You are on page 1of 5

PAGGAWA NG TRADISYONAL/ AT MAKABAGONG KAGAMITANG PANTURO

Inihanda ni:
Bb. Regina Y. Cabelis
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION MAJOR IN FILIPINO
CEBU TECHOLOGICAL UNIVERSITY- MAIN CAMPUS

PANGALAN NG VISUAL AID: POWERPOINT PRESENTATION


INTRODUKSYON:
Maraming pagbabago ngayon ang nangyayari sa ating kapaligiran, kabilang
na dito ang modernong pagbabago ng sistema sa larangan ng Edukasyon. Ang
paaralan ang nagsisilbing pangalawang tirahan ng mga mag-aaral. Ang bawat
bagay na makikita sa paaralan ang nagsisilbing pinagmulan ng pagkatuto ng
mag mag-aaral. Ang pagkatuto ng mag mag-aaral ang nagsisilbing pinaka
importanteng bagay na may kontribusyon sa paglago ng kanilang mga abilidad at
kapasidad. Sa tulong ng makabagong teknolohiya ay naimbento nitong mga
nakaraang taon ang paggamit ng ng PowerPoint Presentation ng mga guro sa
pagtuturo sa klase. Ito ay ginagamit sa pagbibigay ng leksyon gamit ang
telebisyon na may mga slides presentation para sa mag mag-aaral. Sa
pamamagitan ng paggamit nito ay mas mapapabilis ang diskusyon ng mga aralin
dahil hindi na kinakailangan na magsulat pa ang guro sa pisara. Mas
mapapabilis ang pagpapaliwanag ng mga guro tungkol sa kanilang aralin.
Maaring rin magbigay ng halimbawa o mas malalim na kahulugan ang mga guro
tungkol sa kanilang aralin sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan,tsart
at mga talungguhit. Sa pamamagitan ng makabagong pagtuturo sa tulong rin nito
ay makukuha ng guro ang atensyon ng mga mag-aaral. Mas maiintindihan ng
mga mag-aaral ang bawat aralin. Magiging resulta nito ay magkakaroon na
mahusay na pag intindi ang mga mag-aaral. Mapapatibay nito ang pagiging
produktibo ng mga mag-aaral. Magkakaroon din ang buong klase ng mas
magandang interaksyon sa kanilang mga guro. Mahihikayat din sila na tumingin
sa bawat nakasulat dito dahil mas makulay na presentasyon mula sa kanilang
mga guro. Matutulungan nitong ang mag guro sa mas madaling pagpapaabot ng
mga impormasyon tungkol sa kanilang aralin. Dahil dito ay mas madadagdagan
ang kaalaman ng mga mag-aaral. Maaring mas maging aktibo pa sila at
mahikayat matuto. Ito ay dahil sa pagkakaroon ng mas kapaki-pakinabang na
kagamitan sa klase na mapapaulad ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

