You are on page 1of 6

TRINITY CHRISTIAN SCHOOL

Villa Angela Subdivision, Bacolod City


Accredited Level 2 by ACSCU-ACI Certified by FAAP
Junior High School Department, SY 2021-2022

School BACOLOD TRINITY Grade 7


GRADE 7 CHRISTIAN SCHOOL INC.
LESSON PLAN Teacher ADELYN C. DEQUINA Subject Filipino
Date/Time March 22, 2022/1:00pm Quarter 4th

I. OBJECTIVE (Layunin) Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa


binasa.
(F7PB -IVc - d -22)

Nagagamit sa pangungusap ang mga salitang ginamit sa akda.

Napagkasunod-sunod ang mga pangyayari sa akdang binasa.

Nasusuri kung wasto o di wasto ang mga pangyayari batay sa akdang


binasa.
A. CONTENT STANDARD Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna
bilang isang obra maestra sa Panitikang Pilipino.
(Pamantayang Nilalaman)
B. LEARNING Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa
COMPETENCY binasa.

(Pamantayan sa Pagkatuto)
Code: (F7PB -IVc - d -22)
II. NILALAMAN Ang Pagtungo at Mga Hamong Kinaharap ni Don Juan sa Reyno de
los Cristales
III. KAGAMITANG Laptop, larawan, powerpoint presentation
PANTURO
SANGGUNIAN
1. K to 12 Gabay Pahina. 146-148
Pangkurikulum FILIPINO
2. FILIPINO MELCs Pahina. 228
3. Ikalawang Edisyon: Pahina. 582-656
Pinagyamang Pluma 7

IV. PAMAMARAAN
A. Activity (Aktibiti/Gawain)
● Panalangin

1.) Balik-Aral:
a.) Tungkol saan ang ating klase noong nakaraang linggo?

2.) Pagganyak: Hulaan ang mga larawang ipapakita.

“NAME IT TO WIN IT”


TRINITY CHRISTIAN SCHOOL
Villa Angela Subdivision, Bacolod City
Accredited Level 2 by ACSCU-ACI Certified by FAAP
Junior High School Department, SY 2021-2022

PAGLALAKBAY
a a l k b y
p

PAGSUBOK

g s b o
P

NAPAGTAGUMPAYAN

n pa t gu pa a n

3.) Paglalahad: Ang ating pag-uusapan ngayong hapon ay ang Aralin 5 na bahagi ng koridong Ibong
Adarna na tungkol sa Ang Pagtungo at Mga Hamong Kinaharap ni Don Juan sa Reyno de los
Cristales.

A. Pagpapakilala sa mga Tauhan: Kilalanin natin ang mga tauhan sa bahagi ng koridong Ibong
Adarna, Ikalimang Aralin: “Ang Pagtungo at Mga Hamong Kinaharap ni Don Juan sa Reyno de los
Cristales.”

DON JUAN

MATANDA

ERMITANYO
TRINITY CHRISTIAN SCHOOL
Villa Angela Subdivision, Bacolod City
Accredited Level 2 by ACSCU-ACI Certified by FAAP
Junior High School Department, SY 2021-2022

AGILA

DONYA MARIA

HARING
SALERMO

A. Pag-alis ng sagabal: Bago tayo tumungo sa ating aralin, alamin natin ang kahulugan ng mga salitang
ginamit sa akda at gamitin ito sa pangungusap. Ayusin ang mga ginulong letra upang maibigay ang
hinihinging kasagutan.

“SCRAMBLE WORDS: BUOIN MO AKO”

SALITA LARAWAN KAHULUGAN

PARANG DUMANHA
(DAMUHAN)

BALMAK
LIBIS
(LAMBAK)

NABATID LAMANAN
(NALAMAN)

PAKAY NOLAY
(LAYON)

BARO TAMID
(DAMIT)

SAKDAL BAROS
(SOBRA)
B. Analysis (Pagtatalakay) ➔ Isasalaysay ng guro at mga mag-aaral ang korido at
tatalakayin ito nang mabuti upang mas lalong maintindihan.
TRINITY CHRISTIAN SCHOOL
Villa Angela Subdivision, Bacolod City
Accredited Level 2 by ACSCU-ACI Certified by FAAP
Junior High School Department, SY 2021-2022

(Babasahin ng guro ang unang talata at ipapaliwanag.)

