You are on page 1of 7

1

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9


Activity Sheet No. 6.2
First Edition, 2020

Published in the Philippines


By the Department of Education
Region 6 – Western Visayas

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.

This Learning Activity Sheet is developed by DepEd Region 6 – Western Visayas.


ALL RIGHTS RESERVED. No part of this learning resource may be reproduced or
transmitted in any form or by any means electronic or mechanical without written permission
from the DepEd Regional Office 6 – Western Visayas.

Development Team of EsP Activity Sheet

Writer/s: Ruby Rose Bolves

Illustrator/s: Eldiardo E. de la Peña

Layout Artist/s: Antonio O. Rebutada

Schools Division Quality Assurance Team:


Claudia T. Villaran
Gethel A. De Guzman
Jona S. Demaraye
Marineth I. Villena
Division of Escalante City Management Team:
Clarissa G. Zamora, CESO VI
Ermi V. Miranda, PhD
Ivy Joy A. Torres, PhD
Jason R. Alpay
Alma C. Sinining
Regional Management Team
Ma. Gemma M. Ledesma,
Dr. Josilyn S. Solana,
Dr. Elena P. Gonzaga,
Mr. Donald T. Genine
Mirriam T. Lima

2
Introductory Message

MABUHAY!

Ang EsP 9 Learning Acivity Sheets na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod ng Bacolod sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6- Kanlurang Visayas at
sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Management Division. Inihanda
ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-
aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K
to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang
kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap
na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning Facilitator:

Ang EsP 9 Learning Acivity Sheet na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang
bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Para sa mga mag-aaral:

Ang EsP 9 Learning Acitivity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka,
na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon sa iyong paaralan,
pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto nga bawat gawain.

3
Learning Activity Sheets
Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:
Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

• Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan


batay sa pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas Moral. (Week 3b/ EsP9TT-
IIc-6.2)

PANIMULA

Nakatutuwang basahin ang isang tula mula kay Robert Fulghum na nagsasabi
na natutuhan na natin ang lahat ng kailangan nating malaman noong tayo ay
musmos pa lamang (All I Really Need To Know I Learned in Kindergarten). Tulad ng
huwag mandaya, huwag manakit ng kapuwa, maghugas ng kamay bago kumain,
matulog nang maaga, mag-ingat sa pagtawid, at iba pa. Ilan lamang ito sa kaniyang
mga binanggit at kung iisipin, sa dami ng mga ipinatutupad na batas, at sa mga
tungkuling dapat gampanan, gayundin sa dami ng mga sinasabi sa atin na dapat at
hindi dapat gawin, napakasimple lang naman ng utos sa tao: magpakatao, maging
makatao. Ngunit anong mga dahilan bakit kahit marami sa mga tao ang
nauunawaan ang mga utos na ito, marami din ang nabibigong sundin ito? Sa mga
naunang modyul partikular sa pagtalakay tungkol sa lipunan at kabutihang panlahat,
na ang bawat isa sa atin ay bahagi ng kabuuan ng lipunan. Lahat ay nararapat
magpasakop at maging tagasunod sa mga lider na siyang binigyan ng
kapangyarihang mamahala at mamuno nang maayos.
Narinig mo na ba ang prinsipyong First Do No Harm (Primum non nocere) ng
mga manggagamot? Sinasabi nitong ang unang layunin ng mga manggagamot ay
hindi makapagdulot ng higit pang sakit. Negatibo man ang pagkakasabi, at hindi
positibo gaya ng “Magbigay lunas”, positibo ang nais sabihin nito: laging may
pagnanais na makapagpagaling at iiwasan ang lahat ng malapagpapalala ng sakit o
makakasama sa pasyente.
Paniniwala ng pilosopong Sto. Tomas de Aquino: lahat ng tao ay may
kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan.

4
Para sa pilosopong si Max Scheler, ang pag-alam sa kabutihang ito ay hindi lamang
gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam. Ninasa
ng tao ang mabuti; hindi ang masama. Walang sinuman ang magnanais na
mapasama siya.
Paano ko nalaman kung ano ang mabuti at ano ang masama? Itinuro ito sa
atin ng ating mga magulang. Nakuha natin sa mga kapitbahay, napanood sa
telebisyon, nabasa o narinig. Ang nakakamangha dito ay sa dami ng ating mga
narinig o nalaman, may maliit na tinig pa rin ng kasiguraduhan sa ating loob na
nagsasabi sa ating kung ano ang mabuti.

