa po tapos." narinig ko ang pagtikhim ng papansin kong kapatid na
kasalukuyang nakikipaglaro kay Claudi. Sinimangutan ko ito na agad din
naglaho ng magsalita si Klode.

"But anyway, thank you for buying me clothes and toys." nginitian ako
nito. Ito ang unang beses na nginitian ako ni Klode at ang sarap nito sa
pakiramdam... I feel so lucky to be their dad.
TBC

=================

AWS CHAPTER 35

Chapter 35

Napamulat ako ng mata ng makarinig ako ng mga ingay na pinangungunahan ng


anak kong si Claudi. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at gumuhit ang
ngiti sa mga labi ko ng makita si Klode na nasa paanan ng kama at
seryosong nagbabasa.

"Hey, young man." pagtawag ko ng pansin dito. Tutok na tutok ito sa


pagbabasa 'di alintana ang ingay na nanggagaling sa labas.

"Mom, finally you're awake. Okay ka na po ba?" lumapit ito sa akin at


hinipo ang noo ko. Pinisil ko  ang pisngi nito at tumango.

"Buti naman po, I am so worried when you passed out. I thought something
bad will happen to you." 

Bumalik sa isipan ko ang pagdidilim ng paningin ko kanina pagkatapos non


ay wala na akong naalala pa, marahil dahil sa sama ng pakiramdam ko at sa
pagpupuyat kaya ako nawalan ng malay kanina. Pero bagama't nanghihina pa
rin ako. Maayos-ayos na rin ang pakiramdam ko.

"Sorry young man, di na uulitin ni Mommy, so cheer up hmmm?" ngumiti agad


ito at niyakap ako.

"Anyway, bakit ka nandito? Bakit hindi ka lumabas, mukhang nag-eenjoy pa


naman ang kakambal mo?" tanong ko dito. 
Sumimangot ito. "They are so loud, and it looks like Tito and Daddy are
in a competition." natuwa ako ng marinig na tinawag na nitong daddy ang
ama nito pero saglit lang iyon ng rumehistro ang sinabi nito sa akin.

Tito? Meaning si Thunder? At anong competition 'yun?

"Klode anong ibig mong sabihin?"

"See it for yourself Mommy." anito sabay muling balik ng atensyon sa


pagbabasa kaya naman napagpasyahan ko na lang na lumabas at tignan ang
nangyayari.

"So Claudi sino ang gwapo sa amin ng Papa mo?"

"Parehas po kayo kasi magkamukha kayo eh hihihi."

Natawa ako sa narinig kong sinabi ng anak ko. Pero agad din akong
napakunot-noo ng marinig ang sumunod nilang usapan.

"Claudi, gusto mo bang pumunta ng Enchanted Kingdom 'di ba sabi mo di ka


pa nakakapunta doon?"

"Yiiie dadalhin niyo po ba ako doon Papa?"

"Yes, sasama natin si Mommy, si Klode at si Ate Kleng mo."

"What about Daddy, Papa?"

"Ah, hindi siya pwede doon takot sa rides ang daddy mo. Iiyak lang siya
doon."
"Shut up Thunder, don't listen to her Claudi.Kung siya sa enchanted
kingdom ka dadalhin si Daddy sa Disneyland kita isasama."

"Wooooow talaga po Daddy? Yiiie makikita ko na rin si Mickey mouse, si


Cinderella and so many fairytale characters."

Napailing ako at ipinagpatuloy na ang paglabas sa kwarto. Mukhang alam ko


na ang sinasabing competition ni Klode.

Kailan pa naging childish ang dalawang ito?

Mukhang di nila ako napansin kaya dumiretso ako sa maliit na kusina sa


hotel para uminom. Naabutan ko naman si Kleng na kumakain ng well cakes
plural talaga kasi apat ang nakahain na cake sa mesa.

Nang mapansin nito ang presensya ko ay binalingan ako nito. "Ay, ate
gising na po pala kayo, Gusto niyo pong kumain ng cake? Baka po kasi
masayang ito 'di naman po natin madadala 'to sa Davao."

"Eh bakit ba kasi ang daming cake? Sino ba ang bumili niyan?"

Lumunok ito at ibinaba ang plato na hawak niya. "Eh kasi po kanina sabi
ni Claudi, gusto niya ng strawberry cake tapos bumili po si Sir.Cloud. Eh
si Klode po ayaw naman po ng strawberry kaya bumili po si Sir.Thunder ng
chocolate. Tapos po etong si Sir.Cloud tinanong po ulit si Claudi kung
anong gusto niya pa, sabi naman po ni Claudi mocha naman po. Tapos si
Klode naman po gusto naman ng black forest. Sabay pong lumabas si
Sir.Thunder at Sir.Cloud para bumili. Eh alam niyo naman po sila Claudi
at Klode minsan takaw mata lang kaya 'eto ang dami po tuloy natira."
hiningal pa ito sa mahabang sinabi niya.

"Kanina pa ba nandito si Thunder?"


"Ay opo ate Leigh, nung bumalik po ako galing sa baba nandito na po si
Sir.Thunder. Tapos ate-ahm ay 'wag na nga." tignan mo 'tong babae na ito
may ikukwento pero biglang wala.

"Ano 'yun Kleng?"

"E-eh kasi ate baka po masabihan niyo akong chismosa eh." tila nahihiya
nitong saad sa akin.

"Ano ba yun Kleng? Spill it."

"Eh curious lang naman po ako ate, magkapatid po sila Sir.Cloud at


Sir.Thunder 'di po ba?"

Tumango ako at uminom ng tubig. "Eh kasi po magkaaway po ba sila?" 

Kumunot ang noo ko at napahinto ako sa pag-inom sa tanong nito. "Bakit


may nangyari ba kanina habang tulog ako?" 

I know na hindi in good terms ang dalawa dahil nga sa mga nangyari sa
amin noon. And I'm afraid na hindi na sila magkaayos pa. Guilt will eat
me alive if that happens, after all ako ang rason ng away nilang
magkapatid.

"Eh kasi po 'nung bumalik kami ng mga bata galing sa ice cream parlor
naabutan po namin sila na masama ang tingin sa isa't-isa para bagang
magsuntukan sila Ate Leigh. Tapos po 'nun, nag-umpisa na parang
nagpapaligsahan na sila sa atensyon ng kambal. Naingayan na nga po si
Klode sa kanila kaya naman nagpunta na lang po sa kwarto at 'dun
nagbasa." mahabang paliwanag nito.

Aish yung dalawa talaga na iyon parang mga bata.


"Ganun ba, anyway maayos na ba ang mga gamit natin para sa pag-alis?"
pagbabago ko ng paksa.

"Po? Okay na naman po pero sabi po ni Sir.Cloud bukas na daw po tayo


aalis."

What the- ano na naman ito Cloud Rendrex?!!

Iniwan ko na lang si Kleng na inabala na ang sarili sa pagkain. Naabutan


ko pa din sila Claudi na nagkukulitan, parang bulang naglaho naman ang
inis ko ng nakita ko ang tuwa sa mukha ni Claudi. Mukhang sobrang saya
niya sa piling ng Tito at Daddy niya.

"So Claudi, may nanligaw ba sa Mommy mo sa Davao?" ani Cloud na siyang


nakapagpakunot ng noo ko.

"Hoy Cloud, ano ba naman 'yang tanong mo sa bata?"

Buti pa ito si Thunder-

"Claudi, may lalaki ba na nagpupunta sa bahay niyo doon?"

What the-Ano bang pinagsasasabi ng mga mokong na ito sa anak ko?

Tumikhim ako kaya napunta sa akin ang atensyon nila. Agad napatayo ang
dalawa habang tumakbo naman papunta sa akin si Claudi.

"Mommmmmmy ko!" sigaw nito sabay yakap sa bewang ko.

Lumuhod ako para mapantayan ito. At agad naman nitong hinipo ang noo ko.
"Awake ka na po pala di ka na po ba sick?"
Ngumiti ako. "Okay na si Mommy, nag-aalala ba ang baby girl ko? Hmmm..."

"Opo, I am so scared when I saw you kanina kala ko po iiwanan mo na


kami."

"Talaga? Parang di naman, ang saya-saya nga ng baby ko eh." 

Umiling-iling ito. "Halaaaa, kasi po sila Daddy ang kukulit eh but I am


so worried about you." 

"Just kidding Claudi." sabay halik ko sa noo nito.

"Are you okay now?"/"Okay ka na ba?" 

Binalingan ko ang magkapatid at hindi ko maiwasang mapailing ng


magtinginan pa ito ng masama sa isa't-isa at nag-unahan pa papunta sa
amin ni Claudi.  

Binalingan ko si Claudi. "Claudi, punta ka muna kay Ate Kleng. Tell her
na linisan na kayo ni Klode. Aalis na tayo maya-maya." 

"San tayo pupunta Mommy?"

"Were going back to Davao."

Ngumuso ito at nagtatakang tinignan ako. "B-but Daddy said tomorrow na


lang daw po." 

Binalingan ko si Cloud na nakakunot ang noo at matalim itong tinignan.


Agad naman itong nag-iwas ng tingin sa akin.
"Pft-Ayan kasi nakikialam---" sinamaan ko din ng tingin si Thunder kaya
tumahimik din ito.

"No,ngayon tayo aalis baby so go to Ate Kleng, good girl ka diba?"

Tumango ito at kapagdaka'y umalis na din. Pumawewang naman ako at


nakataas ang kilay kong hinarap ang dalawa.

"Sky, we should go tomorrow may sakit ka pa. Baka mabinat ka sa biyahe."

"Okay na ako Cloud, at gusto ko lang sabihin sa iyo na ayoko sa lahat


pinangungunahan ako sa desisyon ko." 

Natahimik ito. Ipinagkrus ko ang dalawang kamay ko sa dibdib ko at isa-


isang tinignan ang dalawa.

"Ngayon, kayong dalawa ang tatanungin ko, Okay lang ba kayo?! Ano ba ang
iniisip niyo at kung anu-ano ang pinagtatatanong niyo sa anak ko?!
Ligaw?! Bisitang Lalaki?! Baka nakakalimutan niyo 7 years old pa lang ang
anak ko, at walang kaide-ideya sa mga walang kwenta niyong tanong." 

Tila mga bata na nagsiyuko ang dalawa at kung sa ibang pagkakataon baka
natawa pa ako sa mga itsura ng mga ito na parang mga bata na nasupil
dahil sa kalokohan. Pero not now, dahil hindi maganda ang iniaakto nilang
dalawa, worse is magkapatid sila.

"And lastly sinabi sa akin ni Kleng na mukhang nagpapaligsahan kayo sa


atensyon ng mga bata at parang may iringan sa pagitan niyong dalawa, stop
it. Hindi isang premyo sa isang laro sila Klode, stop acting like a
child. At least be civil to each other, kasi sa ginagawa niyo I can't
help but to feel guilty kasi alam ko ako ang dahilan. Can we just forget
about the past? Let's move on guys, magiging masaya ako kung magkakaayos
kayo."
Parang bata na lumapit sa akin si Thunder at niyakap pa ako. Napabuntong-
hininga  ako,he never change. Malambing pa din ang loko lalo na pag alam
niyang galit na ako.

"Sorry na best friend 'di na mauulit. At 'yung sinasabi mo na magkaayos


na kami soon it will happen. Dahil ngayon gusto kong masiguro na magiging
masaya ka na talaga sa kanya, kayo ng mga bata. For now,susubukan ko siya
kung karadapat-dapat pa siya para sa'yo..." bulong nito sa akin. 

Kumunot ang noo ko at mahinang hinampas ang likod ng best friend ko.
"Just what the heck are you talking about Thundz?! Kung ano man yang
tumatakbo sa isip mo,forget it." ani ko sabay bitaw dito.

Kung anu-ano talaga ang pumapasok sa isip nitong si Thunder, of course


I'm not dense naiintindihan ko ang sinasabi nito but then hindi
mangyayari 'yun-

"Tapos na ba kayo sa paglalambingan niyo sa harap ko? Sabihin niyo lang,


nakakahiya baka nakakadistorbo ako sa inyo."sarkastikong saad ni Cloud.

"Pwede ba Cloud---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng lagpasan ako


nito.

Kahit kailan talaga ito-

"Saan ka naman pupunta aber? Aalis na tayo, sasama ka pa ba?!" 

Huminto ito sa paglalakad pero hindi na ito lumingon. "Bibili lang ako ng
malamig na kape masyado kasing nakakainit ng ulo ang nakikita ko." anito.

At hindi na ako magtataka kung nasira ang pinto sa sobrang lakas ng


pagkakasara nito.
"Wag mo na lang pansinin 'yun, nagseselos lang 'yun. Mukhang nahanap ko
na ang sagot sa tanong ko..." sinamaan ko naman ng tingin ito at muling
umambang hahampasin siya. 

Agad naman itong umiwas at nagmamadaling umalis sa harap ko. "Got to go,
see you next week I heard one week lang kayo doon. Pakisabi sa kambal
umalis na ang ang pinakagwapo nilang Tito.Bye Skyz."

Akala ko ay umalis na ito kaya nanghihinang napaupo ako sa sofa pero


nagulat na lang ako ng bigla itong sumulpot sa tabi ko. "Anyway Skyz,
goodluck sa trip niyo sa Davao ng siraulo kong kapatid. Paalala lang, wag
niyo munang sundan ang mga pamangkin ko." anito sabay tawa.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito ngunit bago ko pa ito mabatukan ay


mabilis pa sa kidlat itong nawala sa tabi ko.

Napahilot na lang ako ng sentido dahil sa sumasakit ang ulo ko dahil sa


dalawang Monteciara na 'yon!

When will they grow up? Matanda na sila pero parang mas mature pa sa
kanila ang anak kong si Klode.

TBC

=================

AWS CHAPTER 36

Chapter 36

  "Mommy, where na ba kasi si Daddy?" tinapos ko ang pag-aayos ko ng


buhok at hinarap ang anak kong si Claudi na hindi ko na mabilang kung
ilang beses tinanong kung nasaan na ang ama niya na may topak.

"Claudi, may binili lang ang daddy mo pabalik na din 'yon. Now, go to
your twin and watch television with him.Susunod na ako." Nakangusong
lumabas ito ng kwarto. Habang sinigurado ko namang ayos na ang mga
dadalhin namin.Napailing ako ng maabutan ang dalawa na pinag-aagawan ang
remote ng TV."Klode, let's watch dora the explorer please?""No, don't you
know that Dora is not a good example to us--""Eeeeeeehhh, Dora nga
eeeeeehh Dorraaaaaaaaa!""You two stop it, let's go aalis na tayo."
Pinatay naman ni Klode ang TV at tumayo na. Pero nagtaka ako ng
manatiling nakaupo si Claudi."Claudi, halika na." pag-aya ni Kleng dito
pero umiling lang ito."Hihintayin ko si Daddy,susumbong ko si Klode kasi
niaaway niya ko pati si Dora." "Hihintay---""I'm here, anong problema ng
young lady ko?" Napaismid ako ng magsalita ang kadarating lang na si
Cloud."Daddddddddy!" Tumakbo si Claudi agad nagpakarga sa ama nito at
naglambitin. Habang si Klode ay tahimik pa rin na nakatayo sa tabi
ko."What's the matter bakit nakabusangot ang Claudi namin?"Ngumuso si
Claudi at tinuro si Klode. "Si Klode po kasi niaaway si Dora pati
ako,""I'm not, I just don't want her to watch that Dora who always go
outside, talking to a monkey and a map. What a weirdo.She's not a good
example to kids like us Dad." saad ni Klode na malaki ang inis kay Dora
na pati pagkausap sa mapa at unggoy pinakialaman niya.Napatigalgal si
Cloud sa sinabi ng anak namin. Mukhang 'eto ang unang beses na nagsalita
ng mahaba si Klode sa harap ng ama nito. Kaya naman hindi na ako
magtataka kung natahimik ang huli. Ngumiti si Cloud kay Klode at
binalingan si Claudi na masama na ang tingin sa kakambal niya.Hindi lang
naman ito ang unang beses na nag-away ang dalawa dahil kay Dora, actually
almost lahat ng cartoons na gusto ni Claudi ayaw ni Klode. Si Spongebob
lang ang parehas nilang nagustuhan na para din naman sa akin ay
weirdo."Claudi, t-tama naman ang kakambal mo, so don't be mad at him. H-
he just cares for you, medyo bad example kasi si D-Dora," Huminto sa
pagsasalita si Cloud at tila nag-isip ng akmang salita para kay Dora"..a-
ahm lakwatsera kasi siya." Sumimangot si Claudi at agad bumaba kay Cloud.
"Hindi lakwatsera si Dora, adventurer siya Daddy! Hmp." Napakamot sa
batok si Cloud at hindi malaman kung paano susuyuin si Claudi. Si Klode
naman ay nauna ng lumabas kasama si Kleng.Lumuhod si Cloud at pumantay
kay Claudi na nakahalukipkip at nakasimangot pa rin. "Fine, sorry na
young lady nagkamali si Daddy, adventurer nga pala si Dora, my mistake.
How about bibilhan ka ni Daddy ng stuff toy na si Dora basta bati na
tayo, ano okay na ba sa'yo iyon?" pang-uuto nito kay Claudi kaya naman
agad naman na ngumiti ang anak namin at nagtatakbo palabas habang
sumisigaw na bibilhan siya ng Dora ng ama niya.Nakikini-kinita ko na ang
pagkainis ni Klode."Hindi mo dapat ginawa 'yun, maii-spoiled si Claudi
kung lagi mong ibibigay ang gusto niya.Hindi ko gustong lumaki na ganoon
ang mga anak ko." napatigil ito sa paglakad pasunod sa mga anak ko
palabas."Anak natin Sky, and about that, okay lang na lumaking spoiled si
Claudi. She's a Monteciara and she deserve nothing but the best and so is
Klode."Sumimangot ako. "You and your beliefs, but then Mr. Monteciara let
me remind you na ako ang ina ng kambal at kung sasabihin ko na ayokong
lumaki ang kambal sa paraan na gusto mo. Susundin mo ang gusto ko." Ani
ko sabay lakad paalis. Nasa pinto na ako ng hilahin ni Cloud ang braso ko
at iharap sa kanya.Gahibla na lamang ang pagitan namin at nag-umpisa na
naman ang malakas na tibok ng puso ko. "I'll follow what you want kahit
ano pa 'yan, but just do me a favor. " napalunok ako ng unti-unti nitong
nilapit ang mukha sa akin."Don't let any other man hug you nor touch you
just like what happened a while ago." pabulong nitong saad at napahinga
naman ako ng malalim ng lumayo ito sa akin.Kinalma ko an sarili ko at
kapagdaka'y tinaasan ko ito ng kilay. "At bakit ko naman gagawin 'yun
Cloud?""Dahil sa asawa kita."Sarkastiko akong tumawa. "Stop acting like a
possessive husband Cloud. Dahil asawa man kita hanggang ngayon, pero
hanggang 'don na lang yun. Asawa sa papel at ama ng mga anak ko ang
posisyon mo sa buhay ko. Other than that wala na, so don't you dare tell
me what you want me to do.May kasalanan man ako sa ginawa kong pagtatago
sa kambal 'wag ka sanang umasa na magiging dahilan 'yon para maging
sunud-sunuran ako sa'yo, don't think na ako pa rin ang dating Sky na
parang aso na susundin lahat ng gusto mo." Hindi ito nagsalita at hindi
nakaligtas sa paningin ko ang pagbakas ng lungkot sa mukha nito pero
binalewala ko ito."Sky, alam ko na nasaktan kita noon but---""Past is
past Cloud, nakamove on na ako. Siguro naman ganun ka din di ba? Now, do
me a favor, stop calling me Sky or your wife. Tawagin mo akong Leigh
dahil pili na lang ang taong pwedeng tawagin ako sa pangalan na iyon at
hindi ka kasama doon." Hindi ko na ito tinignan pa at nagpasyang lumabas
na."Mommmmmy why are you so tagal?" nginitian ko na lang si Claudi at
hinawakan ang kamay nito, agad naman itong bumitaw sa akin at tumakbo sa
ama nitong nasa likuran ko na pala."Dadddddddyy karga mo si Claudi, so
tired na eh." nilingon ko ang dalawa at nakitang pilit ang ngiti na
iginawad ni Cloud kay Claudi.Malalim akong napabuntong-hininga. Don't
tell me affected at nasaktan siya sa mga sinabi ko?Stop it Leigh, you're
overthinking wala lang sa kanya 'yon---"Nag-away ba kayo ni Daddy,Mommy?"
Binalingan ko si Klode na nakakunot ang noo at pabalik-balik ang tingin
sa amin ng ama niya na napahinto na rin dahil sa tanong ni Klode."Kanina
'nung lumabas kayo hindi kayo nagpansinan tapos---""Ano bang sinasabi mo
Klode? I'ts impossible na mag-away sila Mommy kasi they love each other
kaya nga nandito tayo eh hihihihi. Sabi ni Teacher, kaya nagkakaroon ng
kids ang Mommy at Daddy kasi nagmamahalan sila. Diba Mommy at Daddy tama
si Claudi?" napatingin na lang ako kay Claudi at hindi nakasagot sa
tanong nito.Nagtama ang paningin namin ni Cloud pero ako na ang unang
nag-iwas ng tingin. "Tama ang kapatid mo Klode, hindi kami nag-away ng
Mommy mo.We love each other." hinimas pa nito ang ulo ni Klode na mukhang
nakumbinsi na din. Gusto ko mang kastiguhin ang sinabi ni Cloud na
kasinungalingan.Hindi na lang ako umimik, ayoko naman na malungkot ang
mga anak ko kapag nalaman na hindi sila nabuo dahil sa pagmamahal.Siguro
nga nabuo sila sa pagmamahal, pero sa parte ko lang 'yon at hindi sa side
ng ama nila...."GOOD afternoon sa inyo, ako nga pala si Cloud Rendrex
Monteciara.""Siya ang daddy namin, gwapo niya po 'no hihihi."Nakita ko
ang pagkagulat sa mga mukha ng mga kapwa ko manunulat at maging ang boss
ko na nanlaki pa ang mata.Tumikhim ako para makuha ang atensyon
nila."Tara na ,baka mahuli pa tayo sa flight natin." para namang natauhan
ang mga ito at isa-isa ng nagpakilala kay Cloud."Girl, kaloka ka! siya na
ba si Ulap grabe kamukhang-kamukha talaga ni Klode, eh kaya naman pala
nagpakashunga at nagpakamartir ka, ang gwapo gwapo kamukha din nung
Thunder na pinakilala mo sa amin. Magkapatid nga sila, tell me Leigh
anong sikreto mo at napaligiran ka ng mga yummy na lalaki? Pero anong
ganap bakit kasama niyo na siya ngayon? Kayo na ba ulit?" dire-diretsong
saad ni Yura na hindi na ako nagulat ng hingalin.Habang busy ang iba
naming kasamahan na nauuna at kinakausap sila Cloud at ang mga
bata."Hindi kami, wala ng kami and to make it short kilala na siya ng
kambal and I have no other choice kung hindi ang iwanan ang buhay namin
sa Davao at ---"Hinawakan nito ang braso ko at kunot na kunot ang noong
tinignan ako. "Wait- what do you mean iwanan?""Napag-usapan namin na dito
na sa Maynila pag-aralin ang kambal.Gusto niya daw makasama ang dalawa at
hindi mangyayari yon dahil sa nandito ang business ng pamilya nila."
Nakita ko ang pagbalot ng lungkot sa mukha nito at tila maiiyak pa."Hala!
hindi ba pwedeng doon na lang kayo ng kambal, mayaman naman siya barya
lang ang pamasahe niya papuntang Davao.""Sinabi ko na din 'yan but then
kung hindi ako susunod sa gusto niya magpa-file siya ng sole custody para
sa mga bata.At malaki ang tiyansa na kung lalaban ako matatalo lang din
ako. Makapangyarihan at mapera ang Monteciara, anong laban ko lalo pa't
hindi na katulad ng dati ang estado ko sa buhay? Sure, hindi ako
naghihirap pero hindi sapat ang mga perang naipon ko. " Nagbago ang
ekspresyon nito at napalitan ng panggagalaiti."Wait, kalimutan mo na ang
sinabi ko na yummy at gwapo siya. Grabe! pagkatapos ng mga kalokohan na
ginawa niya sa'yo mag-iinarte pa siya na parang siya ang naagrabyado, oo
nga at tinago mo ang kambal sa kanya pero wala siyang karapatan na
takutin ka ng sole custody na 'yan. After all, siya ang may kasalanan ng
lahat. Pigilan mo ako Leigh, nagdidilim ang paningin ko baka masapak ko
'yang damuho na 'yan. Eh ano kung mayaman siya, huh? Hindi siya uubra sa
kamao ko!"Hindi ko maiwasang matawa ng parang si Gabriela Silang na
susugod sa isang gera si Yura. Nandito na din kami sa entrance at
inaantay lang ang service namin na maghahatid sa amin sa airport. Mukhang
napansin din nila ang tila nanggigigil na reaksyon ni Yura kaya naman
nagtataka itong mga nakatingin sa amin."Kalma lang Yura, inisip ko na
lang din na it's the best for Claudi and Klode. At wag ka na ding
malungkot at magalit diyan, sige ka papanget ka niyan." pagpapakalma ko
kay Yura.Ngumuso ito. "Eh kasi naman eh mamimiss ko kayo.""Don't worry,
pag bakasyon dadalaw kami ng mga bata doon sa Davao at uso ang skype kaya
magkakausap pa din naman tayo.""Sinabi mo yan ah, basta kapag sinaktan ka
na naman ng gagong 'yan sabihin mo lang, ora mismo makakatikim ng bugbog
'yan." tinawanan ko na lang ito at hindi na nagsalita.Nagtaka ako ng
huminto ang isang puting van sa harap namin. Halatang bago at mamahalin,
sigurado ako na hindi ito ang service namin."Ang taray anong nakain ni
boss at umupa ng pagkaganda-gandang sasakyan?" pati si Yura nagtataka na
din. Agad naman nasagot ang tanong ko ng may bumabang nakaunipormeng
lalaki at yumukod kay Cloud."Good afternoon po Sir." saad nito at agad
binuksan ang unahang bahagi ng pinto. Wala akong nagawa ng hawakan ni
Cloud ang kamay ko at isakay ako kasama ang kambal, nagsisunuran naman
ang mga kasama ko habang agad kong binawi ang kamay ko kay Cloud.
Nagkibit-balikat lang ito at hinarap na lang ang mga anak namin.Agad kong
binalingan si Cloud ng makaayos na kami ng upo."Anong ibig sabihin nito?
May service na kami bakit umupa ka pa ng ganitong van?""Hindi ko ito
inupahan, pag-aari ko ito. And since asawa kita sa'yo din ito, wala naman
sigurong masama kung ito ang gamitin natin instead na umupa pa kayo?"
Magsasalita pa sana ako ng isa-isa ng nagpasalamat sila Maam Krys kay
Cloud kaya tumahimik na lang ako sa buong durasyon ng biyahe habang
walang ginawa ang mga kasama ko kung hindi kausapin ang huli at
makipagkulitan sa kambal."Good afternoon po Sir, this way po." napakunot-
noo ako ng pagdating namin sa airport ay may sumalubong agad sa amin at
yumukod din kay Cloud.Hinarap ni Cloud ang mga kasamahan ko at ngumiti.
"I hope you don't mind, kung private plane na lang ang gagamitin
natin.""Yes---" muli naputol na naman ang sasabihin ko."Sobra-sobra na
ito Cloud, okay lang naman sa amin kung kayo na lang ng asawa at ng
kambal ang sasakay doon." Ani ni Ma'am Krys."I will be glad kung
tatanggapin niyo na lang po ang alok ko, after all pamilya na po ang
turing sa inyo nila Sky--- I mean Leigh pati na ng kambal." pagpupumilit
ni Cloud kaya sa huli ay bumiyahe kami gamit ang private plane ng
Monteciara pa-Davao.Talk about being powerful and rich of a
Monteciara...TBCFOLLOW ME.VOTE.COMMENT.  
=================

AWS CHAPTER 37

Chapter 37

Matapos ang mahigit isang oras ay nakarating na din kami sa Davao. Sa


buong durasyon ng biyahe natulog lang ako at maging ang kambal na mukhang
napagod din. Pagdating namin sa entrance ng airport may dumating na naman
na van courtesy of the generous Cloud na siyang maghahatid sa mga
kasamahan ko. Pagod na rin ang mga ito kaya hindi na tumanggi pa.

"Kailan ka pupunta sa SPH? Dapat may farewell party ka ah? Nakuuuu,


mamimiss talaga kita." ani Yura sabay yakap sa akin.

"Baka sa Martes na ko pumunta, wag ka munang maingay sa kanila. Ako ng


magsasabi..." Tumango at ngumiti ito bago sumakay sa van.

Kinawayan ko silang lahat hanggang umalis na ang sasakyan nila. Hindi ko


lang maintindihan itong si Cloud kung bakit hindi pa kami sumabay sa mga
kasamahan ko.

"Daddy antok pa si Claudi..." naghihikab na saad ng anak ko. 

Agad naman itong binuhat ni Cloud. Binalingan ko si Klode na mukhang


babagsak na din ang talukap ng mata, kaya hindi ko na ito inantay pang
magsalita at binuhat na ito.

"Mom-" bababa pa sana ito ng ipatong ko ang ulo nito sa balikat ko.
Saglit lang bumigat na din ang paghinga nito. Hindi naman kami nag-antay
pa ng matagal dahil may pumarada agad sa amin na magarang sasakyan.

Ano pa nga bang i-eexpect ko?


Nasa backseat kami nila Cloud at ng mga bata habang nasa unahan naman si
Kleng. Hindi ko na kailangan pang magtanong kung kaninong kotse ang gamit
namin ngayon because it's pretty obvious na kay Cloud ito. Halatang
planado niya na ang lahat. Dahil mukhang pati bahay namin alam niya.

Claudi and Klode are sleeping soundly ganun din si Kleng na nasa harap.
Hindi ako makatulog kaya naman pinagmasdan ko na lang ang tanawin sa
labas ng kotse.

For the past years, Davao is our home. Full of happy memories with the
people around me. Kaya nga nalulungkot ako na kailangan kong iwanan ang
lahat ng ito.

"I'm sorry about what happened a while ago." napatingin ako kay Cloud ng
magsalita ito .Hindi na lang ako umimik at iniwas ang tingin sa kanya.

"Wag mo sanang isipin na inuutusan kita at pinapakialaman ang buhay


mo.I'm just..." tumahimik ito at tila hindi alam kung anong sasabihin
pa."Nevermind, again I'm sorry at hindi na mauulit." 

Binalingan ko si Cloud. "Apology accepted. Pero sana hindi na talaga


mauulit, kasi Cloud marami ng nagbago, katulad ng kung ano ka sa buhay
ko.I 'm sorry din kung naging harsh ako sa mga sinabi ko kanina pero
gusto ko lang linawin sa 'yo ang namamagitan sa ating dalawa. Sana
maintindihan mo 'yon." 

"I understand, I just hope bigyan mo pa ako ng chance para mapatunayan ko


sa 'yo na hindi na din ako ang dating si Cloud."

"Cloud, for as long as ginagampanan mo ng maayos ang tungkulin mo sa mga


bata, Wala ka ng dapat pang patunayan pa." Magsasalita pa sana ito ng
ipikit ko na ang mata ko as a sign of ending our conversation. I sighed
in relief when he stayed quiet. Hindi ko namalayang nakatulog na pala
ako. Nagising na lang ako ng tapikin ako ni Cloud. Agad kong binuhat si
Klode na tulog na tulog pa din at siya naman ay si Claudi ang inasikaso.
Naunang pumasok sa bahay si Kleng at tinulungan naman siya ng driver na
ipasok ang mga gamit namin.

"Kleng pagkapehin at kumain na muna kayo ni Manong, pagkatapos magpahinga


ka na. Iaayos lang namin ang kambal." 

Tumango si Kleng at iginiya ang driver sa may kusina. Binalingan ko si


Cloud na iniikot ang mata sa paligid ng bahay. Nakita ko pang napangiti
siya ng dumako ang kanyang paningin sa dingding ng sala na punong-puno ng
larawan at medalya ng kambal.

"Ang daming award at medals ah.." bakas ang tuwa sa boses nito at
napangiti din ako.

"Hmmm, they are bright 'e mana sa genes niyo." saad ko habang nag-umpisa
ng pumanik sa hagdan.

"Hindi lang naman sa amin, mana din sa'yo, Claudi loves music just like
you. And by the way wala pa ring kupas ang pagkanta mo." napahinto ako sa
pagpihit ng seradura ng pinto sa sinabi nito. 

Nagtataka ko siyang binalingan. "Anong ibig mong sabihin?Saan---" hindi


ko na natapos ang sasabihin ko ng umingit si Klode, mukhang nahihirapan
na ito sa pwesto nito kaya naman binuksan ko na ang pinto at nagpasyang
mamaya ko na lang kausapin si Cloud. Sumunod sa akin si Cloud at inilapag
si Claudi sa tabi ni Klode. Pinalitan ko muna ang dalawa para maging
komportable ang tulog nila. Nang matapos ako ay nilingon ko si Cloud na
titig na titig sa mga pictures na nakasabit sa dingding.

"How old are they in here?" tukoy nito sa picture kung nasaan ang kambal
na nakangiti at nakaupo sa kama.

"They are 1 year old, It was taken during their first birthday."

"They are cute and lovely, I wish nakasama ko sila sa mga panahon na
lumalaki sila."
"I'm sorry kung sana---"

"Stop saying you're sorry, kasalanan ko din naman. At tsaka madami pa


namang oras para makilala at makasama ko ang kambal." Tumikhim naman ako
at hindi na siya kinausap pa. Lumapit ako sa kambal at hinalikan ang noo
ng mga ito.

"Let's go Cloud, baka magising pa ang mga bata." Tumango  ito at  nauna
na akong lumabas at iniwan siya. Dumiretso ako sa kusina at ipinagtimpla
siya ng kape.

♣♣♣♣♣

"SO anong ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina?" 

Hindi muna sumagot si Cloud at uminom ng kape na inihanda ko. Makaraan ay


tumingin sa pulso ko na siyang ikipinagtaka ko. "Don't you like it?" 

Kumunot ang noo ko sa tanong nito. "Ano ang hindi ko gusto?"

"The watch that I gave to you..."

Tumikhim ako at umiling. "It's not that, n-nalimutan ko lang isuot." 

Walang rason para suotin ko ang regalong ibinigay niya sa akin...

"If you say so, pero ano nga pala ang tinatanong mo na sinabi ko?"
"You said a while ago na wala pa ring kupas ang pagkanta ko, what do you
mean by that?"

"I never believe in fate or destiny Sky---" muling kumunot ang noo ko at
pinutol ang sinasabi nito.

"Leigh." Pagtatama ko.

"Yeah sorry, hindi pa lang ako sanay. Anyway as I have said, I never
believe in fate or destiny,  pero ng makita kita sa mall na kumakanta at
sumali si Claudi sa contest na inilaunch ng MEC. Nagbago ang paniniwala
ko, it seems like tinadhana ang lahat ng araw na iyon. Ang makita kitang
muli at ang malaman ang existence ng anak natin dahil sa ultrasound
picture na nakita ko sa ilalim ng kama. Indeed, fate do really exist."

Oo nga naman, dahil sa dami ng mall na pupuntahan mo doon pa sa mall kung


nasaan ako... 

"So that's what happened. Well, I agree with what you've said. Aaminin
ko, wala pa talaga sa plano ko ang ipaalam sa 'yo ang tungkol sa mga bata
pero mukhang tama ka, tadhana na ang gumawa ng paraan para makilala mo
sila." ani ko.

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin, nakaramdam na ako ng antok


kaya tumayo na ako.

Binalingan ko si Cloud na nakatitig sa akin at hindi ko maiwasang


mailang. "I-Inaantok na ako, magpapahinga na ko. Siguro naman may hotel
kang tutuluyan. I know it's rude pero sa nakikita mo naman tatlo lang ang
kwarto nitong bahay kaya wala kang matutu---"

Napahinto ako sa pagsasalita ng tumayo ito at matiim akong tinignan. 

"Can you give me a chance?" 


Kumunot ang noo ko. May hinuha ako sa nais niyang sabihin pero siguro
naman ay iba ang nasa isip ko.. "A chance for what Cloud?" 

"For our marriage." 

For our marriage? Tama ba ang dinig ko?

"Wala akong oras para sa usapang ito Cloud. Mukhang pagod---"

"Sky...I w-want to be your husband again---"

Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang muling pagtawag nito sa aking Sky


dahil ang nasa isip ko ay ang sinabi nitong gusto niyang muling maging
asawa ko.

Nagpapatawa ba siya?

Nanatili itong nagsusumamong nakatingin sa akin at hindi ko maiwasang


makaramdam ng inis dito. "Don't you think it's too late for that? It's
been what? Eight years? Cloud! c'mon, stop talking nonsense okay? I'm so
tired atgusto ko ng magpahinga. Kakalimutan ko ang lahat ng ito kaya
pwede ba umalis ka na. " napapagod kong saad. Tinalikuran ko na siya at
naglakad na papanik ng hilahin nito ako at biglang niyakap.

Nanlaki ang mata ko at buong lakas na itinulak ito.

"What is wrong with you Cloud?!" Pigil ang sigaw ko dahil baka magising
ang kambal.

"Last chance L-leigh, one last chance and I'll prove it to you na nagbago
na ako."
"Cloud ano bang dahilan kung bakit nagkakaganyan ka?! Nagkita lang tayo a
few days ago at ano?! Humihingi ka ng chance for us?! Don't be
ridiculous, tapos na sa 'tin ang lahat. That day when I set you free at
pinuntahan mo siya. Natapos na ang lahat, I've move on kaya pwede ba
tigilan mo na ang pag-arte ng ganito." Malalim akong bumuntong-hininga at
itinuloy ang pagsasalita. "Hindi ba galit ka pa nga sa akin dahil sa
ginawa kong pagtatago sa kambal?! Kaya para saan pa ang chance na
hinihingi mo?! Mula noon, hanggang ngayon nahihirapan pa rin akong
intindihin at basahin ang tumatakbo sa utak mo." mahaba kong saad.

"Nagkamali ako ng nagalit ako sa'yo ng hindi ko man lang agad inalam kung
bakit mo ginawa iyon. And I know grabe ang sakit na binigay ko sa'yo noon
that you even came to the point na nadepress ka--"

"W-what did you say? K-kanino mo narinig 'yan? Kay Thunder ba?" Pagputol
ko sa sinasabi nito.

Paano niyang nalaman ang tungkol sa nangyari sa akin noon? Eto ba ang isa
sa dahilan kung bakit humihingi siya sa akin ng chance dahil
nakokonsensiya siya sa nalaman niya?

TBC

VOTE.COMMENT.FOLLOW

PARA SA MABILISANG UPDATE LOL ^_^

=================

AWS CHAPTER 38

Chapter 38

"It's not him."

Of course hindi si Thunder ang nagsabi, hindi niya babaliin ang pangako
niya na walang makakaalam ng nangyari  sa---
"It's Charlotte, siya ang nagsabi sa akin." anito na siyang
nakapagpatigil sa tumatakbo sa isip ko.

"A-anong sinabi mo? Si Charlotte? Papaanong?"

"A few days ago, I-I broke up with her and then she told me what happened
to you way back then. Apparently, nakita ka niya sa isang hospital noon
---"

"You broke up with her?" pagputol ko sa ano pa mang sasabihin nito.

"Yes." tugon nito.

"And you are asking me for a chance to this marriage after breaking up
with your girlfriend na hindi ko na kailangan pang tanungin kung gaano mo
na katagal karelasyon. Because it's pretty obvious that for the past
eight years, the two of you are still together." napabuga ko ng hininga
dahil sa inis na nararamdaman ko dahil sa mga sinasabi niya at nalalaman
ko.

"Alam ko, ang gago ko sa paningin mo ngayon dahil sa mga pinagsasasabi ko


---"

"Hindi ka lang gago Cloud, tanga ka din. Ah... so nakipagbreak ka sa


kanya dahil sa may anak tayo ganun ba? I should be glad sa ginawa mo
dahil mas makakabuti 'yun para sa mga bata dahil hindi na nila kailangan
pang maguluhan kapag nalaman nila na may girlfriend ka. They are too
young for that, but then pakiramdam ko it's wrong to broke up with her
dahil sa mahal niyo naman ang isa't-isa and I think maiintindihan ng mga
bata kung---"

"How can you be so sure na mahal ko siya?" tila naghahamon na saad nito.

"You are asking a nonsense question Cloud. Hindi ka tatagal ng walong


taon sa kanya kung hindi mo siya mahal. Hindi nga ba't kaya kita pinalaya
noon dahil sa kanya? And then you're asking me how can I be so sure na
mahal mo siya? Naglolokohan ba tayo dito huh Cloud?" sarkastiko kong
saad.

"Hindi ka din ba nagtataka na kung mahal ko talaga siya matagal ko ng


pinirmahan ang annulment na iniwan mo noon ng sa gayon maging madali para
sa amin ang lahat at hindi na namin kailangan pang itago ang relasyon
namin?" naumid naman ako sa sinabi nito. 

Pero saglit lang ay nahanap ko ang sagot sa tanong nito.

"Because you can't afford to lose everything Cloud, bakit ngayon ko nga
lang ba naisip na baka kaya hindi mo pinirmahan ang annulment papers na
iniwan ko ay dahil magiging mitsa ito ng pagkawala ng posisyon mo sa MEC.
Puputok ang balita na makalipas lang ang anim na buwan hiwalay na sila ng
asawa niya at kukuwestyunin nila ang kakayahan mo dahil ang pagsasama
nating dalawa ay nauwi lang sa wala."

"Ganyan ba kababaw ang pagkakakilala mo sa akin Sky?" Inaasahan ko na


magagalit siya sa akin dahil sa sinabi ko pero nangilid ang luha ko ng
magsalita ito na tila nasaktan sa mga sinabi ko. Lumunok naman ako at
pinilit na ipakitang balewala sa akin ang ipinapakita niya emosyon.

Hindi maaaring hayaan ko siya na tibagin ang pader na inilagay ko sa


pagitan namin at ipakitang hanggang ngayon naaapektuhan pa din ako sa
kanya...

"Bakit mali ba ako huh Cloud? E hindi nga ba't napilitan kang pakasalan
ako para masecure ang posisyon mo sa kompanya?" pagpapaalala ko sa kanya
sa dahilan kung bakit kami kinasal.

"Siguro nga at pinakasalan kita noon dahil sa kagustuhan ko na hindi


mawala ang posisyon ko sa kompanya pero mali ka kung iniisip mo na 'yun
na naman ang dahilan para hindi kita palayain sa kasal natin. You know
me, kung gaano ko kamahal si Charlotte na willing akong mawala ang lahat
sa akin makapiling lang siya."

Ngumiti ako at hindi ko itinago ang pait sa ngiti ko. "Paano kong hindi
malalaman kung sa araw-araw na nakasama kita noon wala kang pinaramdam sa
akin kung hindi si Charlotte lang ang mahal mo... na kahit sinaktan ka na
niya, siya pa rin ang ang gusto mong makasama... na hanggang kaibigan na
lang ako sa'yo at wala ng iba pa."

"I-I'm sorry if I make you feel that way---"

"Don't be, dahil tapos na ang lahat ng iyon. Pero tama ka, kaya mo ngang
bitawan ang lahat para sa kanya kaya siguro nga mali ako sa interprasyon
ko sa hindi mo paglaya sa kasal natin. Whatever your reason is, wala na
akong balak pang malaman, because it's in the past. And about what
happened to me years ago forget it---"

"Hindi ko na siya mahal. That's the reason Sky why I broke up with her,
at napakatanga ko dahil huli na ng mapagtanto ko iyon. I made a big
mistake thinking that I still love her. She was sick way back then Sky,
so I chose her without even realizing na awa na lang ang nararamdaman ko
sa kanya noon. But when you left dun lang unti-unting nagsink in sa akin
ang mga pagkakamali ko."

Siguro kung noon niya pa sinabi ang mga katagang 'hindi ko na siya mahal'
baka naiyak na ako sa tuwa at ako na ang maging pinakamasaya. Pero I
can't help but to feel this raging emotion dahil pakiramdam ko nasayang
lang ang lahat ng sakit na dinanas ko noon dahil sa lintik na pagmamahal
at pagpapakatanga ko sa kanya.

"A-awa? M-mistake? Naririnig mo ba ang sinasabi mo huh? Alam mo ba kung


gaano kahirap para sa akin ang palayain ka noon, because God knows kung
gaano kita kamahal na willing akong ibigay lahat-lahat sa 'yo. Tapos
ngayon, you'll tell me na awa lang ang lahat? Alam mo ba kung bakit kahit
mahirap para sa akin ang pakawalan ka ginawa ko pa din. Kasi mas mahirap
para sa akin ang makitang umiiyak ka dahil nahihirapan kang mamili sa
aming dalawa. Kaya nga ako na... ako na yung nagparaya, ako na yung
bumitaw tapos sasabihin mo sa akin nagkamali ka lang at awa lang ang
lahat, then para saan pa Cloud?! Para saan pa ang pagpaparaya ko?!
Sabihin mo!" hindi ko na napigilan at hinampas hampas ko siya sa dibdib.
Hindi naman ito umiiwas at tinatanggap lang ang bawat pananakit ko sa
kanya.

"Sorry, I'm sorry sige lang saktan mo lang ako dahil wala pa yan sa sakit
na naidulot ko sa 'yo. Kaya I'm sorry, sorry." paulit-ulit nitong saad at
tila 'sorry' lang ang alam na salita.
"S-sorry? Ilang beses ko na bang narinig yan mula sa'yo but do you really
mean that? Because if you do, you wouldn't hurt me all over again and
makes me feel that I am really such a fool for loving someone who
couldn't even distinguish the difference between sympathy and love."
hindi ko na siya inantay pang magsalita at pumanik na sa hagdan. Bubuksan
ko na sana ang pinto ng kwarto ko ng may maramdaman akong bisig na
pumalibot sa bewang ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at naramdaman ko
ang malakas na kabog ng puso ko. At natatakot ako sa nararamdaman ko kaya
naman nagpumiglas ako sa pagkakayakap niya sa akin pero nagmatigas ito at
mas lalo akong niyakap ng mahigpit.

(Play the song One more chance..)

"What must I do to make you wanna stay and take the hurt away and leave
it all to yesterday, what can I say to make you change your mind to have
a chance to turn the hands of time back to the days when you were
mine...Just give me one more chance for o-one last time.." napahinto ako
sa pagtangka kong pagkalas sa kanya ng bigla itong umawit. Hindi ako
pamilyar sa kinanta niya pero alam ko kung ano ang pinaparating niya base
na rin sa liriko ng awitin. Lumipas ang ilang segundo at tumahimik na ito
kaya muli kong tinangka na kumawala dito. Napahinto lang ako ng
maramdaman ko ang pagyugyog ng balikat nito tanda na umiiyak ito. Kaya
naman hindi ko na rin napigilan at unti-unting pumatak ang luha ko.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Hanggang sa nagtuloy-tuloy ang pagpatak nito at parang gripo na umagos at


tila ayaw maampat. Mula ng umalis ako at nag-umpisa ng panibagong buhay
kasama ang kambal, nangako ako sa sarili ko na hindi na ako iiyak dahil
sa kanya pero eto na naman ako.

Umiiyak.

You're doing it again Cloud, pinahihirapan mo na naman ako. Wala ka na


nga sa akin 'di ba? Pero bakit nasasaktan na naman ako? Bakit tila may
pumipiga sa puso ko at tila wala na namang katapusan ang pagluha ko?
"P-please F-forgive me Skyleigh, for hurting you. Sa lahat-lahat ng
masasakit na alaalang naranasan mo dahil sa akin. That's why I'm asking
for a chance to make it up to you. Sa inyo ng mga bata, sa lahat ng
pagkukulang ko. And t-this time hindi ko na hahayaan pang masaktan ka."
Bakas sa boses nito ang pakikiusap.

"Do you really want me to forgive you?" dahan-dahan itong kumawala sa


akin.Tumutulo ang luhang hinarap ko siya, tatangkain pa sana nitong
punasan ang luha ko ng umatras ako palayo dito. Napapahiyang ibinaba
naman nito ang mga kamay nito at hindi nakaligtas sa aking ang sakit sa
mga mata nito.

"Y-yes, I'll do whatever it takes just for you to forgive me."


Determinadong saad nito.

"Fine, I'll forgive you in one condition."

"Ano yun? Anything Sky gagawin ko."

"Stop asking for a chance for our marriage, let's get an annulment." Tila
naestatwa naman ito sa sinabi ko at hindi nakapagsalita. Gulat na gulat
sa sinabi ko.

"I-i said anything pero wag naman 'yon Sky k-kasi 'yun na lang ang
pinanghahawakan ko na pag-asa para m-makasama kita at mapatunayan sa 'yo
na nagsisisi na ako sa lahat lahat ng maling nagawa ko sa 'yo."
nanginginig ang boses nitong saad. Napapahawak pa ito sa bibig at tila
pinipigilan ang pag-iyak.

Napakagat labi naman ako at pilit huminga ng maayos sa kabila ng


paninikip ng dibdib ko na marahil dahil sa pag-iyak ko o dahil sa sakit
na naman na nararamdaman ko.

"Andyan pa ang mga bata, s-sila na lang Cloud. Sa kanila ka na lang


bumawi kasi ako tapos na sa'yo, ayoko na tama na ang noon, na paulit-ulit
kitang binigyan ng tsansa pero sinayang mo lang... kaya naman nakikiusap
ako t-tama na. Tapusin na natin ang relasyon na nagdudugtong sa atin, ang
pagiging mag-asawa." umiling-iling naman ito at lumapit sa akin. Hinaklit
nito ang mga braso ko at niyakap ako ng mahigpit. Nagpumiglas naman ako.

"A-ano ba Cloud tama na please, sa umpisa naman mali na ang dahilan ng


pagpapakasal natin at dahil doon nasaktan ako pero kung may
ipagpapasalamat ako sa nangyari. Yon ang mga anak natin pero  makinig ka
naman sa akin. Kung gusto mo talagang patawarin kita pakawalan mo na
ako---"napahinto ako sa pagsasalita at pagpupumiglas ng bumulong ito
malapit sa tenga ko.

"I love you, mahal na mahal kita kaya please lang Sky hilingin mo na
lahat sa akin wag lang ang pakawalan ka."

TBC

THANK YOU FOR READING AWS SORRY SA MATAGAL NA DI PAG-UUPDATE .. MADAMI


LANG TALAGANG GINAGAWA SA BUHAY XD :)

VOTE.COMMENT.FOLLOW.

=================

AWS CHAPTER 39

"You're not afraid to try again, you're just afraid of getting hurt for
the same reason..."

-Text Quotes

Chapter 39

"I love you, mahal na mahal kita kaya please lang Sky hilingin mo na
lahat sa akin wag lang ang pakawalan ka," napatigil ako sa pagpupumiglas
sa pagkakayakap sa akin ni Cloud ng marinig ko ang sinabi niya.

Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit ito sa aking pandinig.Hanggang sa


pakiramdam ko tumigil ang inog ng mundo at ang nangingibabaw lamang ay
ang malakas na tibok ng puso ko.
Tug.Tug.Tug.Tug.Tug

Ilang beses nga ba akong humiling noon na sana mahalin din ako ni Cloud.
Na sana dumating yung panahon na yayakapin ako nito ng mahigpit at
sasabihing mahal na mahal ako nito. Hindi ko na mabilang sa sobrang
daming beses ko itong inisip. Marahil dahil sa sobrang tagal ko siyang
minahal noon, that I even came to the point na pati pag-aantay sa isang
bulalakaw para humiling ginawa ko. Maging sa panaginip ko, itong eksenang
ito ang naiisip ko. Noon, ito ang pinakanais kong makamtan, 'yun ay ang
pagmamahal niya. Pero bakit ngayon na sinasabi niya ang mga katagang
mahal niya ako. Imbes na maging masaya ako, ang malakas na tibok ng puso
ko ang nangigibabaw pero hindi dahil sa saya kung hindi sa takot.

Takot -- na mapaniwala ko na naman ang sarili ko na totoo ang sinasabi


niya at bumalik ako sa dating Sky...na walang ginawa kung hindi ang
magpakatanga sa kanya...At ayoko, ayoko ng bumalik sa panahon na
'yon...Hindi ko pinagsisihan na minahal ko siya pero hindi ko rin
nanaisin na mahalin ulit siya....

Sa naisip ko ang malakas na tibok ng puso ko ay napalitan ng tila may


pumipiga dito. Alam na alam ko ang pakiramdam na ito. Nasasaktan na naman
ako... At sa pagpikit ko parang bumalik sa akin lahat ng masasakit na
alaala...

~*~

"Please Cloud ako na lang wag na siya. Hindi kita sasaktan katulad ng
ginawa niya. Mamahalin kita ng lubos pa sa kayang ibigay niya. Kahit ano
gagawin ko para sa 'yo. Please ako na lang ..AKIN KA NA LANG.."

"Why do you have to be like this Cloud? Sa ginagawa mo hindi lang ang
sarili mo ang sinasaktan mo kung hindi maging ako, kasi mahal kita.
Nagpapakagago ka sa kanya at ganun din naman ako sa'yo, hindi 'ba pwedeng
maging masaya na lang tayo?"