Sinunod ni Don Juan ang payo ng Ibong Adarna na siya ay magtungo


sa Reyno de los Cristales. Tatlong taon siyang naglakad sa mga
parang at kagubatan upang hanapin ang kahariang ito. Sa libis ng
isang bundok ay nakita niya ang isang matandang humingi sa kanya
ng pagkain. Nabatid ng matanda ang pakay ni Don Juan. Pinayuhan
ng matanda si Don Juan na magtungo sa isang bundok kung saan
niya matatagpuan ang isa pang ermitanyo.

(Ang estudyante ang magbabasa ng ikalawang talata at ito ay


ipapaliwanag ng guro.)

Tumungo ang binata sa bundok at agad naman siyang tinanggap at


tinulungan matapos nitong makita ang kapirasong baro na ipinadala
sa kanya ng matandang sugatan. Ipinatawag ng matanda ang lahat ng
hayop sa kaniyang nasasakupan at sila ay tinanong kung sa kanilang
paglilibot ay nakita na ba nila ang kaharian ng Cristalinos. Ngunit isa
man sa kanila ay walang nakababatid sa kahariang hinahanap ng
binata.

(Ang estudyante ang magbabasa ng ikatlong talata at ito ay


ipapaliwanag ng guro.)

Dahil dito, ipinahatid ng matanda sa Olikornyo si Don Juan sa bahay


ng kanyang kapatid na nasa ikapitong bundok. Ipinatawag din ng
ermitanyo ang mga ibon sa kanyang lugar at bawat isa ay nagsabing
di nila nalalaman ang Reyno de los Cristales. Hanggang sa dumating
ang agila na nahuli sa pagdating galing sa malayong paglalakbay.
Ang agila'y nag-ulat na siya ay nanggaling sa kahariang hinahanap ni
Don Juan.

(Ang estudyante ang magbabasa ng ikaapat na talata at ito ay


ipapaliwanag ng guro.)

Sakay ng agila ay tinungo ni Don Juan ang Reyno de los Cristales at


dito ay natagpuan niya si Donya Maria na sakdal nang ganda.
Umibig kaagad ang binata sa dalaga. Labis ding inibig ni Donya
Maria ang binata. Itinuro ng dalaga sa binata kung ano ang dapat
niyang gawin kapag siya ay humarap sa ama nitong si Haring
Salermo. Sa tulong ng kapangyarihan ni Donya Maria ay
napagtagumpayan ng binata ang lahat ng pagsubok na ibinigay sa
kanya ng ama ng dalaga.
C. Abstraction (Paglalahat) PAGSUNOD-SUNOD NG MGA PANGYAYARI:

 Sinunod ni Don Juan ang payo ng Ibong Adarna na siya ay


magtungo sa Reyno de los Cristales.
 Sa libis ng isang bundok ay nakita niya ang isang matandang
humingi sa kanya ng pagkain.
 Ipinatawag ng matanda ang lahat ng hayop sa kaniyang
nasasakupan at sila ay tinanong kung sa kanilang paglilibot
ay nakita na ba nila ang kaharian ng Cristalinos.
 Ang agila'y nag-ulat na siya ay nanggaling sa kahariang
hinahanap ni Don Juan.
 Sakay ng agila ay tinungo ni Don Juan ang Reyno de los
Cristales at dito ay natagpuan niya si Donya Maria na sakdal
TRINITY CHRISTIAN SCHOOL
Villa Angela Subdivision, Bacolod City
Accredited Level 2 by ACSCU-ACI Certified by FAAP
Junior High School Department, SY 2021-2022
nang ganda.

