You are on page 1of 6

PAMPANGA HIGH

SCHOOL
PILING LARANG
IKAWALONG LINGGO – MODIFIED ASSESSMENT
IKAAPAT MARKAHAN – SY 2021-2022
Pangalan: Guro sa Filipino:
WRITTEN WORK 1: (7 PUNTOS)

Pagsunod-sunurin ang hakbang sa pagsulat ng posisyong papel. Lagyan ng


bilang 1 hanggang 7 ang linya.

_____1. Pagbuo ng balangkas ng posisyong papel


_____2. Pagbuo ng thesis statement o paahyag ng tesis
_____3. Pagpapatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya
_____4. Pagsasagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa
_____5. Pagsubok ng katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o
posisyon
_____6. Pagsulat ng posisyong papel
_____7. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso

PERFORMANCE TASK 1: (8 PUNTOS)

Panuto: Gamit ang ladder organizer, sagutin ang mga katanungan sa bawat hagdan.

Paksa: Makatwiran ba na ibalik ang Enhance Community Quaratine (ECQ) sa City of San
Fernando, Pampanga.?

4. Mapapanindigan mo ba ang iyong panig sa


isyung ito?

3. Ano ang opinyon mo sa mga isyung ito?

2. Paano mo masasabi na ito ay may epekto sa iyo ang isyung ito?

Ano ang isyung tinalakay ?


PAMPANGA HIGH
SCHOOL
PILING LARANG

IKA-9 NA LINGGO – MODIFIED ASSESSMENT


IKAAPAT NA MARKAHAN – SY 2021-2022

Pangalan: Baitang at Seksyon:


Guro sa Filipino: Lagda ng Magulang:

WRITTEN WORK 2: (10 PUNTOS)

A.Lagyan ng mukhang nakangiti ☺ kung tama ang pahayag at ng mukhang malungkot


☹ kung mali. Isulat sa patlang ang sagot.

_____1. Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa


nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng sumulat
_____2. Bahagi ng sanaysay na ito ang mga bagay na naiiisip, nararamdaman, at pananaw
hinggil sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng epekto sa taong sumusulat nito.
_____3. Ito ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang
karanasan o pangyayari.
_____4. Madalas itong gamitin upang mailarawan ang tiyak na bagay, kaisipan, at
pangyayaring nakita o nasaksihan
_____5. Tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa pagsasalaysay at pagbabalita

B. Punan ang tamang sagot.

_____1. Ito ay isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay,pook, o ideya.


_____2. Isang kasangkapan upang isatinig ang maikling pagbubulay-bulay at komentaryo sa buhay.
_____3. Ayon kay Michael Stratford isang guro at manunulat ay isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na
may kinalaman sa introspeksiyon na pagsasaany
_____4. Tinatawag din itong pamilyar o personal, at nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng
katauhan ng may- akda.
_____5. Ayon sa kanya ang salitang sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan
ng isang sanay sa pagsasalaysay

PERFORMANCE TASK 2: (15 PUNTOS)

PANUTO: Ibigay ang pagpapaliwanag sa mga pahayag


Isulat ito sa paraang pasanaysay

Ano sa tingin mo ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa mo sa iyong buhay?

Kung bibigyan ka ng pagkakataong pumili ng magulang, pipiliin mo pa rin ba sila?

Kung makakaharap mo ang Diyos, ano ang sasabihin at itatanong mo sa Kanya?


PAMPANGA HIGH SCHOOL
PILING LARANG
IKA-10 LINGGO – MODIFIED ASSESSMENT
IKAAPAT NA MARKAHAN – SY 2021-2022

Pangalan: Baitang at Seksyon:


Guro sa Filipino: Lagda ng Magulang:

WRITTEN WORK 3: (10 puntos)

Panuto:
Sa pamamagitan ng larawang ito, lapatan ng Pamagat at lagyan ng pahayag kung ano ang
kuwentong nakikita mo rito.

PERFORMANCE TASK 3:( 10 puntos)


Panuto: Sagutin ang tanong at ipaliwanag ng maayos.