"Mahal pa din kita, nagsinungaling ako hindi ako naka-move on sa'yo, nung
umalis ka sirang-sira ako. Umasa ako na babalik ka pagkalipas ng ilang
araw, pero hindi nawala ka, Cloud. Ang tagal bago mo naisipan na tawagan
ako, at wala kang alam kung anong pinagdaanan ko ng umalis ka. Tapos
ngayon babalik ka at umaarte na parang ikaw lang ang nasaktan?!..News
flash hindi lang ikaw ang may karapatan masaktan!"
"I love you Cloud" hindi siya nagsalita at umiwas ng tingin sa akin...

"It's always been her. Ako ang nasa tabi mo pero siya ang laging laman ng
bibig mo. Ako ang asawa mo pero siya pa din ang nagmamay-ari ng puso mo.
Hanggang kailan pa ba ako mag-aantay na mapansin mo. Hanggang kailan ba
darating na ako naman? Ako naman ang mahal mo...Hindi isang gulong na
reserba sa tuwing sinasaktan ka niya...Sabihin mo sa akin Cloud kasi
onting-onti na lang bibitiw na ako kung yun ang makakapagpasaya sa'yo."

"Thank you for the memories Sky.In time you'll find someone who will love
you and I'm sorry that it won't be me because I am foolishly in love with
her."

~*~

"Sky narinig mo ba ang sinabi ko? Mahal kita. At gagawin ko ang lahat
maayos lang ang relasyon natin dahil hindi ko kayang mawala ka na naman
sa buhay ko."naputol ang pagbabalik-tanaw ko ng marinig ko ang
nagsusumamong boses nito. Parang napapasong naitulak ko na naman ito.
Bumadha naman ang sakit sa mga mata nito ng mas lumayo pa ako rito.
Natatakot ako na hawakan niya ako, dahil binubuksan niya ang mga alaalang
pilit ko ng ibinaon pa sa limot.

"Sky.." tatangkain pa nitong lumapit ng humakbang muli ako palayo.

"Diyan ka lang, huwag kang lumapit sa akin." tila naman naestatwa ito sa


kinatatayuan dahil sa sinabi ko.

"S-sky b-bakit? Hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko?"

"B-bakit? Ineexpect mo ba na yayakapin kita at magpapasalamat dahil sa


wakas minahal mo na rin ako?! Ganun ba 'yun Cloud?!" tila mauubusan ng
hiningang saad ko.

"H-hindi sa ganun-"
"Enough, di ba sabi ko tumigil ka na?! Na tigilan mo na ako, dahil wala
ka ng makukuha pa sa akin! At kahit ayoko ng mainvolve sa'yo, wala akong
choice dahil sa pagbali-baliktarin ko man ang lahat, ama ka pa rin ng
kambal. Pero ano na naman ba ito Cloud? Bakit sinasabi mo na mahal mo
ako?! We just met a few days ago after eight long years and now, you are
telling me that you love me?! Sinong maniniwala sa'yo?! Kung ginagawa mo
ito para sa kambal--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng inilang
hakbang lang ako nito at hinawakan sa balikat.

"Hindi nga ganon 'yon Sky! Nagkamali ako noon, it was a mistake. Mahirap
man paniwalaan pero totoo tong nararamdaman ko. And I am such a fool for
not realizing it then!"

"Then you're making the same mistake again Cloud." tila naguluhan naman
ito sa sinabi ko at napabitaw sa balikat ko.

"W-what do you mean?"

"Kung totoo nga ang sinasabi mo na awa na lang ang nararamdaman mo kay
Charlotte noon. Then you are making the same mistake again, naaawa ka
lang sa akin at naguguilty ka lang sa mga nalaman mo. Hindi mo ako mahal.
I admit nadepress ako noon dahil sa'yo, I even came to the point that I
was close to being insane, h-hindi makakain, h-hindi makatulog. Parang
tanga na umaasang babalikan mo ko, I was broken then but I survived. Kaya
kung ginagawa mo lang ito dahil gusto mong makabawi sa nangyari sa akin
noon then let me go. Palayain mo na ako sa kasal natin." hindi na ako
nag-abala pang punasan ang mga luha kong patuloy sa pag-agos dahil tutulo
lang naman itong muli. Nagpapasalamat na lang ako dahil mukhang mahimbing
ang tulog ng kambal at hindi nagigising sa ingay namin dahil ayokong
makita nila kaming nagkakaganito ng ama nila.

"Sky, hindi awa o pagkaguilty ang nararamdaman ko para sa'yo ngayon dahil
maniwala ka mahal na mahal kita. Hindi ko pa man alam ang nangyari sa'yo
noon nakipaghiwalay na ako kay Charlotte. Kaya please lang m-maniwala ka
naman oh." 

At parang bata ito na umiyak. Hindi man malakas pero mababanaag pa rin
ang sakit at pagsisisi sa boses nito.
Pero huli na ang lahat Cloud,dahil ayoko na...Dahil ang Sky na nasa harap
mo ngayon ay malayo sa dating Sky na mahal na mahal ka...

"H-hindi ko kaya na paniwalaan ka Cloud at isa pa kung totoo man ang


sinasabi mo. Wala na ring saysay pa iyon at hindi pa din 'nun mababali
ang desisyon ko na hiwalayan ka." tumalikod na ako ng pigilan na naman
ako nito at hinawakan ang kamay ko.

Bakit ba ayaw niya pang tumigil, pagod na pagod na ako...

"B-bakit? Anong dahilan? Dahil ba sa ginawa ko noon? Sky, nakikiusap ako


maniwala ka sa akin na hindi ko na uulitin ang saktan ka. Ipapakita-"

"Dahil hindi na kita mahal." naramdaman ko ang pagbitaw nito sa kamay


ko pero nanatili pa din akong nakatalikod dito. Lumipas ang ilang minuto
at hindi ito nagsalita pero naririnig ko pa din ang mahinang pag-iyak
niya. Sa pag-aakalang tapos na ang pag-uusap namin nagpasya na akong
pumasok sa kwarto ko.

"Tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mong h-hindi mo na ako mahal."


muli akong napahinto  sa pagpihit ng seradura ng pinto ng  marinig ang
gumagaralgal nitong boses. Bumuntong-hininga naman ako at pinunasan ang
mga mata kong puno na ng luha. Makaraan ay nilingon ko siya..

"H-hindi.na.kita.mahal." pilit kong pinatuwid ang boses ko at tinitigan


siya sa mga mata. Pagkatapos kong sabihin 'yun, hindi ko na ito inantay
pang pigilan ako nito at nagmamadaling pumasok ako sa kwarto ko.

Nanghihina naman akong dumiretso sa kama at muling pinakawalan ang mga


luha kong matagal na rin na hindi dumadaloy sa mga mata ko. Naipon ata
sila at parang wala na naman itong katapusan sa pag-agos. Napatingin ako
sa side table ko at nakita ang litrato ng Titamoms ko na nakangiti.
Kinuha ko ito at niyakap. Kung sana nandito siya ngayon, may mayayakap
ako at masasabihan ng nararamdaman ko.

"H-Hindi ko na siya mahal TitaMoms, a-ayoko na, w-wala na siya sa akin.


P-pero bakit na naman ako umiiyak at nasasaktan d-dahil sa kanya? B-
bakit?...Natatakot ako TitaMoms paano kung masaktan na naman ako dahil sa
muli niyang pagsulpot sa buhay ko?"

Wala kang choice kung hindi ang pakisamahan siya para sa kambal Leigh
pero ang tanong hindi mo na nga ba siya mahal? Nakamove on ka na ba
talaga?

Napapikit na lang ako at pinilit matulog upang maglaho ang binubulong ng


isip at puso ko.

-TBC

Mobile na lang gamit ko kaya natatagalan ang update :| May nagbabasa pa


ba nito ? :(

VOTE.

COMMENT.

=================

AWS CHAPTER 40

Sorry sa matagal na di paguupdate. Short update lang ito at filler lang.


Busy lang po ako talaga at kinakarir ko din po ang pag-eedit nitong story
mula Prologue. Anyway, salamat sa mga bumoboto at sa 5.6K na reads at
280+ votes ng AWS. Sa uulitin readers. Sana patuloy niyo pa ding abangan
ang AWS kahit dumadalang na ang update :/

                                                                       
~~~~~~~~~~~~~0~~~~~~~~~~~~~

Sometimes, God doesn't give you what you think you want, not because you
don't deserve it, but because you deserve better"

-@JESUS_IG

~~~~~~~~~~~~0~~~~~~~~~~~~

Chapter 40
Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Parang pinukpok
ang ulo ko sa sobrang sakit, sabayan pa ng pakiramdam ko ay namamaga kong
mata na ang hirap idilat.

What a bad morning-Wait morning pa ba?

Kahit nahihirapan ay pinilit kong bumangon at tinignan ang orasan sa tabi


ng kama ko.

12:30.

What the- Nakakapagtaka naman yata at hindi ako ginising ni Claudi. So


much for that, kailangan ko na ding kumilos para makapunta ako sa
eskwelahan ng kambal. Kailangan maayos ko na ang mga papeles na kailangan
para sa paglipat nila. I just hope hindi sila mahirapan mag-adjust sa
bago nilang school. Come to think of it, hindi ko pa nga pala nasasabi sa
kanila ang gagawin namin na pag-alis ng Davao.

Dumiretso ako sa banyo para maligo. Napapapikit pa ako sa sakit ng ulo ko


at mga mata ko. Pagharap na pagharap ko sa salamin tumambad sa akin ang
mata kong maga at maputlang mukha. Napabuntong-hininga na lang ako at
naghilamos ng mukha. Habang naliligo ako, hindi ko maiwasang maisip ang
mga naganap kagabi.

"I love you, mahal na mahal kita kaya please lang Sky hilingin mo na
lahat sa akin wag lang ang pakawalan ka."

Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit na naman ang sinabi sa akin ni


Cloud. Napadiin naman ang pagsha-shampoo ko sa buhok dahil sa inis sa
naiisip ko.

Bakit ba iniisip mo pa rin ang naganap kagabi Skyleigh? Tapos na iyon,


siguro naman nalinawan na si Cloud sa mga pinagsasabi niya kagabi. It's
really impossible na mahal ka niya, nasasabi niya lang iyon kasi
naguguilty lang siya sa  nalaman niya.
Hindi ba sabi ni Cloud nakipaghiwalay na siya kay Charlotte bago niya
malaman ang tungkol sa depression mo? So malay mo naman mahal ka niya
talaga...

"Damn, kailangan ko na naman ba magpacheck-up sa psychiatrist? Nababaliw


na ba ako at present na naman ang mga tinig sa utak ko?" pagkausap ko sa
sarili ko.

Hindi pa 'ko nakuntento sa mga tinig na bumubulong sa akin at nagawa ko


pang tanungin ang sarili ko kung nababaliw ako. Napailing na lang ako sa
sinabi at naiisip ko. Resulta lang siguro ito ng naganap sa amin ni
Cloud, kung anu-ano kasi ang pinagsasabi niya kagabi. Pina-alala niya pa
ang mga pangyayari noon na ibinaon ko na nga sa limot. Napapailing na
kinuha ko na lang ang tuwalya at ibinalot sa katawan ko at lumabas ng
banyo.

"What now? Paano ko na siya pakikiharapan after what happened last


night?" pagkausap ko sa sarili ko sa salamin habang nagpapahid ng lotion
sa katawan. Nagulat na lang ako at may biglang nagbukas ng pintuan ng
kwarto ko. It must be Claudi dahil naririnig ko ang boses niyang tila
papalapit.

"Mommmy! finally you are gising na, I was about to wake you up pinigilan
lang ako ni-" napahinto naman siya sa pagsasalita paglingon ko at nagulat
sa reaksyon ko.

"Aaaah sh*t!" napasigaw ako at hindi magkandaugaga sa paghahanap ng


ipantatakip sa katawan kong tanging pang-ibaba lang ang suot. Sa sobrang
pagmamadali ko, nadulas pa ako sa bote ng lotion na naibagsak ko sa gulat
marahil pagkakita sa taong nasa likod ni Claudi, walang iba kung hindi
ang ama nito. Napapikit ako sa naramdamang sakit sa balakang ko dahil sa
pagkakadulas ko.

"Mommmmmyyy ko..." napadilat ako ng mata ng marinig ko ang papaiyak na


boses ni Claudi. Agad itong tumakbo papalapit sa akin.

"Are you okay Sky?" napatingin ako kay Cloud na nakalapit na rin pala sa
akin at puno ng pag-aalala ang mukha. 
Doon ko lang narpagtanto na expose pa rin ang katawan ko sa kanya kaya
naman kahit nahihirapan kumilos hinila ko ang kumot na sa sobrang
pagmamadali ko kanina hindi ko naisip na imbes na tuwalya, ito na lang
sana ang ipinantaklob ko sa katawan ko. Nadulas pa tuloy ako.

Sus, kung umarte ka akala mo naman hindi niya pa nakita ang buo mong
katawan 'e ayan nga at may kambal na kayo, ano pa bang dapat mong itago?

Sigaw ng isang bahagi ng isip ko kaya naman masama akong tumingin kay
Cloud.

"Okay? Mukha ba akong okay? Kung bakit naman kasi pumanik ka dito ng
hindi--" napatigil ako sa pagsigaw kay Cloud ng umatungal si Claudi ng
iyak na nawala sa isip ko na nandito rin pala. To the rescue naman ang
ama nito at kinarga siya.

"Waaaaahh, Mommy is angry at us Daddyyyy." paulit-ulit nitong saad habang


walang tigil sa pag-iyak. Natakot ata sa pagsigaw ko kay Cloud.

"Anong nangyari Mommy?" napatingin ako sa pinto ng marinig si Klode na


palipat-lipat ang tingin sa amin. Pinilit kong tumayo kahit na ba
pakiramdam ko, nabalian ata ang balakang ko sa sobrang sakit. Naramdaman
ko naman na inalalayan ako ni Klode at tinulungan ako sa pagtayo.

"C-Claudi hindi galit sa'yo si Mommy." habang sinasabi ko 'yon hinigpitan


ko naman ang kapit sa kumot na nakabalot sa akin.

Feeling virgin Skyleigh?!

"T-then why d-did y-you make sigaw a-at Daddy?" humihikbing tanong sa
akin ni Claudi na nagpababa na sa ama nitong namumula ang mukha sa hindi
ko malamang dahilan.

Siyempre nakita niya katawan mo 'e. Hindi naman bato iyang si Cloud---
Napahawak naman ako sa sentido ko sa umeeksena na naman na tinig sa isip
ko. Pinagtuunan ko na lang ng pansin si Claudi na inaantay ang isasagot
ko sa tanong niya.

"N-nagulat lang kasi si Mommy na pumasok kayo sa room ko, 'e hindi pa ako
tapos magbihis and then nadulas pa ako pero hindi ako galit baby." pag-
aamo ko dito. Unti-unti naman itong tumigil sa pag-iyak at niyakap ako.
Napaigik ako ng maramdaman ulit ang sakit sa balakang ko.

"Mukhang napuruhan ka Sky, let's go to the hospital." Sinamaan ko naman


ng tingin si Cloud dahil una tinawag niya na naman akong Sky. At
panghuli, kung hindi naman dahil sa kanya na sumama pa sa anak ko
papanik, hindi ako madudulas at masasaktan.

"I'm fine, no need for that." Malamig ang boses na saad ko dito.

"You don't look fine to me, so don't be stubborn and let's go to the
hospital." tututol pa sana ako ng marinig ko ang boses ng kambal.

"Daddy's right Mom, mamaya you have a fractured bone na pala. We need to
make sure, so please let's go to hospital na." nakangusong saad sa akin
ni Claudi.

"They are right Mom, so just like what Dad said don't be stubborn and
listen to us." Saad naman ni Klode na kuhang-kuha ang boses ng ama niya.

Kaya ano pa bang magagawa ko, kahit na gusto ko pa ding tumutol dahil sa
ayoko talaga ang pumunta ng hospital. Sumang-ayon na din ako sa
kagustuhan ng kambal. So, imbes na school ang pupuntahan ko. Nauwi ako sa
hospital na siyang pinaka-aayawan ko...

TBC

=================
AWS CHAPTER 41

"Enjoy the little things for one day, you may look back and realize they
were actually a big things foryou.."

-Anonymous

Chapter 41

Hospital is a nightmare for me dahil kapag pumupunta ako dito, I've


always dream about that day, when I lost my parents. Pero ngayon habang
naglalakad ako sa ospital na ito at nakaalalay sa akin si Cloud (kahit na
nga ba ayaw ko pero wala akong choice kung hindi magpaalalay dahil sa
baka bumagsak pa ako pag nag-inarte ako). It reminds me of so many bad
memories that I'd experienced eight years ago. That day when Titamoms
died, and when I almost lost my kids.

"Anong sinasabi niyong ginawa niyo ang lahat?! Doktor kayo 'di ba?
Tungkulin niyong pagalingin ang pasyente, kaya buhayin niyo ang ama ko!
Buhayin niyo!" napadako ang paningin ko sa babaeng nasa mid twenties
siguro ang edad at malakas na humahagulgol habang inaalog ang doktor na
kausap nito.

Napahinto tuloy ako sa paglalakad at yumuko at pumatak ang luha ko ng


maalalang ganyan din ang itsura ko walong taon na ang nakakaraan ng
ideklara ng doktor na wala na ang Titamoms ko. At nagsisisi ako na hindi
ko man lang siya naalagaan bago siya pumanaw.

Dahil sa sobrang pagmamahal na iniukol ko kay Cloud, hindi ko man lang


napagtuunan ng pansin ang taong nag-aruga at nagmahal sa akin. And that
is one of the reason why I don't want to fall for him again.

"Bakit ka tumigil? Sobrang sakit na ba? Do you want me to carry you?"


Pasimple ko namang pinunasan ang luha na pumatak sa mga mata ko at
binigyan si Cloud ng malamig na tingin.

"Ayos lang ako, malapit na rin naman tayo sa orthopedics." tumango na


lang ito at pinagpatuloy na namin ang mabagal na paglalakad. Hindi naman
kasi emergency ang case ko kaya pinadiretso na lang kami sa specialist na
tumitingin sa mga nabalian. Gusto pa nga ni Cloud na i-wheelchair ako,
pero hindi naman ako ganon kabaldado para gamitin pa iyon. Habang
naglalakad kami, may mga babaeng nurse na nagbubulungan at parang
kinikilig sa presensiya ni Cloud. I can't blame them though, angat talaga
ang hitsura ni Cloud, in short gwapo. Wala namang kamalay-malay ang
katabi ko na pinagpapantasyahan na siya ng mga nadadaanan namin na babae.
Not that I care, they can fantasize with Cloud and I won't give a damn. 

"Miss, may pasyente pa ba sa loob?" Napaismid naman ako ng ngumiti ng


pagkatamis-tamis ang nurse na tinanungan niya na siyang nag-aassist sa
mga nagpapacheck-up.

"M-meron po Sir, pero patapos na din po si Doc. doon. Ano po bang masakit
sa inyo?" Napasimangot  ako ng marinig kong magsalita ito, iritable lang
ba ako sa sakit ng balakang ko o sadyang nakakainis lang talaga ang boses
ng babaeng kaharap ko na tila teenager na kinikilig? Iniwas ko na lang
ang tingin ko dito dahil baka hindi ako makapagpigil at masungitan ko
ito.

Sus, natatakot ka lang na baka sabihin ni Cloud na nagseselos ka sa


lumalandi sa kanya-

Wait, sinong nagseselos? Ako? Kakasabi ko nga lang kagabi na hindi ko na


siya mahal, so saan naman nanggagaling ang selos na iyan..Imposible..

Habang busy ako sa pakikipagtalo sa isang bahagi ng isip ko, narinig ko


na nagsalita si Cloud.

"Actually, hindi ako iyong magpapacheck-up, it's my wife." nakita ko ang


pagkawala ng ngiti ng kaharap namin ng sabihin ni Cloud na asawa niya
ako. Tumikhim naman iyong nurse at sinabing maupo na lang muna kami,
matapos 'non ay binigyan ako ng form ukol sa pagpapacheck-up ko.

"Hindi ka na dapat masanay na tawagin ako na asawa sa harap ng ibang tao,


dahil in just a matter of time magpapa-annul na din tayo."saad ko ng
matapos kong sulatan ang form na ibinigay sa akin.

Kinuha naman nito sa akin ang sinulat ko at ibinigay sa nurse, tila hindi
niya narinig ang mga sinabi ko.
Bumuntong-hininga na lang ako dahil mukhang hindi pa rin bukas sa isip
nito ang annulment na hinihingi ko.

Seryoso ba talaga siya sa mga sinabi niya sa akin kagabi?

Hindi naman siguro siya iiyak kung hindi totoo yun Sky!

"Who told you na papayag ako sa annulment na hinihingi mo?" marahas ko


namang binalingan si Cloud at binigyan ito ng naiinis na tingin.

"Hindi pa ba malinaw ang napag-usapan natin kagabi Cloud?!" Pigil ang


pagsigaw na saad ko dahil sa ayokong mag-eskandalo dito sa ospital.

Magsasalita pa sana ito ng tawagin na ng nurse ang pangalan ko. At labag


man sa loob ko na muli ako nitong hawakan, wala na naman akong nagawa
dahil nga sa masakit pa din ang balakang ko. At mukhang pati ulo ko,
masakit na din dahil sa nasstress ako sa kasama ko ngayon. Bakit ba ayaw
niyang ibigay sa akin ang hinihingi ko? At pilit ipinagsisiksikan ang
kagustuhan na humingi ng tsansa para ayusin ang isang relasyon na alam
naman naming tapos na noon pa man.Lastly,How can I believe someone na
naging hobby na 'ata ang saktan ako? Ilang beses ko na ba siyang binigyan
ng chance noon? Pero sinayang niya lang ang chance na 'yon...

"You may sit down." Hindi ko namalayan na nasa loob na kami ng clinic sa
lalim ng iniisip ko. Inalalayan naman ako ni Cloud para makaupo at tumayo
lang siya sa tabi ko. Binaling ko ang paningin ko sa doktor na titig na
titig sa akin.

Napapakunot-noo pa ito at tila may pilit na inaalala habang nakatingin pa


din sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mailang, pero habang nakatingin din
ako sa kanya pakiramdam ko kilala ko siya. Pamilyar talaga ang mukha
niya. Para bang nagkita na kami noon, pero saan?

Pilit ko pa ring iniisip kung sino ang doktor na nasa harap ko ng marinig
ko si Cloud na umubo ng malakas.
"Pwede bang tignan mo na ang asawa ko Doc, imbes na titigan siya." saad
ni Cloud at binigyan diin pa ang salitang 'asawa'. Hindi pa nakuntento at
inakbayan pa 'ko. Naiinis naman na inalis ko ang kamay nito sa balikat ko
at binigyan ng tingin na naiirita sa iniaasta nito.

The hell is wrong with him?!

"I'm sorry, I just can't help but to stare at her. 'Cause she really
looks familiar." inalis ko ang tingin kay Cloud at hinarap ang doktor na
alanganin ang ngiti na iginagawad sa akin.

"Lumang style na-hmmmp" tinakpan ko na ang bunganga ni Cloud bago pa niya


matapos ang sasabihin na tiyak kong maglalagay sa akin sa 'awkward' na
sitwasyon. Muli ko itong binalingan, at sinamaan ng tingin. I gave him a
look saying you-shut-up-or-else-I'm-gonna-walk-away-from-this-place. It's
a good thing na naintindihan niya naman ang pinaparating ko kaya tumango
ito. Inalis ko na ang pagkakahawak ko sa bibig nito at humihingi ng
pasensyang tumingin sa doktor na kung hindi ako nagkakamali mukhang
'naaaliw' sa amin ni Cloud.

"Pasensya na Doc,-"pinutol nito ang sasabihin ko at iwinasiwas pa ang mga


kamay at tila natatawa.

"Don't say sorry, ang sweet niyo nga ng asawa mo e.Possessive," tila
kinikilig pang saad nito. What the- Is he gay?

"Anyway, rest assured Mr-"tinignan nito ang form ko at muling ngumiti kay
Cloud, "..Vergara?"patanong nitong saad kay Cloud.

 Agad namang umiling si Cloud at itinama ito. Oo nga pala, since the day
I left him, hindi ko na ginamit pa ang apelyidong Monteciara at unfair
man sa mga bata hindi ko din pinagamit ito sa kanila sa takot na may
makaalam ng tungkol sa ama nila.

Ngumiti na lang ang doktor imbes na tanungin pa kung bakit hindi ko gamit
ang apelyido ng asawa ko. At mukhang hindi ako ang type nito na siyang
inaakala ni Cloud. Dahil sa malagkit na tingin na iginawad nito kay
Cloud, masasabi kong, Confirmed.
He's Gay.

"Anyway, ano bang maipaglilingkod ko sa'yo Mrs.Sky-" hindi nito natapos


ang sasabihin at biglang napatayo sa kinauupuan nito.

"I knew it! Sabi ko na nga ba kilala kita e," nakangiti nitong saad at
tinuturo-turo pa ako. Tila tuwang-tuwa sa naaalala niya. Nagtataka ko
tuloy siyang tinignan.

"W-what do you mean Doc?"tanong ko dito. Inabot naman nito ang kamay sa
akin.

"Greyson Eruja. Nakilala kita eight years ago..." napatakip ako sa bibig
ko dahil naalala ko na nga kung sino siya.

TBC

=================

AWS CHAPTER 42

Chapter 42

August 10, 200*

Magandang gabi sa inyong lahat, nawa'y mag-ingat ang lahat sa malakas na


hagupit ni Bagyong Sendong. Mangyari'y manatili na lamang po tayo sa
ating mga tahanan-

Muntik na akong mapasigaw ng biglang namatay ang radyo kasabay nito ang
pagdilim ng buong bahay. Sumilip ako sa bintana at sumalubong sa akin ang
madilim na kapaligiran dulot ng pagkawala ng kuryente.
Malakas ang ulan kaya marahil ay baha na rin. Napahawak naman ako sa
tiyan kong malaki na. Kabuwanan ko na at sana naman ay palipasin muna ang
bagyo bago ko manganak. Kinakabahan ako dahil sa mag-isa lang ako dito sa
bahay at wala akong makakatulong.

Sana kasi nakinig ka sa doktor na magpa-admit na sa ospital Sky!

Kung hindi lang ako nagtitipid sa gastos, nagpa-admit na talaga ako at


malay ko ba na magkakaroon ng bagyo? Hay.

Bumuntong-hininga na lang ako at dumiretso sa kusina para maghanap ng


kandila.Sa tulong ng liwanag na nagmumula sa cellphone ko, nakakita ako
at agad itong sinindihan. Maglalakad na sana ako bitbit ito at matutulog
na ng makaramdam ako ng pagsipa sa sinapupunan ko.

Napangiti ako. "Wag kayong matakot mga babies ko, nandito lang si Mommy."
pagkausap ko sa mga anak ko habang marahan kong hinihimas ang bilugan
kong tiyan. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang kambal ang
magiging anak ko. Kinakabahan ako dahil dalawa pa silang bubuhayin ko
gayung paubos na ang pera ko, but still I am glad with this blessings.

Nasa unang baitang na ako ng makaramdam ako ng muling pagsipa sa tiyan ko


pero kasabay nito ang pananakit na siyang nakapagpakaba sa akin.

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Exhale.

Paulit-ulit ko iyong ginawa pero nabitawan ko ang kandila at napakapit


ako sa balustre ng hagdan ng tumindi ang sakit nito. Patindi ng patindi
ang sakit hanggang sa napasigaw ako ng maramdaman kong pumutok na ang
panubigan ko.

Umiiyak na ako sa takot sa posibleng mangyari sa mga anak ko. Pero


nagpumilit akong tumayo at kinuha ang bag ko na naglalaman ng pera at
kakailanganin ko sa panganganak. Mabuti na lang at naihanda ko ito
kagabi. Umiiyak na tinungo ko ang pinto at lumabas. Hindi na rin ako
nakapagpayong dahil mahigpit ang kapit ko sa tiyan ko sa takot na may
mangyaring masama sa mga anak ko.

"Tulong! T-tulungan niyo 'ko!" mahinang sigaw ko but I doubt kung may
makakarinig sa akin dahil sa lakas ng ulan. Nakakita naman ako ng pag-asa
ng may dumaang sasakyan, delikado man pumunta ako sa gitna at inantay na
tumigil ang kotse. Nanghihina na ako sa sakit na nararamdaman ko kaya
naman napaupo na lang ako sa kalsada.

"Miss, nagmamadali ako- What the, may masakit ba sa'yo?" Pilit kong
iniangat ang paningin ko sa lalaking bumaba sa sasakyan nito.

"T-Tulong, tulungan mo kami n-ng mga anak ko," umiiyak kong saad. Dumako
naman ang paningin nito sa tiyan ko at nanlaki ang mata.

"Oh my gahd, kabuwanan mo na ba!?"tumango ako at agad-agad ako nitong


binuhat papasok sa backseat ng kotse.

"Aaaaaaaaahh,"napasigaw ako at napahagulgol ng makaramdam muli ng sakit,


patindi ito ng patindi hanggang sa pakiramdam ko lalabas na ang anak ko.
Pumikit na lang ako at nanalangin na sana maging maayos ang lahat.

"Sh*t, Miss s-sandali lang dadalhin kita sa ospital. Just calm down. N-
nasaan ba kasi ang a-asawa mo? S-shall I call him?" Napadilat naman ako
at sunod-sunod na umiling.

"I-I am a-alone." mas lalo akong napaiyak ng sabihin ko ang mga katagang
'yun.

I am alone and I am so afraid that something bad will happen to my


children ...

Nakaintindi naman ito at agad pinaandar ang kotse. Patuloy pa din ako sa
pag-iyak dahil sa patindi na talaga ng patindi ang sakit. Lumipas ang
ilang minuto ng biglang tumigil ang kotse.
Thank God finally-

"Sh*t, naubusan ng gas!"

"Aaaaahhhhhhh," napahawak ako sa ibaba ko ng makaramdam na parang may


lumalabas dito. And to my horror,it's blood.

"Oh god,"napatingin naman ako sa lalaki at namumutla ang mukha nito. Para
namang natauhan ito ng muli akong sumigaw kaya agad-agad itong lumabas ng
sasakyan at umikot papunta sa akin.

"Lie down!" sinunod ko naman ito at kahit nahihirapan ay nakahiga ako.


Nasa labas ito at di na alintana na nababasa siya ng ulan.

"Now, spread your legs!" hindi na ako nito inantay pa at siya na ang
kusang naghiwalay ng mga binti ko. Napahawak ako sa kamay nito ng
maramdaman kong ibinababa nito ang underwear ko.

"W-what are you doing?" nanghihina kong tanong.

"We don't have a choice, pumutok na ang panubigan mo and you're bleeding.
It's either you deliver now or you're gonna lose your child. Don't worry,
I'm Dr.Greyson Eruja. And I'll do everything for your child."

And with the help of that doctor named Greyson Eruja, I delivered my son
and daughter safely. I owe our lives to him.

Present
"Kilala mo ba talaga siya?" Nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang
boses ni Cloud. Hindi ko naman ito pinansin at inabot ko ang kamay ko kay
Dr.Greyson.

"I'm Skyleigh Vergara and I'm really happy to see you Dr.Greyson. Thank
you very much for what you've done to me eight years ago." maluha-luha ko
pang saad. 

You can't blame me, utang ko sa kanya ang buhay ng kambal. Hindi na rin
ako nakapagpasalamat sa kanya noon dahil nagising ako na nasa ospital na
at nakaalis na siya. Hinanap ko siya, only to find out na nagpunta pala
siya ng ibang bansa.

"No worries kahit sino naman gagawin 'yun, masaya din ako na makita kang
muli. Hindi lang kita agad nakilala dahil you've changed a lot. Anyway,
Kumusta na ang mga baby mo? I am very sure lumaki silang maganda at
gwapo, just by looking at you and your husband." Umupo na ito matapos
bitawan ang kamay ko.

"Excuse me, but may I know kung paano kayo nagkakilala ng asawa ko at
paano mo nakilala ang mga anak ko?" napansin ko ang talas sa pananalita
ni Cloud kaya naman nilingon ko ito.

"Look Cloud, as you can see magpapacheck-up ako. Why don't you go outside
and call Kleng 'cause I'm really sure the twin are waiting for our call."
Sumimangot naman ito at tututol sana ng dumaing ako ng pananakit ng
balakang para maalala nito ang dahilan ng pagpunta namin sa ospital.
Sumunod na rin naman ito pero nag-iwan ng mga katagang,

"Hey Dr.Gr-oh whatever is your name. Just do your job and nothing else."
Napaface-palm na lang ako sa hiya kay Dr.Grey sa iniaasta ni Cloud.

God, kung malalaman niya lang kung anong naitulong sa akin ni Dr.Grey
ewan ko na lang kung hindi siya mahiya.

"Pagpasensyahan mo na si Cloud, Dr.Grey."


"Don't worry wala sa akin 'yun, nakakatuwa nga kayong panoorin, ang sweet
ng hubby mo." Napangiwi naman ako ng umakto itong kinikilig.

"Ano namang sweet doon Dr.Grey?" Takang tanong ko.

"Ay 'teh halata naman, nagseselos ang hubby mo sa akin. Kung alam niya
lang na siya ang type ko at hindi ikaw-" Napahawak naman ito sa bibig ng
mapansin ang tila nanlaki kong mata.

I know he's gay, I just can't imagine na may magkakagustong bakla kay
Cloud...

"Uy 'teh sorry, Joke lang 'yun. Joke lang wag mong pansinin hehehe.
Anyway, Grey na lang itawag mo sa akin. Siguro, malalaki na 'yung mga
anak niyo, kapag pa rin naaalala ko kung gaano sila kalambot ng una ko
silang mahawakan. Jesus, nakakatakot talaga nung araw na iyon." Natawa
naman ako ng tuloy-tuloy itong magsalita tila nahihiya sa mga sinabi niya
kaya binabago ang paksa.

"Anyway, bakit ka nga pala napunta dito? Anong masakit sa iyo?" Sinabi ko
naman ang nangyari sa balakang ko at inutusan niya akong mahiga sa bed na
para sa mga katulad kong pasyente para matignan ang kondisyon ko.

"Mmmm, mukhang hindi ka naman nabalian at nabugbog lang ang balakang mo


base sa pamamaga nito pero para makasigurado tayo magpa X-ray ka na din."
Ibinaba ko na ang damit ko ng may biglang pumasok.

"What the hell -- anong ginawa mo sa asawa ko!?" Namalayan ko na lang na


kinuwelyahan ni Cloud si Grey at nanlilisik ang mga mata niya sa pobreng
doktor.

"Stop it Cloud, what do you think you are doing?! He's just checking my
condition. Now, let him go." Agad naman nitong binitawan si Grey na
namumutla ang mukha.
"I-I'm sorry, I thought-" Tumikhim na lang ito at iniwas ang tingin kay
Grey.

"Dapat ka lang talagang humingi ng sorry --"

"Sky enough I'm fine. Anyway, rest assured Mr.Monteciara. Hindi kami talo
ng Misis mo." Kung hindi lang ako nabubwisit kay Cloud, natawa ako sa
hitsura nitong mukhang naintindihan ang sinabi ni Grey.

"W-what do you mean?"

"Isn't it obvious? I'm gay pare."

Katahimikan.

Katahimikan.

Si Cloud- na mukhang nagulat sa sinabi ni Grey. Namumutla at tila


pinagpapawisan.

Si Grey- na seryoso ang mukha at di kababakasan ng pagbibiro ang boses.

At ako- na hindi ko malaman kung matatawa ako sa epic na hitsura ni


Cloud.

Well, I kinda expected his reaction sa sinabi ni Grey. After all, ang
isang kahinaan ni Cloud ay isang bakla. He's a homophobic- na nakuha niya
dahil sa trauma ng may nanghalik sa kanyang beki during his high school
days. Nalaman ko ito mula kay Thunder 'nung mga panahong kinukulit ko
siya na magkwento tungkol sa kapatid niya.

"Ah ganon ba? Sige, i-check mo na si Sky at lalabas na ako." Maglalakad


na sana ito palabas ng bigla itong akbayan ni Grey.
"Wait lang pare, Your wife needs an X-ray so you should assist her.
Tanungin mo na lang ang nurse kung nasaan ang x-ray room." Parang napaso
naman na inalis ni Cloud ang pagkaka-akbay ni Grey sa kanya at lumapit sa
akin.

"L-Let's go para makauwi na din tayo." Tumango naman ako at sumama na din
dito.

Bago kami lumabas ng kwarto liningon ko pa si Grey at natawa naman ako ng


kindatan ako nito.

I knew it pinag-tripan niya si Cloud..

TBC

Anong masasabi niyo sa pagiging homophobic ni Cloud? Hahahaha LoL :)

Anyway, comments and votes naman kayo. I will really appreciate it


especially now na kailangan ko ng inspiration na tapusin na kaagad ang a
wife's secret dahil sa bagong story kong gagawin na sisiguraduhin kong
magugustuhan niyo :)

COMMENT.

VOTE.

FOLLOW.

Thanks for reading :)

=================

AWS CHAPTER 43

Chapter 43

"Now, it's all done." Napahinga naman ako ng malalim ng isa-isang alisin
ni Grey ang malalaking karayom na inilagay niya sa balakang ko.
Nang matapos ito ay ibinaba ko na ang suot kong blouse.

"Ano ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang balakang mo?" Pinakiramdaman ko


ang balakang ko at medyo hindi na ito masakit. Mukhang tama ang desisyon
ko sa pagpayag sa acupuncture na isinagawa ni Grey kanina.

"Well, nag-subside na 'yung pain. Thanks, Grey." Nakangiti kong saad.


Bumaba ako sa kama at dumiretso sa upuan kaharap ng table nito.

"Mabuti naman, pasalamat ka wala namang bali 'yang balakang mo. Just take
a rest at mag-take ka ng pain killers kapag sumakit ulit. Ikaw naman
kasi, bakit ka ba nadulas?" His question caught me off guard, sasabihin
ko ba sa kanya na dahil sa nataranta ko na makita ni Cloud ang halos
hubad kong katawan kaya nadulas ako?

"Hoy, ano na? Nawala lang ganun?" Natawa naman ako sa iniipit nitong
boses. Kapag tinitignan ko siya, hindi pa din ako makapaniwala na bakla
siya. Madami ang nanghihinayang sa kanya panigurado, gwapo kasi si Grey.
Bilugan ang mata nito na may mahahabang pilik-mata (mas mahaba pa kaysa
sa akin), matangos ang ilong at manipis at mamula-mula ang labi nito.

Sa sandaling oras na pakikipagkwentuhan ko sa kanya habang ginagamot niya


'ko kanina, naging magkaibigan agad kami. He told me stories about his
life, like hindi tanggap ng parents niya na bakla siya kaya naglungga
ulit siya dito sa Davao. Laking-Maynila pala si Grey at nabibilang sa
isang buena familia. Nakakalungkot nga lang na kailangan niyang lumayo
dahil sa hindi siya matanggap ng sarili niyang mga kadugo.

"Sorry, actually n-nadulas ako sa taranta kasi s-si Cloud, h-he entered
my room while I'm half-naked." Napayuko naman ako ng humagalpak ito ng
tawa.

"So what's wrong with that, girl? May mga anak na nga kayo kung maka-arte
ka naman diyan, pa-virgin lang ganun? Alam mo, kung ako sa'yo pagbigyan
mo na ang hinihinging chance sa'yo niyang asawa mo."
Kung nagkwento siya sa akin, malamang ganun din ako. Ewan ko ba, ang
bilis ko siyang nakagaanan ng loob to the point na naikwento ko sa kanya
ang history namin ni Cloud. Siguro dahil sa siya ang nagligtas ng buhay
namin ng kambal kaya panatag ako sa kanya.

Malalim akong bumuntong-hininga at malungkot na ngumiti, "I c-can't."

"Why? Hindi mo na ba siya mahal?" Napipilan ako sa tanong nito.

Kagabi lang paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na hindi ko na mahal si


Cloud pero bakit hindi ako makasagot sa tanong ni Grey?

"Oh, ba't hindi ka na nakasagot? Wag mong sabihing..." Makahulugan itong


tumingin sa akin at bago pa man nito maituloy ang sasabihin, malakas na
katok mula sa pinto ang pumukaw ng atensyon namin.

Hindi ko na kailangan lumabas para malaman na si Cloud ang kumatok, pang-


ilang beses niya ng katok 'yan simula kanina pa. Hindi na talaga siya
pumasok sa loob ng opisina at nagpakita kay Grey.

"Mukhang atat na atat na ang asawa mo, labasin mo na baka masapak na


talaga 'ko 'nun. On second thought, I don't think kaya niya 'kong saktan,
'e ang makita nga lang ako ayaw niya na. Dapat ba akong matuwa na
homophobic siya o mainsulto?" Tatawa-tawang saad nito kaya tumayo na rin
ako at nagpaalam. Napag-usapan namin na ipapakilala ko na lang ang kambal
sa kanya kapag nadalaw siya sa Maynila.

-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-ʹ-

"What took you so long?" Nakabusangot na mukha ni Cloud ang sumalubong sa


akin pagkalabas ko mula sa opisina ni Grey.

"Hindi ko sinabing antayin mo 'ko, sana nauna ka na." Hindi na ito kumibo
kaya naman nauna na akong maglakad.
"I'm fine, kaya ko ng maglakad mag-isa." Saad ko ng tangka nitong
alalayan pa ako.

Mabagal ang paglalakad ko dahil nga sa kumikirot pa din ang balakang ko,
nagpapasalamat na lang ako at nanatiling tahimik si Cloud. Ayokong
makipag-argumento sa kanya tungkol kay Grey at tungkol sa naganap kagabi.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng makasakay ako ng kotse, kung 'di lang
dahil kay Grey nunca na magtagal ako sa ospital. Akala ko hindi na
magsasalita si Cloud pero nagkamali ako...

"Paano nga pala kayo nagkakilala ng bakla na 'yon?" Tanong nito habang
nagmamaneho. Nag-init naman ang ulo ko sa pagtukoy nito kay Grey.

"Cloud, may pangalan 'yung tao, so please stop calling him gay!" Puno ng
pagkayamot kong saad dito.

"What's wrong with me calling him gay? 'E 'yun naman talaga siya ah."
Inis ko naman itong nilingon sa baluktot nitong dahilan.

"Stop the car." Mariin kong saad.

"What?! C'mon Sky, ng dahil lang sa bakla-" Naputol ang sasabihin nito ng
tangkain kong lumabas habang umaandar ang kotse. Agad-agad niya naman
itong itinabi sa gilid ng daan.

"The hell Sky, magpapakamatay ka ba!?" Galit na saad nito.

"I said stop calling me Sky!" Pilit kong inaalis ang suot kong seatbelt
pero hindi ko alam kung bakit ayaw nitong matanggal.

"Fine, I'm sorry Leigh! Sorry for calling you Sky and sorry for calling
names to that doctor.Now, pwede na ba tayong umalis?!" Napagod na rin ako
sa pagpupumilit makalabas kaya bumuntong-hininga na lang ako at hindi na
nagsalita pa. Gusto ko na din naman makauwi dahil malamang kanina pa kami
inaantay ng kambal. Pero hindi pa din nawawala ang inis ko dito sa
pinagsasabi nito kay Grey.

"Galit ka pa ba?" Pabulong nitong tanong na hindi ko naman pinansin.

"Again, I'm sorry. It's just that I really don't like..." Tumigil ito sa
pagsasalita kaya nilingon ko ito. "Gays." Napalunok pa ito ng sumama na
naman ang tingin ko rito.

"I know you don't like them because of you being a homophobic but still
hindi pa din 'non maju-justify ang iniasta mo kay Grey. Hindi lahat ng
bakla hahalikan ka." Muntik na akong mapasubsob sa dashboard ng bigla
itong pumreno.

Pulang-pula ang mukha nitong nilingon ako. "F*ck, h-how did you know
that?!" 

"Thunder." Simple kong saad, he gave me the I-knew-it look. Napilitan


naman itong magmaneho ng sunod-sunod na busina ang natanggap namin. Doon
ko lang napansin na nasa gitna pala kami ng highway.

"Damn that freaking Thunder! I swear I'm gonna strangle his neck the
moment I see him!" Paulit-ulit niyang sabi at hindi maalis ang pamumula
ng mukha nito. Halatang hiyang-hiya na alam ko ang nangyari sa kanya
noon.

So kahit na naiinis ako sa ugali niya kanina with the way he acted
towards Grey, hindi ko maiwasang matawa sa epic na hitsura nito.

"And now you're laughing, I am embarrassed with you -- knowing my secret


but hearing you laugh..." Napatigil ako sa pagtawa ng saglit ako nitong
lingunin "Hmmm... Not bad." Tumikhim naman ako at umayos na lang ng upo.

"Do you really wanna know kung paano ko nakilala si Grey?" Saad ko
makalipas ang ilang segundong katahimikan.
"Paano nga ba?" Bakas ang kagustuhan sa boses nitong marinig ang susunod
kong sasabihin.

Huminga ko ng malalim. "Kabuwanan ko na noon ng magkaroon ng malakas na


bagyo dito sa Davao. I-I was alone and I didn't know what to do ng
maramdaman kong manganganak na ako..." Binaling ko ang paningin sa labas
at ipinagpatuloy ang pagkukwento ko "I was desperate na masagip ang buhay
ng mga anak ko kaya ng may makita akong kotse, hinarang ko ito...Si Grey
ang may-ari 'non. He was the one who helped me... Kamalasan, naubusan pa
kami ng gas, I was bleeding that time so I had no choice but to give
birth in his car. Si Grey ang nagpaanak sa 'kin, kung hindi dahil sa
kanya... Baka wala na ang kambal maging ako..."

Mahabang katahimikan ang pumailanlang sa pagitan naming dalawa ng


makarinig ako ng mahinang paghikbi. Napalingon naman ako kay Cloud at
nagulat ng makitang umiiyak ito. Itinabi nito ang sasakyan sa gilid ng
daan at isinubsob ang mukha sa manibela habang patuloy ito sa pag-iyak.

Hahawakan ko sana ito sa balikat dahil may nag-uudyok sa akin na aluin


ito (dahil hindi ko kailanman nagustuhan makitang umiyak si Cloud) ng
bigla siyang nagsalita.

"I-I'm sorry, I know kulang ang sorry ko sa lahat ng paghihirap na


dinanas mo. Ako dapat ang kasama mo ng mga panahon na 'yun. Ako dapat ang
umalalay sa'yo noon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling may
nangyaring masama sa inyo ng mga bata. I'm sorry Sky..." Humihikbing saad
nito. Napalunok ako ng maramdaman ang bikig na humaharang sa lalamunan
ko. Gusto ko mang sabihing ayos lang ang lahat, hindi ako makapagsalita.
Natatakot ako na sa sandaling bumuka ang bibig ko, kumawala ang mga
pinipigil kong luha. At ayoko, ayokong makita niyang umiiyak na naman
ako.

Bakit pakiramdam ko habang umiiyak siya at nakikita ko ang pagsisisi sa


kanya, muli akong nahuhulog sa kumunoy na kinasadlakan ko noong panahong
minahal ko siya...

And I don't want this. I don't want this feeling...


TBC

Sorry for the late update.. Last night pa sana 'to unfortunately nawala
ang drafts ko. Nagloko na naman si wattpad..

Anyway, thanks sa mga nag-add nito to their reading list at patuloy na


nagbabasa.. Please vote and comment naman guys! ^^,

PS. I suggest basahin niyo ulit ang chapter 32 (His side) may nadagdag
doon regarding sa feelings ni Cloud. Mahaba ang naidagdag ko doon. 'Yun
lang :)

=================

AWS CHAPTER 44

Chapter 44

Nang gabing umalis ako sa bahay namin ni Cloud dahil sa ayoko na siyang
pahirapan pa at gusto kong maprotektahan ang anak ko. Nang panahong
naabutan ko si Titamoms na malayo sa dati niyang hitsura dahil sa sakit
niya na hindi ko man lang nalaman. Nang maiwan akong mag-isa, nang muntik
ng mawala sa akin ang anak ko. Unti-unti binago ko ang sarili ko dahil
kailangan kong maging matatag, malayo sa dating Sky na isang mahina at
walang ginawa kung 'di umiyak... Kasabay ng pagbabagong 'yun ang unti-
unti ring pagkawala ng nararamdaman ko sa lalaking minahal ko ng buong
puso...

But now, hearing him cry his heart out because of what happened to me,
hearing him said that he loves me, I started having doubts about my
feelings for him... Hindi na dapat 'e, dahil ng mga panahong wala siya sa
tabi ko, sigurado ako na hindi ko na siya mahal... Pero ngayon hindi ko
alam kung nawala nga ba talaga ang pagmamahal ko kay Cloud o nagtago lang
ito sa kaibuturan ng aking puso? Pero hindi, hindi maaari.

"A-about what you asked last night..." Nabalik ako sa kasalukuyan at


naibaling ko ang paningin ko kay Cloud na huminto na sa pag-iyak pero
kitang-kita pa din ang pamumula ng mga mata nito.

"A-ano 'yun?" Kinakabahang tanong ko.


"T-the annulment..."

Ibibigay niya na ba? Hindi ba dapat maging masaya 'ko dahil papayag na
siya? Then bakit... Bakit sumisikip ang puso ko?

"...I'll give it to you."

Napalunok ako sa sinabi nito at nararamdaman ko ang lakas ng kabog ng


puso ko.

Masaya ka na ba Sky?

"T-that's good --" Mautal-utal kong saad at pilit ngumingiti.

"With me...knowing about all your hardships this past eight years...I
can't help but to blame myself..." Naramdaman ko ang paghawak nito sa
kamay ko. Mas lalo tuloy nagrigodon ang puso ko at nakakatakot na sa
sobrang lakas baka marinig niya ito...

"Cloud..." Aalisin ko na sana ang hawak niya sa akin ng hinigpitan niya


ang kapit niya dito.

"I know I don't deserve you... At hindi ko rin deserve ang hinihingi kong
chance sa 'yo... That's why..."

Ano susuko ka na Cloud?! Duwag ka, ganyan ka naman lagi 'e---

"That's why I'm asking you for a deal."

"W-what?" Naguguluhan kong tanong dito.


"One month Sky. Just one month." Napipilan ako sa sinabi nito.
Naguguluhan sa kung ano ang ibig niyang sabihin.

"C-cloud, ano bang sinasabi mo?" Nakahinga naman ako ng maluwag ng


bitawan na nito ang kaliwa kong kamay.

"I'll show you how much I love you for that one month.  I'm not asking
for you to love me again Sky. Gusto ko lang bumawi sa lahat ng ginawa mo
para sa akin noon. Gusto ko lang din maranasan nila Claudi at Klode na
buo tayo. Pagkatapos 'nun..." Natigilan ito at napapikit tila hirap na
hirap sa susunod niyang sasabihin "...I'll let you go, ibibigay ko na
sa'yo ang annulment na hinihingi mo."

Hindi ko maialis ang tingin ko kay Cloud dahil sa sinabi nito. Nakapikit
pa din ito at may mga luhang pumapatak sa mga pisngi nito. Hindi ko
maintindihan ang nararamdaman ko, ang alam ko lang hindi ko magugustuhan
ang kahihinatnan nito.

Tug.Tug.Tug.Tug.Tug

Napahawak ako sa aking dibdib at damang-dama ko ang malakas na pagpintig


ng puso ko.

"I-I don't know what to say Cloud, h-hindi ba pwedeng..." Napalunok ako
ng dumilat ito at umaasang tumingin sa akin "...manatili na lang tayo sa
kung ano tayo ngayon, hindi ba paaasahin lang natin sila Klode at Claudi
k-kung pagbibigyan kita sa gusto mo?" Mahina kong saad.

"Sky... ganun ba talaga kahirap para sa'yo ang makasama ako?" Nanginginig
ang boses nitong saad. Iniwas ko naman ang tingin sa huli at napayuko.

'Wag kang papayag Sky!

Pumayag ka Sky para sa mga bata!

Hindi! Paano kung mahulog ka na naman sa kanya? Paano kung masaktan ka na


naman?
Pumayag ka! Paano kung 'eto na ang daan para mas lalo kang sumaya-- kayo
ng mga anak mo.

"I-I understand. Pasensya ka na kung ipinipilit ko ang sarili ko sa'yo


---"

"Fine, one month. Just one month Cloud." Pagputol ko sa ano pa mang
sasabihin nito.

Hindi ko alam kung tama bang sinunod ko ang kagustuhan ng puso ko o mali
na hindi ko pinakinggan ang utak ko.

I wonder what will happen after one month...

"Thanks Sky... I promise, I'll do everything to make you and the kids
happy." Hindi ko na ito pinansin pa at pumikit na lang. Naramdaman ko na
lang na pinaandar na nito ang kotse. Hindi ko namalayang nakatulog na
pala ako.

₪-'-'-'-'-'-'-'-'-'-'-₪

Nagmulat ako ng mata ng maramdaman kong lumulutang ako. Naamoy ko ang


pamilyar na pabango at isa lang ang pumasok sa isip ko.

Cloud...

Napagtanto ko na lang na karga-karga ako nito na parang sa bagong-


kasal...