MGA SANGGUNIAN

1. Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9, pp. 65 – 78.


2. https://www.slideshare.net/mobile/sirarnelPHhistory/esp-9modyul-5

MGA GAWAIN

A. Mga Panuto Batay sa Sanggunian

1. Basahin ang Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9,pp.65 -78.


2. Maghanda ng isang cartolina, marker at pangkulay.

B. Pagsasanay/Aktibidad

1. Makipag-usap sa magulang at alamin ang mga mahahalagang “utos” o


“batas” para sa mga kabataan sa loob ng tahanan.
2. Suriin ang mga mahahalagang “utos” o “batas” na ito. Pumili ng isa at
gumawa ng poster na nagsasaad nito. Gawin ito sa inihandang cartolina.
3. Maging malikhain sa paggawa ng poster.
4. Isulat sa ibaba ng poster ang rason kung bakit iyon ang isa sa
pinakamahalagang “batas”o “utos” ng iyong magulang.
5. Ipaskil ito sa dingding ng iyong kuwarto.

5
HALIMBAWA:

Ang paggamit ng “PO” at “OPO” sa pakikipag-


usap sa mga nakakatanda ay isa sa
pinakamahalagang” utos o batas ng aking mga
magulang dahil isa itong gawain na nagpapakita
ng pagrespeto ko sa kanila.

C. Mga Batayang Tanong


Sagutan ang mga katanungan at isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang nararamdaman mo habang nakikipag-usap sa iyong magulang?
2. Sumasang-ayon ka ba sa mga “utos” o “batas” na ito ng iyong magulang?
Bakit?
3. Gaano ka kalapit sa pagtupad sa hinihingi ng iyong magulang?
4. Ano pa ang kailangan mong gawin upang maging isang mapanagutang
kabataan?
5. Ilarawan ang kaugnayan ng mga ‘utos” o “batas” na ito sa Likas na Batas
Moral?
D. Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik

PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG POSTER

Nilalaman - 10 puntos

Pagkamalikhain sa Paggawa - 5 puntos

Kalinisan at Kaayusan ng Gawa - 5 puntos


Orihinalidad - 5 puntos
(Sariling gawa at walang pinagtularan)
KABUUANG PUNTOS - 25 puntos

6
7
B. Mga Halimbawa ng “Utos” o “Batas” ng magulang
1. Umuwi ng maaga sa bahay. Huwag magpagabi sa labas.
2. Tumulong sa mga gawaing-bahay.
3. Paggamit ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda.
4. Magmano sa magulang at nakatatanda.
5. Magpaalam kung saan pupunta bago umalis ng tahanan.
C. Mga Batayang Tanong:
1. Masaya, dahil nakakwentuhan ko ang aking magulang.
2. Opo, dahil ito ay makabubuti sa akin.
3. Sinusunod ko nang bukal sa puso ang “utos” o “batas” ng aking magulang.
4. Ipakita ang pagmamahal sa magulang at sumunod sa batas o mga panukala ng ating lipunan.
5. Ang mga “utos” o “batas” na ito ay para sa ikabubuti ng lahat. Tayo ay mailayo sa kapahamakan at magkakaroon ng
katiwasayan sa loob ng tahanan at ng ating komunidad.
.
SUSI SA PAGWAWASTO
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Bilang mag-aaral, mahalaga ba para sa iyo ang paksang-araling ito? Bakit?
REPLEKSIYON
mensahe mensahe
nilalaman ng mabisa ang mensahe
nang mabisa ang naipahayag ng naipahayag ang
Hindi naipahayag Hindi gaanong Mabisang nilalaman
ginamit pagbubuo
mga salitang angkop at wasto ginamit sa
at hindi wasto ang ginamit na hindi ang mga salitang
Walang kaugnayan May ilang salitang Angkop at wasto pagkakabuo
5 10 15
PAMANTAYAN SA PAGSAGOT SA MGA TANONG:

You might also like