PROSESO NG PAGGAMIT O HAKBANG


Sundin ang mga hakbang sa ibaba para gumawa ng slide:
1. ikonekta ang PC sa network o kung o kung walang pc pwedeng sa selpon
o laptop. Simulan ang power point; piliin ang "Gumawa ng Slide" sa
kaliwang sulok sa itaas.
2. Kailangang meron na tayong sapat at magandang ideya o ano nga ba ang
dapat na ilagay sa ating presentasyon na angkop sa ating paksa.
3. Gumawa ng nakakaakit na pamagat sa p nakakaakit na pamagat sa
paksang napili para maging g napili para maging interisado ang ating mga
studyante sa diskusyon.
4. Magsalaysay ng isang kwento, Ang mga kwento ay mas kaakit-akit kaysa
sa katotohanan dahil ito’y nakakaaliw para sa atin. Ang pagkukwento ay
nakakakuha at nakakapagpanatili ng atensyon. Natutulungan nito ang
tagapakinig na maintindihan at maaalala ang mga salita maging kahit
hanggang matapos na ang kwento. Sa halip na itanghal ang iyong gawa
na puro lamang serye ng mga facts (budgets, figures, breakdowns) na
talagang makakapagpabagot kahit na sa mga pinakamababait na tao, i-
ayos ang iyong mga facts sa isang istorya.
5. Magtanong sa mga Mahahalagang Sandali, Ang mga pahayag ay tunog
karaniwan at madaling asahan. Lalung-lalo na sa isang presentasyon.
Sapagkat ang presentasyon ay binubuo ng serye ng mga pahayag na
pinagtagpi-tagpi, ang pagbibigay ng isa pang pahayag ay malamang hindi
makakaintriga sa mga tagapakinig-kahit na gaano pa ito katangi-tangi.
6. Ugaliing Magpatawa, Ang katatawanan ang nagpapaikot sa mundo. At
totoo rin ito sa mundo ng pagnenegosyo. Sa dulo ng araw, walang
gustong makipagtrabaho sa isang bugnot na tao. Kaya naman kahit na
ikaw ay nagpipresenta sa harap ng isang “seryosong” kliyente o
namumuhunan, tandaang gumamit ng mga pampasigla sa iyong
presentasyon. Hindi naman ibig sabihin nito ay kailangan mo magbiro sa
lahat ng pagkakataon. Ibig sabihin lamang nito ay maging masigla,
masiyahin at kaiga-igaya.
7. Disenyuhan ang PowerPoint upang Makapanghikayat, Hindi
Makagambala. Disenyuhan ang PowerPoint ng may layunin. Hindi isang
PowerPoint na pupunuan lamang ang pader sa iyong likod. O isang
PowerPoint na inuulit ang iyong presentasyon sa bullet-point format. Ang
mga ganitong uri ng PPT ay walang silbi. Ang gusto mong gawin sa halip
ay gumawa ng isang PowerPoint na nagpapatingkad ng iyong
presentasyon. Na kumukumpleto dito bilang isang salaysay. Ibig sabihin
nito ay pagpili ng isang PowerPoint presentasyon design na tunay na
akma sa iyong paraan ng pagsasalaysay. Ang mga magaling na ideya sa
pagpipresenta ay madaling matalo ng bara-barang disenyo. Kailangan mo
ng slides na nagpapakinang sa iyong mga makabagong ideya. At ibig
sabihin din nito ay paggamit ng mga kasabihan, mga pangunahing
parirala, at iba pang mga elementong biswal na sumusuporta at
nakakapagpapaunlad, at hindi nakakasapaw sa panghihikayat ng iyong
pagpepresenta.
8. Huwag Magbasa Mula Sa Iyong Mga Slides. Ang pagbabasa mula sa
isang slide na nakikita naman ng lahat sa silid (at kaya namang mabasa
ng bawat isa) ay nakakabagot at nakakapagpamukha na hindi ka handa.
Ang iyong PowerPoint ay hindi nariyan para ipaalala sa iyo ang mga
kailangan mong sabihin, bagkus ay uoang tulungan ang iyong mga
tagapakinig na lalong maintindihan ang puntong inihahayag mo. Kapag
nagbabasa ka mula sa iyong PPT presentation, ang mga tagapakinig mo
ay di maiiwasang magbasa na rin. At napag-alaman nang ang mga isip
natin ay nagliliwaliw 20 – 40% ng panahon habang nagbabasa. Ibig
sabihin nito, habang ika’y nagbabasa ng slides, ang iyong mga
tagapakinig ay nagagambala at nagiisip kung naiwan ba nila ang
plantsang bukas o di kaya namay kung anong kakainin nila sa hapunan.
At hindi iyon ang gusto mong maisip nila!
9. Gumamit ng mga Visuals upang Ilapat ang mga Ideyang Mahirap
Unawain Kung hindi mo kayang gumamit ng milyun-milyong bullet points
upang i-buod ang iyong presentasyo sa iyong mga slides, ano dapat ang
nilalaman ng iyong mga slides? Mga visuals! Maraming, maraming
visuals! Mga graphs, talaan at mga pie na nagpapakita ng iyong punto at
tumutulong bigyang-diin ang mga ito, Magsama rin ng mga larawan na
magiiwan ng epekto sa mga tagapakinig at tutulong sa diwa ng iyong
argumentong hindi agad makalimutan.
10. Gawing Personal ang mga Halimbawa. Isa pang malikhaing ideya sa
pagpepresenta ay i-personalize ang iyong talumpati para sa mga piling
tagapakinig sa bawat pagkakataon. Maging isang inaasahang kliyente,
isang tagapakinig sa isang pagpupulong, o isang maaaring maging
mamumuhunan, maaari mong ayusin at i-personalize ang karanasan ng
iyong presentasyon para sa spesipikong mga tagapakinig. Magbigay ng
mga halimbawa sa iyong presentasyon na nakakahikayat sa iyong mga
tagapakinig at ipakita mo kung paano sila makikinabang sa iyong
solusyon. Maaaring walang pakialam (o iniisip nilang wala silang
pakialam) sa iyong solusyon o talumpati kung puro lamang ito
pagsasalaysay. Ngunit sa sandaling maisip ng mga tao na may mga
bagay na maaaring tuwirang makaapekto at makapagbigay pakinabang
sa kanila ng personal, magsisimula na silang making. Ipakita mo sa iyong
mga tagapakinig ang tuwirang epekro ng iyong presentasyon sa
pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa iyong mga halimbawa, at
makukuha mo agad ang buo nilang atensyon at pagsikapan mo na
makuha ang kalahati ng daan patungo sa kanilang oo!

You might also like