Dumilat ako ng mata at namalayan ko na lang na tinititigan ko na pala si


Cloud. Mula sa mata hanggang sa mamula-mulang labi, wala akong
pinalagpas. Nagtagal ang paningin ko sa labi nito, naalala ko tuloy ang
mga pinagsaluhan-
What the- ano bang iniisip ko?!

Damang-dama ko ang pag-iinit ng mukha ko kaya naman nagtangka akong


bumaba pero muntik na akong mapatili ng humigpit ang kapit nito sa akin.

"Stay still, alam kong pagod ka." Tututol pa sana ako pero bigla itong
yumuko at nginitian ako. Sa takot na makita nito ang pamumula ko, yumuko
ako at itinago ang mukha sa matipuno nitong dibdib. Napalunok ako ng
madama ko ang malakas na tibok ng puso nito.

Namalayan ko na lang na nasa loob na pala kami ng kwarto at dahan-dahan


ako nitong inilapag sa kama. Marahil ay tulog ang kambal kaya hindi sila
sumalubong sa amin ni Cloud. Pipikit na sana ako ng muling makaramdam ng
antok ng maramdaman ko ang malambot na labi ng huli sa aking noo.
Nagtagal ito doon kaya nagsimula na naman ang pagririgodon ng puso ko.

"Sleep well Sky...Sweet dreams. I love you..."

Narinig ko ang pagsara ng pinto at sa hindi ko malaman na dahilan,


hinaplos ko ang noo ko at napangiti.

Stop it, before it's too late Sky...

Just follow what your heart wants Sky...

Hindi palagi ang puso ang masusunod, ginamit mo na yan noon hindi ka
naman naging masaya...

Naging masaya ka Sky, alalahanin mo ang masasayang sandali sa piling ni


Cloud...At ang naging resulta ng pagmamahal mo sa kanya... Ang kambal...
Nakatulog na ako na patuloy pa rin nagdedebate ang puso at utak ko...
Sino kaya sa mga ito ang susundin ko?

TBC

VOTE

COMMENT.

FOLLOW.

=================

AWS CHAPTER 45

Chapter 45

Puno ng mga naglilipanang paru-paro at naggagandahang bulaklak ang


paligid na kinaroroonan ko. Para kong nasa isang hardin, isang paraiso.

Pero nasaan nga ba ako?

"Skyleigh..." Lumingon ako at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.

"Titamoms..." Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ko siya ng


napakahigpit.

"Pasensya ka na mahal kong Sky." Napabitaw ako sa kanya at tinitigan


siya.

Napakaganda ni Titamoms, malayo sa hitsura niya ng pumanaw siya. Mahaba


na ang kanyang buhok na nakalbo dahil sa sakit niya. Hindi na siya
maputla at kitang-kita ang kaluwalhatian sa kanya. Alam kong nasa isa
akong panaginip at umaasa ako na magtagal ako dito.

"Anong sinasabi niyo TitaMoms?" Hinaplos nito ang buhok ko na palagi


niyang ginagawa mula ng bata pa ako.
"Dahil kinailangan kong iwanan ka...Nais ko pa sanang magtagal kapiling
ka at ng mga apo ko pero hindi ko hawak ang buhay ko..." Napaluha naman
ako sa sinabi ni Titamoms.

"Ayos lang po ako TitaMoms, 'wag po kayong mag-alala, masaya ako kasama
ang kambal."

"Alam kong masaya ka kasama ng mga anak mo, ngunit mukhang may
nagpapagulo sa isip at puso mo Sky..."

"Titamoms..."

"Lagi mo lang tatandaan Sky, gamitin mo ang puso mo para sumaya ka..."
Hinawakan pa nito ang dibdib ko. "Pero kapag muli kang nasaktan,
pakinggan mo ang inuutos ng utak mo..." Hinaplos naman nito ang buhok ko
at binigyan niya ako ng isang ngiti...Ngiting matagal ko ng hindi
nakikita...

"'Wag kang matakot sumubok muli Sky, malay mo ito na pala ang susi para
lubusan kang maging masaya..."

♣♣♣♣♣

Isang malakas na tunog mula sa cellphone ko ang gumising sa akin.  

Panaginip.

Isang napakagandang panaginip.

Hanggang sa kabilang buhay ginagabayan ako ni Titamoms. Sana maulit muli


ang panaginip na iyon. Sabi nila ang isang panaginip ay maaaring
makalimutan mo kapag nagising ka na. Pero tumimo ang mga sinabi sa akin
ni Titamoms. Ang tanong, masusunod ko kaya ang mga pangaral na iyon?

Nabalik ako sa kasalukuyan ng wala pa ring tigil sa pagtunog ang


cellphone ko. Kinuha ko ito sa nightstand at nakitang si Thunder ang
tumatawag. Agad-agad ko naman itong sinagot.

"Hey Thundz, napatawag ka?" Paos ang boses kong saad.

"Naistorbo ba kita?" Nahimigan ko ang lungkot sa boses nito kaya naman


umupo ako't sumandal sa headboard.

"May problema ka ba Thundz?"

"Kanina pa kita tinatawagan, pero hindi mo sinasagot, busy ka ba sa


kambal? Ikumusta mo 'ko sa kanila Sky." Binabago nito ang paksa at mas
lalo akong nakatiyak na may problema ito.

Thunder is always like that, lagi niyang sinasarili ang problema niya.

"I was at the hospital kaya-"

"What happened?" Puno ng pag-aalala ang boses nito.

"Just a minor accident. No need to worry Thundz. Ako ang dapat mag-alala
sa'yo, alam kong may problema ka."

"Mabuti naman at walang masamang nangyari sa'yo-"

Kumunot ang noo ko at pinutol ang sasabihin nito. "Don't change the
topic, just tell me what is your problem Thundz!" pagsigaw ko sa kabilang
linya.
Tumahimik ito at iisipin ko na sanang binaba na nito ang cellphone ng
makarinig ako ng paghikbi. Thunder is crying, that's for sure.

"Thundz..." Tanging nasabi ko na lang. Hindi ko pa man alam ang problema


nito pero mukhang nahihirapan siya dahil bihirang umiyak si Thunder. The
last time I saw him cried was when he told me he loves me. Could it be?

"Are you crying because of a woman?" Hindi ito sumagot pero narinig ko
ang malalim nitong buntong-hininga.

"I-I don't know what to do Sky..All these years, I believe that it's
still you that I loved... It's still you that I want...But now, seeing
her with someone else. I don't know why am I feeling this way.. Feeling
so broken.." Humihikbing saad nito.

Ang sumunod na sandali ay ikinuwento nito ang tungkol sa babaeng


iniiyakan nito. Halo-halo ang emosyon ko sa mga sinabi sa akin ni
Thunder. Nangingibabaw ang lungkot at pakikisimpatya sa babaeng nasaktan
ni Thunder. Dahil pakiramdam ko parehas kami ng sitwasyon, nahulog sa
lalaking may iba ng mahal.

"Thunder... you don't love me anymore. Hindi mo siya iiyakan kung ako pa
din. Hindi ka masasaktan kung ako pa din. 'Wag mong lokohin ang sarili mo
Thundz so follow what your heart wants. Chase her Thundz, and never let
her go." Binaba ko na ang tawag matapos kong sabihing magkita kami kapag
nakabalik na kami ng kambal sa Maynila. Niyakap ko ang mga tuhod ko at
yumuko dito.

Masaya ako na nakamove on na si Thunder mula sa pagmamahal niya sa akin.


Pero nalulungkot din ako dahil natagalan bago niya pa mapagtanto 'yun. I
just wish na hindi pa huli ang lahat para kay Thunder at sa babaeng
nagmahal sa kanya. Bakit ba kasi may mga taong kailangan munang mawala
ang mahal nila bago nila malaman ang halaga ng taong 'yun.

Napahawak naman ako sa tiyan ko ng tumunog ito, naalala kong ang huli
kong kain ay kanina pang tanghali kasama si Cloud. Tinignan ko naman ang
orasan at napagtantong alas-otso na pala. Dapit-hapon na ng umalis kami
sa ospital kaya nagaalburoto na ang sikmura ko. Dumagdag pa ang kirot sa
balakang ko, kailangan ko na atang uminom ng pain killer na inireseta ni
Grey. Ang problema ay nawala sa isip kong bilhin ito. Tatayo na sana ako
para makakain at makita na din ang kambal ng biglang bumukas ang pinto.

"Mommmmy," Napangiti naman ako ng marinig ang pasing-song na pagtawag sa


akin ni Claudi. Tatayo na sana ako at lalapitan siya ng nagmamadali itong
tumakbo papunta sa akin.

"Just stay there Mommy, we have a surprise for you."

"At ano naman 'yun?" Nakangiti kong tanong.

"Close your eyes first. Don't cheat Mommy ah?" Natatawang sinunod ko na
lang ang gusto nito at nagtaka naman ako ng pumito ito.

Nakaamoy ako ng pagkain na siyang mas lalong nakapagpagutom sa akin at


mukhang nahuhulaan ko na kung ano ang sorpresang tinutukoy ni Claudi.

"Open your eyes Mommy." Dinilat ko ang mata ko at kinusot ito para maalis
ang panlalabo na naidulot sa pagkakapikit ko.

"Diyaraaaaaan, Dinner in bed Mommy!" Nangingibabaw ang boses ni Claudi


kahit na nga ba nagsalita din si Klode at si... Cloud.

He's still here. Of course he would be here for the kids. Ngayong malapit
siya sa akin mas lalo kong naalala ang mga nangyari sa pagitan namin
kanina lang. He cried then we agreed for that one month, and then he
carried me, kissed me at my forehead and told me he loves me again. And
it started again, the abnormal heartbeat of mine.

Tug.Tug.Tug.Tug.Tug.

And then a line keeps playing on my mind,


"Lagi mo lang tatandaan Sky, gamitin mo ang puso mo para sumaya ka...pero
kapag muli kang nasaktan, pakinggan mo ang inuutos ng utak mo..."

"'Wag kang matakot sumubok muli Sky, malay mo ito na pala ang susi para
lubusan kang maging masaya..."

Is this a sign? A sign that I should stop myself from restraining to my


unexplainable feelings? Should I just go with the flow? Maybe, after all
we agreed for that one month-- one month for Cloud to show his love for
me, to make up for his mistakes, to live as a complete family for the
sake of our kids. But is it really worth it? What if--

"Mommyyyy," Napapitlag pa ako ng marinig ang umuungot na boses ni Claudi.


Tumingin naman ako sa kanya at nakitang nakanguso ito.

"Didn't you like it?" Tanong nito, bumaling naman ang paningin ko kay
Cloud (na mukhang kinakabahan?) na hawak-hawak pa rin ang tray na may
lamang pagkain.

"Of course..." Binitin ko pa ang sasabihin ko at natawa sa hitsura ng


mag-aama ko na atat na atat sa sasabihin ko.

Mag-aama... Gahd, saan nanggaling 'yun?

Nagustuhan mo naman Sky..

"Mommy ano na?" Impatient na saad ni Klode.

"I like it...Definitely." Ngiting-ngiti kong saad.


"Yehey, that's good to hear. Daddy and I cooked it for you." Nakita ko
naman ang pagsimangot ni Klode sa sinabi ng kakambal niya.

"What's the long face young man?"

"Sabi ni Claudi sila lang ang nagluto." Minsan ko lang makita ang
childish side ni Klode dahil nga sa masyado itong seryoso kaya napatawa
ako ng magpout ito.

"Why? It's true naman e." Nang-aasar pang saad ni Claudi.

"Kids enough, bakit hindi na lang natin ipatikim ang luto natin sa mommy
niyo hmm?" Pinagdiinan pa ni Cloud ang salitang 'natin' kaya naman
ngumiti na si Klode. Habang si Claudi nagmake-face na agad namang sinaway
ni Cloud. It seems like nagagawa niya ng disiplinahin ang bata lalo pa si
Claudi na numero-unong makulit at mapang-asar. And I'm happy about it.

"So, anong hatol niyo Misis?" Napaubo naman ako sa pagsubo ng sabaw ng
sinigang sa sinabi ni Cloud.

Misis, what the--

Inabutan ako nito ng tubig at tinatapik naman ng kambal ang likod ko.
"I'm fine, and about the food..." Napahinto ang kambal sa pagtapik sa
likod ko at tila mga contestant na inaantay ang hatol ko. Kung hindi ko
pa alam, nauna na silang kumain sa akin. "Perfect." Habang nagkakatuwaan
ang mag-aama, tinuon ko ang atensyon ko sa pagkain. Sa bawat pagsubo ko
hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. Napahinto ako sa pagsubo at
pinagmasdan sila Claudi, Klode at Cloud na magkulitan. Nagulat naman ako
ng lumingon sa akin si Cloud at parang may sariling utak ang labi ko at
binigyan siya ng matamis na ngiti habang walang boses na sinabi ang
salitang 'salamat' habang isinenyas ko pa ang plato kong wala ng laman.

Napayuko naman ako ng magsalita rin ito ng walang boses at sinabing I


love you ...
I'm doomed...

TBC

Vote.

Comment.

~Special thanks @feanna25 for always commenting in every chaps of AWS :)


Nag-iisa lang siya hahaha :)

Salamat din sa mga bumoboto kahit onti lang kayo.. You inspire me to
continue this story guys :)

=================

AWS CHAPTER 46

Chapter 46

"Are you done eating?" 

Tumango ako kay Cloud na lumapit sa akin. "Thanks for the food. 'Di ko
alam na marunong ka na palang magluto." Naupo ito sa paanan ng kama at
ngumiti. Parehas naming pinagmamasdan ang kambal na naglalaro ng bato-
bato pik, kung sinong matalo lalagyan ng pulbo sa mukha. Todo simangot si
Claudi dahil sa siya ang palaging natatalo.

"It's all because of you." Nagtatakang naibaling ko naman ang tingin kay
Cloud sa sinabi nito.

"What do you mean?"

Ngumiti ito sa akin. "You said once, that you really like it when a man
knows how to cook. So I learned it."

~*~
"Why are you looking at him like that?!" Napatingin ako kay Cloud na
hindi maipinta ang mukha. Binalik ko naman ang tingin ko sa chef na
nagluluto malapit sa amin.

Kasalukuyan kaming nasa isang restaurant (kung saan ang chef ay nagluluto
kung saan makikita ng customers instead sa usual na nasa pinakaloob ang
kitchen) ni Cloud (after our bonding date) at inaantay ang order namin.

"Why? What's wrong? He's amazing right?" Nakangiti kong pagtukoy sa chef
na tila enjoy na enjoy sa pagluluto. Ni hindi ko nga tinatapunan ng
tingin si Cloud dahil aliw na aliw ako sa nakikita ko.

"Look at me." Madiin na saad ni Cloud kaya naman tinapunan ko siya ng


nagtatakang tingin.

"What?"

"Do you like him?" 

Napakunot-noo naman ako sa tinanong nito. "What kind of question is that


Cloud?" 

Sumimangot ito kaya naman natawa na 'ko. "I'm serious here wife, stop
laughing." 

Napahinto naman ako sa pagtawa sa takot na baka tuluyan itong magalit.

"Why?Jealous?" Seryoso kong tanong pero sa likod ng isip ko nagkukubli


ang isang mapaglarong ngiti.

"I am. So stop staring at him." Namula ang mukha ko sa walang pag-
aalinlangan nitong pag-amin.
Wala pa rin akong naririnig kay Cloud na mahal niya ako, pero siguro
hindi na mahalaga 'yun. Sapat na sa akin na ipinapakita niyang importante
ako sa kanya.

"What a beautiful scene, my wife is blushing like a teenager eh?" Pang-


aasar nito kaya naman sinamaan ko ito ng tingin.

"Well... for your question, I do like him, who wouldn't be?" 

Nawala  ang mapang-asar nitong ngiti.

'Serves you right Mister,' 

"W-what? Do you want that man to lose his job?!" naiinis nitong saad.

"Ohhh, Cloud is angry. As if kaya mong ipatanggal siya dito." Pagkibit-


balikat ko at sakto naman dumating ang inorder namin kaya 'yun ang
pinagtuunan ko ng pansin. Nakakatakam ang pagkain na nasa harap ko,
susubo na sana ako ng bigla itong tumayo.

"Watch me." Saad nito at kinabahan ako ng maglakad ito papunta 'dun sa
chéf. Tumayo na rin ako at sinundan ito.

"Where's your manager?" Saad ni Cloud. Magsasalita pa sana ang nagulat na


chéf ng biglang may sumulpot na gwapong lalaki.

"Cloud! Good to see you here, man." Inakbayan pa nito si Cloud na ngumiti
naman ng nakakaloko sa akin.

"Good to see you too Rayven, you owned this restaurant right? Can you do
me a favor?" Kumunot naman ang noo ng kausap niya ngunit bago pa
magsalita si Cloud ay sumabat na 'ko.
"Hi." Pagsingit ko.

"Oh, you're Skyleigh right? Cloud's wife?" Tumango naman ako at kinamayan
ito. Hindi ko na tinanong kung paano nito ako nakilala dahil naging laman
kami ng pahayagan noon ni Cloud.

"Yeah, she's my wife Rayven, so back off." Saad ni Cloud ng hindi pa din
binitawan ng lalaki ang kamay ko.

"Chill dude."  ani Rayven sabay bitaw sa kamay ko.

 Bago pa ulit magsalita si Cloud ay hinila ko na ito at sinabi kay


'Rayven' na ipagpapatuloy na namin ang pagkain. Buti naman at hindi na
pumalag ang asawa ko.

"Are you really serious that you're gonna ask Rayven to fire the chef?"
Nakataas kilay kong tanong kay Cloud habang nagsisimula na kaming kumain.

"Why not?" Saad nito makaraang uminom ng wine.

"Didn't know na childish ka pala."

"Yeah, I can be childish especially when it comes to the persons who were
important to me." Napainom ako ng tubig sa sinabi nito.

Tumikhim  ako at itinuon ang pansin sa pagkain. 

"So... do you really mean it when you said that you like him?"
Binitawan ko ang kubyertos at hinarap ang 'nagseselos' kong asawa. "Look
Cloud, I don't like him romantically...I just like him as a chef..." He
raised his eyebrow with what I've said so I sighed. "It's not what you
think Cloud...It's just that I like a man who knows how to cook...It
reminds me of my Dad."

Kumunot ang noo nito. "Your Dad is a chef?"

Umiling naman ako at tumawa. "Nope, you see my mom-- she's disastrous
when it comes to kitchen..." I smiled as I reminisce my childhood
memories with my parents."..so my Dad is the one who cooks for us. So
that explains, why I admire a man who can cook." Tumango-tango naman ito
at tila nahulog sa isang malalim na pag-iisip.

~*~

"Naalala mo na?" Nabalik ako sa kasalukuyan ng magsalita si Cloud.


Alanganin akong ngumiti at tumango.

"I didn't expect na dahil sa akin pag-aaralan mong magluto. So, sinong
nagturo sa'yo?" Tanong ko.

'Si Charlotte ba?'

"Louie's Mom."

"Louie?"

"Mother of my best friend. I hope you'll meet him soon." 

Come to think of it, iilan lang ang kaibigan ni Cloud na naipakilala niya
sa akin.
'Sino ba naman kasi ako para ipakilala niya sa mga kaibigan niya hindi
ba?'

I mentally shooked my head to vanish my nonsense thought. "Bakit hindi ka


kay Mama Rain nagpaturo? She's great pa naman when it comes to cooking."

"May nasabi ba akong masama Cloud?" Nag-aalalang tanong ko dahil


natahimik ito at pansin na pansin 'ko ang pagkalungkot sa mukha nito.

Ngumiti naman ito ngunit kitang-kita ko sa mga mata niya ang emosyon na
alam na alam ko na. He's sad.

"Were not in good terms." Napakunot-noo ako sa sinagot nito.

"W-what do you mean? Kayo ni Mama Rain? How about Papa Winter? H-how did
that happen?" Sunod-sunod kong tanong. May nabubuo ng sagot sa isipan ko
pero umaasa akong hindi 'yon ang dahilan.

"When you left..." Napahawak ako sa bibig ko sa unang mga salitang


lumabas sa bibig nito. I knew it. It's because of me. "...they kept
asking me about where you are, what happened to us. And I told them it's
all my fault."

"Cloud...hindi mo dapat sinabi 'yun." Napapakagat-labi kong saad. I can't


help but to feel guilty. I know how important Mama Rain and Papa Winter
to Cloud. Kung sana, nagpaalam ako ng maayos bago ko umalis.

"I told them everything Sky. So I can't blame them kung nadisappoint sila
sa akin. They love you as their own, and I'd hurt you. Imagine what their
reaction is, so..." Lumunok ito at tila naluluhang tinignan ako. "...I
really don't have the courage to face them."

"Have the courage now Cloud. Let's face them with the twin." 
Ngumiti naman ito at bumadha ang saya sa mga mukha niya sa sinabi ko.

₪_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_₪

"So, I think I should go.Magpapaalam na ako sa kambal." Tumayo si Cloud


mula sa pagkakaupo sa kama at susunod na sa kambal na pinakuha ko na kay
Kleng para linisan ang mga ito.

Simula 'nung sinabi kong sasamahan ko si Cloud sa mga magulang niya.


Natahimik na 'ko at 'eto naman ay nakipaglaro na sa kambal, ewan ko ba.
Hindi lang siguro 'ko sanay na magaan ang atmosphere sa paligid naming
dalawa. Pero dapat siguro masanay na 'ko. Dahil matapos man ang isang
buwan na hinihingi niya sa akin. Maganda kung maging magkaibigan kami for
the sake of the twins.

"Hey Sky, I forgot to give it to you." Nabalik naman ako sa realidad ng


may iabot ito sa akin.

Gamot?

Nabasa ata nito ang pagtataka sa mukha ko kaya naman nagsalita na ito
bago pa 'ko magtanong. "Grey said kailangan mong uminom ng pain reliever.
So I asked him kung ano ang inireseta niya sa 'yo and he told me."

"You'd met him?" Gulat kong tanong.

"Yes, sandali lang kaming nakapag-usap, just enough for me to express my


gratitude to him for saving you and the twin. Humingi din ako ng pasensya
sa iniasta ko sa kanya kanina."

"B-but how did--- you're homophobic and you hate gays."


"I overcame it, I realized na hindi naman pala lahat ng bakla..." Umiwas
ito ng tingin sa akin at namula ng tila may maalala. "gagawa ng
kalokohan." Napalunok ito kaya naman tuluyan na akong natawa na agad
napawi ng maramdaman ko ang labi nito sa pisngi ko.

"Goodnight Sky." Huli nitong saad at nagmamadaling lumabas ng silid ko.

Wala naman akong nagawa kung hindi hawakan ang pisngi ko at titigan ang
gamot na ibinigay niya sa akin. Napahiga ako sa kama at itinakip ang unan
sa may mukha. Umaasang mawala ang pamumula nito at maibalik sa normal ang
tibok ng puso ko.

Kanina sa noo, ngayon sa pisngi-- ano na ang susunod sa labi?

Sigaw ng malanding bahagi ng isip ko. Kaya imbes na mabawasan ang


pamumula ko mas lalo pa atang naging kasingpula ng kamatis ito. Bukod pa
sa abnormal kong tibok ng puso...sumabay pa ang tiyan ko na tila may mga
paru-parong nagpupugad.

Gahd, may iba bang nilagay sila Claudi sa pinakain nila sa akin?

TBC

~COMMENT

~VOTE

PRETTY PLEASE *.*

Tumatagal ang pag-uupdate ko I know. Writers block sucks guys so I badly


need inspiration. A simple comment and vote will do. Toodles :*

=================

AWS CHAPTER 47

Chapter 47
"Ayokoooooooo... Dito ka lang Daddy! Don't leave...waaaaaaaah--"
Nagmamadali kong tinapos ang pagsesepilyo ng marinig ko ang pagwawala ni
Claudi sa baba.

Napatigil ako sa huling baitang ng hagdan ng makita kong nakayakap si


Claudi habang umiiyak kay Cloud. Hinanap ko si Klode at nakitang nasa
isang tabi lang ito at blanko ang mukha na nakatingin sa dalawa. But I
know my son better, hindi man siya umiiyak katulad ni Claudi, sa mata pa
lang niya nakikita kong ayaw niya ring umalis si Cloud. I sighed heavily,
simpleng pagpapaalam pa nga lang ni Cloud--ayaw na ng dalawa. Paano pa
pag nalaman ng mga ito na hindi kami panghabang-buhay magsasama ng ama
nila? That we can never be a complete happy family?

"Claudi, babalik din si Daddy bukas, so stop crying---"

"No! Stay here na lang Daddy!!! P-please..." Pulang-pula na si Claudi at


nakikita kong nahihirapan na ito sa paghinga. I was about to talk when
Klode harshly pulled Claudi from hugging Cloud.

"Stop making a fuss Claudi! Don't you heard what Daddy said?! He said he
will come back tomorrow! So stop crying!" Nakita ko ang gulat kay Cloud
sa iniasta ni Klode. But Klode is always like that, trying to discipline
his sister. Minsan ay nakikinig si Claudi sa kapatid niya ngunit may
topak ata ang anak ko ngayon kaya mas lalo itong nagwala. And before I
knew it, inaatake na ng hika si Claudi.

"Klenggggg, kunin mo 'yung inhaler ni Claudi sa kwarto. Bilisan mo!"


Natataranta naman na pumanhik si Kleng habang ako ay lumapit kay Claudi
at pilit pinapatahan ito.

"W-whats happening S-sky?" Kinakabahang tanong ni Cloud habang hawak-


hawak si Claudi na umiiyak pa din at nahihirapang huminga.

"She's having an asthma attack." 


"What? Then bakit nandito pa tayo?! We should bring her to the
hospital--" Napatigil ito sa pagsasalita ng humahangos na dumating si
Kleng hawak-hawak ang inhaler. Dali-dali ko itong kinuha at inilagay sa
bibig ni Claudi.

"Now baby, stop crying and breathe...Okay?" Ilang minuto lang ang
nakalipas at nakahinga na rin si Claudi ng maayos.

Asthmatic si Claudi since she turned 2, hindi naman malala but still nag-
aalala pa rin ako kapag inaatake siya ng hika. Karga-karga na ni Cloud si
Claudi at tila hinehele ito.

"Daddy you won't leave us right?" Bulong ni Claudi na umabot sa pandinig


ko.

"Yes baby, I'm not gonna leave so sleep now."

Umiling si Claudi. "Matutulog lang ako kapag katabi ko kayo ni Mommy." 

Nagkatitigan naman kami ni Cloud sa sinabi ni Claudi at tila hindi nito


malaman kung anong sasabihin sa anak namin.

"Y-you see C-claudi I--"

"You should go upstairs Cloud, susunod na lang kami ni Klode." Tila nag-
aalangan pa itong sinunod ang sinabi ko.

Nanghihina akong napaupo sa sofa at napahilot sa sentido ko. Day by day,


mas lalong napapalapit si Claudi kay Cloud, not that I don't like it.
It's just that I'm afraid that when the time comes na malaman nila na
hindi kami magsasama ng ama nila. Mahirapan silang matanggap iyon, at ang
pinaka-ayoko sa lahat ay ang mahirapan ang kambal.
What's holding you back Sky? Mahal ka na ni Cloud, you can be together
with him again. Hindi mo na ba talaga siya mahal?

"I'm sorry Mommy." Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip ng marinig


ko ang boses ni Klode. Hinawakan koito sa pisngi at hinalikan sa noo.

"At bakit ka naman nagso-sorry hmmm?"

"I shouted at Claudi kaya mas lalo siyang umiyak, ayan tuloy na-asthma
attack siya. It's all my fault."

Niyakap ko ito at tinapik-tapik sa likod. "It's not your fault Klode. But
if you really think na maling sinigawan mo si Claudi then say sorry to
her." Tumango-tango ito at niyaya na akong pumanhik sa kwarto.

₪_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_₪

As soon as I entered my room, doon lang lubos na nagsink-in sa akin na


makakasama kong matulog si Cloud sa iisang kwarto! It's been eight years
since the last time I shared a bed with him. At hindi ko naman maiwasang
kabahan just by thinking na ilang inches lang ang layo namin sa isa't-
isa.

Ano bang inaarte mo diyan Sky, nandiyan naman ang kambal ah? It's not as
if magtatabi kayo.

Sa naisip ay ipinagsawalang-bahala ko na lang ang nerbiyos ko dahil tama


nga naman na wala akong dapat ipag-alala sapagkat katabi naman namin ang
kambal.

"I'm sorry Claudine." Natauhan naman ako ng marinig ko ang boses ni


Klode. Doon ko lang namalayan na nasa pintuan pa rin ako habang
magkakasama na ang mag-aama ko sa kama. Lumapit na din ako sa kanila at
napangiti hindi lang ako kung hindi si Cloud ng magyakap ang mga anak
namin.
"You two-- are you done brushing your teeth?" Humarap naman ang dalawa sa
akin at sabay na napahawak sa bibig.

"I guess not, so ano pang iniintay niyo?" Pabiro kong tinaas ang kilay ko
at umaktong kikilitiin sila kaya naman nagmamadali ang dalawang bumaba.

"Okay lang ba talaga kung dito ako matutulog?" Napatingin ako kay Cloud
ng magsalita ito. Hindi kalakihan ang kwarto ko pero hindi din naman
maliit ito. Pero bakit pakiramdam ko napakaliit nito ngayong nasa loob si
Cloud? It's not like eto ang unang beses niyang pumasok dito, nagtagal pa
nga siya kanina eh.

"I can go kapag natulog na ang kambal." Iba ata ang naging impresyon nito
sa pagtahimik ko.

"It's okay, gabi na din naman. I'm sure pagod ka na din. Pagpasensyahan
mo na lang at di gaanong malambot ang kama tapos wala pang air-con--"
Napatigil ako sa pagsasalita ng tumayo ito at biglang lumapit sa akin.
Gahibla na lang ang distansya namin sa isa't-isa kaya hindi ko maiwasang
mapalunok. Amoy na amoy ko na ang pabangong gamit niya sa sobrang lapit
namin. Pero bakit hindi ko man lang siya maitulak? Nag-uumpisa na naman
ang pagiging abnormal ng puso ko ng mas lalo pa itong lumapit sa akin. At
parang may sariling utak ang mga mata ko at kusa itong pumikit. Darn, did
I expect him to kiss me?

Oh yes, you do Skyleigh-- well hindi ka naman nabigo because he's kissing
you now.

He's kissing me?!

Huli na ng mapagtanto kong hinahalikan ko na din siya pabalik. What am I


doing? Pero wala na ata 'kong kontrol sa sarili kong katawan dahil imbes
na itulak si Cloud, ikinawit ko pa ang kamay ko sa may batok niya. Tila
binibigyan ito ng permiso na ituloy ang ginagawang paghalik sa akin. It's
been eight years since I kissed a man. Well, si Cloud lang naman ang
nahalikan ko ever since. But nothing change, malambot pa din ang labi
nito at nakakapanlambot pa din ng tuhod. Kung hindi lang ako nakakapit sa
batok niya at wala ang mga kamay niya sa beywang ko malamang ay bumagsak
na ako sa panlalambot ng mga tuhod ko. Naramdaman kong pangangapusan na
ako ng hangin pero tila ayaw ko pa ring bumitaw, napaungol ako ng
humiwalay na sa akin si Cloud.

Did I just moaned as a sign of protest not to stop him from kissing me?

Sa naisip ay napadilat ang mata ko at natauhan ng makita si Cloud na


hinihingal at tila natatakot?

Natatakot saan? Sa akin?

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko ng makita ang pulang-pula nitong


labi. Darn! Nakakahiya, ang arte-arte ko pa sa kanya ng mga nakaraang
araw tapos pumayag akong magpahalik sa kanya? And what's worse napaungol
pa ako na parang nagpoprotesta na wag siyang tumigil sa paghalik sa
akin?!

"I-I'm sorry Sky." Napahinto naman ako sa iniisip ko ng marinig ang boses
ni Cloud na tila nagsisisi sa namagitan sa amin.

Nagsisisi? Ayaw niya ang nangyari?

Hindi 'ko ata naitago ang sakit sa mga mata ko ng tila nataranta itong
lumapit sa akin.

Wait? Sakit? Bakit naman ako masasaktan?

"No wife, it's not what you think...I-" Pilit kong pinanatiling blangko
ang mukha ko at pinigilan ito sa anumang sasabihin.

"I understand, n-nabigla ka lang. No need for you to explain." Saad ko


matapos ay tinalikuran ko siya. Hahakbang na sana ko palabas ng higitin
nito ako papunta sa matipuno nitong dibdib. Naramdaman ko na lang na
niyayakap niya ako at gusto ko mang magpumiglas ay hindi ko ginawa. Dahil
ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso nito.
"I-I'm not sorry that I kissed you Sky, I was just scared na magagalit ka
dahil baka isipin mo na tinetake advantage kita... You are just so
beautiful and I can't help myself but to kiss you... Ayokong magsisi ka
na binigyan mo ko ng one month para manatili sa tabi mo..." Naramdaman
kong lumunok ito at tumigil sa pagsasalita. Damang-dama ko naman ang
muling pag-iinit ng pisngi ko sa mga narinig kong sinabi nito. "At
tungkol sa sinabi mo sa akin kanina... I don't care kung hindi kalakihan
ang kama o wala mang air-con... What important is you're here-- beside
me... Kayo ng mga anak natin... That's what matters the most... I love
you Sky..."

Speechless. Iyan ako ngayon, para bang nabibingi na ako at ang tanging
naririnig ko lang ay ang malakas na tibok ng puso naming dalawa ni Cloud.

"HALA! MAGKAKABABY NA BA SILA MOMMY AT DADDY KLODE?!" Natulak ko si Cloud


ng marinig ang malakas na boses ni Claudi. Napatingin ako sa dalawang
anak ko na titig na titig sa amin ni Cloud. Si Claudi na nanlalaki ang
mata at si Klode na tila amuse sa nakikita.

"Silly. They're just hugging walang nabubuong baby sa pagyayakapan lang


Claudi." Natatawang saad ni Klode sa kakambal.

"Huh?! Eh paano tayo magkakaroon ng baby sister?" Curious na tanong ni


Claudi kay Klode. At bago pa man mag-ala Einstein ang anak kong si Klode
tumikhim ako at hinarap ang mga ito. 

"You two, gabi na humiga na kayo at matulog!" Saad ko matapos 'nun ay


nagmamadali akong pumasok sa banyo. Dinig ko pa ang tawanan ng mag-ama sa
inakto ko. Hindi rin nakaligtas sa aking pandinig ang curious na tanong
ni Claudi.

"Ihhhh, tell it to me now Klode!! Paano nga ba gumawa ng baby?!"

"We're too young to know that Claudi, but pag nagmamahalan si Mommy at
Daddy. I'm sure magkakaroon na tayo ng baby brother or sister. Right
Dad?"
"Right." Akala ko mananahimik na si Claudi pero ano pa nga bang aasahan
ko sa madaldal kong anak.

"Basta hurry up Daddy, I want a baby sister for my birthday hihihihi.


I'll wait for it ah?" 

Darn anong tingin ng anak ko nabibili ang baby? 1 month na lang at


birthday na nilang dalawa ni Klode. Paano na 'to?

Ay loka ano ba yung naiisip ko?!!! Erase.Erase--anong pano na 'to?? San


nanggaling 'yun?! Talagang pinag-isipan ko pa ang request ng magaling
kong anak?!

TBC

VOTE.

COMMENT.

Thanks sa mga bagong readers nila Skyleigh at Cloud. Sa mga nag-aadd nito
sa mga RL nila at mga nagvovote thank you so much!!!! You don't know how
you guys made me happy :*

=================

AWS CHAPTER 48

Chapter 48

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Exhale.
Nakailang buntong-hininga na ako dito sa banyo para pakalmahin ang sarili
ko-- more like pakalmahin ang nagwawala kong puso. Tinitigan ko ang
sarili ko sa salamin at hindi ko maiwasang haplusin ang labi kong pulang-
pula at tila namamaga. Gahd! Gaano ba kami katagal naghalikan--

Stop thinking what happened a while ago Sky! You just kissed him back
because...because--

"Bakit nga ba? Bakit ko din siya hinalikan?" Pagkausap ko sa sarili ko.

Kasi nga 'yun ang inuutos sa'yo ng puso mo! Accept it Sky, you're
starting to fall for him again--

"No! That's impossible. Hindi na ako pwedeng mahulog ulit sa kanya. "
Pagkontra ko sa sinasabi ng isip ko.

Stop being a hypocrite! Don't tell me hindi mo nagustuhan ang ginawa ni


Cloud o ang mga ginagawa niya sa'yo? Mahulog 'ulit' sa kanya? Bakit
nawala ba talaga ang pagmamahal mo sa kanya?

Yes. Inaamin ko, gusto ko ang ginagawa ni Cloud. For the past eight
years, naging sentro ng buhay ko ang kambal. Wala ako ni isang sinagot sa
mga nanliligaw sa akin kahit na nga ba alam nila na may anak ako. Kaya
nga siguro ganito na lang mag-react ang puso ko sa mga pinapakita sa akin
ni Cloud, dahil matagal na ng maranasan kong may nag-aalaga at nagmamahal
sa akin. Of course, mahal ako ng kambal pero iba pa din ang pagmamahal
mula sa isang lalaki--

I stopped my thoughts when a realization strucked on me. Yesterday, I


convinced myself na hindi ako mahal ni Cloud-- na naguguluhan lang siya
sa nararamdaman niya. At kaya din ako pumayag sa hinihingi niyang panahon
ay para mapakita sa kanya na baka nagkakamali lang siya sa nararamdaman
niya. You can't blame me if it's hard for me to believe him, after all
ilang dam na ba ng luha ang pumatak sa akin dahil sa kanya--- dahil ang
sabi niya hindi niya ako mahal. Pero bakit tila naniniwala na ako? Gahd!
Wala pa ngang isang linggo kaming magkasama pero bakit ganito na lang
kabilis para sa akin ang paniwalaan siya.
Just go with the flow Sky, if it's meant to be then let it be... Stop
holding back, you once said that love is a gamble and so is life...

Tama nga siguro, hayaan ko na lang at kapag dumating sa puntong


masasaktan na naman ako gagamitin ko ang utak ko at hindi ang puso ko.

But still, hindi pa din maalis sa akin ang tanong kung mahal ko na ba
'ulit' siya o mahal ko pa 'rin' siya?

One month. Sapat na siguro 'yun para maintindihan ang nararamdaman ko.

Dali-dali akong naghilamos ng mukha at napagpasyahang lumabas na ng


banyo.

₪_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_₪

Pagkalabas ko ng banyo nakita kong nagtatawanan sila Cloud sa kama. Si


Cloud ang nasa dulo habang si Claudi ang katabi niya at si Klode ang
katabi ni Claudi.

"Mommy you're there! Why so tagal?" Ngumiti naman ako at lumapit sa


kanila. Dahan-dahan akong umupo (dahil tila kumikirot na naman ang
balakang ko) at sumandal sa headboard ng kama, ni hindi ko tinatapunan ng
tingin si Cloud kahit na alam kong nakatingin din siya sa akin.

"Naghilamos pa kasi si Mommy. Eh bakit gising pa kayo?" Malambing kong


tanong.

"Were waiting for you eh. I told Daddy that you always sing to us before
we go to sleep. So can you sing us a song?" Ngumiti na lang ako kahit na
nga ba hindi na naman mapalagay ang puso ko dahil sa tingin na iginagawad
sa akin ni Cloud.
"Okay, what do you want me to sing?" Magsasalita na sana si Claudi ng
unahan siya ni Klode.

"Ikaw. 'Yung lagi mo pong kinakanta sa amin noon. " Napahinto ako sa
pagkuha ng unan ng marinig ko ang sinabi ni Klode.

Ikaw.

Ikaw. My wedding song. I used to sing that song as a lullaby to Claudi


and Klode mula baby pa sila. Ewan ko kung bakit sa dami ng kanta 'yun ang
ginawa kong pang-lullaby sa kanila. Maybe, because a part of me still
treasured that song. After all, it is the one that I chose to be my
wedding song. My wedding, hindi man maganda ang kinahinatnan ng nakaraan.
May mga magaganda pa din namang alaala mula rito. Dahil hindi ko maloloko
ang sarili ko na naging masaya 'ko ng araw ng pag-iisang dibdib namin ni
Cloud.

"Mommy?" Nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ang pagtawag sa akin ni


Klode. Napatingin ako kay Claudi at Cloud at nakita ko sa mga mukha nila
na inaantay na nila ang pagkanta ko.

"Can I sing another song?"

"Why? Ang tagal mo na po kayang 'di kinakanta 'yun." Nakangusong saad ni


Claudi. When they turned 5, hindi ko na kinanta ang 'Ikaw'. Bigla ko na
lang naisip na palitan ang kantang 'yun. I just thought that I should
stop holding on to things na may kinalaman kay Cloud.

"Mommy, pleasssse..." Pangungulit ni Claudi at nakita ko ang pag-asam sa


mukha ni Klode, so who am I to say no to them. I just sighed heavily and
started singing.

"Dinggin mo ang tibok ng puso ko...Umaawit sa iyo..."

Cloud's POV
Hindi ko maiwasang titigan siya habang inuumpisahan niya ang pagkanta.
Nothing change, para pa rin siyang anghel kapag kumakanta. Napakaganda
talaga ni Sky, mula mga bata pa kami alam ko na lalaking maganda at
kaakit-akit si Sky at hindi nga ako nagkamali. Napatingin ito sa akin
habang kumakanta at naramdaman ko na naman..Ang pagkislot ng puso ko at
tila pagwawala nito. Marahil ay nailang ito sa pagtitig ko sa kanya kaya
naman yumuko ito at tinitigan na lang ang kambal. Kitang-kita ko sa mga
mata niya ang pagmamahal sa kambal at masasabi kong napakaswerte ko dahil
sa siya ang naging ina ng mga anak ko. Dumako ang paningin ko sa labi
nito at hindi ko maiwasang mapangiti ng maisip na kanina lang ay naangkin
ko ang labi niya. Ang malambot at tila nag-iimbitang labi ni Sky. Ang
labi ng asawa ko.

Pero hanggang kailan mo siya magiging asawa Cloud? Pang-uuyam ng kabilang


bahagi ng isip ko.

Hanggang kailan nga ba?

Mabilis lilipas ang isang buwan na hiningi ko sa kanya and  before I knew
it mawawala na siya sa akin.

Don't lose hope Cloud, you can still make her stay with you... You can
still give your twin a complete happy family.. Just let her fall in love
with you again..

Sigaw ng isang bahagi ng isip ko sa akin. Bahala na, ang mahalaga


maipakita ko sa kanyang tunay ko siyang mahal. Kung sakaling hindi niya
ako muling mahalin. Masaya na ko kahit paano na binigyan niya ako ng
panahon para makasama siya. Sapat na siguro iyon. Come to think of it,
hindi naman siya mawawala sa akin dahil mananatili siyang parte ng buhay
ko. Because she is the mother of my children. And I'm willing to do
anything for them.

Imagine, nagawa kong makipag-usap kay Grey dahil kay Sky at sa kambal.
Kung may isa akong kahinaan, 'yun ay ang isang bakla. Blame it to that
lunatic gay who freaking kissed me! But as I was saying willing akong
gawin ang lahat para sa mag-iina ko. Kabilang na 'dun ang pasalamatan ang
taong nagligtas sa buhay nila. Ibinaling ko muli ang paningin kay Sky na
patuloy pa rin ang malamyos na pagkanta.
"Ikaw ang nais ko, ikaw ang inaasam sana'y paniwalaan mo..."

Pero bakit tila pamilyar sa akin ang kantang inaawit niya?

Kumunot ang noo ko at inalala kung saan ko narinig ang awitin. And just
like that a memory of our wedding suddenly crossed my mind.

And there... I knew the reason why the song seems familiar to me , it is
our wedding song.

TBC

VOTE.

COMMENT.

Natuwa ako dahil tumataas ang rank and reads ng AWS pati na rin ang
votes. Sana magpatuloy para tuloy-tuloy din ang update. Kakaresume lang
ng kuryente sa amin dahil sa pananalasa ni Bagyong Lando kaya ngayon lang
nakapag-update.

Keep safe everyone!

=================

AWS CHAPTER 49

Chapter 49

"Ikaw lang ang mahal ko..." Hindi ko maiwasang sulyapan si Cloud matapos
kong kumanta.

Ramdam na ramdam ko kasi ang matiim niyang tingin sa akin. Mula ng


inumpisahan kong kumanta hanggang sa matapos ako. Nagkatitigan kami at
kitang-kita ko sa mga mata niya ang emosyong matagal ko ng ninais pang
makita. Matang nagpapakita ng pagmamahal.

Hindi ko alam kung nakilala niya ang kanta na inawit ko pero sana-- sana
hindi niya ito natandaan. Ayokong isipin niya na hanggang ngayon dala-
dala ko pa rin ang alaala ng kasal namin.

"Ang galing talaga kumanta ni Mommy, right Daddy?" Sabay kaming nag-iwas
ng tingin ni Cloud sa isa't-isa at binaling ang pansin kay Claudi.
Namumungay na ang mga mata ng kambal pero tila ayaw pa din magsitulog.

"Hmmm, just like you baby. " Bumungisngis naman si Claudi sa sinabi ng
ama. Si Klode naman ay tila may malalim na iniisip at natahimik sa isang
tabi.

"You also knew the song right Dad?" Biglang saad ni Klode. Nagtataka
naman itong binalingan ni Cloud.

"What song Klode?"

"The one that Mommy sang, Ikaw. Siguro meaningful 'yung kantang iyon sa
inyo ni Mommy." Bago pa magsalita si Cloud ay sumabat na ako.

"It's late kids, matulog na tayo." Kokontra pa sana ang dalawa ng


bumangon ako at pinatay na ang ilaw ng kwarto. Mabuti na lang at hindi na
sila nag-ingay pa.

Ewan ko ba kung bakit ayaw kong marinig ang sasabihin ni Cloud.

Kasi natatakot ka na baka ikaw lang ang nagbigay ng meaning sa kantang


'yun.

Bakit hindi ba ako lang naman talaga?


"To answer your question Klode...Yes, I knew the song-- it's your Mommy
and Daddy's wedding song. Of course... it's meaningful to us. " I snapped
out from my thoughts when I heard Cloud's voice. Hindi na umimik ang
kambal at mukhang nakatulog na habang ako-- nagpanggap na lang na tulog
na at hindi na pinansin ang sinabi ni Cloud. Para saan pa? Para muling
balikan ang nakaraan na tapos na?

Paano pa ko makakausad sa kasalukuyan kung patuloy akong kakapit sa


nakaraan?

May mga alaalang hindi na dapat pang binabalikan.

₪_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_₪

Napabuntong-hininga ako ng makita ang oras sa alarm clock sa bedside


table. It's freaking 1 am at gising na gising pa rin ako. The kids were
sleeping soundly and so is their father. Mukhang pagod na pagod si Cloud
dahil naghihilik ito.

Sa sinag na nagmumula sa liwanag ng buwan, nagawa kong matitigan ang


mukha ni Cloud. Mula sa prominente nitong kilay hanggang sa mahahaba
nitong pilik-mata. Hindi ko alam kung bakit may nag-uutos sa akin na
padaanan ng daliri ko ang matangos nitong ilong.

Dalawang bata ang nasa pagitan namin pero namalayan ko na lang na naabot
ko na ang ilong ni Cloud. Hanggang sa dumako ito sa mamula-mulang labi
niya. Natauhan lang ako ng bigla itong kumilos, agad kong nailayo ang
kamay ko. Lumakas ang kabog ng puso ko sa kaba na baka nagising ito.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng niyakap lang nito si Claudi at muling
bumigat ang paghinga. Mariin akong napapikit at kinastigo ang sarili.

Darn! What's gotten into you Skyleigh, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!

Dahan-dahan akong bumangon at nagpasyang bumaba na lang. Sa ganitong


sitwasyon, malabo na akong makatulog so might as well gumawa na lang ako
ng panibagong nobela. Nagpapasalamat na lang talaga ako na hindi na
masakit ang balakang ko dahil naalala kong pupunta pa nga pala ako sa SPH
para magpaalam na sa mga kasamahan ko. Hindi naman ako tuluyang mamaalam
sa pagsusulat dahil kahit na nasa Maynila na 'ko sa SPH pa rin ako
magpapasa ng mga akda ko. Tanghali na lang siguro kami pupunta ng kambal.

Dumiretso 'ko sa kusina at nagtimpla ng gatas. Noong hindi pa ko


nanganganak ayaw ko talaga sa gatas. Pero pag nanganak ka talaga may
nagbabago sa iyo, dahil imbes na kape ang iniinom ko sa tuwing gumagawa
ako ng nobela. Gatas na ang kasa-kasama ko.

Lumipas ang tatlumpong-minuto at nanatili akong nakatingin sa screen ng


laptop ko. Papaubos ko na nga ang gatas na nasa mug ko pero kahit isang
letra hindi ko nagawang makapagtype. Tila nablanko ako at hindi makapag-
umpisa ng panibagong istorya. Kadalasan, kapag hindi ako makatulog doon
ako mas nagkakaroon ng mga ideya sa plot ng isang nobela.

Sumandal ako sa sofa at hinubad ang suot-suot kong reading glass.


Napahilot ako sa sentido sa inis dahil walang ideya na pumapasok sa akin.

Darn this writers block!

Marahas akong bumuntong-hininga at muling sinuot ang salamin. Pumunta 'ko


sa documents at nagbakasakali na may hindi pa ako natatapos na nobela at
nawa'y maipagtuloy ko. Then all of a sudden, a document title caught my
attention.

Ulap at Langit.

'Eto ang unang nobelang (kung nobela nga bang matatawag) muli kong
naisulat matapos ang tatlong taon kong pagtigil sa pagsusulat. Isang gabi
naisipan ko na lang magsulat at namalayan ko na lang na sariling istorya
ko na pala ang ginagawa ko. It is my story, my love story. A lonely
ending as what others say. Muli ko itong binasa at nanariwa sa akin ang
mga alaalang pilit kong ibinaon sa limot. Akala ko nagbago na ko I guess
hindi lahat sa akin nagbago. Masokista pa rin 'ata ako.

Para kong baliw na tumatawa't umiiyak habang binabasa ang sinulat ko. Iba
pala sa pakiramdam kapag binabasa mo ang sarili mong kwento. Habang
nababasa ko ang katangahan at pagiging masokista ko, hindi ko maiwasang
itanong sa sarili ko na kung may kakayahan akong baguhin lahat ng ginawa
ko sa nakaraan, babaguhin ko kaya?

Siguro hindi, kasi may maganda naman naidulot 'yun sa akin. Ang kambal--
ang mga anak kong nagpapasaya sa akin.

Sa huli tuluyang lumayo si Langit kay Ulap at nabuhay kasama ang kanilang
mga anak. Kontento na siya, sa piling ng kambal-- ang mga anghel ng buhay
niya. Hindi niya na nanaisin pang magtagpo ang landas nila ni Ulap...

Paulit-ulit kong binasa ang huling pangungusap at tila may sariling utak
ang mga kamay ko at dinugtungan ang storyang ito.

Sabi ko tapos na ang kwentong ito-- wala ng book 2 o continuation dahil


tapos na ang kwento ko. Ang kwento kasama si Cloud, tapos na ang chapter
ng buhay ko kasama siya. Pero bakit dinudugtungan ko ito? Ibig sabihin ba
nito, payag na 'ko na madugtungan ang chapter ng buhay ko kasama siya?

This time happy ending na ba ang storyang 'to?

₪_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_₪

"Hmmm, smells delicious." Napatalon ako sa gulat ng may marinig akong


magsalita sa likod ko.

"Sorry, nagulat ba kita?" Lumingon ako at napanganga ng mapagmasdan ang


itsura ni Cloud.

Bakit hindi ko namalayan kagabi na hinubad nito ang polo niya?! Nakasando
ang huli at kitang-kita ko ang mamasel nitong braso at ang bumabakat
nitong abs. Bumaba ang paningin ko at agad akong napatalikod ng makitang
nakaboxer ito!
Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko at napapikit ako ng mariin ng
marinig ang mahina nitong pagtawa. Nakakahiya! Hindi niya naman siguro
iniisip na tinitigan ko ang katawan niya?! Na pinagnasaan---

Wait!!! Erase. Anong pinagnasaan Skyleigh?! Nanibago ka lang dahil ngayon


mo na lang ulit napagmasdan ang katawan---

Get a grip Skyleigh!

Pagsaway ko sa sarili ko. Tumikhim ako at pinagpatuloy ang pagsangag sa


kanin na niluluto ko. Muntik pa itong masunog dahil sa seksing---

Sexy?!

I mean istorbong lalaki na nasa likod ko. Nabwisit ako ng marinig na


tumatawa pa rin si Cloud. Di yata't tuwang-tuwa ito na napapahiya ako?

"A-are you laughing at me Mr. Monteciara?!" Masungit kong tanong na


nakapagpatigil sa pagtawa nito. Tumikhim naman ito na nakapagpataas ng
kilay ko.

"I-I'm not...Ahm--- Shall I help you?" Hindi na ko inantay nitong


magsalita at kinuha na ang sandok na hawak ko at ipinagpatuloy ang
pagsasangag.

