You are on page 1of 1

Paninindigan ng isang Kabataan

Magandang hapon mga ginoo at binibini, ito po ang aming talumpati para sa paninindigan ng isang
kabataan.

Ano nga ba ang paninindigan o tungkulin ng isang kabataan?

Kaya naman ngayon ay nais kong ipaalam sainyo ang paninindigan ng isang kabataan. Bilang isang
kabataan kailangan nating gawin ang ating tungkulin at dapat gawin kase tayo ang pag-asa ng bayan na
sinabi ni Jose rizal, hindi ko alam bakit niya sinabi yon pero sana tayo talaga, dahil sa atin nakasasalalay
ang kinabukasan ng bayan kaya naman kailangan nating seryosohin ang ating kilos, pwede namang hindi
ganon ka seryoso at ka komplikado pero kailangan nating umayos para sa kinabukasan ng ating bayan at
bilang isang kabataan.

Kaya naman ang pagrerelasyon ay ipagsawalang bahala muna, oo nga't mahal mo siya, sabihin na rin
nating mahal ka niya pero mas mahal ang tuition fee kaya mag-aral muna tayo.

Dahil sa panahong ito ang tuition fee ay mahal na kaya naman kung gusto mo makapasok sa magandang
paaralan at matuto ng maayos, kailangan nating mag-aral ng maayos

Kaya naman pag nakatapos na tayo sa pag-aaral dito na magsisimula ang paniniwala ni rizal na hindi
sigurado dahil nag-aalinlangan ang mga kabataan, dahil karamihan sa kabataan ngayon ay walang tiwala
sa sarili at kulang sa kumpiyansa na nagbunga ng negatibong pag-iisip. Kaya naman kung gusto nating
maibigay ang paniniwala ni rizal, kailangan nating magtiwala sa ating sarili at magbigay ng kumpiyansa
dahil sa huli naman ay ang sarili lang din natin ang ating kakampi at wala ng iba pa.

Balik tayo sa reyalidad sa panahon ngayon, May mga pangyayari pa ba na tama sa mga Paninindigan ng
isang kabataan ngayon o nakukuha na ng negatibong pagpapakita ng kahinaan ng loob sa kabataan
ngayon? Sa tingin niyo, Totoo pa bang ang kabataan ay pag-asa ng bayan? O ang kabataan ay sisira sa
ating bayan.

You might also like