You are on page 1of 2

Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, PhilippinesTel. Nos.

(046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

` School of Tourism and International Hospitality Management

COURSE AND SECTION: HTRM 2-1 SCHOOL YEAR: 1st SEMESTER 2022-2023
NAME: JUDE FRANCIS C. ANGELES INSTRUCTOR: MS. ROCHELLA SY

GABAY: Magsaliksik. HOME WORK #3

Ano ang Ponolohiya at Morpolohiya?


Ang ponolohiya o palatunugan na sa wikang ingles ay phonology ay isang balangkas ng
lingguwistika na tumutukoy sa pag-aaral ng mga ponema o tunog ng wika, ang pagkakaiba nito sa
iba pang uri ng wika maging ang mabalangaks na paggamit nito o ang mga pinagsama-samang
kombinasyon upang makabuo ng isang salita. Ang ponolohiya ay binubuo ng dalawang uri. Ito ay
ang ponemang segmental o ponemang kinabibilangan ng mga katinig at patinig. Samantala ang
ponemang suprasegmental naman ay ponemang mayroong taglay na prosodic na katangian kung
saan ito ay mayroong katangiang likas. Kabilang sa mga katangian nito ang intonasyon o tono,
haba, maging ang antala o paghinto.

Ang morpolohiya naman ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme) o


ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan. Pinag-aaralan dito ang sistema ng
pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong
kahulugan. Ang mga morpema ay maaaring isang buong salita, panlapi, artikulo, o
metalinggwistikal na yunit ng kahulugan tulad ng intonasyon at stress o diin. Ang morpolohiya o
palabuuan na sa ingles ay morphology ay ang nagbibigay kaalaman sa mga indibidwal sa kung
paano nabubuo ang isang salita sa pamamagitan ng pagsasama-sama nito. Sa madaling sabi, ang
morpolohiya ang itinuturing nay unit na salita na pinakamaliit subalit nagtataglay din ng angking
kahulugan. Ito ay mga salitang idinaragdag sa iba pang salita upang makabuo ng bagong salita. Ang
morpolohiya ay maaaring panlapi na nabubuo lamang dahil sa paggamit ng iba’t ibang morpema.

Morpoponemiko

Karamihan sa mga pagbabago sa anyo at bigkas ng mga salita ay dulot ng pagdaragdag ng panlapi
o pagsasama ng dalawa o higit pang morpema upang bumuo ng salita. Ang naganap na pagbabago
ay tinatawag na pagbabagong morpoponemiko.
Gov. D. Mangubat Ave., Brgy. Burol Main, City of Dasmariñas, Cavite 4114, PhilippinesTel. Nos.
(046) 416-4339/41 www.eac.edu.ph

` School of Tourism and International Hospitality Management

References:

Panitikan
Ano ang ibig sabihin ng ponolohiya?

https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-ponolohiya

Panitikan
Ano ang ibig sabihin ng morpolohiya?

https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-ibig-sabihin-ng-morpolohiya

Slideshare
Morpoponemiko
https://www.slideshare.net/rosemelyn/morpoponemiko-presentation

You might also like