"You want a coffee?" Lumingon ito sa akin at ngumiti na kala mo nanalo sa


lotto sabay tango. 'Di ko na lang pinansin ang katawan nito dahil wala
namang mali sa ayos nito dahil hindi naman siya nakahubad. Sadyang OA
lang ako.

Iiling-iling akong nagtimpla ng usual na kape nitong iniinom-- black


coffee, no creamer and a little sugar. I just hope hindi pa rin nagbabago
ang panlasa niya.
Makalipas ang ilang minuto, parehas na kaming nakaupo sa hapag-kainan
habang umiinom siya ng kape at gatas naman sa akin. Alas-singko pa lang
ng umaga at wala pa rin akong tulog pero hindi pa naman ako inaantok.

"You still know kung anong timpla ng kape ang gusto ko." Uminom na lang
ako ng gatas imbes na magkomento pa sa sinabi nito.

"Hindi na ba masakit ang balakang mo?" Umiling ako bilang sagot sa tanong
nito.

"That's good to know... Ba't nga pala ang aga mong nagising?" Tanong ulit
nito sabay subo ng tinapay.

"Actually, hindi pa 'ko natutulog." Muntik na kong mapatakip sa tenga sa


OA nitong reaksyon.

"What?!"

"Lower your voice Cloud! Baka magising ang mga bata." Pagsaway ko dito.

"Sorry, pero bakit hindi ka pa natutulog? It's five am Sky, masama sa


kalusugan yang ginagawa mo. Hindi na ako magtataka na kaya ka nagkasakit
dahil diyan sa pagpupuyat mo--" Bago pa nito maituloy ang sermon sa akin.
Pinasakan ko na ito ng hotdog na isusubo ko sana.

"Just so you know Cloud, normal lang sa isang writer ang magpuyat. It's
part of our job, at isa pa mahaba din ang naitulog ko kahapon kaya hindi
din ako dinalaw ng antok." Ngumunguya ito pero halatang di sang-ayon sa
sinabi ko.

"Then you should quit--" Napahinto ito sa pagsasalita ng subuan ko naman


ito ng tinapay.
"I love what I'm doing." Lumunok ito at uminom ng kape. Nagulat ako ng
subuan din ako nito ng tinapay pero mas nagulat ako sa sarili ko ng ibuka
ko ang bibig ko at kainin ang inuumang niyang pagkain.

Bakit parang normal lang ang ginagawa namin? Just like the old times?

"Still, kung makakasama naman sa'yo 'yan might as well maglie-low ka


muna. Hindi naman porke't mahal mo 'yang trabaho mo pababayaan mo na ang
sarili mong kalusugan. " Muli ako nitong sinubuan at katulad kanina
nagpaubaya naman ako.

"Ganun naman talaga siguro Cloud, basta may mahal ka gaano man kasama ang
maidulot sa'yo nito, ipagpapatuloy mo pa rin kasi nga mahal mo."
Napatigil ako sa akmang muling pagsubo dito ng mapagtanto ko ang sinabi
at ginagawa ko. Ibinaba ko ang tinapay at nilapag na lang ito sa sarili
niyang plato. Inubos ko ang gatas ko at nagpasya ng tumayo.

"I-I'm s-sleepy matutulog na muna ako. Kung hindi ka pa aalis ikaw na


muna bahala sa kambal pag nagising sila. " Maglalakad na ako paalis ng
hawakan nito ang kamay ko.

"Don't mind what I had said Cloud, antok lang siguro ko. " Buti naman at
binitawan na ko nito.

'Yun ang akala ko.

Dahil naramdaman ko ang bisig nito sa bewang ko. "I know until now, you
can still never forget what I had done to you years ago. And I doubt kung
malilimot mo pa rin 'yun but trust me Sky... I'm willing to do everything
just to make you happy... Gusto kong palitan ng masasayang alaala
lahaaat-- ng masasakit na alaalang binigay ko sa 'yo. I do really love
you Skyleigh Vergara-Monteciara. Please believe me."

TBC
Sobrang tagal ng update dahil kakagaling ko lang po sa lagnat though may
ubo't sipon pa po ako T.T...

VOTE.

COMMENT.

LOVE YOU READERS :*

=================

AWS CHAPTER 50

Chapter 50

"Uy Leigh, baka naman sa sobrang lalim ng iniisip mo malunod ka na diyan.


Paalala ko lang, farewell party niyo 'to. Aba, buti pa ang mga chikiting
mo nag-eenjoy, eh ikaw parang kanina ka pa tulala diyan." Napabuntong-
hininga na lang ako at hindi sinagot si Yura na kumakain sa tabi ko.
Pinagmamasdan ko na lang ang kambal na kumakain at nakikipag-usap sa mga
kasamahan ko at kay Ma'am Kris.

Nandito ako ngayon sa SPH, and what did I expect with Yura being a
talkative one, nasabi niya na sa boss ko at sa iba ring writer at staff
ng SPH ang pagpunta namin ng Maynila ng kambal. Kaya 'eto they made a
farewell party para sa aming mag-iina, buti na lang pala at hindi ko
naisipang ipagpabukas ang pagpunta dito at nagising ako ng maaga kaysa sa
inaasahan ko. Muli akong napapikit ng maalala ang nangyari kanina, more
like mula kagabi.

He kissed me.

I kissed him back.

Nagsubuan pa kami ng pagkain kanina, at niyakap niya ako. Saying how much
he loves me, saying how much he wants me to be happy. Pleading for me to
believe him.

Gahd! Hindi ko alam kung paano ko nakapanik sa kwarto ng nanginginig ang


mga tuhod ko. Pinaghalong kaba, tensyon ang naramdaman ko kanina na
mukhang hanggang ngayon dala-dala ko pa rin. Saglit nga lang din ang
naitulog ko, I'm just thankful na wala na siya ng gumising ako. Hindi ko
alam kung paano siyang nakaalis ng hindi umiiyak si Claudi, but as what
Kleng said mahabang paliwanagan at utuan daw ang ginawa ni Cloud kay
Claudi. Hindi naman ako nag-alala kay Klode dahil madali namang
makaintindi ito.

Muli naman akong napatingin sa cellphone ko at sa mensahe na nabasa ko ng


gumising ako. I don't know how did he get my number, pero wala namang
imposible kay Cloud.

09xxxxxxxxx 6:35 AM

Goodmorning Wife! Aalis muna ko, hindi na kita mahintay pang gumising. I
just have to attend an urgent meeting at Manila. I'll be back tonight.
You really look beautiful when you are sleeping so I can't help but to
steal a kiss to your lovely lips. Hope you won't get mad, I love you :*

-Your Husband Cloud.

"Ang taray, may endearment lakas maka-wife and husband. Ikaw na talaga!
Ang sweeeeeet. Nireplayan mo ba? Aba kung ganoong mukha din naman ang
magnanakaw ng halik sa akin, willing akong ibigay 'di niya na kailangang
nakawin hihihihi. " Namula naman ang pisngi ko sa pinagsasabi nitong si
Yura. Sa sobrang pagka-distract ko ni hindi ko man lang namalayan na
nakibasa na ang kaibigan ko. Agad-agad ko namang nilagay ang cellphone ko
sa pouch at uminom na lang ng juice na agad ko ding naibuga dahil sa
sumunod nitong sinabi.

"So... magkakaroon na ba ng kapatid ang kambal?" Uubo-ubo ko 'tong


masamang tinignan at ngumiti lang ito na parang normal lang ang tanong
niya.

"Yura! Ano bang pinagsasasabi mo?!" Naeeskandalo kong saad.

"Bakit may mali ba sa sinabi ko?"

Pinunasan ko ang bibig ko "Really? Kapatid? Saan naman nanggaling 'yun?


As far as I know nung nakaraan lang gigil na gigil ka doon sa tao, eh
bakit ngayon parang gustong-gusto mo pa na..." Ni hindi ko pa maituloy-
tuloy ang sasabihin ko dahil just by thinking about it nag-iinit na ang
mukha ko. "..may mangyari sa amin." Pabulong kong dugtong.

"Kasi Leigh nakakainis kasi 'yung approach niya sa'yo noon, pero base
naman sa kwento ng kambal mukhang mabuting tao naman si Ulap. Aba,
galante pa! Biruin mo siya pa ang nagmungkahi na gawin 'tong farewell
party at siya pa ang gumas...tos?" Napatakip si Yura sa bibig niya ng
tila marealize ang sinabi niya. Tatayo pa sana ito at iiwas ng hilahin ko
ito.

"Anong ibig mong sabihin?" Nakataas-kilay kong tanong.

"Ay ano ba 'tong bunganga ko!" Hinampas-hampas niya pa ang bibig niya at
kung sa ibang pagkakataon lang baka tumawa pa 'ko dahil sa ginagawa nito.

"Yura..." Bumuntong-hininga naman ito at inilahad na kinontak daw siya ni


Cloud at tinanong kung kelan kami magkikita. Hanggang sa sinabi ni Cloud
na siya na ang gagastos sa party dahil sa baka matagalan nga bago kami
magkita-kita ng mga taga-SPH.

"Sorry Leigh, hindi na ko makatanggi although nahihiya ako kaya lang tama
din naman 'yung asawa mo, minsan lang 'to. " aniya. Ngumiti na lang ako
para ipaalam na ayos lang. Napatingin ako sa handa na nasa lamesa at
hindi ko maiwasang mapakagat ng labi dahil halos lahat ng handa paborito
ko at wala ni isa rito ang may sahog na itlog. Kaya pala...si Cloud pala
ang may kagagawan. Until now, alam na alam niya pa rin kung anong mga
putaheng gusto ko at kung saan ako allergic.

₪_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ₪

It's already 6 PM at napagpasyahan na namin na umuwi. Nakaalis na ang iba


kong kasamahan at naiwan na lang si Yura at Ma'am Kris.

"Naku, mamimiss ko talaga kayo Claudi and Klode.." Isa-isang niyakap nila
Ma'am Kris at Yura ang kambal. Hindi ko naman maiwasang pangilidan ng
luha dahil nalulungkot din ako na baka matagalan bago kami muling
magkikita-kita lalo pa't sa loob ng limang taon ang bumubuo ng SPH ang
nagsilbing pamilya namin ng kambal.

"Mamimisss talaga kita Leigh." Mahigpit akong niyakap ni Yura kasunod


nito ay si Ma'am Kris.

"Mag-iingat kayo doon ng mga bata Leigh. " Tumango naman ako at sasagot
pa sana ko ng kalabitin ako ni Claudi.

"What is it baby?" Tanong ko.

"Why are they saying goodbye to us Mommy? Hindi na ba natin sila ulit
makikita?" Curious na tanong nito, napatingin naman ako kay Klode na
tila naghihintay na rin ng isasagot ko.

"Claudi, Klode---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang tumakbo


si Claudi papunta sa likod ko.

"Dadddddddy!!!" Napalingon  ako sa likod  at nakita si Cloud na kinarga


agad si Claudi at hinalikan.

"Awww, ang sweet talaga ng husband mo Leigh sa mga anak niyo. "

"Sinabi niyo pa Ma'am pero siyempre 'di lang sweet sa mga chikiting ang
asawa niya kung hindi maging kay Leigh mismo hihihi." Namula naman ako sa
sinabi ni Yura lalo pa't isinenyas pa nito ang labi nito na tila
humahalik.

Hahampasin ko na sana ito ng makaramdam ng labi sa pisngi ko.

"Good evening to my lovely wife. Sorry 'di na pala ako nakaabot. Napahaba
yung meeting eh. " Hindi ko naman maapuhap ang sasabihin ko at alanganin
na lang ngumiti sa mga kaharap ko na tila nanunuksong nakatingin sa amin.
Di yata't masyadong nagiging touchy 'tong si Cloud?

Sus! Gusto mo naman... Kantiyaw ng isip ko.

Pero 'di ba pumayag ka sa one month na sinasabi niya Skyleigh, maybe it's
his way of showing his love for you. Pagrarason naman ng kabilang bahagi
ng isip ko.

"Mommyyyy, ang cute ni Dora right?" Natauhan ako ng marinig kong


nagsalita si Claudi sa tabi ko.

Doon ko lang napansin ang anak ko na ngiting-ngiti habang bitbit ang


malaking stuff toy ng favorite niyang si Dora. Napangiwi naman ako ng
makitang nakasimangot si Klode pero may hawak-hawak namang libro na
mukhang bigay din ni Cloud.

Kaya pala nakaalis ang ama ng dalawang 'to,  'eto pala ang pinang-uto
niya kay Claudi.

"It's cute baby." Saad ko na lang.

"It's not Mommy." Ngumuso naman si Claudi sa pagkontra ni Klode.

"Stop it Klode, kung cute sa kambal mo then stop being mean to her
toy...Why don't you just tell me kung anong book ang binigay sa iyo ng
Daddy mo?" Pagsaway ko dito bago pa sila magtalo ni Claudi na
nagsusumbong na sa ama nila.

"Okaaaaay, if you say so Mom... Anyway, about dinosaurs ang book na ito
Mom and I'm excited to read it. " 
Napangiti naman ako ng niyakap pa nito ang libro. Hindi man gaanong
nagpapakita ng emosyon si Klode pagdating sa mga libro nakikita kong
ngumingiti ito.

"Awwww, what a lovely family isn't it Yura?" Bumaling naman ang paningin
ko kay Ma'am Kris na ngiting-ngiti sa amin.

"Sinabi mo pa Ma'am." Pagsang-ayon ni Yura na tila kinikilig pa.

Doon ko lang napansin ang ayos namin, karga ni Cloud si Claudi (ewan ko
ba kung bakit tila 'di nabibigatan ang lalaking 'to) at hawak-hawak ko
naman si Klode. Indeed, we looks like a happy family.

I suddenly wish na sana hindi na matapos 'to.

₪_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_₪

"So Mommy... bakit nga po pala tayo nagbabye kayla Tita Yura? Aalis po ba
tayo?" Napatingin  ako kay Claudi na nasa front seat ng kotse katabi ang
Daddy niya na siyang nagda-drive. Nilingon ko rin si Klode na nasa tabi
ko sa backseat na biglang binaba ang hawak na libro ng marinig ang tanong
ni Claudi.

Bumuntong-hininga ko at tumikhim pa bago magsalita "Were going to Manila


Claudi and Klode." Saad ko.

"Reaaaaallly Mommy? Magvavacation po ulit tayo?" Excited na saad ni


Claudi.

Nakita kong tinignan ako ni Cloud mula sa rearview mirror at tila


inaantay ang sasabihin ko sa bata.

"Pero malapit ng magpasukan Mommy. How about our school?" Napakagat-labi


naman sa tanong ni Klode.
"You see kids, doon na kayo mag-aaral. Umuwi lang tayo ng Davao para
makuha yung mga gamit natin at papeles niyo sa school. " Natahimik ang
kambal. Hindi ko man nakikita si Claudi, alam kong malungkot ito katulad
ng kakambal niya na nagbago ang disposisyon ng mukha. Tila nalulungkot.

"But what about our friends?" Unang bumasag sa katahimikan si Claudi.

"You can have new friends there kids." Saad ni Cloud ng mapansing tila
hindi ko alam ang sasabihin ko.

"But I don't want new friends." Napabuntong-hininga ako sa sinaad ni


Klode.

"Kids, sa Manila kasi ang work ng Daddy niyo and because hindi niya
pwedeng iwanan 'yun, tayo na lang ang sasama sa kanya. You don't want
your Daddy to leave us right?" ani ko.

Natahimik na naman ang dalawa at tila naman naghihintay ako ng hatol sa


sasabihin nilang dalawa. Mukhang ganoon din si Cloud base sa saglitang
lingon nito sa katabi niya na si Claudi at sa amin ni Klode.

"Okay."

"You're right Mommy, pwede pa kaming magka-new friends, pero si Daddy


nag-iisa lang. "

Napangiti naman ako ng sabay pang nagsalita ang kambal. Maikli man ang
sinabi ni Klode, sapat na 'yun para maging kampante ko na ayos na sa
kanila ang gagawin naming pag-alis dito sa Davao.

Nagtaka naman ako ng iginilid ni Cloud ang sasakyan "So dahil sasama na
kayo sa akin, may reward si Daddy sa inyo. Why don't we go to that
amusement park?" Sinilip ko naman ang tinuturo ni Cloud at nakakita ng
ferris wheel.
Perya?

Pero amusement park para kay Cloud. I think mag-eenjoy ang mga bata
maging ako sa tinutukoy na amusement park ni Cloud.

TBC

Double update so VOTE & COMMENT readers.

=================

AWS CHAPTER 51

Chapter 51

"Daddddddyy! Gusto ko 'nung bear na malaki! Galingan mo naman po kanina


pa po kaya tayo dito!!" Natawa ako ng tila naiinis na ishinoot ni Cloud
ang hawak-hawak niyang ring na malaki na kinakailangan niyang limang
beses mai-shoot sa bote na may layo ng ilang dipa mula sa pwesto namin.

As usual, hindi na naman pumasok. Frustration is visible  in Cloud's face


as Claudi keeps on blabbering that she wants the big bear as a prize.
Unfortunately, hindi 'ata forte ni Cloud ang ganitong laro. Biruin mo
mag-iisang oras na kami pero isa pa lang ang nashoot nito. Nakasimangot
na tuloy si Claudi at si Cloud naman ay bubulong-bulong na may daya ang
nilalaro niya. Kung itatanong niyo naman si Klode, nasa tabi ko lang siya
at tila naiirita na sa mga ingay sa paligid niya.

At bago pa yumaman ang may-ari ng pinaglalaruan ng mag-ama na todo ngisi


na (dahil nga naman ang laki na rin ng nagagastos ni Cloud) napagpasyahan
ko ng awatin ang dalawa.

"Hey you two enough na, why don't we ride that ferris wheel?" Tinuro ko
pa ang ferris wheel na siyang nakita kanina ni Cloud. Ang epic pa nga ng
mukha ni Cloud ng mapagtantong nasa perya kami. Well, rich kid kaya hindi
talaga nakapunta sa perya. As for me, dinadala naman ako dito ng parents
ko 'nung bata ako tuwing fiesta sa lugar namin.

"Eeeeeeeh I want that bear Mommmmmmy!" Pag-atungal ni Claudi. Umiral na


naman ang pagka-stubborn ng anak ko. Kanina pa nga kami pinagtitinginan
at pinagbubulungan ng mga tao dito. Siguro nagtataka kung saan kami
nanggaling at napadpad dito. Hindi ko naman sila masisisi dahil sa
hitsura ni Cloud, halatang-halata kasi na may sinasabi ito sa buhay kahit
na nakasimple lang itong damit. And as for my kids, kahit saan ko naman
ata dalhin ang dalawa mapapansin dahil sa kakyutan ng mga ito.

"Ikaw kasi Daddy eh why can't you get it?! Si manong naman kanina kaya!"
Tukoy nito sa nanalo kanina.

"Sorry na baby, I'll just buy you that one. The exact one."

"But I want it nowwwwwww!"

Nakita ko ng sumimangot si Klode at tila anumang oras ay bubulyawan na


ang kakambal niya ngunit bago pa siya makapagsalita ay lumuhod na 'ko at
iniharap sa akin si Claudi.

"Leighrah! Stop being stubborn, huwag ipilit kung hindi kaya ni Daddy.
And stop talking like that to your Dad, that's bad Claudi. You always
said to me na hindi ka na baby then why are you acting like one?" Yumuko
naman ito at pinaglaruan ang daliri niya.

"Sky enough--" Napatigil naman ito sa pagsasalita ng hilain ni Klode ang


kamay nito at may itinuro. Mukhang ayaw pa umalis ni Cloud pero nagpahila
na din sa anak namin.

"Now, do you understand me Claudi?" Iniangat ko ang ulo nito at masuyong


hinaplos ang buhok nito.

"Yes Mommy. I'm sorry for acting like a baby throwing tantrums just
because of a bear. It won't happen again."
"Promise?" Nakangiti ko ng saad.

"Promise." Ngumiti din ito pabalik at itinaas pa ang kanang kamay.

₪_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_₪

"Nasaan na ba 'yung dalawang 'yun?" Palinga-linga ko sa paligid habang


busy namang kumakain ng cotton candy si Claudi sa tabi ko.

It's been 30 minutes ng maglaho ang dalawa at hanggang ngayon hindi ko pa


rin sila nakikita.

"Mommmy, I'm tired." Napabuntong-hininga na lang ako at dinala ang anak


ko sa bench na nakita ko.

Kakaupo pa lang namin ng marinig ko na ang hinahanap ko kanina pa.

But what the heck?!

"Where are we going?"

Dora?

Wait kumakanta ng Dora si Cloud?!

"To Mommy and Claudi." Napatawa naman ako maging si Claudi ng marinig ang
monotomous na pagkanta ni Klode. Halatang napipilitan sa kalokohan ng
ama.
"Where are we going?"

"Aish enough na nga Dad. It's so childish." Pagkatapos sabihin 'yun ay


mabilis pa sa alas kwatro nitong iniwan ang ama na tumatawa.

"Saan ba kayo galing?" Tanong ko ng makalapit na ang dalawa.

"And why are you singing Dora Daddy? hihihi."

"Okay ladies, 'eto kasing lalaki natin binata na--"

"Dad! You promised me!" Nagtataka ko namang pinagbalik ang paningin ko sa


dalawa na tila nag-uusap gamit ang mga mata.

"Oh my gosh! A bear!" Napatingin ako kay Claudi na titig na titig sa


kamay ni Cloud na kanina pa pala nakatago sa likod.

"Yes, Daddy can't get that bear but your twin helped me to get this
bear." Inabot na nito ang isang maliit na pink bear kay Claudi.

Hindi man kasing-laki ng bear kanina pero halatang nagustuhan ni Claudi.


Well, halos lahat naman ng bear gusto ni Claudi.  I smiled bitterly
'cause it reminds me of someone. Napatingin naman ako sa tatlo na
nagkukulitan and mentally shooked my head to erase that memory.

₪_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_ʹ_₪

"Daddy please let's ride na that ferris wheeel!"


"No, paano kung ma-stuck tayo diyan baby? It's dangero--"Kanina pa
hinihila ni Claudi ang ama sa ferris wheel pero ayaw nito. Luma na daw at
baka ma-stuck pa kami sa taas. Pero kilala ko si Claudi, kung hindi kami
sasakay diyan ngayon tiyak magmamaktol ito. So I guess I have to be the
one to convince Cloud.

"Cloud, sakyan na natin para matapos na. It's getting late so we need to
go home." Tumingin naman ito sa 'kin at magdadahilan pa pero inunahan ko
na ito.

"Pleaseeee." I even kissed him in the cheeks. Namula ko sa ginawa ko pero


pinilit kong tignan ito at ngitian. Salamat na lang at gabi na kung hindi
makikita nito ang tila pagiging kamatis ng mukha ko.

Hinawakan nito ang kamay ko at nauna pang pumunta sa bilihan ng ticket.


Narinig ko namang humagikgik si Claudi at tila tuwang-tuwa na sa wakas ay
pumayag na si Cloud.

Namalayan ko na lang na nandito na kami sa loob ng ferris wheel,


magkatabi habang nasa kabilang upuan naman ang kambal.

"Wowwwww!" Titig na titig ang kambal sa mga bituin sa langit. Napatingin


din ako at hindi maiwasang mapangiti sa ganda ng langit na punong-puno ng
nagkikinangang bituin.

"Ang ganda..."

"Indeed the Sky is beautiful and so is the stars but you're more
beautiful Skyleigh." Napalingon  ako kay Cloud at tila may nagkarera sa
puso ko ng mapansin kung gaano kami kalapit sa isa't-isa. Gahibla na
lamng ang pagitan ng mga mukha namin kaya naman iniwas ko ang tingin ko
at bumaling na lang sa kambal.

Skyleigh.
He's been calling me that name again. But I don't know why kung bakit
hindi ko siya sinasaway.

Maybe--

"Did you enjoy the party?" I snapped out from my string of thoughts when
I heard Cloud's voice.

"I enjoyed it, nasabi din sa akin nila Yura na ikaw ang gumastos sa
party. You don't have to do it but thank you. " Mahaba kong saad,
tumingin ako dito at sinserong ngumiti.

"It's nothing as long as you're happy." anito.

"Anyway, saan ba kayo nanggaling ni Klode at paano mong napakanta ng Dora


'yun?" Natatawa-tawa kong tanong kay Cloud.

"Well, we went to another booth to try my luck to get a bear for Claudi.
So there, actually..." Tila nahihiya pa itong ipagpatuloy ang sasabihin
at tumingin pa sa hawak-hawak na bear ni Claudi. "It's not me who got the
bear, it's Klode. And him singing a little line from Dora. It's a secret
between us. "

"I guess hindi lahat kaya mong gawin Mister. Well as for you and Klode's
secret, you don't need to tell me 'cause I'll definitely know it... for
sure. " Natatawa kong saad.

"If you say so... Though you're right na hindi lahat magagawa ko but I'll
make sure that there is one thing na sisiguraduhin kong magagawa kong
muli." Seryoso na nitong saad.

"Ano naman 'yon?"

And my heart starts beating faster when I heard his answer.


"To make you mine again."

TBC

~Sorry sa matagal na di pag-update. Apparently, umeeksena ang kalusugan


ko. Tagal din nagkasakit T.T ... Lagi na lang -_-

Vote.

Comment.

Follow.

Spread the story.

=================

AWS CHAPTER 52

Chapter 52

Mabilis na lumipas ang araw at ngayon nga ay nasa private plane na kami
na pagmamay-ari ni Cloud at isang oras na lang ang susumahin ay nasa
Maynila na kami. Napatingin ako sa katabi ko na si Klode na titig na
titig sa hawak niyang handmade na bookmark. A gift given by his classmate
(na pinagpipilitan ni Claudi na crush ni Klode) named Alice. Pinagmasdan
ko din ito at napangiti ng mabasa ang nakasulat dito.

'I will miss you Leighton, Sana magkita tayong muli. Friends forever -
Alice'

Mukhang close ang dalawa dahil sa lahat ng ayaw ni Klode ay ang tawagin
siya sa una niyang pangalan. But the fact na pinapayagan niya ang bata na
itawag sa kanya 'yon, seems like binata na nga ang anak ko. Katulad ng
sinabi ni Cloud.
Si Cloud na kuntodo simangot ngayon sa tabi ng natutulog na si Claudi (na
hindi natulog kagabi sa sobrang excited sa pag-alis namin). Palihim akong
natawa ng maalala ang kinaiinis nito. Kahit kailan talaga seloso ito.

-*-Flashback a while ago-*-

"Ready to leave?" Saad ni Cloud pagkababang-pagkababa namin ni Claudi.

"Readyyyyyy!" Napatakip naman ako sa tenga ko ng matinis na sumagot si


Claudi. Di na ako magtataka kung mabubulabog ang mga kapitbahay namin.

"Why so energetic?" Malamyang saad ni Klode na nakaupo sa sofa at


nagbabasa na naman ng libro.

"Kasi po excited ako, unlike you na sad kasi di mo na makikita si Alic-


hmmmf." Sinara na ng malakas ni Klode ang libro niya senyales na naaasar
na naman siya sa kakambal niya. Kaya naman bago pa mag-away ang dalawa
tinakpan ko na ang walang prenong bibig ni Claudi. Nung isang araw niya
pa walang tigil inaasar ang kakambal mula ng manggaling kami sa school
nila at natiyempuhan na nandoroon si Alice (Their Classmate).

"Why don't we just say our goodbye to Ate Kleng Claudi hmmm?" Inalis ko
na ang kamay ko sa bibig ng daldalera kong anak at mabuti naman at
nilapitan na nito si Kleng na kasalukuyang umiiyak. Lumapit naman ako
dito at niyakap ito.

"Mag-iingat ka dito, alagaan mo ang sarili mo at pagbutihan mo ang pag-


aaral mo. " Napaluha na din ako dahil sa tinagal kong nakasama si Kleng
naging malapit na din naman ito sa amin.

Nalungkot din ako ng malaman na hindi nito magagawang umalis ng Davao


dahil sa hindi niya kayang malayo sa pamilya niya. Wala na din naman
akong magagawa kaya naman ipinaubaya ko na lang ang tindahan at ang
pangangalaga sa maiiwan naming bahay. Ipagpapatuloy na din nito ang pag-
aaral dahil nakakuha ito ng scholarship sa isang university. Matalino
naman ito at hanga din ako dito sa sipag at tiyaga nitong makatapos.
"Salamat Ate Leigh, sa lahat-lahat mamimiss ko po kayo ng kambal. Mag-
ingat din po kayo." Niyakap na ito ng kambal na umiiyak na din at yumakag
na kami paalis.

"Where are we going?"

Clap.

Clap.

Clap.

"To Manila, young lady."

Mula ng sumakay kami sa kotse walang tigil ang dalawa sa pagchachant ng


kanta ni Dora. Buti na lang may dala akong headset na ipinasuot ko kay
Klode na ngayon ay tulog na sa tabi ko. Ilang minuto lang ang nakakalipas
at sa wakas ay tulog na ang makulit na bata na si Claudi.

"Hindi ka ba matutulog? Gutom ka ba? I prepared a sandwich, do you want


some?" Napatingin naman ako kay Cloud na nagda-drive.

Since that night on the ferris wheel, noong sinabi niya sa akin ang mga
katagang 'To make you mine again' (na nagdulot ng malakas na tibok ng
puso ko at tila nagpahinto sa paligid ko) na kung hindi niya nga lang
dinugtungan ng 'Kidding, alam ko naman kung anong lugar ko sa buhay mo at
anong mangyayari after this one month..' malamang mananatili akong
nakatitig sa kanya 'nun at hindi makapagsalita. Matapos niyang sabihin
'yon ay saktong huminto ang ferris wheel. And our night ended.

But after that night, he became a lot sweeter, hindi ata matatapos ang
araw na wala siyang sinasabi na nakakapagpakabog ng puso ko. Hindi na rin
nga siya umalis sa tabi namin ng mga kambal, at kung itatanong niyo kung
doon siya natutulog sa bahay nitong mga nakaraang araw. It's a yes,
namalayan ko na lang na sa tuwing gabi tabi-tabi kaming natutulog ng mga
anak namin sa kama.
Pero hindi ako impokrita para sabihing hindi ko nagugustuhan ang mga
ginagawa niya. It's just that natatakot lang ako na masanay sa
pinaggagawa niya dahil alam ko naman na may hangganan ang lahat ng ito.

Here comes your negative thinking Skyleigh...

"Skyleigh?" Doon ko lang napagtantong inaantay nga pala ni Cloud ang


isasagot ko sa tanong niya kung gutom na ako. I was about to tell him na
busog pa ako ng umalingawngaw ang tunog ng cellphone ko.

Thundz calling...

Napangiti ako ng mabasa kung sino ang tumatawag. Ang tagal din
nagparamdam ng lalaking 'to sa'kin eh.

"Who's that?"

"Thundz." Nakita ko ang pagsimangot nito mula sa rearview mirror na


ikinailing ko na lang.

"Buti naman naalala mo pa 'ko." Pambungad ko sa kabilang linya.

"Hahahaha, siyempre naman makakalimutan ba kita? Masyado lang akong


naging busy this past few days. What's up? " Sinabayan ko na rin ang loko
sa pagtawa dahil mukhang alam ko na kung anong pinagka-abalahan nito.
Napatigil lang ako sa pagtawa ng may malakas na tumikhim.

"Can you tell that guy na nagmamaneho ako, so maybe next time na lang
siya makipagkwentuhan sa'yo." Napaangat naman ang kilay ko sa sinabi ni
Cloud. Ano naman kung nagmamaneho siya? Siya ba ang kausap ni Thunder?

"I heard that. Possessive eh?" Pang-aasar ni Thundz.


"Hey Cloud, why don't you just focus driving because as far as I know,
ako ang kausap ng kapatid mo at walang dahilan para ibaba ko ito dahil
nagmamaneho ka. " Pang-sosopla ko dito na ikinasimangot naman nito.

"Sorry, na-di-distract lang ako dahil sa may kausap na ibang lalaki ang
asawa ko. Fine, I'll shut up. " Tila nagtatampong saad nito.

"Oooohh feisty eh?" Napailing na lang ako ng maalala kong kausap ko pa


rin pala si Thundz sa kabilang linya.

"Shut up Thundz, anyway ba't ka ba napatawag?"

"Mangungumusta lang sa inyo, I guess nasa biyahe na kayo ngayon, I'll


wait for all of you at the airport. Mukhang masayang makita na
nabwibwisit ang asawa mo. " Makaraan ay tumawa pa ito ng malakas.

"A'ryt ikaw ang bahala kung gusto mo kaming antayin. Maybe after 2 hours
nasa airport na kami." Pag-imporma ko dito.

Saglit pa kaming nag-usap makaraan ay nagpaalam na din ang best friend


ko.

"What do you mean by informing him when will we arrive, does that mean
susunduin niya tayo?!" Tumango na lang ako kay Cloud na ngayon ay
nakalingon na sa'kin dahil naka-stop light ang kotse.

Magsasalita pa sana ito ng ipikit ko na ang mata ko as a sign na ayoko ng


marinig ang pagrereklamo nito.

~*~

And that's what happened kung kaya naman kanina pa hindi maipinta ang
mukha ni Cloud.
"Mommy?" Napalingon naman ako kay Klode ng tinawag ako nito.

"Ano 'yun Klode?"

"Is Daddy angry?" Tinuro pa nito ang ama niyang nakasimangot pa din at
katabi si Claudi na tuwang-tuwang tinatanaw ang langit habang nakadungaw
ito sa bintana ng eroplanong sinasakyan namin ngayon.

"Why don't you ask your childish Dad?" Pabulong kong saad pero mukhang
narinig nito dahil tinawag niya ang ama niya. Patay-malisya na lang ako
at tumingin sa bintana. Pero siyempre nakikinig ako sa usapan nila.

"Dad?"

"Are you angry?"

"Nope, of course not. Why did you ask son?"

Nanahimik sandali, lilingon na sana ako ng magsalita si Klode.

"Kanina ka pa nakasimangot, Mommy said you're childish. Nag-away po ba


kayo?" Napaubo naman ako kahit hindi ako umiinom ng marinig ang sinabi ni
Klode.

Kailangan talagang sabihin 'yung childish?

"Pakisabi sa maganda mong Mommy, nagiging childish lang kamo si Daddy


dahil nagseselos siya sa kausap niya kanina. " Napapikit ako sa sinabi ni
Cloud. Naramdaman ko ring namumula 'ko. Ikaw ba naman harap-harapang
marinig na nagseselos siya kay Thundz.
Okay, aaminin ko na. Naiinis man ako sa pagiging possessive at seloso ni
Cloud, another part of me is happy. Natutuwa ako na nagseselos siya sa
mga lalaking lumalapit sa akin. Dahil sabi nga nila hindi naman
magseselos ang isang tao kung hindi niya mahal ang taong nilalapitan ng
mga pinagseselosan niya.

Napalingon ako kay Klode ng kalabitin ako nito. Napansin ko na nakatingin


sa akin si Cloud kaya naman kuntodo iwas akong magtagpo ang paningin
namin.

"Sino kausap mo po kanina Mom? Ba't nagseselos si Dad?" Puno ng


kuryosidad na tanong ni Klode.

"It's your Tito Thunder. His brother, kaya pakisabi diyan sa Daddy mo
tigilan na ang kakasimangot at pagseselos dahil--"

Dahil mula pa naman noon siya pa lang ang kauna-unahang tao na minahal ko
ng buong puso. And I'm afraid na mukhang hanggang ngayon siya pa din.

Pero siyempre sa isip ko lang 'yun "..dahil magkaibigan lang kami ni Tito
Thunder mo."

Napakamot naman sa ulo si Klode at sumimangot. Nagtaka naman ako ng


tumayo ito. "Kayo na lang po mag-usap 'di po ako messenger."

Namalayan ko na lang na nagpalit ng pwesto ang mag-ama. Blame it sa


kasungitan ng anak ko.

Todo-tingin naman ako sa bintana para makaiwas sa lalaking katabi ko.


Hanggang sa naramdaman ko na hinawakan nito ang kamay ko. Pinagsalikop
niya ang mga kamay namin at sa sobrang higpit nito, ewan ko na lang kung
makakawala ako.
"Cloud..." Nasabi ko na lang at hindi ko naman maiwasang tignan siya.
Titig na titig siya sa akin. Makaraan ay bumaba ang tingin nito sa palad
ko.

"Your hands are perfect, it feels good to hold them, but..." Nanlaki ang
mata ko ng maramdaman kong may isinusuot siya sa aking singsing.

Paanong nakuha niya 'to?

"Mas maganda kung suot-suot mo ang singsing na ito." Hindi ako


makapagsalita at nagawa ko na lang pagmasdan ang kumikinang na singsing
sa kanang kamay ko.

"There...Perfect." Pinagtabi nito ang kamay namin at doon ko lang


napansin na may suot-suot din itong singsing, katulad ng suot ko.

It's our wedding ring.

I can't believe na nagawa niya pang itago ang mga singsing na ito after
eight long years...

TBC

Thanks for the Vote for this story. Rank #74 na ito sa Romance and I'm so
happy. Sana po ay patuloy niyong suportahan ang kwento ni Sky at Cloud
kasama ng kanilang mga tsikiting..

~Vote.

~Comment.

~Follow.

~Spread the story.

=================
AWS CHAPTER 53

Chapter 53

Hindi ko maialis ang paningin ko sa singsing na suot-suot ko. It's been


eight years mula ng huli ko itong isinuot. Akala ko naiwala ko na 'to
noong araw ng pag-alis ko. Ni hindi ko na nga ito hinanap and I take it
as a sign para tuluyang umalis sa buhay ni Cloud. Hindi ko inakala na
nakuha pala ito ni Cloud at itinago ng napakatagal na panahon.

Dumako naman ang paningin ko sa kamay ni Cloud, simula noong araw na


nangako siya sa akin na susubukan niya kong mahalin, bigla ko na lang
nakita na suot-suot niya na ang wedding ring namin. At sobrang saya ko
noon. Sobrang saya. Pero hindi naman nagtagal ang kasiyahan ko na 'yon.
Napangiti ako ng mapakla sa naisip ko.

Nagulat naman ako ng bigla na lang akong may bigat na naramdaman sa


balikat ko. Napatingin ako dito at natawa ng mahina ng makita kong tulog
na pala si Cloud at nakanganga pa. Mukhang kanina pa ito inaantok,
sabagay hindi rin siya nakatulog dahil sa pangungulit ni Claudi kagabi. I
don't know what's gotten into me, but I just found myself kissing his
forehead.

Imbes na magulat ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko, napangiti pa 'ko at


isinandig ko din ang ulo ko sa ulo ni Cloud.

********

°Click°

Malakas na tunog at nakakasilaw na liwanag ang nakapagpagising sa akin.

"Hihihihi." Nagulat naman ako ng makita si Claudi na nakatayo at hawak-


hawak ang tablet niya (na binigay ni Cloud) at bumubungisngis pa.

"Klode, ang cute nila Mommy oh." Napagtanto ko lang ang lahat ng ipakita
nito ang tablet sa kakambal niya na nakangiti na din.
Doon ko lang namalayan ang ayos namin ni Cloud. Kung kanina siya ang nasa
balikat ko, ngayon ako naman, at nakayakap pa ang braso nito sa tiyan ko.

Napatayo ako sa hiya dahil nakita pa ng kambal ang ayos ko at ni Cloud.


Naramdaman ko din ang pamumula ng mukha ko.

"You're awake Dadddy! Look, pinicturan ko kayo ni Mommy. Ang cute niyo
nga po eh." Narinig kong saad ni Claudi sa ama niya pero nagpanggap akong
busy sa pag-aayos ng buhok ko.

"Cute? How about this?" Nagulat na lang ako ng hilahin ako ni Cloud paupo
sa kanya. Tatayo na sana ako ng maramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni
Cloud sa bewang ko.

For Heaven's sake. I am in his lap. Nakakahiya.

"Now, baby why don't you take us a picture?" Magpupumilit pa sana akong
tumayo pero mas lalong hinigpitan ni Cloud ang kapit niya sa akin.

"Cloud nakakahiya!" Pabulong kong saad, napansin ko ring nakatingin at


nakangiti na din sa amin ang stewardess na nag-assist sa amin maging ang
piloto.

"No need to be shy, wife." He whispered at my ears that sends shiver down
to my spine.

"Mommy, smile." Hindi ko alam kung anong klaseng ngiti ang naibigay ko
pero namalayan ko na lang na nakuhanan na kami ni Claudi.

Aalis na sana ako ng muling magsalita si Claudi "One more Mommy."


Poprotesta pa sana ako ng ngumuso na ang anak namin at para matapos na
ang lahat pumayag na din ako.
Pero hindi ko alam kung anong kinalabasan ng litrato namin, dahil nagulat
na lang ako ng maramdaman ang labi ni Cloud sa pisngi ko.

"HEY, still embarrassed about what happened a while ago?" Inirapan ko ang


lalaking kanina pa todo ngisi at tanong sa akin niyan.

Why not? Kitang-kita nito kung gaano kapula ang mukha kanina. I am 30
with a twin children and I am blushing like a teenager in front of him.
Oh gahd! What an embarrassing moment for me.

"You're really beautiful when you are blushing wife." Napatigil ako mula
sa paglalakad at saglit na pinagmasdan ang kambal na palinga-linga dito
sa airport. Makaraan ay matiim kong hinarap si Cloud na napatigil din sa
paglalakad. Nakababa na kami at palabas na kami pero etong katabi ko tila
hindi pa din matigil sa pambubuska sa akin.

"One more word Rendrex and I swear ..." Nakita ko namang nawala ang ngisi
sa mukha nito "You can never hold me like this." Inalis ko ang braso nito
na nakaakbay sa akin at naunang maglakad at sinabayan ang kambal.

"Skyleigh, come on, Nagbibiro lang ako." Pahabol nitong saad pero ngumisi
lang ako at hindi ito nilingon.

********

Nandito na kami sa tapat ng airport at inaantay ang magsusundo sa amin.

Nasaan na kaya si Thunder? Pupunta pa kaya yun? I was about to call him
ng biglang nagsalita itong kanina pa sorry ng sorry na si Cloud.

"Hey Sky, Nabibingi ka na ba?" Hindi ko na sana papansinin si Cloud na


kanina pa ko kinukulit pero his question caught my attention.
Nabibingi?

Sa kanya?

Magsasalita na sana ako at sasabihin na oo, nabibingi na 'ko sa


pangungulit niya ng muli itong magsalita.

"'Coz my heart has been screaming out your name for quite some time
now.."

Kru.Kru.

Nakatingin lang ako sa kanya at napansin ko rin ang kambal na tumingin na


din sa kanya.

"Tss. Corny." Saad ni Klode na siyang bumasag ng katahimikan namin.


Makaraan ay bumalik ito sa paglalaro sa tablet niya.

And there, natawa na lang ako maging si Claudi na ngayon nga ay inaasar
na ang ama niya.

"Why so cheesy Daddy?" Sabay bungisngis ni Claudi.

Mas lalo naman akong natawa ng makitang pulang-pula ang mukha ni Cloud na
nakasisiguro kong 'di dahil sa init.

I just can't believe na sa edad ni Cloud, nagpi-pick up line pa ang loko.


Ayan tuloy nabara ng masungit na si Klode at naasar ng makulit na si
Claudi.

"Mukhang nagkakasayahan kayo ah?" Nagulat naman ako ng biglang may


umakbay sa akin sabay halik sa pisngi ko.
Sino pa ba?

Siyempre si Thunder na kasalukuyang pinapatay sa tingin ni Cloud. Nakita


ko ang pagkuyom ng kamao nito at ang pagtatagis ng bagang.

"Papaaaaaaa!" Dali-dali namang lumapit si Claudi kay Thunder habang ako


naman ay lumapit kay Cloud.

Tila naman nagulat ito ng hawakan ko ang nakakuyom niyang kamao. "Stop
throwing that look to Thunder, Cloud. Baka makita ng mga bata." Mahina
kong sabi habang nakatingin kay Thunder na kausap ang kambal.

"How can I stop it? I just want to f****** punch him. He just kissed you
Sky, for God's sake!" Mariin nitong saad na ikinabuntong-hininga ko
naman.

"Watch your mouth Rendrex.Hinalikan niya lang ako sa pisngi, so I will


really appreciate it kung titigilan mo na ang kakaselos mo sa best friend
ko kung ayaw mong ako ang mainis sa'yo." Saad ko sabay bitaw sa kamay
nito na agad niya din namang hinuli at ipinagsalikop sa kamay niya.

Holding Hands. That's what we are doing now. In front of Thunder who's
throwing meaningful looks at me. Hindi pa nakuntento ang loko at
kinindatan pa 'ko. Tuloy, naramdaman ko na naman ang tensyon dito sa
katabi ko.

Kaya naman imbes na bitawan ko ang kamay niya, hinigpitan ko pa ang


kapit.

"Okay kids, are you hungry?" Baling ni Thunder kayla Claudi. 

"Yes Papa, I'm hungry. I want jollibee."


"Then what are we doing here, let's go to jollibee."

"No need for you na sumama, inaantay lang namin ang driver at aalis na
din kami." Masungit na sabat ni Cloud.

Tumawa naman si Thunder na ikipinagtaka ko "Manong Pedring? He won't come


here bro. I saw him and said that I will be the one to fetch you up."

"You fhmpphshu---" Bago pa matuloy ni Cloud ang sasabihin niya tinakpan


ko na ang bibig nito dahil nagtatakang tumingin na sa amin ang mga bata.
Sinenyasan ko naman si Thunder na maglakad na kasama ang dalawa. At ang
loko tumatawa pang inaya ang kambal na mabuti naman at hindi na
nagtanong.

Nang medyo makalayo na sa amin ang mga bata ay hinarap ko si Cloud na


nabitawan ko na ang bibig pero masama pa rin ang hilatsa ng mukha.

"You said you want me to be happy Cloud? Na gagawin mo ang lahat para sa
'kin." Saad ko. Lumambot naman ang ekspresyon sa mukha nito at tinignan
ako.

"Yes, I'm willing to do anything for you, Sky." Puno ng sinseridad nitong
saad.

Huminga naman ako ng malalim at matiim itong tinitigan sa mata. "Then do


me a favor, Cloud."

"What is it?" Tila natutunugan nito ang hihingin ko dahil iniwas nito ang
tingin sa akin.

"Stop being like that to Thunder. Hindi mo siya kaaway, kapatid mo siya
and I'll be really happy kung magkakasundo ulit kayo." Tumingin ito sa
akin.
"Sky..." Sambit nito sa pangalan ko dahil tila hindi nito malaman ang
sasabihin.

"Thunder is a part of my life Cloud, matagal mang hindi kami nagkita, isa
siya sa importanteng tao sa buhay ko kasi kung 'di dahil sa kanya hindi
ko alam kung paano 'ko makakaahon sa depresyon na naranasan ko eight
years ago. Tinulungan niya ko Cloud, tinulungan niya akong muling buuin
ang sarili ko." Nakita ko naman ang pagbadha ng pagsisisi sa mukha nito.

And I can't help but to be sad seeing him wearing that expression.

"It's in the past Cloud. Stop blaming yourself, wala kang kasalanan. Just
promise me..." Huminga ko ng malalim at ipinagpatuloy ang sasabihin ko
"..promise me na hindi man ngayon, darating 'yung araw na babalik kayo sa
maganda niyong samahan tulad ng dati. And when that happens, magiging
masaya ko and I'm sure pati na din ang parents niyo."

Matagal bago ito sumagot pero napangiti naman ako sa sumunod nitong
sinabi "I promise Sky."

"Mommmmmy, hurry up we're hungry na kaya!" Sigaw ni Claudi sa amin.


Natawa na lang kami at magkahawak ang kamay na sinundan namin sila ni
Cloud.

I'm enjoying this moment. Pansamantala kong nakakalimutan na malapit ng


matapos ang isang buwan...

Lance POV (Ex-boyfriend ni Charlotte)

"Ayoko ngang kumain bakit ba ang kulit mo?! Pabayaan mo na lang ako!"
Makaraan ay tinabig nito ang tray na ibinibigay ko at pumailanlang ang
tunog ng nabasag na baso at pinggan.

Charlotte what am I gonna do para lang bumalik ka sa dati?


Sa isip-isip ko habang pinagmamasdan ang hitsura nito. Magulo ang buhok,
nanlalalim na mata at maputlang balat. Ilang araw na rin siyang
nagkukulong dito sa condo niya. Good thing na pinuntahan ko siya kung
hindi baka wala na siya.

Napatingin ako sa kamay nitong may benda. Fuck! Kung hindi ako dumating
baka tuluyan na nitong napatay ang sarili niya.

"Stop it Charlotte and just f****** move on. Dahil iniwan ka na ng


Monteciara na 'yon! Kaya tigilan mo ang pagsira mo sa sarili mo! Dahil
hindi ka na niya babalikan!" Sigaw ko dito. Tumayo naman ito at malakas
akong sinampal.

"Dahil sa'yo! Kasalanan mo, kung hindi mo ibinigay sa media ang larawan
nila noon hindi mapipilitan si Cloud na pakasalan siya at hindi siya
matatali sa babaeng 'yon. Kung sana hindi ko ibinigay ang sarili ko sa'yo
e'di sana ako pa rin ang mahal niya. Kasalanan mo! Kasalanan mo!" Habang
sinasabi nito iyon ay patuloy ang paghampas nito sa dibdib ko. Mahigpit
kong hinawakan ang kamay nito at galit siyang tinignan.

"Bayad na ko sa kasalanan ko sa'yo dahil pinatay mo ang anak ko dahil sa


lalaking iyon. At kung hindi lang kita mahal, pinatay na sana kita kasama
ang hayop na 'yon." Napatigil naman ito sa pagwawala at tulalang tumingin
sa akin.

"W-wala akong pinatay! W-wala!" Tila nababaliw nitong saad kaya naman
niyakap ko siya ng mahigpit at tahimik na umiyak.

Kung sana hindi niya pinalaglag ang anak namin eight years ago. E di sana
may anak na kami at masaya na ako. Pero sinira ni Monteciara ang lahat,
sinira niya. Dahil sa lalaking 'yon pinatay ni Charlotte ang anak namin.

At dahil alam ko na ang lalaking 'yon ang magpapasaya kay Charlotte hindi
ko siya nagawang patayin noon kahit na nga ba nawala ang anak ko dahil sa
kanya.
At sisiguraduhin ko na makakaganti ako sa kanya. Sa pamamagitan ng mga
anak niya! Dahil hindi siya pwedeng maging masaya habang nagdudusa ko!
Kami ni Charlotte!

TBC

Nagbabalik na ang kontrabida at mga epal sa buhay nila Sky at Cloud.


Abangan ang mga susunod na kabanata...

Question from Jennelly (Author) Papahabain ko pa ba o gusto niyo ng


matapos ang story? Answer me readers?

Please LoL.

Vote.

Comment.

Spread the story.

=================

AWS CHAPTER 54

Chapter 54

A/N: Sa mga past chapters nagkaroon ata ako ng typo errors. Kung
mapapansin niyo seven years ago ang nata-type ko though eight years dapat
'yon don't know kung na-edit ko na pagpasensyahan bangag lang ang author.

Anyway thanks sa mga nagbasa, bumabasa at babasa pa ng A Wife's Secret.


Sa mga bumoboto, nag-aadd sa Reading List nila at nagfo-follow sa akin.
Thank you po talaga ng marami from the bottom of my hypothalamus, chos.

10 Chapters to go and A Wife's Secret will come to an end. Sorry kung


masyadong mabagal ang pacing, nahihirapan kasi akong i-fast forward.
Anyway, the next next chapter will be the birthday of the twin so meaning
end na ng deal. Hahahaha. Clue: SPG.

After this story, magfo-focus na ako sa That Selfless Woman at sa Two


Badboys Beside Me. At sa gagawin kong storya ni Thunder at ang kapartner
niya ay ang ever supportive loyal reader ko na si Riane entitled
ThunderZone. Watch out also for Claudi & Klode Love Stories. Hope you'll
also read my other stories and soon works.

Napahaba masyado ang A/N ko. Sensya. Hahahaha :)


Bitin to. I know. Antay lang I'll try to update again tomorrow.

Enjoy Reading.

Chapter 54

"Happy?" Napalingon naman ako sa tabi ko mula sa pagtanaw kay Cloud at


Claudi na busy sa paglalaro sa maliit na palaruan ng Jollibee. Habang si
Klode naman, saying na hindi na siya baby at malaki na siya para maglaro
doon ay nasa harap ko at busy sa pagkain ng ice cream.

Sumubo naman ako ng burger imbes na sagutin ang tanong ni Thunder. Happy?

I am definitely happy.

Sinong 'di magiging masaya kung makikita mo na masaya ang mga anak mo.
More like na masaya ang mga taong malapit sa'yo.

Hindi man aminin ni Thunder, I can tell na merong magandang nangyari


dito, sa paraan pa lang ng pagngiti niya. No doubt, masaya ang loko.

"Well, hindi ko na rin siguro kailangan pang itanong. Nakikita ko naman


eh, obvious na obvious. You're happy. Very happy." Ngingisi-ngisi nitong
saad sabay tingin pa sa singsing kong suot. Namula naman ako at iniwas
ang paningin ko sa kanya.

