You are on page 1of 3

Nobyembre 14, 2022

Lunes
Grade 9- Sincerity 7:15- 8:15 am
Grade 9- Faithfulness 1: 00-2: 00 pm
Grade 9- Orderliness 2: 00- 3: 00 pm

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Ikalawang Markahan
Aralin 2 Mga Akdang Pampanitikan ng Silangang Asya
Aralin 2.1: Tanka at Haiku ng Japan

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


1. Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng Tanka at
Haiku
Layunin:
1. Natatalakay ang mga Uri ng Ponemang Suprasegmental
2. Nabibigyang pagpapahalaga ang paggamit ng mga ponemang suprasegmental sa pagsulat ng
tula.
3. Natutukoy ang kahulugan ng mga salita o pahayag batay sa Uri ng Ponemang
Suprasegmental na ginamit.

Nilalaman:
A. Paksa: Uri ng Ponemang Suprasegmental
B. Sanggunian: Panitikang Asyano pahina 96-97
C. Kagamitan: Power Point Presentation, Activity Sheet

I. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan (Salita ng Araw)
2. Balik- Aral
3. Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Ano ang tinutukoy na kahulugan ng salitang BUHAY kung ang diin ay nasa unang pantig?
A. kapalaran ng tao C. Kaginhawaan ng tao
B. Huminhinga pa D. Kapalaran ng tao
2. Alin ang tamang ilustrasyon ng tono ng intonasyon na angkop sa pagbigkas ng salitang

MAMAYA, na may kahulugang pag-alinlangan?

3. Sobrang sakit sa _________ ang mawalan ng mahal sa buhay.


A. pu:SO B. PU:so C. pu:so D. PU:SO
4. Tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat ng
kahulugan ng pahayag.
A. Tono/Intonasyon B. Antala C. Diin D. Haba
5. Ito ay nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap.
A. Tono B. Diin C. Haba D. Intonasyon
4. Pagganyak:
Magbigay ng mga salitang iisa ang paraan ng pagbabaybay ngunit magkakaiba ang
kahulugan.

B. Paglinang ng Aralin
1. Gawain (Activity)
a. Paglalahad ng Aralin: Power Point Presentation
 Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa Tatlong Uri ng Ponemang
Suprasegmental

2. Pagsusuri (Analysis)
 Talakayin
1. Ibigay ang tatlong uri ng ponemang suprasegmental.
2. Ano ang diin?
3. Ano ang tono?
4. Ano ang antala?
3. Paghahalaw at Paghahambing (Abstraction and Comparisson)
1. Magbigay ng halimbawa sa bawat uri ng ponemang suprasegmental.
 Diin
 Tono
 Antala

4. Paglalapat (Application)

Gawain Bilang 4 (Pangkatang Gawain)


Salita ko, Ipasa mo hanggang sa dulo
Panuto: Ang mga mag- aaral ay hahatiin sa limang grupo. Bawat grupo ay magkakaroon lider
na siyang kukuha ng salita na nakasulat sa isang papel na siyang pagpapasa- pasahan ng mga
mag- aaral hanggang sa makarating sa dulong mag- aaral na siyang magsusulat ng tamang
paglalapat ng diin sa salita sa isang kapirasong papel at ibibigay sa guro. Ang unang grupong
makakapagbigay sa guro ng papel ay siyang panalo, ngunit kinakailangang tama ang
paglalapat ng diin sa salita depende sa kahulugan nito. Bawat panalo ay may katumbas na 5
puntos.

Halimbawa:

Paso- burn
Tamang baybay- PA:so

Paso- pot
Tamang baybay- pa:SO

II. Pagtataya
Panuto: Isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang baybay subalit magkaiba ang
bigkas.
1. /SA:ka/- _______________________________
/sa:KA/- _______________________________
2. /BU: hay/- _____________________________
/bu:HAY/- _____________________________
3. /LA: bi/-________________________________
/la:BI/- _________________________________
4. /TA:la/- ________________________________
/ta:LA/- ________________________________
5. /PI:to/-_________________________________
/pi:TO/- _______________________________

III. Kasunduan (Takdang- Aralin)


Basahin ang pabula mula sa bansang Korea na “Ang Hatol ng Kuneho”.

Prepared by: Checked by:

Michaella L. Amante Luisa D. Vispo


Guro sa Filipino Head Teacher I

Noted by:

Marites O. Miranda
Principal III

You might also like