D. Application (Paglalapat) SAGUTAN ANG MGA TANONG:

Batay sa tinalakay natin mayroon tayong mga katanungan na


dapat sagutin.

1.) Kagaya sa pagsunod ni Don Juan sa payo ng Ibong Adarna,


nagawa mo na rin bang sumunod sa payo ng iyong mga
magulang?

2.) Bakit sa tingin mo mahalagang sumunod sa payo ng mga


magulang o mas nakaaalam?

3.) Masasabi mo bang naging matagumpay si Don Juan sa


pagharap ng kaniyang kagustuhan na makapunta sa Reyno de
los Cristales? Ikaw ano ba ang pagsubok na iyong
napagtagumpayan?

4.) Paano mo haharapin ang mga hamon na iyong mararanasan


sa buhay?

V. ASSESSMENT PAGSUSULIT #1 (THUMBS UP, THUMBS DOWN)


(Pagsasanay)
Panuto: Suriin kung wasto o di-wasto ang mga pangyayari batay sa
akdang binasa. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. Iguhit
ang kung ang pangungusap ay tama at kung mali.

______1. Hindi sinunod ni Don Juan ang payo sa kaniya ng Ibong


Adarna na siya ay magtungo sa Reyno de los Cristales.
______2. Pinayuhan ng matanda si Don Juan na magtungo sa isang
bundok kung saan niya matatagpuan ang isa pang ermitanyo.
______3. Ipinahatid ng matanda sa Olikornyo si Don Juan sa bahay
ng kanyang kapatid na nasa ikapitong bundok.
______4. Dumating ang lobo na nahuli sa pagdating galing sa
malayong paglalakbay.
______5. Sa tulong ng kapangyarihan ni Donya Maria ay
napagtagumpayan ng binata ang lahat ng pagsubok na ibinigay sa
kanya ng ama ng dalaga.

PAGSUSULIT #2 (SEQUENCE OF EVENTS)

Panuto: Ayusin ang mga pangyayari sa akda ayon sa tamang


pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1
hanggang 5 sa patlang.
______1. Ang agila'y nag-ulat na siya ay nanggaling sa kahariang
hinahanap ni Don Juan.
______2. Sinunod ni Don Juan ang payo ng Ibong Adarna na siya ay
magtungo sa Reyno de los Cristales.
______3. Sakay ng agila ay tinungo ni Don Juan ang Reyno de los
Cristales at dito ay natagpuan niya si Donya Maria na sakdal nang
ganda.
______4. Ipinatawag ng matanda ang lahat ng hayop sa kaniyang
nasasakupan at sila ay tinanong kung sa kanilang paglilibot ay nakita
na ba nila ang kaharian ng Cristalinos.
TRINITY CHRISTIAN SCHOOL
Villa Angela Subdivision, Bacolod City
Accredited Level 2 by ACSCU-ACI Certified by FAAP
Junior High School Department, SY 2021-2022
_____5. Sa libis ng isang bundok ay nakita niya ang isang matandang
humingi sa kanya ng pagkain.

V. REMARKS
Takdang-aralin: Basahin ang Aralin 6 ng Ibong Adarna.
VI. REFLECTIONS Lahat ng tao sa mundo ay nakaranas ng matinding suliranin sa buhay,
pero nasa atin lang kung paano natin harapin ang matinding suliranin
na ito, gaanu man ito kahirap ay kailangan parin nating maging
matatag at lagi tayong manalig sa Panginoong Diyos dahil hindi niya
tayo pababayaan. Ika nga sa (1-Corinto 10:13) “Wala pang pagsubok
na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng ibang tao. Tapat ang
Diyos, at hindi niya ipapahintulot na kayo’y subukin nang higit sa
inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya
kayo ng lakas upang makayanan ito at ng paraan upang
malampasan ito.”
OBSERVER/S MIKEE BABE G. PALOMATA, MARY ROSE A. BAÑAS
Date: March 29, 2022
Name: ADELYN C. DEQUIÑA

You might also like