"So... magsasama ba kayo sa iisang bahay?" Napatingin naman ako kay Klode
na busy pa rin sa pagkain. Agad ko namang sinamaan ng tingin si Thunder
at isinenyas si Klode.

"Oww, I get it. Hey young man," Agad namang lumingon ang anak ko sa amin.
"What is it, Tito?" Sambit nito.
"Bakit hindi mo samahan ang Daddy mo at si Claudi sa paglalaro?" Blanko
naman ang ekspresyon na sinulyapan lang ni Klode si Thunder makaraan ay
muli nitong pinagpatuloy ang pagkain.

Minsan bipolar din 'tong anak ko eh, minsan nakangiti, minsan makulit.
Pero may panahon naman na snob ito at mabibilang lang sa daliri ang
salita nito katulad ngayon. At siyempre mawawala ba naman ang companion
nitong libro.

"How about I will buy you whatever books you want later at the
bookstore?" Pang-uuto pa ni Thunder. Mabilis pa sa alas-kuwatro na
pinunasan ni Klode ng tissue ang bibig niya at dali-daling tumayo.

"It's a deal, Tito." Makaraan ay umalis ito at pumunta sa kambal niya at


kay Cloud.

Iiling-iling kong sinundan ng tingin ang anak ko. Habang si Thunder naman
ay tumatawa dahil sa ini-akto ni Klode.

Nakita ko naman na napatingin sa amin si Cloud. And he's wearing that


expression again. An eyes full of jealousy.

Nginitian ko naman ito at pilit itong ngumiti pabalik sa akin. Kinalabit


ito ni Claudi at may itinuturo sa labas ang anak namin. Naglakad ito
papalapit sa akin, at hindi ko naman maiwasang mapataas ng kilay dahil sa
mga babaeng walang pakundangan tignan ang lalaki. Tila walang pakialam sa
mga karelasyon nilang nakasimangot na.

Kanina pa lang pagpasok namin dito, madaming mata ang sumipat sa


magkapatid. Anong magagawa ko? Head-turner ang magkapatid.

"I'll be back. May pinapabili lang si Claudi. Isasama ko na rin si


Klode." Aangal pa sana 'ko at sasabihing huwag masyadong bilhan ng bilhan
si Claudi ng sumulyap ito kay Thunder na nakapangalumbaba at tila
nanonood ng palabas na nakatingin sa amin. "And you Thunder, baka gusto
mo namang lumayo-layo sa asawa ko." Ngumiti naman ang loko at iniurong ng
'onti' ang upuan niya na nagpalukot sa mukha ni Cloud. Bakit hindi? Wala
pa atang two inches ang inilayo sa akin ni Thunder.
Mapang-asar talaga ang best friend ko kahit kailan. Aalma pa sana si
Cloud ng umalingawngaw ang matinis na boses ni Claudi na minamadali ang
ama niya. Hindi na rin ako nagulat ng halikan nito ang kanang pisngi ko
at bumulong ng...

"I love you." Halos maya't-maya sinasabi niya sa akin ang tatlong
salitang iyon. At nakakahiya mang aminin, nasasanay na ako. At
nagugustuhan ko na din ito.

#######

"So...magsasama ba ulit kayo sa isang bahay?" Muling pag-uulit ni Thundz


ng tanong niya sa akin kanina lamang.

Umiling naman ako "Hindi, nag-usap na kami ni Cloud regarding that


matter, sa condo unit niya pa rin siya tutuloy. " Kumunot naman ang noo
nito sa sinabi ko.

"May problema ba?" Tanong ko makaraang hindi ito umimik.

"At ayos lang sa'yo?" Ako naman ang napakunot-noo sa tanong nito.

"At bakit naman hindi?" Balik-tanong ko habang mahinang tumawa.

"Then, what's with the ring?" Napaiwas naman ako ng tingin at wala sa
sariling hinaplos ang palasing-singan ko. "And those gestures, holding
hands, kisses and I love you's." Dagdag pa nito na siyang ikinapula ng
mukha ko.

Napakagat-labi naman ako at umiwas ng tingin. Darn! I know Thundz and any
minute now...

He's laughing.
I get it. He's teasing me.

"Stop laughing Thundz!" Nahihiya kong saad. Pero hindi pa din 'to tumigil
kaya naman kinurot ko ng pino ang loko sa braso.

"Ouch! kahit kailan talaga mapanakit ka Skyz." Saad nito habang hinihimas
ang braso nitong kinurot ko.

"Well, seriously speaking. What's with you and Cloud?" Seryoso na nitong
saad.

"The gestures, the sweet words and even this ring?" Iminuwestra ko pa ang
singsing kong suot "It will come to an end within 3 weeks Thundz. Just
only three weeks." Malungkot akong napangiti.

Malungkot?

Bakit ako malulungkot? Hindi ba ito ang gusto ko? Ang makalaya kay Cloud?
Ang makalaya sa kasal namin?

Then why am I feeling this way?

"And why is that?" Seryosong-seryoso na saad nito.

Bumuntong-hininga naman ako bago ko ikinuwento ang mga pangyayari isang


linggo na ang nakakaraan.

And his reaction?


"What the hell?! You're what? 30 and my brother is already 31. May kambal
na kayong anak at nagawa niyo pang magkaroon ng--" Natawa naman ito na
siyang ikinasimangot ko. Kung iniisip niyo na nainis siya, think twice
dahil ang bestfriend ko? Walang ginawa kung hindi tawanan ang sitwasyon
ko. Rather ang sitwasyon namin ni Cloud.

"---one month deal?!" Pagpapatuloy nito makaraan ay tumawang muli.

"Bakit ka ba tumatawa?!" Naiinis kong tanong dito.

"You're seriously asking me why?" Masama ko naman itong tinitigan at


mabuti naman at tumigil na ito sa pagtawa.

"Dahil nakakatawa kayo ng kapatid ko."

"And why is that?!"

"Look Sky, one month for him to make it up to you? To show his love for
you? At ikaw naman nagawa mo pang pumayag? Tell me, bakit ka pumayag?"
Sumeryoso na ito at tinignan ako.

"D-Dahil sabi niya, k-kapag natapos na ang isang buwan. Ibibigay niya na
ang annulment na hinihingi ko. That's why p-pumayag ako."

What's wrong with me? Bakit nauutal ako? It's not like I'm lying, 'yun
naman ang dahilan kaya ko pumayag hindi ba?

"That's the reason? Nothing more?" Tila nanghahamon na saad nito.

"O-Of course, ano pa nga ba?"


"Well, why do I have this feeling na hindi lang 'yon ang dahilan?"
Napalunok naman ako at tinaasan ng kilay si Thunder.

"At anong ibig mong sabihin?"

"We've been together since we were a child Sky, and I knew very well na
hindi mapipigilan ng kahit na sino ang gusto mong mangyari, even me or
Tita. To the point that you married my brother even though you knew that
I was completely against it."

Kakatwang nag-uusap kami sa isang mataong lugar pero hindi ito naging
dahilan para hindi maging seryoso ang usapan namin.

Napabuntong-hininga 'ko,"And your point is?"

"If you really want to push through that annulment. You don't need to
agree with what my brother wants."

"That's absurd Thundz, you knew very well that I don't have the
capability to process the annulment without Cloud's cooperation."
Pagtanggi ko sa sinasabi nito.

"But you did it, eight years ago." Pagkontra nito.

"Because I have the money then Thundz." I said as a matter of fact.

"Fine, if you say so but I just want you to be honest with yourself. You
can fool me but not yourself Sky."

At bakit ko naman lolokohin ang sarili ko?

"Saan ba talaga tutungo 'tong usapan natin?"


"Paano ang kambal kung itutuloy mo ang annulment?" Balik-tanong nito sa
akin imbes na sagutin ako.

"They will be eight years old at the end of the month. And they are
smart, I think they will understand kung maghihiwalay kami ng ama
nila...Come to think of it, matagal na din namang tapos ang lahat sa amin
ni Cloud." Saad ko.

But as I remembered our memories in Davao, the smiles and the laughs from
my children faces. I can't help but to feel sorry for them thinking that
I can't give them what they want-- a complete family.

"Stop over thinking Sky, Cloud loves you, I hate him for hurting you way
back then but I also knew that he is the one who can make you happy, kayo
ng mga pamangkin ko..." Ngumiti ito at tumingin sa entrance kung saan
papasok na ang mag-aama ko."...and I guess I could forgive him for that
and give him the blessing to be with you again...and if you could just
admit it to yourself that you never stopped loving him, then everything
will be fine. You will be happy 'cause you deserve it."

As he said those words, I looked at them. My husband and my children.

Did I never stop loving him? Did I just make myself believe that I have
moved on already even though I haven't?

That familiar heartbeat I felt every time I met his intense gaze. That
familiar butterflies on my stomach every time he's beside me. That
sensation feeling every time he kisses me. Is it the answer to my
question?

That--- after all these years, I still love him.

TBC

Vote.
Comment.

Spread the story.

Also please do check out my other stories.

>That Selfless Woman

>Two Bad boys Beside Me

>Thunder Zone

=================

AWS CHAPTER 55

"One kiss on the forehead is much sweeter than a thousand kiss on the
lips. No lust but full of LOVE and RESPECT."

Chapter 55

"Daddy, this will be our new home?!" Tanong ni Claudi habang


pinakatititigan ang bahay namin noon ni Cloud. It's still the same.
Mukhang hindi naman napapabayaan dahil maayos pa rin ang mini-garden na
nasa labas. Napansin ko ang garahe at nandoon pa din ang kotse ko, I
wonder kung gumagana pa 'yon.

"Yes Claudi, now why don't we go inside?" Makaraan ay iginiya niya kami
papasok. As soon as he opened the lights, Claudi's voice echoed the
house.

Bakit hindi?

When a grand piano is lying at the side of the sala.

Dali-daling tumakbo doon si Claudi at umupo. Nagniningning ang mga mata


nito habang hinahawakan ang bawat bahagi ng piano.
Napangiti naman ako ng mag-umpisa itong tumugtog ng paborito niyang
piyesa 'Swan in the Lake'. Nang matapos ito ay pinalakpakan namin siya ni
Cloud maging si Klode na ngiting-ngiti sa kapatid niya.

I know Cloud is spoiling Claudi too much. But I can't blame him though,
he's trying to make up for their lost time.

"She's good in playing the piano just like you." Saad sa akin ni Cloud
habang nakaakbay sa akin at pumapanhik papunta sa kwarto ng kambal.
Walang pagbabago ang bahay, kung paano ko ito iniwan years ago. Ganoon pa
din ito ngayon.

"I don't think so.. mas magaling pa rin sa akin si Claudi." Natatawa kong
saad na tinawanan na lang ni Cloud.

Tumigil kami sa isang pinto na siyang guest room noon.

"Ready kids?" Ngiting-ngiti namang tumango si Claudi habang si Klode ay


tahimik lang but If I know excited na rin ito katulad ng kakambal niya.

As soon as we entered the room, a loud voice escaped from Claudi. "Oh my
gosh!"

"Cool." Saad naman ni Klode.

The room is painted with a combination of blue and pink. Sa right side ay
may isang single bed na hindi basta-basta. It was a foster bed, princess
style. While sa left side naman ay may isang single bed din na hugis
kotse. Tuwang-tuwa ang kambal na nagpunta sa kama.

Halatang pinagbutihan ang pagrerenovate ng guest room dahil napakaganda


nito. Nagtaka naman ako dahil dalawa ang pinto sa guest room. Sa
pagkakaalala ko isa lang ang pinto dito ang walk-in-closet at comfort
room na ngayon nga ay pinasukan namin.
Punong-puno ng iba't-ibang damit pambata ang walk-in-closet. Paanong
nagawa ni Cloud 'to samantalang nasa Davao din siya kasama namin?

Silly Sky, siyempre sa yaman niya ba naman madali lang 'to para sa kanya.
'Ika nga nila. Money works.

"Wait Cloud, para saan 'yung isang pinto na nakita ko?" Puno ng
kuryosidad kong saad.

"That's my another surprise." Saad nito ng nakangiti. Niyaya na nito ang


kambal at dinala nito papasok sa pinto na iyon.

It's play room. Lot's of toys are surrounding the room. May isa ring
malaking bookshelf na kinalalagyan ng libro. Tuwang-tuwa ang kambal
habang ako naman ay napapangiti lang.

Nilinga-linga ko ang paligid at doon ko lang napagtanto na ito pala ang


dating study room ni Cloud, ipinarenovate niya pa talaga para sa kambal.

I looked at Cloud, na ngiting-ngiti habang pinapaliguan siya ng halik ni


Claudi.

I once said na hindi ako nagsisisi na minahal ko si Cloud no matter what


I've been through, and as I saw him being a great father to the twin.
Masasabi ko din na kahit kailan hindi ko pagsisisihan na siya ang naging
ama ng kambal.

And I guess I should stop being in denial and admit to myself that I
never stopped loving him.

Let's face the truth Sky,  you still love this man who's smiling happily
while looking at your children.
=========

"Daddy, why do you need to leave?" Malungkot na saad ni Claudi. We're in


their room nakaupo kami sa couch, at kinakausap ang mga bata dahil
nagpapaalam na si Cloud papaalis.

"Don't worry sweetie, I'm just--" Tila hindi na nito alam kung paano
kakausapin si Claudi, si Klode naman ay tahimik lang sa tabi ko.

"Sleep now Claudi and Klode. Daddy won't leave." Saad ko.

"Ikaw na bahalang magpatulog sa kanila. I need to take a shower.


Goodnight kids." Dugtong ko makaraan ay lumabas ako ng kwarto.

As soon as I closed the door, doon lang lubos na nagsink-in sa akin ang
ginawa ko. Does it mean, na dito na din titira si Cloud? Kasama ko? Sa
iisang kwarto?

Where else, alangan naman sa sala siya matulog o sa maid's quarter?

Napakagat labi naman ako at naglakad papunta sa kwarto ko. Rather, sa


kwarto namin.

Pagbukas ko ng ilaw ay tumambad sa akin ang kwarto na wala pa ding


pagbabago. Wait, meron pala. There's a big portrait picture at the wall.

It's Cloud and I.

A picture taken eight years ago at the orphanage we used to visit.

Nakayakap siya sa likod ko at parehas kaming ngiting-ngiti sa litrato.


Napabalik ako sa realidad ng umalingawngaw ang tunog ng cellphone ko.
Kinuha ko ito at agad na sinagot ng mabasa kung sino ang tumatawag.

"Thunder!" Sigaw ko sa kabilang linya.

Hindi nga pala si Thunder ang naghatid sa amin dito sa bahay kung 'di ang
driver ni Cloud.

"What's the matter Sky? Do you really need to shout? Halos mabasag ang
eardrums ko sa'yo."

"Thundz, what shall I do?!" Saad ko imbes na pansinin ang sinabi nito.

"Why don't you explain first and maybe I can tell you what to do."

Bumuntong-hininga naman ako at sinabi ang nagawa ko kanina-nina lang.

"Then stick to your words. Don't tell me, you'll take it back?"

Napaupo naman ako sa kama at napahiga.

"Of course I can't take it back. Nasabi ko lang 'yun kasi ayaw ni Claudi
talaga na mapahiwalay sa ama niya."

"Then do it for your children's sake. Stop over reacting. Mag-asawa pa


din naman kayo and I don't see any reason para magpanic ka na makakatabi
mo muli siya sa isang kama." Pagdidiin nito sa huling sinabi na siyang
nagpapula ng mukha ko.
Lalo pa ng maalala ko kung anong milagro ang ginawa namin dito na ang
naging resulta ay ang kambal.

Stop thinking about those memories Sky!

"Reminiscing eh?" And then I heard him chuckled at the other line.

"Thundz!"

"Kidding aside, just be yourself. And Sky..."

"What?"

"Don't hold back Sky. Just let your feelings go. Don't be scared to fall
again. Because I'm pretty sure, that this time he'll be able to catch
you."

Namayani ang katahimikan hanggang sa mahanap ko rin ang boses ko. It's
time to face the truth.

"I'm not falling again Thundz..."

"Sky---"

"---I won't fall again because I never stopped loving him." Hindi na ito
nakapagsalita ng maipagpatuloy ko ang sinasabi ko.

Marahil sa iba masyadong mabilis ang humigit kumulang isang linggong


pagkikita at pagsasama para masabi kong mahal ko pa rin siya. To think na
walong taon kaming hindi nagkita. Pero ganoon nga siguro ang pag-ibig
wala sa haba ng oras, araw at taon. Nasa nilalaman ito ng puso mo.
Dahil gaano man natin ipilit sa sarili na hindi na natin mahal ang isang
tao, kung hindi naman ito totoo. Wala kang magagawa. Dahil hindi
magagawang linlangin ng isang tao ang pusong nagmamahal.

A isa pa ang lahat ng masasamang alaala kasama si Cloud ay unti-unting


napalitan ng mga magagandang alaala sa loob lang ng maikling panahon...
At sana'y hindi na ito matapos pa.

============

"Hey Sky..." Nagising ako sa mahinang tapik at nabungaran ko si Cloud na


nakatitig sa akin.

Napatingin ako sa cellphone ko at nakitang isang oras din pala ang


naitulog ko matapos kong makausap si Thunder. Pupungas-pungas na bumangon
ako at pinagmasdan si Cloud na tila may gustong sabihin sa akin.

"Tulog na ba ang mga bata?" Tanong ko habang itinatali ang nagulo kong
buhok.

Nailang naman ako ng mapatitig ito sa akin, partikular sa leeg ko pababa


sa dibdib ko na hindi ko namalayang bumaba na pala ang neckline.

"Sa mukha ko ikaw tumingin, Cloud." Seryoso kong saad. Pinigil kong
mapatawa ng mamula ito at lumunok.

"Yeah. I'm sorry. A-anyway they're already asleep." Saad nito na iniiwas
ang tingin sa akin.

"Ahhh okay. I'll just take a shower. Matulog ka na." ani ko.
Hindi ko alam kung paano ko nagagawang maging kaswal na parang ayos lang
na magsasama kami sa iisang kwarto samantalang kanina ay nagpapanic ako
sa isiping magtatabi kami na wala ang dalawang bata sa gitna namin.

"Sky..." Napalingon naman ako mula sa paglalakad papunta sa c.r ng


tawagin ako nito.

"Bakit?"

"A-Are you really sure about this?"

I tried to play dumb even though I knew already what is he talking about.
I mentally chuckled when I knitted my brows and act as if I don't
understand what he's saying.

"What do you mean Cloud?"

"Us, sleeping in this room. Malapit lang naman ang condo ko dito and I
guess--"

"Ano bang masama Cloud? Mag-asawa pa din naman tayo at isa pa we're in
good terms right? Natutulog din naman tayo sa iisang kama way back in
Davao..." Saad ko.

Marahas naman itong napabuntong-hininga at inilagay ang hintuturo sa


sentido. "That's different Sky. Dahil nasa gitna natin noon ang kambal."

"Huh?" Okay, I'm not playing dumb anymore. I just really can't understand
kung bakit tila ayaw ni Cloud na makasama ko sa iisang kuwarto. Akala ko
ba gusto niya kong makasama palagi?

"Fine. I'm afraid Sky."


Afraid of what?

"I'm afraid that I can't hold back myself and do something that I think
you wouldn't like." He stared at me with an eyes full of...desire.

I understand. Lalaki siya at may pangangailangan siya. That's the reason.


How can I forget it?

"You're so beautiful Sky..." Pabulong nitong saad makaraan ay dahan-


dahang lumapit sa akin.

Lumakas ang kabog ko puso ng gahibla na lang ang pagitan namin. I just
remain there motionless. At hinahayaang malunod sa matiim na tingin sa
akin ni Cloud.

"And I want you... not because I have the needs... but because I am in
love with you.." Napapikit ako ng dahan-dahan nitong ilapit ang mukha sa
akin.

"But I respect you Sky because you're my wife." And I felt him kissed my
forehead.

Disappointed? Tudyo ng isang bahagi ng isip ko.

Darn it! Don't tell me gusto ko din?

I was about to utter the words that I think he'll be happy to hear, when
a loud deafening sound echoed in the room. It's Cloud's phone.

Agad tuloy akong napahiwalay sa kanya. Agad din namang tumigil sa


pagtunog ang cellphone nito.
Panira naman kung sino man ang tumatawag. Sa isip-isip ko.

Hindi niya pinansin ito at muling tumingin sa akin.

"I'll just sleep at the kids' playroom. Goodnight, Sky."

Napatunganga naman ako ng tuluyan itong tumalikod. Nasa pinto na ito ng


bigla itong nagsalita. "I badly want to kiss you on your lovely lips but
I don't think I'll be able to stop. Sweetdreams wife."

TBC

Next chapter will be two weeks after their life in Manila. Ayan na umamin
na si Sky sa sarili niya eh kay Cloud kaya? Kailan siya aamin?

Anyway baka sa weekends or next week na ko maka-update. I'll be busy. May


aasikasuhin lang. Till next update everyone :)

₪Vote|Comment|Share₪

=================

AWS CHAPTER 56

A/N: Kapag nakita niyo ang sign na ganito ~*~. Meaning flashback po yon.
This episode will be divided into two chaps. At may mga flashback din, to
give you an idea kung anong mga nangyari for the last three weeks.

Chapter 56

Three Weeks Later...


Time flies so fast, ganoon nga 'ata talaga kapag masaya ka. Napatingin
ako sa bintana at sinilip ang kambal na nakikipaglaro sa ibang bata. Pati
si Klode na hindi hilig maglaro ay nakisali na rin. We're at the
orphanage, the one Cloud and I used to visit eight years ago. Archangel's
Orphanage.

One week ago, dinalaw namin ang orphanage na ito. And Claudi said that
she wants to celebrate her birthday here na agad naman naming sinang-
ayunan ni Cloud. After all, birthday naman nila 'to at kung anong gusto
nila ang masusunod.

Though hindi pa rin ako sang-ayon na lahat ng magustuhan ng kambal,


ibinibigay ni Cloud maging ni Thunder at sila Mama at Papa.

Yeah, na-meet na ng kambal ang grandparents nila na Momsy at Popsy kung


tawagin nila.

~*~

"Daddy, my teacher told me na kung gusto ko daw ba na isali nila ako sa


declamation contest. I'm kinda scared because it will be my first contest
to my new school---" Napasimangot naman si Claudi at tumigil sa
pagsasalita ng tila mapansin na hindi nakikinig ang ama niya sa
ikinukwento niya.

It's been one week, at mabilis na naisa-ayos ni Cloud ang tungkol sa pag-
aaral nila Claudi. They are on their 2nd grade. And I'm thankful na
mabilis sila nakapag-adjust sa bagong paaralan nila.

Cloud seems preoccupied. Kanina pa ito nakatungo sa hapagkainan at


patango-tango lang. May problema kaya siya sa office? O baka naman pinag-
iisipan na nitong umalis at tumuloy na lang sa condo niya?

Kundangan ba naman kasi at kahit sinasabi ko ng sa kwarto na lang siya


matulog. Sa playroom pa rin siya ng kambal natutulog, pakonswelo na lang
at may malaking sofa doon na mahihigaan niya. But still, mas maganda pa
din kung nasa kwarto siya---
Erase. Mas mabuti na rin 'to, iwas sa tukso---

Erase again. Anong tukso pinagsasabi mo Skyleigh?!

"Nakakainis ka Dad, seems like you're not listening to me." Pagmamaktol


ni Claudi at nakasimangot na sumubo ng pagkain.

Cloud's snapped out from his reverie and apologetically looked at Claudi
"I'm sorry sweetie, Dads' just thinking about something. But I'm willing
to listen now. Come here..." Agad naman tumayo si Claudi at kumandong sa
ama niya.

"Tss, such a baby." Bulong na saad ni Klode sa harap ko.

"Leighton..." Suway ko rito. Agad naman itong nanahimik at kumain na


lang.

"Ma'am?" Napalingon naman ako kay Yaya Meling, ang kasambahay na kinuha
ni Cloud para makatulong ko sa bahay at sa pag-aalaga sa kambal.

"Ano po iyon?"

"Si Sir. Thunder po... hindi daw po kayo sumasagot sa phone niyo." Tumayo
naman ako at kinuha ang telepono. Pinagmasdan ko naman si Cloud na
pinagtutuunan na ng pansin si Claudi.

"Hello Thundz?"

"Where are you?" Saad nito na nakapagpakunot ng noo ko.


"Of course, nasa bahay. Saan ba dapat?"

"Hindi ba sinabi sa'yo ni Cloud?"

"Sinabi ang alin?"

"It's Dad and Mom's anniversary."

Napabuntong-hininga naman ako, mukhang alam ko na kung bakit kanina pa


hindi mapakali si Cloud.

"Claudi and Klode, tapos na ba kayong kumain?" Tumango naman ang dalawa.

"Good, let's go to your room. Bibihisan ko kayo." Nagtataka namang


tumingin sa akin ang tatlo.

"For what Mommy?" Tanong ni Claudi.

"It's your grandparents anniversary. We're going." Namilog ang mata ng


dalawa at nagmamadaling pumunta sa taas.

Naikwento ko kasi sa kanila kung gaano kabait sila Mama Rain at Papa
Winter and they are very excited to meet them. Susundan ko na sana sila
ng may humawak sa braso ko.

"Sky.." Hinawakan ko naman ang kamay nito na nasa braso ko at


ipinagsalikop sa kanan kong kamay.

"It's time to face them Cloud. Don't worry.. I'm here, scratch that--
We're here." I said as I gave him a reassuring smile.
Thirty minutes later and now we're at the gates of the Monteciara
Mansion.

"When are we going in?" Kababakasan ng pagkainip ang boses na saad ni


Klode ng biglang bumukas ang gate.

"Finally, you're here. Ano pang inaantay niyo? Let's go inside." Saad ni
Thunder. Hinawakan niya naman ang magkabilang kamay ng kambal at iginiya
papasok.

Bumaling naman ako kay Cloud at ngumiti dito. "Let's go Cloud." Hinawakan
nito ang kamay kong nanlalamig na din sa kaba sa muling pagkikita namin
ng dalawang taong itinuring kong tunay kong magulang.

~*~

Naging emosyonal sila Mama at Papa ng araw na 'yon. Lalo na si Mama na


paulit-ulit na nagso-sorry sa akin dahil sa hindi nila ako nadamayan ng
araw na mamatay ang Titamoms. Pero naging masaya din kami ng araw na 'yon
lalo na ako dahil muli nagkasama-sama sa isang hapag-kainan ang pamilya
Monteciara. Kasama namin ng kambal na agad napamahal kanila Mama Rain at
Papa Winter.

"Sky..." Nabalik naman ako mula sa pagbabalik-tanaw at napalingon sa


tumatawag sa akin.

"Ma, Pa.. Good morning po." Saad ko habang bumebeso sa kanila.

"Good morning din hija. Nandito na ba si Thunder? And where is Cloud?"


Magkasunod na tanong sa akin ni Mama Rain.

"On the way na daw po sila Thundz.. while Cloud is in the rest room."
"May kasama ang baby Thunder ko?"

Natawa naman ako ng marinig ang pagtawag ni Mama ng baby kay Thundz. I
chuckled mentally just by imagining how Thunder would react once Mama
called her baby in front of her.

"Ma, stop calling Thunder a baby. It's giving me goosebumps." Napanguso


naman si Mama ng marinig ang sinabi ng bagong sulpot na si Cloud.

"Hmp, baby ko pa naman kayo ah? Porke't may mga kanya-kanya na kayong
baby. Kinakalimutan niyo na si Mommy--" Napahinto naman sa pagsasalita si
Mama ng hinalikan siya sa pisngi ni Papa. 

"Don't worry hon, ako hindi magsasawang maging baby mo." Napangiti naman
ako sa paglalambingan ng dalawa. Parang nagkaroon ng sariling mundo ang
mag-asawa.

I envy their relationship. 35 Years. Ganoon na katagal na mag-asawa sila


Mama at Papa. Napatingin naman ako sa katabi kong titig na titig din sa
magulang niya.

Parehas kaya kami ng iniisip?

Na sana... maging katulad kami ng parents niya... ang tumandang


magkasama...

Mangyayari pa kaya 'yon? Kung ngayong araw na ang huling araw ng pinag-
usapan namin? At wala pa rin akong naririnig mula sa kanya?

Pero ano nga ba ang iniintay kong sasabihin niya?

Three weeks had passed since I've realized that I never stop loving him.
But until now, I still can't find the right timing to say those three
words to him.
=============

"Now, let's call on our birthday celebrants. Leighrah Claudine and


Leighton Klode to blow their birthday candles with their beautiful Mommy
and hot Daddy!" Energetic na saad ni Roan-- ang baklang host na ini-hired
ni Thunder para sa birthday ng kambal.

Natatawa pa din ako kapag naaalala ang mukha kanina ni Cloud ng malaman
niya na isang bakla ang kinuha ng kapatid niya para sa party na 'to. Kaya
naman pala nag-suggest ang bestfriend ko na siya ng bahala sa host ng
party, may hidden agenda pala ang loko.

"Hey, if looks could kill, nakabulagta na siguro si Roan dahil diyan sa


tingin mo." Saad ko habang nakaabrisete kay Cloud papunta sa mini-stage
kung nasaan ang kambal.

"Tss. He called me hot and it gives me goosebumps. Kung hindi lang sa


kalokohan ng magaling kong kapatid wala sana ang--" Nilingon ko siya at
tinaasan ng kilay as a sign na hindi ko magugustuhan ang susunod nitong
sasabihin.

Tumikhim naman ito at nanahimik na lang "I swear kung wala lang akong
hinihinging--"

"Anong hinihingi mo kay Thundz?" Saad ko makaraan ay tinignan ko si


Thundz (kuntodo ngiti at kumaway pa) kasama ang girlfriend niya na si
Riane na tila naiilang sa akin ng magkita kami kanina na siyang
ikipinagtataka ko. But later on, nalaman ko din kung bakit. She was the
receptionist na siyang nagpa-cute kay Cloud eight years ago. Ang gabing
siyang nagpabago ng mundo ko.

(Referring to Chapter 7)

But I acted that I don't know her kaya naman mukhang komportable na rin
ito sa akin.
"Mom, Dad hurry up!" Matinis na saad ni Claudi kaya naman hindi ko na
ulit natanong si Cloud kung ano ang hinihingi niya kay Thundz.

Simple lang ang party ng kambal, pili lang din ang kamag-aral na
inimbitahan ng dalawa. And I'm proud of my children dahil sa isang wish
na hiniling nila sa amin bago ang birthday nila.

Sino nga bang magulang ang hindi mapa-proud sa anak nila kung marinig mo
sa kanila ang mga katagang 'to.

Mom, don't buy us a gift na lang. Klode and I already talked about it.
Instead, you'll buy toys and clothes for the kids in the orphanage.

"Happy birthday to you... happy birthday to you.. happy birthday... happy


birthday... happy birthday Claudi and Klode."

"Now, tell us your wish kids." Saad ni Roan.

"I won't tell my wish." Masungit na saad ni Klode na nagpatawa sa mga


tao.

"Ay ang sungit ni bebe boy. Ang gwapo---"

"Stop calling my son bebe boy!" / "Stop calling me bebe boy!"

Magkasabay na saad ng mag-ama na mas lalong nagpatawa sa mga bisita.

"Alright quiet na ang beauty ko. Ikaw Claudine what is your wish?" Pag-
iiba ng paksa ni Roan ng makitang sumama na naman ang tingin ng mag-ama
sa kanya.
Ewan ko ba sa dalawang 'to. Mga napaka-KJ.

"I wish that Mommy, Daddy, Momsy, Popsy, Papa and Klode will forever stay
beside me because I love them all." Nakangiti nitong saad.

"Aww, ang sweet mo naman bhe, pero mind you walang forever!" Muli na
namang nagkatawanan ang mga bisita sa hirit ni Roan.

"Chos lang. Anyway, how about a message to your children. Mommy and
Daddy?" Pinauna ko ng magsalita si Cloud.

"Happy birthday to the two of you Claudi and Klode. It's been a month
since the day na nakilala ko kayong dalawa. At sa loob ng maikling
panahon na 'yon, naging napakasaya ko. I may not be at your side for the
past eight years of your lives pero nangangako ako na sa susunod na mga
taon, hinding-hindi ako mawawala sa tabi niyo no matter what happen. I
love you Claudi and Klode." Nakita ko namang nangilid ang luha ni Cloud
ng yakapin at halikan siya ni Claudi.

"Iiyak na yan! Iiyak na yan!" Sinamaan naman ng tingin ni Cloud si


Thunder na nang-aasar na naman.

Kahit ganyan ang dalawang 'yan. Masaya ako na nakikita silang parang
bata. And yes, nagkaayos na sila after eight long years.

"I still remember cuddling the two of you in my arms and singing a
lullaby. But seeing the two of you so grown up makes me realize how time
flies. Eight years old na 'yung mga baby ko na dati lang ay buhat-buhat
ko. Mommy will always love the two of you. And having the two of you in
my life is a big blessing for me. Hindi na nga kayo baby pero mananatili
kayong baby ni Mommy dahil kayo ang mga anghel ng buhay ko. Happy
birthday and I love you Klode and Claudi." Lumapit naman ang dalawang
bata sa akin at niyakap at hinalikan ako. Naramdaman ko naman ang
pagyakap sa akin ni Cloud. I wonder what Cloud is thinking right now.
"Ay, group hug sali ako!" Nagtawanan naman ang lahat sa muling paghirit
ni Roan.

==================

This is it. Wala ng iba pang timing, I'll tell Cloud that I still love
him. After all, I want to fulfill my children wish and that is to have a
complete family. At mangyayari lang 'yon kung maglalakas loob akong
sabihin kay CLoud na hanggang ngayon mahal ko pa rin siya.

Inayos ko ang pagkakaipit ng buhok ko at nag-apply ng manipis na make-up


sa mukha ko. Tinignan ko rin kung maayos ba ang suot-suot kong dress.

Gabi na din at natapos na ang party ng kambal. Kahit sinabi na ng kambal


na wag na silang regaluhan. Naghanda pa rin kami ng regalo sa kanila.

Mama and Papa bought bicycles for the twin.

Thunder gave Claudi a violin na siyang ikinatuwa ng anak. While he gave


Klode books. At pag sinabi kong books. Marami talaga.

And Cloud gave them dogs. Two dogs. A shitzu and a pomeranian.

And as for me, dahil wala na akong maisip na iregalo sa dalawa. I just
bought them a bracelet na pina-customized ko para sa kanilang dalawa. A
twin bracelet.

As I arrived to our seats nagtaka ko ng hindi ko makita si Cloud, ang


kambal lang na busy kay Sponge at Dora (their dogs).

"Where is Cloud?" Tanong ko.


"Hindi ba nagpaalam sa'yo? Sabi niya may emergency meeting daw siya."
Saad naman ni Thunder na todo dikit kay Riane.

I heaved a sigh, bakit naman kaya hindi nagpaalam 'yon sa akin?

Di bale, uuwi naman siya sa bahay. Aantayin ko na lang siya.

"Sky, hija?"

"Yes Ma?"

"Can I borrow my grandchildren?" Parang bata nitong tanong na nagpatawa


naman sa akin.

"Of course, Ma." Saad ko.

Narinig ko pa ang pag yehey ni Claudi sabay kandong kay Papa na tuwang-
tuwa din sa dalawa.

Nakaalis na sila Mama at ewan ko ba dito kay Thunder. I was planning na


sumabay na lang kanila Mama pero Thunder insisted na sila na maghahatid
sa akin. Pumikit ako at hindi ko namalayang nakatulog na 'ko.

"Sky..." Nagising ako sa marahang tapik sa pisngi ko.

"N-nandito na tayo---" Napatigil ako sa pagsasalita ng hindi bahay namin


ni Cloud ang nabungaran ko pagsilip ko sa bintana ng kotse.

We're at the Monteciara Hotel. Anong ginagawa namin dito?


TBC

Part two will be updated sa Thursday. Thank you for the love (chos)
Seriously, noong sinusulat ko pa lang ang  A Wife's Secret hindi ko
inexpect na may maraming magbasa nito dahil nga title pa lang cliché na
siya. Anyway, thank you talaga sa 117K reads at sa 1.16K na nag-follow sa
akin at sa votes ng story na 'to.

Sorry kung hindi na naging daily ang update katulad ng dati. Dati kasi,
may laptop at hindi pa busy ang lola mo. So yeah, salamat sa nag-intay ng
update. Sa mga naiinip sa pag-iintay ng update, pasensya na but writing
is my hobby not my priority though I'm trying my best na matapos ko na
ang AWS. Hintay lang tayo, patience is a virtue LOL :)

Vote|Comment|Share

-Jennely

=================

AWS CHAPTER 57

Chapter 57

"So what are we doing here?" Tanong ko pero ang magaling na bestfriend ko
hindi ako kinibo at ngumiti lang ito ganoon din ang girlfriend nitong si
Riane.

So I just go with the flow, and before I knew it we were heading at the
backside of the hotel. The Garden.

"Goodluck Sky... Time for us to go.. be happy." Naramdaman ko na lang na


hinalikan ako sa pisngi ni Thunder.

I was so busy looking at the place na hindi ko na namalayan na nakaalis


na pala ang dalawa kong kasama.

Iginagala ko pa lang ang paningin ko sa garden ng maramdaman kong may mga


brasong yumakap sa likod ko.
"Like what you see?" Lumakas ang kabog ng puso ko ng maamoy ang pamilyar
na pabango ng lalaking nasa likod ko. My husband. Cloud.

"W-what is this all about?" Nauutal kong saad.

"A date." Bulong nito sa tenga ko na siyang nagpatindig ng balahibo ko


lalo na sa batok ko.

I felt it again.

The fast heartbeats.

The butterflies in my stomach.

And that so called spark.

Sa isip-isip ko bakit hindi na lang siya ang nagdala sa akin dito? I mean
pwede naman kaming magsabay hindi ba?

But that doesn't matter anymore, 'coz this is the right time to tell him
that I still love him.

Bumitaw ito sa akin at hinawakan ang kamay ko, makaraan ay iginiya niya
ako papunta sa lamesang hindi ko napansin kanina. Uupo na sana ako ng
pinigilan ako nito at siya mismo ang nag-urong ng uupuan ko.

I smiled, this is one of the traits that I love about Cloud. Gentleman.

Akala ko uupo na siya pero nagtaka ko ng naglakad ito paalis. Kumunot ang
noo ko at pinagmasdan kung saan ito pupunta. Until I saw a waiter holding
a bouquet of roses. Napatungo ako at naramdaman ko ang pamumula ng mukha
ko. Darn, Cloud really knows how to make me blush.

At nakakahiya mang aminin, sa edad kong tatlumpu kinikilig pa rin ako.


Blame it to Cloud's so called charms and stunts.

"Flowers for a beautiful lady."

"Stop it Cloud." Natatawa kong saad, paano ay yumukod pa ito habang


inaabot sa akin ang bulaklak.

Pagkahawak ko sa bulaklak ay parang wala sa sarili kong inamoy ito. Ang


alam ko lang, I feel so special. Not just tonight, but every time I am
with him.

"Sky, do you want to eat?"

"Busog pa ako Cloud."

"Do you want some wine?"

"Hmmm, sounds good." ani ko. Ngumiti naman ito at sinalinan ng wine ang
kopita na nasa harap ko.

"Cheers?"

Ngumiti ako. "Cheers." 

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko may gustong sabihin sa akin si


Cloud pero tila hindi niya masabi-sabi. Ganoon ang nararamdaman ko.
"May gusto ka bang sabihin Cloud?"

He looked at me. He was about to talk when suddenly a waiter came out of
nowhere and gave him an envelope. Brown envelope.

I don't know kung bakit kinabahan ako sa kung ano ang laman ng envelope
na hawak-hawak niya ngayon.

"Cloud...I---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng i-abot nito sa akin


ang envelope. Doon ko lang napansin na dalawa ito.

"W-what is it?" I nervously asked. He just gestured me to open it and so


I did.

Nabawasan ang kaba ko ng makitang birth certificate lang pala ng kambal


ang nasa loob ng envelope. With their new surname. Monteciara.

"They'll be happy when they see this." Itinaas ko pa ang papel at


nginitian si Cloud.

"I'm glad to hear that. N-now why don't you open the other e-envelope?"
Nauutal nitong saad sa huling linya.

Is he nervous?

Hindi naman siguro katulad ng iniisip ko ang laman ng envelope na 'to


hindi ba?

But as soon as I read the first line. Pakiramdam ko huminto ang tibok ng
puso ko at naramdaman ko ang panlalamig ng kamay ko.
Annulment Papers.

Yon ang laman ng papel na hawak-hawak ko. And it was already signed by
Cloud. Pirma ko na lang ang kulang.

What is this?

Is he giving up already?

Nagsawa na ba siya?

Hindi niya ba naramdaman na mahal ko pa rin siya?

Kasalanan ko ba?

Dahil hindi ako umamin sa kanya?

Dahil naging indenial ako?

Dahil natakot ako?

And now, I'm gonna lose him. And I don't have the courage to--

I snapped out from my dilemma when I heard a voice. Someone is singing.

I turn around and saw him. Cloud. On the stage na hindi ko man lang
napansin kanina. And he's holding a guitar. Ni hindi ko man lang
namalayan na umalis na siya sa kinauupuan niya.
Pero ano bang ginagawa niya?

Is he playing with me?

Kanina lang ang sweet niya. He hugged me in my back. He gave me flowers


and then he gave me an annulment papers.

And now, he's singing for me.

Sa ilang sandali namin dito, iba't-ibang emosyon ang lumukob sa akin


dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon.

Si Cloud Rendrex Monteciara. Ang lalaking noon magpa-hanggang ngayon, ay


wala ng ibang alam gawin kung hindi bulabugin ang utak at puso ko.

(Now Playing: Synesthesia)

♫Save your smile, Everything fades through time I'm lost for words,
Endlessly waiting for you Stay with me Yes I know, this cannot be As
morning comes, I'll say goodbye to you when I'm done Through the sun...♫

♫Because I've waiting for you, Waiting for this Dream to come true, just
to be with you. And if die, remember this line, I'm always here, guarding
your life... Guarding your life...♫

'♫ am yours I'm completely trapped in your soul Dazed and confused Swept
away with your own world. You're my star Invincible, haunting and far
Grace under fire Someone is building my heart, in my heart...♫

♫Because I've waiting for you, Waiting for this Dream to come true, just
to be with you. And if die, remember this lines, I'm always here,
guarding you♫
♫Slowly falling into you I'm obsessed with the fact that I'm with you. I
can't breathe without you...♫

♫'I'm waiting for you, waiting for this Dream to come true, just to be
with you. And if I die, remember this lines, I'm always here, guarding
you life... Life♫

Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakanta siya, ganoon din naman siya
sa akin. Hanggang sa naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa pisngi ko.
Napayuko ako at tahimik na napaluha.

I don't understand him.

I am so confused.

He's giving me this annulment.

And then he's singing na para bang hinaharana niya ako.

Is this his way of saying goodbye to me?

One month ago, eto 'yung bagay na hiningi ko sa kanya, ang palayain ako
sa kasal namin. Ang manatiling ama na lang sa mga anak namin, nothing
more, nothing less.

Pero noon yon, noong mga panahong natatakot pa kong sumugal. Noong mga
panahong pilit kong pinaniwala ang sarili ko na nakamove on na ko sa
kanya. Na wala na siya para sa akin.

Pero ngayon, iba na 'yung gusto ko. All I want is to be happy. To give my
children a complete happy family. And to be with the man whom I love all
my life. To stay as his wife. To be Mrs. Monteciara for the rest of my
life.

But how would that happen if he's willing to let go of me, now?

Napatayo ako and decided to leave. Hindi ko na kaya--

'Running away again Sky? That's your problem.. you're always scared...
you never fight for your goddamn feelings... your only solution is to run
away... stop Sky, stop running away... tell him you love him.. tell him
to never let you go... just tell him.'

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa ibinubulong ng isip ko hanggang sa


maramdaman ko na may kamay na humawak sa braso ko.

"W-where are you going Sky?" Napakagat-labi ako para pigilan ang paghikbi
ko. Hinila ko ang braso ko sa kanya at marahas na pinunasan ang mga luha
sa pisngi ko.

Nang makasiguradong wala ng luha sa mga mata ko, hinarap ko siya at


tinitigan sa mga mata. He seems nervous.

This is it. I'm not gonna run away. I'm too old for that.

"I..." You can do it Sky, c'mon say it "--I'll just g-get a pen to sign
t-this." I gesture the paper that I didn't know that I am still holding.

'Wait, sinabi mo ba sa kanya na kukuha ka ng ballpen para pirmahan ang


annulment papers niyo?!'

Lumunok naman ito at tinitigan ako sa mata. Tila inaarok kung nagsasabi
ako ng totoo "I-is that so? I-I'll just call the waiter, no need for
you--"
He didn't finish what he is saying when I suddenly kissed him. Yeah, I
kissed him. Scratch that--I'm kissing him, now.

Tila naestatwa ito sa kinatatayuan pero kalaunan ay tumugon na rin sa


akin.

Ako ang unang bumitaw ng pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga.

"W-what--" He stopped from talking when finally after three long weeks. 

I said it.

"I love you." He was about to speak again when I gestured my hand as a
sign to let me finish what I am about to say "I'm still in love with you.
I never stop loving you. Natakot lang ako, natakot na sumugal muli sa'yo,
natakot na muling masaktan dahil sa paulit-ulit na rason so I tried my
best para sabihin sa'yo na nakamove on na 'ko. That I don't love you
anymore. But the truth is, I never had the chance to move on from you..."
Naramdaman kong pinunasan nito ang mga luhang patuloy sa pag-agos sa
pisngi ko. "Not because I don't want to but because I can't. Ilang beses
kong sinabi sa sarili ko na dapat kalimutan ko 'yung taong walang ginawa
kung hindi bigyan ako ng panandaliang kaligayahan pero pagkatapos ay
sinasaktan lang ako. Pero hindi ko magawa, hindi ko kaya. I just made
myself  a fool thinking na nagtagumpay ako dahil sa loob ng walong taon
nabuhay ako ng wala ka. But then you showed up in my life again... and
then I realized that it's still you.. it's still you after all this time,
after all these years."

Speechless. Iyon siya. He's just staring at me, and maybe thinking if
what I am saying is true.

"Finally, nasabi ko na rin sa'yo. But it hurts my heart knowing na huli


na ang lahat. Because you already decided to let me go..." I glanced at
the annulment papers and looked at him again "but-- can I ask you to
never let me go? Because this time, I'm willing to take the risk. After
all, you're worth it. You're worth taking the risk Cloud. And I---" 
Parang naulit ang nangyari kanina. But this time, he was the one who shut
me up by kissing me.

Naramdaman ko ang patak ng luha sa ilong ko, and I am sure na hindi


galing sa akin 'yon kung hindi galing sa lalaking nakayakap sa akin at
marubdob akong hinahalikan.

"I love you. I'm in love with you Sky. And I'm sorry that I've hurt you
again by giving you that annulment papers..." He said after he let go of
my lips, pero nanatili pa rin siyang nakayakap sa akin. "Pero hindi pa
huli ang lahat, para sa atin. You don't have to ask me to never let you
go. Dahil wala sa isip ko 'yon Sky. Siguro noong una, nung mga panahong
sinabi mong hindi mo na ko mahal. But as the days passed by na nakakasama
kita, na napapakita ko sa'yo kung gaano kita kamahal. I decided and vowed
to myself to never let you go again no matter what happen. Dahil mahal.."
He kissed me on my forehead.

  He kissed me on my nose.  "...na mahal" 

"na mahal kita." And then he gently kissed me on my lips.

Ako naman ngayon ang natahimik sa sinabi niya, napahiwalay ako sa


pagkakahalik at pagkakayakap niya sa akin at dinampot ang nabitawan kong
papel habang hinahalikan niya ako kanina. Tinitigan ko ito at tinignan
kung peke ito. Pero totoo siya, then para saan ito kung wala naman pala
siyang balak pakawalan ako?

"Then what is this all about?" I asked curiously.

"Ah, the annulment papers. I'm giving you choices."

"Choices?"

"Yeah, if you sign that papers which Thunder doubt na gagawin mo--"
"Thundz?!"

"Yeah, he knew all about this. Actually, siya ang nagplano ng annulment
papers na iyan."

Remind me to strangle my best friend after this.

"And you agreed with him?!"

"You can't blame me, I-I thought na pinagbibigyan mo lang ako kaya
naman--"

"Hanggang ngayon manhid ka pa rin." Saad ko.

Yeah, matalino si Cloud. For him not to be able to analyze my feelings


for him. Nothing changed. Numb as ever.

'Can't blame him. Hindi ka rin kasi nagsasabi.'

Kontra ng kabilang bahagi ng isip ko.

"It's not that. I just don't want to assume na mahal mo pa rin ako."

"Okay. I believed you now, what about the choices that you are saying?"
Bumuntong-hininga naman ito at tinitigan ako sa mata.

"If you ever sign that annulment papers. I'm willing to court you again.
To start all over again. No matter how long it will takes, just for you
to be mine again. " He said it seriously.
Lumunok naman ako at pilit pinigilan ang ngiting gustong kumawala sa mga
labi ko. Fine, kinikilig ako. "And what if I don't sign it?"

He smiled and get something from his pocket. It's a small box. And I'm
not that dense para hindi malaman kung ano ang laman nito.

"I'll ask you to..." Unti-unti itong lumuhod at tumingin sa akin


"...marry me again. Will you marry me Skyleigh Vergara?" Nakaluhod niya
ng sabi sa akin habang nakaumang ang bukas na kahon na kinapapalooban ng
isang diamond ring. An engagement ring.

As soon as he said those words. Naramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng


ulan hanggang sa lumakas ito. Pero nanatili siyang nakaluhod at nanatili
naman akong nakatayo. Wala ni isa sa amin ang gustong umalis kahit na
basang-basa kami.

It reminds me of that night, yung araw na nakaluhod siya sa ulan habang


hawak-hawak ang isang singsing. Ang siyang dahilan kung bakit kami
kinasal.

But this time, it's different.

Dahil nakaluhod siya habang inaalok akong pakasalan siya.

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang siyang pagbuhos ng luha ko. But again,
it's different. Dahil umiiyak ako, dahil masaya ako. Masayang-masaya ako.
Malayo sa Skyleigh, eight years ago na umiiyak dahil nasasaktan siya.

"Yes. I'm willing to marry you again Cloud Rendrex Monteciara."


Nanginginig ang mga kamay nitong isinuot ang singsing sa akin. Hindi ko
alam kung dahil sa lamig o dahil katulad ko na hindi maipaliwanag kung
gaano ako kasaya. I guess it's the latter.
"Thank you Sky. Thank you for giving me a chance. I promise I won't waste
it anymore. I love you wife."

And then he kissed me.

We are kissing under the rain.

And I don't mind getting sick after this.

As long as Cloud is here beside me.

I'll be alright.

TBC

Not sure kung kelan ang next update. Thanks sa mga naghintay. Pasensya na
sa kadramahan ng dalawa hahahaha..

12/03/15~ Rank #13 in Romance. Thanks everyone.

7 Chapters to go.

=================

AWS CHAPTER 58

WARNING: May SPG ang chapter na 'to and just to remind you guys. Hindi
ako propesyonal (chos) sa paggawa ng BS. Skip skip na lang pag di niyo
feel :) I-feel niyo na lang yung kanta dahil mga favorite ko 'yang mga
yan :D

Chapter 58
Chances.

Sabi ng iba, every person deserves a second chance to make up for their
mistakes, to prove na nagbago na sila. May iba namang nagsasabi na hindi
lahat dapat binibigyan ng chance, lalo na kung hindi sila nararapat para
dito.

Pero paano mo nga ba malalaman kung sino ang karapat-dapat na bigyan ng


isa pang pagkakataon?

Pagkakataon para muling makapasok sa buhay mo.

Ano nga ba ang sukatan?

Paulit-ulit kong tinanong sa sarili ko 'yan simula noong gabi na humingi


ng isa pang pagkakataon sa akin si Cloud para itama ang lahat ng mali
niya. Para ipakitang nagbago na siya. Para maiparamdam sa akin ang
pagmamahal na matagal kong hinangad.

At nasagot ko na ang tanong na iyon. Walang sukatan o batayan para muli


mong bigyan ng isa pang pagkakataon ang isang tao.

Bakit?

Kasi paano mo malalaman na karapat-dapat siyang patawarin at papasukin sa


buhay mo kung hindi mo siya bibigyan ng pagkakataon.

That's it. Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.

After all, chances doesn't guarantee a happy ending. It will just let
people take another shot to end things right.
Malay mo, sa pangalawang pagkakataon. Maging maayos na ang lahat. Dahil
natuto na kayo sa pagkakamali niyo sa nakaraan.

And you know what's ironic?

The first time Cloud begged to me for an another chance to make things
right. I rejected him. Saying that I don't love him anymore. Even though,
iba 'yung sinasabi ng puso ko.

Pero nagawa ko pa rin siyang pagbigyan sa isang buwan niyang hiningi sa


akin.

And I just realized, na noong pumayag ako sa hinihiling niyang isang


buwan. Binigyan ko na rin siya ng isa pang pagkakataon. Pagkakataon para
muling guluhin ang nanahimik kong puso. Pagkakataon para muli siyang
papasukin sa buhay ko.