● Kung iuugnay mo ang sarili mo sa isang lugar na napuntahan mo, anong lugar sa Pilipinas
ang sumasalamin sa iyong pagkatao at bakit?
PAMPANGA HIGH

PILING LARANG
IKA-11 LINGGO – MODIFIED ASSESSMENT
IKATLONG MARKAHAN – SY 2021-2022

Pangalan: Baitang at Seksyon:


Guro sa Filipino: Lagda ng Magulang:

WRITTEN WORK 4: ( 10 puntos)

I.Evaluating learning (Pagtataya ng Aralin)

Kilalanin ang uri ng sulating tinutukoy sa bawat bilang, kung ito ay isang memorandum,
adyenda, o katitikang pulong. (Isulat sa sagutang papel ang sagot)

1. Ang pagbasa at pagpapatibay nito ay bahagi ng isang pagpupulong.


2. Isinasaad dito ang pakay o layunin sa gagawing pulong.
3. Kapag napagtibay na ito, nagsisilbi itong opisya at legal na kasulatan.
4. Makikita rito ang pagkasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
5. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa gagwing pulong.
6. Nagiging daan ito upang manatiling nakapokus sa mga bagay na tatalakayin sa pulong.
7. Nagsisilbi itong talaan ng mga pag-uusapan sa pulong mula sa pinakamahalaga hanggang sa
simpleng usapin.
8. Nagtatakda sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
9. Pangunahing layunin nito, na pakilusin ang tao sa isang tiyak na alituntunin.
10. Tinatawag din itong opisyal na tala ng isang pulong.

PERFORMANCE TASK 4: ( 10 puntos)


G.Finding practical applications of concepts and skills in daily living (Paglalapat ng aralin
sa pang araw- araw na buhay).
Gabay na tanong: Ilagay sa sagutan papel.( 10 puntos)

Bilang mag-aaral, sa iyong sariling karanasan sa mga pagpupulong na iyong dinaluhan, ano ang
adbentahe at dis-adbentahe ng katitikang pulong sa iyo bilang partisipant sa pulong?
PAMPANGA HIGH
PILING LARANG
IKA-12 LINGGO – MODIFIED ASSESSMENT
IKAAPAT NA MARKAHAN – SY 2021-2022

Pangalan: Baitang at Seksyon:


Guro sa Filipino: Lagda ng Magulang:

WRITTEN WORK 5: (12 puntos)

I.Evaluating learning (Pagtataya ng Aralin)

Bigyan ng tigtatalong (3) Pagkakaiba, at pagkakatulad ng facts sa opinyon na dalawang klase ng


ebidensya sa paggawa ng posisyong papel.

PERFORMANCE TASK 5: ( 20 puntos)

F.Developing mastery (Paglinang sa kabihasnan)

Basahin natin
Isa ako sa mga naniniwala na makakatulong ang libreng matrikula sa mga estudyante na papasok
at pumapasok kolehiyo upang makapagtapos ng pagaaral at makahanap ng magandang trabaho na
siyang magaangat nito sa kahirapan gayun na din sa ating bansa.Ayon panga sa ating pangulo na si
Duterte ang mga kabataan ang magiging daan sa pagunlad ng ekonomiya ng bansa.

May Batas din para sa libreng matrikula sa mga pampublikong Unibersidad at Kolehiyo pirmado
ni Pangulong Duterte sa Republic Act 10931″Universal Access to Quality Tertiary Educational Act”    
Ang libreng edukasyon para sa lahat hindi lamang para sa matatalino!! Paano naman ang mga
gustong magaral ngunit hindi naman ganun katalinohan ngunit may pangarap na gustong tuparin at
dahil nga sa kahirapan di nakakapag-aral ang mga ito kaya napakalaking uportunidad ang libreng
edukasyon para sa mga batang ninanais na matupad ang kanilang mga pangarap kayat sa aking
palagay hindi lamang matatalino ang dapat bigyan ng libreng edukasyon sapagkat hindi lang ang
matatalino ang may parangap lahat tayo my kaniya kaniyang mga pangarap nasa tao yan kung paano
niya tutuparin ang mga pangarap na yun kayat nararapat lang na may libreng edukasyon para sa mga
gusto at mayroong pangarap tulad nga ng sabi ng isang guro iba iba ang paraan natin sa patupad sa
ating mga pangarap ngunit isa ang libreng edukasyon sa mga paraan para makamit natin ang ating
mga minimithi natin at sa aking palagay makakatulong rin ito sa mga magulang natin na di kayang
mapagaral ang kanilang anak dahil sa kahirapan at kawalan ng trabaho dahil sa walang mapasukang
trabaho dahil sa hindi nakapagaral ang ibang magulang dahil sa mahal na matrikula at kakulangan ng
pera at pangaraw araw na pangangailangan kaya nararapat lang talaga na magakaroon o mapatupad
ang libreng edukasyon para sa lahat dahil sa panahon ngayun palaki lang ng palaki ang popolasyon ng
pilipinas at palaki lang din ng palaki o padami lang din ng padami ang bilang ng mga kabataan ngayun
ang di nakakapagaral at nabubuntis ng maaga dahil sa kakulangan ng pera at di natuturuan ng mabuti
kaya nararapat lang talaga na maipatupad at magkaroon ng libreng edukasyon para sa lahat hindi
lamang sa matatalino.

