Professional Documents
Culture Documents
Youth Safety and Self Defense Seminar and Workshop Proposal
Youth Safety and Self Defense Seminar and Workshop Proposal
TITLE DETAILS
Seminar / Workshop Title :
YOUTH SAFETY AND SELF DEFENSE SEMINAR AND WORKSHOP
Seminar / Workshop Lenght :
Approximately 4 Hours
Ituturo din sa mga dadalong kabataan ang iba’t - ibang mga payo at hakbang upang
hindi sila malagay sa mga mapapananib na sitwasyon. Ang mga dadalong kabataan
ay sasangkapan din ng mga kaalaman at kasanayan ukol sa paggamit ng kanilang
likas na pamamaraan ng pagtatanggol ng sarili mula sa ibat-ibang panganib at pisikal
na pag-atake na maaaring nilang makasagupa, Mula sa paggamit ng pakiramdam,
pagkontrol ng takot, paggamit ng tinig, paggamit ng kapaligiran kasama ng pang-araw
araw na kagamitan at higit sa lahat ay paggamit ng natural na reaksyon ng katawan
minsang makaramdam ito ng parating na panganib upang maging likas na sandata
na magliligtas sa kanila.
TARGET WORKSHOP AUDIENCE
Ang Seminar/Workshop na ito ay para sa lahat ng mga kabataan na maaaring hatiin
sa apat na age group
Age Group 1: Mga kabataang edad 6 hanggang 11
Age Group 2: Mga kabataang edad 12 hanggang 18
Age Group 3: Mga kabataang edad 15 hanggang 30
Age Group 4: Mga kabataang edad 12 Pataas na Puro Babae lang
NOTE:
Ang lahat ng pisikal na pagsasanay ay isasagawa sa pinakaligtas at pinakamaayos na
paraan kung saan ay kumpleto ang lahat ng mga gabay sa pag-iingat kaya matitiyak
na walang sinuman ang masasaktan at mauuwi sa sakuna at mapipinsala.