Pero hindi ko pinagsisihan 'yon. Siguro kung hindi ako pumayag ng panahon
na 'yon at tuluyan naming pinutol ang relasyon namin bilang mag-asawa.
'Yon siguro ang pagsisihan ko.

Dahil hindi ko rin binigyan ng isa pang pagkakataon ang sarili ko para
lubusang maging maligaya.

At ano pa bang ikakatakot ko?

Eight years ago, minahal ko siya kahit na may mahal siyang iba. Sumugal
ako kahit alam kong masasaktan ako.

Ngayon pa ba ako matatakot?

Ngayong hawak ko na ang puso niya?


Ngayong ramdam na ramdam ko na ang pagmamahal niya?

At panghuli, ngayon pa bang may pagkakataon ako para maibigay ko ang


isang buo at masayang pamilya sa mga anak ko?

So I decided to take the risk. And no matter what happen, I won't regret
it.

And besides... I'm happy and contented. Wala na akong mahihiling pa.

"A penny for your thoughts?" Nabalik naman ako sa realidad ng marinig ko
ang boses ni Cloud na kalalabas lang ng banyo.

Nasa hotel room ulit kami ng MH. It's also a suite just like eight years
ago. Though it's not presidential suite but a couple suite. Meaning
there's only one bed. Basang-basa rin kasi kami sa ulan so we decided na
dito na muna magpalipas ng gabi tutal na kanila Mama naman ang mga bata.

Nagkibit-balikat naman ako sa tanong nito at ngumiti na lang. Naramdaman


ko namang lumapit 'to sa akin. Pero imbes na tumabi ito sa akin, tumayo
ito sa likod ko.

"What are--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng maramdaman ko na


pinupunasan nito ang buhok kong basa pa rin gamit ang isang towel.

"A-ako na." Nauutal kong saad.

Naranasan niyo na ba yung pakiramdam na kada may gagawin sa'yo yung taong
mahal mo sa'yo na sa tingin mo bihirang gawin ng iba. Nararamdaman mo ang
malakas na kabog ng puso mo. And that's me, right now.

Every little things he does to me, it gives me this kind of feeling.


The feeling of being taken care of. The feeling of being loved.

And for me, it's one of the greatest feeling that a person can ever
experience.

"Let me, I love doing it. Can I also brush your hair?" Namalayan ko na
lang na tumatango ako. Minutes after, he's done brushing my hair.

Umupo ito sa tabi ko at inakbayan ako. "Why did you cut your hair?"
Tanong nito.

I shrugged. "For a change."

"Gaano mo kadalas pagupitan ang buhok mo?"

"It depends. Pag mahaba na pinapagupitan ko na din."

"But do you know that you're more beautiful when your hair is long?"
Hindi ito nakatingin sa akin bagkus ay sa kamay ko na nilalaro niya at
pinakakatitigan ang singsing na ibinigay niya sa akin kanina.

I still can't believe na maeexperience ko na magkaroon ng isang marriage


proposal in a romantic way. I believe it's every woman's dream. Having
their man propose to them.

Well, inalok din naman ako ng kasal ni Cloud eight years ago though it's
just him saying I need you to marry me not the heartwarming Will you
marry me.

"Why? Am I ugly with my short hair?" Nakataas-kilay kong tanong.


Actually hindi naman talaga maikli ang buhok ko. Hanggang balikat ito,
'yun nga lang maikli nga ito kung ikokompara sa abot hanggang balakang
kong buhok dati.

Hinawakan niya naman ang pisngi ko at iniharap sa kanya "Silly. Long


hair, short hair or even bald. You're beautiful. Your innocent eyes..."
Pinadaanan nito ang gilid ng mata ko "...your nose." Pinagdikit nito ang
tungki ng ilong namin kaya napapikit ako "...your luscious lips." And
then he kissed me and said "...everything about you is beautiful...
you're beautiful inside and out, wife..."

I thought he would kiss me again but to my disappointment, he stood up


and left me. Too bad.

Hindi ka naman masyadong atat mahalikan ano Skyleigh?

Tudyo ng bahagi ng isip ko na siyang nagpamula ng mukha ko. Until music


fills the room that distracted me from my small thoughts.

(Now playing: Forevermore)

♫There are times when I just want to look at your face With the stars in
the night There are times when I just want to feel your embrace In the
cold night I just can't believe that you are mine now...♫

"The original plan is I would dance with you after you accepted my
proposal but I don't want you to be sick by standing too long in the
rain... so now, can I dance with you, wife?" Napangiti ako ng makitang
ngumiti ito na parang binata na nahihiyang alukin ng sayaw ang crush
niya.

Yeah. That smile. It's priceless.


So I smiled, and even though we're just wearing nothing but a white robe,
I stood up and wrapped my arms around his neck. Bumaba naman ang kamay
nito papunta sa bewang ko. And slowly, we started swaying our body.

♫You were just a dream that I once knew I never thought I would be right
for you I just can't compare you with anything in this world You're all I
need to be with forevermore...♫

"I'm being cheesy now, am I Sky?" He said while smiling at me.

"Yes. Why? Are you shy about it? That the famous ruthless boss of MEC is
cheesy when it comes to his wife?..." I said while raising my eyebrow
though I'm still smiling.

Hindi ko alam kung sayaw pa bang matatawag ang ginagawa namin, dahil
magkayakap na lang kami at gumagalaw na lang ng marahan.

"I don't care about them knowing this side of me. And besides, I'm proud
to be a cheesy husband to make--- my love...my woman...the mother of my
children...and my wife, happy. "

Hindi ko alam kung bakit masyado kong nagiging emosyonal at nararamdaman


ko na nangingilid na naman ang mga luha sa mga mata ko.

"Thank you Cloud...thank you for coming back to our life. "

"Sky, I should be the one to say thank you. Thank you--thank you for
giving me this another chance. For letting me be in your life again. "

I just rested my head on his chest and feel the fast heartbeat of his
heart same as mine.
♫All those years, I long to hold you in my arms I've been dreaming of you
Every night, I've been watching all the stars that fall down Wishing you
will be mine I just can't believe that you are mine now...♫

♫You were just a dream that I once knew I never thought I would be right
for you I just can't compare you with anything in this world You're all I
need to be with forevermore...♫

"Do you believe in forever?" I whispered.

"I don't. But now, I can start believing in it. Because of you..." He
replied.

Tumango naman ako at umalis sa pagkakasandal sa kanya. "Cloud, marami ang


nagsasabi na walang forever. At nakakatawa mang sabihin, katulad mo isa
din ako sa mga taong naniniwala that forever is nothing but a word.."

"And now?"

"It changed. Katulad din ng sinasabi ng marami, na ang taong kasama ang
taong mahal nila, eventually they will start to believe in that so called
forever."

"Then let's have that forever Sky.. together with our twin and future
children..."

Bumaba ang mukha nito at unti-unting naglapat ang aming mga labi. Sa una
ay marahan hanggang sa naramdaman ko ang palalim na palalim na halik nito
sa akin na buong puso ko namang tinugunan.

♫Time and again There are these changes that we cannot end As sure as the
time keeps going on and on My love for you will be forevermore Ohhh,
yeah---ey I just can't believe that you are mine now...♫

♫You were just a dream that I once knew I never thought I would be right
for you I just can't compare you with anything in this world...♫
♫As endless as forever Our love will stay together You are all I need to
be with forevermore Forevermore You are all I need to be with
forevermore...♫

Humiwalay ito sa akin ng maramdaman namin ang pangangapos ng hininga. And


then I met his eyes. 

Eyes full of love, passion and desire.

Saglit pa akong nagulat ng bigla nito akong buhatin na parang sa bagong


kasal. And I don't know if it's fate or just a mere coincidence but the
song ended and change into...

(Now Playing: I'll make love to you)

♫Close your eyes, make a wish And blow out the candlelight.. For tonight
is just your night We're gonna celebrate, all thru the night...♫

Napapikit ako ng maramdaman kong dahan-dahan niya akong inilapag sa


malambot na kama. Ngunit kagyat din akong napadilat at napapitlag ng
maramdaman ang labi niya sa leeg ko. I can't help myself but moan as he
keeps sucking me there. It gives me this unexplainable sensation. As if
I'm feeling hot all over my body.

"C-Cloud... s-stop.." Paanas kong saad.

Suddenly, he stopped.

He raised his head and looks at me.

"Y-you want me to stop?" Hinihingal nitong saad. Pero kitang-kita ko ang


mapaglaro nitong ngiti. Tipong hinahamon ako.
Bumaba ang paningin ko at hindi ko maiwasang pakatitigan ang mamula-mula
niyang labi.

And there, I just found myself wrapping my arms around his neck and
started kissing him as if I'm hungry and thirsty for something. And only
him can satisfy me.

♫Pour the wine, light the fire... Girl your wish is my command.. I submit
to your demands I'll do anything, girl you need only ask..♫

♫I'll make love to you Like you want me to And I'll hold you tight Baby
all through the night I'll make love to you When you want me to And I
will not let go 'Till you tell me to♫

Unti-unting bumaba ang halik ni Cloud at ang tangi ko na lang nagawa ay


mapaungol at mapakagat sa labi ko sa sensasyong ibinibigay niya sa akin.
Naramdaman ko ang unti-unting pagkalas ng roba sa katawan and before I
knew it I am naked. Now, in front of him.

Namula ako ng pakatitigan nito ang harapan ko. Wala sa sariling tinakpan
ko ito. Sure, may nangyari na sa amin noon but I can't call it making
love, it's just that three letter word called sex. And he's also quite
drunk at that time. Pero ngayon kung pakatitigan niya ang bahagi ng
katawan ko na para bang kinakabisado niya ay nakakapagpailang sa akin.

"Don't. It's b-beautiful." Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi nito lalo


pa ng alisin nito ang kamay ko at halikan ang ituktok ng dibdib ko habang
ang isang kamay ay malayang hinahaplos ang kabilang dibdib ko.

Hindi ko na napigilan at kumawala ang ungol na tila ba nahihirapan ako at


may gustong abutin.

♫♫♫Girl relax, let's go slow I ain't got nowhere to go I'm just gonna
concentrate on you Girl are you ready, it's gonna be a long night Throw
your clothes (Throw your clothes) on the floor (on the floor)

I'm gonna take my clothes off too I made plans to be with you

Girl whatever you ask me, you know, I could do


I'll make love to you Like you want me to And I'll hold you tight Baby
all through the night I'll make love to you When you want me to And I
will not let go 'Till you tell me to♫♫♫

Hanggang sa umabot ang kamay nito papunta sa gitnang bahagi ng katawan


ko. And before I knew it I was curling my toes as I experienced a mind
shattering orgasm. I thought he's already done pleasuring me but to my
surprise, he suddenly went down from kissing my chest to my...

"S-stop, Cloud." Nahihiya kong saad habang pinagdidikit ko ang magkabila


kong binti.

"Let me Sky, I want to pleasure you... I wanna do this to you wife." Bago
pa ko muling makapagprotesta, naibuka niya na ang magkabilang binti ko.

And then he started kissing me down there and started using his finger to
enter my center. Minutes passed by, and I felt that excruciating orgasm
again. It felt good but at the same time I'm feeling exhausted.

I was about to close my eyes when he knelt down in the bed and slowly
removed his robe. I blushed when I saw his manhood.

'Darn, he's huge!'

♫♫♫Baby tonight is your night And I will do you right Just make a wish on
your night Anything that you ask I will give you the love of your life,
your life, your life

I'll make love to you Like you want me to And I'll hold you tight Baby
all through the night I'll make love to you When you want me to And I
will not let go 'Till you tell me to...♫♫♫

He went on top of me. And slowly kissed me.

"Are you ready?" He asked me. Namalayan ko na lang na tumatango ako.


I felt pain as he thrust himself down to my center. Napayakap ako ng
mahigpit sa balikat ni Cloud. Though I am not a virgin, it's also been
eight years ago since that night happened.

"I-I'm sorry, wife. I'll be gentle." Tila hirap na hirap na bulong sa


akin ni Cloud.

"It's o-okay Cloud. Just do it." He's kissing me while slowly thrusting
himself making me moan in pleasure.

Minutes passed by and he thrust in me, faster and faster and faster.
Until I felt him stiffened and as we entwined our fingers we reached our
climax.

"I love you Sky..." Saad nito habang humihingal pa. He slowly removed
himself and rolled down to my side.

"I love you too Cloud." I answered back before I close my eyes and fall
down into a deep slumber.

♫♫♫I'll make love to you Like you want me to And I'll hold you tight Baby
all through the night I'll make love to you When you want me to And I
will not let go 'Till you tell me to...♫♫♫

TBC

Vote|Comment|Share

I know sabaw ang BS nila. Sarreh.. puro kasweetan ang dalawa sa mga past
chapters but sorry to tell you guys, hindi sa lahat ng oras
masaya...kadalasan kailangan nilang lumuha at masaktan...

~Jennely
=================

AWS CHAPTER 59

Dedicated ang chapter na ito sa mga new readers at sa mga nanatili ko pa


ring readers :)

Chapter 59

One month later.

Huminga ko ng malalim bago ko muling pinakatitigan ang sarili ko sa


salamin. I am wearing a black elegant off-shouldered gown with sequins
and lace paired with a white high heels, na siyang nagpatangkad sa akin.
Simple lang ang kolorete ko sa mukha na siyang ini-request ko sa nag-ayos
sa akin kanina-nina lamang. Maayos namang nakapusod ang humaba ko ng
buhok.

"You're gorgeous." Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita ang


gwapong-gwapo kong asawa na papalapit na sa akin. Bagay na bagay dito ang
suot-suot niyang suit na ako pa mismo ang pumili.

"Do we really have to go to the party?" Tanong ko dito ng tuluyan siyang


makalapit. Hinawakan naman nito ang pisngi ko at mataman akong
pinakatitigan.

"Ayaw mo ba talaga?"

"Hinde naman. I'm just--" I was cut off from what I am saying when he
suddenly kissed me.
Agad din naman itong lumayo sa akin "Don't be afraid. I know na hindi mo
talaga hilig ang humarap sa ibang tao. But I'm here. So there's nothing
to worry about. And besides, I will take this opportunity to let them
know that my wife is back and I am now a father. And that, we're going to
marry each other again.."

Tonight is the anniversary of the Monteciara Entertainment Company.  At


ngayong gabi din opisyal na ipapakilala ni Cloud sa publiko ang mga bata.

"Fine, if it's really what you want then I guess wala na akong magagawa
pa..." Natatawa ko ng saad. Unti-unti na ring nawala ang kabang
nararamdaman ko sa pagharap sa mga tao lalo pa't maraming dadalo sa
okasyon kasama na ang media.

"Just let me do this. You don't know how happy I am, now that we're going
to be together for the rest of our lives. And I want everyone to witness
that."

"Alright. I trust you." Saad ko makaraan ay tumalikod ako at muling


pinagmasdan ang sarili ko sa salamin.

"Seems like may kulang sa suot mo." Napakunot-noo ko sa sinabi ni Cloud


at napatingin sa sarili ko.

Ano namang kulang sa suot ko?

At bago pa ko muling magsalita, naramdaman ko ang paglagay ng malamig na


metal sa leeg ko.

It's a necklace.

A beautiful and extravagant necklace.


"Cloud, ang mahal nito." Namamangha kong saad. It's not a simple
necklace. It has a diamond heart pendant. At malaki ito, maikokompara sa
isang barya. Ganoon kalaki.

"It's a gift from me. And it suits you. Because just like that diamond,
you are precious to me." Niyakap ako nito mula sa likod at naramdaman ko
ang mabining halik nito sa leeg ko.

Agad naman akong nakaramdam ng kakaibang init. It's been one month since
that night. The night he proposed to me. The night I became his again and
he became mine.

And if you'll ask me if we did it again. Yes. Almost every night, it


became our thing.  Lovemaking. I guess we really make up for our lost
times. At gusto na rin ni Cloud na magkababy na ulit kami. And I don't
disagree with him though, malalaki na ang kambal at gusto ko rin naman
maranasan ni Cloud ang makitang lumaki ang anak namin.

Kung anong makakapagpasaya sa kanya, gagawin ko.

And one month from now, I'll be mark again as the wife of Cloud Rendrex
Monteciara. Kung ako ang papipiliin, I want a simple wedding, nothing
grandiose. But that's not what Cloud wants me to have. And so, two months
pa ang preparation bago kami muling ikasal.

"Let's go before I can't control myself again, wife." Natawa na lang ako
and for the last time I looked myself on the mirror and silently prayed
that nothing goes wrong for this night.

*****

"Daddy, will the people there will like me?" Napatingin naman ako sa anak
kong si Claudi na napakagandang tignan sa suot-suot nitong above the knee
black gown at may tiara pa sa ituktok ng kanyang buhok.
Nasa loob na kami ng sasakyan papunta sa Monteciara Hotel kung saan ang
venue na pagdarausan ng party. And for sure, nandoon ang best friend ko
na nag-ala kabute na naman at hindi nagparamdam sa akin mula isang buwan
na rin. Hindi ko pa siya nakukurot sa suhestiyon niya sa asawa ko na
bigyan ako ng annulment papers na siyang nakapagpaiyak sa akin.

"The people there will definitely love you princess." Nakangiti namang
paglalambing ni Cloud sa bumungisngis na si Claudi matapos marinig ang
sinabi ng ama niya.

"I hate crowds." Narinig ko namang bulong ng katabi kong si Klode na


hindi naman pahuhuli sa kagwapuhan ng ama niya. 

"You'll do good big boy." Saad ko naman at tinapik ito ng mahina sa


pisngi.

I guess may namana din pala sa akin ang anak ko. Parehas kaming ayaw
humarap sa madaming tao.

Ilang saglit lang at tumigil na ang sasakyan hudyat na kailangan na


naming bumaba ng kotse at humarap sa madaming tao. Bumaba ang driver at
pinagbuksan kami ng pinto. Unang bumaba ang mag-ama na si Claudi at
Cloud.

Mahigpit namang kumapit sa kamay ko si Klode at sabay kaming bumaba.


Nagkikislapang kamera ang sumalubong sa amin. Ninenerbyos man ay ngumiti
pa rin ako lalo na ng makita si Claudi na kumakaway pa sa kamera at giliw
na giliw na nginingitian ang mga tao.

Umabrisete ako kay Cloud at sabay-sabay kaming naglakad papasok pero


dahil nga may mga press hindi maiiwasan na may mga tanong na sumalubong
sa asawa ko.

"To answer all of your question. Yes, my wife is back. And I am now a
father. Now, if you'll excuse us everyone."  Iyon lamang ang sinabi ni
Cloud at dali-dali na kaming pumasok sa loob. Mabuti na lamang at
pinigilan na ng mga guard ang mga press na nangungulit  pa rin.
Dama ko ang bulungan at tinginan ng mga tao as soon as we entered the
hall.

"And now let's us all welcome our CEO Mr. Cloud Rendrex Monteciara with
his wife Mrs. Skyleigh Monteciara with their children." Saad ng emcee.
Agad namang nagpalakpakan ang mga tao sa bulwagan.

"Mr. Harushika, I'm glad na pinaunlakan niyo ang imbitasyon ko." Saad ni
Cloud at kinamayan ang lalaki na mukhang kaedad ni Papa na ngiting-ngiti
na nakatingin sa amin.

"I wouldn't miss it Cloud, especially now that I would be able to meet
your gorgeous wife." Ngumiti ito sa akin na ginantihan ko naman.

"Good evening po." Saad ko.

"Good evening din sa'yo hija, kaya naman pala ganado magtrabaho si Cloud
ay dahil may napakaganda siyang asawa sa tabi niya at..." Nabaling ang
paningin nito sa kambal "...napakaganda't gwapong mga anak."

"Hello young lady, what's your name?"

"I am Leighrah Claudine po. But everyone calls me, Claudi." Bibong sagot
ni Claudi.

"You're so beautiful just like your Mommy, Claudi."

"Kayo din po, you're handsome po." Tumawa naman ng malakas si Mr.
Harushika at makaraan ay binalingan ng pansin si Klode "And you, young
man?"
"I'm Leighton Klode po." Mahinang saad ni Klode na tila nahihiya pa.
Ngumiti naman si Mr. Harushika at saglit pang nakipaghuntahan sa amin at
nagpaalam na rin.

Madami pang tao kaming kinamayan at nakausap bago kami makarating sa


table kung nasaan sina Mama, Papa at Thunder.

"Goodevening Ma at Pa." Saad ko sabay beso sa mga pisngi nila.

"You look beautiful hija." Sabay na saad nito kaya naman natawa ko.

"Hey, Skyz hindi mo ba namiss ang best friend mo?"

Inirapan ko naman si Thunder na parang bata na nakanguso pa. Lumapit na


rin ako sa kanya at bumeso sa kanya pero siyempre hindi mawawala ang
pangungurot ko sa kanya.

"Oh my gosh, ang cute naman ng mga babies ko. Come to momsy my cute
apo's..." Hindi ko na pinansin ang pagrereklamo ni Thunder at nakangiting
pinagmasdan na lang si Mama na pinupupog ng halik ang mga anak namin ni
Cloud.

******

"Thank you everyone for coming to the celebration of the 25th Year
Anniversary of this company... This company means a lot to me..." Titig
na titig ako kay Cloud habang ikinukwento niya ang mga naganap na
pangyayari at mga natutunan niya sa pagmamanage ng kompanya nila. At
hindi ko maiwasang humanga sa angking talino at sipag na ipinamalas ng
asawa ko.

"...and now, I would like to invite my lovely wife and our adorable kids
to this stage to officially introduced them to all of you...Let's us all
welcome, my family... " Agad na tumayo si Claudi at kinawayan pa ang mga
taong pumapalakpak sa amin. Habang si Klode naman ay nanatiling nakaupo
at nakayuko. Kitang-kita ko sa namumula niyang tenga  na nahihiya si
Klode.

"Let's go na Klode..." Pag-aaya ni Claudi. Tumingin naman sa akin si


Klode at tila sinasabi ng mga mata niya na ayaw niya. Yumuko naman ako at
hinimas ang pisngi ng anak ko.

"Nahihiya din si Mommy, Klode...But, Daddy will be happy kung papanik


tayo doon..." Marahan akong ngumiti at dahan-dahan naman itong tumango.

Hawak ko sa magkabilang-kamay ang kambal habang sinalubong naman kami ni


Cloud sa ibaba ng hagdan patungong stage. Sabay-sabay kaming pumanik at
muli ay pumalakpak ang bawat tao sa bulwagan. Kitang-kita ko mula sa
pwesto ko ang umiiyak na si Mama ngunit nakangiti at inaalo naman ito ni
Papa na bakas din ang kasiyahan sa mukha. Pahuhuli pa ba ang bestfriend
ko na kumindat pa sa akin at nag-thumbs up sa kapatid niya.

"Again, this is Skyleigh Vergara Monteciara, my wife...  Hindi ko itatago


sa inyong lahat na matagal nawala ang asawa ko dahil sa hindi
pagkakaunawaan sa pagitan naming dalawa... But now, she's back with our
lovely and adorable twins...Leighrah Claudine Monteciara... " Muling
ngumiti at kumaway si Claudi na tila tuwang-tuwa siya sa ginagawa niya.
"...Leighton Klode Monteciara..."

"Ngumiti ka naman big boy!" Nagtawanan ang bisita ng sumigaw si Thunder


kaya agad namang yumuko si Klode at tila gustong magtago sa likod ko.

"Hindi lahat ng tao nabibigyan ng isa pang pagkakataon para itama ang
lahat ng pagkakamali nila sa buhay nila... And I am lucky to be given
that chance... and this time I will make sure that I won't waste it again
just like before... so I would like to announce to all of you that this
coming October, I would marry again my wife to renew our vows... and
hopefully makadalo  kayo... And to end this very long speech ...again, I
would like to say I love you to my family, kids and most especially my
wife..." Inakbayan ako ni Cloud at hinalikan sa gilid ng noo.

"I love you, my wife..." Pabulong nitong saad sa akin. Malakas man ang
palakpakan dulot ng mga bisita dinig na dinig ko pa rin ang sinabi ni
Cloud. Dinig na dinig ko ito hindi lamang ng tenga ko kung hindi ng puso
ko.
"I love you too, my husband..." Sagot ko naman dito.

"I love you too Daddddddy..." Matinis na sigaw ni Claudi habang si Klode
naman ay nakangiting yumakap sa amin ni Cloud.

Nagtawanan ang lahat maging kami ni Cloud na kagya't na natigil sa ingay


mula sa pinto.

"Sinabi ng bitawan niyo akooooooo..." May isang lalaki na nagpupumiglas


sa hawak ng dalawang bodyguard na nasa may entrance kanina lamang.

"Sir! Hindi nga po kayo pwede dito---" Hindi na naituloy ang sasabihin ng
guard ng bigla itong suntukin ng lalaki at nagmamadaling pumunta sa amin.
Napahigpit ang kapit ko sa dalawang bata na mukhang natatakot na rin.
Habang si Cloud naman ay pumunta sa unahan ko at humarang sa amin.

"Anong ginagawa mo dito Lance?! Umalis ka na!" Saad ni Cloud sa lalaking


nahawakan na muli ng guard.

Lance?

Sino siya?

Anong pakay niya sa amin?

"Huh? Bakit Monteciara? Natatakot ka ba na malaman ng mga tao dito ang


baho mo?!...  Natatakot ka ba na malaman ng mga tao dito na ang
tinitingala nilang si Cloud Monteciara ay isang taksil... ang matagal na
naging sekretong karelasyon ng sikat na artista na si Charlotte Perez..."
Napasinghap ako sa pangalan na binanggit ng lalaki hindi lamang ata
maging ako kung hindi maging ang mga bisita "---ang babaeng dahilan kung
bakit iniwan ka ng asawa mo , ang babaeng ipinagpalit mo sa asawa mo
noon... na ngayon ay parang basura na itinapon mo dahil bumalik na muli
ang babaeng..."  Tumawa ang lalaki at hindi ko maiwasang kilabutan sa
sarkastiko nitong pagtawa "Mahal mo?" Patanong nitong saad.

"Marunong ka nga ba talagang magmahal Monteciara?!" dagdag pa nito.

"Tumahimik ka na Lance! Tigilan mo na 'to. Nag-usap na kami ni


Charlotte--" Napuno ng bulungan ang lugar lalo ng marinig nila mismo sa
bibig ni Cloud ang pangalan ng babaeng minsang minahal ng asawa ko.

"Nag-usap? Paanong pagkausap ba ang ginawa mo kay Charlotte at hindi lang


iisang beses niyang sinubukang saktan at patayin ang sarili niya?! " Tila
nanghina ang tuhod ko sa narinig ko at naramdaman ko ang pagbuway ko.

"Sky!" Napatingin ako sa tabi ko kung nasaan nandoroon na pala sila Mama,
Papa at Thunder.

"I'm fine. Kunin niyo muna sila Claudi at Klode..." Tukoy ko sa dalawa na
tila naguguluhan at nagugulat sa naririnig nila.

"At habang nagpapakasaya ka sa piling ng pamilya mo, sa piling ng mga


anak mo... Nagdurusa si Charlotte... Si Charlotte na nagawang ipalaglag
ang sarili naming anak para sa 'yo! Para makasama ka niya...Para maging
masaya sa 'yo pero isa ka talagang malaking tarantado at gag0 dahil
nagawa mo pa ring saktan siya... Kaya kasalanan mo! Kasalanan mo kung
bakit namatay ang anak ko!" Natahimik ang lahat at tila huminto naman ang
paligid ko.

Anak?

Pinatay ni Charlotte ang anak niya para kay Cloud?

Paanong? Paanong nagawa niya ang bagay na iyon sa isang buhay na walang
kamuwang-muwang?
"Stop that fucking video or else I'ma fucking sue you!" Sigaw ni Thunder
na hindi ko na napagtuunan ng pansin. Hindi ko na nga rin namalayan na
hindi pa rin sila bumababa ng entablado.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Lance... Wala akong alam, I didn't even


know na nabuntis mo siya so don't you dare blame me for something
I didn't even know nor do!" Sigaw ni Cloud.

"Diyan ka magaling Monteciara, ang manatiling walang alam...  Ngayon,


anong masasabi niyo sa kabaitan at kadakilaan ng tinitingala niyong si
Cloud Monteciara?" Hindi ko tinignan ang reaksyon ng mga tao at
hinigpitan ko na lang ang kapit sa kanang kamay ni Cloud na hindi bumitaw
sa akin mula kanina pa.

Ano man ang sabihin ng lahat , hindi ako bibitaw... sa relasyong ito...
sa pamilyang  'to... hindi na ko tatakbo katulad ng ginawa ko walong taon
na ang nakakaraan...

Pumunta ako sa tabi ni Cloud imbes na manatili sa likod niya...Kilala ko


si Cloud, sinasabi niya man na wala siyang kasalanan sa ginawang
pagpapalaglag ni Charlotte sa anak nila ng Lance na nasa harap ko. Deep
inside him, I know a part of him is blaming himself... And I won't let
that happen...

"Hindi pa pala tapos ang regalo ko para sa'yo Monteciara... " Kinabahan
ako ng ngumisi ang lalaking nasa harap ko at may hinugot na envelope sa
suot-suot niya. Bago pa makalapit si Cloud ay agad nitong nabuksan iyon
at ipinasabog ang laman sa mga tao sa unahan at papunta kanila Thunder
kung nasaan ang mga anak namin.

Its pictures...

Lots of pictures...

A picture of Charlotte and Cloud's intimate and sweet moments...


"Just an evidence sa kalokohan mo...." Pagkatapos sabihin 'yon ay
tumatawa itong umalis habang ako ay pinipigilan umiyak habang
pinagmamasdan ang isang litrato na naghahalikan si Cloud at Charlotte.

I know it's in the past... But still, it hurts me...

Hindi lang dahil sa nararamdaman ko kung hindi dahil sa mapanghusgang


tingin na iginagawad kay Cloud ng mga tao.

"I hate you,umalis ang Mommy dahil niloko mo siya, dahil sinaktan mo
siya!" Tuluyan na akong umiyak ng marinig ang sinabi ng umiiyak na si
Klode habang titig na titig sa litratong nasa paanan niya. Umiiyak na rin
si Claudi na karga-karga na ni Papa.

"Leighton, stop talking to your Dad that way! You don't understand---"
Sigaw ko.

"Sky, sa bahay niyo na kausapin ang mga bata... Ako ng bahala dito." Saad
ni Thunder.

Ang akala ko okay na ang lahat.... Ang akala ko tapos na ang lahat....
That finally Cloud and I will be able to be happy... with our twin.

Akala ko lang pala 'yon....

Now, paano namin haharapin ang nagbabalik na bangungot ng nakaraan?

Lalo pa't nasaksihan ito ng mga anak namin?

Paano?

Paano nga ba?


TBC

A/N: CAPSLOCK PARA INTENSE :D

I KNOW SOBRANG TAGAL NG UPDATE MARAMING NAINIS SA KAKAHINTAY... HINDI AKO


HIHINGI NG PASENSYA DAHIL HINDI KO NAMAN ITO GINUSTO... BLAME IT ON THE
CLIMATE CHANGE NA BINIGYAN NA NAMAN AKO NG SAKIT (UBO ETC.,).... AT SA
UTAK KO NA AYAW MAKISAMA...

5 CHAPTERS TO GO AT TAPOS NA 'TO KAYA MAGBASA MUNA KAYO NG COMPLETE KUNG


INIP NA KAYO ^.^...

AUGUST OR SEPTEMBER KO SINIMULAN ANG AWS AT NAGING REGULAR ANG UPDATE


DAHIL THAT TIME MAY GAMIT PA KONG LAPTOP... NA KINUHA NA SA AKIN NG MAY-
ARI KAYA NAHIRAPAN NA KONG MAG-UPDATE DAHIL MOBILE LANG ANG GAMIT KO...

BUT GOOD NEWS, MAY COMPUTER NA KO, HOPEFULLY MAKISAMA ANG BRAIN CELLS KO
PARA HINDI NA UMABOT NG BAGONG TAON ANG ENDING NITO.

ADVANCE MERRY CHRISTMAS, EVERYONE...

COMMENTS AND VOTES NA LANG... GIFT NIYO NA SA AKIN 'YON ^_^

~Jennely

=================

AWS CHAPTER 60

Chapter 60

Skyleigh's POV

"Kailan pa po ang naging relasyon niyo kay Ms. Charlotte?"

"May katotohanan po ba ang sinasabi ng dating CEO na si Mr. Lance?"

"Ms. Skyleigh, ano pong masasabi niyo sa ginawang pagtataksil ng asawa


niyo sa inyo?"

"Matutuloy pa rin po ba ang muli ninyong pagpapakasal?"

Magulo. Maingay. Nakakasilaw na kislap ng mga kamera ang sumalubong sa


amin pagkalabas na pagkalabas namin sa hotel. Ang totoo gusto kong
sigawan ang mga reporter na walang habas magbigay ng mga mabibigat na
tanong sa amin gayong nakikita naman nila na kasama namin ang mga anak
namin.

Si Claudi na nakatulog na sa bisig ni Papa na umiiyak.

Si Klode na hindi man umiiyak katulad kanina ay bakas ang galit at pait
sa mga mata.

Ni ayaw niyang dumikit kay Cloud at pirmeng nakakapit sa akin.

At si Cloud na tiim man ang bagang ay hindi makakaila ang lungkot sa


trato sa kanya ni Klode. Kaya naman pinisil ko ang kamay niya at lalong
hinigpitan.

Sa pamamagitan nito ipinaparating ko sa kanya na hindi siya nag-iisa.

Na sabay naming haharapin ang unos na ito.Magkasama at walang


naghihiwalay.

###---###

"I'm sorry Sky, hindi sana 'to mangyayari kung hindi ko kayo dinala ng
mga bata doon. Kung hindi ako naging gag0, kung sana ikaw ang pinili ko
noon. Kung sana hindi ko na binalikan si Charlotte, kung sana. Damn it!
Bakit ba palagi ko na lang nasasaktan ang mga tao sa paligid ko...." Saad
ni Cloud habang malungkot na nakatingin sa langit. Nasa veranda kami at
ni hindi man lang nakakapagpalit pa. Pero gusto kong makausap si Cloud,
gusto kong sabihin niya sa akin ang lahat.

Tulog na ang mga bata ng maiuwi namin sila. Kinakabahan pa rin ako sa
magiging trato nila kay Cloud ngayong nakita nila ang mga larawan na iyon
. Nakaalis na din sila Mama at Papa, and I can't help but to feel sad
habang nakikita ko sa mga mata nila na disappointed sila kay Cloud. I
can't help but to feel sad habang tinitignan nila ako na parang humihingi
sila ng tawad sa nagawa ni Cloud.

"Stop it Cloud, stop saying you're sorry. Hindi ako galit, kaya imbes na
humingi ka ng sorry sa akin. Gusto kong sagutin mo ko,  sino 'yung lalaki
kanina?"

"He's Lance. Ex-boyfriend ni Charlotte. He's also the reason why


Charlotte and I broke up. May nangyari sa kanilang dalawa ni
Charlotte..." Napabuga ko ng hangin sa nalaman ko.

"May kasalanan siya sa'yo and yet, kung umasta siya para bang ikaw pa ang
may kasalanan sa kanya!" Naiinis kong saad.

"Do you wanna know kung bakit may nangyari sa kanila ni Charlotte noon?"
I was left dumbfounded with what Cloud asked all of a sudden.

"Why? Why did Charlotte cheated on you Cloud? Bakit nga ba? When you are
willing to give her everything... bakit nga ba nagawa niya sa'yo 'yon...
"
"Charlotte lost her parents when she was young... Nagpakamatay ang Mommy
niya..."

"What?!"

"Her dad had a mistress, isa itong artista... sikat na artista. When
Charlotte's Dad broke up with that woman. Ipinagkalat ng babae ang
relasyon nila ng Daddy niya sa publiko, Charlotte's Mom was left
devastated kaya siguro ito nagpakamatay..."

Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong hindi ako kailanman nagalit kay
Charlotte?

Dahil isa siya sa rason kung bakit ilang beses akong nasaktan ni Cloud
noon...

I'm sure, walang maniniwala sa inyo.

Pero tama naman kayo.

Imposibleng hindi ako magalit kay Charlotte.

Dahil hindi ako isang santa. Marunong din magalit ang puso ko.

Lalo pa sa isang babae na walang ginawa kung hindi i-take for granted ang
lalaking mahal ko.

Naiinggit din ako kay Charlotte and never akong naawa sa kanya.

But knowing her story, hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Hindi ko


maiwasang maipagkumpara ang buhay niya sa buhay ko.

Parehas man kaming nawalan ng magulang sa murang edad, hindi kailanman


napuno ng galit at pait ang puso ko dahil dito. Dahil lumaki akong nasa
tabi ko si Titamoms na walang sawang minahal ako. Ang mga Monteciara na
naging pangalawang pamilya ko... Pero kung sana... kung sana hindi siya
nilamon ng galit at paghihiganti... marahil masaya na siya sa piling ng
lalaking mahal niya.

(A/N: Kung matatandaan niyo sa chapter ng break up ni Cloud at


Charlotte ... Nasabi doon ni Cloud ang mga kaganapan at pinaggagawa ni
Charlotte sa buhay niya... Hahaba na kung ikukwento ko pa ulit. Back read
na lang kung na-amnesia kayo LOL)

"You should talk to her Cloud..." Saad ko matapos maikwento sa akin ni


Cloud lahat ng tungkol kay Charlotte.

"Sky... " Tumingin ito sa akin at nakikita ko sa mga mata niya na


natatakot siya.

Alam ko kung ano ang kinatatakutan niya... Ang masaktan ako ... At hindi
naman maiiwasan 'yon kung kakausapin niya ang ex niya. Dahil asawa niya
ako.
"I can't." Muli nitong saad.

"Kung dahil lang sa akin kaya ka nag-aalinlangan na puntahan siya at


kausapin. Stop worrying Cloud, I'm bothered sa sinabi 'nung Lance
kanina... that she is trying to kill herself. She needs help Cloud and I
think she---"

"No! I've done it before, and look what happened. Nawala ka sa akin,
naawa ako sa kanya noon, sinagip ko siya mula sa ginagawa niya sa sarili
niya noon pero ikaw..." Nangilid ang luha ko ng makitang tila pinipigilan
nito ang maluha kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit. "Ikaw, mag-isa
ka... mag-isa ka sa pagpapalaki ng mga anak natin...Ikaw ang umako sa
responsibilidad na dapat ako ang gumawa. At hanggang ngayon, hindi ko pa
rin maiwasang sisihin ang sarili ko sa mga maling desisyon ko noon."

"But I'm here now Cloud, and I won't run away nor leave you again.
Never...  I can't be happy knowing that a woman is trying to kill herself
because my husband left her for me... " Pabulong kong saad na ginantihan
nito ng mahigpit na yakap.

"Hindi ko lang siya iniwan para sa'yo o para sa kambal Sky. Iniwan ko
siya dahil gusto kong maging masaya kasama ng mga taong mahal ko. Matagal
ko na dapat ginawa 'yon. " Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya at
pinakatitigan siya sa mata niyang may bahid na ng luha.

"Cloud, kaya mo ba? Kaya mo bang makatulog sa gabi o mabuhay kasama ko na


masaya knowing na 'yong babaeng minahal mo dati ay sinisira ang sarili
niya dahil sa nawala ka sa buhay niya?" Napaiwas ito ng tingin sa akin
and I already knew the answer.

We can't be completely happy. Maging masaya man kami hindi pa rin


mawawala sa isip namin ang mga nalaman namin ngayong gabi.

"Cloud, masakit din para sa akin ang sinasabi ko sa'yo ngayon. But I want
us to be free. Free from the shadows of our past so we can start anew."

"I understand what you're saying Sky but... I'm afraid to see her. Hindi
ko alam kung kaya kong makita siya."

"Why is that?"

"He said that Charlotte killed her baby because of me. How can I face
her?! How can I face someone na nagawang patayin ang inosenteng bata para
makasama ako?!" Umiiyak na nitong saad.

Tama ako.

Sinabi man kanina ni Cloud na wala siyang kasalanan sa ginawa ni


Charlotte. I know he's lying. Dahil si Cloud ang tipo ng tao na madaling
sisihin ang sarili niya sa mga bagay na hindi naman lahat ay siya ang may
kasalanan.
"Cloud! Listen to me, it is not your fault!" Sigaw ko dito at muli siyang
niyakap ng mahigpit.

"Hindi nga ba?" Pabulong nitong sagot sa akin.

"Desisyon ni Charlotte 'yon... Isang maling desisyon. Hindi lahat


kasalanan mo!"

"But she did it because of me---"

"No! She did it dahil selfish siya, ginawa niya 'yon hindi para sa'yo
kung hindi para sa sarili niya!" Natahimik ito at naramdaman ko ang
pagyugyog ng mga balikat nito na nangangahulugan ng tahimik niyang pag-
iyak.

"T-Thank you... thank you Sky for trusting me, for believing me and for
making me feel that I am not alone. But seeing the look in the faces of 
Klode, Claudi, Mom and Dad... I knew that they hate me.They're hurting
because of me. At ikaw, hindi mo man sabihin, alam ko nahihirapan at
nasasaktan ka rin na makita silang nagkakaganoon...And it pains me Sky."
Saad nito makaraan ang katahimikan at tanging pag-iyak lang namin ang
namamayani.

"Cloud... Pagsubok lang 'to... Everything will be alright. Let's solve


this step by step. I know Klode and Claudi. They will not hate you
because you're their father. It won't change Cloud, nagulat lang sila. At
sila Mama at Papa...they don't hate you, they're just disappointed.
Malaki ang pagkakaiba ng dalawang salita na 'yon. Trust me."

Tumango ito at humiwalay sa akin. Nginitian ko siya.

Ngiting nagsasabing magiging okay din ang lahat.

Dahil magkasama kami. At sabay naming haharapin ang problema na ito.

###---###

Nagising ako sa mataas na sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.


Napakunot-noo ako at napaisip ako kung bakit ganoon samantalang nakaset
ang alarm ko ng madaling araw. Agad-agad akong bumangon at tinignan ang
orasan sa night table. Nanlaki ang mata ko makitang pasado alas-otso na.

Gumagana pa naman ang orasan pero nakapagtatakang hindi ito tumunog.

Ah! Mukhang pinatay ni Cloud ito dahil anong oras na rin kami
nakatulog...

Magluluto pa ako ng agahan ng mga bata pati ni Cloud kaya agad akong
dumiretso sa banyo at naghilamos. Bagama't may dalawang maid na kinuha ni
Cloud, gusto ko pa rin na ako ang personal na nag-aasikaso sa kanila.

Dumiretso ko sa kwarto ng kambal at nakitang ayos na ang dalawa para sa


pagpasok sa eskwelahan.  Since they turned eight, hindi na sila
nagpapaligo sa akin at sila na mismo ang nag-aayos ng sarili nila para sa
pagpasok.

"Goodmorning my big babies!" Nakangiti kong saad pero agad naglaho ito ng
makita ang mga ekspresyon nila sa mukha. Tila papaiyak si Claudi
samantalang si Klode ay masama ang tingin sa hawak-hawak niyang tablet.

"What's wrong?"  Tanong ko at agad lumapit sa kanila.

"Everyone is mocking and laughing at us." Saad ni Klode. Lumapit naman sa


akin si Claudi at yumakap sa bewang ko habang humihikbi.

"They're calling so many bad names for Daddy, Mommy. And I hate them."
Kinuha ko ang tablet at agad itong tinignan.

'The high and mighty CEO Cloud Rendrex Monteciara Scandal'

That's the caption. With Cloud and Charlotte intimate and sweet pictures
taken years ago when they are still together. Nanghina ang mga tuhod ko
at napatingin ako sa mga anak ko. "No one's gonna watch and use internet
for the mean time." Saad ko habang nanginginig ang kamay na pinatay ang
gadget. Lumapit ako kay Klode at umupo sa tabi nito. Kumandong naman sa
akin si Claudi at yumakap.

"Not all you see, read or heard is true kids. Don't believe them, ako---
kami ng Daddy niyo ang paniwalaan niyo."

"Then what's the truth Mommy? Ano ang mga ibig sabihin ng mga larawan na
iyon?"

Napipilan ako sa tanong ni Klode at hindi ko mawari kung paano ko siya


sasagutin.

"Breakfast is served!" Napatingin ako sa pinto at nakitang ngiting-ngiti


si Cloud pero katulad ko ay agad naglaho ito ng makita ang hitsura ng mga
bata.

"What's wrong?" Nag-aalala nitong tanong.

"I asked you before why did you left him..." Nakita ko ang sakit sa mga
mata ni Cloud ng ni hindi man lang siya tinawag na Daddy ni Klode "You
told me bata pa ako para maintindihan ang lahat. Now, I guess I already
knew the reason. Sinaktan ka niya. Pinagpalit ka niya sa babaeng nasa
picture. And I hate him."

"Klode---" Tumayo ang huli at ni hindi man lang tinapunan ng pansin si


Cloud na nagtangka siyang kausapin.

"Leighton hindi kita pinalaking bastos!" Sigaw ko pero ang anak ko ay


dire-diretso pa ring umalis.

Tatayo na sana ako at kakastiguhin si Klode ng hawakan ako sa braso ni


Cloud.
"Enough Sky, mas mabuti sigurong hayaan muna natin siya. Later. Let's
talk to him later. Sarado pa ang isip niya at mukhang hindi pa siya
handang marinig ang mga paliwanag ko."

Hindi na ako nakapagsalita at tumango na lang. Baka nga tama si Cloud,


mukhang kailangan ko munang palipasin ang sama ng loob ni Klode.

"Daddy..." Lumuhod naman si Cloud at pinantayan si Claudi na huminto na


sa pag-iyak ngunit halatang malungkot pa rin ito.

"I'm sorry princess. Do you hate me too?" Tila kinakabahan na tanong ni


Cloud.

Hindi nagsalita si Claudi at napangiti ako ng yakapin niya si Cloud.

"I don't Daddy. Cloud said bad ka, sabi din sa nabasa kong news na masama
ka daw. But I don't believe them because you're my Daddy, my hero and
ikaw lang ang paniniwalaan ni Claudi. You love me, you love Mommy and
Klode, and I believe that they are all lying... I love you Daddy..."
Napaluha ako at nakita ko rin ang pagpatak ng luha ni Cloud.

"I love you too, my princess." Saad nito habang niyakap niya ng mahigpit
si Claudi.

TBC

Merry Christmas!

~Jennely

=================

AWS CHAPTER 61

Chapter 61

A/N: Three point of view in one chapter. Sakit sa bangs LOL.

Enjoy reading.

Charlotte's POV

Bata pa lang ako, palagi na lang ako naiiwanan. Ano bang mali sa akin?
Bakit lahat na lang ng mahalaga sa buhay ko kinukuha sa akin. Si Mama. Si
Papa. At ang lalaking mahal na mahal ko. Si Cloud.

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng statement si Mr.Cloud at


ang bigla na lang nawala sa limelight na si Ms. Charlotte... ang
pananahimik nga ba nila ay nangangahulugan na inaamin nila ang kanilang
naging relasyon?"
"Why did you do it?" Tanong ko sa lalaking agad pinatay ang telebisyon at
tumingin sa akin.

Si Lance. Ang lalaking minsan ko na ring minahal pero nagawa akong iwanan
at talikuran.

"Hindi ka ba masaya? " Nakangisi nitong saad.

Masaya?

Ano nga ba ang salita na 'yon para sa akin?

Masaya.

Minsan sa buhay ko naging masaya ko. Sa piling ni Cloud. At kung sana...


kung sana hindi ko siya sinaktan, baka ngayon ay masaya pa rin ako.

Dahil ako dapat ang nasa posisyon ng Skyleigh na 'yon, ako dapat ang
asawa at ina ng mga anak ni Cloud.

"At bakit naman ako magiging masaya gayong sinira mo si Cloud sa mata ng
publiko?! Sa ginawa mo maaaring mawala kay Cloud ang posisyon niya sa
kompanya! Sa ginawa mo magagalit siya sa akin!" Pasigaw kong saad.

Napapitlag naman ako ng ibato nito ang hawak-hawak niyang bote ng alak.
Kumalat ang mapait na amoy nito at ang mga piraso ng bubog.

Bubog.

Bubog na tila inaakit akong kunin ko siya at itarak sa palapulsuhan ko.


Para matapos na ang lahat ng ito.

Nabalik ako sa realidad ng maramdaman ko ang lagapak ng kamay sa pisngi


ko. Napahawak ako dito at naramdaman ko ang pag-iinit ng gilid ng mga
mata ko.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Umiiyak kong saad.

"Ginigising ka sa kahibangan mo! Huh! Ginawa ko 'yon para maging


miserable ang buhay ng lalaking tumalikod sa'yo, tapos hindi ka masaya at
gusto mo na namang saktan ang sarili mo? Nababaliw ka na Charlotte!
Nababaliw ka na!"

"Hindi ako masaya dahil ayokong nahihirapan si Cloud! At baka


nakakalimutan mo, minsan mo na rin akong iniwanan at tinalikuran para sa
mga pangarap mo kaya huwag kang umasta na nakakaangat ka sa kanya! At
wala kang pakialam kung patayin ko ang sarili ko! Dahil buhay ko 'to
hindi sa'yo!"

Yumuko ako at yumukyok sa tuhod ko. At katulad ng mga nakaraang buwan,


wala akong ginawa kung hindi umiyak na naman.

"Magiging masaya ka kung mapapasa'yo muli ang Monteciara na 'yon hindi


ba?" Napaangat ako ng ulo at puno ng lungkot na tumingin kay Lance.
"Oo, pero paano pang mangyayari 'yon? Kaya hayaan mo na 'ko Lance. Hayaan
mo na kong tapusin ang paghihirap ko."

"I'll make it happen. He'll be yours again."

At namalayan ko na lang na nakikisama na 'ko kay Lance sa mga plano niya


kahit na nga ba alam kong mali ito. Baliw na nga ata ako. Mali. Baliw na
talaga ako.

Skyleigh's POV

"Alam kong may alam ka Thundz, bakit hindi mo na lang sabihin sa akin?"
Katahimikan ang sumalubong sa kabilang linya.

Dalawang araw na ang lumipas ng mangyari ang insidente na 'yon sa party.


Hindi man ako nanonood ng balita, alam ko at nararamdaman kong hindi
maganda ang naidulot nito kay Cloud. Pero sa tuwing tinatanong ko naman
ang huli ay sinasabi nitong ayos lang ang lahat. Hindi ko na rin siya
kinukulit dahil alam kong nasasaktan siya sa trato sa kanya ni Klode.
Until now, tahimik, walang kibo at malamig pa rin ang trato ng huli kay
Cloud. Ilang beses ko ng sinubukan kausapin ang anak ko pero masama pa
rin ang loob nito sa ama.

"Sky..."

"Please Thundz, Cloud won't say anything. Ayaw niyang malaman ko kung ano
na ang nangyayari sa kanya ngayon and I don't want to nag him kaya ikaw
na lang ang magsabi sa akin please."

"Ngayong araw na 'to magbobotohan ang board members kung mananatili pa ba


si Kuya sa posisyon niya Sky."

Huminga ko ng malalim at hindi ko maiwasang kabahan sa narinig kong


sinabi ni Thunder. Alam ko kung gaano kalaki ang impluwensya ng media sa
posisyon ni Cloud sa kompanya. To think na nagpakasal kami sa
pagmamanipula ng media.

"Then what do you think will happen? Hindi naman siya matatanggal hindi
ba?" Puno ng pag-asa kong tanong.

"Sa loob ng walong taon lumaki ng lubusan ang MEC and it's because of
Kuya. And as far as I know he is one of the major stockholders of the
MEC, but..."

"But what?" Nanghihina kong saad.

"I don't think mananatili pa rin siya sa posisyon niya dahil hindi siya
ang may pinakamalaking share sa kompanya. Ang tao na 'yon lang ang may
kakayahan na mapanatili si Cloud as a CEO Sky..."

"Sino yon? Sino ang taong 'yon?"

"It's Dad."
Si Papa Winter?

##---##

"Good afternoon po Maam." Matipid kong nginitian ang kasambahay na bumati


sa akin pagpasok ko sa loob ng mansiyon ng mga Monteciara.

"Nasaan sila sa Mama at Papa?"

"Nasa garden po." Tumango ako at nagpasalamat makaraan ay dumiretso na


ako sa garden.

'Dad doesn't want to help Kuya, Sky. Maybe if you could talk to
him...just maybe he'll help Kuya.'

Hindi ko lang lubusang maintindihan kung bakit ayaw tulungan ni Papa si


Cloud. I just can't. Kaya andito ko ngayon, susubok na kumbinsihin si
Papa na umattend sa board meeting at suportahan si Cloud. I just hope
magtagumpay ako.

"Sky?" Agad napatayo si Mama sa kinauupuan ng makita ko.

"Good afternoon po Ma, Pa." Matipid namang ngumiti ang dalawa at


sinenyasan akong lumapit sa kanila.

"Mabuti naman at napadalaw ka hija, kumusta ang mga apo ko?" Saad ni
Mama.

"Okay lang naman po ang mga bata Ma. Nasa school sila ngayon. I'll fetch
them up later."

Okay?

Okay nga lang ba sila Sky?

Tudyo ng bahagi ng isip ko.

"That's good to hear after what happened a few days ago..." Natahimik ako
sa sinabi Papa maging si Mama.

