Sa inyong nabasang kwento, sagutin ang mga sumusunod..
Ang Aral Mula sa Damo 1. Batay sa kwento, ilarawan ang mga katangian ng mga tauhan. - Si Ginoong Punongkahoy na hindi masaya sapagkat siya ay hindi namumulaklak. - Si Binibining Bulaklak ay hindi masaya sapagkat siya ay walang halimuyak. - Si Gardenia na mahalimuyak ang amoy, subalit, siya ay hindi din masaya sapagkat siya ay hindi namumunga. - Si Ginoong Saging na hindi din masaya dahil ang kanyang katawan ay hindi matibay . - Si Ginoong Narra na matibay ang katawan - Si Damo na masaya dahil kaya niyang maging siya.
- Ang mensaheng nais iparating ng ating nabasang kwento na Aral Mula sa Damo ay makakaramdam ka lamang ng tunay na kaligayahan at kapayapaan sa iyong puso kung tatanggapin mo ang kakulangan at kalakasan mo bilang tao, ang bawat isa ay magkakaiba at may natatanging kakayahan na marahil ay wala ang iba at mayroon naman ang iba ngunit, hindi ito nangangahulugan na ikaw ay mahina o iba sa bawat tao.