Kung iyong susuriin ang halimbawang posisyong papel na binasa sa araling bahaging
ito ano ang iyong masasabi sa bahaging: (Ilagay sa sagutan papel)

a.Panimula b. Paglalahad ng counter argument c. Paglalahad ng posisyon d. kongklusyon


PAMPANGA HIGH

PILING LARANG
IKA-13 LINGGO – MODIFIED ASSESSMENT
IKAAPAT NA MARKAHAN – SY 2021-2022

Pangalan:___________________________ Baitang at
Seksyon:________________
Guro sa Filipino:_____________________ Lagda ng
Magulang:_______________

WRITTEN WORK 6: ( 10 Puntos)

A. Pagtataya ng Aralin (Evaluating Learning)

A. Punan ang patlang ang tamang sagot.


1. Ang _________________ay mahalagang puhunan ng isang mambibigkas. Narito ang
buhay ng isang talumpati. Ang paglakas o paghina ng tinig ay dapat na naaayon sa diwa
ng talumpati.
2. Ang _______________ ay nakikita sa pagtindig, pagkilos at pagkumpas ng isang
mambibigkas
3. Ang maliwanag na __________________ ng mga salita ay isa sa mga dapat isagawa ng
mahusay na mambibigkas. Kailangang magkaroon siya ng tatas sa malinaw na
pagbibitaw ng salita na naaayon sa pagkakapantig-pantig nito sa wastong diing taglay ng
salitang binibigkas.
4. Ang tinatawag na ________________ay ang mga salitang may diing malumi at diing
maragsa. Ang impit sa lalamunan sa pagbigkas ng huling pantig ay kailangang maging
malinaw.
5. Ang ______________ay tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng tao na may
kaugnayan sa pagsasalita o pagpapahayag ng kaisipan o anumang damdamin sa madla
o mga tagapakinig.
6. Ginagamit ang ______________ng mga kamay sa pagbibigay-diin sa sinasabi.
7. Halimbawa ng kumpas na ang pakay o layunin ay bigyang-pansin ang bagay na itinuturo.
Hintuturo ang ginagamit sa ganitong kumpas.
8. Nagpapahiwatig ito ng pagtanggap o kaya naman ay pagbibigay. Ang ayos ng
palad ay nakalahad.
9. Pagtutol naman ang ibig ipahiwatig ng ganitong kumpas
10. Masidhing damdamin naman ang nais ipahiwatig ng kumpas na ito. Maaring
pagkagalit o pagkatuwa ang damdaming ipinahahayag dito.

PERFORMANCE TASK 6: (20 puntos)

I.Pagtataya ng Aralin (Evaluating Learning)


Likhain Mo Na!!!

Sumulat ng isang talumpati ( apat na talataan) ayon sa paksang iyong kinawiwilihan at


iugnay sa iyong sariling mga karanasan upang higit na mapalutang ang mga ideya.
Gamiting gabay ang sumusunod na mga tanong sa pagsulat ng iyong talumpati
1. Ano ang paksa ng iyong talumpati?
2. Ano ang nais mong mangyari sa mga makikinig ng iyong talumpati?
3. Mapupukaw ba ng iyong mensahe ang kawilihan ng mga tagapakinig?
4. Dapat bang isaalang-alang ang organisasyon ng nilalaman sa pagsulat mo ng iyong
talumpati?

You might also like