"Tamang-tama Sky na naparito ka, nagbake ako ng favorite mong chocolate


mousse. Kukunin ko lang sa ref kaya maiwan ko muna kayo ng Papa mo dito."
Pagbasag ni Mama sa katahimikan na namayani sa paligid namin.

"Pa... I came here regarding---"

"Pinapunta ka ba ni Cloud dito para tulungan ko siya sa problema niya sa


kompanya?" Mapait na saad nito. Tila puno ng disgusto sa pagbanggit sa
pangalan ng anak niya.

"Hindi po Pa, walang alam si Cloud na pumunta ko dito ngayon. Si Thunder


ang nagsabi sa akin regarding his issues sa company." Tumango-tango naman
si Papa sa sinabi ko.
"Pa, I just can't understand it. Why? Why don't you want to help Cloud?
He's your son. " Malungkot kong saad.

"Cloud is my eldest, simula pagkabata never akong na-disappoint sa kanya.


Walang rason din para hindi ako magtiwala sa mga ginagawa niya dahil anak
ko siya. But when you left, for the first time na-disappoint ako sa
kanya, Sky. Lalo pa ng sabihin niya sa akin ang dahilan ng pagkawala mo
sa buhay namin. Tinanggap ko 'yun Sky dahil sa napatawad mo siya, dahil
sa mga apo ko. Pero ang hindi ko matanggap ay paano niya nagawa pa ring
makipagrelasyon sa babaeng iyon imbes na hanapin ka. "

That's it. Hindi alam nila Papa at Mama na nanatiling magkarelasyon si


Cloud at Charlotte sa nakalipas na walong taon. But Thunder said to me na
may nag-release ng issue na habang binubuhay kong mag-isa ang mga anak
namin ni Cloud. Nagpapakasaya ang huli kapiling ang sikat na aktres sa
nakalipas na walong taon. Nakakasiguro akong si Lance na naman ang may
pakana ng balitang 'yon. Damn that man for ruining our lives. At mukhang
ito ang dahilan kung bakit ayaw tulungan ni Papa si Cloud.

"Pa...it's not entirely his fault. Hindi niya kasalanan na hindi niya ako
minahal noon. Hindi ako umalis dahil lang sa nasaktan ako, I also want
him to be happy with the one he truly loves. At alam ko po that for the
past eight years, he was still in a relationship with her. Inamin niya sa
akin 'yon at napatawad ko siya Pa, napatawad ko po siya dahil mahal ko
siya at gusto kong magsimula muli kasama siya. Kami, ng mga anak namin.
Kasama kayo nila Mama." Naluluha ko ng saad.

"Pero hindi siya naging masaya Sky dahil mali ang naging desisyon niya...
At ikaw, naiwan kang mag-isa. You're not just anyone to me Sky, you're my
daughter. Hindi man kita kadugo, pero anak na ang turing ko sa'yo mula ng
ipakilala ka sa'min ng TitaMoms mo. At hindi ko maintindihan kung bakit
ang sarili ko pang anak ang nanakit sa'yo."

"Pa... hindi ako naging mag-isa. Kasama ko sila Claudi at Klode, bawat
okasyon may mga kasama ko sa tabi ko... pero si Cloud...siya ang naiwang
mag-isa. Dahil ng umalis ako, nawalan si Cloud ng kapatid at magulang.
And now, he needs you Pa. More than anyone he needs you. Sa loob ng
walong taon iginugol niya ang buhay niya sa MEC kaya gusto kong manatili
siya sa posisyon na iyon Pa. " Umiiyak ko ng saad. Naramdaman ko namang
tumabi sa akin ang Papa at niyakap ako.

"Do you really think na kaya ko siya hindi tinutulungan ay dahil sa galit
ako sa mga pagkakamali niya Sky? " Napaangat ako mula sa pagkakayuko ng
marinig ang sinabi ng huli.

"Then why Papa?"

"I want you and Cloud with the kids to run away. Masyado ng ginugulo ng
media ang buhay niyo. Kilala ko si Cloud he won't leave hangga't siya pa
rin ang CEO ng kompanya dahil hindi niya tatalikuran ang responsibilidad
niya." Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi at hinarap si Papa.
"We won't run away Pa. I won't run away. Lahat ng 'to matatapos din pero
hindi ko gugustuhing isuko ang buhay namin dito kapiling niyo nila Mama.
Ginawa ko na 'yon noon Pa. Tumakas ako pero ngayon gusto kong sabay
naming harapin ni Cloud ang pagsubok na 'to. So please Pa, help him."
Tumango ito at ngumiti sa akin. Niyakap ko ito sa sobrang tuwa na
nararamdaman ko.

"Kung ito talaga ang gusto mo, then I guess wala na kong magagawa kung
hindi suportahan na lang kayo ni Cloud."

###---###

Cloud's POV

Sampung taon.

Sampung taon ang ginugol ko sa MEC, I guess matatapos na 'yon ngayon. I


smiled sadly and looked at the awards and pictures in my office. Makaraan
ay tumingin ako sa litrato na nasa lamesa ko. Napangiti na ako ng lubusan
ng makita ang family picture namin ni Sky. I am willing to lose
everything just to be with them. Even this position that I'd cherish.

Pero kung sila ang mawawala hindi ko kakayanin.

Minsan sa buhay natin, may darating na mga tao na handa mong isakripisyo
ang lahat hindi lang sila mawala sa tabi mo. At sila. Si Sky, Claudi at
Klode ang mga tao na 'yon sa buhay ko.

Dumako ang paningin ko sa solong larawan ni Klode. Inabot ko ito at


hinaplos. Slowly, I'm losing him. The way he treats me now pains me. But
I believe what Sky told me that everything will be alright.

Everything will be alright especially now that Sky is beside me.

My wife. The one I love and the person whom I want to be with me until my
last breath.

I feel sorry for her, dahil nahihirapan siya dahil sa akin but I can't
let her go. Not now, at hindi kailanman.

Ibinaba ko ang litrato at muling idinayal ang numero ng babaeng minsan


kong minahal. Tama si Skyleigh, I need to face her. Hindi niya dapat
sinasayang ang buhay niya para sa akin. Pero katulad ng nakalipas na
araw, walang sumasagot.

Where are you, Charlotte?

A loud knock snapped me out from my reverie.

"Come in." Saad ko habang ibinababa ang cellphone na hawak-hawak ko.


Inikot ko ang swivel chair ko at pinagmasdan ang mga nagtatayugang
building sa labas. Unti-unti na ring bumaba ang kulay kahel na araw.
Nagtaka ko ng hindi nagsalita ang taong pumasok sa opisina ko. Muli kong
inikot ang kinauupuan ko. I am expecting na secretary ko ang pumasok at
sasabihin sa akin na magsisimula na ang board meeting ng MEC. But I was
wrong.

"Dad?" Napatayo ako sa kinauupuan ko at nagtatakang pinagmasdan ang ama


kong naglalakad na papalapit sa akin. Hindi ko inaasahan na pupuntahan
niya ako, I know galit siya sa akin dahil muli ko na namang nasaktan si
Sky and worse pati ang mga anak namin.

"What are you doing here, Dad?" Saad ko pero isang malakas na suntok ang
sumalubong sa akin. Sa sobrang lakas ay natumba ko sa kinatatayuan ko.

Hindi ako tumayo o nagalit man lang sa ginawa ng ama ko. Because I
deserve it. I deserve to be punch.

"Tumayo ka diyan at ayusin mo ang sarili mo. Mamaya na tayo mag-usap,


kailangan pa kitang tulungan na mapanatili sa pwesto mo." Saad nito at
naguguluhan naman akong tumingin sa huli.

"You're lucky son, to have Skyleigh as your wife. And that punch, you
deserve it and I hope this will be the last time na gagamitin ko ang
kamao ko sa'yo." 'Yon lang ang sinabi ni Dad at nauna ng lumabas ng
opisina ko. Tumayo ako at napatingin sa litrato ni Sky. Mukhang alam ko
na kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ng ama ko.

You always save me, Sky. And I thank you for that, wife.

TBC

HAPPY NEW YEAR!!!!!!!!

=================

AWS CHAPTER 62

Chapter 62

"Huwag ka masyadong mag-alala Sky, I know your Papa. Magkakaayos din sila
ni Cloud especially now na kinausap mo siya." Napaangat ako mula sa
pagkakatitig sa mga naggagandahang rosas na nakatanim sa hardin ng
marinig ko ang boses ni Mama na hindi ko namalayang nakabalik na pala
mula sa kusina.

"Ma, kilala ko si Papa at tama kayo magkakaayos din sila ni Cloud pero si
Klode po..." Nahinto ako sa pagsasalita at huminga ng malalim.

"Why? May problema ba kayo kay Klode?" Nag-aalala nitong saad.

"Galit si Klode kay Cloud, Ma. Ilang beses ko na siyang kinausap pero
ayaw niya pa ring makinig. Ma, nahihirapan na si Cloud. Alam ko 'yon,
every rejection na nakukuha niya kay Klode... sinasabi niyang ayos lang
siya pero nakikita ko sa mata niya na nasasaktan na siya. At ngayon,
iniisip ko kung tama ba talaga na umalis ako noon. "

"Sky..."

"Siguro kung lumaki si Klode na kapiling si Cloud, baka mas madali para
sa kanya na patawarin si Cloud sa nagawa nitong kamalian. " Hindi ko na
napigilan at napaiyak na ako.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Mama. Sa mga panahong nahihirapan ako,


isang yakap ng ina ang hinahanap ko. At ang sarap sa pakiramdam na wala
man ang ina o ang tinuring kong ina. Nandito si Mama para damayan ako.

"Wala kang kasalanan Sky. Hindi ko masasabing tama ang ginawa mong pag-
alis ng wala man lang paalam sa amin. Pero, hindi rin mali na lumayo ka
sa taong nakakasakit na sa'yo. Dahil kung hindi ka lumayo noon, hindi ka
magiging matatag at malakas na si Skyleigh ngayon."

"Salamat Ma. Salamat kasi hindi ka nagalit sa akin. Salamat kasi lumipas
man ang maraming taon, nanatili ka pa rin bilang isang ina sa akin. Kayo-
kayo ni Papa."

"Salamat din Sky kasi bumalik ka. At binigyan mo kami ng apo ng Papa mo
hindi lang isa kung hindi dalawa. And about Klode, huwag kang mag-alala.
He's a Monteciara at wala sa pamilya natin ang may matigas na puso."

###---###

Napatigil ako sa pagmamaneho ng makita ko ang dati naming bahay ni


Titamoms. Nakakalungkot nga lang na pati ang bahay na kinalakihan ko ay
naibenta ko noon para masagip ang negosyo namin.

Mag-iipon ako Titamoms at bibilhin ko ulit ang bahay na 'yan gaano man
katagal...

Pinaandar ko na ang sasakyan at muli akong napahinto ng matanaw ang lugar


kung saan masasabi kong nag-umpisa ang storya namin ni Cloud.

Park.

Ang lugar kung saan ko nakita ang pagkabigo ni Cloud at kung saan ko
pinilit ibaon ang pagmamahal ko sa kanya. Bumaba ako ng sasakyan at
lumapit sa puno na kakathang sa nakalipas na walong taon ay wala pa ring
pagbabago. Naghanap ako ng malaking bato at hinukay ang ibinaon kong box
na naglalaman ng diary ko, gamit at pictures ni Cloud.

Napangiti ako ng makuha ko ito, inalis ko ang plastic na punong-puno ng


lupa at kinuha ang box. Bubuksan ko na sana ito ng tumunog ang cellphone
ko na nasa bulsa ko.

"Hello?"

"Si Mrs. Monteciara po ba ito?"


"Yes, ito nga."

"Ma'am, sa Helios Academy po ito. I just want to inform you na nasa


guidance po ang mga anak niyo."

"What?!"

"Mabuti pa po sigurong pumunta kayo dito at kailangan po namin kayong


makausap."

"Alright, I'll be there." Nagmamadali akong pumunta ng kotse at pumunta


sa eskwelahan ng kambal. This is the first time na napatawag ako sa
guidance kaya hindi ko maiwasang kabahan.

###---###

"Nakita mo ba ang ginawa mo sa anak ko?! Kahit lamok hindi ko pinapadapo


sa baby boy ko pero ikaw na bata ka ang lakas ng loob mo na suntukin ang
anak ko!" Nagmamadali akong pumasok sa loob ng makitang balak sugurin ng
babae si Klode na masama ang titig sa isang batang umiiyak.

"Excuse me, ako po ang Mommy ni Klode at Claudi. Ano po bang problema?"
Agad-agad namang yumakap sa bewang ko si Claudi na umiiyak din.

"M-mommy, inaaway nila si Klode pati ako." Lumuhod naman ako at pinunasan
ng panyo ang mukha ni Claudi na basang-basa dulot ng pag-iyak.

"Claudi, stop crying baka atakehin ka ng asthma mo. I'll talk to them."
Pagpapakalma ko dito, mabuti naman at huminto na ito sa pag-iyak.

"Mabuti naman at dumating na kayo." Napatayo ako at nilingon ang babaeng


pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Posturang-postura ang babae at
makapal ang kolorete nito sa mukha. Nakataas din ang kilay nito sa akin.

"Maupo po muna tayong lahat Mrs. Yue at Mrs. Monteciara at ating


resolbahin ang gulo na ito." Napalingon naman ako kay Mr. Reevas---ang
guidance counselor ng Helios Academy.

"Resolbahin? No, I want that kid to be kick out from this Academy!"
Napamulagat ako sa sinabi ng babae na si Mrs.Yue ayon kay Mr. Reevas.

"Excuse me Mrs. Yue, but I don't think na kailangan paabutin pa natin sa


ganon ang--"

"At bakit hindi? Look at my baby, putok ang nguso..." Hinarap pa nito sa
akin ang batang sinuntok ni Klode at putok nga ang nguso nito. "...dahil
sa basagulero mong anak. What do I expect with that child? E balitang-
balita na ang baho ng asawa mo kaya hindi na ako mag-- "

"Mrs. Yue!" Napatigil ito sa pagsasalita ng sumigaw si Mr. Reevas.

"Why? May mali ba sa sinabi ko?"


"Kung nasaktan man ho ng anak ko ang anak niyo. Humihingi ako ng
pasensya, pero wala kayong karapatan magsalita ng ganyan sa anak ko o sa
asawa ko. Now, kung maaari lang ho, tatanungin ko muna ang anak ko kung
bakit sinuntok niya ang anak niyo. " Hindi ito nakakibo at tila hindi
inaasahan ang mga sinabi ko at ang malamig na tono ng boses ko.

"Leighton..." Pagtawag-pansin ko sa anak kong nakayuko at pinaglalaruan


ang mga daliri niya.

"Leighton! Look at Mommy. I'm talking to you!" Matigas na ang boses kong
saad tanda na nauubusan na ako ng pasensya.

"Mommy... don't be mad at Klode. It's not his fault...." Napatingin naman
ako kay Claudi maging ang lahat ng marinig ang sinabi nito.

"What do you mean Claudi?"

"He protected me...that boy.." Nabaling naman ang paningin ko sa batang


tinuro ni Claudi na halatang natakot at sumiksik sa bewang ng ina niya.
"He keeps on bullying me...everyday he'll say bad things about Dad tapos
kanina pinatid niya ako that's why Klode punch him."

Abot-abot ang pagpipigil ko para hindi sigawan ang batang nasa harap ko
sa ginawa niyang pag-bubully kay Claudi.

"Narinig niyo na po ang dahilan ng anak ko. Again, I'm sorry dahil
nagawang suntokin ng anak ko ang anak niyo but I also want you and your
son to apologize to us." Bumukas-sara ang bibig ni Mrs. Yue at tila
nagulat sa sinabi ko.

"Excuse me?!"

"Binully ng anak niyo ang anak ko, at pinagsalitaan niyo ng masama ang
pamilya ko. So I think tama lang na humingi kayo ng patawad sa amin."

"Mrs. Yue, huwag na po nating palakihin ang gulo na ito. Hindi po namin
tinotolerate ang bullying at violence sa school na ito pero dahil first
offense lang naman ito. Papalagpasin ko pero tama rin po si Mrs.
Monteciara, you and your son should say sorry to them."

"Fine! I'm sorry." Labas sa ilong nitong saad.

"Now what Phillip? Say sorry." Yumuko ang bata at halos hindi marinig ang
boses na humingi ito ng sorry. Dali-dali namang hinila ni Mrs. Yue ang
anak at walang paalam na lumabas ng opisina.

Napahinga ko ng malalim at ngumit ng tipid kay Mr. Reevas. "Mauna na po


kami Sir. Pasensya na po sa abala." Tumango ito at iniumang sa akin ang
kamay niya na agad ko namang tinanggap.

###---###
"Rits, pakipalitan na lang ng damit si Claudi..." Tukoy ko sa isa naming
kasambahay, kinuha nito ang nakatulog na si Claudi at nauna ng pumasok ng
bahay.

Binalingan ko naman si Klode na tahimik lang na nasa tabi ko "Klode...


mag-usap tayo ni Mommy hmmm?..." Tumango naman ang huli sa akin.

"What's that?" Tanong nito sa hawak-hawak kong box makaraang makarating


at makaupo kami sa sala.

"Do you want to see it?" Nakangiti kong tanong. Dahan-dahan itong tumango
sa akin. Iniabot ko naman dito ang kahon na agad niyang binuksan.

"Ang Daddy mo ang first love ko Klode... katibayan ay ang kahon na 'yan
na lahat ay inipon ko noon... " Saad ko habang pinagmamasdan nito ang
larawan ni Cloud na ngiting-ngiti at tila may nakitang nakakatuwa.

Inumpisahan kong ikuwento kay Klode ang mga pangyayari sa halos lahat ng
bagay na nasa loob ng kahon.

Ngumiti si Klode ng matapos akong magkuwento at humarap sa akin "Kayo din


ba ang first love niya Mommy?" Huminga ko ng malalim at hinawakan ang
pisngi ni Klode.

"Hindi." Binitawan nito ang larawan at nawala ang ngiti na nakapagkit sa


kanyang mukha.

"That's why niloko ka niya kasi hindi ikaw ang first love niya..."
Nakayuko nitong saad at bakas sa boses ang lungkot.

"Hindi naman porket hindi ikaw ang first love ng isang tao lolokohin ka
na niya Klode. Hindi ako niloko ng Daddy mo Klode, dahil 'nung nagpakasal
kami alam ko ng hindi niya ako mahal."

"Then why did you marry him?"

"Dahil mahal ko siya." Napaangat ito ng ulo sa sinabi ko.

"How can you love someone na hindi ka naman mahal, Mommy?"

"It just happen Klode, and when you fall in love...it doesn't mean na
mamahalin ka rin ng tao na 'yon."

"Why?" Muli nitong tanong.

"Dahil hindi natuturuan ang puso, Klode. Minahal ko ang Daddy mo kahit
walang kasiguraduhan na mamahalin niya rin ako." Saad ko at itinuro ang
dibdib nito.

Natahimik ito at ganoon din ako. Tila bumalik sa akin ang lahat ng mga
pangyayari noon na lubos na nakasakit sa akin. Pero hindi katulad dati,
hindi ko na nararamdaman ang pamilyar na kirot sa puso ko. Dahil ngayon,
alam ko na ang mga pangyayaring 'yon ang nagpatibay at nagpabago sa
dating Skyleigh.
"Then who is that girl?" Napabalik ako sa realidad ng marinig ang
biglaang tanong ni Klode.

"She's Charlotte."

"I know, she's an actress." Hindi ko na kailangan pang tanungin kung saan
nalaman o narinig ni Klode ang tungkol sa babae. Laman na kami ng balita,
sa diyaryo, telebisyon at maging sa social media. Pinagbawalan ko mang
gumamit sila ng gadgets at manood ng t.v, hindi pa rin maiiwasan na hindi
nila malalaman ang tungkol kay Charlotte.

"She's your Dad's first love, Klode."

"Siya ba ang dahilan kaya ka umalis noon Mommy, dahil sinaktan ka nila ni
Daddy?" Dama ko ang galit sa boses nito.

"Klode... umalis ako noon hindi lang dahil nasaktan ako kung hindi dahil
gusto kong maging masaya ang Daddy mo but I failed."

Napakunot noo ito sa sinabi ko "What do you mean you failed?"

"Hindi naging masaya ang Daddy mo Klode, ang akala ko kapag umalis ako...
magiging masaya na siya pero hindi 'yon nangyari."

"Why?"

"Dahil nawala sa akin ang Mommy mo, Klode. Ang babaeng tunay kong mahal."
Sabay kaming napalingon sa nagsalita na si Cloud na hindi na namin
namalayang dumating.

Tatayo na sana si Klode ng hawakan ko ang kamay nito "Stay Klode, please.
Listen to your Dad."

Nagtagal ng ilang segundo bago muli itong umupo kaya naman nginitian ko
si Cloud at sinenyasang lumapit sa amin. Umupo ito sa tabi ni Klode kaya
pinagigitnaan namin ang huli.

"Nasaktan ko ang Mommy mo Klode, wala siyang ginawa sa akin noon kung
hindi mahalin ako pero naging bulag ako at sinaktan pa rin siya. Kaya
naman ngayon, ginagawa ko ang lahat para makabawi sa mga pagkakamali ko
noon."

Yumuko si Klode at hindi umimik sa mga sinabi ni Cloud.

"Klode, pinagsisihan ko na umalis ang Mommy mo noon dahil sa akin, kaya


sana katulad ng Mommy mo bigyan mo rin ako ng chance na muling maging ama
sa 'yo."

"Will you promise me na hindi mo na sasaktan ang Mommy, Daddy?"


Nagkatinginan kami ni Cloud at nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga
mata nito habang ako ay napaluha sa saya ngayong tinawag na muli na Daddy
ni Klode si Cloud. It only means one thing.
Magiging maayos na ang relasyon nila bilang mag-ama and I'm happy about
it.

"I promise to never hurt your Mommy. Hindi lang siya kung hindi maging
kayo ni Claudi..." Pagkasabi noon ay niyakap nito si Klode. "Thank you,
son."

"Daddddddddyyy, yakap mo rin si Claudi!..." Matinis na sigaw ni Claudi na


tumatakbo na papunta sa amin ang pumailanlang sa buong kabahayan.

"Hey, I can't breathe!!!!"

"Napakamaarte mo talaga Leighton!"

"I am not. And stop calling me Leighton!"

"Bakit si Alice pwede kang tawagin na Leighton?"

"Shut up Leighrah!"

"Klode is blushing Mommy and Daddy kasi binanggit ko 'yong pangalan ng


crush niya..."

"Enough kids."

Masaya kong tumayo at kinuha ang camera sa lamesa at nakangiting


pinagkukuhanan ng litrato ang mag-aama ko.

Ang mag-aama kong nagbibigay kasiyahan sa akin...

TBC

~Kung kailan patapos na ang A Wife's Secret at tsaka pa ako nabablangko


kaya pasensya sa late update.

~Jennely

=================

AWS CHAPTER 63

Chapter 63

"Hindi ko alam na stalker pala kita, wife..." Masama kong tinignan ang
asawa kong tawa ng tawa habang tinitignan ang mga larawan niya na nasa
kahon.
"Tigilan mo na ko Rendrex, kung ayaw mong mag-isa matulog diyan sa kama."
Saad ko habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin. Tumikhim ito at
nanahimik na lamang na siyang ikinangisi ko.

Kanina ay iniwan ko ang mag-aama na nagkukulitan, nakalimutan ko ang


kahon at pagbalik ko ay walang humpay akong inasar ng tatlo. Siyempre
kahit asawa ko na si Cloud, nahihiya pa rin akong makita nito ang lahat
ng bagay na kinolekta ko mula sa kanya. Mabuti na nga lang at agad kong
nakuha ang diary ko kung hindi ay tiyak na hindi na ako titigilan ng
huli.

"Hey, I was just kidding." Niyakap pa 'ko nito mula sa likuran at


hinalikan ang likod ng tenga ko na siyang ikinatindig ng balahibo ko.

Mabilis akong lumayo at hinarap ito."You are not just kidding,


pinagtatawanan mo ako." Nakairap kong saad. Agad naman akong dumiretso sa
kama at agad nahiga at nagtalukbong ng kumot. Naramdaman ko ang paglundo
ng kama senyales na sumunod ito sa akin.

"I am not laughing at you, wife." Inalis nito ang kumot na nakataklob sa
mukha ko at niyakap ako, "I am just so happy na ayos na kami ni Klode at
ang makita ang mga bagay na magpapaalala sa akin na meron akong asawa na
mahal na mahal ako mula noon hanggang ngayon. And I'm thankful for that.
I love you, Sky."

Napakagat-labi naman ako at hindi maiwasang kiligin sa paglalambing sa


akin ng asawa ko. "I love you too, pero tigilan mo na ang pang-aasar sa
akin. Kung alam ko lang, hindi ko na sana hinukay ang kahon na 'yan eh."
Humarap naman ako dito ng mapansing natahimik ito.

"You buried it?" Tila nagulat na tanong nito. Tumango naman ako.

"I buried it eight years ago Cloud... I buried it the night you
introduced Charlotte to us. Pakiramdam ko kasi noon, kailangan kong ibaon
ang mga bagay na 'yon bilang first step para maka-move on na ko sa 'yo."

"I'm sorry...." Bulong nito sa akin sabay niyakap ako ng mahigpit.

"You don't have to, that night kung hindi ako lumabas at pumunta sa park
na 'yon. Hindi kita makikita at hindi ako magkakaroon ng tsansa na
sabihin sa 'yo na mahal kita. Hindi rin tayo maikakasal kung hindi dahil
sa gabi na 'yon."

"Indeed, everything happens for a reason." I nodded and smiled with what
he said. I can't help but to reminisce that night.

Pakiramdam ko tinadhana talaga ang lahat ng mga pangyayari ng araw na


'yon. Minsan sa buhay natin sa tuwing may masasamang nangyayari sa atin
sinisisi natin Siya at maging ang tadhana. At isa ako doon lalo na ng
mamatay ang TitaMoms ko maging ang parents ko, pero ngayon gusto kong
pasalamatan ang tadhana at lalong-lalo na ang Diyos dahil hanggang sa
huli kami pa rin ni Cloud. Maaaring may problema pa rin kaming
kinakaharap but I believe na maaayos din ito.
"Kinausap mo pala ang Daddy..." Napabaling naman ako kay Cloud ng
magsalita ito.

"Thunder told me about what's happening sa MEC. At alam ko kung gaano


kaimportante sa 'yo ang trabaho mo that's why I talked to Papa. I hope
hindi mo minasama 'yon Cloud..." Nag-aalala kong saad. I'm just afraid na
hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

"Silly. Bakit ko naman mamasamain 'yon, I'm thankful Sky. Nag-usap na rin
kami ni Dad at ayos na kami so don't worry." Napahinga naman ako ng
maluwag sa sinaad nito.

"Really? Then hindi ka matatanggal sa posisyon mo as a CEO?"

"Yes. I am still the CEO of MEC but for the meantime, si Dad muna ang
papalit sa posisyon ko Sky..." Napakunot-noo naman ako sa sinabi nito.

"What do you mean?"

"I am suspended, Sky." Napabalikwas naman ako ng bangon sa sinabi nito.

"What? I- I mean why?"

"Iyon ang napag-usapan ng board Sky, including me and Dad." Kaswal nitong
saad at muli akong hinila pahiga.

"B-but why? Is it because of the issue?" Nalulungkot kong saad.

"Yes, and don't be sad wife, actually mabuti nga at na-suspended ako---"

"You love your work!" Pagputol ko sa sinasabi nito.

"Yes I do, pero mas mahal ko kayo ng mga bata. At isa pa, maikli lang ang
tatlong buwan---"

"Tatlong buwan?!"

Tumawa naman ito na siyang ikinasimangot ko dahil tila biro lang ang
lahat para dito. "Bakit hindi mo muna ako patapusin magsalita, wife?"

Tumahimik ako at tumikhim naman ito. "Anyway, as I have said mabuti na


rin na-suspended ako dahil mas magkakaroon ako ng oras sa'yo, sa mga bata
at para sabay nating asikasuhin ang nalalapit nating muling
pagpapakasal."

"Itutuloy pa rin ba natin?" Ito naman ang bumangon at pinakatitigan ako.

"The wedding? Bakit ayaw mo na ba?" Tila kabado nitong saad.

"Of course not, siyempre gusto ko pa ring muling ikasal sa 'yo pero mas
mabuti sigurong i-postpone muna natin dahil---"

"No, magpapakasal tayo in two months' time kahit ano mang mangyari Sky."
Determinado nitong saad.
"Pero hindi mo pa siya nakakausap." Natahimik naman ito ng mapagtanto
kung sino ang tinutukoy ko.

"I'm trying to call her...but I can't reach her." Kinabahan naman ako at
napabangon na din mula sa pagkakahiga.

"I'm nervous Cloud, what if may masama na siyang ginawa sa sarili niya?"
Niyakap naman ako nito at hinalikan sa noo.

"Don't worry I'm pretty sure, binabantayan siya ni Lance pero kinausap ko
na rin ang kakilala kong private investigator para hanapin siya." Tumango
naman ako at nakahinga na rin ng maluwag.

Ewan ko ba, kahit na isa si Charlotte sa taong nakasira sa amin ni Cloud.


Hindi pa rin maialis sa akin ang mag-alala sa kalagayan niya kahit na
iilang beses lang kaming nagkausap. Siguro dahil sa nalaman ko ang
tungkol sa masasamang pangyayari sa buhay niya at hindi ko maiwasang
maawa sa kanya.

"Enough with her, I just wanna ask kung wala pa bang laman 'to?"
Napapitlag naman ako ng marahang haplusin ni Cloud ang tiyan ko. Nawala
ang tensiyon sa amin at hindi ko maiwasang matawa ng tignan ako nito na
parang isang bata na humihingi lang ng candy. In his case, baby ang
hinihingi niya sa akin.

"Sorry pero mukhang kailangan mo pang mag-effort---" Hindi ko na naituloy


ang sasabihin ko ng mariin ako nitong halikan na agad ko rin naming
tinugunan.

Nag-umpisa ng maglumikot ang kamay ni Cloud. Tatanggalin na sana nito ang


suot-suot ko ng malalakas na katok ang pumailanlang mula sa pinto ng
kwarto namin.

"Mommmmmmmmyyyyyyyyy, Dadddddddyyy!!!" Agad naman akong humiwalay kay


Cloud at inayos ang aking sarili.

"Better luck next time, Daddy." Natatawa kong saad sabay halik ng marahan
dito. Narinig ko pa ang pagprotesta nito pero tumayo din naman ito at
pinagbuksan ang mga anak namin.

"Sweetie, hindi ba big girl ka na? Kaya dapat, hindi ka na natutulog sa


kwarto---"

"Ayaw mo na bang katabi kami ni Klode, Daddy?"

"No, of course not. Siyempre gustong-gusto ko. Forget what Daddy said
sweetie."

Natawa naman ako ng marinig ang usapan ng mag-ama. "Goodnight, Mom."


Napabaling naman ako sa tabi ko ng marinig si Klode na hindi ko na
namalayang katabi ko na pala.
"Okay ka lang ba, Klode?" Nag-aalala kong tanong dahil sa paos nitong
boses.

"I'm okay Mom, medyo makati lang po 'yung throat ko."

"You should drink some medicine, wait---"

"I'm fine Mom. Let's just sleep... " Tumango na lang ako at hinaplos ang
buhok nito dahil mukhang antok na talaga ito.

Malamang ay hindi na naman ito tinigilan ng kakambal niya na sumama dito


sa kwarto namin. Minsan sa isang linggo ay ginugusto ni Claudi na matulog
na katabi kami ni Cloud at siyempre gusto rin niya na kasama si Klode.

"Goodnight Mommy." Napangiti ako ng halikan ni Claudi ang pisngi ko.

I really love our sweet little Claudine.

"Goodnight Daddy."

"Goodnight sweetie." Ilang saglit lang at nakatulog na rin si Claudi.


Nagtaka naman ako ng tumayo si Cloud.

"Where are you going?" Pabulong kong saad.

"I need a cold shower, Mommy." Natawa naman ako sa sinabi nito at pumikit
na lamang.

Nararamdaman ko ng malapit na kong makatulog ng biglang may bumulong sa


akin. "Hindi mo ba ako sasamahan, wife?" Dumilat naman ako at nakangiting
tinignan ang asawa ko.

"I love you Cloud...." Tila nagliwanag ang mukha nito sa sinabi ko "But
I'm sleepy, so goodnight." Sumimangot naman ito pero agad din akong
hinalikan sa labi.

"Goodnight and I love you too, wife."

Gusto ko man pagbigyan ang kapilyuhan ni Cloud ngunit tila ayaw sumang-
ayon ng katawan ko dahil na rin siguro sa pagod at stress na natamo ko
kanina. Hindi ko pa nga pala nasasabi kay Cloud ang nangyari kanina sa
school ng kambal. I don't wanna spoil our day kung pag-uusapan pa namin
iyon kaya napagpasyahan kong bukas na lang sabihin sa kanya.

##---##

"M-Mommy..." Nagising ako ng may marinig na ungol sa tabi ko. Napaupo


naman ako at agad na binuksan ang ilaw at nakitang nanginginig si Klode.
Hinipo ko ang huli at napagtantong nilalagnat ito. Agad kong pinatay ang
air-con at marahang tinapik ang nahihimbing na si Cloud.

"W-what's the matter, Sky?" Humihikab na saad niya sa akin.

"Nilalagnat si Klode."
"Shall we bring him to the hospital?" Tila nawala ang antok nito at agad
bumangon para hipuin ang noon ng namumutla na si Klode.

"No, mukhang namamaga na naman ang tonsil niya kaya siya nilalagnat.
Ginising lang kita para buhatin si Claudi papunta sa kwarto nila. Mahirap
na at baka mahawa pa siya kay Klode." Saad ko at agad naman itong
tumalima.

Tumingin naman ako sa orasan at nakitang pasado alas-kuwatro pa lang


pala. Lumapit naman ako kay Klode at gamit ang digital thermometer ay
tinignan ko kung gaano kataas ang lagnat nito.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi naman ganoon katas ang lagnat ni
Klode. Agad akong bumaba at naghanda ng sopas at gamot para kay Klode.

"Klode baby, wake up..."

"H-Hindi na ko baby, Mommy." Paos ang boses na saad nito.

"Okay big boy, bangon ka muna diyan para makainom ka muna ng gamot."
Nakangiti kong saad.

"Mommy?"

Liningon ko naman si Klode habang inaayos ko ang pinagkainan niya. "Ano


'yon?"

"Gisingin mo po ako mamayang 7." Napakunot-noo naman ako at napatigil sa


ginagawa ko.

"You need to rest Klode." Pagkasabi ko ay siya naming pasok ni Cloud sa


kwarto. Lumapit ito sa amin at hinipo ang noo ni Klode.

"I'm okay na Mommy. I want to go to school with Claudi."

"May sakit ka big boy, pag magaling ka na doon ka lang papasok." Saad ni
Cloud.

"Tama ang Daddy mo Klode."

"You don't understand Dad. What if i-bully ulit ni Phillip si Claudi


tapos wala ako sa school---"

"Klode, enough. Magpahinga ka na muna okay? Si Mommy na ang bahala."


Pagputol ko sa sinasabi nito.

"Anong ibig mong sabihin KIode? May nambu-bully sa kakambal mo?"


Nakatiim-bagang na tanong ni Cloud.

Hinawakan ko ang kamay ni Cloud at pinisil. "Cloud, I'll tell it to you.


For now, kailangan na munang magpahinga ni Klode." Tumango naman ito at
nagpaalam na sa anak namin.
Malalim naman akong napabuntong-hininga at hinalikan sa noo si Klode.
"Don't worry, just like you big girl na din si Claudi..."

##---##

"Anong ibig sabihin ni Klode? May nambu-bully kay Claudi?!" Napapitlag


naman ako ng bumungad sa akin ang boses ni Cloud pagkalabas na pagkalabas
ko ng kwarto.

"Cloud, calm down." Saad ko at nilagpasan ito para mailagay sa kusina ang
tray na dala-dala ko.

"How can I calm down Sky sa narinig kong sinabi ni Klode?"

Huminga ko ng malalim at liningon si Cloud na sumunod sa akin.


"Yesterday..."

Inumpisahan kong ikuwento dito ang nangyari kahapon at kitang-kita ko sa


mga mata nito ang iba-ibang emosyon at kitang-kita ko rin sa mga mata
nito na sinisisi niya na naman ang sarili niya.

"It's all my---" Pinutol ko ang sasabihin nito sa pamamagitan ng mga labi
ko at marahan siyang hinalikan.

Niyakap ko ito at nginitian. "Huwag mo ngang sisihin ang sarili mo sa


lahat ng nangyayari sa atin."

"How can I stop blaming myself? I can't believe na mabubully ang anak
natin dahil sa mga issue ko sa buhay."

"Sabi mo sa akin na gagawin mo ang lahat para maging masaya ko."

"Huwag mong ibahin ang pinag-uusapan natin Sky."

"I am not, I just want you to know na kung palagi mong sisihin ang sarili
mo sa kung ano mang problemang darating sa atin hindi ko 'yon ikakasaya."

Matagal itong hindi nakaimik sa mga sinabi ko pero maya-maya lang ay


ginantihan na rin nito ang yakap ko na siyang ikinangiti ko "Fine. Hindi
ko na sisisihin ang sarili ko pero kailangan ko pa ring makausap ang
nanakit sa prinsesa ko." Pagtukoy nito kay Claudi.

Humiwalay naman ako ng yakap dito at sinimangutan siya. "Hindi rin


magiging masaya ang asawa mo kung papatulan mo ang isang bata."
Nakapamewang kong saad.

"Fine! Pero kung mauulit pa ito, I won't promise---"

"I hope it won't happen again pero kung maulit pa man ito. Ako mismo ang
kakausap sa batang aaway sa anak natin at hindi ikaw Mister." Pagputol ko
sa anupamang sasabihin nito.

Itinaas nito ang dalawang kamay, tila sinasabi sa aking ako ang masusunod
na siyang ikinatawa ko.
TBC

2 Chapters Remaining.... Kung kakayanin...pero kung hindi baka ma-extend


ng mga dalawang chaps...

Kapit lang sa mga susunod na kabanata...

Ano sa tingin niyo ang pinaplano ng nababaliw na si Charlotte at si


Lance? ;0

Anyway, thanks sa mga nakaabot sa chapter na ito. Sa mga nagcocomment, pm


sa akin. Sorry at hindi ko kayo nasasagot. Busy lang po ako. At hindi
naman ako laging naka-online sa wattpad. Nag-create nga pala ako ng
facebook account para sa mga teasers and updates ng mga stories ko. Feel
free to add me. Doon niyo din ako makakausap. Just type Jenpaumevi WP.

-Jennely

PS. Pagkatapos kong isulat ang AWS doon lang ako makakapag-update sa
tatlo ko pang stories. Hope for your understanding mga bheng.

=================

AWS CHAPTER 64

Chapter 64

‘And here comes the villains...’

#TheirLastBattle

Skyleigh’s POV

“Are you sure you want to go to school sweetie?” Hindi ko na mabilang


kung pang-ilang beses na tinanong ni Cloud si Claudi mula kanina pa.
Hanggang ngayon na nasa harap na kami ng bahay at inaantay na ng school
bus ang anak namin ay hindi pa rin mapakali si Cloud.

“Daddy! You are so kulit. I want to go to school po so stop asking me na


please...” Natawa ko dahil nag-umpisa ng magpaka-conyo ang anak namin
habang si Cloud naman ay napangiti na rin.

“Fine. But if someone bothers you at the school, you call Daddy okay?”
Ngumiti naman si Claudi at winagayway pa ang cellphone niya na binigay ni
Cloud.

“Hey, don’t use it pag nagtuturo si Teacher ah?” Pagpapaalala ko.


Ngumiti ito at tumango sa akin. “Yes, Mommy. Take care of Klode, I hope
gumaling po siya kaagad para may aasarin na naman po ako. Hihihihi. ”
Pilya nitong saad.

Bumusina na ang school bus kaya naman nagpaalam na ito sa amin ni Cloud.
Pero nagtaka ko ng bumalik ito at tumakbo papunta sa amin.

“What is it--” Napatigil ako sa pagsasalita ng yumakap ito sa akin.

“I forgot to say goodbye Mommy. I love you po, always and forever.”

“I love you too sweetie. Always and forever.”

Pinanood ko ang pag-alis ng school bus pero hindi ko malaman kung bakit
tila kinakabahan ako kaya naman napahawak ako sa dibdib ko.

“What’s the matter?” Napalingon ako kay Cloud at kaagad naman akong
umiling.

“Nothing, parang kinabahan lang ako sa hindi ko malamang dahilan.”


Ngumiti naman ito at inakay ako papasok.

“Mabuti pa matulog ka na muna, ako ng bahala kay Klode.” Tumango naman


ako pero hindi ko alam kung bakit hindi pa rin mawala ang kaba ko.

###----###

Lance’s POV

“Are you sure babalik talaga sa akin si Cloud sa gagawin natin?”


Napalingon ako kay Charlotte ng marinig ko na naman ang hindi ko na
mabilang kung ilang beses niya ng tanong sa akin.

“I’m sure.” Ngumisi ako pero naglaho ito ng ngumiti ng matamis sa akin si
Charlotte.

She’s still beautiful.

Just like before.

But the old Charlotte is long gone. Ang daming ‘kung sana’ na tumatakbo
sa isip ko habang pinagmamasdan ko siya.

Kung sana siya ang pinili ko imbes na ang pangarap ko.

Baka sakali masaya na kami ngayon.

Kung sana nanatili ako sa tabi niya noon gaano niya man ako pilit na
itaboy.

Baka sakali natutunan niya muli akong mahalin.

Baka sakali buhay pa ang anak namin.


Pero hanggang doon na lang iyon dahil hindi ko na maibabalik ang
nakaraan.

I’m sorry dahil niloloko kita Charlotte... pero hindi ako titigil
hangga’t hindi ko nasisira ang buhay ng lalaki na iyon kahit na madamay
pa kita dito...

Alam kong kaya kong gawin ang lahat ng ito kahit wala si Charlotte sa mga
plano ko pero isinama ko siya dahil sa gusto kong makita niya kung ano
ang kaya kong gawin para sa kanya.

Para sa kanya nga ba ang ginagawa mo o para sa sarili mo? Pagkutya ng


kanina pang kumokontra sa isip ko.

Marahil ay katulad ni Charlotte ay nababaliw na rin ako.

“I love you.” Mahina kong bulong pero nanatili itong nakatingin sa


bracelet na hawak-hawak niya na hindi ko na kailangan pang hulaan kung
sino ang nagbigay.

Tunog ng cellphone ko ang siyang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Agad-


agad ko itong kinuha at sinagot.

“Boss! Nakuha na namin ang bata...”

“Good. Papunta na ako diyan.”

“Nakuha na ba nila? Tatawagan ko na ba si Cloud? Sasabihin ko na ba sa


kanya na iniligtas ko ang anak niya tapos iiwanan niya na ang babae na
iyon?” Sunod-sunod na tanong ni Charlotte na parang isang bata.

Tumango na lang ako at pinaandar ang kotse. Ilang sandali lang at huminto
na kami sa abandonadong bodega. Nasa pinto pa lang ako ay dinig na dinig
ko na ang iyak ng isang bata.

“Daddddddy ko. Mommmmmy ko... Waaaaaaaaaahhhh.” Napatigil ako sa


paglalakad ng may mga tinig na bumulong sa isipan ko.

‘Tigilan mo na ‘to Lance. Maawa ka sa bata wala siyang kasalanan.’

‘Kasalanan niyang naging ama niya ang Monteciara na iyon...’ Pagkontra ng


kabilang bahagi ng isip ko.

“Hey baby, calm down. Andito na ako.” Marahas kong ipinilig ang ulo ko ng
marinig si Charlotte na nakalapit na sa bata na punong-puno ng luha ang
mukha habang nakatali.

“S-sino k-kayo?”

“Ako ang bago mong magiging Mommy.” Nakangiting saad ni Charlotte.

“Liar! I only have one Mommy! So go away!”


“Boss---” Hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita at agad kong inabot
ang sobre na naglalaman ng napag-usapan naming presyo. Nagpasalamat naman
ito at agad ng umalis. Lumapit ako sa ngayon na umiiyak na si Charlotte.

“A-ayaw niya sa akin L-Lance. I-Isa lang daw Mommy niya...” Napatingin
ako sa batang hindi na umiiyak at masama na ang tingin sa amin.

“Isusumbong ko kayo kay Daddy ko!” Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at


agad itong inilapit sa mukha ng bata at ilang segundo lang ay nakapikit
na ito.

Kinalagan ko ito ng tali  at agad ko siyang binuhat. “Iyon ay kung


magkikita pa kayo ng Daddy mo!” Bulong ko.

“L-Lance saan mo siya dadalhin?”

“Manahimik ka Charlotte at sumunod ka na lang sa akin. Hindi ba gusto


mong mapasayo si Cloud? Kaya kung ako sa’yo sundin mo na lang ako.”
Tumango naman ito kaya agad akong naglakad at inilagay sa likuran ng
kotse ang natutulog ng bata.

“Tatawagan ko na ba si Cloud?” Nauubusan ng pasensya na nilingon ko si


Charlotte.

“Sumakay ka na.” Mabuti naman at hindi na ito nangulit at sumakay na


kaagad.

Now, it’s time for my next plan.

###---###

Cloud’s POV

“Claudi noooooooooooooo...” Nagmamadali akong lumabas ng banyo ng marinig


ang sigaw ni Klode.

Naabutan ko si Skyleigh (na iniwan kong tulog) na ginigising si Klode


kaya agad-agad akong lumapit kahit na basang-basa pa ang buhok ko galling
sa pagligo at tanging tuwalya lang ang nakabalot sa bewang ko.

“Klode wake up!” Ilang segundo lang ay nagising ito at umiiyak na yumakap
kay Sky.

“What’s the matter kiddo?” Puno ng pag-aalala kong tanong.

“Where is Claudi?” Tanong nito imbes na sagutin ang tanong ko.

“Nasa school siya---”

“No! C-Claudi needs our help, she’s in danger. She’s crying Mommy and she
needs us.” Patuloy ito sa pag-iyak kaya naman iniharap ko ito sa akin
mula sa pagkakayukyok niya kay Sky.

“Nanaginip ka lang, Klode.” Saad ko.


Umiling ito. “It’s not just a dream Dad. I can feel it, something bad---”

Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng makarinig kami ng malalakas


na katok sa pinto. Tumayo si Sky at agad bumungad sa amin si Yaya Meling
na isa sa kasambahay namin.

“Maam, S-Sir, may tawag po galing sa school ni Claudi.” Kinabahan ako sa


narinig ko at tumingin sa umiiyak na si Klode. Nakita ko kung paano
mamutla at manginig si Sky ng ilagay niya sa tenga niya ang telepono kaya
agad akong lumapit at inalalayan siya bago siya bumagsak.

“Sky...” Tila hindi ako nito naririnig at patuloy lang sa pag-iling sa


kabilang linya kaya ako na mismo ang kumuha ng telepono mula sa
nanginginig niyang mga kamay.

“This is Cloud Monteciara, a-anong p-problema?” Naramdaman ko ang unti-


unting pagsikip ng dibdib ko sa narinig kong sinabi ng kausap ko.

Hindi ko na naunawaan ang iba pang sinasabi ng kausap ko dahil ang


tanging linya nlang na umuukilkil sa utak ko ay ang mga salitang nakidnap
ang anak ko. Nagmamadali akong nagbihis at agad kinuha ang cellphone ko.
Sa nanginginig na kamay ay tinawagan ko ang magulang ko para puntahan at
samahan si Klode dito sa bahay.

“Mommy, what’s happening? S-sino po ‘yong tumawag?”

Nang hindi sumagot si Sky ay bumaling sa akin si Klode “Dad?”

Lumunok ako para alisin ang namumuong bikig sa lalamunan ko at niyakap si


Klode. “Darating ang lolo at lola mo Klode. Antayin mo kami okay?”

“Hindi mo sinagot ang tanong ko Dad, where is Claudine?!”

“We’ll gonna get her so you stay here and be good okay?” Tututol pa sana
ito pero agad ko itong hinalikan sa noo at lumapit ako kay Sky na ngayon
ay umiiyak na.

“Hindi ko sana siya pinapasok C-Cloud, a-anong gagawin natin ngayon kung
may mangyaring masama sa kanya?”

“Sky hindi ito ang oras para sisihin mo ang sarili mo!  Let’s go. Our
daughter needs us and we need to be strong for her.” Sa narinig ay tila
nagising ito at agad pinunasan ang mukha niyang puno ng luha. Hinalikan
niya si Klode at nagmamadali kaming umalis.

###---###

“Bakit mo hinayaang makuha ang anak ko ng kung sino mang gago na ‘yon?!”
Sigaw ko sa driver ng school bus nila Claudi.

“Sir, pasensya na may baril po ‘yong lalaki at binantaan niya ako na


babarilin ‘yong ibang mga bata kung hindi ko siya---”
“Kaya ibinigay mo ang anak ko ganun ba?!” Natahimik naman ito sa sinabi
ko at yumuko na lang.

I know I’m being unreasonable at alam kong hindi ko dapat sisihin ang
driver dahil ano nga bang laban niya sa gago na may baril na kumuha sa
anak ko. Pero sa ngayon ay hindi na gumagana ng maayos ang utak ko lalo
pa’t patuloy sa pag-iyak si Sky. Lalo pa’t nalaman ko na may baril ang
kumidnap sa anak ko.

Ayon sa Driver ay bigla na lang may humarang na lalaking naka-motor sa


school bus. Bumaba siya at nagulat siya ng tutukan siya ng baril ng
lalaki. Sa takot na madamay ang ibang mga bata ay hindi niya na nalabanan
ito hanggang sa makuha si Claudine.

Nasa pulisya kami ngayon at sa bawat pagpatak ng segundo ay hindi ko


maiwasang matakot at kabahan sa maaaring mangyari kay Claudine. I know
sinabi ko kay Sky na hindi ito ang oras para magsisihan kami pero ako
dapat ang pumoprotekta sa anak namin and I failed.

I fucking failed. Sa naisip ay nasuntok ko ang pader at hindi ko na


maiwasang mapaluha.

“Kuya enough.” Pagpigil ni Thunder na ngayon ay nakaalalay kay Skyleigh.


“Maghintay na lang tayo ng tawag mula sa kumuha kay Claudine.” Saad nito
at inulit ang sinabi ng pulis sa amin kanina.

Pinilit kong kumalma at lumapit kay Sky at niyakap ito. “Nothing bad will
happen to her.Hindi ko ‘yon hahayaan.” Tumango ito at yumakap din sa
akin.

Napahiwalay ako ng yakap sa asawa ko ng tumunog ang cellphone ko na naka-


tap na sa pulis para kung sakali na tumawag ang kumuha sa anak ko ay 
agad nilang malaman ang kinaroroonan nito.

“Hello...” Kinakabahan kong sagot.

“Babe!” Napakunot-noo ko ng marinig ang pamilyar na boses.

“Charlotte?”

“It’s me! I miss you babe. I have a surprise for you---” Naputol ang
sasabihin nito at napalitan ng baritonong boses na kilalang-kilala ko.

“Monteciara...”

“Lance? A-anong--”

“Lance, ibigay mo sa akin ‘yong phone. Cloud needs to know na nasa akin
ang anak niya...” Nanlaki ang mata ko sa narinig kong saad ni Charlotte.

“Damn you, Lance! Give me back my child! Kung anumang pinaplano niyo ni
Charlotte ---”
“You fucking listen Monteciara. Hawak ko ang buhay ng anak mo kaya kung
ako sa’yo ayos-ayusin mo ang pananalita mo kung ayaw mong bangkay ng
umuwi ang anak mo--- Charlotte!”

“Babe, don’t worry ibabalik ko sa’yo ang baby mo and I will be her new
Mom.”

Something is wrong with Charlotte.

“Where is my daughter Charlotte?! Magkita tayo, please ibalik mo na siya


sa amin.”

“Ibabalik ko rin naman siya sa’yo kaya lang ipromise mo sa akin na ako na
ang magiging bagong Mommy niya... dahil kung hindi mas mabuti pang mawala
na lang siya.”

“I-I p-promise. So please don’t hurt her. Huwag kang makinig kay
Lance---”

“Do you really think ibabalik ko pa sa’yo ang anak mo Monteciara? Kung
nawala ang anak ko dapat mawala rin ang anak mo!”

“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!” Nanlaki ang mata ko at nanghina


ang tuhod ko ng marinig ang matinis na sigaw ni Charlotte na sinundan ng
isang malakas na busina.

“A-anong nangyari Cloud? Bakit may sumigaw?! A-ano?!”

Gumagalaw ang bibig ni Sky, may sinasabi siya sa akin pero wala akong
marinig.

Huminga ko ng malalim at pilit kinalma ang sarili ko. Hindi ito ang oras
para panghinaan ako, I need to save Claudi.

Skyleigh’s POV

Bago ko pa marinig ang isasagot sa akin ni Cloud ay sinabi na ng pulis na


nalaman na nila kung nasaan ang anak ko kaya naman dali-dali kaming
umalis ng pulisya.

Habang nasa biyahe ay patuloy pa rin ako sa pag-iyak at nararamdaman ko


ang ang panlalamig ng kamay ko at panghihina ng katawan ko. Pero alam
kong ngayon ko kailangang mas maging malakas at matatag para kay Claudi.
Mahigpit na hawak ni Cloud ang kamay ko pero hindi man lang nito
mabawasan ang takot na lumulukob sa akin sa posibleng nangyayari sa anak
ko.

Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko pagkababang-pagkababa namin ng


kotse. Lalo pa ng matanawan ko ang isang ambulansya at sira-sirang kotse
at isang malaking truck.

“Claudiiiiiiiiii!” Sigaw ko habang mabilis akong kumawala sa yakap ni


Cloud at nagmamadaling tumakbo.
Diyos ko! Hindi ‘to totoo.Panaginip lang ang lahat...

Sa isip-isip ko habang pinagmamasdan ang anak ko habang nakahiga ito sa


stretcher.

Walang malay.

Puno ng dugo.

Tila tumigil ang mundo ko at wala kong naririnig sa utak ko kung hindi
ang malambing na boses ni Claudi kaninang umaga.

‘I love you Mommy. Always and Forever.’

Hindi ko na nakayanan ang lahat at nagdilim na ang lahat sa paligid ko.


Umaasang sa paggising ko ay panaginip lang ang lahat ng nangyari.

TBC

Lame UD. I know, sorry V_V  Hindi ko talaga forte ang mga ganitong scene
HUHU T.T...

Anyway, thank you so much dahil sa umabot na ang AWS ng 1M read after 6
Months! I just can’t believe it... Thank you po talaga sa mga readers,
followers at sa mga nakiiyak at nagbasa sa storya ni Ulap at Langit...

=================

AWS CHAPTER 65

Chapter 65

Labyrinth.

Nasa isa kong labyrinth na siyang ikipinagtataka ko. Kanina pa ko paikot-


ikot pero hindi ko pa rin malaman kung nasaan ang daan palabas. Napatigil
ako sa paglalakad ng marinig ko ang pamilyar na boses na umaawit.

'I remember tears streaming down your face When I said "I'll never let
you go"When all those shadows almost killed your lightI remember you
said. "Don't leave me here alone"But all that's dead and gone and passed
tonight...'

Hindi ako pwedeng magkamali, ang anak ko ang kumakanta.

"Claudi?" Sigaw ko. "Claudi!!!!"

'Just close your yesThe sun is going downYou'll be alrightNo one can hurt
you nowCome morning lightYou and I'll be safe and sound...'
Pero hindi pa rin ito tumigil sa pagkanta at hindi ako sinagot. Pumikit
ako at naglakad, sinusundan ko ang pinanggagalingan ng pagkanta ni
Claudi. Umaasang sa pagdilat ko ay makikita ko siya. Hindi ko alam kung
gaano ko katagal nakapikit at naglakad pero pagdilat ng mga mata ko ay
bumungad sa akin ang maliit na pigura na nakaputing bestida at
nakatalikod sa akin.

'Hold on to this lullabyEven the music's goneGone...'

"Claudi?" Bulong ko habang patuloy ito sa pag-awit. "Claudi..." Pag-ulit


ko at dito na siya tumigil sa pagkanta at dahan-dahang humarap sa akin.

'Just close your eyesYou'll be alrightCome morning lightYou and I'll be


safe and sound...'

Naestatwa ko sa kinatatayuan ko ng makitang may umaagos na dugo sa noo


nito at halos sakupin ng dugo ang maliit na mukha ng anak ko. "M-
Mooommmy..." Umiiyak nitong saad. Bumaba ang paningin ko at nakita kong
hindi na maituturing na puti ang suot nito sa dami ng dugo na nagkalat sa
damit nito.

Napaiyak ako at nagmamadaling lumapit kay Claudi pero kada lapit ko ay


siyang paglayo nito. Tila may pwersang humihila sa kanya papalayo sa
akin. At sa bawat paglayo niya ay siyang paglakas ng pagtangis niya
kasabay ng pag-iyak ko.

"Claudddddddiiiiiii..." Sigaw ko ng tuluyan itong mawala sa paningin ko.

###---###

Napabalikwas ako ng bangon at nakahinga ng maluwag ng mapagtantong


panaginip lang ang lahat. Napapikit ako ng makaramdam ako ng pagkahilo
marahil dahil sa biglaan kong pagbangon. Ngunit sandali lang ay dumilat
ako para mapagtantong nasa ospital ako.

Nanlaki ang mata ko ng parang sa pelikulang nag-flashback ang mga


pangyayari kanina.

Claudi. Kidnapped. Blood.

Tatlong salita lang pero nagdulot ng malakas na kabog ng puso ko kaya


naman dali-dali kong inalis ang dextrose na napansin ko lang ng tumayo
ako. Wala kong pakialam kung dumugo pa ang kamay ko sa rahas ng
pagkakaalis ko nito. Isa lang ang tumatakbo sa isip ko.

At iyon ay ang makita ang anak ko.

"Sky!" Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si


Thunder. Pero hindi ko siya pinansin at parang wala sa sariling naglakad
ako para hanapin ang anak ko.

Nakakailang hakbang pa lang ako ng maramdaman ko ang kamay nitong humawak


sa braso ko. "You need to rest Sky." Pinalis ko ang hawak nito sa akin at
unti-unting tumulo ang mga luha ko.
"Hindi ko kailangan 'yon, ang kailangan ko ngayon ay makita ang anak ko!
So tell me Thundz, where is she?!"

Tumango ito sa akin at hindi ko na rin inalis ang kamay nito na umalalay
sa akin dahil pakiramdam ko babagsak ako sa panghihinang nararamdaman ko.
"I'll take you there, but you have to be strong Sky."

Hindi ko na siya sinagot dahil ko maipapangakong magiging malakas ako


kung sakaling... kung sakaling mawala---

'No! Claudi is strong; she is not going to leave you Sky.'

Nasa malayo pa lang ako ay nakita ko na si Cloud na nakaupo at tulala.


"Cloud..." Pagtawag ko dito ng makalapit kami ni Thunder.

"Sky, you should---"

"Where is Claudi?" Pagputol ko sa anupamang sasabihin nito.

"S-Sky, please don't be like this. You need to rest."

"Bakit ba ang kukulit niyo, ang gusto ko makita ang anak ko! Hindi ko
kailangan magpahinga dahil nararamdaman ko kailangan ako ni Claudi! She
needs me Cloud so please let me see her!" Pagsigaw ko dito.

"Nasa operating room siya Sky ---" Lumingon ako sa pinto na tinutukoy
niya at nagtangkang pumasok dito pero agad akong niyakap ni Cloud mula sa
likod.

"Let go!! I need to see her Cloud..."

"I know you want to see her pero hindi ka pwedeng pumasok diyan Sky. The
doctors will do everything to save Claudi... so let's wait okay... Please
Sky, I know mahirap para sa'yo ito, and believe me gusto ko ring pumasok
sa loob niyan para masigurong ayos lang ang anak natin."

Alam ko naman na bawal pero anong gagawin ko kung ang tanging naiisip ko
lang ay ang duguang itsura ni Claudi. Ang pag-iyak niya sa panaginip ko.
Kaya ang gusto kong gawin ay hawakan siya. Ang yakapin siya dahil
natatakot ako--- natatakot akong baka hindi ko na magawa iyon. Natatakot
akong mawala siya. Kaya gusto ko nasa tabi niya lang ako, dahil natatakot
akong bumitaw siya at iwanan ako. Iwanan kami.

"Pero sa kondisyon mo ngayon hindi makakabuti kung magkakaganito ka


Sky..." Napatigil ako sa pagpupumiglas ng marinig ang sinabi ni Cloud.

Kondisyon?

Anong ibig niyang sabihin?

"You're pregnant Sky.. Magkakaroon na ng little sister si Claudi katulad


ng lagi niyang hinihiling sa atin... so hold on Sky... Please wife,
please... Hindi ko kakayanin kung pati ikaw malalagay sa peligro. Kayo ng
magiging baby natin."

Napapikit ako at naisip na sa paggising ni Claudi at malalaman niya na


magkakaroon na siya ng kapatid. I'm very sure she will be happy. And this
little seed of mine. I need to take care of her.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa akin ni Cloud at hinarap siya. "I-I'm


sorry Cloud. You're right; I need to be strong, hindi lang para kay
Claudi kung hindi para sa magiging kapatid niya, para sa'yo at para kay
Klode. But let me stay here, because I can't take a rest without seeing
her. Without knowing if she's fine."

Tumango ito at niyakap ako. Napapikit naman ako at tahimik na humiling sa


Kanya na huwag hayaang mawala sa amin si Claudi.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nag-antay sa labas ng operating


room. Pinipilit man ako ni Cloud at Thunder na matulog ay hindi ko
magawa. Dahil sa bawat pagpikit ng mga mata ko, nakikita ko ang kaawa-
awang kalagayan ni Claudi.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay kaagad akong tumayo.Nag-umpisang


bumilis ang tibok ng puso ko sa oras na lumabas ang hinuha kong doktor na
gumagamot sa anak ko.

"Kayo po ba ang guardian ng bata?" Saad nito pagkalapit sa amin.

"Yes we are Doc, kumusta na po ang anak namin?" Tanong ni Cloud.

"The operation in her brain is successful, so far wala namang internal


hemorrhage ang bata. But the patient is not yet stable..."

"W-what do you mean Doc?" Nangingilid ang luha kong tanong.

"The next 48 hour will be critical for the child... Kung hindi magigising
ang bata within that time... She will be in a state of coma."

###---###

"C-Claudi, si Mommy ito... Sorry--- sorry kung hindi kita naprotektahan


baby...pero nakikiusap si Mommy. Gumising ka na oh, huwag mo kaming
iiwan. Mahal na mahal ka ni Mommy at alam ko na mahal mo rin ako---kami.
Kaya please huwag kang bibitaw, kapit lang baby ko. I have a surprise for
you... just like what you wish for, magkakaroon ka na ng little brother
or sister. Alin man sa dalawa, alam kong magiging mabuti kang Ate, so you
have to wake up... Gumising ka hmmm?"

Napahagulgol ako ng hindi man lang kumurap ang mata ni Claudi. Inantay
kong hawakan nito ang kamay ko at halikan ako at sabihing huwag akong
umiyak katulad ng lagi niyang ginagawa sa tuwing malungkot ako o umiiyak
ako.
Pero nanatili siyang walang kagalaw-galaw. Maputla at walang kabuhay-
buhay. Malayo sa batang niyakap ako kahapon ng umaga. "Sky..." Niyakap
ako ni Cloud na nasa tabi ko pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"N-ngayon ko lang naramdaman ang takot na ito Cloud... takot na takot ako
dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko sa oras na mawala sa atin si
Claudi." Naramdaman ko ang pagyugyog ng mga balikat nito senyales na
katulad ko ay umiiyak na rin siya.

Sino nga bang hindi maiiyak kung makikita nila ang kalagayan ni Claudi
ngayon. Halos mapuno ng bandage ang katawan nito sa dami ng natamo niyang
sugat sa aksidente. At hindi ko maiwasang makaramdam ng galit sa mga
taong may kagagawan nito. Paano nilang nagawa ang bagay na 'to sa
inosenteng bata?

Sapat na ba ang kamatayan sa ginawa nila sa anak ko?

You read it right, the two of them died. Hindi ko alam kung anong dapat
na naging reaksyon ko ng sabihin sa amin ng mga pulis na hindi nakaligtas
ang dalawa.

Matutuwa ba ako na namatay sila at isipin na bahala na ang impyerno ang


magpahirap sa kanila?

Pero hindi pa rin maalis sa puso ko ang galit at hindi ko alam kung
mapapatawad ko sila lalo pa at naghihirap ang anak ko sa kagagawan nila.

"Hindi s-siya mawawala sa atin Sky. She's a strong kid that's why she
won't leave us... She won't. Our baby girl won't leave us."

Sana nga Cloud, sana nga.

24 hours later...

"Here. Drink this... and please eat this." Napalingon ako kay Thunder na
hindi ko na namalayang nasa tabi ko na pala at inaabot ang tinapay at
gatas.

Hindi ko na alam kung gaano ako katagal nakatayo sa labas ng ICU kung
nasaan si Claudi at pinagmamasdan ang hanggang ngayon na hindi pa din
nagigising na anak ko. Silently praying na sana--- sana magising na siya.

Tinanggap ko ang inaalok nitong gatas at tinapay. "Nasaan si Cloud?"


Tanong ko dahil magkasama silang umalis ni Cloud para kumuha ng damit ko
dahil sa ayokong pumayag na umalis ng hospital.

"Umupo na muna tayo at kainin mo iyan Sky. Nauna na ako dahil kausap niya
ang mga pulis..." Tumango na lang ako at umupo at pilit na kinain ang
tinapay na dala niya para sa akin.

"Para saan pa... Bakit niya pa kailangang kausapin ang mga pulis gayong
wala naman silang nagawa..."

"Sky..."
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. "I know... hindi ko dapat sila
sisihin dahil hindi nila kontrolado ang mga pangyayari pero ewan ko ba
Thundz... S-Seeing Claudi like that hindi ko maiwasang isipin at sisihin
ang mga tao sa paligid ko na pati sarili ko si-sinisisi ko... "

Unti-unti pumatak na naman ang luha ko. Hindi ko alam kung may katapusan
pa nga ba ang pag-iyak ko. Akala ko ang pinakamasakit na pangyayari sa
akin ay ang mawala ang magulang ko, mawala si TitaMoms at ang masaktan
dahil kay Cloud. May mas hihigit pa pala at iyon ang makita ang anak mo
na nahihirapan, na nasasaktan.

Inakbayan ako nito at hinawakan ang nanlalamig kong kamay. "Sky... huwag
mong sisihin ang sarili mo..."

"Naisip ko lang Thundz, hindi ko na ba talaga deserve sumaya?"

"Sssshhh, hush Sky. You deserve to be happy. Stop thinking like that..."

"Then why? Bakit sa tuwing akala ko ayos na ang lahat, magiging masaya na
ako sa wakas bakit---bakit kailangan mangyari ito? Bakit hindi na lang
ako? Dahil kung pwede lang gugustuhin kong ako ang nakaratay diyan at
naghihirap imbes na a-ang anak ko..."

Hindi na ito nakasagot dahil  napatingin ito maging ako sa mga


nagmamadaling nurse at doktor papunta sa silid ni Claudi. Agad akong
napatayo at hinawakan ang papasok pa lang na babae. "A-anong nangyayari?"

"Sky... let her go kailangan niyang pumasok sa loob." Hindi ko


pinakinggan si Thunder at pumasok sa loob ng kwarto kahit na pinipigilan
nila ako.

Isang linya at nakabibinging tunog ang bumungad sa akin.

Pakiramdam ko ay huminto ang tibok ng puso ko ng makita ang makina sa


tabi ng anak ko.

Flatline.

"Claudiiiiiiiiiiiiiii!"

TBC

Next update will be the epilogue.

O to the M to the G thank you readers' dahil umabot na ng 1M reads ang


AWS... Nakaka-overwhelmed po ang mga comments at mga messages niyo sa
akin at super duper thank you very very much...

FACT: Actually hindi ko sana papatayin sila Charlotte at Lance. At hindi


rin sana preggy si Sky... Nakailang draft ako sa chapter na ito at so far
eto ang kinahinatnan...  Hope napaiyak at nagustuhan niyo...
At dahil matatapos na ang AWS, you can comment down your questions about
this story at mga tanong din para sa mga characters...

-Jennely

=================

Epilogue

Sa lahat ng nakaabot sa chapter na ito. Maraming-maraming salamat po.


Nawa'y nagustuhan niyo ang pagiging martir at bulag sa pag-ibig ni Ulap
at Langit chos.  

                                                                         
Epilogue

Hindi ko maialis ang paningin ko sa harap ng salamin. Hindi ko inaakalang


darating pa sa akin ang araw na ito sa dami ng mga pagsubok na
pinagdaanan namin.

Pinasadahan ko ng tingin ang suot-suot kong wedding dress. 

Napahawak ako sa umbok ng tiyan ko at marahang hinaplos ito. I will be


walking to the aisle with a baby bump and I am happy about it. 

"This is the day, baby." Pagkausap ko rito at natawa ako ng maramdaman


ang tila pagsipa sa sinapupunan ko.

Mukhang masaya din ang magiging baby namin ni Cloud ngayong araw na ito.
"You look so beautiful Mommy." Napalingon ako sa pintuan at nakita ang
anak ko kasa-kasama ang kaibigan ko na si Yura.

Lumapit sa akin ang dalawa at hinalikan ako sa pisngi ni Yura. "OMG


Leigh, sinong mag-aakala na anim na buwan ka ng buntis? You are so
gorgeous 

"Mommy?" Ibinaling ko ang paningin sa anak kong nakayakap sa akin.

My daughter Claudine Leighrah Monteciara.

May mga pagkakataon na sa tuwing pinagmamasdan ko si Claudi ay hindi ko


maiwasang pangilidan ng luha. Lalo pa at muntik na itong mawala sa amin.
Hindi ko kayang isipin kung ano ang mangyayari sa akin kung sakaling
nawala ito sa akin ng araw na iyon.

-*-

"Sky... " Inalis ko ang paningin ko kay Claudi pero nanatili pa rin akong
nakahawak sa kamay nito. Ayokong bitawan ang anak ko lalo pa sa nangyari
kanina. 

Hindi maipapaliwanag ng kahit anong salita ang naramdaman ko kanina


habang nakita ko kung paano huminto ang tibok ng puso ng anak ko kanina.
At kahit na nararamdaman ko na malapit na kong panawan ng ulirat,
nilabanan ko ito. Sa takot na sa pagdilat ng mga mata ko wala na sa akin
ang anak ko. 

"Natatakot ako Cloud, paano kung maulit ang nangyari kanina. Paano
kung..." Nag-umpisang gumaralgal ang boses ko sa pagpipigil na muling
umiyak. Lumunok ako, sinusubukan mawala ang tila bikig sa lalamunan ko.
"...paano kung sumuko na siya?... Hindi ko kakayanin Cloud kung mawawala
siya sa akin. Hindi ko kaya." 

"I'm s-sorry wife. Ako ang nagsimula nito, kung hindi dahil sa akin hindi
ito gagawin nila Lance at Charlotte. Patawarin mo ko. "
Gusto ko mang sabihin kay Cloud na hindi totoo na siya ang may kasalanan
nito. Hindi ko magawang magsalita. Dahil aminado ako na isa si Cloud sa
mga taong sinisi ko kung bakit sa murang edad ay naranasan ito ng anak
namin. Inisip ko na kung sana--- kung sana hindi na sila nagkita ni
Cloud. Baka sakaling nasa Davao pa rin kami ng kambal at tahimik pa rin
kaming namumuhay. Malayo sa gulo na naranasan namin dito sa Maynila.

Pero ng lumingon ako kay Claudi at maalala kung gaano ito naging masaya
ng makilala nito si Cloud. Pati na rin ang anak naming si Klode at ang
maisip na may isa pang munting anghel na nasa sinapupunan ko. At ang mga
masasayang alaala namin ng mga bata kasama si Cloud. 

And I realized that I should stop blaming my husband. Hindi ito


magugustuhan ni Claudi. At hindi rin ito ang nais ng puso ko.

Kaya naman hinarap ko si Cloud at hinawakan ang kamay nito gamit ang
kaliwa kong kamay. Kinuha ko ang kamay niya at ipinatong sa kamay ni
Claudi. "I'm sorry. Inaamin ko Cloud, sinisi kita pero napagtanto ko na
wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan kung bakit nandito si Claudi.
Hindi ikaw yung driver ng truck na nakabangga sa sinasakyan nila. Hindi
ikaw si Lance at si Charlotte na kumuha sa anak natin. Hindi i-ikaw, kaya
ako dapat yung humingi ng sorry sa 'yo. I'm s-sorry Cloud."

"Y-you don't have to say that Sky. There's no need for you to be
sorry---" Napatigil ito sa pagsasalita at napahinto naman ako sa pag-iyak
ng maramdaman ko na tila may gumalaw sa ilalim ng kamay ko. Napaangat ako
mula sa pagkakayuko at pinagmasdan si Claudi.

Unti-unting gumalaw ang nakapikit nitong mga mata na siyang nakapagpatayo


sa akin. "Claudi, naririnig mo ba ako? Si Mommy ito baby, please open
your eyes."

At halos mapatalon ako sa tuwa ng bumukas ang mga mata nito. Agad-agad
namang lumabas si CLoud marahil ay para tawagin ang doktor. Habang ako ay
umiiyak hindi dahil sa lungkot kung hindi dahil sa tuwa na gising na ang
anak ko.
Finally, our daughter is awake.

-*-

"Mommy, magsusuot din ba ako ng wedding dress pag big girl na ako?"
Napabalik ako sa reyalidad ng marinig ang tanong ng inosente kong anak.
Umupo ako at marahan kong hinila si Claudi papalapit sa akin. 

Hinaplos ko ito sa pisngi at hinalikan sa noo. "Yes baby. Kapag nahanap


mo na yung magmamahal sa 'yo at mamahalin ka. You will also be wearing a
wedding dress." 

"Just like Daddy?" Nakangiti nitong tanong.

Tumango ako at ngumiti. "Yes, just like your Daddy."

"Did you hear that Tita Yura. I will be wearing a wedding dress and get
married someday..." Pagkausap nito kay Yura.

It's been 4 months since that tragedy happened. Dahil na rin sa


pagkamatay ni Charlotte, naging laman kami ng balita. Kaya pagkatapos
makalabas ni Claudi sa hospital dalawang buwan ang nakakaraan
napagpasyahan namin ni Cloud na umuwi muna ng Davao kasama sila Mama at
Papa. 

Gumaling man si Claudi, hindi pa rin naalis ang trauma nito sa nangyari.
Almost everynight nagigising itong umiiyak at natatakot. Pero sa tulong
na rin ng isang psychologist, unti-unting naibabalik ang sigla ni Claudi.
Nakatulong na rin ang pagbubuntis ko dahil excited ito na magkaroon ng
panibagong kapatid. At si Klode na kung dati ay puro pagbabasa lang ang
ginagawa. Nagagawa na rin nitong sakyan ang mga gusto ni Claudi, katulad
na lang ng panonood kay Dora.

Napagpasyahan namin ni Cloud na ituloy na ang naudlot naming pagpapakasal


dahil ito ang siyang magiging pinakasimula ng bago naming buhay. Hindi
man namin makakalimutan ang pinagdaanan namin sa nakaraang buwan, pupunan
naman namin ito ng masasayang alaala.

----####----

"Are you ready Sky?" Nilingon ko sa tabi ko si Mama Rain at ngumiti ako.
Ganun din sa katabi kong Papa Winter.  Dahil sa wala na ang TitaMoms,
sinuhestiyon nila na sila na lamang ang maghahatid sa akin sa altar na
agad ko namang sinang-ayunan.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng simbahan ay bumungad sa akin ang mga


nakangiting malalapit sa aming buhay ni Cloud. Pili lang ang inimbitahan
namin sa kasal namin kaya naman masasabi kong malayong-malayo ang kasal
namin ni Cloud noon sa ngayon. At masasabi kong mas gusto ko ito ngayon. 

Dahil magpapakasal kami hindi dahil sa kung anupaman, kung hindi dahil
mahal namin ang isa't-isa. 

  At higit pa roon hindi napipilitan ang mapapangasawa ko. 

Nasa dulo pa lang ako ay natatanaw ko na si Cloud na ngiting-ngiting


naghihintay sa akin. Napansin ko ang pagkislap ng mga mata nito at kung
hindi ako nagkakamali ay naluluha ito. Kaya naman hindi ko na rin
maiwasang pangilidan ng luha. 

Masasabi kong tugmang-tugma ang napili naming awitin ni Cloud para sa


kasal naming dalawa.

Dahil matapos ang mga pagsubok, sakit, sakripisyo, at paghihiwalay sa


relasyon namin. Kami pa rin hanggang ngayon. Hanggang sa huli...

(Play video at the right side)

After all- Peter


'Well, here we are againI guess it must be fateWe've tried it on our
ownBut deep inside we've knownWe'd be back to set things straight''I
still remember whenYour kiss was so brand newEvery memory repeatsEvery
step I take retreatsEvery journey always brings me back to you'

Noon, akala ko imposibleng mahalin ako ni Cloud dahil sa may iba na itong
mahal. Kaya kahit masakit, kahit mahirap nagawa ko siyang palayain. At
napakasaya ko dahil ngayon ay mahal na ako ng asawa ko. At nakakasiguro
ko na siya na ang una at huling lalaki sa buhay ko.

'After all the stops and startsWe keep coming back to these two heartsTwo
angels who've been rescued from the fallAnd after all that we've been
throughIt all comes down to me and youI guess it's meant to beForever you
and meAfter all''When love is truly right (this time it's truly right)It
lives from year to yearIt changes as it goesOh, and on the way it
growsBut it never disappears'

Siguro nga ay nasaktan at maraming beses akong umiyak dahil sa pagmamahal


ko kay Cloud. Pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nagsisisi na minahal
ko siya. Bakit ko pagsisihan na minahal ko ang isang taong bagama't
nasaktan ako ay binigyan naman ako ng pagkakataon na maging masaya?
Siguro nga hindi puro saya ang naranasan ko sa piling ni Cloud, pero
hindi ba ganoon naman ang pagmamahal? Hindi maiiwasan na masaktan ka.
Pero kung sa huli at kayo pa rin, worth it ang lahat ng sakit na iyon.

At habang lumalakad ako papalapit sa lalaking mahal ko at ama ng mga anak


ko. I can proudly say, Loving him was one of the best decisions of my
life.

'Always just beyond my touchYou know I needed you so muchAfter all, what
else is livin' for?After all the stops and startsWe keep coming back to
these two heartsTwo angels who've been rescued from the fallAnd after all
that we've been throughIt all comes down to me and youI guess it's meant
to beForever you and meAfter all'  

"Take care of your wife, son." Saad ni Papa Winter kay Cloud makaraang
makarating kami sa altar.
Ngumiti si Cloud makaraan ay bumaling sa akin at hindi ko maiwasang
pamulahan sa tingin na iginagawad nito sa akin. "I will Dad, always and
forever." Anito.

"You look so beautiful, wife." Bulong nito sa akin habang umabrisete ako
sa kanya.

"You are also handsome, my husband." Sasagot pa sana ito ng may mahinang
tumikhim.

"Mamaya na yang paglalambingan niyo, baka naiinip na si Father."


Nagtawanan ang mga nakarinig kay Thunder kaya naman naramdaman ko na
naman ang pamumula ng pisngi ko.

Lumingon ako sa taong isa sa espesyal na lalaki sa buhay ko. Si Thunder


Hendrex, masaya ako na minahal niya ako pero mas masaya ako na nakatagpo
na siya ng babaeng mahal siya at mahal niya rin. 

"Tito is right Mom, Dad." Bumaling naman ang paningin ko sa anak namin na
si Klode na nasa tabi ni Thunder. At napangiti ako ng makitang napaka-
cute nito sa suot-suot na suit. Pinigilan ko na lang ang sarili ko na
lapitan ito at pupugin ng halik sa mukha.

Lumapit na kami ni Cloud sa harap ng pari bago pa muling humirit ang


dalawa. 

"Skyleigh and Cloud, it is a pleasure to share today's wonderful occasion


with you.Today you want to reconfirm your commitment to working together
and ensuring your marriage blossoms for years to come. May this renewing
of the vows you took to become husband and wife remind you that despite
the stresses inevitable in every life, your love, respect, trust and
understanding of each other will continue to increase your contentment
and heighten your joy in living." Pag-uumpisa ng pari.

"Cloud Rendrex Monteciara, will you continue to have Skyleigh as your


wife and continue to live in this marriage?"
"I will, Father." 

"Do you reaffirm your love to her, and will you love, honor and cherish
her in sickness and in health, for richer or poorer, for better for
worse, and forsaking all others, be faithful to her as long as you both
shall live?" 

"I do, Father." Makaraang sumagot si Cloud ay bumaling naman sa akin ang
pari. 

"Skyleigh Vergara Monteciara, will you continue to have Cloud as your


husband and continue to live in this marriage?"  Naluluha akong tumango
sa pari at pinisil ang hawak-hawak na kamay ni Cloud. "I will, Father."

"Do you reaffirm your love for him, and will you love, honor and cherish
him in sickness and in health, for richer or poorer, for better for
worse, and forsaking all others, be faithful to him as long as you both
shall live?"  Muli akong tumango sa tanong ng pari.  "I do, Father."

At ng dumating na kami ni Cloud sa wedding vows namin habang isinusuot


niya sa akin ang panibago naming singsing, hindi ko na naiwasan at tumulo
na ang luha ko. At maging si Cloud ay napaluha na rin. 

"Sky, in the past I have taken you for granted and I'm sorry for that. I
have put others before you. I have done things I am not proud of. And I
have often been wrong. When you left, doon ko lang na-realized na mahal
kita at nagsisisi ako dahil kung kailan ka nawala sa akin at saka ko pa
nalaman kung gaano ka kahalaga  p-para sa akin. Nagpapasalamat ako na
binigyan mo ko ng isa pang tsansa na makapiling ka at makasama kayo ng
mga anak natin. N-napakasaya ko na ikaw ang naging ina ng mga anak
natin. S-Salamat dahil hindi ka nagsawang mahalin ako. A-at hindi ako
magsasawang sabihin at iparamdam sa'yo araw-araw kung gaano kita kamahal.
I love you, wife" Huminto ito sa pagsasalita at hindi ko ito masisisi
dahil katulad ko ay umiiyak na rin ito. ".. I pledge that from this day
forward you will be my number one priority. I promise to be there for you
in all that life brings our way. It is because of you that I am here
today and I vow to give you all that I am and all that I have for the
rest of our lives together. This is my solemn promise.  " 
Huminga muna ako ng malalim bago ko umpisahang sabihin ang sumpa ko. "I
love you Cloud. Ikaw ang unang lalaking minahal ko at alam ako na ikaw
rin ang huling lalaking mamahalin ko. H-hindi ako nagsisisi na minahal
kita d-dahil isa ka sa taong nagpapasaya sa akin. Marami man tayong
pinagdaanang dalawa, hindi ito magiging dahilan para tumigil ako sa
pagmamahal ko para sa'yo." Tumigil ako sa pagsasalita at pinagmasdan ang
lalaking mahal na mahal ko. "I take you today not only as my husband yet
again, but as my best friend and lover, my confident, my shoulder when I
need to cry, and the person whose arms I could not picture being without.
Today I pledge to be by your side, to be your strength when you are weak,
to never leave you, to be understanding, and to keep being the wife you
deserve. With this said "I do" take you my faith and loving husband to
have and to hold, for better or worse, until death to us part."

"It is with pleasure that I conclude the ceremony of renewing the vows of
marriage that joined you and binds you as husband and wife. Please
celebrate this renewal of vows with a kiss!" 

Makaraang sabihin ng pari iyon ay hinawakan ni Cloud ang pisngi ko at


unti-unting naglapat ang aming mga labi. Nag-umpisang magpalakpakan ang
mga bisita. 

"I love you, my wife."   bulong nito makaraang maghiwalay ang aming mga
labi at niyakap niya ako.

"I love you too, my husband." Pagtugon ko. Bagama't lumuluha ako ay hindi
maalis-alis sa aking labi ang ngiti.

"Daddy, stop hugging Mommy baka ma-hurt si Baby!" Natatawa kaming


naghiwalay ni Cloud ng umalingawngaw ang matinis na boses ni Claudi sa
loob ng simbahan.

"Claudi stop ruining their moment!" Nagtawanan ang bisita maging kami ni
Cloud ng mag-umpisa na namang magtalo ang magkapatid.

Masaya naming pinagmasdan ni Cloud ang mga anak namin at maya-maya lamang
ay lumapit ang dalawa at niyakap kami.
Hindi dito magtatapos ang storya namin ngunit gaano mang kahirap ang mga
pagsubok na darating, lalabanan namin ito ni Cloud kasama ng mga anghel
sa buhay namin.

THE END :)

A/N: It's 1:43 am. Ang taray ng oras na natapos ko ito. May meaning
talaga, I love you Hahahahaha.. Piniga ko na ang lahat ng mapipiga sa
utak ko dahil sa pangungulit niyong i-update ko na ito kaya kung nabitin
kayo, mag-imagine na lang kayo ng ending niyo hahahahaha. Antok na ko
kaya kung may mga technical error and wrong grammar, comment lang kayo. 

Salamat ng marami sa pag-suporta sa AWS. I love you guys :D Happy


Valentines Day <3

Hindi ko alam kung kailan ko maipopost ang Special Chapters! Wag kayong
magmadali, pleasssssseee :)

You can get to know me in my social media sites guys :) 

Ask.fm : https://m.ask.fm/Princess_Jenpaumevi

Facebook: https://www.facebook.com/profile.php?id=100011016587288

Twitter: https://twitter.com/JenpauPrincess

-Jennely
=================

♥♥ BONUS CHAPTER ♥♥

"Wife...wake up. We're here." 

Napangiti ako ng pagmulat ng mata ko ay nabungaran ko ang asawa kong si


Cloud na ngiting-ngiti habang marahang hinahaplos ang malaki kong tiyan.

Walong buwan na ang dinadala ko at sa loob ng ilang buwan kong


pagbubuntis, naging hands-on si Cloud sa magiging baby namin. Lahat ng
magustuhan ko ibinibigay niya sa akin kahit minsan ay weird ito. Kahit na
madalas ay puyat ito dahil sa kalagitnaan ng gabi ay may mga gusto akong
kainin. Every step ng pagbubuntis ko nandoon siya, malayong-malayo sa
pagbubuntis ko sa kambal na mag-isa lang ako.

At kulang ang salitang masaya ako ngayon. I'm far from being happy with
my husband and children. Lalo pa at excited na ang lahat sa pagdating ng
anghel namin na si Clarence Leighdrex Monteciara . It's a boy. At
ikinatuwa ito ni Claudi dahil siya pa rin daw ang only princess ng Daddy
niya.

"Dad, hindi ba pwedeng sa Davao na lang tayo?" ani Klode makaraang


makababa na kami ng eroplano.

Kung nagtataka kayo kung nasaan kami ngayon. Nasa Maynila na ulit kami,
kinakailangan na kasi ni Cloud na bumalik sa trabaho niya. At tapos na
rin naman ang pagiging matunog namin sa media matapos ng mga nangyari.
Bagama't gusto ni Cloud na doon na lang ako manganak sa Davao, ayoko
naman na mapabayaan niya ang trabaho niya dahil alam ko kung gaano
kahalaga sa kanya ang MEC.
Sa una ay natatakot ako na muling bumalik, pero ayokong isakripisyo ni
Cloud ang buhay niya rito. At isa pa alam ko naman na gustong makasama
nila Mama at Papa ang mga bata.

"Klode hindi ba napag-usapan na natin ito?" tumango si Klode sa sinabi ko


pero hindi pa rin naalis sa mukha nito ang disgusto sa pag-uwi namin.

"Mom, ayaw ni Klode dito because he wants to be with Alice---" napatigil


sa pagsasalita si Claudi ng buhatin ito ng ama niya. 

"How about an ice cream baby?" saad ni Cloud.

"Really Daddy? I want strawberry!" magiliw nitong saad. 

Nang mabaling na ang pansin ni Claudi sa ama ay binalingan ko si Klode. 

"Klode... I know that you really want to be with your friend. And trust
me Klode, magkikita pa kayo. I'll talk to your Dad and every summer we'll
visit her." 

"Promise?" 

Ngumiti ako at tumango. "Promise."

•◘•◘•◘•

"Cloud?" 

Nakangiti akong nilingon ni Cloud at agad din nitong ibinaling ang


atensyon sa pagmamaneho.
"Yes, wife?" tanong nito habang ang tingin ay nasa unahan pa din.

"I thought uuwi na tayo sa bahay natin?" nagtataka kong tanong sabay
tingin sa daan na tinatahak namin.

"Yes, we are going home." 

"So, pupunta muna tayo kayla Mama?" ani ko ng mapagtantong papunta kami
sa Mountainheights Estates--- ang lugar kung saan nakatira ang magulang
ni Cloud at ang lugar na kinalakhan naming tatlo nila Thunder.

"Nope."

Magsasalita pa sana ako ng unahan na ako ni Claudi na mukhang kanina pa


excited sa ibinulong sa kanya ng ama niya kanina bago kami sumakay ng
kotse.

"Daddy, malapit na ba tayo sa new house natin?!"

"Claudi! You're ruining Dad's surprise to Mommy!"

"Am I?"

"Yes, you are."

"But---I-I am just...excited."

Naguguluhan kong isa-isang pinagmasdan ang mag-aama ko lalo na si Cloud


na mukhang natatawa sa anak namin na si Claudi.
"I'm sorry Daddy!"

Bago pa ako muling makapag-react sa narinig kong sinabi ng anak ko ay


huminto na ang kotse.

At hindi ko mapaniwalaan ang nakita ko pagkababa namin. Agad nagtatakbo


ang mga bata papasok sa nakabukas na gate pero nanatili pa rin akong
nakatayo sa labas at pinagmamasdan ang dati naming bahay. 

Ang bahay ni TitaMoms.

"A-anong ginagawa natin dito C-cloud?" naluluha kong saad.

"I told you we're going home. And this..." Inakbayan ako nito at
hinalikan sa noo makaraan ay itinuro sa akin ang bahay na punong-puno ng
alaala ng buhay ko simula pagkabata. "...will be our new home. Masyadong
maraming masasakit na alaala ang bahay natin dati at gusto ko ng
makalimutan natin lahat 'yon at iwanan na lang sa nakaraan. At alam kong
napakahalaga sa'yo ng bahay na ito at lahat ng mahalaga sa'yo. Mahalaga
na rin sa akin. "

"Y-you don't have to do this Cloud but thank you. You don't know kung
gaano mo 'ko napapasaya, pinapasaya sa mga bagay na ginagawa mo. A-and
this is just too much and I don't know kung paano ko 'to mababayaran---"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng halikan nito ako sa labi. "This


will be enough as a payment." anito.

Ngumiti ako. "How about dagdagan natin ang bayad ko sa'yo?" hindi ko na


ito inantay pang magsalita at ako na mismo ang humalik dito. 

"Mommy, Daddy---" agad akong napahiwalay kay Cloud ng marinig ang boses
ni Claudi. Paglingon ko ay nakita ko ang anak namin na bagama't nakatakip
ang kamay nito sa mga mata, may siwang naman ito kaya nakikita pa rin
niya kami. 

Natawa naman ako at maging si Cloud. 

"Jeez Claudi, bakit ba lagi mo na lang iniistorbo sila Mommy during their
sweet moments." ani Klode na inakbayan pa ang kapatid at ginulo ang buhok
ni Claudi.

"I am not. And stop ruining my hair Klode!" 

"I love you wife... I'm so lucky dahil ikaw ang naging ina ng mga anak at
magiging anak pa natin."  saad ni Cloud habang pinagmamasdan ang kambal.

Ngumiti ako.  "I love you too. And I'm also lucky dahil ikaw ang ama
nila."

Tumingala ako at nakangiting pinagmasdan ang langit.

Thanks God, for giving me a life with them. ♥♥♥

◘◘◘◘

A/N: Maikli lang kasi bonus chapter lang ito actually. Di ko sigurado
kung kelan ulit ang sunod o kung meron pa ba. Hahahahahaha ☻☻

Anyway, maraming-maraming salamat po talaga sa mga bumasa, nagbabasa at


magbabasa ng storyang ito. Kasalukuyan kong ine-edit ang storyang ito
kaya kung may mga na-encounter kayong typos & wrong grammar. Sarreh
guys. 

Walang proofread ang BC na 'to. Antok na kasi ako.


You can get to know me in my social media sites guys :)

Ask.fm : https://m.ask.fm/Princess_Jenpaumevi

Facebook: https://www.facebook.com/profile.php?id=100011016587288

Twitter: https://twitter.com/JenpauPrincess

-Jennely ♥♥♥

=================

♥ Authors Note ♥

Maraming nagco-comment regarding sa pagchange ko ng name ng Tatay ni


Cloud.

Blue po talaga ang naunang pangalan but I decided na gawin na itong


Winter dahil sa mga nag-cocomment at mga naguguluhan kung may koneksyon
ba ang story ko sa story ni Vampiremims. So if ever may makikita pa
kayong Blue na pangalan. Kindly comment it! ♥♥♥
Anyway, thank you sa patuloy na pagbabasa ng AWS. Sa mga nag-cocomment na
hindi ko narereplayan pasensya po pero nababasa ko po ang mga comments
niyo at maraming-maraming salamat! Rank 1 na ang AWS at dahil po ito sa
inyo ☻☻☻☻ 

Saranghae Chingu ♥♥♥♥

PS: Kasalukuyan ko pong  ineedit ang story na ito so if ever na may mga
typo and grammar akong mali kindly  comment it!

PPS: Sa mga nanghihingi ng bonus chapter hintay-hintay lang po ☻☻☻

You can get to know me in my social media sites guys :)

Ask.fm : https://m.ask.fm/Princess_Jenpaumevi

Facebook: https://www.facebook.com/profile.php?id=100011016587288

Twitter: https://twitter.com/JenpauPrincess

=================

♥♥ LAST BONUS CHAPTER ♥♥

"Mommy bakit laging tulog si Clarence?" 

"Claudi quiet, baka magising si baby."

"Then mabuti 'yon para makita ko yung beautiful eyes niya."


"Tss. He needs to sleep so he can grow up fast."

"But I want to see him awake."

"Wag ka ngang makulit---"

"Klode, Claudi bakit hindi niyo na lang gayahin si Clarence at matulog na


din kayong dalawa." Napatigil ang dalawa sa pagtatalo ng pumasok si Cloud
sa loob ng kwarto. Kanina ko pa pinagmamasdan ang dalawa na walang tigil
sa pagtatalo tungkol sa palaging pagtulog ng one month old namin ni Cloud
na si Clarence Leighdrex. 

It's been one month ng isilang ko ang bunso naming anak ni Cloud na si
Clarence at isang buwan na rin ang nakalilipas ng wala ng ibang alam
gawin ang mag-aama kung hindi bantayan ang sanggol na nasa bisig ko.
Palagi nilang inaabangan ang pagdilat ng mga mata ni Clarence at pati ang
simpleng paghikab nito ay ikinatutuwa nila at siyempre maging ako.

"Dad, it's only three o'clock in the afternoon." nakangusong saad ni


Claudi kay Cloud.

Umiling naman si Cloud at ginulo ang buhok ni Claudi. "And it's also time
for your nap princess..." Binalingan naman ni Cloud si Klode na
kasalukuyang pinipicturan si Clarence. "At ikaw din Klode."

"Hmp. Gusto mo lang masolo sila Mommy at Clarence eh." 

Natawa ako maging si Cloud. "Nagseselos ba ang princess ko?"

Sasagot pa sana si Claudi ng pumalahaw ng iyak si Clarence na nasa bisig


ko. Mukhang tuluyan ng naistorbo ang tulog ng prinsipe namin. 

"Puno na po ba yung diaper niya Mommy?"


"Gutom ba siya wife?"

"Is he sick Mommy?"

Isa-isa kong tinignan ang tatlo makaraan ay tumayo ako at dumiretso sa


rocking chair na binili ni Cloud. Naupo ako dito at marahan itong iniugoy
habang nagsimula akong umawit. Unti-unti namang huminto ang pag-iyak ni
Clarence.

Binalingan ko naman ang tatlo at nilingon ko ang pinto. Mabuti naman at


naunawaan ng mga ito na kailangan ng muling matulog ni Clarence ng walang
ingay na nanggagaling sa kanila. 

Hindi ko maiwasang mapangiti ng umalis ang mga ito. Sa tuwing umiiyak si


Clarence ay natataranta ang tatlo daig pa ako. At nakakatuwang makita
kung paano mahalin ng tatlo ang bagong anghel sa buhay namin. 

♣♣♣♣♣

Nagising ako ng makarinig ng munting iyak at agad gumuhit ang ngiti sa


mga labi ko ng makita si Cloud na nasa rocking chair at marahang hinehele
si Clarence. Ngiting-ngiti ito at pinakatitigan ang anak namin. 

Bagama't nagtatrabaho si Cloud ay hindi nito nakakaligtaang bigyan ng


oras ang mga anak namin. Katibayan na ang tanawin na nakikita ko. Sino
nga ba namang mag-aakala na ang seryosong CEO ng MEC ay nagpapahele ng
sanggol at minsan pa nga ay ito ang nagpapalit ng diaper ni Clarence at
walang arte niya itong ginagawa.

I'm lucky to have Cloud as a father of my children. Wala na akong


mahihiling pa sa isang katulad nito.
Napatingin ako sa orasan at agad akong napabangon ng makitang ala-dos na
ng madaling araw. Kinakailangan ng matulog ni Cloud dahil maaga pa ang
pasok nito sa opisina. 

Nakita ko ang antok sa mga mata ni Cloud ng tapikin ko ito pero hindi pa
rin naaalis ang ngiti sa mga labi nito ng balingan ako. "Just sleep wife,
ako ng bahala kay Clarence." mahinang saad nito.

Umiling ako. "No Cloud, may pasok ka pa bukas. Hindi ka pwedeng


magpuyat." 

Magpoprotesta pa sana ito ng umingit si Clarence. "Mukhang gutom na ang


baby natin Cloud..." ani ko kaya tila napipilitan nitong ibinigay sa akin
ang anak namin pero bago ang lahat ay hindi nito nakaligtaang halikan ang
bata at maging ako.

"Goodnight wife... I love you..." anito. 

Ngumiti ako. "And I love you too.."

Araw-araw, oras-oras, minu-minuto. Hindi namin nakakalimutan na sabihin


ang tatlong salita na iyon sa isa't isa. I know that a relationship is
not all about saying 'I love you' everyday, it's also about proving those
words everyday. 

And I'm glad na nagagawa namin ito ni Cloud sa isa't-isa. Dahil ang
tatlong salita na iyon ay hindi lang basta isang nakagawiang bagay para
sa amin ni Cloud dahil alam ko hanggang sa pagtanda namin ang mga
salitang 'I love you' o 'Mahal kita' ang siyang magpapaalala sa
pagmamahalan naming dalawa. 

♣♣♣♣♣

9 years later...
"Mommmmmmmmyyyyyyyy!" 

Napatigil ako sa pagtipa sa laptop ko ng marinig ang tili ni Claudi mula


sa itaas. Mukhang may nantrip na naman sa dalaga namin. At hindi ko na
kailangang hulaan kung sino ito o kung sino ang mga ito.

Agad kong inalis ang salamin sa mga mata ko at nagmamadali akong pumanhik
sa taas bago pa masira ang itaas sa oras na magrambulan ang magkakapatid.
Nakapamewang akong pumasok sa music room ni Claudi courtesy of her father
and my loving husband.

"Sinabi ko na sa inyong dalawa na bawal pumasok sa room na ito... Look at


what the two of you did!" tili ni Claudi.

"Claudi...ano na naman bang nangyari?" ani ko at nagmamadali namang


lumapit sa akin ang dalaga ko ng anak. 

"They broke my guitar Mom." nakasimangot nitong saad.

Huminga ko ng malalim at umupo sa sofa. Agad naman tumabi sa akin si


Claudi habang patuloy pa rin itong nagmumukmok. "Kieran and Keegan, come
here."

Parang wala namang ginawa ang mga itong lumapit sa akin at nakuha pang
ngumiti. Meet Cloud's and I youngest children. Kieran and Keegan. Our
identical twins. They are only five years old at walang araw na hindi
puro kalokohan ang ginagawa ng dalawa. Ngayon ko pinagsisisihan na
pinaglihian ko si Thunder ng ipinagbubuntis ko ang dalawa dahil ang
hinala ko ay namana ng kambal ang kakulitan ng Tito nila.

"Bakit niyo sinira ang gitara ng Ate niyo?" saad ko at agad namang nawala
ang ngiti sa mga labi ng dalawa. 

"Hindi ko sinira ang gitara ni Ate!" 


 "Hindi ko sinira ang gitara ni Ate!"  

Sabay na saad ng dalawang makulit na bata. 

"At sino naman ang nagsira ng gitara ng Ate niyo?"

Sabay na humagikhik ang dalawa at pumito. "Lucky!"

At bigla namang sumulpot si Lucky, ang labrador na iniregalo ni Thunder


sa dalawa during their last birthday. Magsasalita pa sana ako ng
magtatakbo si Lucky sa labas ng kwarto at agad naman itong sinundan ng
kambal.

"I can't believe this!" saad ni Claudi habang nakatingin sa pinto na


pinaglabasan ng kambal at ng aso namin. 

"Don't worry Claudi, ipapaayos na lang natin yung gitara mo." 

"But Mom---"

Naputol ang sasabihin nito ng sumulpot sa pinto ang binata ko ng anak na


si Klode.

"You should always lock this room Claudi ng sa ganon hindi nakakapasok
ang kambal." 

 "Stop lecturing me Klode----"  


Umiling ako at napagpasyahang magluto na lang ng paboritong cookies ng
mga bata. Dahil mukhang mag-uumpisa na naman ang awayan ng isa ko pang
kambal.

Binata na at dalaga ang dalawa pero hindi pa rin natatapos ang bangayan
ng mga ito. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ay lumitaw naman ang
pangatlo naming anak ni Cloud na si Clarence at agad itong tumabi sa Kuya
niya.

"Kuya's right Ate, you always forget to lock this room so it's your fault
na nasira yung guitar mo."

Ano pa nga bang aasahan ko kay Clarence. Idol na idol nito ang kuya nito
kaya naman lagi niya itong kinakampihan.

"Isa ka pa Clarence, isusumbong ko kayo kay Daddy pag-uwi niya."

Anuman ang mangyayari mananatili pa ring Daddy's girl ang unica hija
namin ni Cloud. 

Lima ang anak namin ni Cloud pero para akong may sampung bata na alaga.

♣♣♣♣♣

"Daddy can you buy me a new guitar?"

"Tss. Pwede mo namang ipaayos bakit kailangan bumili pa ng bago?"

"Shut up Klode."

"I want to watch power rangers."


"No Keegan, let's watch naruto."

"Ate you should listen to Kuya."

Ito ang senaryo na naabutan ko sa sala at hindi ko maiwasang mailing


habang pinagmamasdan si Cloud na patuloy sa pananaway sa magugulo naming
mga anak. 

"Kapag hindi kayo tumigil, kami lang ng Daddy niyo ang uubos sa cookies
na ito." Agad naman natahimik ang lima ng ibaba ko ang bowl na
kinalalagyan ng cookies na binake ko kanina.

Parang walang nangyari at nagkanya-kanyang kuha ang lima. Tumabi naman


ako kay Cloud at agad ako nitong inakbayan.

At sabay naming pinagmasdan ang mga anak naming nagtatawanan na habang


kumakain.

I'm really blessed to have this kind of family...

♥♥♥♥♥♥

You can get to know me in my social media sites guys :)

Ask.fm : https://m.ask.fm/Princess_Jenpaumevi

Facebook: https://www.facebook.com/profile.php?id=100011016587288

Twitter: https://twitter.com/JenpauPrincess
=================

♥♥Announcement♥♥

Gumawa ako ng group sa facebook dahil hindi lahat narereplayan ko ang mga
comment regarding sa A Wife's Secret. Para din po 'yon sa mga bago kong
stories :)

Doon niyo rin ako pwedeng kulitin, kaibiganin, chikahin etc... Doon ko
din i-uupload ang mga fictional characters ko sa AWS, Thunder Zone, TBBBM
at TSW. 

Pwede rin kayong magpost ng mga reaction niyo regarding sa mga story
ko :D 

Sana madami sa inyong sumali! ♥♥♥

Here's the link:

https://m.facebook.com/groups/1758536497703280?view=info

or you can just search Jennely's Stories :) 

Salamat sa nag-uumapaw niyong suporta sa aking mga akda! ☻ Mahal ko kayo


♥♥♥
=================

♥♥♥Happy 8 Million Reads ♥♥♥

Maraming salamat sa mga mambabasang walang sawang sumuporta sa A Wife's


Secret ♥♥ 

Pwede na niyong makausap ang mga minahal nating si Ulap at Langit. You
can add their facebook accounts :) And also please like our facebook page
(PrincessJenpaumevi Stories). Diyan ko ipopost ang mga teasers, special
chapters (pag sinipag ako) and also one-shot stories na gagawin ko.

Social Media Accounts: 

Skyleigh Vergara
Monteciara: https://m.facebook.com/skyleigh.monteciara.5?
refid=18&_ft_=qid.6278502053033210303%3Amf_story_key.1778431865713743%3At
l_objid.1778431865713743&ref=bookmarks

Cloud Rendrex Monteciara: https://m.facebook.com/cloudhendrex.monteciara?


refid=18&_ft_=qid.6278502053033210303%3Amf_story_key.1778431865713743%3At
l_objid.1778431865713743&ref=bookmarks

PrincessJenpaumevi Stories: https://m.facebook.com/PrincessJenpaumevi-
Stories-235702770122942/?
ref=bookmarks&notif_t=group_activity&actorid=100005097638097&notif_id=146
1434229295382&refid=18&_ft_=qid.6278502053033210303%3Amf_story_key.177843
1865713743%3Atl_objid.1778431865713743

-Jennely 

You might also like